AUTHOR'S NOTE
This is the LAST PART OF 1ST HALF. Next Chapter ay papasok na tayo sa 2nd Half ng "Dear Stranger". :-)
BTW, aminado ako na kulang sa detalye ang lugar at festival na naka-feature sa Chapter na ito. Aayusin ko ito pagdating sa eBook version dahil I have enough time to improve that.
Sorry sa delay. May mga inasikaso akong importante.BTW, aminado ako na kulang sa detalye ang lugar at festival na naka-feature sa Chapter na ito. Aayusin ko ito pagdating sa eBook version dahil I have enough time to improve that.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER THIRTEEN
RAY:
"Good morning!" bati sa akin ng pamilyar na boses habang yinuyugyog ang katawan ko. Dahan-dahan akong dumilat at mag-inat. Nakita ko ang pangarap ko, ang tamis ng ngiti niya at labas ang dimples. "Bangon ka na Sensei ko." sabi niya sabay tapik ng malakas sa hita ko.
"Wala pa yung alarm ah."
"Tapos na. Naka-apat na tunog na eh hindi ka pa rin gising. Bangon na dali!"
Nagkamot ako ng ulo. Kinusot ng kamay ko ang muta sa mata ko at natuyong laway sa pisngi ko.
"Ganda mo pa rin kahit sabog ang itsura mo at bagong gising." bulong niya.
"Ano!?" sigaw ko.
"Wala. Sabi ko napakataray mo. Tara na ang bagal!"
"Ako maunang maligo." sabi ko sabay bukas ng cabinet at kuha ng tuwalya.
"Sabay tayo." sabay kindat.
"Asa!" sabay sara ng cabinet.
"Joke lang. Sige na ladies first."
"Hindi ako babae gago! At ayokong maging babae!"
"Okay sige parang babae na lang."
"Alam mo ikaw lang nagsasabi niyan, nang-iinis ka ba?"
"Totoo lang sinasabi ko, babae ka sa paningin ko."
"Yuck! Kadiri! Hindi bagay." sabi ko sabay alis sa kwartong iyon.
***
RAY:
"According to legend, Kyoto is protected on all sides by 4 Gods from the distant past." Paliwanag ko. Medyo maraming tao sa festival na dinaluhan namin ni Rome.
"Genbu the black turtle sa North, Byakko the white tiger sa West, Seiryu the azure dragon sa East, and Suzaku the vermillion bird sa South." Confident niyang sabi.
"Alam mo ah." sabi ko habang tumatango.
"Siyempre, dyan kaya base yung manga at anime na gustong-gusto mo. Fushigi Yuugi."
Ngumiti ako, naalala pa pala niya yun. Ilang saglit pa'y narinig namin ang isang tunog ng torotot. Naglakad kami ni Rome palapit sa Kiyomizu Temple, may nakita akong mga babaeng naka-kulay gold na maskara, bumaba sila sa hagdan ng templo habang may mga hawak silang stick sa kanang kamay; habang ang kabilang dulo ng stick ay nasa bowl na hawak ng kaliwa nilang kamay. 'Di nagtagal ay lumabas sa gate ang mga lalaking nakasuot ng sundalo at may hawak na kulay light green na dragon.
"That's Seiryu, a sacred dragon guarding the Higashiyama area to east, where Kiyomizu-dera is located, ito iyon. Seiryu is considered as the incarnation of a Buddhist Kannon, enlightened being of Mercy and Compassion. Day and night without rest, Seiryu is said to protect the people from misfortune." Mahabang paliwanag ko.
"Eh sa apat na guardians sino pinakagusto mo? I'm sure nabasa mo na rin yung dalawang prequel nung manga." Tukoy niya sa isa sa paborito kong manga.
"Suzaku syempre."
"Why? Kasi yung Priestess nun ang bida sa main story ng manga?"
"Suzaku also know as the phoenix is associated with romance and love. Eh Pro-Love ako eh kaya gusto ko yun."
"You have so much love to give Ray Sensei, pero alam mo kailangan mo ngayon?"
"Ano?"
"Iyan." Sabay turo sa dragon na si Seiryu. "Mercy and Compassion." Sabi niya na parang may pinatatamaan.
"Mayroon ako nun."
"Weh? Bakit hirap kang magpatawad? Bakit hindi kita makitaan ng mercy and compassion?" Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong makipagtalo at sirain ang araw na ito. "Pero alam mo, hanga ako sa mga Japanese, they were able to preserve their culture at tinatangkilik nila ang sariling kanila."
Tumango ako. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid, narinig ko ang malalaking boses na sigaw ng mga lalaki habang iniikot nila ang dragon.
"Ayun! Tangina! Alam ko na!" masayang sabi ni Rome. Napatingin ako sa kanya, buhay na buhay ang kanyang mukha.
"Makapagmura naman! Ingay mo!" sigaw ko.
"Ray! Alam ko na ang concept ng presentation ko kay Mr. Kyou!" sabi niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko. Nagtama ang aming mga mata, muli kong nakita ang nga bituin sa loob nito.
