Followers

Tuesday, April 30, 2013

The Yuppie Is My Papi 1


Yuppies or Young Urban Professionals ang kinaasaran talaga ng 32 yrs Old na SM Saleslady na si Charito. Hindi malaman ng mga kasambahay ni Charito kung anong dahilan kung bakit biglang na lamang napagTripan nitong magalit at maBadtrip sa lahat ng mga Yuppies sa buong Metro Manila.

"Ang yayabang talaga ng mga pagmumukha!" Ang sambit ni Charito para sa mga Yuppies na nasa picture habang halos punitin na niyang binubuklat ang Inquirer Broadsheet na ipinabili niya sa kaniyang bunsong kapatid na si Jun-jun.

"Hoy Chai! Gusto mo talagang sinisira ang araw mo! Ang mahal ng diaryong yaan ah! Pwede ka namang magbasa ng Bulgar, Tempo, Pilipino Star Ngayon, yung mga mura!" Ang sambit naman ng nanay ni Charito sa anak ng hindi nito mapigilan ang sarili dahil sa pagNgakngak ng kaniyang anak.

"Ano naman ang makikita ko doon Mommy?! Walang sense ang mga news doon!" Ang mabilis na sagot naman ni Charito sa Ina.

Kaya naman palaging nagpapabili itong si Charito ng Broadsheet ay para lamang matignan niya ang mga latest na Fashion Style in the Metro. Mas nakakamura kasi itong si Charito kung BroadSheet ang bibilhin instead of Fashion Magazine.

Lumaking tampulan kasi noon ng Tukso itong si Charito dahil sa pagkaSobrang Morena nito. Hindi naman maitim na maitim si Charito but sumobra lang naman talaga ang kaniyang pagkaMorena kaya palagi siyang tinatawag na Negra, Negrita, Uling at kung anu-ano pa ng kaniyang mga Kalaro.

Kahit na noong nagHigh school siya at pati na rin nang kumuha siya ng Secretarial sa isang Vocational School ay iyon pa din ang naging isyu nitong Charito sa kaniyang mga kaklase kaya nama'y nagkaroon ng kakaibang ugali ito.

Alam naman ni Charito sa kaniyang sarili na noong ipinagbubuntis siya ng kaniyang Nanay ay tulog ito nang nagpaSabog ng kaMestizahan si Lord kaya nama'y bumabawi na lamang siya sa kaniyang Porma.

Naging defense mechanism na din niya ang pagiging masungit dahil noong bata pa siya'y hinahayaan na lamang niya ang kaniyang mga manunukso kaya nama'y namihasa ang mga ito.

Natutong lumaban lamang si Charito sa mga nanunukso sa kaniya noong one time ay hindi niya napigilang magpintig ang kaniyang dalawang tainga sa sinabi ng isa niyang walanghiya't magandang kaklase sa Secretarial nang napadaan siya sa harapan nito at ng mga kasama nitong mga kaibigan.

"Buti na lang at puti ang uniform natin at hindi terno sa balat ng Negrang yan!" Ang sinabi ng alaskador na kaklase ni Charito na ikinatawa naman ng malakas ng mga kaibigan nito.

"PUTANG INAH!" Ang malakas na isinigaw ni Charito't hindi na siya nakapagtimping lapitan ang nanlait sa kaniya.

"BAKET MAY REKLAMO KA? NAGSASABI LANG NAMAN AKO NG TOTOO!" Ang mataray na sambit ng alaskador na babae kay Charito nang lumapit ito sa kaniya.

Walang Sali-salita'y binigyan ni Charito ng mag-asawang sampal ang pagmumukha ng maganda niyang kaklase at talaga namang laking gulat ng mga estudyanteng nakakita dahil iyon ang First time na pumalag itong si Charito ngunit ang mas ikinagulat ng lahat at gayun din naman itong si Charito ay ang paglipad ng kung anong bagay mula sa bunganga ng magandang alaskadora.

Dahil sa lakas na mag-asawang sampal ni Charito'y tumalsik sa bunganga ng kaniyang walanghiya't magandang Classmate ang pustiso nito.

Sumabog ang nakakabinging tawanan at hiyawan ng mga Vocational Students sa kanilang nasaksihan. Bilib na bilib ang lahat sa ginawang pagLaban ni Charito.

"GUSTO MO PA BA? HA?! HUWAG MONG KALIMUTANG ISUOT ULIT YANG PUSTISO MO'T BAKA LUMUWANG NA!!!" Ang malakas na sambit ni Charito sa kaniyang kaklase habang taas noo niyang pinagmamasdan ito na pinupulot ang tumalsik na pustiso nito sa lupa.

Ito ang reason kung bakit naging masungit at medyo naiirita sa Magaganda't Pogi itong si Charito at sa kasawiang palad ay para bang naging Natural na ito sa kaniyang Personality.

"Ate Baon ko?" Ang iniusal ni Jun-jun sa kaniyang Ate nang magawi ito sa Mesa.

"O eto!" Ang sinabi ni Charito habang iniabot niya ang supot ng natirang pandesal kay Jun-jun.

"ATE NAMAN!!!" Ang inis na isinambulat ni Jun-jun sa kaniyang Ate. Kaagad namang ngumiti si Charito at biglang niyakap at pinugpog ng halik sa pisngi ang First Year HighSchool niyang kapatid.

"Eto naman! Hindi na mabiro! Eto na nga!" Ang malambing na sinambit ni Charito kay Junjun habang nakangiti niyang tinitignan ang nag-aayos ulit ng nagusot na unipormeng kapatid.

"Ayan ha! Tipidin mo yan!" Ang sweet na sweet na sinabi ni Charito kay Jun-jun sabay abot nito ng P50.

"Eto lang?!" Ang reklamo naman ni Jun-jun.

"Akin na kung ayaw mo!" Ang masungit na sinambit naman ni Charito sa kapatid ngunit mabilis na naibulsa na ni Jun-jun ang pera.

"Baka naman pwede mong dagdagan Ate Chai. Kahit Beinte lang." Ang pakiusap ni Jun-jun sa kapatid. Napangiti lang si Charito't mabilis naman niyang kinuha muli ang kaniyang Fake Louis Vuitton na Purse sa loob ng kaniyang Fake na Prada Shoulder Bag.

"Huwag ka ng hihingi bukas ha!" Ang galit-galitang sinabi ni Charito sa kaniyang kapatid nang iniabot niya ulit ang isang P50 na bill dito.

"ANG BAET MO TALAGA ATE! MAGANDA KA PA!" Ang masayang sambit ni Jun-jun sabay yakap niya sa kaniyang Ate Charito na siya namang ikinaGood pang lalo ng mood ng kaniyang Ate.

"Is there any problem Mommy?" Ang malanding tanong ni Charito sa kaniyang Nanay na si Aling Celia nang mahuli niya itong natatawa.

"Huling-huli talaga ni Jun-jun ang kiliti mo!" Ang natatawang sambit ni Aling Celia sa kaniyang dalaga.

"Nagsasabi lang ng totoo si Jun-jun! Kung hindi ako maganda eh bakit ako inilagay sa Cosmetic Section ng SM Department Store?" Ang nagyayabang na sambit naman ni Charito.

Naging biruan na ng buong Family ni Charito ang pagiging maganda kunyari nito Although hindi naman talagang pangit at hindi naman kagandahan itong babaeng anak ni Aling Celia'y nagkaroon na ng label ito sa buong baranggay ng pagiging panget dahil sa kulay nito.

"Oo nga ate! Kahit si Tatay eh nagtataka pa din kung bakit ka inilagay sa Make-Up section!" Ang banat agad ni Jun-jun sabay takbo nito palabas ng bahay.

"Panira talaga yang batang yan! Babawasan ko ang baon mo!" Ang naiinis na nasabi na lamang ni Charito habang tawa ng tawa naman si Aling Celia.

