Followers

Saturday, April 6, 2013

318 (Ang Textmate ko) -2


318 (Ang Textmate ko)

By: ImYours18
Email: imyours1821@yahoo.com


Authors Note: Good Day! :D Eto na pop ala yung Chapter 2 ng story ko, naging magkasunod lang po yung pag-post ko ng update kasi late ko na pong na-ipost iyong chapter 1 gawa po nang nagloloko ang email ko. Hehe. Anyways, maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa ng akda ko, kahit hindi siya gaanong maayos ay pagpasensyahan niyo nap o hehe, muli salamat po : )


Happy Reading J


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.

Any reaction, praise, violent reaction and comments regarding to my story, please contact me. imyours1821@yahoo.com.


Thank you, enjoy reading.


Chapter 2

“Tristan?!”  Pasigaw kong bigkas pagkakita ko sa lalaking nang-asar sa aking pagkakatumba. At hindi nga ako nagkakamali, siya nga si Tristan, ang textmate ko. Kamukhang kamukha niya ang mga pictures na nakita ko sa facebook niya. Sa personal may mga mapupula siyang mga labi, bilugang mga mata at makakapal na kilay na lalong nakapagpapagwapo sa kanya, morenong balat na katamtaman lang ang timpla sa kanyang itsura, matangos na ilong at nakakabighaning mga ngiti. Ngunit kasing bilis naman ng isang kidlat nawala ang mga ngiti na iyon ni Tristan, napalitan ng pagtataka.


“Huh? Do I know you? Sino ka?” Takang pagtatanong ni Tristan, para naman akong sinabuyan ng malamig na tubig na tulad sa nangyari sa isang eksena sa dating pelikula na bituing walang ningning kung saan binuhusan ni Cherry Gil si Sharon Cuneta ng tubig sa mukha sa mga tinanong ni Tristan. Hindi niya nga pala ako kilala, iba nga pala ang profile picture ko na ginagamit sa dummy account ko sa facebook.


“Ah.. Eh.. Hmm? Ang sabi ko, Christian, ito oh?  Itong author ng libro na binili ko, CHRISTIAN DELA PAZ” Pagpapalusot ko, buti na lamang at Christian ang nagkataon na ang author ng libro ko noon sa Sociology ay Christian ang pangalan kung saan kasingtunog ito ng Tristan.  Kahit hindi kapanipaniwala ay iyon na ang ginawa kong dahilan, haisst, kahit kalian ka talaga Colby!!


 “Wehh, kilala mo ko eh, ang linaw linaw ng sinabi mo eh, TRISTAN” tugon niya ng may halong pagdududa at nilakasan at binigyang diin ang pagkabigkas ng kanyang pangalan. Nako, bisto na ba agad?. “Siguro, stalker kita?” Pagdadag pa nito at may natawa ng bahagya.


“Stalker ka dyan? Hindi noh?! Hindi kaya talaga kita kilala! At saka sino ka para naman maging stalker mo ko? Aber!” Pagpapalusot ko na lang. Paano kaya ako makakawala dito? Sa dami dami naman kasi ng madudulas na salita “Tristan” pa talaga ang nasabi ko eh. Hay nako Colby tatanga tanga ka talaga. “Paano ba, uuna na ako ah?,  Ang sakit kasi ng balakang ko sa pagkakadulas eh” Sabay dampot ng mga libro ko at lakad ng mabilis upang hindi na maabutan pa at ma-interogate ni Tristan kung bakit niya ako kilala.


Pumara ako ng Taxi pauwi sa bahay. Pagkapasok ko naman ng Taxi ay abot tenga ang ngiti ko sa kilig. Sa wakas nakita ko na rin siya, ang gwapo gwapo niya pala talaga sa personal. Hindi ko pa rin akalain na ganung kabilis ko siyang nakita, eh kakatext pa lang naming kagabi eh. Naisip ko tuloy na mas maswerte pa ata ako sa taong tumama ng sampung milyon sa lotto sa pagkakakita ko sa kanya. Ang astig astig pumorma, ang bango bango at ang mga ngiti, makalaglag panty! Este brief pala haha. Habang nagmumuni muni naman ako sa loob ng taxi ay tinatanong ako ni Manong Taxi Driver.


“Boss, saan ba tayo?” Pagtatanong ng Taxi Driver.


“Ah, dyaan lang po tayo sa Zone 57 Manong sa may Executive Village doon” Sabi ko na nakangiti.


“Ganda ng ngiti natin ngayon boss ah?” Pangingielam ng Driver. “Mukhang inlove tayo ah?”  Dagdag pa nito. Nayamot naman ako, mangielam ba?


“Eh kung mag-focus ka na lang kaya sa pagda-drive mo manong? Eh kung mabanga tayo? Edi hindi ko na nakita ang kina-iinlovean ko?” Pagtataray ko pero pabiro lang naman ito tulad ng ginawa niya “Joke lang naman po” Pahabol ko.


Paguwi ko naman sa bahay ay hindi ako magkandamayaw sa kilig sa nangyari kanina. Hindi ko na ininda ang pananakit ng tumbong ko sa pagkakadulas, ang tanging nasa isip ko ay si Tristan. Mistula naman akong nababaliw dahil lahat na ata ng nakikita ko sa loob ng kwarto ko ay mukha ni Tristan. Ang malaking picture ko sa kwarto ko ay mukha ni Tristan ang nakikita ko, sa tv ko ay naiimagine ko na sa Tristan ang nasa pinapalabas sa screen, maging sa computer ko, lahat na ata. Haisstt, na inlove na ata ako? Totoo pala iyong nasabi ko na kung sa picture ay ulam na, ano pa kaya sa personal? Hindi lang ordinaryong ulam, buffet na haha!


Ngunit, nagising na naman ako sa katotohan na hindi pala ako ang nasa profile picture ko, kaya naman parang nalungkot na naman ako, wala na atang pag-asang makilala niya ako sa tunay kong katauhan. Haisst. Habang magmumuni ako sa kwarto kung saan halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Sa isang parte, kilig ang nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina, inabot niya pa talaga ang kamay niya sa akin tanda ng handa niyang tulungan ang magandang prinsesa este prinsipe pa la na nadapa dahil sa badtrip na balat ng saging na iyon, pero laking pasasalamat ko naman sa balat ng saging na iyon dahil kung hindi ko siya naapakan marahil ay hindi ako mapapansin ng prince charming ko! Hayahay. Sa kabilang banda naman ay nalulungkot ako dahil nga sa malayo sa posibilidad na magustuhan niya ako, una ay hindi naman kasi ako ang ginamit kong profile picture. Useless din, hanggang text na lang ba to?


Tristan: HEEEY! Kamusta?


Nakita ko sa screen ng cellphone ko habang nagmumuni muni sa kwarto ko, text pala ni Tristan, agad naman ako hindi magkandamayaw sa pagmamadali sa pagrereply dahil nagtext na ang one and only prince charming ko.


Ako: Heyy! Eto kakauwi lang galing sa school, kakakuha ko lang ng schedule ko.


Tristan: Ahh, ako din eh, may inasikaso ako sa school na papasukan ko, plano ko pala magshift ng course.


Ako: Talaga? Anong course ba?


Trsitan: Sikreto! :D


“Ang hiwaga naman nito, course lang naman tinatanong ko eh” Nasabi ko na lang, na-curious tuloy ako kung ano ang kurso ang balak niyang kunin sa kanyang pag-shift.


Ako: Ah, teka lang, saang university ka pala nagaaral?


Pagtatanong ko sa kanya, actually hindi ko pa talaga alam kung saang university siya nagaaral, ang sabi niya lang kasi kanina, university sa U-belt siya nagaaral.


Tristan: SEU!


What? Sa SEU!?!! Eh doon ako nagenroll ng college eh?!. Kaya pala, kaya pala nung nagsalubong ang landas namin kanina ay napansin kong galing din siya sa loob ng university na pinapasukan ko. Sa university na kasi na iyon ako nakakuha ng full-merit scholarship kaya doon ko pinili pumasok. Pero paano na kaya iyon? Doon din pala papasok ang taong ginawan ko ng kalokohan at hindi malabong magkasalubong ng magkasalubong ang aming landas.  Hay, probleman na to, baka mabuko ang pinakaiingatan kong kalokohan.


Tristan: Still there Vince?


Nagulat naman ako sa pag-vibrate ng cellphone ko, ang lalim kasi ng iniisip ko. Hays, paano na to? Kahit kailan ka talaga Colby, minsan na nga lang gagawa ng ganitong kalokohan pumapalpak pa. Ano? Lipat na ba ako ng school?


Ako: Ah, oo, sorry, nag CR lang ako.


Pagaalibi ko na lang, pero sa totoo halos ilang minuto rin ako natulala dahil sa pagkakabigla na parehas ang aming university na papasukan.


Tristan: Ah ok! So yun nga! Sa SEU ako nagaaral.