"Ano?"
"Maganda ang culture ng Japan, at napreserve nila ito. Grabe din ang pag tangkilik nila sa sarili nilang kultura, produkto at iba pa... Ray, yun ang missing part ng presentation ko, tungkol sa amin mismo! Sa business namin!" sigaw niya.
"Eh yun naman talaga di ba? What's new?" sabi ko sabay ikot ng mata ko sa kanya at cross arms.
"No! I need to feature someone from us na naging successful."
"Okay. If that is the case, you should get all the data's na nag-apply sa inyo na napadala niyo sa ibang bansa at naging successful. Then you have to chose someone and contact that person."
"Ite-text ko na si Lyn at Papa ngayon. Maybe they can check it na para pagbalik nating Osaka ay tuloy-tuloy na ito."
Tumango ako. Masaya ako na nagkaroon ng progress sa presentation niya.
***
RAY:
Linagyan ko ng beer ang baso namin ni Rome, narinig ko ang malutong na bagsak ng likido sa baso. Nag-iinit na ang katawan ko. Hindi talaga ako malakas uminom, samantalang itong si Rome ay parang hindi man lang tinatablan ng alak.
"Ganito sa Japan, pagkatapos ng trabaho nag-iinuman ang mga tao. Kaya bagay na bagay ka dito dahil lasenggero ka naman." biro ko sa kanya sabay baba ng bote.
"Hindi ah. Occassional lang." sabi niya sabay kuha ng baso at tinungga ito. Kalahati ang natira sa beer, ininom ko ito.
"Hindi raw. Sabi ni Jess wala kang ginawa sa loob ng isang taon kundi magsunog ng atay gamit ang alak." sabay baba ng baso.
"Problemado kasi ako Pre." sabi niya sabay bukas ng isa pang bote ng beer at linagyan ang baso namin.
"About?"
"You."
"Me?" bakas sa boses ko ang pagtataka. Nagpakawala ako ng isang malakas na halakhak.
"Oo. Wala ka kasing ginawa noon kundi iwasan ako." sabi niya sabay lagok.
"Hindi kita iniwasan. Sadyang hindi lang hinayaan ng pagkakataon na magkita tayo." pagsisinungaling ko. Kinuha ko ang beer sa kanya at tinungga ito. Takte, may tama na ata ako!
"Wag ka na magsinungaling. Okay lang naman, naiintindihan ko." sabi niya. nag-uumpisa nang mamula si loko.
Hindi na ako kumibo, ayoko nang makipagtalo. Nag-umpisa ng umikot ang paningin ko.
"Kinuha ko ang tubig sa tabi ko at ininom ito."
"'Wag ka ng uminom."
"Kaya ko pa." pagpupumilit ko.
"Bahala ka." sabi niya.
Kinain kami ng katahimikan.
"Kru! Kru! Kru!" pagbasag ko sa katahimikan. Tumawa siya.
"Na-miss ko iyan ah! Ginagawa mo pa rin pala iyan hanggang ngayon?" nakangiti niyang sabi. Madalas kasi kaming natatahimik noon at ginagawa ko ito to break the silence.
"Oo naman." nakangiti ko ring sabi.
"Sana lagi kang ngumiti, bagay sa iyo." sabi niya.
"Di ata posible iyan. May mga tao atang nandito sa mundo para alisin ang ngiti sa labi ko." pagpaparinig ko sa kanya. "At may mga taong nananadyang gawing miserable ang buhay ko." hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.
"Hindi naman siguro." Sabi niya. "Baka yung iba ay hindi lang talaga nila sinasadyang tanggalin ang ngiti mo."
Hindi na ako kumibo. Ilang saglit pa'y unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. Kinain ng ala-ala ng nakaraan ang diwa ko. Seven years ago, ilang araw pagkatapos akong iwasan ni Jerome.
"Kaibigan ko siya 'di ba? Pero bakit ganoon siya? Bakit kung tratuhin niya ako ay parang wala lang ako sa kanya? Parang hindi ako nag-eexist, ni-hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata, kulang na lang ay ipagtabuyan niya ako palayo." Bumigat ang dibdib ko. Punung-puno ng tampo at sama ng loob na hindi ko alam kung paano ko dadalhin. Gusto kong kausapin si Jerome, pero ramdam kong iniiwasan niya ako. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Ayoko na umiyak, marami na akong naiiyak kagabi, nakakapagod lang.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang mapansin kong may mga taong nakatingin sa akin. Ang iba ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, habang ang iba naman ay para bang hinahalukay ang pagkatao ko. Kulang na lang ay hubaran ako at walang itirang hiya sa akin. Napaka-uncomfortable. Hindi ko napigilang tumayo mula sa hagdan na inuupuan ko at naglakad palayo sa lugar na iyon.
As I passed the hallway, ramdam ko ang init ng sinag ng araw; kasing init ng mga matang matutulis na nakatingin sa akin. Sino ba sila? Bakit ganyan sila kung makatingin? May ginawa ba akong kasalanan?
