Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
Email: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Kamusta po ulit sa inyo. Maraming salamat sa mga nag-iwan ng komento sa una kong repost. Natutuwa ako dahil may mga nag-aabang pa pala ng story na ito kahit pa na halos isang taon na hindi tinuloy.
Tungkol naman po sa blog. Inaayos ko pa po ito kaya pansamantala kong sinara for public viewing. Lalo na at may mga taong mapansamantala na nangongopya ng akdang ng di kanila. Hindi na po katakataka iyon, kahit sa mga akda ni Sir Mike ay ginagawa nila ito. At talagang inaangkin pa nila dahil wala man lang permiso o hindi inilagay ang tunay na may akda sa pag post nila.
Kaya kahit may sama ako ng loob sa kanila tuloy pa rin para sa inyo na nag-aabang. At dahil dito may mga revisions akong ginawa tulad ng pagdagdag ng kaunting scene sa story. Pansamantala lang po habang wala pa akong naiisip na paraan sa issue ng pangongopya.
Tulad po ng aking sinabi sa una. Welcome po ako for criticisms to improve my writing skills. Kung anuman ang makita niyong mali sa story ay sabihin po ninyo agad para mabago agad.
Happy Reading!
[3]
"Pinuntahan mo daw ung Andrew kanina sa library?" tanong ni Michael kay Bryan. Tapos na ang klase ng tatlo at naroon sila sa kanilang silid-tambayan na matatagpuan sa basement ng school building.
"Oo, kung makikita niyo lang yung mukha niya kanina." ang natatawang tugon ni Bryan habang inaalala niya ang naging usapan nila.
"Dont tell me na may replay na namang mangyayari? I guess you will use your old tactic."
Walang sagot na narinig si Michael sa kausap sa halip ay kinuha lang nito ang kanyang ipod at nagsuot ng headset. Napaisip tuloy siya kung ano ba talaga ang nasa isip nito.
"What do you think tol?" ang baling niya kay Troy.
"Bakit naman ako yung tinatanong mo dyan tsk.?" ang sagot sa kanya ni Troy na nahihiwagaan na rin sa kinikilos ng kaibigang si Bryan.
"First time..." ang may diin na pahayag ni Michael. "First time na makita natin si Bryan na ganito."
Sa sinabing ito ni Michael ay saglit na nagtanggal si Bryan ng headset.
"Pwede ba easy lang kayo." ang kampanteng sinabi nito.
"Sige bahala ka na." ang nasabi na lang ni Troy.
"Basta mga tol, trust me wla nang replay na mangyayari." ang tila paniniguradong pahayag ni Bryan sa dalawa at itinuloy na ang kanyang soundtrip.
Isang nagtatakang tingin ang binigay ng dalawa kay Bryan. Unang pagkakataon nilang marinig si Bryan na magsalita ng ganoon. Sa tagal nilang pagkakilala dito kasi ay hindi na ito madalas na nagsasalita pa dahil ginagawa na agad nito ang anumang naisin niya.
"I hope na walang mangyari masama." ang nasabi na lang sa sarili ng isa sa mga kasama ni Bryan.
___________
"Ayos na ba ang lahat iho?" ang tanong ng librarian kay Andrew na kasalukuyan naghahanda na ng kanyang mga gamit sa pag-uwi. Pagabi na iyon at oras na ng pagsasara ng library.
"Opo mam." ang magalang niyang pagtugon.
"Sige mauna ka nang lumabas. Dadaan pa ako sa faculty room" ang sunod na pahayag ng librarian.
Madilim na nang lisanin ni Andrew ang library. Habang naglalakad sa may hallway palabas ng gate ay pinagmamasdan niya ang paligid. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng naroon at halos lahat ay may evening classes. Bigla naman niyang naalala ang sinabi ni Bryan sa kanya na makikipagkita siya sa kanya kaya agad siyang nagmadali palabas. Siyempre ayaw niya nang makita ang isang taong para sa kanya ay napakayabang at arogante. Kaya halos patakbo na siyang maglakad palabas. At dahil sa kanyang pagmamadali ay isang bagay ang nalaglag mula sa kanyang bulsa nang di niya namamalayan.
Nasa labas na siya ng campus at papuntang sakayan ng jeep, nang mapansin niya ang pagsunod ng isang kotse sa kanyang likuran. Nagkibit balikat lang siya at binilisan ang paglalakad.
At tuluyan siyang napatigil nang marinig niya ang isang boses. Iba sa boses ni Bryan kaya tinignan niya ito.
"Hey you're Andrew del Rosario right" ang sabi ng lalaki nang matapat na ang kanyang sasakyan kay Andrew.