Ako: Haha! Ganoon ba? Oh kamusta naman ang inasikaso mo kanina?


Pag-divert ko na lang sa topic upang hindi na gaano pa mapagusapan ang University na papasukan namin.


Tristan: Okay lang naman. Na-asar nga ako dahil may isang lalaki na tinarayan ako eh, ako na nga yung willing na tulungan siya sa pagkakatayo tapos sa akin pa nagalit.


Para naman akong nabatukan sa sinabi niya. Confirmed na mga ateng 101%, siya nga si Tristan na katext ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya, para tuloy akong nakonsensya dahil willing naman talaga siyang itayo ako sa pagkakadulas ko kanina, ako lang itong mataray, pero pinagtawanan niya lang naman kasi ako?!


Ako: Eh, baka naman kasi pinagtawanan mo?


Sinadya ko talagang itanong.


Tristan: Haha, oo, ang kulit kasi ng sinabi niya eh, Bilat daw ng kabayong dilat! Napatawa tuloy ako.


At syempre, na-overwhelmed na naman ang lola niyo. At least doon ko siya napatawa hindi sa tatanga-tanga kong pagkadulas.


Ako: Haha, gwapo ba? Cute ba siya? Lalaki ba?


Sinadya kong i-text sa kanya upang malaman ko ang impression niya sa itsura ko haha!


Tristan: Oo, lalaki nga sya, pero mataray eh, nagkaroon tuloy ako ng doubt kung lalaki nga ba! Cute? Gwapo? Hmmm? Nevermind :p


Para naman akong hinuburan sa harap ng milyon-milyong tao sa sinabi ni Tristan. Ansakit naman noon, para niya naman sinabing hindi ako cute at hindi ako gwapo. Well, drama lang, expected ko na iyon, lagi naman sinasabi sa akin iyon na hindi ako cute at gwapo ng mga pinapakitaan ko ng real account ko ng facebook eh.


Ako: Talaga?


Tristan: Haha, mas cute at gwapo ka naman siguro doon pre.


At tulad dati, kinilig naman ako, pero kasing bilis naman ng isang putok ng baril ang pagkagising ko sa katotohanan na hindi ako ang GWAPO kung hindi ang nasa profile picture ko sa dummy account ko kung saan ay hindi naman ako. Poser lang ako eh?!


Ako: Wahaha :3 kinilig naman ako dun! Thank you ah?


Sinabi ko na lang pero ang katotohanan ay nagmumukmok na naman ako.


As time goes by, naging mas close ko pa ang textmate ko na si Tristan pero sa virtual communication lang, naging madalas na din ang pagtatawagan namin at natutuwa naman ako dahil siya talaga ang nag-effort na tumawag sa akin. Pero sa akin nga ba? Paano kaya kung malaman niyang hindi naman ako ang nasa picture na iyon? Hay buhay!


Kaya naman pinagkakasya ko na lang sa isip ko na magkaibigan lang talaga kami, though, crush ko siya, dinidiktahan ko na lang ang puso ko na hanggang doon na lang iyon at hindi na nararapat pang may mas malalim ako na maramdaman doon. Minsan naisip ko din, unfair naman kay Tristan kasi naganap na ang first eyeball namin pero wala siyang idea na ako pala ang textmate niya samantalang ako masyadong akong nag-take advantage, pero sa itsura lang naman niya. Akala ko ay hanggang pagkakaibigan na lang ang namamagitan sa amin, hanggang sa isang gabi ay tumawag siya sa akin.


“Hello” Pagbungad ni Tristan.


“Hi, Oh kamusta na?”


“Okay lang naman, ikaw? Nagdinner ka na ba?” May halong pagaalala niyang tanong sa akin.


“Oo, okay lang din naman ako” Pagsagot ko.


“2 days na lang pala pasukan noh? Ambilis ng panahon” Buwan na kasi ng Hunyo nun. At oo nga pala naisip ko na 2 days na lang din pala at pasukan na naming, parehas nga pala kami ng pinapasukang paaralan.


“Oo nga eh, hindi ko pa nga naaenjoy eh, uy dalawang linggo na rin pala tayong magkatext at nagkakatawagan noh?” Tugon ko.


“Yeah right, and I’m excited to meet you in person” Tugon niya. Mistula naman akong hinampas ng paddle sa pwet sa sinabi niya na eyeball na naman. Pumasok na naman sa isip ko, paano kung mainip siya sa kakahintay ng eyeball sa dalaga este binata na nakilala niya sa facebook? Eh ang malaking problema ay hindi naman kasi ako ang nasa profile picture ko.