"Ray" sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan nito, nakita ko si Lyn at Jess.
"Tara dude." sabi ni Jess habang si Lyn naman ay inakbayan ako. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.
"Anong nangyari? May alam ba kayo?" bakas sa boses ko ang pag-aalala. Ramdam kong may alam sila sa nangyayari.
"That whore! Ray, hindi ka ligtas dito." sabi ni Lyn.
"Anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.
"Si Gel. Nag-away sila ng boyfriend niya kanina at maraming nakarinig. Pinagbibintangan ka niyang linalandi mo si Rome. Alam mo naman ang impluwensya niya dito sa school di ba? You need to get out of here at magpalamig."
"What!? No!" sigaw ko sa kanila sabay kalas sa akbay niya. "Gel is my friend. She won't do that!"
"She already did. And everyone is buying it."
"Hindi totoo iyon! Hindi ko linandi si Jerome. We're just friends!" naiiyak kong sigaw sa kanila.
"Totoo o hindi, hindi na iyon mahalaga ngayon Ray. You need to get out of here, umuwi ka muna at magpalamig." bakas sa boses ni Lyn ang pag-aalala.
"Kakausapin ko siya... Magpapaliwanag ako!" sabay patak ng luha. Agad akong tumalikod at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
"Ray?" tawag sa akin ni Rome na nagbalik sa akin sa kasalukuyan. "Okay ka lang?"
"Yes I am." sabi ko sabay bitiw ng malalim na hinga.
"What's wrong?"
"Nothing. Let's not talk about it." sabi ko na lang.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I'm trying to be okay kapag kasama ko si Rome, I'm doing this for Chichi dahil sa utang na loob ko sa tatay-tatayan ko. Pero bakit habang tumatagal na kasama ko si Rome ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko? Unti-unti akong minumulto ng nakaraang pilit kong kinalimutan. Ano ang dapat kong gawin? Ang gulu-gulo na ng utak ko.
"Alam mo, lasing ka na talaga. Tulala ka na naman eh. Tara, may pupuntahan tayo." Sabi niya sabay tayo.
"Saan naman?"
"Basta." Sabay kuha ng kamay ko. Masama man ang loob ko sa kanya'y muli kong naramdaman ang kuryente mula sa kanyang kamay. Oo may mga minahal na ako noon, oo may sama ng loob ako sa kanya, oo magulo ang sitwasyon namin, pero sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong bagay. Nag-iisa si Rome sa buhay ko, iyan ang sigurado ko.
(End of Chapter 13)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER FOURTEEN
ROME:
"Ang gwapo ko." Sabi ko sabay ngiti sa lalaki sa salamin. I'm currently wearing a formal and traditional Kimono, kulay itim ang montsuki ko o ang pang-itaas na bahagi na may limang puting kamon sa dibdib, balikat, at likuran ko. Kulay gray with white stripes naman ang hakama o yung pang ibabang suot ko ngayon. Naisip kita, ano na kaya itsura mo ngayon? Muli akong napangiti.
Lumabas ako ng kwartong iyon at humarap sa pintong tela, nasa loob ka ng kwartong ito. Pumasok ako. Ilang saglit pa'y nakita kita, parehas na parehas tayo ng suot, ang kaibahan lang ay puti ang montsuki mo habang ang hakama mo naman ay may puti sa itaas pero fading ito at unti-unting naging itim sa bandang ibaba. Ngumiti ako.
"Ano ba itong kalokohan mo Rome?" namumula pa rin ang mukha mo, halatang may tama pa rin ng alak. Hehe.
"Field trip natin ito di ba? At focus ay Japanese Culture, kaya naisip ko na dapat mayroon tayong ganitong activity. Magpicture tayo para may souvenier tayo." Masaya kong sabi sabay hugot ng iPhone ko at nag-selfie kami. "Isa pa." Sabi ko sabay akbay sa iyo. "Isa pa ulit." Nakangiti kong sabi habang labas ang dimples. Diniin ko ang akbay sa iyo na para bang yinakap kita, sobrang lapit ng katawan natin sa isa't-isa.
"Masyadong malapit." Reklamo mo sabay bahagyang layo sa akin pagkakuha ng litrato.
"Bagay tayo."
"Weh? Maghilamos ka nga nang magising ka." pambabara mo.
"Oo. Bagay na bagay sa iyo ang puti. Ikaw ang bride ko. Ready na tayo ikasal oh." Ngiting-ngiti kong sabi. Nanlaki ang mga mata mo. Ang cute mo talaga mahal ko.
"Ulul! Ginawa mo pa akong babae. Pwede ko na bang hubarin ito?" sabi mo sabay iwas ng tingin sa akin at tinuon ito sa salamin sa tabi natin.
"Wag na! Bibilhin ko na iyan. "
"Gastusero! Ang mahal kaya nito!" sigaw mo.
"Okay lang, may budget namang binigay sa akin si Mr. Kyou na pwede ko magamit."
"Kahit na mahal pa rin at sayang ang pera. Huhubarin ko na!" sigaw mo.