"Ay! Nakalimutan ko palang iabot sa inyo ito Mommy!" Ang paSosyal na sambit ni Charito sabay kuha niya ulit ng Pera sa kaniyang Fake na Branded na Wallet.

"MagDate naman kayo ni Daddy para hindi kayo nabuburo dito sa house!" Ang sunod na sinabi naman ni Charito sa kaniyang ina. Ibinigay na kasi kahapon kina Charito ang kanilang Commission from their Sales.

"Naku itabi mo na lang yan at ipunin. May pera pa naman kami." Ang pagtanggi ni Aling Celia sa iniaabot na Cash ng anak.

Isang Middle Class ang Family nina Charito ngunit nakakaAlwan sila sa kanilang pamumuhay dahil nagtutulong-tulong silang lahat sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral ni Jun-jun.

Inilalabas ni Mang Kardo ang Taxi ng kanilang kapitbahay at ito namang si Aling Celia'y tumatanggap ng tahiin kaya nama'y hindi sila masyadong hirap sa pamumuhay. Nakatulong din sa kanila ang matipid nilang lifestyle.

"Hay naku! Bahala na kayo d'yan kung saan nyo gagastusin. Sige na Mommy at baka maLate ako. Byers na!" Ang nagsusungit-sungitang paalam ni Charito kay Aling Celia habang nagbebeso-beso sila.

Mommy at Daddy ang tawag ni Charito sa kaniyang mga magulang at minsan ay na-o-OA-yan na ang mag-asawa sa kaartehan ng kanilang anak. Ang excuse naman nitong si Charito sa kanila'y hindi kinakailangan ng isang tao na magkaroon ng maraming pera para mag-astang Sosyal at mayaman.

"Chai! Hindi ka ba magpapahatid kay Eric?" Ang pahabol ni Aling Celia sa anak.

"PUWEDE BA MOMMY!!!" Ang maarteng bulalas ni Charito sa kaniyang ina.

Sinubukan kasing manligaw noon ng Tricycle Driver na si Eric kay Charito ngunit hindi na pinalipas pa ni Charito ang 24 Hours at straight to the point niyang sinabihan itong si Eric na gusto niyang makapag-asawa ng isang Foreigner at dahil doo'y hindi na itinuloy pa ni Eric ang panliligaw niya at nag-iba ito ng tactic.

Ang niligawan ni Eric ay sina Mang Kardo't Aling Celia and even si Jun-jun ay sinuyo nito kaya nama'y botong-boto ang tatlo kay Eric at nakakadalaw-dalaw din ito sa bahay nila kaya nama'y may reason ito kapag gusto nitong dumalaw kay Charito.

"Ano ang pupuwede?" Ang biglang pagSabat ng Boses ni Eric sa usapan ng mag-ina.

"Bakit ka pasok ng pasok sa bahay ng may bahay?" Ang masungit na sambit naman ni Charito sa Tricycle Driver na nakadungaw sa kanilang bintana.

"Pinapasok ako ni Jun-jun. Paalis ka na daw. Hatid na kita." Ang sinagot agad ni Eric kay Charito.

"Magandang Umaga ho!" Ang masayang isinunod na pagbati naman ni Eric kay Aling Celia na tinugunan naman ng Ngiti ng matanda.

"Tara na!" Ang mabilis na sambit ulit ni Eric kay Charito. Hindi na nagawang makatanggi pa nitong isa't lumabas na din ito ng bahay.

Kahit na isang Hunk at kamukha ni Cesar Montano itong si Eric ay hindi talaga ito naType-an ni Charito dahil nakaSet na ang Mind ni Charito sa kaniyang Goal na makaBingwit siya ng isang Caucassian na Foreigner. Mas may chance kasing maging gwapo't maputi ang magiging anak niya kapag nakapag-asawa siya ng Caucassian at hindi Pinoy.


**********************


"Huwag na! Sunduin kita ha?" Ang sambit ni Eric kay Charito nang bumaba na ito sa kanto sa sakayan papuntang SM San Lazaro. Hindi nito tinaggap ang ibinabayad sa kaniya ni Charito.

"Thank you ha. Huwag mo na akong sunduin at may Date ako." Ang sweet na sinabi ni Charito kay Eric. Mabait naman kasi ang pakita ni Eric sa kaniya at pati na din sa kaniyang Family kaya  kahit na naaalibadbaran na talaga itong si Charito kay Eric ay hindi niya ito masungitan ng bonggang-bonga.

"Weeehhh??" Ang tukso naman ni Eric kay Charito dahil alam niyang Wala itong date.

"Ayaw mong maniwala? Bahala ka!" Ang sinagot na lamang ni Charito kay Eric sabay sakay nito sa nakaparadang Jeep.

"Ang ganda mo talaga Promise!" Ang natatawang sambit na lamang ni Eric para kay Charito.

Hindi talaga alam ni Eric kung bakit siya naaAttract kay Charito kahit hindi naman ito kagandahan. May kung ano bang iba kasi siyang nakikita kay Charito na hindi niya nakikita sa ibang babae sa kanilang Baranggay.


**********************


Kahit na 4 inches heels ang suot-suot nitong Charitong at baku-bako ang sementong nilalakaran niya'y mabilis pa din ang kaniyang paglalakad nang makababa na siya ng Jeep upang makadaan muna siya sa tindahan na pinagbibilhan ng Breakfast ng karamihang mga Employee ng SM San Lazaro.

"Ate the usual!" Ang banggit ni Charito sa tindera sabay abot niya ng kaniyang StarBucks Coffee Mug na nabili niya sa Baclaran sa halagang P30 lang.

"Talaga naman Chai!" Ang bilib na bilib na nasambit na lamang ng tindera kay Charito habang tinitimplahan niya ng Kopiko Brown ang Starbucks na mug ng isa.

"Namanchi! Mga Conyo't Yuppies lang ba ang pwedeng magkaroon niyan!" Ang natatawang sambit na lamang ni Charito sa tindera at wala pang ilang seconds nang maiabot na muli ng tindera ang puno ng 3in1 na StarBucks Coffee Mug at makapagbayad na itong si Charito'y maarteng lumakad na ito papasok.

Iba ang uniform ni Charito sa mga karaniwang Sales Lady ng SM Department Store since nasa Cosmetic Area siya't Sales Rep siya ng Sheu Eumura Philippines kaya nama'y feeling High Class na High Class talaga itong si Charito dahilan na din sa suot niyang Blazer Jacket habang naglalakad siya't aSip-sip ng timpladong Kopiko Brown sa kaniyang Fake na Starbucks Coffee Mug.

"PAKSHEEET!!!" Ang naibulalas na malakas ni Charito nang biglang may bumangga sa kaniya habang sosyal na sosyal siyang nagsiSip ng kaniyang Coffee.

Kaagad na inInspect ni Charito ang kaniyang Blazer Jacket dahil alam ni niyang may tumapong Coffee nang mabunggo siya. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang walang Coffee stain ang kaniyang uniform. NagInhale at nagExhale sunod si Charito para makaPagReady na sa PagseSermon sa taong bumangga sa kaniya.

Nasa harapan ni Charito ang isang Chinitong semikal na nakaEyeGlasses na malamang ay isang Footer na may Atheletic built na hula ni Charito'y nasa Early 20s nito. Medyo natigilan ng ilang seconds si Charito nang nakita niyang napakaHandsome at patok sa kaniyang taste ang hitsura ng taong nakaBangga sa kaniya.

"Aren't you going to say Sorry?" Ang biglang inusal ng Chinitong Semikal na ikinagulat naman ni Charito.

"WHATCHASAY???!!!" Ang malakas na sagot naman ng paConyong si Charito.

"IKAW NA ANG NAKADISGRASYA EH IKAW PA ANG MAY GANANG MAGDEMAND NG SORRY FROM ME???!!!" Ang isinunod agad ni Charito. Lalong nainis itong si Charito nang pinandilatan siya ng mga mata ng Handsom na Chinitong SemiKal.