"Oo ako nga. Paano mo nalaman ang pangalan ko?". Habang naghihintay ng sagot si Andrew ay pilit niyang kinikilala ang lalaking kumakausap sa kanya. Hindi kasi gaanong kita ang mukha nito dahil sa may kadiliman na ang paligid pati na rin sa loob ng kotse nito.
"Bago ko sagutin ang tanong mo, baka gusto mong ihatid na kita pauwi sa inyo."
Nagtaka naman si Andrew sa pahayag na iyon ng lalaki.
"Ayoko nga, hindi ako basta-basta sumasama sa taong hindi ko kilala."
"Maybe tama ka, hindi mo ako kilala Pero ako alam ko na ang lahat ng tungkol sa iyo."
"Ano sabi mo?"
Hindi na sumagot pa ang lalaki sa halip ay bumaba ito ng kanyang sasakyan, binuksan ang kabilang pinto ng kotse at hinatak ang isa niyang braso papasok sa loob nito. Wala na siyang nagawa dahil sa bilis ng mga nangyari. Pagkabalik ng lalaki sa drivers seat ay agad niyang pinaandar ito.
Habang nasa loob ay doon na niya namukhaan ang naturang lalaki na naka uniporme. Hindi siya maaring magkamali na kasama ito ni Bryan nang maalala ang eksena sa court. Kaya agad siyang nakaramdam ng inis at tinanong ito
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" ang tanong ni Andrew sa lalaki.
"Wala naman, gusto lang kitang makilala ng personal." ang tugon nito sabay lingon sa kanya.
"Para saan. Ah alam ko siguro espiya ka nung hambog ba yun ano. Inutusan ka niya siguro na sundan ako."
"You're wrong Andrew." ang sagot nito na nakatingin sa daan.
"Sinungaling. Ihinto mo nga." ang medyo inis na utos ni Andrew sa kanya.
"Bakit?"
"Basta ihinto mo!" ang pabulyaw niyang pag-uulit.
Inihinto na ng lalaki sa isang tabi ang kotse. Nang akmang bubuksan na ni Andrew ang pinto nito ay agad siyang pinigilan ng lalaki. Hinawakan siya ulit nito sa braso.
"Alam ko ang nararamdaman mo pero sana huwag mo akong itulad kay Bryan." ang sabi nitong nakatitig sa kanya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na masama ang kanyang imahe sa isip ni Andre.
"Hindi ba kaibigan mo siya at miyembro ka rin ng... campus trio ba yun? May ganong pangalan pang nalalaman diyan puro yabang lang naman kayo."
"Tama ka. Bestfriend ko si Bryan kababata, pero hindi ibig sabihin nito ay sang-ayon ako sa lahat ng kanyang mga ginagawa."
"Ah, so ang gusto mong palabasin ay mabait ka ganun? Sige pagpalagay na natin na totoo yan eh bakit wala ka man lang ginawang aksyon sa pambabastos ni Bryan sa mga babaeng lumapit sa kanya sa court?" ang sunod na tanong ni Andrew. Mistula namang natameme ang kanyang kausap sa narinig.
"Ok. I admit na mali ako doon. Pero wala naman akong ginawa sa kanila at hindi ko naman ginatungan si Bryan.Nakita mo naman siguro." ang naisagot na lang niya makalipas ng ilang segundo.
Napaisip si Andrew sa sinagot ng kanyang kausap.
"Noon pa man ay hindi ako nakikialam sa mga ginagawa ni Bryan kasi alam kong mali iyon at ayoko namang isama ang aking sarili sa mga ganoong bagay."
Nagbuntung-hininga muna ito bago magpatuloy.
"Andrew, hindi ko sinasabing mabait ako pero I want na ikaw ang makahanap ng kasagutan sa tanong mo na yan. Kaya ang dapat mong gawin sa ngayon ay kilalanin mo muna ako." ang nakangiti na nitong pahayag.
Siguro ay naging judgmental agad si Andrew sa kanyang kausap. Mali nga naman na paratangan niya agad ito gayong unang beses pa lang sila nakapag-usap.
Kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang unti-unting nalulusaw ang inis ni Andrew sa lalaking kanyang kausap habang pinagmamasdan ang itsura nito at pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. Bukod sa gwapo ay mas maamo ang mukha nito kung ikukumpara kay Bryan at sa tingin niya ay mabait nga ang taong ito.
"Hey, natutulala ka na dyan." ang sabi niyang nagpabalik ng ulirat ni Andrew.
"Ah ano, sige bababa na ako. Pasensya na sa mga nasabi ko." ang nasabi na lang ni Andrew habang inaayos ang sarili.
"Hindi pa pwede. Sabi ko naman sa iyo na ihahatid kita sa bahay niyo di ba?" ang sabi ulit ng lalaki.
Pero nagpumilit pa rin si Andrew sa kanyang gusto. Naisip niya kasi na baka ang dahilan ng lalaking ito sa paghatid sa kanya sa kanila ay para alamin kung saan siya nakatira. Siyempre may posibilidad na malaman iyon ni Bryan dahil sa kaibigan niya ito.
Ngunit tila alam ng lalaking kausap niya ang kanyang iniisip dahil sa sunod na ipinahayag nito.
"Huwag kang mag-alala, ililihim ko ang tirahan mo. Gusto ko lang kasi malaman ito nang sa gayon ay mabisita naman kita."
"Ikaw bibisita sa akin, tsk. Ang bilis naman yata, close ba tayo?"
"Hindi kaya nga gumagawa ako ng paraan para maging malapit tayo e. Alam ko namang mabait kang tao."
Isang nagtatakang tingin ang pinukol ni Andrew sa kausap. "Bakit sa dami ng mga estudyante dyan ako pa ang napili mong lapitan?" ang di niya naiwasang itanong.
"Hindi ko rin alam sa sarili ko e." ang nakangiti nitong sagot. "Basta unang kita ko pa lang ay magaan na ang loob ko sayo."
"Talaga lang ah." ang di kumbinsidong tugon ni Andrew.
"Ayon sa aking source, na napakabait mo nung high school."
Nabigla naman si 'Andrew sa kanyang narinig.
"Matulungin ka sa mga kaklase mo tulad ng pagtuturo mo sa kanila sa ilang mga subjects. At ikaw ang palaging nangunguna sa inyong klase kaya palagi kang naboboto bilang class president. Active ka pa sa mga school activities."
Nagtataka man siya kung paano nito nakuha ang mga impormasyon na iyon ay mas nangibabaw sa kanya ang saya dahil sa appreciation nito sa kanyang mga ginawa.
Sa puntong iyon ay hindi niya maiwasang magsisi. Puro kabutihan ang mga sinabi nito samantalang puro paratang ang ipinukol niya dito sa pag-uusap nila kanina.
"Sige na nga." ang sumusukong pahayag ni Andrew ukol sa pakiusap nito na ihatid siya sa kanilang tirahan.
"Salamat naman at pumayag ka na" ang nakangiting sagot ng lalaki saka pinaandar ulit ang sasakyan.
Nang marating nila ang Tondo ay saka tinuro ni Andrew ang direksyon ng kanilang bahay.
"Hindi pa ako dito nakatira, papasok ka pa sa makitid na eskinitang iyan" ang sabi ni Andrew nang makarating na sila.
"Baka naman hindi ka komportable dito eh pwede ka nang umalis" ang kanyang dagdag nang mapansin niya ang balak nitong pagsabay sa kanya papunta sa bahay nito.
"No! tara na ituro mo na yung bahay niyo." ang sabi ng lalaki na lubos na nagpabigla kay Andrew. Hindi niya akalain na ang isang mayamang tulad niya ay pupunta sa ganoong lugar na para lang sa mga dukha.
Habang naglalakad ay sinusulyapan ni Andrew ang kanyang kasama. Wala siyang nakikitang bakas na pagkailang dito. Natural pa rin ang itsura ng mukha nito. Napansin din niya na pinagtitinginan ng mga tao ang kasama niyang lalaki. Lalo na ng mga babae at bading na naroroon. Naririnig pa niya ang kanilang pagtili marahil sa kagandahang lalaki nito.
At nang makarating sila "Ito na ang bahay namin. Kaming dalawa lang ni nanay ang nakatira dito. Yan alam mo na, maaari ka na sigurong umalis niyan"
"Hindi mo muna ba ako papatuluyin sa loob." ang pag-iwas na sagot niya sa kanyang sinabi.
"Naku di mo magugustuhan ang makikita mo sa loob."
"Ayos lang sakin."
"Mapilit ka talaga hays." ang sabi ni Andrew sabay bukas ng pinto ng kanilang bahay.
______
"Bakit ganyan ang mukha mo?" ang tanong ni Michael kay Bryan na kasalukyang nakaupo nakayuko na ang mga siko ay nakatukod sa may tuhod at seryoso ang mukha. Nasa kanilang tambayan pa rin ang dalawa.
"Naiinis lang ako dahil natakasan niya ako." ang kanyang tugon.
"Sino si Andrew? Tol naman ano ba ang gusto mong mangyari, ang hintayin ka niya? Malabo mangyari yun tol eh may galit nga siya sa iyo."
"Nagkasalisi lang siguro kami. Di bale may bukas pa naman."
"Teka lang tol bakit parang masyado kang apektado sa hindi niya pagpakita sayo."
Ganoon din ang naiisip ni Bryan kanina pa. First time sa buhay niya na makaramdam siya ng kung anong bagay na di niya mapaliwanag.
"Ewan ko ba tol." ang nasabi na lang nito sabay ngiti sa kanyang kasama.
______
"Nandito na po ako nay" ang bati ni Andrew sa kanyang ina na nakahiga sa kanilang kama.
Bumangon ang matanda at tinungo ang kinarooronan ng anak.
"Ah nay may kasama pala ako. siya ay si..." ang hindi natuloy na pagpapakilala ni Andrew sa lalaki. Naisip niya na sa ilang oras na magkausap sila ay hindi pa pala siya nagpapakilala dito.
Nagmano ang lalaki sa kanyang ina bago magpakilala. "Good evening po nay. Ako po si Troy"
Kahit may kalabuan ang paningin ay pinagmasdan ng ina ni Andrew ang kabuuan ng kasama ng anak.
"Aba ay kagwapong bata nito at ang tangkad ah. Magkaklase ba kayong dalawa?"
"Hindi po nay. Schoolmate ko lang siya" ang sagot ni Andrew.
"Ah. Naku iho nakakahiya naman sayo. Pasensya na kung ganito ang itsura ng bahay namin. Dahan- dahan lang ah baka mauntog ka." ang pahayag ulit ng ina nito dahil sa babaw ng kisame ay halos masayad na ang ulo ni Troy dito.
"Actually po nay, ako ang nagprisintang sumama kay Andrew dito. Gusto ko lang po siyang makilala. Alam niyo po na madali naman po siyang kaibiganin. Maswerte po kayo na nagkaroon kayo ng anak na tulad niya."
"Ganoon ba iho. Oo nga kasi napakabait ng anak kong iyan at napakasipag pa kaya mahal na mahal ko iyan." ang pagmamalaki naman nito.
Napapangiti na lang si Andrew sa kanyang mga naririnig.
Maya-maya ay tumingin muna siya kay Andrew at ngumiti. "Alam ko po yun nay kaya ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagtaka pa nga po siya sa biglaan at mabilisan kong pag-approach sa kanya."
"Mabuti naman iho at may kaibigan na agad si Andrew sa ilang araw pa lang niyang pagpasok. Siya nga pala sumabay ka na rin sa amin maghapunan."
"Salamat na lang po Tita. Pauwi na rin kasi ako. Sa ibang araw na lang po siguro. Promise po nay na dadalawin ko po ulit kayo dito."
"Naku salamat naman kung ganoon. Hayaan mo paghahandaan ko yan.Sige Andrew anak ihatid mo na siya sa kanto."
______
"Salamat pala Andrew." ang sabi ni Troy nang makabalik na sila sa kanto kung saan nakapark ang kotse nito.
"Bakit ka nagpapasalamat? Ang totoo nga niyan nahihiya ako sa iyo eh, sa yaman mong yan hindi kita nakitaan man lang ng pagkailang sa ganitong klaseng lugar. Kung alam mo lang na bihira ang mga sumusulpot na mayayaman dito."
"Hindi naman ako ganoon Andrew Para sakin pantay ang lahat ng tao anuman ang estado nila sa buhay. Kung alam mo lang ang sobrang sayang nararamdaman ko ngayon."
"Talaga lang ah"
"Oo naman, una dahil hindi ka na galit, maayos na ang pakikupag-usap mo sa akin at pangalawa, ay mas nakilala pa kita bukod sa mga nalaman kong impormasyon sa iyo."
"Sa totoo lang Troy, hindi ko alam kung bakit mo ako binibigyan ng atensyon ngunit nagpapasalamat ako sa pag-aalok mo sa akin bilang kaibigan. Kahit papaano ay nabago ang aking pananaw sa buhay na ang mayaman ay para sa mayaman lang.
"Mabuti naman kung ganoon."
"Isa pa talagang nabigla ako sa mabilisang pag approach mo sa akin. Nung araw kasi na nagkasagutan kami ni Bryan at nakita ko na parang wala kang pakialam ay nadamay ka na sa nararamdaman kong inis. Tapos ngayon hindi ako makapaniwala sa mga pinapakita mo sa akin."
"Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, huwag mo akong itulad kay Bryan. Kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin nito ay papaboran ko na ang lahat ng kanyang mga ginagawa. May sarili rin akong mga pananaw. Kung alam mo lang ang aking pag-aalala sa iyo kapag pinag-uusapan ka ng aking mga kaibigan."
"Sige mauna na ako, salamat ulit. Kita-kits na lang sa school bukas."
