Here's chapter 8! I've been reading your comments and I am very thankful na nagustuhan niyo 'tong story ko. And about updating earlier/twice a week, medyo rain check muna kasi medyo mahirap siya at the moment. Mahirap isabay sa work, so sana maintindihan niyo hehe. I'll do my best to post at least once a week! :)
Thanks for the comments. Keep them coming!
A
--
Chapter
8
Nagdecide kaming anim na sa Jolibee na lamang
kumain bilang lahat kami ay iyong ang ikini-crave. Malapit lang naman ang
Jolibee sa school namin, iyong tipong literal na isang tawid lang mula sa gate
palabas kaya naman agad kaming nakarating at nakaorder ng mga gusto naming
kainin.
“Magbantay na lang ‘yung iba ng gamit. Ako na
lang oorder,” volunteer ni Isaac na hindi ko na ikinagulat dahil madalas at
natural na sa kanya ang ugaling ganoon niya base sa pagkakakilala ko sa kanya.
“Samahan na kita,” mungkahi naman ni Marco na siyang pinasalamatan ni Isaac.
“Anong mga order niyo?” tanong ni Isaac sa amin. Nilabas niya ang cellphone
niya para itype ang mga oorderin namin.
“Champ. Large coke and fries,” sagot ni Luke.
“One piece chicken, breast part tsaka
pineapple juice,” sagot ni Janine.
“Two pieces chicken, tapos large sprite,”
sagot naman ni Benj.
“Kyle, iyon pa rin ba? Gaya ng dati?” tanong
naman ni Marco na siyang ikinagulat ko. “Ah oo. Spag with chicken tap—“
“Thigh part plus iced tea?” ngiting pagputol
niya sa sinasabi ko na siyang tinanguan ko na lamang.
“Okay! We’ll be back,” pagpapaalam ni Marco.
Tinapik naman nito si Isaac at niyayang pumunta na ng counter para umorder.
“Beh, may napapansin ka ba kay Isaac?” agad
na tanong ni Janine as soon as out of earshot na ang dalawa. “Wala naman,
bakit?” takang tanong ko dito. Wala naman akong napapansing kakaiba dito bukod
sa inakto niya sa akin kanina matapos ang speech niya. “Di ba kasama ko sa
dance troupe si Charie? ‘Yang gf niya? Kahapon kasi before practice namin,
before kami magsayaw, pumunta si Isaac doon tapos medyo nagkasagutan sila.
Hindi ko gaano narinig pero parang itong si Charie may ginawa tapos ayaw niya
kausapin ‘tong si Isaac ng maayos,” pagkkwento ng chismosa kong kaibigan.
“Hmm, kahapon nga kinausap niya rin sa
cellphone niya before ako natulog pero hindi ko na rin narinig ‘yung mga
pinag-usapan nila kasi nga inaantok na rin ako nun,” sagot ko dito.
“Pustahan, malapit na ‘yang magbreak,” hula
ni Janine.
“Grabe ka naman. Mahal naman nila ang isa’t-isa,”
bara ko dito.
“Hindi, beh. Baka si Isaac oo, pero si Charie
hindi na. Totoo. ‘Yung isa naming ka-troupe feeling ko nagkakamabutihan sila,
eh. Hindi ko alam at hindi ko rin matanong kasi hindi naman kami close. Ang
arte kaya niya, kaya hindi ko alam kung ano nakita ni Isaac sa kanya, eh,”
pagra-rant pa nito. “Bakit naman sobrang interesado ka sa love life niya
bigla?” takang pagsingit ni Luke sa usapan.
“Para dito kay Kyle. Pag nagbreak ‘yun, may
chance na siya. I-seduce lang niya, madali naman iyon kasi roommates naman
sila,” simpleng sagot nito.
“Ulol ka! Gutom ka na nga talaga kasi kung
anu-ano ng baho lumalabas sa bibig mo!” ganti ko kay Janine. Minsan talaga
hindi ko maisip kung bakit ko nga ba naging kaibigan ang babaeng ito. “Just
saying,” depensa nito sa sarili niya. “Babe, huwag mo munang i-push si Kyle.
Alam mo na,” alalang sabi ni Benj sa girlfriend niya na alam kong patungkol kay
Ethan. “Okay, okay!” pagsuko nito.
“So kamusta naman siyang roommate, beh?”
tanong ni Janine, pilit iniiba ang conversation.
“Noong una kaming nagkita tinanong niya agad
ako kung ano gusto kong house rules,” kwento ko sa kanila na siyang agad namang
tinawanan nilang lahat maliban kay Benj.
“Grabe, considerate lang naman ‘yung tao,”
depensa nito. Matagal ko na kasing alam talagang idol na idol nitong si Benj si
Isaac kaya naman kanina pa siguro ito tahimik dahil na-starstruck ito sa
presensya niya. “Feeling ko ikaw talaga may crush kay Isaac, babe,” biro ni
Janine na siyang agad binawian ni Benj. “Oo naman, sino ba namang hindi?”
seryosong sabi niya na siyang nakapagpatahimik sa aming lahat.
“Alam niyo ‘yung joke? Uy, para kayong mga
tanga diyan!” pambawi niya.
“Grabe ka talaga, babe! Akala ko totoo na, pero seriously noong first day akala ko gay ka,” pag-amin ni Janine na siyang ikinatawa naming lahat. Hindi rin kasi namin alam kung seryoso ito o nagbibiro lamang.
Magsasalita na sana si Benj nang maputol ang
dapat niyang sasabihin sa pagdating nila Marco at Isaac dala-dala ang tray ng
mga pagkaing inorder namin. “Bakit tawang-tawa kayong lahat diyan?” tanong ni
Marco na nakakunot ang noo.
“Wala naman. Gutom lang ‘yang mga ‘yan,” agad
na sagot ni Benj bago pa makapagreact ang iba at sabihin ang totoo. At dahil sa
nakitang pagkain ay tila ba nakalimutan na ng lahat ang huling napag-usapan. Galit-galit muna, ika nga nila. Nagulat
ako nang biglang agawin ni Marco ang plato ko at sinimulang himayin ang chicken
na laman nito, at ang mas nakakagulat pa ay nang tanggalin niya ang balat ng
chicken niya at ilipat sa plato ko.
Naalala
pa rin niya, sa
loob-loob ko. Hindi ko mapigilang hindi matuwa sa simpleng gesture niya.
Napansin ko ring napansin nila Isaac, Luke, at Janine ang ginawa nito at
minabuti na lamang ng tatlong hindi magkomento na siyang ikinagpasalamat ko. Matapos
ma-satisfy ang aming gutom ay doon na nagsimulang magkwentuhan ang barkada.
“Isaac, kamusta kayo ni Charie?” biglang
tanong ni Janine na siya namang ikinagulat ko. Pinandilatan ko ito para
sabihing tigilan na niya ang topic ngunit hindi niya ako pinansin.
“Okay naman. We hardly see each other these
days, pero sakto lang,” simpleng sagot nito bago kumain ng fries at uminom ng
juice niya. “Gaano na ba kayo katagal?” tanong ni Benj na sa unang pagkakataon
ay kinausap ang idol niya. “Malapit na mag one year,” matabang na ngiti niyang
sagot at doon ay alam kong may tinatago itong problema.
“Bakit mo naman natanong?” dagdag na tanong
ni Isaac kay Janine.
“Wala naman. Kasama ko kasi siya sa dance
troupe,” simpleng sagot ni Janine na siyang tinanguan na lamang ni Isaac. For
some reason ay naramdaman kong ayaw ng pag-usapan ni Isaac ang subject kaya
naman nag-isip na lamang ako ng ibang maayos na topic na maaring pag-usapan.
“Uy, ‘yung speech mo kanina sobrang galing.
Nagustuhan nila. Di ba, guys?” tanong ko sa mga kaibigan ko na agad naman
nilang sinang-ayunan.
“Oo naman! Ang ganda, napaka-sincere,” sagot
ni Benj dito. Tumango naman si Janine bilang pagsang-ayon.
“Yup, very personal. Maganda na nag-anecdote
ka,” komento naman ni Luke.
“Oo maganda. Ito ngang si Kyle ngiting-ngiti
habang pinapanood ka, eh,” pagsabat ni Marco sa usapan. Kinabig ko na lamang
ito para sabihang tigilan na niya ang pang-aasar sa akin kay Isaac. “Dapat lang
ngumiti siya. He inspired me with that speech,” sagot ni Isaac na siyang
ikinagulat ko.