“Darating din naman tayo dyan tol, kung andyan lang sana ako sa maynila eh dalawang araw pa lang tayo nagkakatext ay nakipag-eyeball na ako sayo” Palusot ko, pero sa totoo ay wala talaga akong balak na maka-eyeball siya, isang malaking kaguluhan iyon kapag nalaman niya na ang nakakatext niya ay isang poser lang.


“Talaga? Eh bakit ganoon parang wala ka man lang interes sa akin? Eh tatlong oras lang naman ang biyahe mula Pampanga papunta dito sa Maynila” Pagtatampong sabi ni Tristan. Nako patay na mga sister, umaasa na si Tristan na ang nakakatext niya ay ang mukha na nasa profile picture ko sa facebook.


“Ah.. Eh.. Ganoon na nga, kaso tol. Hmm? Hmm? Kulong ako dito sa bahay, medyo strikto kasi sila mommy sa akin, only child lang kasi ako kaya ganoon bihira ako lumabas or mag-out of town. Iyon din ang dahilan kung bakit lagi akong nagiinternet lang.


Pagkatapos ko naman sabihin ang pagpapalusot na iyon, ay bigla namang pumasok ang bunso kong kapatid na si Karen sa kwarto ko.


“KUYA COLBY! Kakain na raw tayo sabi ni mommy! Bumaba ka na bilis!” Para naman akong gago na hindi magkandamayaw sa kaba dahil sa narinig na sinabi ng kapatid ko. Binangit ng badtrip kong kapatid ang tunay kong pangalan na “Colby” eh ang pakilala ko nga pala kay Tristan ay “Vince” ang pangalan ko, isa pang bagay ay kakasabi ko lang kay Tristan na only child ako at dahil sa wala akong kapatid ay istrikto sa akin ang mommy ko. Ang masama pa ay nasa linya pa si Tristan, haist, Lagot na, kalian maigisip ng alibi ng ateng.


“Colby? Sinong Colby?” Takang pagtatanong ni Tristan sa phone.


“Ah, hello Tristan, wait lang ah? Hold ko muna itong phone, ihing ihi na kasi ako eh” Sabay pindot ng hold button ng cellphone ko at bumalikwas kay Karen.


“Ano bang ginagawa mo dito?!” Bulyaw ko kay Karen.


“Tinatawag ka na nga ni mommy, its 7:30 Kuya and magdidinner na daw tayo!” Maarteng pagkakasabi ni Karen, lumaki kasi ito ng spoiled kay mommy kaya ganito si Karen, makulit at maarte. “Bakit, sino ba yang kausap mo sa phone? Siguro may syota ka na noh? Teka nga at masumbong, MOMMY!” Paghihinala ng loka-loka kong kapatid sabay lumakad ng mabilis pababa, agad ko naman itong hinabol at hinugot ang buhok sa mahinang paraan.


“Hoy, wala akong boyfriend, este girlfriend” At nadulas pa ako. “Sabihin mo kay mommy bababa na rin ako in a while, just wait may kakausapin lang akong importante okay?” Dagdag ko pa.


“Aha, palalagpasin kita ngayon pero ilibre mo ko ng Pizza bukas huh? Kung hindi ay lagot ka talaga kay Mommy isusumbong kita!” Pananakot ni Karen.


“Ewan ko sayo! Oh siya, bumaba ka na at baka itulak pa kita dyan sa hagdan, bwahaha!” Pagbibiro ko sa kay Karen.


Pagkabalik ko naman ng kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone at pinindot ang unhold button upang muling makausap ang prince charming ng buhay ko.


“Hello? Uy, sorry medyo natagalan” Bungad kong sabi kay Tristan.


“Okay lang po, uy, sino yung Colby?” Curious na tanong ni Tristan.


“Ah.. Hmm? Pinsan ko iyon, nasa tabing kwarto ko kasi tinatawag ng kapatid niya, eh medyo magkatabi kasi talaga iyong kwarto naming dalawa nung pinsan ko” Pagaalibi ko na lang, buti naman at nakaisip agad ako ng magandang alibi. Haist. Ang dami ko nang kasinungalingan mga inday para lang malusutan at hindi ako isnobin ng gwapong mokong na ito.


“Ah, okay” Tugon na lang niya, pero halata sa mga boses na parang nagdodoubt ito. Nakow, huwag naman sana ako mabuko agad. “Ah, may tatanong pala sana ako sayo tol?” Dagdag pa niya.


“Ah, oh sige? Hmm? Ano iyon?”


“Single ka ba ngayon?”  Pagtatanong niya. Kinilig naman ako ng bahagya sa tanong niyang iyon.


“Oo eh, ikaw ba?”


“Hmm? Oo, last month kakabreak lang naming nung boyfriend ko na taga Manila”


“Ah ganun ba? Sorry to say that”


“Its okay”


“So, kamusta naman nararamdaman mo ngayon?” Pagtatanong ko na tumutukoy sa nararamdaman niya sa kanyang estado ng pag-ibig.


“Medyo malungkot tol, pero hayaan mo na, malay mo eto na yung talagang para sa akin, itong kausap ko sa phone, haha” Kinilig naman ako sa sinabi niya. Huwwaatt? “Biro lang” Dagdag niya pa. Andoon na eh, tapos biro lang pala? Badtrip huh?!


At iyon na nga, halos gabi gabi kaming naguusap ni Tristan, pinaguusapan ang mga past experience. Lagi naman siyang hindi magkandamayaw sa kakatawa pag ako ang kausap dahil nga sa masayahin akong tao at marami akong nababahaging mga jokes sa kanya. Ngunit ang kinagugulat ko at ang pinaka-iniintay ko sa kanyang pagtawag ay ang pagmu-“Mwuah” niya lagi sa akin sa tuwing matatapos ang tawagan naming. Kahit minsan sa text ay kahit pagbati ng “Good Morning” ay nilalagyan niya ito ng “Mwuah!” Kaya naman lapas tenga, correction hindi abot tenga huh? Lagpas tenga ang mga ngiti ko, haha!


Sa estado naming dalawa ay masasabi kong M.U. lang kami, walang namumuong relasyon o damdamin, hanggang crush at landian lang. Sa mga oras naman na ako’y kinikilig at masaya na ka-text at katawagan ang textmate ko na si Tristan ay hindi ko naman maiwasan ang makonsensya at malungkot na nakakapanloko na ako ng tao at talagang ma-didisappoint siya kapag nalaman niya na ang katextmate niya pala na pinaglalaanan niya ng oras makausap ay hindi pala ang inaasahan niya.


Araw na ng pasukan, maaga akong nagising dahil 8’oclock a.m. ang una kong klase. Maaga akong kumain ng almusal, naligo at naghanda upang pumasok sa university. Ang balak ko kasi ay alas-7 pa lang ng umaga ay nasa unibersidad na ako upang tignan kung saan ang room naming at kung may nabago sa sa Study Load na binigay. At andoon na nga ako ng alas-7, wala namang nagbago sa schedule ng pasok ko.


8:05 na noon at wala pa ang professor sa una kong subject. Trigonometry ang subject na iyon. Nakaramdam naman ako ng pagka-inip dahil hindi pa ako makagawa ng eksena sa classroom, iilang mga schoolmates ko lang kasi noong high school ang naging classmates ko ngayong college. Iilan lang din ang mga nakakakilala sa akin, kaya naman tahimik pa ako.


 Sinadya ko na sa bandang likod umupo, inaatake pa kasi ako ni Katam haha! At saka kaya ko pa naman makacatch up sa lesson kahit na nasa likod ako (Wooohhhoo! Hangin dre XD)


Habang nagkakalikot ng cellphone ay biglang may kumalabit sa likod ko.


“Excuse me, is this the Trigometry subject of the first year Accountancy?” Aba’t in-english pa ako nito. Teka? Sino ba to? Bumalikwas naman akong paharap sa kanya at nagulat ako sa nakita. For the second time nakita ko siya. Ang lalaking kinababaliwan ko mga ateng, siya nga at hindi ako nagkakamali. Napatayo ako at napa-nganga sa hayup niyang proma sa umagang iyon. Mistula akong na-hipnotismo sa kagwapuhan niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Hanggang sa..


“IKAW?!” Sabay naming bigkas na magkaharap sa isa’t isa.


-          I T U T U L O Y 

4 comments:

  1. wow ganda ng story ha... nakakakilig hehehe

    ReplyDelete
  2. Nice story mukhang mtagal kn ngsu2lat ah

    ReplyDelete
    Replies
    1. nope. this is my first time po, magulo pa nga po eh.

      thank you po :) God bless..

      Delete
  3. Wow kanganga..nandyan na pala sia sa harapan ng bida omg!nakakarelate aqo sa blog na to kc im a gay too at ilang na din aqng nainlove peow palagi nalang nahuhulog sa kaibigan ko ang taong minamahal ko.!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails