Followers

Monday, April 15, 2013

Unexpected Love Affair - Season 1 - Pt. 14






"Unexpected Love Affair pt. 14"

By. Iam Kenth

"Franc... " Bulaslas ko noong nagising si Love ko, (^__^) Lapit kaagad ako sa kaniya, hinahawakan ko kamay niya.. kinapitan naman niya ng mahigpit.

"Aray naman..." sabi ko..

"Ay sorry..okay ka lang ba?" tanong niya sa akin, syempre hindi ako okay, adik din talaga to eh, pero ngayon nakita ko na siya na may malay na ulit okay na ako. Tumango ako. tapos kinissed niya ang palad ko.

"Ay... diabetic nga pala ako fren, labas muna ako ulit, ang sweet nyo eh... kaasar kayo alam nyong nandito ako diba???" <--- si Rico.ingettero talaga. Hahaha!

"Ay akala ko kasi Madam kami lang ng beybi ko nandito eh..." pabiro ni Franc.

"Ay letche plan!..labas muna ako baka makabingwit ako ng poging doctor sa labas..." Talikod siya at lumabas na.

Nagkatitigan moment kami ni Franc.. Pinagmamasdan niya mukha ko.

"May dumi ba ako sa mukha bukod sa mga bandaid?" sabi ko. hawak kamay padin kami. haaayyy.. hahhaa!

"Wala naman.." hinaplos niya ng daliri niya pisngi ko, "..i'm sorry..." sabi niya..

"Sorry saan??" tanong ko kaagad.

"kung hindi dahil sa akin, sana wala kang pasa sa katawan. naiinis ako sa sarili ko, kasi hinayaan kitang mapahamak.." malungkot siya sa pagkakasabi nun, siguro he felt the guilt talaga..

"Eh kung hindi naman ako dumating doon baka kung ano na ngyari sa iyo.. tsaka wag mo na isipin iyon, importante, okay kana.. okay na tayong dalawa.." Bumangon siya ng konte tapos kissed niya ako sa lips..


urggh! kilig moment. (o^____^o)

"I love you, promise di na ako makikipag-away at iiwas na ako sa gulo." seryoso siya...seryoso talaga siya lagi tuwing sasabihin niya sa aking 'i love you' kaya nga kinikilig ako eh...kahit alam kong kami, pero iyong pakiramdam na parang nililigawan parin niya ako... iyong parang sinusuyo niya parin ako..kaya nakakainlove talaga siya...

"I love you too. oo, dapat lang talaga, umiwas kana sa gulo, para di kana mabibitin ng patiwarik... dinamay mo pa ako.." sabi ko, tapos parang nahiya siya...nalungkot mukha niya.

"oy.. biro lang iyon, ikaw naman masyado kang sensitive..." sabi ko..

"Yam.. will you marry me???"

AY TAE!!! ano ba yan! bigla biglang nagpopropose! hindi ako ready... hindi ako maganda sa mga sandaling ito, pero ano bayaaaan!!!! syempre ang isasagot ko ay.....


"eh... kasal ka pa eh..." arte ko tlaga, pero kasi...hindi ko rin alam kong saan kami magpapakasal no.

"Kanina pa ako gising, pinapakinggan ko lang kayo ni Shaun kanina... nadinig ko lahat ng sinabi mo..."

ehhh!!!! bigla tuloy akong nahiya at namula... nakainis naman tong si Franc eehh!!

TOK!

"ouch!" <-- si Franc... bigla ko siyang nahampas sa kakiligan ko. Hahhaa!

"ay sorry, kaw kasi eh.. kakainis ka! kanina ka papala gising, kinakabahan na nga ako kanina noong kaharap ko asawa mo eh.."

"hmm... wag mo nga sabihin asawa ko siya, di ba sabi mo, dito sa Pilipinas, ikaw ang asawa ko, atsaka.. magfifile na ako ng divorse.. para naman hindi kana nagaalinglangan pa... para hindi ka na mag-iisip pa ng kung ano-ano.. okay?" he kissed my hand again.

ang sweet sweet niya talaga. kaya mahal na mahal ko ang lalaking to eh...

"so, will you marry me?"

ANOBA!!!!

"Yes...." <--- ako na!!!! wahahaha.

"wala akong singsing na isusuot sa daliri mo Yam... paglabas nalang natin dito... basta sa ngayon, may kasunduan na tayo huh? malapit ka ng mapasa akin talaga." lumapit siya ulit sa akin at kiss niya ako sa labi... matagal..

tapos, sa sobrang sarap ng halik niya nadiinan ko ang dagan sa kanya.

"Awww...." <-- namilipit siya sa sakit...

"ay, sorry franc.. ikaw kasi eh..." lagi akong ikaw kasi ehh... ikaw kasi ehh... PABEBE? hahaha.

pero sa totoo lang, ang sarap pala sa pakiramdam kapag inalok ka ng kasal ng taong mahal mo, kinikilig talaga ako taena, tinalo ko pa babae, gusto ko na ng maglulundag sa tuwa eh..

at iyong Shaun na iyon? sorry na lang siya... mapapasa akin na ang dating kaniya...siya kasi eh...hinayaan niyang mawala sa kaniya si Franc.. eh apaka perfect guy ni Franc, sinayang niya.. siguro nga totoo ang destiny at meant to be..

pinagkita kami ni Franc because we're meant to be together...


kasu hindi pa happy ending eh...



AFTER madaming days ang lumipas... nakalabas na kami ng hospital, tapos ilang araw din out of the scene si Shaun. Akala ko nga patay na siya eh. Pero, pag-uwi namin ni Rico sa bahay.

Tae! nakabukas ang pinto!

"Fren?? iniwan mo bang nakabukas ang pinto??" <--si rico.

"Eh diba ikaw nahuling lumabas kanina???" <--- ako. nagaktinginan kaming dalawa.

"Syet fren pinasok tayo ng magnanakaw, nagkalat pa naman mga briefs ng mga ex ko sa kama ko, hindi ko pa naayos... nakakhiya naman sa kaniya." <-- si rico, napa-frowned talaga ko, iyon pa inisip niya ah... "...atsaka fren, marami pa tayong hugasan, nakakahiya baka isipin ng magnanakaw burara tayo.." <---siya padin.

TOK!

"aray!" <---rico, ambobo talaga ng fren ko na ito, nawala na ata laman ng utak niya mula nung kung sino sino dindala niya sa bahay eh.

"Umayos ka nga fren, kung magnanakaw iyon, walang pakialam iyon sa kalat natin no. adik ka talaga eh..." sabi ko, dahan dahan kami lumapit sa pintuan, tapos kinuha ni Rico iyong palapas namin sa pinto.

"anong gagawin mo diyan?" tanong ko.

"panghahampas ko pala sa magnanakaw, tanga ka ba?"

AT SHET ako pa ang tanga, as if makakatulong ang palapas, kung sabagay nga naman panglaban sa masamang espirito ang palaspas, eh hindi naman espirito ang kalaban eh.. urgh! mababaliw na ako neto kay Rico sa totoo lang.

Pagpasok namin sa pinto...

"ay hindi naman pala magnanakaw nakapasok eh..." <--- si Rico, tapos nilapag ang palaspas sa mesa...


TAE!!! HINDI NGA MAGNANAKAW ANG NAKAPASOK, SI SHAUN NAMAN! ANONG GINAGAWA NANAMAN ng halimaw na ito sa bahay! paano siya nakapasok???

Nakaupo siya sa harap ng pinto at talagang hinihintay talaga pagdating namin, naka crossed arms siya, nakadekuatro, nakatingin sa mga dalawa.

"Anong ginagawa mo dito??" tanong ko kaagad.

"Oo nga anong ginagawa mo dito? Wala ka namang susi ah, paano ka nakapasok dito??" <-- si rico.

Tumayo siya, tapos naapatras kami ni Rico, parang atomatik na natakot kami noong bigla siyang kumilos...

kabado..

togog

togog

togog

tunog ng puso ko... ano naman kaya binabalak ng lalaking to, baka papatayin na niya ako.. syet! hindi pa ako nakakapagpaalam kay Franc.. hindi ko padin napapabloter tong si Shaun.. tapos na ako, tapos madadamay pa fren ko. Urgh!

"Buti nakakatagal kayo sa kuadrang ito... ang baho baho, ang dumi dumi..." tapos hinaplos niya ng daliri niya ang mesa, maalikabok "...iw... kadiri, parang kayong dalawa lang." sabi niya.. tae kasi tong si Rico, siya dapat maglilinis ng bahay ngayon eh... atsaka, makakuadra siya??? ano kami kabayo? taena uh! Lumapit pa siya sa amin, bet na bet talaga niya ang lumapit sa akin.

May gusto na kaya siya sa akin? hahaha! atsaka, bakit ba laging wala si Franc kapag nadating ang maputing mangkukulam na Shaun na to!

"ano bang problema mo?" tanong ko.

Bigla siyang lumhod sa harapan ko.. ay tae! hindi ako niluluhuran ako ang lumuluhod kay Franc..hahhaha! tae lang!

"nagmamakaawa ako sa iyo, layuan mo na si Franc... ibalik mo na siya sa akin..." sabi ni Shaun.

Wait? si Shaun ba ito??? baka naman kamukha niya lang, pero grabe man, hawig na hawig niya ang kagwapuhan ng shaun na mataas ang pride. kakambal niya??

"Tumayo ka nga diyan... " sabi ko.

"No, please Yam.. I'm sory for what i have done, i'm begging give Franc back to me..." sabi niya on he's bended knees.

seryoso ba siya? tae! bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkaawa sa ginagawa niya...

"Pero kasi--- mahal ko si Franc..." bulong ko.

Bigla siyang tumayo at...

PAK!!!

aray! sapol ako ulit sa mukha... at isa pang


PAKK!!!

sa kabila.

AY SYET! TANGENA MO AH...

hindi na ako makakapayag nito! humanda ka sa kamao kong halimaw ka!!!!


YAAAA!!!!!!

"YAM!"

bigla akong napahinto, tapos nagtakip ng mukha si Shaun, napatingin ako sa likod ko...

si Franc...

biglang tumakbo si Shaun kay Franc... yumakap at nagdrinamang parang siya itong biktima.. eh di pa nga tumatama sa kaniya kamo ko eh..

"Look, he wants to kill me just to have you Franc... sabi ko lang naman sa kaniya na sana maging masaya kayong dalawa, tapos bigla siyang nagalit out of no reason at all." sabi ni Shaun, ang dramaaa!!! at anong i want to kill him? oo i want to kill him, pero sa isang suntok kong parang hamster lang ang kamao ko, sa tingin ba nya mamamatay na kaagad siya doon?

"anong ginagawa mo Yam??" tanong ni Franc...nakayakap siya kay Shaun, taena, nakaramdam ako ng matinding selos noon, mas masakit pa iyon sa 2x sampal na binigay sa akin ni Shaun.

"Sinamapal niya ako...tapos, binabaliktad lang niya ang lahat...alam mo naman na sinasaktan ako ni Shaun diba??" paliwanag ko.

"No, Yam. kitang-kita kita, sasaktan mo si Shaun." sabi ni Franc.. ay syet, so ako ang kontrabida?? ganun?

"what??? so kakampihan mo siya ngayon?" tae, nakita ko si Shaun nakangiti parang demonyo. nakakainis! "tanungin mo si Rico! kitang kita niya na sinaktan ako ni Shaun."

"Syempre, kakampihan ka nyan kasi magkaibigan kayo.." sabat ni Shaun, napailing si Franc, parang nagalit siya sa nakita niyang pag-amba ko.

bigla akong napaluha noon.

"sige! paniwalaan mo siya. MAGSAMA KAYONG DALAWA!!!"

tapos tae talaga, lumabas silang dalawa.... pakiramdam ko nagunaw na ang mundo ko...


PATAY NA AKO HINDI PA AKO NAPAPATAY NI SHAUN...


dame ko kaagad luha, to the rescue ang hug sa akin ni Rico...



AYAW KO NG UMIYAK PA :(



itutuloy.......

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails