Followers

Saturday, February 20, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 6-11


Follow me on WattPad. Look for PeterJDC.

























Chapter 6

Ilang minutong nakatayo si Ivan sa tapat ng gate na iyon matapos isara ito ng kanyang kaibigan. Batid niya sa mga luhang pinakawalan ni Errol na may malalim itong nararamdaman sa kanya. Gusto niya sanang sabihin na... Sandali lang. Hindi nga pala siya sigurado sa nararamdaman at hindi niya alam kung kaya ba niyang panindigan ang nararamdaman kung ano man ito.

Gusto niyang maibalik ang samahan nila ni Errol, pero sa tingin niya ay huli na. Nasaktan niya na ito. Inaasam niyang sana alam ni Errol ang pinagdadaanan niya. Hindi man lamang niya nahingi ang numero niya. Paano niya matatawagan ito? Paano niya ito makokontak gayong deactivated ang kanyang Facebook?

Sumagi sa isip ni Ivan si Erik. Tiyak magagalit ‘yon kapag nalaman niyang hindi niya tinupad ang kanilang pinag-usapan noon. “Sorry, Pareng Erik.” Bumuntong-hininga na lang siya at pagkatapos ay pinaandar ang kanyang sasakyan.

Kumain siya sa isang restaurant na mag-isa at dumaan sa kanyang tindahan pagsapit ng alas nwebe ng gabi. Binati siya ng kanyang gwardiya. Wala na si Clark. Ang kaherong naka night shift ang nandoon. Pumasok siya sa maliit na kwartong tinatambayan niya upang kunin ang kanyang laptop at ibang gamit at lumabas. Nakita niya ang isang pamilyar na babae.

“You’re familiar,” saad ni Ivan.

“Do I know you?” tanong ng babaeng kulot ang buhok at nakadenim jacket at maikling shorts.

“Ikaw ‘yung muntik ko nang mabangga, remember?”

“I don’t remember.”

“I’m Ivan.”

“I still don’t remember you.”

“Okay. Wait, natatandaan ko ang name mo.”

Umirap ang babae.

“Diana, right?”

“Stalker ka ba?”

“Actually, I own this store.”

“Ah, ganon ba?”

“May maitutulong ba ako?”

“No. I can manage.”

“Thank you for choosing our store,” saad ni Ivan na nakangiti. Matagal niya itong tiningnan hanggang sa yayain niya itong magkape.

“I don’t know you.” Umismid ito at sumimangot, ngunit matagal siyang tinitigan na sa pakiwari ni Ivan ay iniestima siya. “Wala ka naman sigurong gagawing masama, di ba?”

“Itong mukhang ‘to gagawa ng masama?” Tumawa si Ivan.

“You’re handsome... and funny.”

Uminit ang kanyang mukha.


Kaswal na nag-usap ang dalawa habang nasa loob ng coffee shop.

“Masyado yatang malalim ‘yang iniisip mo,” saad ni Diana.

“Ah, wala. Pagod lang siguro.”

“Ex-girlfriend?”

“Not really,” simpleng sagot ni Ivan.

“Let me guess. Kakabreak niyo lang.”

“Nope. Hindi nga naging kami.”

“Oh, I see. Sad. Bakit naman?”

“Parang hindi kami pwede, eh.” Bakit ba tila komportable si Ivan na pag-usapan ang ganitong bagay sa babaeng di niya naman lubusang kilala?

“Ganyan din ang sabi ko dati. But it’s all up to you, kung gusto mo talaga ‘yong tao gagawa ka ng paraan.”

“May hugot ha.” Ngumisi si Ivan.

“I’m serious.”

“So ibig sabihin may boyfriend ka na?”

“Not really.”

Ngumisi si Ivan. “Single ka?”

“Not really.” Ngumisi din ang babae.

“What? Ang labo.”

Tumawa lang si Diana.

Matagal din silang nag-usap at nagkapalagayan ng loob. Paminsan-minsan ay sumasagi si Errol sa isip ni Ivan at sa tuwing nangyayari iyon ay natitigilan siya.  


Chapter 7

“Ang sakit ng katawan ko,” daing ni Erik habang ginagalaw-galaw ang mga balikat, braso, at hita. Pagkatapos ay umakbay ito kay Shanice.

“Pamasahe ka kaya.”

“Wag na. Gastos lang.”

“Dahil ba ‘yan sa PE class mo kanina?”

“Napasabak sa biglaang Taekwondo class.”

“Di ba one-week course lang yan?”

“Oo. Nabigla yata ang katawan ko. 2 years ko na hindi ginagawa, eh.”

“Di ba may trainer naman?”

“Oo, kaso, kelangan dalawa kami magdemo sa mga estudyante.”

Ilang minuto ang lumipas na walang nagsalita sa dalawa. Tahimik lang silang naglalakad sa daan hanggang sa magsalita si Shanice.

“Bhe, bakit laging malalim ang iniisip mo?” tanong ni Shanice kay Erik.