Bago pumasok si Troy sa kanyang kotse ay sinulyapan muna niya si Andrew at nginitian ito. Hinintay muna niya na umandar ito bago siya bumalik sa kanila.
Habang naglalakad ay iniisip niya ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Pakiramdam niya na magaan na rin ang kanyang loob kay Troy.
"Hindi naman pala sila lahat masasama ang ugali at mayabang" ang komento ni Andrew sa kanyang sarili patungkol sa campus trio.
Itutuloy....
[4]
"Andrew ikaw ha balita ko sumama ka daw kay Troy kagabi" si Dina nang makita si Andrew na pumasok sa kanilang classroom kinabukasan.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?" ang patanong niyang sagot habang nilalapag ang kanyang bag sa kanyang silya at naglalabas ng mga libro.
"Parang hindi mo naman alam kung gaano kasikat ang campus trio dito sa school. Syempre alam lahat ng mga estudyante dito ang kanilang mga ginagawa. Sinusubaybayan kaya nila ang lahat ng kilos ng tatlo."
"Ah..."
"So totoo nga iyon?"
"Oo, pero hindi ako ang sumama sa kanya, siya ang unang nakipag-usap at lumapit sa akin."
"Talaga, ginawa niya iyon?" ang tanong ni Dina na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?"
"Hindi naman sa ganoon. Napakaimposible kasi eh. Wala sa personalidad ng trio ang makisalamuha o maunang makipag-usap sa ibang tao."
"Ganoon. Sige nga magkwento ka naman sa akin ng mga nalalaman mo tungkol sa kanila." si Andrew nang mapaisip ito sa mga sinabi ni Dina.
"Bukod sa pagiging sikat ay talagang mayayaman ang campus trio. Sa ugali naman hmm...." si Dina na saglit na nag-isip ng susunod na sasabihin.
"...alam ko namang disagree ka kung sasabihin kong mababait sila di ba. Pero para sa akin si Troy ang pinakamabait sa kanila. Tahimik, seryoso pero matalino at magaling sa sports. Si Michael naman ang pinaka chickboy sa lahat. Balita ko lang ha na madalas siya sa mga bar pag gabi kasama si Troy. Tapos kung sinu-sinong babae ang ka date niya. At siyempre ang pinakamahal ko sa kanila si Papa Bryan!...." ang kanyang pagpapatuloy na may kasamang kilig.
"Siya ang tumatayong leader ng trio. Pinakamayaman at para sa akin pinakagwapo! hays. Sabi nila na talagang likas siyang masungit at mukhang di nagseseryoso sa buhay. Sa mga kaibigan niya nga lang siya nagagawang ngumiti eh. At ito pa sabi ng kapatid ko na kapag nandyan siya lumayo ka na o di kayay wag kang magtatangkang gumawa ng hindi maganda sa paningin niya dahil tiyak na ma di magandang mangyayari sayo."
Walang naging pagtutol si Andrew sa paglalarawan ni Dina kay Troy dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Pero kay Bryan ay nakukulangan siya at parang may mali.
"Ah idagdag mo pa ang salitang mayabang at sadista. Doon pa lang sa ginawa niya sa court alam ko na natutuwa pa siya kahit na lugmok na sa kahihiyan yung mga babae. Peo sa huling sinabi mo hmm... parang baliktad. Sabi mong wag mo siyang kakausapin o lalapitan, pero kahapon siya pa ang unang lumapit sa akin para inisin ako."
"Really Andrew." ang naibulalas ni Dina. Kasama mo rin si Papa Bryan kagabi?"
"Hindi sumulpot lang siya na parang kabute sa library."
Nahihiwagaan man pero hindi na muna binigyan pa ni Dina ng pansin ang bagay na iyon.
"Isa pa pala, kwento ng kapatid ko, marami nang mga estudyante ang nagtangkang kunin ang kanilang atensyon at makipagkaibigan pero ni isa sa kanila hindi pinalad."
"Hindi na nakakapagtaka doon pa lang sa leader nilang ungas eh." komento ni andrew na may pagtango-tango pa.
"Siguro pero kahit ganoon sila, marami pa ring nahuhumaling sa kanila. Kaya hanggang tingin na lang ang ginagawa ng mga estudyante rito."
"Ganoon pala, naisip ko nga kagabi pa na baka may plano talaga si Troy sa akin. Sige salamat sa mga sinabi mo."
"Kung wala silang kinakaibigan dito sa campus eh bakit si Troy gustong makipagkaibigan sa akin?" ang naitanong ni Andrew sa kanyang sarili. Di niya tuloy maiwasang isipin na baka talagang may hidden agenda ito sa kanya.
______
"Saan ka nagpunta kagabi? Tinatawagan ka ni Bryan hindi ka sumasagot." ang tanong ni Michael kay Troy. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan.
"May pinuntahan lang" ang matipid na tugon ni Troy.
"Saan, kina Andrew?"
Hindi sumagot si Troy.
"Tama nga ang balita. Sabihin mo sa akin, ano ba ang plano mo sa kanya? Balak mo rin ba syang pagtripan tulad ng gagawin ni Bryan?"
Tumingin siya kay Michael bago sumagot. "Hindi, at saka wala akong plano sa kanya. Kinuha ko lang ang atensyon niya para malaman ko pa ang lahat-lahat tungkol sa kanya."
"Ano ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ni Michael. Naguguluhan kasi siya sa mga marinig niya sa kausap.
"Honestly, nung makita ko siya at pag-aralan ang pagkakakilanlan niya, nagkaroon ako ng interes sa kanya. Kaya ayun, kinausap ko siya."
"Troy, huwag mong sabihing..." si Michael na tila nahuhulaan na ang ibig ipahiwatig ni Troy na agad namang naputol sa pagdating ng isa pa nilang kasama na si Bryan.
"Mga tol!" ang bati ni Bryan sa kanila sabay akbay sa kanilang dalawa gamit ang mga kamay nito."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah"
"Hindi naman, may tinanong lang ako kay Troy." ang sagot ni Michael.
"Ah ok. Siyanga pala mga tol, nakaisip na ako ng napakagandang plano para sa taong iyon."
"You mean si Andrew?"
"Yup. Nakausap ko na nga si Mama tungkol dito."
"Nice naman talagang kursunada mo na ang taong yan ah" si Michael nang mapansin ang pagngiti ni Bryan.
"Sa puntong iyon ay may pumasok agad sa isipan ni Troy ukol sa gagawing ito ni Bryan na nagbigay ng dahilan sa kanya upang mag-alala para kay Andrew.
______
Masayang kumakain at nag-uusap sa canteen sina Andrew at Dina kasama ang dalawa pa nilang kaklaseng babae. Maya-maya ay nahinto sila gawa ng biglaang paghiyaw ng ibang mga estudyanteng naroroon at ang dahilan nito ay ang pagdating ng trio.
Sabay-sabay silang naglalakad mula sa entrance ng canteen. Ang mga estudyanteng may dala-dalang pagkain ay tumatabi upang bigyan sila ng daan. Pagkapasok ay tumigil silang tatlo at lumingon-lingon sa paligid. Agad napansin iyon ng grupo nina Andrew.
"Parang may hinahanap sila oh" ang puna ni Dina.
"Hayaan mo na sila." ang walang interes na sagot ni Andrew at itinuloy lang kanyang pagkain.
"Teka Andrew, parang dito na sila nakatingin sa direksyon natin" ang sabi ulit ni Dina habang niyuyugyog si Andrew.
Agad naman siyang sumulyap upang alamin kung totoo ang sinasabi ni Dina. At laking gulat niya nang makitang naglalakad na sila papalapit sa kanila.
"Pwede bang makisabay?" si Bryan na nasa gilid na ng inuupuan ni Andrew.
Tumingin naman si Andrew sa paligid para tignan kung may mga bakante pang upuan at nakita niya na halos lahat ay okupado na ng mga estudyanteng nakatingin pala sa kanila.
"Sorry wala nang bakante. Doon na lang kayo sa labas." ang sagot ni Andrew.
"Pwedeng makisabay kumain." si Bryan na inulit lang ang sinabi nito.
"Bulag ka ba kita mo nang apat na kami dito oh."
"E di paalisin mo sila. Commonsense lang" si Bryan ulit.
"Anong sabi mo paaalisin ko sila?"ang tanong ni Andrew na nagsisimula nang uminit ang ulo. "Inuutusan mo ba ako.?"
"Oo. Alam mo maswerte ka nga eh dahil sa lahat ng mga students dito ikaw lang ang binibigyan ko ng special attention."
Tumayo na si Andrew sa kanyang kinauupuan at hinarap si Bryan. "Talaga palang nakapayabang mong hambog ka at napakasama ng ugali mo ano. Tama ba yun, paalisin ko ang mga kaklase ko para sa inyo. Bakit sino ba kayo, hindi porket sikat na kayo at maimpluwensya ay pwede niyo nang gawin ang kahit na ano. Isa pa pala hindi ko kailangan ng special attention na sinasabi mo." ang mahabang pahayag ng galit na galit na si Andrew.
"Natatawa lang siya sa iyo" ang sabi naman ni michael nang mapuna ang reaksyon ni Bryan sa narinig.
"Ano nakakatawa sa sinabi ko?" ang tanong ni Andrew.
"Wala lang." si Bryan na tumatawa pa rin.
"Natatawa ka nang walang dahilan, baliw ka pala kung ganoon."
"Maybe, dahil sayo kung bakit ako nagkakaganito."
Nabigla naman si Andrew sa kanyang narinig. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ah eh nevermind. Sige guys doon na lang tayo sa tambayan kumain. Andrew, be ready" ang sabi ni Bryan bago silang naglakad palabas ng canteen.
Naiinis man ay naibsan naman ito nang mapatingin si Andrew sa kasama nitong si Troy na pasimpleng ngumiti sa kanya at kinawayan ito bilang pagbati. Gayunpaman ay naintriga naman si ya sa mga huling kataga ng sinabi ng kasama nitong si Bryan. "Be ready daw. Lagi akong handa sa iyo" ang bulong ni Andrew sa kanyang sarili.
Pagkalabas ng tatlo ay narinig niya ang palakpakan ng mga estudyanteng naroroon.
"Nice ang tapang mo naman Andrew!"
"Ikaw na Andrew da best ka!"
"Natatawa lang si Bryan pero napipikon na iyon sa iyo!"
Ito ang mga sigawang kanyang naririnig na nagbigay sa kanya ng inspirason na lalong labanan ang tanong para sa kanya ay napakayabang.
"Talagang bilib na sila sa iyo" ang sabi ni Dina.
"Sus yun lang! Tara bilisan na lang nating kumain baka lalo pang uminit ang ulo ko" si Andrew.
"Pero teka lang friend. Napansin mo ba ang reaksyon ni Troy kanina?"
"Ha, paano ko naman mapapansin eh si Bryan lang ang kausap ko. Bakit anong nakita mo?"
"Iba kasi ang kinikilos niya kung ikukumpara kina Bryan at Michael."
"Paano mo naman nasabi?"
"Andrew, nginitian ka niya tapos nabilib pa siya sa mga ginawa mo, kasi nakita namin yung mahina niyang pagpalakpak" ang pagsasalita naman ng isa pa niyang kaklase.
"Talaga" ang nasabi lang niya. Hindi naman niya kasi narinig ito o nakita man lang.
Sa puntong iyon ay may bagay ulit na pumasok sa isip ng kaklase niyang si Dina.
______
"Baliw ka na daw" ang patuloy na pangungutya ni Michael na natatawa pa rin sa mga nangyari kanina. "Naiinis ka na sa kanya ano?"
"Hindi eh. Ewan ko ba pero ni katiting na galit ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Natutuwa pa nga ako sa kanya sa tuwing naiinis siya sa akin."
"What! First time kong marinig sa iyo yan tol."
"Oo nga eh."
"Talagang naiiba siya sa lahat ng estudyante dito" si Troy.
"Exactly. Iyon ang dahilan ng pagkakaron ko ng interes sa kanya. Kaya dapat madaliin ko na ang lahat. I will make sure na makukuha ko ang kanyang loob." si Bryan na nakangiti pa rin sabay sandal ng kanyang ulo sa sofa at tumingin sa kisame na tila nag-iisip. "Hays."
______
Lumipas ang maghapon hanggang sa matapos ang klase ni Andrew ay puro papuri lang ang kanyang narinig sa mga tao sa paligid. Hindi na niya pinansin pa ang mga ito at nagtungo na lang sa library para sa kanyang duty.
Pagkapasok ay nagulat siya nang mapansin ang isang lalaking nakaupo.
"Hi" ang kanyang bati na nakangiti na may kasamang pagkaway.
"Troy"
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan si Andrew.
"Kakaunti pa lang naman ang mga estudyante dito at pinagpaalam na kita sa librarian. Tara meryenda muna tayo."
"Sige." ang naisagot na lang ni Andrew sa kanya. Kahit siya mismo ay nagtataka sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang kadali sa kanya ang pagpayag. Marahil ito sa gaan ng kanyang loob sa taong ito.
Sabay silang naglakad dalawa.
"Teka saan tayo pupunta?" ang tanong niya nang mapansing papunta sila sa parking lot.
"Kakain tayo sa labas."
Maya-maya lang ay narating na nila ang lugar kung saan nakapark ang kotse ni Troy.
"Oh sakay na" ang sabi ni Troy matapos buksan ang pinto nito. Naging sunud-sunuran lang si Andrew sa kanya na tila nahipnotismo na.
_______
Kita sa mga mata ni Andrew ang pagkamangha sa kanilang pinuntahan. Kahit first time, alam niyang pang mayaman ang restaurant na ito dahil sa mga ibang kumakain doon.
"Dito tayo kakain?" ang nahihiyang tanong ni Andrew.
Hindi sumagot si Troy bagkus ay inakbayan siya nito papunta sa kanilang magiging mesa. Umupo silang dalawa. Maya-maya lang ay inabot ng waiter ang menu sa kanila. Tinuro na ni Troy ang kanyang order samantalang si Andrew ay nananatiling nakatingin pa rin sa kanyang hawak.
"May nagustuhan ka ba? kung wala pwede tayong lumipat ng restaurant" ang sabi ni Troy sa kanya.
"Ah eh hindi naman sa ganoon. di lang ako sanay sa ganitong lugar."
"Ganoon ba dapat siguro dalasan natin ang pagpunta sa mga ganitong lugar para masanay ka." ang nakangiting pahayg ni Troy sa kanya.
At makalipas ng ilang segundo ay nakapili na siya ng kanyang kakainin.
Nagsimula na silang kumain nang maserve na ang kanilang inorder. Sa isip naman ni Andrew ay mistulang date na ang ginagawa nila pero hindi na lang muna niya binigyan pa ng pansin iyon.
Napansin naman ni Troy ang hindi sanay na paggamit ni Andrew ng mga kubyertos. Sa halip na magalit ay natawa pa siya.
"Ang sarap pala nito!" ang komento ni Andrew habang kumakain. "Alam mo puro pagkain sa carinderia o luto ni nanay lang ang kinakain ko eh"
Nahinto sa pagtawa si Troy. "Carinderia?"
"Oo, yung mga lutong ulam na pagkain na tinitinda."
"Ah I see."
Natawa si Andrew. "So di mo pala alam iyon. Kung sa bagay mayaman ka kasi"
"Hindi naman. Ah Andrew, kaya kita niyaya pala dito dahil gusto kong makapag-usap tayo"
Saglit na napahinto si Andrew sa kanyang pagkain."Tungkol saan?"
Hindi kaagad sumagot si Troy. Nakatingin lang siya sa kanya na tila iniisip pa ang kanyang mga sasabihin.

next part na po. naeexcite pa rin ako.
ReplyDeletehahahaha..ayos ang story ah..kaabang abang ah...exciting
ReplyDeleteWaahH nkaka Excite naman... Sana... MakoMpleto NA ung STOry nato... GRAbe ANganda.. Tnx auThor and KUya Mike,
ReplyDelete[ roNnIe loPEZ ]
exciting. i tried to access the blog of the author pero di ko ma access.. hehe.. although wait na lang ako dito. Thanks po.
ReplyDeleteIt is still nice to reread this.. I just hope magtuloy tuloy na and you get to complete it because it will be such a waste if you will leave it hanging again.. As a reader, I appreciate the efforts you exert just to be able to come up with a really really good story like this one and of course your enormous talent, but as a reader too, nothing is more frustrating than not getting the culmination of the story.. However, no one can blame you if you do not like to finish the story because as you said there are copycats.. Nonetheless, looking at the positive side, imitation is the highest compliment that a person may get.. Meaning, you are an effective and a great writer because others would like to approximate yiur talent by copying your work.. I am not saying though that it is good to copy a work, I am just saying that you are one of the bests that others are trying to imitate your success by copying your works.. Thank you for sharing your works and talent..
ReplyDeleteEverybody deserves a 2nd chance. Truthfully, I find it hard to trust your word again. I really love you so much as a writer. That was why when you stopped writing without any reason, I felt cheated and disrespected as a reader. Although I was very mad at you,once in a while I still drop by at your blog hoping that there is already a new chapter. For me, unless I can read a new chapter from campus trio, I will believe and trust you again. More Power and God bless you to be new man.
ReplyDeletech
Ang Taray naman nito.
DeleteThanks for your comment anonymous and I understand your feelings...
DeleteOMGSH! Nandito na toh? Wahahaha Binabasa q toh sa wattpad at hindi sya tapos dun! Natigil sya dun sa chapter na dinalaw sila ng nanay nya ni Troy? Author sana po ituloy na toh dto at matapos na,thank you po :)
ReplyDeleteDun nga natapos yun. Abangan na lng po yung continuation nito d2
Deletesana matapos tong kwento :) wonder why I can't access your blog author?
ReplyDeletei can say na maganda ang story mu author kasi nabasa ko from other web. The good thing is nilagay ng owner na hindi knyang gawa ang story mu, sana my chapter 28 na, nakakabitin kasi :)
ReplyDeleteAyyyy! So kilig much talaga! Ikaw na talaga Daredevil ang the best to the highest level!
ReplyDeleteIkaw lang talaga ang aabangan ko dito at proof nyan ay sa yo lang ako nagkokoment. Ang iba dito ay deadma lang ang peg ko haha