"Wag! Gusto ko pag nag ikot-ikot tayo mamaya ay nakaganito tayo."
"Parang tanga lang? At formal na formal lang? Hate ko pa naman ang formal clothes, except ang Kimono kasi ang cool." Sabi mo.
"Same. Gusto ko yung mga damit na kumportable lang ako." Sabi ko.
"Parehas tayo." Sabi mo.
"Oo kaya huwag mo ng hubarin. Okay yan para feel na feel natin ang field trip."
Umiling ka at hindi na kumibo. Kitang-kita ko ang pag-ikot ng magandan mong mga mata. Ang cute mo talaga.
***
ROME:
"Saan mo nalaman ang lugar na ito?" sabi mo habang iniikot-ikot ang mga mata sa paligid. Nasa isang district tayo na puno ng red lanterns sa gilid ng kalsada, napaka-romantic. Dagdag pa na halos kainin na ng dilim ang langit.
"Nagresearch ako the other day. Nagustuhan mo?" tanong ko.
Tumango ka. Patuloy tayong naglakad habang ikaw ay naka-cross arm, symbolo ito na nakasarado rin ang pinto at damdamin mo para sa akin. Naiintindihan ko, at handa akong pagtyagaan ang malamig mong pagtrato sa akin. Kasalanan ko naman eh.
"Parang ako na ang nag-tour ngayon ah. Sa tagal ko dito sa Japan, hindi ko alam ang karamihan ng mga lugar dito sa Kyoto. Wala kasi akong ginawa kundi magtrabaho."
"Sometimes you have to chill and enjoy." Sabi ko. Umiling ka.
"For some yes pwede yun, pero sa akin hindi. Marami akong pangarap, at lahat iyon gusto kong matupad."
"I think you're almost there."
"Hindi rin." Sabi mo sabay ngiwi. "May mga pangarap akong mukhang malabong matupad." Pabulong at malungkot mong sabi.
"Kung anuman ang pangarap mong iyon, alam kong matutupad iyon sa tamang panahon."
Tahimik. Narinig ko ang kalmadong ihip ng hangin sa aking tenga, ramdam ng mukha at kamay ko ang lamig nito.
"Dahil ikaw ang nakaisip nitong activity na ito, anong tawag dito?" tanong mo.
"Date?" mahina at nahihiya kong sabi. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
"Ha?" sigaw mong nawiwindang.
"Ah... Eh... Sabi ko walking. Sight seeing." Sabay kamot ng ulo. "Pero ang totoo niyan ikaw lang naman ang gusto ko titigan ng matagal at makasama." Bulong ko sa sarili ko.
Muli kong inikot ang aking mga mata. Para tayong nagtravel sa ancient Japan dahil sa mga traditional structure at mga bahay sa paligid natin, ang kaibahan lang ay romantic ang lugar na ito gawa ng mapupulang ilaw mula sa bilugang lanterns. Ilang saglit pa'y narinig ko pagkalam ng sikmura mo. 'Di ko napigilang tumawa.
"Gutom? Kakakain lang natin kanina ah."
"Hindi iyan. Tsaka ayoko na ring kumain, baka tumaba ako." Nakangiti mong sabi.
"Libre na kita." Sabi ko sabay hawak sa kamay mo at pumasok kami sa isang kainan. Medyo maraming tao. "Ano gusto mo?" tanong ko sabay tingin sa iyo. Pansin kong nakatingin ka sa kamay kong nakahawak sa kamay mo. "Sorry." Sabi ko sabay bitiw, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, nakita kong ganoon ka rin. "Ano gusto mo?" tanong ko ulit.
"Ah. Eh, wag lang yung mga malalansa please." Sabi mo.
"Ito? Mukha namang hindi malansa ito." Turo ko sa isang bilog na kulay golden brown.
"Yuck! Takuyaki iyan! Octopus ang laman niyan kadiri!" sigaw mo.
"Sorry. Sorry. Kalma ka lang." Natatawa kong sabi. "Eh ito?" turo ko sa sushi.
"Ayoko nga ng malansa." Sabi mo sabay pamewang. Napakamot ako ng ulo. "Ito na lang." Turo mo sa parang barbeque.
"Mukhang masarap ah." Sabi ko. Medyo marami ang binili ko dahil nagugutom na rin ako. Mura lang ito, nasa ¥140 per stick. Tinikman ko. Takte ang sarap! "Ano tawag dito? Ang sarap ah." Tanong ko sa iyo habang ngumunguya.
"Yakitori. That's a chicken barbeque." Bakas sa mukha mong sarap na sarap ka sa kinakain mo. Napapapikit ka pa habang sunud-sunod mong kinakagat at nginunguya ang Yakitori. 'Di ko napigilang matawa, ang sarap mong panoorin habang kumakain. Ang saya naman ng date natin, simple lang, masaya ka at masaya ako, higit sa lahat ay magkasama tayo at hindi mo ako tinatarayan.
"Matakaw." tukso ko sa iyo.
"Ikaw masiba!" sigaw mong punung-puno ang bibig.
"Lamunero!" sigaw ko.
"Baboy!" sigaw mo.
Tawanan.
Ilang saglit pa'y kinuha mo ang iyong cellphone, nakita kong nagbukas ka ng email. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi mo. Hindi ko alam, pero kinutuban ako ng masama. Sinubukan kong basahin ang pangalan ng sender pero sinarado mo na ang email mo. Alam kong rude iyon at hindi tama, pero nag-aalala ako sa iyo. Something is not right.
RAY:
"Hi Ray, hindi mo ako kilala personally, pero ikaw kilala kita at alam kong kilala mo rin ako. You need to know something about my Ex. I want justice! Para sa anak namin. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Please reply ASAP." email niya sa akin. Sinarado ko ang email account ko.
Bumigat ang pakiramdam ko. Ayokong gawin ang kahit na ano para sa kanya or kahit pa sa Ex niya. Muli kong naalala ang mukha ng taong iyon, kung tao nga bang masasabi ang Ex niyang iyon o hayup ba. Gusto kong itanong ang nag-email sa akin kung ano ang maitutulong ko dahil sa curiousity, pero ano bang mapapala ko di ba? Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Putangina lang panira!
"Are you okay?" tanong ng isang boses. Tumingin ako sa may-ari nito.
"I'm okay."
"Are you sure?"
"Yes. I'm fine Rome." Sabi ko at pagkatapos ay tinuloy ko ang pagkain sa napakasarap na Yakitori.
Tahimik. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang mainit na braso ni Rome sa balikat ko. Masarap sa pakiramdam, I feel protected, pero kasama nito ay ang pagkailang at kirot na nararamdaman ko sa kanya.
"Pagkatapos natin kumain ay may pupuntahan tayo." Sabi niya.
"Saan na naman?"
"Basta. Sumunod ka na lang."
***
RAY:
"Malapit na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang ang mga kamay niya ay nakatakip sa mata ko. Narinig ko ang mahinang at matining na awit ng mga ibon sa paligid.
"Kaunti na lang." Bakas sa boses niyang nakangiti siya.
"Alam mo Mr. Parilla ang dami mong pakulo ah." Sabi ko habang naglalakad, ramdam kong hindi pantay ang linalakaran kong lupa.
"Ganun talaga. Gwapo ako eh."
Sarcastic akong tumawa. "Funny." Sabi ko sabay ikot ng mata sa utak ko.
"Dito na tayo. Excited ka na?"
"Dali na ang tagal!"
"1, 2, 3." Sabay tanggal ng kamay niya sa mata ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Bumungad sa akin ang mala-paraisong hardin. Puno ng ilaw ang mga dahon ng puno. Kapansin-pansin din ang mga ilaw sa tubigan sa gitna nito. Blue ang kulay ng mga ilaw sa paligid, ilang saglit pa'y naging kulay dilaw ito. Napaka-magical ng lugar, para akong nasa ibang mundo na tanging kami lang ang nandoon.
"Ayos ba?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya, bakat ang kanyang dimples. Nagtama ang aming mga mata.
"Ang ganda dito. Where are we?"
"Shoren-in Temple."
Nag-umpisa tayong maglakad. Dinaanan natin ang di mabilang na mga puno na punung-puno ng mga ilaw. Seconds after, we passed a bamboo grove, kulay puti ang ilaw na nandito.
"Alam mo, nakikita ko ang sarili ko sa mga bamboo's na iyan." Sabi ko. "Matagal bago sila tumubo, kahit ang fully grown bamboo ay inaabot ng maraming taon bagi nito ma-achieve ang maximum height niya. Parang ako, it took me a while to grow and appreciate myself. Late bloomer ako eh."
Nagbitiw siya ng isang ngiti. Patuloy kaming naglakad.
"At kagaya ng bamboo na iyan, matatag ka. Kahit anong dagok ang dumating sa buhay mo, nalampasan mo lahat ng iyon." Turo niya sa bamboo at pagkatapos ay tumingin sa akin.
"At hindi lang iyan. Useful din kaya kami." Proud kong sabi. "Marami kaming talents at gamit." Nasa ganoon akong pagsasalita ng biglang magkamali ako ng apak, bahagyang tumabingi ang paa ko, mabilis kong naramdaman ang braso ni Rome na bumalot sa katawan ko.
"Are you okay? May masakit ba?" Bakas sa boses at mukha niya ang pag-aalala.
"I'm good. Wala ito." Sabi ko sabay tayo at bahagyang dumistansya sa kanya.
"Sigurado ka ah? Masakit ba ang paa mo?" tanong niya.
"Kaunti lang naman. Pero wala ito." Sabi ko. "Tingnan mo ito." Sabay pakita sa kanya ng left ring finger ko. "Naipit ito sa pinto noong bata pa ako. Basag ang kuko ko at dumudugo, halos mangitim din ito noon. Naaalala ko pa na wala akong ginawa kundi magsisisigaw noon, muntik na ngang maputol ito eh." Sabi ko.
"Masakit yun ah... Pero wala iyan dito." Sabay taas ng paa binti niya. "Noon sa basketball nangitim ito, sobrang takot ako noon kasi akala ko mapuputol ito at hindi na ako makakapaglakad o makakalaro ulit ng basketball. Love ko pa naman ang basketball."
Tumaas ang kilay ko sabay ngiwi. "Masakit yun ah." Sabi ko.
"Yeah. So ano? Talo ka na?"
"War freak. I'm sorry Mr. Parilla, hindi pa ako talo." Confident kong sabi sa kanya, napaka-competitive ng mokong na ito!
"May bala ka pa?"
"Marami." Sabi ko sabay cross-arm.
"Go."
"Ikaw na muna since ikaw yung competitive eh." Sabi ko sa kanya. Napansin kong nakaalis na kami sa bamboo groove, nasa isang kaming malawak at mossy field at halos walang tao kundi kami lang ni Rome. Sa isang parte nito ay may tulay, naglakad kami papunta doon.
Tumahimik siya. Ilang saglit pa'y nagpakawala siya ng malalim na hinga.
"First year college ako, nalaman ni Mama na nagkaroon ng kabit si Papa. Sampung taon sila nung babae, sampung taon din niyang tinago sa amin iyon. Nagkaroon pa nga kami ng kapatid sa labas eh. Bumagsak ako sa apat na subjects, sobra akong depress. Halos gumuho ang mundo ko." Nabalot ng luha ang mga mata niya. "Noong mga panahong iyon, si Gel yung nandoon para sa akin, siya ang naging lakas ko sa mahabang panahon. Kaya minahal ko siya ng sobra." Nagbitiw siya ng malalim na hinga. Ramdam ko ang pain niya.
"Iiyak na iyan!" biro ko sa kanya sabay pasimpleng punas ng namumuong luha sa mga mata ko.
"Baliw. Ikaw naman. Give your best shot." Sabi niya sabay upo sa may gilid ng tulay, tumabi ako sa kanya.
Kinain tayo ng katahimikan. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. "When I was in second year college, muntik na akong hindi makatapos ng pag-aaral." Sabi ko at pagkatapos ay tumingin ako kay Rome. Nagtama ang aming mga mata. "My mom was diagnosed with breast cancer, stage two." Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib ko. Parang binuklat ang peklat dito sa puso ko. "Dahil doon nabaon kami sa utang. Muntik na akong hindi makatapos ng pag-aaral. Napabayaan ko studies ko. Napabayaan ko sarili ko. Nagwala ako. I did some shitty things na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko. And just like you, my world fell apart." Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang hirap sa pagsasalita. "Alam mo ba, iyon yung mga bagay na gusto kong kalimutan sa nakaraan ko, mga bagay na kung bibigyan ako ng pagkakataon ay babaguhin ko. I want to choose the better path, and be a better person." Napayuko ako.
Naramdaman ko ang mainit niyang daliri sa aking mga mata, umiiyak na pala ako at pinunasan niya ang luhang dumadaloy sa aking mukha.
"Sorry... Ang lalim pala ng sugat nito." Sabi niya sabay hawak ng kaliwa niyang kamay sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Magkasing lalim pala tayo ng sugat dito." Sabay kuha sa kaliwang kamay ko at linagay ito sa kanyang dibdib.
Nagtama ang aming mata. Nababalot man ng luha ang mga mata niya'y kitang-kita ko pa rin ang pagkislap ng mga bituin sa loob nito.
"Alam mo, hindi ko akalaing darating ang panahong maghihilom ang sugat 'dyan. Akala ko tuluyan nang namanhid iyan. Akala ko hindi na ako makakaramdam pa ulit. Until I met you." Malambing niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa narinig. Muli kaming kinain ng katahimikan, hindi pa rin namin inaalis ang tingin sa isa't-isa. Muli kong narinig ang mahinang awit ng mga ibon. Humalik sa aking pisngi ang malamig at sariwang hangin.
"Ang seryoso natin."
"Oo nga eh." Sagot ko.
"What makes you happy?" random niyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa totoo lang ay maraming bagay ang nagpapasaya sa akin.
"Mga mahal ko sa buhay."
Lumiwanag ang mukha niya.
"Since nasabi mo iyan at naka-kimono naman tayo, halika tayo tayo." Nakangiti niyang sabi, sumunod ako. "Dyan ka lang ah." Sabi niya sabay takbo papunta sa isang maliit na burol, tumayo siya sa gitna nito. Kitang-kita ko sa likuran niya ang napakaraming puno na puno ng ilaw.
"Ngayon pumikit ka!" Sigaw niya sa akin.
"Bakit? Ano na naman ito?" naiirita kong tanong.
"Basta sumunod ka na lang ang hilig mo namang kumontra eh!" sigaw niya. Dahil ayoko ng makipagtalo ay sinunod ko siya. Nakita ko ang kadiliman.
"Ngayon isipin mo na itong lugar na tinatayuan mo ay ibang mundo, malayo sa Pinas at Japan. Malayo sa mundong kinalakihan mo. Inhale, exhale. Langhapin mo ang hangin, hayaan mong dalhin ka nito sa lugar na kung saan ay magiging malaya ka."
Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Nalimutan ko lahat ng sakit at problema ko. Nalimutan ko lahat ng pangamba at mga takot ko. Bahagya akong napangiti.
"Ngayon... Isipin mong ikakasal ka sa taong pangarap mo, sa taong gusto mong makasama habang buhay." Malambing niyang sabi. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko ang mukha niya sa isip ko. Nanlambot ang buong katawan ko.
"Open your eyes."
Sinunod ko siya. Nakita ko ang mahal ko, ang pangarap ko, ang taong gusto kong makasama habang buhay. Unti-unti siyang ngumiti. Sumenyas siyang lumakad ako papunta sa kinatatayuan niya, sumunod ako. Para talaga kaming ikakasal at heto ako naglalakad papunta sa altar kung saan nandoon siya.
Ramdam ko ang bigat ng paa ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Pakiramdam ko'y nasa ibang mundo kami, malayo sa mapanghusgang mga tao, malayo sa galit, malayo sa masakit naming nakaraan. Bigla kong naalala ang mga hindi magagandang nangyari sa amin noon. Huminga ako ng malalim, hindi ko ito pinansin. Patuloy akong naglakad.
Napakamagical ng buong lugar. Para kaming nasa isang enchanted forest na pinaghaharian namin. Ang mga awit ng ibon ay parang kampana sa aking pandinig. Ang maliliwanag na ilaw na nasa puno ay parang mga bulaklak na siyang nagbibigay ganda sa buong lugar. Ilang saglit pa'y nakarating ako sa harap ng aking Prinsipe. Ngumiti siya. Para akong naging bato sa kinatatayuan ko, batong unti-unting nalulusaw sa matamis niyang ngiti. Everything is like a dream and a fairytale. It's perfect.
Kinuha niya ang kamay ko, naramdaman ko ang init ng kanyang palad.
"Can I be your groom tonight? Your partner? Hayaan mong maging ako ang taong iyon, kahit ngayon lang?" medyo nag-crack ang boses niya, hindi ko alam kung bakit.
Hindi ako makakibo. Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin niya iyon. Naging irregular ang aking paghinga. Dahan-dahan akong tumango.
Ngumiti siya. Bakas sa mukha niya ang hindi masukat na saya. Napansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa. Nagulat ako sa aking nakita! Ang emerald bracelet ko! Paano napunta sa kanya iyon?
"Naiwan mo ito sa kwarto ko last year sa Tokyo." Sabi niya. Sa totoo lang ay nalimutan ko na ang tungkol sa bracelet na iyon gawa ng sama ng loob ko sa kanya sa loob ng isang taon. Nabili ko ito sa Asakusa Market sa Tokyo last year.
Unti-unti niyang pinasok ang bracelet na iyon sa kaliwa kong kamay habang sinasabi ang marriage vow.
"I, Rome, take you, Ray, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, until death do us part."
Nang maikabit ito sa aking wrist ay biglang bumigat ang pakiramdam ko, para akong binagsakan ng mundo. Tinitigan ko ang bracelet. Sunud-sunod na pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari sa amin sa Tokyo, pabalik na parang nag-rewind ang lahat hanggang sa na-meet ko siya sa Beijing. Lahat ng tampo, sakit, galit ay bumalik. Ang kataga niyang bumasag at pumatay sa aking pagkatao ay paulit-ulit kong narinig.
"I'm sorry... Hindi ito pwede." boses niyang nag-eecho ng paulit-ulit pagkatapos ng halik na pinagsaluhan namin habang nakalutang kami sa Hakone Cable Car.
ROME:
Unti-unting napawi ang mga ngiti sa iyong labi. Ang kanina mong kumikislap na mga mata ay nabalot ng lungkot at luha. Kinutuban ako ng masama.
"Ray?" sabi ko sabay hawak sa magkabila mong mukha. Tumingin ka sa akin, wala akong makitang emosyon. Para akong sinaksak sa aking nakita. What's happening? Bakit ka umiiyak? "Ray anong problema?" bakas sa boses ko ang pag-aalala. Hindi kita mabasa. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Rome... Ang sakit... Ang sakit-sakit pa rin." Sabi mo. Dahan-dahang pumatak ang iyong luha.
Para akong hinampas ng malaking bagay sa narinig. Tinukod ko ang noo ko sa noo mo. Hindi kita maintindihan. Dahil ba ito sa nagawa ko noon? Ano pa bang gusto mong gawin ko Ray? Hindi pa ba sapat ang pagbawing ginagawa ko?
Pumikit ka, mahina kang umiyak. Pumikit din ako. Gusto kong pawiin lahat ng sakit sa puso mo. Gusto kong ayusin ang lahat. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko.
Napansin ko na lang na unti-unting dumikit ang labi ko sa labi mo. Parang may sumabog sa puso ko, unexplainable. Ramdam ko ang kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Parang lumilipad ang kaluluwa ko. Unti-unting gumalaw ang labi mo, ganoon din ako.
Nasa ganoong paglipad ang aking emosyon nang naputol ito. Naramdaman ko ang paglayo mo sa akin. Dumilat ako. Blanko ang iyong mukha. Hindi ako nakapagsalita. Hindi kita maintindihan. Kinabahan ako. Parang nangyari na ito noon.
"I'm sorry." Pabulong mong sabi.
Ang fairytale na ginawa natin ay nawasak sa isang iglap. Nadurog ang pangarap natin.
"I'm sorry... Hindi ito pwede." Walang emosyon mong sabi.
THIS IS THE LAST PART OF 1ST HALF OF "DEAR STRANGER".
ReplyDeleteTHANKS FOR READING!!!
Comments, Feedback, and Suggestions are all welcome!
This is it! Next chapter na ang umpisa ng 2nd Half ng "Dear Stranger". Sana huwag kayong bibitiw! ^_^
Ang lungkot naman Kala ko magkakaayos na pero iba...... Grabe ang galit ni ray ky rome saying effort
ReplyDeleteJharz
Thanks for reading! :-)
DeleteBakit ba sobra akong kinikilig sa mga ginagawa ni Rome. Ihanap mo nga ako nang kasing romantic ni Rome sir Gab :). Tapos yung last part sobrang bigat akala ko medyo ok na mangyayari sa kanila. Pero ang pinaka nagpaintense na pagbabasa ko sa last part eh nagplay yung pinaka paborito kong kanta at sobrang bagy na bagay k Rome at Ray sa nangyari. Naluha ako dahil sa scene at lyrics nung kanta ;( . " Now you kiss my cheek Soft and bittersweet I can read it in your eyes Baby, this is our goodbye
ReplyDeleteNothing more to say Nothing left to break I keep reaching out for you Hoping you might stay
Nothing more to give Nothing left to take I keep reaching out for you Reaching out for you As you turn away."
Ito nmn yung yrics na sa tingin kong mararamdaman ni Rome kpg lumayo na si Ray: "One step my heart is breaking One more my hands are shaking The door is closing And I just can't change it" ;( Akala ko di na coconnect yung tumutugtog na kanta, naghahanda lng pala sa last part at yung pinakapaborito ko pang kanta. Thanks Sir Gab.
-RavePriss
Thanks for reading! :-)
DeleteNakakatuwa ka naman ang sipag mong magcomment. Haha!
Ang sakit naman sa puso 😢😢😢
ReplyDelete-44
Ganun po talaga. Thanks for reading! :-)
DeleteI’ve seen this coming, kabisado ko na ang style mo. Pero hindi ko inakalang sobrang sakit at pati ako ay mapapaluha sa eksenang iyon.
ReplyDeleteThe best chapter so far in the whole story (including “Love, Stranger”). I love the shop scene na parang nagsusukat ng damit para sa wedding nila at yung date nila sa streets ng kyoto. But the last scene in the temple is the most heartfelt and painful part of the story. Masakit ang nangyari sa Book 1, pero para sa akin mas masakit ito. Their happy ending is almost there but was robbed in a snap by pain and anger of Ray.
Sorry to say this pero mas nakikita kong Protagonist si Rome than Ray na saksakan ng arte. Naiintindihan ko ang pinagdaanan niya pero bakit ang selfish niya sa sarili niya at kay Rome na nagmamahal sa kanya?
I know it’s too early to conclude na happy ending na nga sana nila knowing that there are lot of conflicts left unresolved: Gel, Mr. Kyou, Family problem ni Rome, and ghost ng past ni Ray. Pero I believe, their love is the solution to all this. Kaso mukhang haharapin nila ang lahat ng problema individually. Alarming ang identity nung kausap ni Ray sa email. Who is he/she? Kilala kita Whitepal, hindi ka naglalagay ng mga characters na hindi importante and I’ll look forward with this one!
As always matagal ang update pero worth it ang paghihintay. Cheers Gab!
- Zefyr
Thanks for reading! Na-miss ko mga comments mo ah. ^_^
DeleteNakakainis ka author basang-basa damit ng luha!!!! Sana maging okay na ang lahat.
ReplyDeleteDamit mo po? Palit na po kayo. Hehe. Next chapter magdala po kayo ng tissues pag binasa niyo. Hahaha!
DeleteThanks for reading! ^_^
ang ganda na ng takbo ng kwento.. pero ang sakit..
ReplyDeleteSalamat po sa pagbabasa. :-)
DeleteSakit sa puso nito! Haha. Salamat sa update Author wala kang kupas. Excited ako sa mga susunod na mangyayari.
ReplyDeleteThanks for reading! Marami pa pong mangyayari kaya sana wag kayong bibitiw. :-)
DeleteSakit sa puso nito! Haha. Salamat sa update Author wala kang kupas. Excited ako sa mga susunod na mangyayari.
ReplyDeleteThanks for reading! Marami pa pong mangyayari kaya sana wag kayong bibitiw. :-)
Delete