“Ha?” Nakatuon ang atensiyon ni Erik sa daan.

“Kagaya niyan, parang lumilipad ang isip mo.”

“Wala. Iniisip ko lang kung itutuloy ko ang pag-aabroad.”

“Hindi naman kita pinipigilan.”

“Hindi naman sa ganun. Marami kasi akong iniisip.”

“Gaya ng?”

“Mga gastos sa pagpaprocess.”

“Tutulungan kita.”

“Bhe, ako dapat gumastos para dun.”

“Para namang iba ako sa’yo.”

“Hindi naman sa ganon. Siyempre alam kong may mga pangangailangan ka rin.”

“Kamusta na nga pala si Errol?”

Huminga si Erik nang malalim. “Hindi na kami masyadong nag-uusap,” saad ni Erik na napaiba ng tingin.

“Bakit?”

“Abala kasi ako. Tas busy din yata siya sa paghahanap ng trabaho. Nung huli kong punta sa kanila wala siya,” malungkot na sagot ni Erik.

“Hindi na ba siya babalik sa school sa June?”

“Hindi na yata. Ayaw naman talaga nun magturo.”

“Sayang naman,” saad ni Shanice na yumuko. Sinipa niya ang batong nasa daan nang mahina. “Gustong-gusto pa naman siya ng mga estudyante.”

“Taas nga ng evaluation rating niya.”

“Pero kung sa’n siya masaya... Siyempre buhay niya ‘yun. Siya magpapatakbo.”

“Oo nga eh.” Nakatingin si Erik sa malayo.

“Kamusta na kaya sila ni Ivan?”

Nakatingin lang si Erik sa malayo na tila hindi narinig ang tanong.

“Bhe?” Tinapik ni Shanice ang nobyo.

“Ha? Ano ‘yun?”

“Tanong ko kung kamusta na kaya sila ni Ivan.”

“Hindi ko alam. Siguro masaya sila.”

“In love na ba si Errol sa kanya?”

“Matagal na. Ilang araw pa lang sila magkakilala, nahulog na si Errol dun.” Umiba ulit si Erik ng tingin. “Baka nga sila na, eh.”

“Talaga?”

“Bakit mo naitanong?”

“Parang noong isang araw nakita ko si Ivan may kasamang babae,” saad ni Shanice.

“Talaga? Baka kaibigan lang o relative.”

“Parang sweet sila, eh.”

“Talaga?” Nagtatakang tanong ni Erik.

Tumango si Shanice. “Sige, bhe. Thanks sa paghatid ha.”

Hinalikan ni Erik ang kasintahan sa labi nang mabilis at hinintay itong pumasok sa kanilang bahay. Habang nasa labas ng bahay nina Shanice ay nagdial si Erik sa kanyang cellphone, ngunit nagtataka siya kung bakit unattended na ang kabilang linya. Dahil hindi makontak ang taong nais kausapin ay nagpasya si Erik na maglakad at sumakay pauwi.

Nang makauwi ay sinabihan ito ng kapatid na hinanap siya ni Errol. Pumasok siya sa kanyang kwarto at may nagdial sa kanyang telepono. Hindi sinasagot ng kabilang linya ang kanyang tawag. Maya-maya pa ay nagdial ulit ito. Ilang beses siyang nagdial bago sumagot ang kabilang linya.

“Rol? Andiyan ka ba?” Hinintay ni Erik na magsalita si Errol. Matagal itong sumagot. “Errol?”

“Erik, napatawag ka.” Pumipiyok ang boses ni Errol.

“May sakit ka ba?”

“Wala.”

“Bakit pumipiyok ka?”

“Baka sa linya lang.”

Hindi naniniwala si Erik sa sagot ni Errol ngunit ipinagkibit-balikat na lang niya. “Kamusta ka na?”

“Okay lang. Sa Lunes may bagong trabaho na ako.”

Dinig ni Erik ang masiglang boses ng kaibigan. “Wow! Congrats! Sa’n ‘yan?”

“Sa isang pharma lab. Pero di ko pa alam kung saan. Sa Lunes magrereport ako dun sa office nila sa Makati.”

“Mukhang medyo malayo dito.”

“Hindi naman. Malayo dahil sa trapik. Uy, pumunta ka raw dito sa bahay kanina.”

“Ah, oo.”

“May problema ba?”

“Wala. Gusto lang” -- suminghot si Errol -- “kita kamustahin.”

“Umiiyak ka ba?” tanong ni Erik na napakunot pa ng noo.

“Hindi, ah!”

“Bakit parang iba ang boses mo?”

“Parang sinisipon kasi ako.”

“Si Ivan. Kamusta na?”

“Ay, busy ‘yun.”

“Lagi ba siya diyan?”

“Busy nga ‘yun.”

Nagtaka si Erik sa sagot ni Errol. “Rol, may problema ba?”

Matagal sumagot si Errol.

“Errol? Andiyan ka pa ba?”

“O... Oo, ano nga ulit ‘yung tanong mo?”

“May problema ka ba?”

“Ah, wala, wala naman, Erik. Bakit?”

“Sigurado ka?”

“Oo, oo.”

“Gusto mo puntahan kita bukas?”

“Erik, ‘wag na. Baka maabala ka pa. T’saka aalis ako bukas.”

“Sa’n ka pupunta?”

“May importanteng aasikahusin lang. Kamusta na kayo ni Ma’am Shanice?”

“Okay lang kami.”

“Mabuti naman. Masaya ako para sa iyo, best fr... Erik, masaya ako para sa iyo, sa inyo.”

“Errol...”

“Sige, Erik. Matutulog na ako. Salamat sa pagtawag.”

Pinutol na ni Errol ang tawag.

Nakayukong nakatingin si Erik sa kanyang cellphone na tila nag-iisip nang malalim. Nagtataka siya kung bakit malungkot ang tono ng boses ng kaibigan, ngunit naisip niya rin na baka nga sa linya lang. Pero... Binabagabag siya. Tila ay gusto niya itong puntahan. Sandaling nasagi ng kanyang paningin ang isang pulang bagay na iyon na kumikislap nang bumukas ang pinto.

“Kuya! Ang kawali nasusunog!”

Agad tumalon si Erik sa kanyang kama at tumakbo patungo sa kusina. Lumiliyab ang kawaling may mainit na mantika. “Ano’ng ginawa mo?”

“Magpiprito sana ng chicharon. Ayan, biglang umapoy.”

Mabilis na pinatay ni Erik ang stove at kinuha ang takip ng kawali at itinakip ito sa nasusunog. Napuno ng usok ang bahay nila.


Kinabukasan ay dumalaw nga siya sa bahay ng kaibigan, ngunit sabi ni Aling Celia ay wala ito roon.


Chapter 8

“Papa, sa tingin ko ay wala na nga talaga kay Melchor ang mga bato. Marahil nasa mga nakatakda na ang mga ito. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Kinakausap ni Cassandra ang imahe ng kanyang ama na parang sumasagot ito. “Pero kailangan kong makaisip ng paraan. Oo, papa. Nag-iisip ako ng paraan. Oo, tama! Maaangkin ko ang mga hiyas at ako ang magkokontrol sa mga kapangyarihan ng mga ito. Si Melchor ang susi upang matagpuan ko ang mga nakatakda.”

Palakad-lakad si Cassandra sa tapat ng larawan ng ama. Nag-iisip ito. Minsan ngumingiti. Minsan ay seryoso. “You just wait, old man.”

May kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Cassandra.

“Ma’am, hinahanap po kayo ni Sir Lucio,” saad ng katulong.

“Salamat, Nida. Sabihin mo I’ll be there in a minute.”

“Okay po, ma’am.”

“Ihanda mo ang aking favorite wine.”

“Okay, ma’am.”

Bumaba si Cassandra. Nadatnan niya si Lucio sa kanilang malawak na sala. “Lucio, darling, you look great,” saad ng dalaga.

“You look hot, Cassie,” saad ni Lucio na kumindat.

“It’s Sandy,” asik ng babae. “What brings you here?” Umupo si Cassandra sa tabi ng lalaki.

“What do you think?” Pilyo ang mga tingin ng lalaki.

“Looks like you brought me some good news.” Pilyo rin ang mga tingin ni Cassandra.

“Don’t be too excited, darling.” Hinalikan ni Lucio ang leeg ni Cassandra. Pagkatapos inamoy ang balikat nito.

“Mamaya na.” Tinulak ni Cassandra ang mukha ni Lucio at hinawakan ang baba nito. “We have the rest of the night for that.” Nilagyan ni Cassandra ng wine ang kanilang mga baso. “Meanwhile, a toast?”

Ngumiti si Lucio at kinurot ang baba ng babae. “Alam mo talaga kung paano ako bitinin.”

“Mas masarap pag nabibitin,” kagat-labing saad ni Cassandra habang pinagapang ang hintuturo sa pisngi ni Lucio. Malagkit ang kanilang mga tinginan.

“Nasa gubat pa rin ang matanda. Mukhang bumabalik-balik siya sa kanyang lungga,” saad ni Lucio.

“Well, well...” Tumawa ng payak si Cassandra at lumagok ng wine.

“Gusto mo mag-surprise attack kami?” tanong ni Lucio habang hinahaplos ang buhok ni Cassandra. “You know we can do it anytime.”

“Don’t be so ruthless, Lucio, darling,” saad ng dalaga. “There’s plenty of time to hunt down that hermit.”

“As you wish, my lady,” nakangiting saad ni Lucio.

“Besides, it may not work. Magpapalamig muna tayo. Manmanan niyo lang ang matanda. Alamin ninyo kung saan siya pumupunta. We’ll take him by surprise.”

“Hindi mo ba siya kayang ihokus-pokus?”

Umiling si Cassandra. “I have to be more careful this time.”

“Looks like my bitchy witch is not good enough.”

“For now! Mas lalakas si tanda pagsapit ng solstisyo sa Hunyo. Kaya mas mainam na magpalamig muna.” Umirap si Cassandra at lumagok ulit ng alak. “Right now, there’s something we need to do.”

“What is it, your majesty?” Hinalikan ni Lucio ang kamay ng dalaga.

Ginapang ni Cassandra ang kamay papunta sa pundilyo ng lalaki. “You are always ready,” bulong niya habang napapakagat-labi at kasunod ay hinalikan ito. Pagkatapos ay hinila niya ang lalaki sa kwelyo paakyat sa kanyang kwarto.


Chapter 9

Dumating ang araw ng Lunes. Gaya ng sinabi ni Cindy ay pumunta si Errol sa kanilang opisina sa Makati.

“Hi,” masiglang bati ni Cindy kay Errol.

“Hi, Ma’am Cindy,” bati ni Errol sa dalaga. Nakita niyang may tinapon itong kung ano sa basurahan.

“Great. Meet your workmates -- Mara and Gideon, the new lab technicians, and Nathan, your fellow chemist,” saad ni Cindy kay Errol.

“Hi,” bati ni Errol sa tatlo. Nakita niyang tumango ang mga ito at inabot ang kanyang mga kamay.

“I’ll have you sign the contracts in a minute. I’ll also orient you regarding company policy. Tomorrow, you can start reporting to our lab in Taguig. I know, Mara and Gideon, you both live in Taguig, right?”

Tumango sina Mara at Gideon.

“Great. That means you won’t have a problem with transportation. But Errol is from Sampaloc and Nathan is from Caloocan, right?”

Tumango sina Errol at Nathan.

“Nathan, I think you should rent a place.”

“May matitirhan na po ako sa Taguig, ma’am,” sagot ni Nathan.

“Errol, you may also consider renting a place,” saad ni Cindy.

Doon lang naisip ni Errol na mahirap nga pala ang byahe galing sa Sampaloc papuntang Taguig lalo pa’t trapik sa maraming bahagi ng Manila tuwing oras ng pasukan papunta at uwian galing sa trabaho. Ito ngang pagpunta ng Makati ay kinailangan niyang umalis ng bahay ng alas sais upang makasigurong aabot siya sa opisina ng alas otso ng umaga. Tatlong sakayan din ‘yun -- kasama ang papuntang Quiapo -- na kung suswertehin ka ay aabot ka ng Makati ng mahigit-kumulang isang oras. Mas mahirap ang papuntang Taguig. Nakakangarag.

Sa kabilang banda ay naalala rin ni Errol ang sinabi ng matandang lolo niya, na kailangan niyang lumipat ng tahanan upang protektahan ang kanyang pamilya. May alinlangan siya sa babala ng matanda, ngunit marahil may bahid ito ng katotohanan lalo pa’t nasaksihan niya kung paano sila tinugis ng mga armadong tauhan ni... Nakalimutan ni Errol ang pangalang sinambit ng lolo niya. Pangalan iyon ng babae.

Biglang may pumasok na babae sa opisina ni Cindy. Binati ito ni Cindy. “Good morning, Miss Sandy.”

Napalingon si Errol at ang tatlong baguhan. Nakita ni Errol na nakasalamin ito. Maayos ang buhok na nakatali sa likod. Strikta itong tingnan. Malinis ang damit. Nakacoat ito na puti na medyo hapit, kaya naman litaw ang kurbada ng kanyang balakang. Naka-slacks ito na puti rin at puting high heels. Mayamang-mayaman ito umasta. Nakaka-intimidate.

“Ladies and gentlemen, I am pleased to introduce to you the company’s CEO, Miss Sandy Imperial,” saad ni Cindy.

“Good morning, ma’am!” sabay-sabay na masiglang bati nina Errol sa dalaga. Ngumiti si Sandy sa mga ito at isa-isa silang kinamayan.

Kinabahan si Errol nang siya na ang kamayan nito dahil matalim siya nitong tiningnan na may bahagyang ngisi. Ang tinging iyon ay parang nangangalkal ng kaluluwa.

“Have we met before?” tanong ni Sandy kay Errol sa pino niyang boses.

“I-I don’t remember, ma’am,” nauutal na saad ni Errol. Ngunit agad na binaling ng boss ang tingin kay Cindy.

“They look smart, quite fine replacements sa mga nagresign,” saad ni Sandy kay Cindy.

“They have promising academic and professional backgrounds, miss. I’m sure they will do just fine,” sagot ni Cindy.

“Well, I’ll leave them to you. This is your area.” Ngumiti si Sandy kay Cindy. Pagkatapos ay lumingon ito sa mga newly hired employees at payak ng ngumiti.

Natigilan si Errol nang dumako ang tingin ng boss sa kanya. Ang matalim na tingin nito ay nakakatakot.

Matapos ang contract signing at orientation ay dinala sila ng company mobile sa kanilang laboratoryo sa Taguig. Doon ay pinakita ni Cindy sa kanila ang lugar na pagtatrabahuan. Nakita rin nina Errol ang mga empleyadong naroon. Nakilala nila ang kanilang head chemist. Pagkatapos ay dinala sila ni Cindy sa kanilang planta kung saan ginagawa ang packaging ng mga gamot na binibenta.

Takipsilim na nang makabalik sila ng Makati. Dahil si Mara at Gideon ay taga Taguig, hindi na sila sumama pabalik ng Makati. Si Nathan naman ay nagpasya na umuwi muna sa bahay nila sa Caloocan upang kumuha ng mga gamit.

“Errol, I’ll just call you by your first name para di masyadong pormal,” saad ni Cindy.

“Okay lang po,” sagot ni Errol.

“I requested our transpo service na ihatid-sundo kayo ni Nathan for two weeks until mafamiliarize ninyo ang route or makahanap ka, Errol, ng matitirhan. Is that okay?”

“Okay po, Ma’am Cindy. Ang generous naman po ng company ninyo,” saad ni Errol.

“It’s not my company.” Tumawa si Cindy.

“Ma’am, if he likes he can stay with me doon sa nirerentahan kong room. Hindi sobrang ganda. Pero parang comfy naman. Tsaka, at least, hati kami sa renta.” Ngumiti si Nathan.

“That’s great. Errol, pag-isipan mo,” saad ni Cindy.

Napalingon si Errol kay Nathan. “Nakakahiya naman.”

“Anyway, it’s 30 minutes past your off time. I hope you had a great time,” saad ni Cindy.

Tumango sina Errol at Nathan.

“Ang gaganda ng mga boss natin,” masiglang saad ni Nathan.

“Oo nga eh,” sagot ni Errol.

“Sana dito na lang tayo sa main office.”

“Wala naman dito ang lab.”

“Sabagay.”

Napansin ni Errol na panay ang basa ni Nathan sa cellphone niya.

“Girlfriend ko,” payak na saad niya.

“Ah, okay.” Medyo nayayabangan si Errol sa kasama.

“May syota ka na ba, bro?” tanong ni Nathan.

“Bakla ako,” walang emosyong saad ni Errol. Narinig niyang tumahimik ang kasama at hindi na nagsalita. Sabay na lang silang naglakad papuntang Makati Avenue at sumakay ng magkakaibang bus. Si Nathan ay sumakay ng bus papuntang Buendia. Samantalang si Errol ay sumakay ng bus papuntang Gil Puyat upang doo’y sumakay muli ng LRT papuntang Carriedo. At mula doo’y sasakay muli pauwi ng Sampaloc. Ang buong byahe ay inabot ng isang oras.


Nang makarating ng bahay ay agad na kinausap ni Errol ang mga magulang tungkol sa balak na pagrenta ng matitirhan sa Taguig para mas malapit siya sa trabaho. Pumayag naman ang mga magulang ni Errol. Bago matulog si Errol ay kinausap ito ng ina.

“Dahil ba talaga sa trabaho kung bakit ka lilipat sa Taguig?” tanong ni Celia sa anak.

“Ma, ang totoo, ang isa rin sa mga rason ay upang tuluyan ko na ring maiwasan sina Erik at Ivan. Alam kasi nila itong bahay kaya napupuntahan nila anumang oras. Ayaw ko na silang makita. Ayoko ng may ugnayan pa sa kanila. Gusto ko na lang silang kalimutan,” walang emosyong sagot ni Errol.

“Mamimiss ka namin dito ng tatay mo,” pumupugak ang boses na saad ni Celia. “Alam mo namang tayong tatlo na lang dito tapos aalis ka pa. Pero kung yan ang kailangan mo, anak, naiintindihan kita.” Niyakap ng ina ang anak.


Nang magkita sina Errol at Nathan kinabukasan ay tinanong ng una ang huli kung bukas pa ba ang alok niyang doon tumira sa nirerentahan niya.

“Yup, bro. Sabihan mo lang ako kung kelan ka lilipat,” sagot ni Nathan.

Lumipat na nga si Errol sa kwartong inupahan ni Nathan. May dalawang higaan iyon. Medyo maluwang. Magkasama ang dalawa sa boarding house at laboratoryo, ngunit hindi sila masyadong nag-iimikan. Lumilipas ang maghapon sa trabaho na napapanis ang mga laway nila habang nakatunganga sa mga tinatrabahong kemikal. Minsan ay hiwalay silang nagka-quality inspection sa mga nagawang produkto.

Hindi naman sa hindi sila magkasundo. Wala lang silang mapag-usapan. Iniisip ni Errol na marahil naiilang si Nathan sa kanya dahil alam niyang bakla siya. Ngunit hindi na nito pinansin ni Errol. Wala naman siyang ginagawang masama sa kanya. Lalong hindi niya ito tipo. Hindi rin sila sabay kumain sa gabi.

Dumaan ang Mayo ganoon ang setup nina Errol at Nathan. Wala na rin ito sa nauna. Nasanay na rin siya. At sa tingin niya ay mas mainam iyon para makapokus sila sa kanilang trabaho. Minsan ay dinadalaw sila ni Cindy at kinakamusta. May mangilan-ngilan na ring naging kakilala si Errol sa tinatrabahuan.

Isan gabi ay tumawag si Aling Celia sa kanya. “Dalawang beses nang dumadalaw si Ivan dito, nangangamusta.”

“Sabihin niyo lang, nay, na okay na ako.”

“Ayaw mo ba talaga ipaalam kung san ka nagtatrabaho o namamalagi?”

“Wag niyo na ipaalam, nay.”

“Sige, anak. Ingat ka diyan.”

“Ikamusta niyo na lang ako kay tatay, nay.”


Kalagitnaan na ng Hunyo. Sa loob ng dalawang buwan ay trabaho at boarding house lang ang lugar na alam ni Errol. Minsan ay naiinis siya sa ugali ng kasamang si Nathan. Sinusumpong kasi ito ng pagkabugnutin at nagdadabog nang hindi niya alam ang dahilan, isa sa ugaling ayaw niya dito. Gusto niyang lumipat ng bahay pero wala pa siyang makitang malipatan. Gusto niya ring umupa ng apartment o condo ngunit nasasayangan siya sa perang ibabayad. May kamahalan din kasi ang unit. May mga linggong umuuwi siya sa bahay nila sa Sampaloc.

Nagkakaroon pa rin si Errol ng mga katakatakang panaginip na pinagkikibit-balikat niya na lang. Dalawang buwan na rin niyang hindi nakikita ang matanda pati na rin si Ivan, at sa tingin niya ay nakakasanayan na niyang hindi makita ito. Sinubsob niya ang sarili sa trabaho upang kahit paano ay makalimutan ang masakit na dinanas niya sa taong iyon.


Chapter 10

“Ano’ng pagsasanay ba ang gagawin ko sa kanya?” tanong ni Melchor kay Magda habang nakatanaw sa bahay ng anak na si Celia.

“Pagbigkas ng orasyon, pagtuklas sa kanyang mga kakayahan, at paghasa sa kanyang kakayahang makita ang hinaharap.”

“Mahirap pa siyang kumbinsihin sa ngayon.”

“Pero dapat nakapag-umpisa na kayo.” Kita sa mukha ni Magda ang pag-aalala.

Hindi lumingon si Melchor sa kanya. “Alam ko. Alam ko. Ngunit hindi ko naman mapipilit ang bata.” Ginala niya ang tingin sa paligid. “Hindi madali ito para sa kanya lalo pa’t kamakailan niya lamang natuklasan ang lahat. Bukod pa riyan ay hindi siya naniniwala sa lahat ng mga sinasabi ko.”

“Kung ganyan, kuya, ay paano na?”

“Sa totoo lang hindi ko rin alam. Ikaw ang may kapangyarihang makita ang hinaharap, hindi ako.”

“Kung ganon ay kakausapin ko siya.”

“Wala siya diyan sa loob.”

“Kung ganoon ay bakit nandito tayo?”

Hindi sumagot si Melchor. Inangat niya ang kanyang mga kamay at bumulong.

“Kuya, ano’ng ginagawa mo? Bakit nawala ang bahay?”

“Hindi nawala. Hindi mo lang makita. Hindi maaring matagpuan ni Cassandra ang bahay na ito. Ito na lamang ang maaari kong gawin para kay Celia.”

“Hindi mo ba dadalawin ang anak mo, kuya?”

“Sa ganitong ayos?” Umiling si Melchor. “Mainam na sa isipin niyang patay na ako. Alam kong panatag na rin ang kalooban niya.”

“Paano kung sabihin ng iyong apo?”

“Di ba’t apo mo rin siya?”

“Hindi iyon ang punto, kuya --”

“Wala siyang sasabihin kay Celia.”

“Paano ka naman nakakasiguro?”

“Dahil mahal niya ang mga magulang niya, at ayaw niyang madamay pa sila sa problemang ito. Ayaw ko ring magkaroon pa ng anumang koneksiyon si Celia sa atin. Hindi niya mundo ang mundong ginagalawan natin. Nilaktawan siya ng salamangka.”

“Oo, kuya, nasabi mo na yan noon. Nakakalungkot naman. Sana man lang ay nakita ko siya ngayon.”

“Bueno, kailangan na nating lisanin ang lugar na ito.” Bumuntong-hininga si Melchor habang tanaw ang ngayo’y tila bakanteng lote na sa kanilang paningin. “Paalam, anak.”

Nang ibalik ni Melchor si Magda sa barong-barong nito ay hinawakan ng huli ang una nang mahigpit. “Kuya, puntahan mo si Errol.”

“Bakit?” tanong ni Melchor na nakasimangot.

“Hindi ako sigurado, pero narinig ko siyang sumisigaw.”

Sandaling tiningnan ni Melchor ang kapatid hanggang sa dahan-dahan siyang kainin ng mga ilaw.


Chapter 11

Nadatnan ni Errol na nasa silid si Nathan kasama ang nobya nito. Dahil tila ay naglalampungan sila, napagpasyahan niyang iiwan muna sila. Hindi siya masyadong pamilyar sa Taguig kaya naman ay naglakad-lakad ito hanggang makarating sa isang parke na hindi naman kalayuan sa inuupahan. Doon ay umupo ito at tiningnan ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay may tumabi kay Errol. Hindi niya naman ito nilingon hanggang sa magsalita ito.

“Nag-iisa ka yata.”

Napalingon si Errol. Nakita niya ang nakasombrerong lalaking matipuno na may suot na hapit na t-shirt. Sumagi sa isip niya si Ivan noong una niya itong nakita. “Nagpapahangin lang.”

“Ako rin nagpapahangin,” saad ng lalaki na ngumiti sa kanya.

Napangiti na rin si Errol dito.

“Mike.” Iniabot nito ang kanyang kamay.

“Errol,” sagot ni Errol at nakipagkamay sa estranghero kahit may agam-agam. Nagulat na lang siya nang biglang ipatong ng lalaki ang kamay sa kanyang hita at tiningnan siya nito nang malagkit. Ginalaw ni Errol ang hita at umiba nang tingin, ngunit hindi inalis ng lalaki ang kanyang kamay. Tumayo si Errol.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ng lalaki.

Natakot si Errol. “Ah, eh... Uuwi na. Gabi na kasi.”

“Wala pa ngang alas nwebe, o,” masuyong saad ng lalakig inakbayan si Errol.

Inalis ni Errol ang pagkakaakbay, ngunit inakbayan ulit siya nito.

“Ayaw mo ba?” tanong nito.

“Ha?” tanong din ni Errol na napangiwi.

“Pampalipas libog lang. Sige na,”

Dinig ni Errol ang tila nagsusumamong boses ng lalaki.

“Pangit ba ako?”

“Hindi naman sa ganon pero di kasi kita kilala.”

“Di rin naman kita kilala eh,” bulong ng lalaki. “Sige na.”

Nakikiliti si Errol ngunit ayaw niyang magpadala sa panunukso ng lalaki. “Wala kasi akong pera.”

“Hindi naman ako nagpapabayad, eh.”

“Wala rin akong pangmotel.” Pilit na inaalis ni Errol ang pagkakaakbay ng lalaki sa kanya.

“Kahit diyan lang sa tabi, tol. Sige na. Di ka magsisisi, malaki ‘tong akin.”

“Ah, eh... Sige, alis na ako.”

Hinila siya ng lalaki. “Hawakan mo pa, o.” Tinaas ng lalaki ang laylayan ng kanyang t-shirt.

Nakita ni Errol ang mapula nitong mga utong at ang flat nitong tiyan na may kaunting buhok na na kumapal papunta sa ibabang bahagi. Kahit na humihindi siya ay nakakadama siya ng init sa katawan. Agad na kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at dinala ito sa kanyang harapan. Ramdam ni Errol ang bukol.

“Sabi ko na nga ba, gusto mo rin, eh.” Malagkit pa rin ang tingin ng lalaki kay Errol.

Giniya pa ng lalaki ang kamay ni Errol sa kanyang harapan, ngunit nagpumiglas na si Errol. “Ah, sige, uuwi na talaga ako.” Nasa tabi na sila ng daan. Nahihiya si Errol dahil may mga dumadaan.

“Wag muna! Libog na libog na ako, eh.” Nagmatigas na ang lalaki. Hinigpitan nito ang akbay kay Errol at mas diniin ang kamay niya sa pundilyo nito.

Pilit na kumalas si Errol sa pagkakaakbay ng lalaki, ngunit hindi siya makakalas. Napangiwi na siya dahil sa pilit na pagkawala at sa hiyang nararamdaman sa ginagawa ng lalaki. Natatakot siya sa maaaring mangyari.

Walang anu-ano’y may biglang pumaradang sasakyan sa tapat nila. Biglang bumaba ang sakay nito at agad na inundayan ng suntok ang lalaking nakaakbay kay Errol. Nagulat si Errol sa bilis ng mga pangyayari.

“Putang ina!” sigaw ng lalaking kanina’y nagpakilalang si Mike at inundayan din ng suntok ang lalaking galing sa sasakyan, ngunit nakailag ito.

“Manyak kang puta ka!” Sinikmuraan niya ang lalaki. Pagkatapos ay sinipa ito sa tuhod na ikinatumba nito at tinadyakan pa ito sa dibdib.

Doon lang napagtanto ni Errol kung sino ang bagong dating na lalaki. “I-Ivan?” Agad niya itong inawat. “Ivan, tama na ‘yan! Tama na! Huminahon ka!”

Ngunit tila hindi napansin ni Ivan si Errol. “Hoy, pucha kang hayop ka! Wag mong minamanyak ‘tong kaibigan ko!”

Nakita ni Errol na tatayo pa ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata ito kay Ivan habang nakahawak sa dibdib nito.

“Ano? Lalaban ka pa?” Pinandilatan ni Ivan ang lalaki na agad itinaas ang dalawang kamay habang pilit na tumayo.

Nakita ni Errol ang matalim na tingin nito sa kanila ni Ivan bago maglakad papalayo. Lumingon sa kanya si Ivan. Noon niya lamang nakita ang ganoong galit na ekspresyon sa mukha ng lalaki.

“Pumasok ka sa kotse!”

“I-Ivan?”

“Pasok sabi!”


Itutuloy sa tamang panahoooon...


12 comments:

  1. 1st!
    Avid reader nyo po ako mr. Author.
    I always check everyday kung may update na nitong enchanted at nung Unconditional.
    Keep on writing inspiring stories mr. Author <3

    -Zedd

    ReplyDelete
  2. kailan ang nxt update author? ang thrill na..cnt wait na po...huhuhu

    ReplyDelete
  3. Grabe, kabitiiiiiinnnn. Ivaaaan panindigan mo na si errollllll!

    ReplyDelete
  4. Nainspire akong magtrabaho nang dahil kay Errol :D

    -jcorpz

    ReplyDelete
  5. I'll post an update this weekend. Dito sa MSOB kailangan ipost ko ang multiple chapters in bulk kasi ayaw niyo naman ng maiksi, so it takes time. You can check my WattPad. PeterJDC name ko dun. Next update includes chapters 11-14. Check niyo yung buong chapter 11 sa wattpad pati na rin ang chapter 12.

    Pasensiya na kayo at nagiging mas abala ako lately kasi nakikibeki din ako because of the Pacquiao issue. I also write for an online LGBTQ magazine kasi. Yung link nun nasa wattpad profile ko.

    If you have questions regarding sexual orientation o gender identity, wag kayong mahihiyang magmessage sa akin. Hindi naman ako expert, may mga kaunting alam lang. Sa mga gay or bi teens na maaaring nabahala o natakot sa mga admonitions ni Pacman, you can read articles na nagpapaliwanag bakit hindi akma yung sinabi niya. Don't hesitate to ask for an advice or to ask anything. Andito lang kami kung kailangan ninyo ng makakausap para maliwanagan kayo o mapanatag ang inyong kalooban.

    Email: peterjonesdelacruz@gmail.com
    FB: https://www.facebook.com/bombi84

    Mabuhay ang LGBT Pinoys!

    ReplyDelete
  6. Cnu ang apat na pinili ng bato.... Tatlo palang ang nakikilala

    Nakaka excite namn sina Ivan at errol

    ReplyDelete
  7. Cnu ang apat na pinili ng bato.... Tatlo palang ang nakikilala

    Nakaka excite namn sina Ivan at errol

    Jharz

    ReplyDelete
  8. BTW, I hope I remember to add this reminder next time. I'm going to introduce Dane, an American telepath, in Chapter 26. If you want to know his background, read The Mind Bender, which is on WattPad (PeterJDC). Dane will have scenes with Diana and Ivan. Dane and David, a telekinetic, will be part of Book 3 (The Chase). May sariling love/supernatural story yung dalawa na hindi ko pa nasusulat. Hihihi. Pero pleeeeeeeeease give The Mind Bender a shot.

    ReplyDelete
  9. Very subtle lang yung clue ng pang-apat na pinili ng bato. Hindi ko sasabihin kung ano'ng chapter kasi pagsinabi ko sobrang obvious na. Sa umpisa ng chapter na yun may maliit, insignificant na detail pero yun yung clue.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think I already got it? or siguro yun lang yung taong gusto ko na maging pangapat kaya tingin ko yun yung clue.

      trash can?

      Delete
  10. Grabi bitin nakakainis....
    Dati ko pa to nababasa pero hindi ko pinapansin kamakailan parang no boboring kasi ako sa kwento hindi kasi sya yong tipikal ba gay love story may kasama kasing magic kaya sabi ko nong una ai boring to pero nong binasa ko na sabi ko shit isa. To sa. Magandang novel na nababasa ko sa. Tagal kong pag babasa ng mga novel na tulad nito faling mo author.....

    ReplyDelete
  11. Aminado ako na may parts na boring. Kaya lang yung boring din na parts kasama din sa backbone ng story. Hehe. Hindi ko na masyado ipapaliwanag kasi baka may kupal na naman na magsabing nagmamagaling ako. Basta kung gusto niyo ang story abangan niyo lang. Follow niyo ako sa WattPad para updated kayo. Kung may mga tanong nasa comment sa itaas ang contact details. Kung may mga di maintindihan wag mahihiyang magtanong. Happy Friday!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails