I know, sorry for the late update. Medyo busy lang with work and may ilang bagay lang inasikaso.
Comment naman kayo, please. I also need insights para naman alam ko kung nagugustuhan niyo ba itong story o hindi. Let me know your thoughts. :)
Thank you! :)
--
Chapter
6
“Nalintikan
ka na nga,” ang tanging reaksyon ko na lamang matapos kong ma-realize na talaga
ngang si Marco, si Marco Carolino, na dati kong bestfriend noong High school,
na bigla na lamang akong iniwan at umalis, ay nagbalik na. Under normal
circumstances ay lubusan akong matutuwa dahil naman talagang na-miss ko siya,
but the fact that we ended on a bad note…well, let’s just say that I am not
really happy to see him.
At
lecheng tadhana nga naman ito, kung kailan nagsisimula na akong maka-recover
mula sa pagkamatay ni Ethan, at saka naman ako guguluhin ng gagong ito. Kilala
ko si Marco hanggang sa kadulu-duluhan ng mga daliri niya—hindi siya titigil
hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam kong nandito lamang ito para
guluhin ang buhay ko.
“Hmm,
paano kaya siya nakapasok dito? Lalo na sa class natin?” mahinang bulong ni
Luke na tipikal na rito. Una niya munang inaanalyze ang mga impormasyon sa
isang sitwasyon bago pairalin ang kanyang emosyon o magreact man lang. Kaya
pwede ‘tong abogado, eh. “Hindi ko rin alam, Lu. Wala naman siyang pre-req,”
mahinang sagot ko sa kanya. “Ano bang gusto niya?” medyo iritableng komento
niya. Noong mga panahon kasing magkakaibigan kami ay for some reason ay takot
itong si Luke kay Marco dahil sa madalas na pang-aalaska ng huli sa kanya.
“Mr.
Carolino, would you mind introducing yourself to the class? I understand that
you made special arrangements para makapasok ka dito as a third year student,
and so that your classmates could get to know you better. If you don’t mind?”
paanyaya ng professor namin na siyang nakapukaw ng atensyon ko. Narinig ko ang
mga yabag ng paa na naglalakad papalapit sa harap ng classroom. Hindi ko
maiwasang manginig nang maamoy ko ang pabango niya.
Hanggang
ngayon ‘yung bigay ko pa rin ang ginagamit niya, sabi ko sa sarili ko.
At
doon ko na nga siya tuluyang napagmasdan. Magta-tatlong taon na rin simula
noong huli ko siyang nakita, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwawaksi
sa kanya ang kagwapuhang taglay niya. Halata ang mataas na itinangkad nito at
ngayon ay tuluyan ng may porma ang katawan niya. Ngunit ng mas nakakatuwa ay
ganoon pa rin ang gupit at ang ayos ng buhok niya – simple ngunit nakataas ang
bangs gamit ang wax. Lalaking-lalaki pa rin ang dating.
Nang
magtama ang mga mata namin ay doon ko bigla-biglang naramdaman, doon biglang
nagbalik ang isang emosyon na nakalaan para kay Marco na akala ko ay matagal ko
nang naibaon.
Galit.
Doon
ko naalala kung paano niya ako ipinagtabuyan, kung paano niya binalewala lahat
ng mga pinagdaananan naming nang malaman niya ang pagtingin ko sa kanya. Doon
ko nakita sa kanya ang galit, ang pagkalito, pagkalungkot, at maging ang
pandidiri patungo sa akin. Hindi ko maiwasang gustuhing maiyak ngayon dahil sa
mga alaalang ibinaon ko na siyang isa-isang nagsisibalik.
“Good
afternoon, everyone.” panimula niyang bati sa lahat, ngunit napansin kong hindi
niya tinanggal ang pagkakatitig niya sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at
maging ako ay nakipaglaban ng titigan sa kanya. “I am Marco Antonio Carolino,
but tawagin niyo na lang akong Marco. Uhm, I came from London, and have studied
there for two years, but eversince naman dito na ako nag-aral at lumaki. Pyschology
rin ang kinukuha ko doon and I thank the admin dahil pinayagan nila ako ditong
mag-enroll nang hindi nade-delay. And, uh, I guess that’s it. Sana maging
kaibigan ko kayong lahat,” Simple at kaswal nitong pagpapakilala sa lahat
habang nakatingin pa rin sa akin.
“If
you don’t mind, Mr. Carolino... why did you decide to go back here and bakit
dito sa school na ‘to?” pagsingit ni prof.
“That’s
a good question po. I came back because… mas gusto ko dito sa Pinas. My heart
is not in London,” pagsagot nito sa tanong ng professor namin. At dahil doon ay
hindi ko maiwasang lalo pang mainis sa taong nasa harap ko.
“Interesting. Sige, you may take your seat.
Let’s start the semester!” si prof.
“Kyle…
‘yung kamay mo. Baka masira mo ‘yung ballpen mo.” nag-aalalang pahayag ni Luke
na siyang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Doon ko narealize na kanina pa
pala ako nagpupumiyos sa galit na pati ang paghinga ko ay pinipigilan ko na.
--
Natapos
ang klaseng wala kahit ni isa mang sinabi ng professor ang natandaan ko. Tumayo
na kaming apat at nagsimulang maglakad papunta sa pinto palabas ng classroom.
Sa gilid ng paningin ko ay nakikita kong may isang taong hindi pa rin umaalis
sa may bandang likod ng classroom.
Bumuntong-hininga
ako at nilingon siya sa direksyon niya.
Ang
unang reaksyon niya ay isang bagay na hindi ko inaasahan mula sa kanya. Ang
buong akala ko ay ngigisi ito na parang asong ulol, na parang isang tao na may
binabalak na masama, na maghiganti. Ngunit ay ngumiti ito, at hindi lamang
basta ngiti—isang masayang ngiti. Buhay na buhay ang mga mata niya at tila abot
hanggang tenga ang pagkakangiti ng kanyang labi.
Naglakad
ito papunta sa amin at ginawa ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
Naramdaman
ko na lamang ang mga yakap ni Marco sa buong pagkatao ko na siyang
nakapagpatulala at nakapagpatigil sa akin. Sa oras na nagtama ang mga katawan
namin, ang mga balat namin, tila ba nakaramdam na naman ako ng isang pamilyar
na emosyon—isang hindi ko pa nararamdaman sa mahabang panahon.
At
iyon lamang ang kinailangan ko para kumalas mula sa yakap niya at itulak siya
palayo.
“Ano,
Kyle? Hindi ka ba masaya na bumalik na ako? Nandito na ako, bakit parang galit
ka? Ang saya-saya ko kasi nandito ka na ulit,” inosenteng pahayag nito nito and
I swear, it can only take too much para hindi ko siya sapakin kaya naman
pwersahan ko na lamang hinila si Luke palabas ng classroom. “Benj, Janine!
Labas na tayo,” pagalit kong utos sa dalawa na hindi lamang sila tinitingnan.
--
Wala
akong sinabi na kahit ano kay Janine at Benj tungkol sa nakaraan namin ni Marco
dahil ayoko ng maging mas kumplikado pa ang mga bagay-bagay. Seeing him back
was enough of a surprise at ayoko ng pahirapan ang sarili kong magkwento sa mga
kaibigan ko kung bakit tila may hindi maipaliwanag akong galit sa bago naming
kaklase.
Hindi
na rin ako nagulat sa pagsama nito sa aming maglunch na siyang dahilan kung
bakit hindi ako nakakain ng kahit ano.
“Wah,
babe ang cute cute talaga ni Marco, baka makapagtaksil ako sa’yo ng di oras!”
pahayag ni Janine kay Benj habang kumakain kami matapos ang aming klase. Hindi
ko alam kung maiinis ba ako kay Janine o hindi dahil siya ang dahilan kung
bakit kasama si Marco sa table namin ngayon. “Uy, loyal ako,” na sagot ni
Marco. Hindi ko maiwasang magulat dahil sa naging sagot niya. I guess sa
tatlong taon ay may nahanap na rin itong kasintahan.“Wow, babe. Grabe. Ang
sakit naman.” biro ni Benj na sanay na sanay na sa mga ganitong kabaliwan ni
Janine.
Ramdam
ko naman na patuloy lamang kaming nagpapakiramdamang tatlo ni Marco at Luke, at
oo, ramdam na ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa aming tatlo.
“Wow, loyal! So ibig sabihin may girlfriend ka na?” interesadong tanong ni Janine kay Marco.
“Wala, pero may gusto ako,” Nakangiting sagot nito.
“Ay shocks. How nice naman! So siya ba ‘yung
dahilan kung bakit ka bumalik ng Philippines?” si Janine pa rin.
“Siguro,”
sagot ni Marco.
“Opinion
ko lang naman… dapat kasi hindi ka na bumalik. Baka tahimik na rin ang buhay
niya at masaya na siya. Baka masira mo lang,” pasaring ni Luke na siyang
ikinagulat ko. Noong high school pa kami ay tila isang maamong tupa ito
pagdating kay Marco. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit tila takot na
takot ito sa kanya noon kahit magkausap lamang silang dalawa, kaya naman ngayon
ay nagulat ako sa ganitong pasaring niya.
Nahalata ko naman na naguluhan si Janine at
Benj sa sinabi ni Luke.
“Luke,
lahat ng mga tao nagkakamali. Pero kaya nga tayo binigyan ng pagkakataong
mabuhay para hangga’t maari ay may panahon tayo para itama o ituwid ‘yung mga
mistakes natin dati, ‘di ba?” sagot naman ni Marco dito. “Ikaw, Kyle? Don’t you
agree?” pagbaling nito sa akin.
Napatawa
na lamang ako ng mapait bilang tugon. Sa puntong iyon ay nagkatinginan kami ni
Janine at doon ko nabasa sa mga mata niya ang pagtatanong. I have a feeling na
pipilitin niya akong magkwento mamaya tungkol sa mga nangyayari. Alam kong
malakas ang pandamdam ng babaeng iyon at hindi magtatagal ay mafi-figure out
niya ang situation even on her own bago pa niya ako tanungin.
“Oo naman, pero hindi lahat ng tao deserve
ang second chance.” nang-iinis kong pasakali dito.
“Ah
eh… so Marco kilala mo si Kyle, no? After ng stat binati at niyakap mo pa nga
eh. So anong meron? I mean, paano kayo naging magkakilala?” tanong ni Benj na
obvious namang hindi na rin komportable sa tensyong namamagitan sa aming tatlo.
“Yes,
since grade one classmates na kami—bestfriends, in fact,” pagsagot ni Marco na
siyang pinabulaananan ko naman. “Hindi naman tayo ganong ka-close, to be
honest,” protesta ko na siyang ikinalungkot ng mga mata niya. Gayunpaman ay
hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting guilt sa mga sinabi ko.
“Ooh,
tension,” nakangising pang-aasar ni Luke.
“Ay
tama! Tama! Tubig! Tubig! Kailangan nating kumuha ng tubig. Halika, Kyle,”
biglang bulalas ni Janine at walang sabi-sabing hinila niya na lamang ako bago
pa ako makapagreact.
“Beh,
ano ba ‘yon? Bakit super tense ng pakiramdam ko sa inyong dalawa?” pagkompronta
sa akin ni Janine habang nirere-fillan kuno ang mga baso ng tubig sa may
drinking fountain ng canteen.
“Basta,”
medyo iritableng sagot ko.
“Nako,
basta kung anuman ang meron sa inyong dalawa ayusin mo ‘yan. Mukha namang
mabait ‘yung tao eh, niyakap ka pa oh,” paalala ni Janine. “Marami na din
nakapagsabi niyan, pero trust me, hindi mo siya kilala,” pagkontra ko dito.
Wala na naman siyang sinabi at imbes ay niyaya na lamang ako nitong bumalik na
sa kinauupuan naming lima.
“Uy
‘di ba iddrop-off pa natin ‘yung mga naiwan mong gamit sa bahay sa bago mong
dorm?” tanong ni Luke matapos kong makaupong muli. “Ay oo nga pala. Thanks for
reminding me. Pahatid na lang sa dorm tapos kahit ako na lang magbaba,” saad ko
rito. “Sige, sige. Kailangan ko rin kasing umuwi agad after class kasi dadating
sila mama,” sabi ni Luke. All the while ay nararamdaman ko ang mga mapanuring
mata ni Marco na siyang hindi ko na lamang binigyang-pansin.
“So
paano ka nga ba nakapasok dito?” tanong ni Janine kay Marco. “Hindi ba sinabi
mo na galing kang London?” dagdag pa nito.
“Uhm,
yes. Psych din ang tina-take ko doon. Siguro the fact na galing naman ako sa
isang international school na maayos, kaya siguro pumayag na ‘yung admin na
ilagay na rin ako sa third year,” sagot niya. “Which is really convenient for
me kasi gusto ko rin namang makatapos on time,” dagdag pa niya. “And I’m really
happy na nandito pala si Kyle. Akala ko wala akong magiging kakilala dito.
Maybe planado ang lahat,” makahulugang pagtatapos niya.
“Nagbibiro ka na naman. Malamang bago ka umalis alam mo na kung saan ako mag-aaral,” pambasag ko sa kanya. Matpos noon ay bigla akong nakaramdam ng isang matinding sakit sa paa ko. Parang takong ng sapatos.
“Aray!”
bulyaw ko. Tiningnan ko ng masama si Janine na siyang nakangiti pa na parang
wala siyang kinalaman o kinalaman sa nangyari.
“Okay
ka lang?” concerned na tanong ni Marco na siyang inirapan ko na lamang.
Kung
tutuusin, hindi ko mawari na aabot sa ganito ang galit ko sa kanya. Considering
na tinuring ko na siya bilang kapatid and yes, minahal ko siya higit pa doon,
sa kanya ko nalaman ang hangganan ng aking pasensya. I’ve always been patient
with other people. Palagi kong sinusubukang intindihin ang kanilang mga
pinagdadaanan, pero dahil nga sa ginawa niya ay nasukat ang hangganan ko.
Matagal
na kaming magkakilala ni Marco. Naging seatmates kami noong nasa grade one pa
lamang kami. Hindi ko rin talaga alam kung kailan kami naging magbestfriend,
pero alam kong pareho naming napapansin na mas close kaming dalawa kaysa sa iba
naming mga kaibigan. Masasabi ko rin na may kanya-kanya rin kaming grupo ni Marco
noong elementary kami, pero ganon pa man ay mas close pa rin kami kaysa sa iba.
Nagdesisyon
kaming lumipat ni Marco ng school when High School came. Galing kaming dalawa
ni Marco sa isang all boys school noong elementary, at naisip namin na mas
maganda kung may makakasama na kaming mga babae para hindi kami mahirapang
mag-adjust pagdating ng college. Kahit ganoon ang sinabi namin ay alam kong iba
ang motibo ni Marco kung bakit niya gustong lumipat ng eskwelahang
pinapasukan—at iyon ay ang magkaroon na ng girlfriend.
At
first, wala akong nararamdaman—or rather, pinipilit kong walang maramdaman—sakit
dahil sa kaalamang iyon. Since noong incident na tingrangkaso ako during the
time na wala ang mga magulang ko sa bahay para sa isang business trip maging
ang kapatid kong si Kuya Ian dahil nasa Maynila ito para magkolehiyo, ay
nakaramdam ako nang hindi ko maipaliwanag na emosyon para kay Marco matapos
niya akong alagaan.
Alam
kong close kaming dalawa, at kahit kailan ay hindi ko binigyan ng ibang kulay
ang relasyon namin, that is, until that incident. Nang makita ko kung gaano
siya mag-alala para sa kalagayan ko kahit mga bata pa lamang kami noon ay hindi
ko maiwasang maantig sa ginawa nitong pag-aalaga sa akin. Ni hindi ito
nakatulog ng maayos dahil sa binantayan ako nito at inalagaan hanggang sa
bumuti ang pakiramdam ko.
Hindi
ko talaga masasabi kung ano ako dati, dahil wala naman talaga akong kaide-ideya
tungkol sa sekswalidad ko noong mga panahong iyon. Never pa akong nagmahal ng
kahit na sino, kaya naman buong buhay ko ay inakala kong hinihintay ko lamang
dumating ang babaeng mamahalin ko para maranasan kong ma-in love.
Sobrang
clueless ko na unti-unti ay nahuhulog na pala ako kay Marco, and when the
reality of it all confronted me, hindi ko alam ang gagawin ko. All my life, ay
nagkakacrush naman ako sa mga babaeng magaganda, kaya hindi ko talaga akalaing
kay Marco pa, na isang lalaki at worse, ang pinakamatalik kong kaibigan,
titibok ang puso ko sa unang pagkakataon.
Hindi
ko rin naman masisi ang sarili ko dahil sa naging pagtrato sa akin ni Marco.
Lubos itong protective sa akin, at maging sino ang makakita sa amin noon ay
hindi maiiwasang kwestyonin ang totoong score sa pagkakaibigan namin. Nang
magsimula kaming mag high school ay tanggap ko na ang katotohanang si Marco ang
gusto kong makasama sa buhay.
Noon
ay natuto na akong makontento sa pagtrato niya sa akin. Sweet si Marco, iyan
ang isang katangiang pinakagusto ko sa kanya. Ngunit dahil nga kilala ko na ito
ay kahit pa sa mata ng iba ay hindi normal ang pagtrato sa akin ni Marco, ay
basang-basa ko ang mga kilos niya. At iyon ang pinakamasakit.
Dahil alam kong kahit ganoon ay kaibigan
lamang ang tingin nito sa akin.
“Tara
na?” tanong ni Luke na siyang nakapagpabalik sa akin sa realidad.
“Luke,
if you don’t mind… pwede bang mahiram muna si Kyle,” nahihiyang tanong ni Marco
na hindi tipikal para sa kanya. Normally kasi ay confident ito sa kahit ano pa
mang sitwasyon kaya naman medyo naninibago ako rito.
Tiningnan
ako ni Luke. “Ano?” tanong nito.
Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango. “Para matapos na ‘to,” halos pabulong kong sagot. “Bigay ko na lang mga gamit mo sa landlady niyo,” saad niya. “Okay lang ba sa’yo?” medyo unsure kong tanong. “Okay lang. You deal with him, tatlong taon na rin… para matapos na storya niyo,” pahayag niya. “Thanks,” ang tanging nasabi ko na lang.
Naghiwa-hiwalay
ang grupo at doon ay kaming dalawa na lamang ni Marco ang natira.
“Please,
alam kong nabibigla ka pa rin. Alam kong mali ang ginawa ko at ang gago ko para
umasa na papatawarin mo pa rin ako matapos noon, pero please… sana naman
pakinggan mo muna ako,” panimula nito.
“Pwede
bang sa ibang lugar tayo?” tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay medyo magiging
seryoso ang usapan. And in case nais ko mang bulyawan o sigawan siya, hindi ko
iyong magagawa rito.
“Sure,”
pagpayag nito. Inaya ko na lamang ito sa isa sa mga bakanteng rooms sa loob ng
building namin. Habang papunta kami roon ay hindi ko maiwasang kabahan sa kung
anuman ang kahihinatnan ng magiging pag-uusap namin. Masasagot na ba ang mga
tanong ko? Bakit ba siya bumalik? Ilan lamang iyon sa mga agam-agam na meron
ako tungkol sa kahihinatnan ng magiging pag-uusap namin.
Nang
makahanap kami ng bakanteng kwarto ay dali-dali akong pumasok kasunod ni Marco.
Hindi ko na binuksan pa ang ilaw o ang aircon dahil sa tingin ko ay hindi na
naman iyon kailangan. At isa pa, sa tingin ko ay sandali lamang kaming
mag-uusap ngayon. Nang maisara niya ang pinto ay nagpunta agad ako sa harap ng
classroom at naupo sa teacher’s table. Siya naman ay naupo sa isa sa mga
armchair sa first row directly na katapat ko.
“Hindi
ko kasi makita ‘yung point kung bakit kailangan pa nating mag-usap, eh. You
made it pretty clear that you had nothing to do with me, na ayaw mo na ako
maging kaibigan. So bakit ka bumalik? Tahimik na ‘yung buhay ko, eh. Ginugulo mo
na naman,” marahas kong panimula sa kanya.
“Look…
sobrang pinagsisisihan ko lahat ng mga sinabi ko sa’yo noon. Na-realize ko how
much I hurt you at kung gaano ako kasamang kaibigan sa’yo. And Kyle para doon,
gusto ko humingi ng sorry. Alam kong hindi pa iyon sapat para mapatawad mo ako…
kaya nga nandito ako ngayon, gusto kong patunayan ang sarili ko sa’yo. I think
blessing in disguise na rin na nagmigrate kami sa London dahil doon
nakapagisip-isip ako, nabigyan natin ng space ang isa’t-isa. Pero ready na
akong harapin ulit ‘yung hindi natin natapos—“
“Teka lang, Marco?! Ano ‘tong hindi natin
natapos na sinasabi mo? Ipapaalala ko lang na ikaw ang tumapos nitong
pagkakaibigan natin?! You know what? I thought I was over everything. Akala ko
kaya ko nang maging mature tungkol sa nangyari sa atin dati, sa mga sinabi mo
sa akin. Pero hindi pa pala, Marco. Ang tagal na nating magkakilala kaya
masakit sa akin na ganunin mo ako. Akala ko dahil sa tagal na hindi kita
nakita, na kapag nagkita ulit tayo, makakalimutan ko na lahat… pero dahil
ginagago mo na naman ako, na bigla ka na lang babalik at aarte na parang walang
nangyari… narararamdaman ko na naman ‘yung galit, Marco. Iniwan mo ako sa ere,
eh. Kaya sana maintindihan mo na kung saan ako nanggagaling,” emosyonal kong
pahayag dito.
“Please, Kyle. Kahit hindi pa ngayon. Ang
hinihingi ko lang is bigyan mo lang ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko
sa’yo…” sagot nito.
“Ano? Sige, bibigyan kita ng pagkakataon pero
the moment I get too close maiilang ka na naman? Pandidirihan mo na naman ako?!
Tangina, Marco! Hindi ko ginusto maging ganito! At lalong-lalo na hindi ko
ginustong mahalin ka! Puta kung kaya ko lang mamili eh di sana hindi ko
hinayaang mangyari ‘to! Pinaramdam mo sa akin kung gano kalaki ang pagkakamali
ko bilang isang tao. Iniwan mo ako sa ere. Iyong hindi mo pagsipot noong humingi
ako ng tulong, noong halos literal na mamatay na ako, matatanggap ko pa eh… Ang
masakit lang doon sa lahat ng nangyari is that I never asked you to love me
back. Hiningi ko lang ‘yung pagtanggap mo sa akin bilang kung ano ako… pero
imbes na ‘yung taong akala kong tatanggapin ako eh siya pa ‘yung nagtaboy sa
akin!
“Ngayon, Marco, nakikita mo na ba kung gaano
kahirap? Kung gaano kasakit para sa akin na makita ka lang? Ngayon alam mo na ‘yung
pinanggagalingan ko, sana maintindihan mong hindi ganoon kadali ‘yung hinihingi
ko. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kung papasukin kitang muli sa buhay ko
para lang ipagtabuyan mo ako uli,” pagtatapos ko. Hindi ko na napigilan ang
matagal ko ng tinatagong emosyon and as much as ayokong umiyak sa harap niya ay
wala na akong magawa. Wala na akong pakialam kung nagmukha akong mahina;
importante lang na nailabas ko ang lahat ng mga saloobin ko.
“Kyle, naiintindihan kita. At ngayon mas lalo
kong nararamdaman kung gaano ako kagago sa ginawa ko sa iyo noon. Pero sana
pakinggan mo rin ang side ko. Nabigla ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin
ko. Isipin mo na lang, iyong itinuturing kong tao na pinakamahalaga sa buhay ko
ay may gusto pala sa akin. Ang gulo ng utak ko noon. Hindi iyong pagiging gay mo
ang dahilan kung bakit ko nasabi sa’yo ang mga hindi magagandang salita na iyon
kasi kahit pa ano ka, tanggap kita. Pero noong panahong iyon, bata pa ako,
immature na lagi mo ngang sinasabi sa akin noon,” napatawa siya ng payak
matapos noon.
“Hindi ko alam ‘yung gagawin ko noon, Kyle.
Sobrang gulo, sobrang nakakagulat. At dahil nga gago ako, ginusto kong takasan
iyong nalaman ko. Kaya naman nasabi ko sa’yo ang mga bagay na iyon dati. Kaya umalis
ako papuntang London. Kaya hindi kita kinausap. Kasi nga gago ako! Iyon lang
naman ang alam ko noon, ang maging gago. At ang sakit-sakit kasi sa tao pa na
tinanggap ang pagiging gago ko iyon ginawa…” panandalian itong natigilan at
nagpahid ng luha.
“Kaya sana Kyle, bigyan mo naman ako ng
pagkakataon na itama lahat ng kagaguhang ginawa ko noon. Hindi lang para sa
akin, pero para sa iyo na rin. Alam ko na kahit three years na ang nakalipas eh
dala-dala mo pa rin ‘yung sugat na ginawa ko diyan sa puso mo, ‘yung sugat sa
nasirang pagkakaibigan natin na gawa ko. Kaya sana mabigyan mo ako ng
pagkakataon, Kyle. Kaibigan kita… mahal kita. Sobrang miss na kita. Noong una
kitang nakita hindi ko alam pero parang tumalon ‘yung puso ko. Na parang lahat
ng pangungulilang naramdaman ko sa iyo noon sa loob ng tatlong taon, parang
biglang nawala na lang. Nami-miss ko na ‘yung kaibigan kong iyon. ‘Yung tawa
mo, ‘yung pagiging matakaw mo, kahit iyang mabaho mong utot nami-miss ko na
rin. I think that three years is enough for me to say that I am ready. Matagal
na kitang tanggap, Kyle. At ngayon sana bigyan mo ako ng pagkakataon para
iparamdam ko sa iyo iyon, para bumawi sa lahat ng kabutihang ginawa mo para sa
akin, para ipakita ko sa’yo na handa na ako uli…” pagtatapos ni Marco.
Aaminin kong sobra akong naantig sa naging litanya
niya. It was the first time na naging ganitong ka-expressive si Marco sa mga
nararamdaman niya. Nakikita ko ngang nagbago na ito. Hindi na niya tinatakbuhan
ang mga problema at imbes ay pinili na niyang harapin lahat ng mga bagay na
kailangan niyang ayusin.
“Hindi
ko pa alam, Marco…” ang tanging nasabi ko na lamang. I had to think of myself
as well. Kahit pa tagos sa puso ang naging salaysay ni Marco ay hindi ako dapat
magpadala dahil alam kong hindi ito makakabuti ngayon sa akin gayong basag pa
ako mula sa pagkawala ni Ethan.
“But
would you at least let me hang around with you? Kung hindi ka komportable sa
presence ko sabihan mo lang ako, and I will keep my distance,” nahihiyang
pakiusap nito. Napaisip ako at kahit pa may galit pa ako dito ay alam kong
darating at darating rin naman kami sa puntong kailangan kong tanggapin na
bumalik na siya, kaya kahit pa nakakailang ay wala na akong magawa.
“Sige,”
sagot ko na siyang ikinagulat niya.
“You
won’t regret this, Kyle. I promise,” thankful niyang pahayag.
Nakakailang
na katahimikan at dahil doon ay hindi ko maiwasang hindi magbalik-tanaw sa isa
sa mga memories na kasama si Marco na tumatak sa akin ng lubusan.
Gusto
ko mang may maibahaging interesanteng kwento tungkol sa mga nangyari sa pagitan
namin ni Marco noon ay aaminin kong it can be as cliché as it gets. I was one
of those people fortunate enough to fall deeply and madly in love with their
bestfriend. Yeah, right, and ang mas masaya pa doon ay alam kong walang ni
isang katiting na chance na matutugunan ni Marco ang mga nararamdaman ko para
sa kanya noon.
I
realized that napakarami naming napagdaanan ni Marco sa tinagal ng
pagkakaibigan naming dalawa. Marami akong naranasang emosyon, at mga nangyari
sa aming dalawa na naging malaking dahilan kung bakit ganito ako ngayon. But
then, looking back, maraming nangyari sa aming dalawa na masasabi kong hindi
gaano expected sa relasyon ng isang magkaibigan.
And
the things that happened in between is what made our story interesting.
--
Flashback.
Third
Year High School
“Hoy, ano na naman ba ‘yang
tinitingnan mo at kanina ka pa tulala sa PC mo?” nagpapansin na tanong ni Marco.
“Tulungan mo na ako dito sa homework natin, ‘di ko talaga ma-gets eh.” dagdag
pa nito. Ngunit hindi ko siya pinansin, dahil
sadyang tutok na tutok pa rin ako sa litratong naka-flash sa screen ng monitor
ko.
At marahil nga ay nawalan na ng
pasensya si Marco, at doon ay naramdaman ko ang pagdikit ng dibdib nito sa
likod ko habang sinusuri niya ang tinitingnan ko sa Internet. I won’t lie na
gustong-gusto ko ang pakiramdam ng katawan niya sa akin, ang amoy niya, ang
init ng katawan niya, but then I had to restrain myself dahil alam ko naman
kung ano ang tayo namin, at ayokong sirain iyon.
“Oh, tinitingnan mo na naman
‘yang Flash collector’s set na ‘yan? Kamusta? Nagbago ba presyo?” tanong nito,
kahit alam kong nakukulitan na ito sa akin dahil maya’t-maya ko ng bukambibig
ito. Mahilig kasi ako magcollect ng The Flash items, at eversince bata pa ako
ay pinag-iipunan ko ng lahat ng mga laruan, t-shirt, poster, at kung anu-ano
pang items para sa collection ko. Pero ang particular item na ito ay may
kamahalan, at ayoko namang magpabili ng ganitong kamahal na mga bagay sa mga
magulang ko. Ngunit aaminin kong gustong-gusto ko ang set na iyon.
“Hindi
pa rin, eh. 8k pa rin.” matamlay kong tugon dito.
“Malapit
na rin ang birthday mo ah...” sambit nito.
“Oo
nga! Bibilan mo ko?” biro ko dito. Alam ko naman ang magiging sagot nito.
“Ulol. Alam mo naman kung gaano
ako kakuripot. Umalis ka na diyan, tulungan mo na ako doon sa homework sa
Trig.” paghila nito sa akin kaya naman nagpaubaya na ako at tinuruan na siya
kung paano i-solve ang mga word problems na binigay ng teacher namin.
--
Flashback.
“Thank you! Uhm, kain na po
tayong lahat.” nahihiya kong pagpapasalamat sa lahat ng mga bumisita sa munting
salu-salong inihanda ng mga magulang ko para sa birthday ko. Masaya ako dahil
naroon lahat ng mga matatalik kong kaibigan, ang mga pinsan ko, mga kamag-anak,
ang pamilya ko – lahat ng mga taong importante sa akin.
At syempre, nandoon din si Marco
na siyang kumumpleto ng araw ko. Ang gwapo ng itsura niya ngayon sa suot niyang
polo at shorts. Idagdag mo pa ang nakataas niyang bangs gamit ang wax na siyang
usong-uso ngayon na talaga namang bumagay sa kanya.
Imbes na magikot-ikot para
mag-entertain ng mga bisita ay nakuntento na akong umupo na lamang sa table
kung saan naroon ang barkada ko sa school.
“Kyle, Happy Birthday!”
nakangiting bati ni Luke sa akin bago iabot ang isang paper bag na naglalaman
ng regalo niya para sa akin. Na-touch naman ako dahil doon. “Salamat, Luke!
Nag-abala ka pa.” nakangiti kong pagpapasalamat dito na siyang tinugunan niya
lamang ng isang ngiti. Sanay na naman ako sa pagiging tahimik nito kaya naman
hindi na ako nagulat na bigla na lamang niyang putulin ang pag-uusap namin.
“Happy Birthday, friend! Ang
sarap ng mga pagkain! Heto gift ko.” nakangiti rin na bati sa akin ni Lora, ang
isa pa naming ka-barkada, bago niya rin iabot ang regalo niya na nakabalot sa
gift wrap. “Aww, thanks Lors!” pagpapasalamat ko rito bago ko siya yakapin.
I
turned expectantly to Marco, na ngumisi lamang. Alam ko na kung ano ang ibig
niyang sabihin.
“Hindi pa ba sapat ang
pagkakaibigan natin bilang regalo?” banat nito. “Ano pa nga bang aasahan ko
mula sa’yo?” napapailing kong sagot rito. Sa totoo lang, I didn’t care kung may
regalo ba siya sa akin o wala. Umaarte na lamang ako para lang makonsensya ito
kahit pa wala naman talaga akong pakialam. Masaya ako dahil nandito siya
ngayon.
Yup,
malala na nga ako.
“Sorry na po, Kyle. Akala ko kasi
hindi rin magre-regalo ‘tong dalawa, eh.” napapakamot niyang depensa sa sarili.
Hindi ko na lamang ito pinansin
at imbes ay itinuon ko ang atensyon ko kay Lora na siyang pinaka-close ko sa
grupo namin sumunod kay Marco. Naramdaman kong sinusuri ako ni Marco mula sa
gilid ko, ngunit hindi ko na lamang siya pinansin para inisin ito.
“Alam ko na! Since wala akong
materyal na bagay na maibibigay sa’yo... ano, ahm... pagsisilbihan na lang
kita! Kahit ano gagawin ko para sa’yo. Emphasis
on the “kahit ano”” nakangisi niyang suhestyon para makuha ang atensyon
ko. “Kahit ano, Kyle. Kahit ano kasi birthday mo.” pag-uulit pa nito nang
balingan ko siya. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
“Hahaha!
Biro lang.” tumatawa nitong pahayag matapos akong matigilan.
“Yuck,
Marco. Ang bastos mo. Bakit iba naiisip ko kapag ikaw nagsasabi?” reaksyon ni
Lora.
“It’s
“the” Marco Carolino. Hindi kita masisisi.” pagsegunda ni Luke.
“Oo na, oo na. Teka lang, guys
ha. Hiramin ko muna ‘tong bestfriend ko.” pagtayo niya ay hinila niya ako at
walang sabi-sabing dinala sa may kusina namin kung saan walang tao. “Wait
here.” sabi nito bago umalis. Nagtataka man, ay hinintay ko siya at pilit
nilibang ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa paligid ko.
“I’m
back!” si Marco.
“Anong ginawa mo?” tanong ko.
Imbes na sagutin ako ay may inabot ito sa aking may kalakihang kahon na
nakabalot. “Ano na naman ‘tong pakulo ‘to, Marco? Baka kung ano na naman, ‘to
ha? Birthday ko, ayoko ng mga kagaguhan.” banta ko rito. Umiling ito.
“Seriously, buksan mo.” utos nito sa akin, kaya naman sinira ko na ang gift
wrapper na nakabalot sa kahon. Sumunod ay kinuha ko ang isang kampit para
butasin ang packaging tape na nagdidikit sa takip ng kahon bago ito buksan.
Wala
akong masabi nang makita ko ang laman noon.
“Happy
Birthday!” tuwang-tuwang bati sa akin ni Marco, habang ako ay speechless pa
rin.
“Hoy,
hindi mo ba nagustuhan ‘yan? Hindi ba iyan ‘yung matagal mo ng pangarap na
collectibles?” tanong nito.
“Pe—pero, Marco, ang mahal nito
ah.” nagugulumihanan kong sagot sa kanya matapos ang ilang segundong pagiging
blangko. “Paano mo ‘to nabili?” dagdag ko pa.
“It wasn’t easy... Binenta ko
‘yung majority ng comic book collection ko hehe.” nahihiya nitong sagot. “Kaya
alagaan mo ‘yan! Halika na, kain na ulit tayo hehe.” dagdag nito na parang wala
lamang ang ginawa niya bago ako iwan sa kusina.
“Gago ka, Mar!” tawag ko dito.
Liningon naman niya ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na
lamang ako sa kanya ng biglaan. “Salamat! Salamat! Ang saya-saya ko. Thank you,
Mar.” tuwang-tuwa kong sabi dito habang yakap-yakap ko pa rin siya. Naramdaman
at narinig ko ang paghagikgik nito.
“Syempre,
bestfriend kita eh. Happy Birthday, Kyle.” sagot niya.
--
“So
paano? Hatid na kita sa dorm mo?” tanong niya na nakapagpabalik sa ulirat ko.
“No
need. Malapit lang naman iyon,” pagtanggi ko rito. At alam kong na-gets niya
ang hidden message ng pagdecline ko sa offer niya.
“Yes,
I get it. I won’t push it. Sige, see you tomorrow,” pamamaalam nito. Nagulat na
lamang ako nang lumapit ito at balutin ako sa isang mahigpit na yakap.
“I
really missed you. Salamat sa pagkakataon. Hindi kita bibiguin, Kyle,”
taos-puso niyang pangako. Ako naman ay tila isang tuod na hindi alam kung ano ba
ang dapat isagot sa sinabi niya. “Mag-ingat ka,” bilin nito bago tuluyang
lumabas ng classroom.
Bago
pa man ako lamunin ng mga bagay na naiisip ko ay lumabas na rin ako ng kwarto
at nagpasyang umuwi na muna ng dorm. Napagod ako ng labis dahil sa naging
komprontasyon namin ni Marco. Though I have to admit, I expected na mas
magiging maaksyon o bayolente ang engkwentro namin ngunit it was relatively peaceful
sans all the drama and the tears.
Gaya
ng nakasanayan ay bumili na ako ng aking kakainin mamayang gabi kahit pa
alas-dos ng hapon pa lamang. Ayoko na kasi ng lumalabas pa sa gabi para lang
bumili ng dinner. Matapos noon ay nilakad ko na ang tatlong kantong ruta
pabalik sa dorm ko.
Pagpasok
ko ay nadatnan ko doon si Ate Gina, ang aking landlady na siyang binati ko ng
isang ngiti.
“O,
Kyle. Magandang hapon. Nandiyan na pala sa itaas ‘yung bago moong roommate,”
balita ni Ate Gina. Doon ay bigla kong naalala na ngayon nga pala ang dating ng
bago kong makakasama sa kwarto. Naging maswerte ako kila Cha, Gino, at Weston
na silang mga naging roomates ko noon. Malilinis ito sa kanilang mga gamit at
tahimik kapag alam nilang kailangan mag-aral ng isa sa amin. Sana naman ay
maayos rin ang makakasama ko, considering na anim na buwan kaming dalawang
magsasama sa loob ng isang silid.
“Sige,
ate. Salamat. Akyat na ako!” paalam ko na siyang sinagot niya nalamang ng isang
tango.
Nang
marating ko ang aking kwarto ay nakarinig ako ng ilang paggalaw mula sa loob.
Normally ay ilalabas ko na ang susi ko at bubuksan iyon, but considering it is our
first encounter, pinili kong kumatok na lamang.
“Sandali
lang, kakaligo ko lang,” sagot ng tao sa loob.
Parang pamilyar ang boses, sabi ng utak ko. At bago ko pa man
maiprocess ang impormasyong iyon ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang
isang lalaking nakatapis, basang-basa, at gulat na gulat. Nang mapagmasdan ko
kung sino iyon ako man ay nagaya sa reaksyon niya.
“Isaac?!” hindi ko makapaniwalang tanong.
“Kyle!”
gulat na gulat niya ring sambit.
Friendship nga lng kaya ang habol ni Marco? Pero mas excited ako kung ano mangyayari k Isaac at Kyle :) Thanks po sa update
ReplyDelete-RavePriss
My Ethan, my Luke,my Marco tapos may Isaac pa saan kapa..galing naman.
ReplyDeleteB.lance
Parang familiar ang pag construct ng kwento. Haha! I thought I read some if your other stories :) galing2 author!
ReplyDeleteMukhang exciting na yung mga susunod na chapters ah.. I doubt kung talaga ngang namatay si Ethan kahit na maiksi lang yung naging character nya mas gusto ko pa rin sya para kay Kyle. Sana twice a week na Author?Haha
ReplyDeleteagree2 kase binagyan emphasis pa yung part nya. mangugulo yan sa dulo wahahah
DeleteAng ganda ng kwento. Nasimulan ko to at no regrets ako, kasi hinihintay ko bawat update mo author. So Isaac-Kyle-Marco live affair ba ito. Maganda yan. Hahahaha. Author, update ka agad. Excited na ako. Hahaha. Kudos. Keep it up author!!!! :)
ReplyDelete*love affair.
ReplyDeleteNice story Mr. Author, love affair ito para kina isaac, marco, ethan, en of course para kay kyle,, pakakaabangan ko ito. keep it up po. kudos. Good job.
ReplyDelete"Jun Cavite"
Wala na nga ba talaga si Ethan? Tapos eto biglang bumulaga uli si Marco kay kyle... Paano naman kung buhay pa pala si ethan? Parang mas gusto ko si Marco para kay kyle...
ReplyDeleteBharu