“Yieee!” pang-aasar ni Janine na siyang sinipa ko sa ilalim ng lamesa na siyang dahilan para matigilan ito.
“Pagpasensyahan mo na ‘tong mga kaibigan ko,
ah. Mga baliw lang talaga ‘tong mga ‘to,” paghingi ko ng tawad. “Sus, ano
naman? Okay lang!” pagdismiss nito sa akin as usual.
--
Nang makauwi at makabalik kami sa kwarto
namin sa dorm ay agad-agad akong humiga kahit suot-suot ko pa ang uniporme ko
dahil sa pagod. Medyo ginabi na rin kasi kami kaya naman nang makita ko ang
kama ko ay hindi na ako nakapaghintay pa at humiga na rito. Habang ako ay
nakalatay sa kama ay itong si Isaac naman, the ever-organized person he is, ay
nag-ayos muna ng kanyang mga gagamitin. Maya-maya ay walang kaanu-ano ay
naghubad ito sa harapan ko at nagpalit ng damit. Ipinikit ko na lamang ang mga
ko para hindi siya (at ako) mailang sa nangyayari.
Matapos noon ay umupo ito sa kama at
tiningnan ako na tila ba may iniisip.
“Kyle?” at finally ay nagsalita na ito.
“Yup?” tanong ko dito habang nakapatong ang
isang braso ko sa nook o.
“Paano mo masasabi na dapat ka pang lumaban
kung pakiramdam mo talo ka na pala?” tanong nito na siyang dahilan para
mapabalikwas ako mula sa pwesto ko at umupo para harapin siya. “Bakit? Anong
problema? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“Okay? Let’s define “okay”. Okay pa naman ako
kasi sanay na naman ako sa mga ganitong tingin ng tao sa akin: intimidating,
plastic, all about politics, perfect. Iyong tipong hindi ka pa nila nakikilala
may judgment na sila sa’yo. Okay naman ako dahil sanay na ako doon… Pero kapag
‘yung taong iyon, when that one special person joins those other people na
ganon ang tingin sa akin, nakaka-gago ‘di ba?” mapait nitong salaysay.
“I’m not sure kung nage-gets ko ba ang
sinasabi mo,” maingat kong sagot sa kanya.
“I’m not asking you to. Nakakainis lang na
akala nila kilala na nila ako kahit hindi naman kaya wala silang ginagawang
paraan para kilalanin ako – iyong tunay na ako. Sa’yo nga naiinggit ako, eh.
Kasi kahit labag sa norm ang gusto mo sa buhay parang wala kang pakialam –
you’re empowered, na kahit hinuhusgahan ka parang wala lang sa’yo. Iyon ang
hindi ko magawa,” dagdag nito.
“Ano ba kasing nangyari?” paglilinaw ko rito.
“Nag-away kami ni Charie. Sabi niya habang
nakikilala niya ako parang nasisira daw ‘yung pagkakakilala niya sa akin. Iyong
ang masakit, Kyle. Ang tingin sa akin ng girlfriend ko, isang ideya ako na
gusto niya. At habang nakikita niya kung sino talaga ako, nasisira iyong gusto
niyang ideya niya sa akin. So hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ni Charie
or that she just loved the idea of me. Ang cliché, no? Putangina!” paglalabas
nito ng sama ng loob. Nagulat naman ako sa pagmumura niya dahil unang
pagkakataon ko iyong marinig mula sa kanya.
At doon, na-gets ko na kung ano ang ibig
niyang sabihin. Dahil sa kilala ko siya, or I think kilala ko siya, nagugulat
ako sa mga pagkakataong gumagawa siya sa ng isang bagay na sa tingin ko ay out
of character para sa kanya gaya ng pagmumura at ang pagsstress niya sa isang
simpleng speech.
“I’m so sorry to hear that,” pakikisimpatya
ko rito.
“Don’t be. I don’t need it. I’m just thankful
na may napagsasabihan ako ng mga ganitong bagay. Alam mo ba kung bakit
tuwang-tuwa ako dahil sa mga sinabi mo sa akin kahapon about my speech? Natutuwa
ako kasi for once, may taong nakakita sa mga flaws ko, that someone pointed out
what I needed to do. All this time, lahat ng tao tingin sa akin perpekto, na
lahat kaya ko. Kaya naman kapag nahihirapan ako, I have no choice but to figure
things out on my own – kasi wala namang iintindi sa akin, kasi tingin ng lahat
ng tao kaya kong bigyan ng solusyon lahat ng problema ko, pero ang totoo niyan,
hindi. I am so lost, and I am getting tired of this charade na dapat maglive-up
ako sa kung ano ang dapat kong maging sa mga mata nila.
“Kaya lagi ko sa’yong sinasabi, kahit ayaw
mong maniwala, na ‘yung mga sinabi mo sa akin kahapon? Sobrang laking impact
noon sa akin, because for once, someone opted to help me out. Someone was
honest enough na tulungan at turuan ako, at sobrang na-miss ko iyon. Simpleng
tao lang ako, Kyle. Nagkakamali ako, nahihirapan. I guess this is the reason
kung bakit kahit ‘yung mga kaibigan ko ilang sa akin, pati nga ‘tong girlfriend
ko nahihirapan akong tanggapin. Ang hirap lang…” pagtatapos niya.
Panandaliang katahimikan.
“Isaac… if I can be honest with you, I
actually find ‘yung mga little uncomfortable moments mo, ‘yung mga problema mo…
I find them fascinating actually. Huwag mo sanang masamain or take it the wrong
way, pero kasi those little things humanize you. Kung hindi kita naging
roommate, sa tingin ko isa pa rin ako doon sa mga taong ganon ang tingin sa’yo.
Alam kong isang araw pa lang, pero ang dami ko ng nakikita sa’yo na hindi ko
aakaling qualities mo. Kanina lang nagulat ako noong nagmura ka, kasi nga hindi
ko inexpect iyon sa’yo, pero I guess that’s good because it grounds you, iyong
tingin ko sa’yo. And I’m really happy kasi lalo pa kitang nakikilala, na hindi
ka naman pala talaga as “up there” katulad ng akala ng nakararami at ng akala
ko noon…” mahabang pahayag ko.
All this time ay nakatingin lamang sa akin si
Isaac. Ang buong akala ko ay wala na itong magiging reaksyon sa sa sinabi ko
kaya naman nagsimula na akong mag-alala ngunit nawala lahat ng agam-agam ko
nang makita ko itong ngumiti.
“Grabe… Hindi ko alam ang sasabihin ko. Thank
you, Kyle. Sobra. Sobra,” pasasalamat nito at all the while ay nakatingin
lamang ito sa akin, isang malalim na pagtingin, iyong tipong nakikita na ng mga
mata niya ang kaloob-looban ng kaluluwa ko. Hindi mapigilan ng puso ko ang
mabilis na pagtibok na idinulot ng mga tingin na iyon sa akin.
“Shet sorry ang drama ko! Anyway, ikaw… ano,
bakit nga pala natigil na ‘yung mga gig mo sa Joe and Reg’s bar?” tanong niya
na siyang ikinagulat ko.
“I used to watch you noon. Ang galing mong
kumanta! I was there noong last night mo with some of my co-officers. Grabe
‘yung lungkot mo noon, ramdam na ramdam ko sa lahat ng kantang kinanta mo.
Bakit ka nga ba tumigil kung okay lang matanong?” tanong niya sa akin. Hindi ko
naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
“Was it because of what happened between you
and Seb?” maingat niyang tanong na siyang dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Tumango ako bilang sagot.
“I don’t want to interfere o makialam, pero
sana hindi ka tumigil? I mean, hindi mo dapat hinayaang diktahan ng isang tao
ang gusto mong gawin sa buhay. Live your life! Huwag mong hayaang ang isang
break up lang—“
“It’s not that simple! Wala kang alam, Isaac.
Ginusto ko iyon. You don’t know how hard it was for me to make that decision.
Masaya ako sa ginagawa ko pero mas malaki iyong hirap kaysa sa saya, eh. Don’t
you think hindi naging madali sa akin iyon?” hindi ko mapigilang sagot sa
kanya.
Tila ba natauhan siya dahil sa narinig mula
sa akin.
“Sorry,” nakayukong paumahinin nito.
“Okay lang, matulog na tayo,” wala sa loob
kong utos rito.
At doon ay nanatiling tahimik ang kwarto.
--
“Hindi ka ba uuwi sa inyo?” tanong ni Isaac sa akin kinabukasan pagkagising ko. Sabado na at malamang ay inassume nitong uuwi ako ng probinsya dahil weekend. “Hindi, wala rin naman akong kasama sa bahay,” simpleng sagot ko rito.
“Look, Kyle… about last night. I just want to
say sorry. I know na wala ako sa posisyon na manghimasok, and ang stupid ko
lang dahil after you’ve given me another advice eh nasaktan kita. So, sorry,”
pahayag nito na siyang ikinagulat ko. At doon ay naalala ko ang mga sinabi niya
at kung paano ako nagreact. “Wala na iyon, nakalimutan ko na nga, eh. Sorry din
pala kung nasigawan kita,” sagot ko rito.
“Hay, Kyle. Lagi ka na lang ganyan, kahit
wala kang kasalanan ikaw pa nagso-sorry. Masyado kang mabait,” pang-aasar nito
sa akin, ngunit gayunpaman ay medyo tinamaan ako sa sinabi niya. “Sorr—“
“O, ayan ka na naman. Tsk, tsk,” napapailing
nitong sabi sa akin.
“Maiba ako. Ikaw ba hindi ka uuwi?” tanong ko
dito. Umiling ito bilang sagot sa akin. “Hindi usual sa akin umuwi ng weekends.
Marami kasing ginagawa sa council kaya I need to be there to attend to those
things,” simpleng paliwanag nito.
“You said na hindi ka umuuwi pag weekends, no? Then great! Masasamahan mo ako sa outreach namin sa Tarlac next Saturday! Unless may iba kang plano?” pag-imbita nito sa akin. Medyo napaisip naman ako at sa totooo lang ay hiniling kong sana ay makalimutan na niya ang pag-imbita sa akin na siyang hindi ko inakalang seseryosohin niya. Ang totoo kasi niyan ay gusto kong makapagpahinga tuwing weekends.
“Hindi naman kita pinipilit,” dagdag nito, ngunit
tila ba nakarinig ako ng sense of disappointment dala ng matagal kong pagsagot.
“W-wala naman akong plano. Sige, sasamahan
kita,” ngiting pagpayag ko sa alok niya.
“Okay, at least hindi na ako mag-isa. Buti
naman,” sabi niya, mostly sa sarili niya. Nang maunawaan ko kung ano ang sinabi
niya ay agad akong nagtaka.
“Huh? Eh ‘di ba project ng council ‘yan?”
tanong ko rito, nagtataka. Napatawa naman ito ng mapait bilang reaksyon.
“That’s another issue. When I proposed this
project sa council GA, biglang naging busy ang mga tao. Dapat sinabi na lang
nila sa akin na ayaw nilang sumama. Puro pagpapaganda lang at ‘yung title ang
gusto ng mga iyon, eh,” paglalabas nito ng sama ng loob na siyang ikinagulat
ko. Maganda ang tingin ko sa student council ng college namin kaya naman hindi
ko inaasahan ang narinig ko mula kay Isaac. Ngunit nang maisip ko nga kung ano nga
ba talaga ang tingin ko sa kanila ay doon ko narealize na natatabunan ng lahat
ng mga magagandang nagagawa ni Isaac ang image nila.
“So paano ‘yan? Alangan namang ikaw lang
mag-isa mag-organize noon? Mahirap iyon,” reaksyon ko.
“Yes, I know kaya nga naki-partner na lang
ako sa local government doon, sa barangay. Sasama na lang ako sa iba pang
volunteers para sa feeding program and medical mission doon. Hindi ko pwedeng
idahilan na dahil ayaw ng council aayaw na rin ako. If ayaw nila, then I’ll go
alone. Simple lang naman,” pagrarason nito na siyang ikinahanga ko talaga sa
kanya. Hindi siya iyong porma lang, talagang bukal sa loob at gusto niya ang
mga ginagawa niya hindi katulad ng ibang student leaders na puro pagpapapogi at
pagmamaganda lamang ang alam.
“Ano bang kailangan kong dalhin? Baka may
maitulong ako,” agad kong tanong rito. For some reason ay tila ba bigla akong
namotivate tumulong dahil sa attitude nitong si Isaac.
“Ah, wala naman. Matagal na rin naman akong volunteer
doon, mag tatatlong taon na. Nandoon naman ako to guide you. Iyong mga
donations gaya ng gamot at pagkain, marami namang sponsors pa from the private
sector aside sa mga ipprovide ng provincial government kaya mga volunteers
talaga ang mas kailangan kaysa sa donasyon,” pagpapaliwanag nito sa akin na
siyang tinanguan ko na lamang.
“Kain tayo sa labas?” pag-aya nito sa akin
matapos niya magpaliwanag. Napatingin ako sa orasan at nakita kong isang oras
na lamang ay maga-alas dose na pala ng tanghali. Tumango naman ako sa alok
niya.
“Sige, pero maligo lang ako ng mabilis,”
sagot ko rito na siyang sinang-ayunan niya.
--
Nauwi kami ni Isaac sa isang carinderia
malapit sa may dorm para mag lunch. Kakaunti na lamang ang tao ngayon dahil nga
weekend at bibihira na ang mga may pasok.
“May tatanong ako sa’yo,” saad ni Isaac
habang nginunguya ang kinakain niya. “Ano iyon?” tanong ko naman. Uminom muna
ito ng kaunting tubig bago nagpatuloy. “Si Marco, ano… may something ba sa
inyo?” tanong nito na siyang kadahilanan kung bakit muntik ko ng maibuga ang
kinakain ko. “Ano?! Saan mo naman narinig ‘yan?” tanong ko sa kanya.
“Well, kagabi habang nakapila kami para
umorder, sobrang pinagmamayabang niya kung gaano kayo ka-close, na since grade
one magkakilala na kayo et cetera, et cetera. Parang possessive ng dating sa
akin,” puna nito. “At saka noong kumakain tayo pinaghimay ka pa talaga niya ng
chicken and binigay niya ‘yung balat ng chicken niya sa’yo,” dagdag pa nito.
“We were bestfriends back then, pero he moved
to London three years ago. Ganoon lang talaga iyon, baka kasi na-miss lang niya
ako,” pagdismiss ko rito. “Ikaw, ah. Kung anu-ano pumapasok sa isip mo!” sita
ko rito ngunit hindi naman ako galit.
“Sorry na. Hindi kasi kayo bagay,” bulong
nito na siyang ikinataka ko.
“What do you mean? Wala ngang something, eh,”
sagot ko sa kanya.
“I don’t know. Siguro kasi nasanay na ako sa
inyo ni Seb,” makahulugang sagot niya.
--
Marco.
Kahit inaantok pa ay pinilit ko pa ring
dalhin ang mga paa ko papasok ng gate ng University. Kahit pa hindi ako
na-delay ay minabuti ng Dean na pakuhanin ako ng ilang general education
subjects na hindi ko nakuha sa London, which is the reason why I am here at
school on a Saturday. Ang siste ay bale magiging irregular ako sa ilang mga
subjects na pinakuha sa akin ni Dean. Nakakatamad at hassle man ay hindi naman
ako pwedeng magreklamo dahil ang arrangement na ito was more that what I could’ve
hoped for.
Medyo naninibago rin ako sa ilang bagay.
Unang-una na ay ang init. Napaka-ironic dahil noong nasa London pa ako ay tila
ba gagawin ko ang lahat para lang makaramdam ng init bilang napakalamig roon,
pero ngayong nakabalik na ako sa Pilipinas, hindi na ako sigurado. Ikalawa ay
ang mamuhay ng mag-isa. May kalayuan ang bahay namin dito sa pinapasukan ko at
dahil medyo naging biglaan ang desisyon ko ay hindi ko na nagawang asikasuhin
ang board and lodging ko dito sa Manila. Maliit na sakripisyo na lang rin na
gumising ng tatlong oras bago ang klase ko para masiguradong hindi ako mahuhuli
at mapapagalitan ng prof ko.
At ang pangatlo at ang siguro ay
pinakamagandang pagbabago sa buhay ko ay ang pagbabalik ng bestfriend kong si
Kyle. Aaminin kong napaka-gago ko noon, na napaka-gago kong tao para
ipagtabuyan na lamang siya na walang ginawa kundi mahalin ako. Hindi naging
patas ang ginawa kong pagsukli sa nararamdaman nito sa akin. Granted na hindi ko
iyon kayang tumbasan, it still doesn’t give me a reason to treat him like the
way I did.
Hindi ko rin inaasahang mapapatawad ako nito
ng mabilisan. Ang buong akala ko ay matatagalan pa bago niya ako tuluyang
kaibiganing muli, ngunit nagkamali ako. Alam kong marami pa akong dapat bunuin
at paghirapan para tuluyang makuhang muli ang tiwala niya at ngayong
magkaibigan na muli kami ay motivated akong hindi sayangin ang pagkakataong
iyon. Si Kyle na yata ang pinakamabait na taong kilala ko at maswerte akong
nakilala siya ng isang gagong katulad ko.
--
Matapos ang kaisa-isa kong klase ngayong araw
ay napagpasyahan kong kumain na muna sa loob ng campus bago ako tuluyang umuwi.
Umorder na lamang ako ng isang sandwhich at naglakad-lakad sa hardin sa loob ng
campus. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng naglalakad, nag-uusap,
nagtatawanan, nagliligawan, naghaharutan nang mahagip ng mata ko ang isang
pamilyar na mukha.
Agad akong tumayo at lumapit sa kinatatayuan
ng grupo nila. Kasalukuyan silang sumasayaw sa music ng isang pamilyar na kanta
na alam kong usong-uso ngayon dito. Nagkataon rin namang kakatapos lamang ng
kanta nang mahagilap ako ng taong pakay ko sa grupong iyon.
“Marco!” ngiting bati ng isa sa mga bago kong
kaibigan dito. Umalis naman siya sa grupo at pinuntahan ako sa kinatatayuan ko.
Napagdesisyonan naming umupo sa isa sa mga benches sa area na iyon.
“Hi, Janine! Kumain ka na ba?” tanong ko rito
na siyang tinanguan lamang niya.
“Bakit ka pala nandito?” tanong niya.
“Kailangan kong magtake ng ilang subjects.
Irreg kasi ako. Ikaw?” balik ko sa kanya.
“Heto, rehearsals ng dance troupe,” sagot
niya.
Bigla kong naalala ang pakay ko kung bakit ko
siya nilapitan.
“Hey, do you mind if I ask you a big favor?”
nahihiyang tanong ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil alam kong the
moment sabihin ko ito sa iba ay alam kong wala ng atrasan, kundi maaari na
akong makasakit na hindi ko pwedeng gawin, na ayaw ko ng gawin. Ngunit hindi ko
rin maintindihan kung bakit nga ba ako kinakabahan gayong matagal ko ng hinanda
ang sarili ko para maisakatuparan ang mga planong ito.
“Ano iyon, Marco?” pakikinig ni Janine.
“Can you, uhm… help me about Kyle? Gusto kong
malaman ang mga nangyari sa kanya since he entered college,” pagsisimula ko. “Bakit
hindi mo na lang siya tanungin? Hindi ba close friends naman kayo?” tanong ng
babae na siyang dahilan para ako’y mapabuntong-hininga.
“Look, the real reason kung bakit bumalik ako
is… hindi ba sinabi ko noong first day may mahal na ako? And totoo iyon. I just
need your help to tell me everything…”
“Teka, anong kinalaman naman ni Kyle
dito?.... Oh, shit! Unless…” at tila ba nakuha na ni Janine ang kanina ko pa
hindi masabi.
“Oo, si Kyle ang mahal ko at gusto ko siyang
ligawan,” pagkumpirma ko sa hinala niya.
Sabi na eh ,may gusto talaga si Marco kay Kyle haha
ReplyDeleteMARCO VS KYLE
uhum, d ligawan mo ganon lang
ReplyDelete-Marlon
Kilig ang episode na to. Thanks sa update.
ReplyDeleteShit gekilig kog Marco.. Shit iyang panguyaban si Kyle.. Gilokkkk!hahahaha
ReplyDeleteGanda.. Kiligggggg.. ❤
ReplyDeleteI smell something about isaac nahuhulog na loob niya ky kyle, pero panu si Marco at Luke...... Excited sa susunod na mangyayari ah update na ulit author
ReplyDeleteJharz
Nakakabitin naman, update na agad, hehe. Salamat sa update.
ReplyDeletePuuuuchhhh@@@, at 2am, Napa sigaw ako dahil sa kiling ng binasa ko ang Last statement ni Marco. Pero paano na si Luke? Forever na lang ba sya magiging bestfriend? Si Isaac naman kasi, mukhang straight talaga...
ReplyDelete