"You're drinking coffee while walking. You didn't even bother to look." Ang malumanay na explain lang ng Chinito.

"HOW DARE YOU! NASA PINAS KA'T MAGTAGALOG KA!" Ang bira naman ni Charito. NagLevel Up na ang pagkaMasungit nitong isa't na-Label-an na niya ang kaharap na isang Yuppie.

Nabuo ang galit ni Charito sa lahat ng mga Yuppies sa kadahilanang may nakaOnLine RelationShip siyang Yuppie sa FB One Time at hindi siya sinipot nito nang nagSet sila ng date na magMeet dahil nakita siya nito sa Malayo.

Mainggat kasi itong si Charito na nag-a-Upload ng kaniyang mag Picture sa FB at talaga namang miniMurder niya sa PhtoShop ang kaniyang mga Images para lang mapaLighten ang kulay ng kaniyang Skin kaya nama'y umatras sa takot ang kaniyang BF sa FB nang masilayan nito ang talagang kulay ng balat ni Charito.

"What???" Nag nagtatakang tanong naman ng nagulat na Chinitong Yuppie sa pagtataray ni Charito. Pinupunasan pa din nito ang malaking Coffee Stain sa suot nitong Original na Ralph Lauren na White Long Sleeves.

"Kung anong kinaGwapo mo yun din ang kinaTanga mo!" Ang mataray and snobbish na sinambit ni Charito sa kaharap kasabay ng paglakad niyang muli upang pumasok na.

"WASTE OF MY TIME!" Ang talagang ipinarinig pa niya sa Chinitong Yuppie. Kung hindi lang talagang maleLate itong si Charito'y talaga namang bubugbugin niya sa kaniyang pagraRatrat ang lalaking iyon.


**********************


"Hoy Chai! Nandito ang VP ng Operations ng Sheu Eumura!" Ang excited na sambit ni Myles sa kaniyang kasamahang si Charito habang nagmeMakeUp sila. Perks na sa trabaho nina Charito ang gumamit ng Brand nilang Make-Up para lalo pa silang maging Presentable sa kanilang Customer.

"Talaga?" Ang excited ding tugon ni Charito dahil alam niyang hindi dapat siyang kabahan dahil maganda't impressive naman kasi ang kanilang sales ng Shue Eumura sa SM San Lazaro.

"Uu Day! Kaka-kaba sa Lungs Day!" Ang Excited ding sinabi ni Myles.

Maghapong nag-Effort talaga itong si Charito na makabenta at talaga namang para bang ngumiNgiti sa kaniya ang Luck dahil sunod-sunod ang kaniyang benta. Nakatulong talaga ang pagiging palingkera't madaldal ni Charito sa kaniyang pagseSales talk sa mga customer.

Kasabay ng paglipas ng mga oras ay nawala na sa isip ni Charito ang nangyaring banggaan Incident kaninang umaga at pati na din ang pagbisita ng VP ng Operations ng Sheu Eumura Philippines dahil sa pagchi-Chismisan nila ni Myles at sa kanilang pagbebenta.

"Alam mo ba Gurl?" Ang sambit ni Charito kay Myles out of nowhere.

"Ano yun Day?" Ang tanong naman ni Myles kay Charito.

"Ang kulit mo talaga! Stop using Day! Ano ka ba?!" Ang sermon ni Charito kay Myles dahil ilang beses na din niya itong pinagsabihang huwag nang gumamit ng 'Day' but instead ay gamitin na lamang nito ang word na 'Gurl'.

"Well Anyways, Buti na lang at madaming pangit! Kung hindi'y wala tayong benta! Ha ha ha!!!" Ang pagjoJoke ni Charito sa kaniyang kasamahan.

"Anyare? Bakit hindi ka tumatawa?" Ang tanong ni Charito kay Myles nang mapansin niya itong naging Stiff bigla. Usually kasi kahit Corny ang Joke niya't walang kwenta'y bentang-benta ang mga ito sa kasamahan.

Kumunot ang noo ni Charito nang makita niyang may iniNguso sa kaniyang likuran itong si Myles at laking gulat niya nang tinignan niya kung sino ang nasa likuran niya.

"AY! SIR JERRY! HOW ARE YOU?!" Ang masayang bati ni Charito sa one of the Managers sa SM Department Store.

Mula mga Employees, mga Supervisor at hanggang sa mga Managers ng SM San Lazaro Department Store ay kaClose nitong si Charito dahil na din sa pagiging friendly niya't pagiging masayahing kausap.

"MagChi-Chikahan ba tayo?" Ang sunod na tanong ni Charito kay Sir Jerry dahil ganoong time ito bumibisita sa kanilang Area para lang makiPagChikahan.

"Shhh... Bukas na lang at nandito ang taga Sheu Eumura!" Ang pabulong na saway naman ni Sir Jerry kay Charito.

Biglang naging Stiff kaagad itong si Charito't nag-On ang Professional Mode nito dahil sa sinabi ni Sir Jerry. Alam ni Charito na kapag nag-Astang lalake na ang kanilang Beking Manager na si Sir Jerry ay it means na may bigating bisita.

"Sir Benedict!" Ang lalaking-lalaking pagtawag ni Sir Jerry sa Officer ng Sheu Eumura. Hinanap naman nina Myles at Charito sa mga taong nakapaligid ang tinutukoy ni Sir Jerry.

"Hi!!!" Ang narinig na lamang nina Myles at ni Charito mula sa kanilang likuran.

Pakiramdam ni Charito'y pamilyar sa kaniya ang Bedroom Voice na kanilang narinig at talaga namang nanlaki ang dalawang mata ni Charito nang tumalikod sila upang harapin ang VP of Operations ng Shue Eumura Philippines.

"Nice to meet you!" Ang masayang sambit ng VP sa dalawa at talaga namang hindi mapigilan ni Benedict na mapaNgisi nang napansin niyang nanlalaki sa pagkagulat ang dalawang mata at nawalan ng kulay ang buong mukha ng Mataray na babaeng umaway sa kaniya kanina.

"Pasensya na kayo't natapunan kanina ng Coffee ang suot kong Long Sleeves." Ang nakaSmile na sunod na sinabi naman ni Benedict sabay tingin niya kay Charito.

Hindi kasi maiwasang pagmasdan nina Myles, Charito at lalong-lalo na itong si Sir Jerry ang bakat na bakat na mga lean muscles sa suot ni Sir Benedict na kulay Black na semi Fit Abercrombie Shirt.

"Magiging Bossing n'yo si Sir Benedict in One Month." Ang bilin naman ni Sir Jerry sa dalawa.

Kinailangang magStay si Sir Benedict sa SM San Lazaro dahil may Plano ang Sheu Eumura Philippines na magkaroon na ng Main Store sa nasabing SM Branch dahil sa pagtaas ng Sales ng kanilang Product doon. Itong si Benedict ang mag-o-Overlook at magbibigay ng Final Report na siya namang gagawing basehan ng kanilang Company kung itutuloy nga ba nito ang pagalagay ng Separate Store sa SM San Lazaro.

Halos manginig sa hiya itong si Miles nang nakipagShake Hands sa kaniya ang kanilang bagong Boss at ganundin naman ang reaction nitong si Charito kaya lang ay nanginginig siya sa takot dahil sa ginawa niyang pangbubunganga sa kaniyang magiging bagong Bossing for One Month.

Tahimik lamang na tinitignan ng tatlo itong si Sir Benedict habang nag-iInspect ito sa kanilang Area.

"KANAMET! DAKOTA TEH!" Ang malanding bulong ni Sir Jerry sa dalawa at tanging si Myles lamang ang napahagikhik nang pasimpleng tignan nito ang semi-Bukol sa harapan ng Suot na Slacks ng kanilang Sir Benedict.

"Gising Chai! Ano ka ba?! Natulala ka na naman sa lalake!" Ang pagbibiro ni Sir Jerry kay Charito nang hindi ito nagReact sa kaniyang sinabi. Sa tuwing nakikipagChikahan kasi itong si Sir Jerry sa area nina Charito'y palaging lalake ang kanilang pinag-uusapan.

"Hey! Why do we have it here." Ang biglang naiusal na lamang ni Benedict ng makakita ito ng isang maliit na supot ng Mercury Drug na nasa sa tabi ng mga Stocks ng liquid Foundation ng kanilang brand. Nilapitan kaagad nina Myles at Sir Jerry si Sir Benedict nang ibinuhos nito sa ibabaw ng Glass Stand ng mga Shue Eumura Cosmetics ang laman ng Supot ng Mercury Drug.

"I believe that these are yours." Ang sure na sure na sinabi ni Sir Benedict kay Charito.

Talaga namang aliw na aliw at wagas na wagas ang pagSmirk ni Sir Benedict habang tinitignan niya ang pagmumukha ng namumutlang si Charito. Hindi siya nagkamali na ang masungit na si Charito ang nagmaMay-ari ng supot ng Mercury Drug.

Halos mangliit si Charito dahil nakalimutan niyang ilagay sa kaniyang locker ang binili niya kanina sa Mercury nang magLunch siya. Hindi talagang matignan-tignan nitong si Charito ang Likas Papaya Soap, Ysa Papaya Face and Body Lotion, Eskinol Whitening Cleanser at isang 250ml na Ph Balance Feminine Wash na nakalatag sa ibabaw ng Glass Stand. Talaga namang napaghahalatang Desperada siyang pumuti.

"SYET! MAY ARAW KA DING KALBO KA!" Ang naiinis na sambit ni Charito sa kaniyang sarili patungkol sa nakangising gwapong Chinitong si Benedict.

"MUKHANG MAG-EENJOY AKO DITO AH!" Ang masayang nasambit naman ni Benedict sa kaniyang sarili habang tinitignan niya ang nahihiyang si Charito.

Nagpapasalamat naman si Charito dahil kung naging maputi siya ay halatang-halata na ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa kaniyang pagbluBlush.







To Be Continued

14 comments:

  1. Mark Xander MendiolaApril 30, 2013 at 7:52 PM

    hahaha...nice one..nakakatawa..

    ReplyDelete
  2. hahaha KALBO! lakas tawa talaga manong! nice one!

    ReplyDelete
  3. Uy kuya bagong kwento! Bagong theme rin at ang bida ay babae ah. Nice one...may kwneto na ring sumasalamin sa commoners...:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. RichBoy Loves Poor Girl :)))

      Nahirapan ako Mr.LoveDoctor kasing iConvert sa M2M ang Concept kong ito at yung Plot... Sayang naman kasi eh :)))

      Delete
    2. Parang ne carrful with my heart lang a. Pero parang mas magaling ka parin sa favorite genre mo :)

      Delete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. matagal na rin akung hindi nakabasa ng ganitong theme na kuwento na talagang nakuha ang pansin ko...salamat kuya ponse :)

    ReplyDelete
  6. kuya natameme naman ako. mas mahusay ka pala pag hindi ka bastos! kinilig ako parang pakiramdam ko ako si charito (choz) !

    sabi ko sa yo e di ka bakla! paano naman gagawa ng toryang ganito ang sang bakla!

    Peace po at wag tagalan part 2

    ReplyDelete
  7. wow ganda ha... ikaw na talaga ang magaling este adik pala... tanong ko lang kung VP ng pilipinas ba ang tatay ni jun jun at nancy este charito pala hahahaha

    ReplyDelete
  8. Kakaiba to Ponse ahh... Sumakit yong panga ko sa katatawa lol...

    ReplyDelete
  9. Lakas maka straight ng kuwento mo kuya ponse pa kiss nga! >;*

    ReplyDelete
  10. ponse, you should send this to PHR... :-) kaloka ang story mo...

    ReplyDelete
  11. you should send this to PHR... nakakatawa... :-)

    ReplyDelete
  12. Seb abudhabi. Ammichaelcrisostomo1211 gmail ko

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails