Followers

Sunday, April 28, 2013

CAMPUS TRIO 15

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Muli po akong nagpapasalamat sa mga walang sawang nagbabasa lalo na sa mga nagbibigay ng comment sa story.

Alam ko pong excited na kayo sa continuation ng kwentong ito. Kaya kaunting tiis na lang haha...

Simula po pala ngayon ay one by one na ang pagpost ko dahil sa mga ilang pagbabago sa takbo ng story like additional scenes.  Dont worry dahil mabilis lang naman ang interval ng reposting.

Happy Reading!


 [15]
"Hindi ah!" ang nasambit ni Andrew sa kabila ng nararamdaman niyang kaba base sa nakita niyang seryoso ni Bryan.
"Umamin ka na. Tayo lang naman dalawa ang makakaalam."
"Sabi nang hindi..." ang pagtanggi pa rin ni Andrew. Iniwas na niya ang kanyang tingin sa kausap.
 
 Ilang minutong niyang hindi narinig na nagsalita si Bryan. Dahil sa iniiwas niya ang tingin dito ay wala siyang ideya kung ano na itsura ng mukha nito. Medyo pinagpapawisan na siya sa mga oras na iyon dahil sa kaba.

At nabigla siya sa sumunod na ginawa nito.
"Relax lang nagagalit ka kaagad nagtatanong lang naman ako." ang pahayag nito sabay tawa ng malakas.
"Tignan mo sarili mo Andrew, para kang basang sisiw diyan. Ganyan ka pala kapag kinakabahan ka."ang pagpapatuloy nito.

Wala pa ring tugon si Andrew dahil sa pagtataka.
"Effective! ang natatawa pa rin nitong sambit. "Sorry Andrew kung natakot ka. Pero sa totoo lang wala namang problema sa akin kung sino ka pa o anuman ang sexual preference mo."

Tila naman nabunutan ng tinik si Andrew sa kanyang narinig. At sa mga oras din iyon ay mas lalo pa siyang humanga ka Bryan dahil sa pagiging maunawain nito sa mga tulad niya.

"Oh magsalita ka naman diyan." si Bryan nang mapansin ang pananahimik pa rin ni Andrew.

"Eh.... pano yan nalaman mo na, kaya  maiilang at maasiwa ka na talaga niyan sa akin. Maiintindihan naman kita kung ganoon ang mararamdaman mo."

"Noon pa lang nung nasa Baguio tayo nahalata na agad kita dahil sa paraan ng pagtitig mo sa akin.At ngayong confirmed na, sobrang tuwa ko dahil may chance na talaga ako sayo."
Napaisip naman si Andrew sa huling sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin? Anong chance ang pinagsasabi mo?" ang sunud-sunod nitong tanong.
"Na maging tayo. I know naman na attracted ka sa akin di ba. At gusto mo rin ako."

Hindi makapaniwala si Andrew sa naging pahayag nito. Wala kasi sa personalidad ng isang tulad ni Bryan ang magsabi ng mga ganoong bagay.
"Naglolokohan lang yata tayo dito." ang nasabi na lang ni Andrew.  "Umayos ka nga sa daan ang tingin baka madisgrasya tayo."

Agad namang binalik ni Bryan ang atensyon niya sa pagmamaneho. Pero nakuha pa rin nitong humirit.
"Lahat ng sinabi ko sayo ay totoo Andrew. Kaya ngayon umamin ka na rin kung may feelings ka sa akin."
"Wala akong gusto sayo." ang agarang sagot ni Andrew.
"Puro ka na lang deny." si Bryan sabay buntung hininga. "Kailan mo pa kaya aaminin sa akin na gusto mo rin ako?"

Napansin naman niya ang mukha ni Andrew nang sulyapan niya ito. "Oh namumula ka na."

Agad namang inayos ni Andrew ang sarili. Nagpahalatang hindi naapektuhan sa mga tanong ni Bryan sa kanya.
"Oh sagot na. May gusto ka sa akin di ba?" ang tanong ulit ni Bryan sa kanya.
"Wala ano. Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo."
"Talaga lang ah. Kaya pala hindi agad nakasagot sa tanong ko."
"Hindi ko lang inaasahan na magtatanong ka ng ganyan."
"Ganoon ba, pasensiya na kung nabigla ka. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong magtanong."

"Ano daw, napigilan?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. "Ibig bang sabihin nito na naghihinala na siya sa akin. Naku dapat siguro na mag-ingat na ako."

"Oh anong iniisip mo diyan?" si Bryan nang mapansin ang pananahimik ni Andrew.
"Wala."
Napapailing na ngumiti si Bryan sa kanya.
______
"Ilang buwan na kayong magkasama, hindi mo pa rin siya napaamin?" ang tanong ni Michael matapos ikwento ni Bryan ang naging usapan nila ni Andrew kagabi.
"Mga tol, Kahit hindi niya sabihin ang totoo, alam ko naman na may gusto siya sa akin. But I cant understand kung bakit hindi niya iyon masabi-sabi sa akin eh." ang medyo naiinis na tugon ni Bryan. "Lahat na ginawa ko para sa kanya. Sinabi ko na rin na wala akong problema sa kanyang sexuality."

"Sa tingin ko tol, kailangan mo pang dagdagan ang efforts mo." si Troy.
"Ewan ko ba pero tama ka tol. Sa tingin niyo, ano pa ba ang mga dapat kong gawin?"
"Tol ikaw ba yan? Unbelievable, isang Bryan Luis Sebastian ang nagtatanong ng ganyan." ang natatawang kantyaw ni Michael sa kanya."
"Upakan kaya kita diyan. Seryoso na kaya ako." ang nakasimangot na tugon ni Bryan.
"Tol naman kasi, hindi bagay sa grupo natin ang magtanong ng ganun. Di ba nga expert tayo pagdating sa mga ganyang bagay." si Michael.
"Alam ko iyon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakasalalay na dito ang future ko."
"Oh Sige na nga. Troy ano kaya ang pwede nating itulong sa kaibigan natin?" 
"Iyan ang dapat nating pag-isipan." ang tugon naman ni Troy.
______
"Perfect!" si Andrew matapos icheck ang pinagawa niyang exercises kay Billy. Magkatabi silang nakadapa sa kama nito. "Ang galing mo na talaga Billy." ang pagpuri naman niya dito.

"Siyempre po magaling ang tutor ko." ang tugon ng bata.
Napangiti naman si Andrew. "Ikaw ha binobola mo ako."

"Totoo kayang magaling ka at matalino pa." si Bryan na pumasok sa kwarto. "Meryenda muna kayo."
"Wow, hamburger weeee!" ang masayang sambit ng bata matapos makita ang dala nitong pagkain. Napapangiti na lang si Andrew sa kainosentehan ng bata.
"Nakakatuwa talaga yang kapatid mo Bryan. Ni isang beses hindi ako binigyan ng kunsumisyon. At ang daling matuto." si Andrew habang pinapanood niyang kumain si Billy.
"Siyempre naman kanino pa ba magmamana yan. Alam mo na." ang sagot ni Bryan sabay turo sa kanyang sarili.
"Oo na lang. Sige ikaw na." ang nasabi na lang ni Andrew na medyo natatawa.
"Siya nga pala Andrew, sa inyo ulit ako matutulog ngayong gabi ah." ang pagpapaalam ni Bryan sa na ikinataka ni Andrew.
"Ha bakit na naman?"
"Basta."
"Hindi pwede kung wala kang sasabihing dahilan." ang pagtanggi niya.
"Andrew naman." ang tila pagmamaktol nito. "Sige na nga aaminin ko na. Gusto ko lang kasi na makasama ka."
"Aba di ka pa nakuntento? Halos araw-araw na nga tayo nagkikita."
"Hindi iyon. Gusto ko kasi na makatabi ka ulit." 

Natigilan naman si Andrew sa kanyang narinig.
"Bahala ka." ang nasabi na lang niya. Sa loob niya ay may kilig siyang nararamdaman.
_______
Gaya nang napag-usapan ay sinabayan ni Bryan si Andrew pauwi. Nagdala naman siya ng isang bag na naglalaman ng ilang damit na kanyang gagamitin. Nagcommute na lang silang dalawa.
"Nandito na po ako nay, kasama ko po si Bryan." si Andrew pagkapasok ng bahay.
"Oh halina kayo at sumabay nang kumain." ang alok ng kanyang ina sa kanila.

"Good evening po nanay." ang magalang na bati ni Bryan sabay mano. "Tamang-tama po gutom na ako."
"Gutom ka na naman, kakakain lang natin kanina sa inyo ah."
"Eh, kumalam ulit ang tiyan ko eh, kainan na." si Bryan na umupo agad sa mesa at nagsandok ng kanin at ulam.

Napapangiti si Andrew sa mga pinapakitang asal ni Bryan.
"Ang sarap po ng sinigang niyo ah, the best to!" ang sambit nito na may kanin pa sa loob ng bibig. "Mas masarap pa sa luto ng mga maids namin sa bahay. Parang gusto ko nang dito tumira."
"Mabuti naman iho at nagustuhan mo sige, kain ka pa."
"Waaahhh.... ang takaw mo talaga Bryan." ang sambit ni Andrew. "At ikaw isang mayamang nilalang, gugustuhing tumira sa lugar na ito, unbelievable.
"Pwede naman ah. Tao rin naman ako gaya niyo."
"Ewan ko sa iyo. Hays ang takaw mo talaga!"
"Kung matakaw ako, dapat gayahin mo para tumaba ka naman. "
"Napagtripan na naman ang katawan ko." ang napapailing na si Andrew.
"Tama siya anak dapat magpataba ka naman, tignan mo si Bryan malusog na macho pa." ang nanay ni Andrew.
"Tama po kayo nay. Ang katawan kong ito ang aking asset na pang-akit ko sa iba kaya maraming nagkakagusto sa akin lalo na sa school." ang pagmamalaki nitong pahayag.
"Ayaw nga lang umamin ng iba jan." ang kanyang pagpapatuloy sabay tingin kay Andrew.

Hindi nakapagsalita si Andrew sa pagparinig na ginawa ni Bryan sa kanya.

"Grabe busog na busog ako." si Bryan habang hinihimas ang kanyang tiyan. Nasa sala sila at ang nanay na ni Andrew ang nagligpit ng kanilang kinainan.
"Ayan mawawala na yang mga abs mo magiging tabs na." si pangangantsaw ni Andrew sa kanya.
"Hindi mangyayari iyon. Alaga yata ng work-out sa gym tong katawan ko kaya never akong tataba. Mahirap na baka hindi mo na ako magustuhan niyan."
"Ano sabi mo? Hoy Mr. Bryan Luis Sebastian wag ka ngang masyadong assuming jan."
"Sus. Pakipot ka lang sabihin mo."
"Ewan ko sa iyo, tara matulog na nga tayo."
______
"Talagang nakaready ka ha." si Andrew nang mapansin ang suot na boxer ni Bryan nang hubarin ang short nito.
"Siyempre naman." si Bryan sabay hubad ng t-shirt.
"Kailangan pa ba talagang magtanggal ng t-shirt" si Andrew na agad umiwas ng tingin sa hubad katawan ng kausap.
"Siyempre naman. This is my asset nga di ba kaya dapat lang na ipakita ko ito."

"Ano ba ang pinaggagawa ng taong ito?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. Natutukso na kasi siya sa mga pinapakita nito.

"Ok, tulog na tayo." si Bryan at humiga na sa kama ni Andrew. "Higa na dito." ang utos niya kay Andrew.
"Tabi na naman tayo? Doon na lang ako sa kama ni nanay."
"No, dito ka kaya nga ako nakitulog para makatabi kita." ang sagot nito.

Natawa ng hilaw si Andrew. "Sige na nga, basta huwag mo lang ako dantayan ha."
"O sige yayakapin na lang kita."
"Lalong di pwede."
"Andrew naman, sa ilang buwan nating magkakilala ganyan ka pa rin kailap sa akin."
"Iyon na nga eh. Buwan pa lang wala pang taon. Siyempre di mo ko masisisi kung ganoon pa rin ako sa iyo."
"Hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko sa iyo. Sinusunod ko naman ang gusto mo. Nagpapakabait na ako at nakikisama sa inyo ni nanay, at kilala ka na rin ng pamilya ko."
"Basta Bryan, mahirap ipaliwanag."
"Kasi pilit mong tinatago ang nararamdaman mo."
"Ano namang alam mo sa nararamdaman ko?"
"Na gusto mo ako."
"Ikaw talaga Bryan. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga."
"As always tatanggi pa rin siya. Halika na tulog na tayo." si Bryan na hinila ang braso ni Andrew.

Halos kalahating oras nang nakahiga ang dalawa sa madilim na kwarto ni Andrew. Nakatalikod si Andrew kay Bryan. Hindi naman siya makatulog sa mga oras na iyon.

"Sa ilang buwang magkasama tayo, talagang nagustuhan na kita Bryan. Pasensya ka na siguro kung hindi ko pa masabi sayo. Hanggang ngayon kasi may mga pag-aalinlangan pa ako." ang pagtatapat niya sa kanyang sarili.

Nasa kasagsagan siya ng pag-iisip nang biglang magsalita ang kanyang katabi.
"Gising ka pa ba Andrew?" ang tanong nito sa mahinang boses. Hindi siya sumagot sa halip ay pinakiramdaman lang niya ang susunod na gagawin nito.
"Tulog na yata." ang sabi nito nang wala itong narinig na pagtugon. 

Naramdaman na lang ni Andrew ang malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.
"Payakap na lang ha." ang bulong nito sa kanyang tainga. Hindi pa rin siya gumalaw. Pinakinggan lang niya ang mga sumunod na sinabi nito.

"Alam mo Andrew, ang saya-saya ko talaga dahil nakatabi ulit kita. Gusto kong maulit lagi ito. Kung pwede nga lang ay habambuhay na."
Hinigpitan pa niya ang yakap kay Andrew at dinantay na ang kanyang mga binti.

Muli ay napangiti si Andrew sa kanyang narinig. Hinayaan na lang niya ang pagyakap ni Bryan sa kanya.

Itutuloy...

22 comments:

  1. O Andrew ikaw na talaga..eto na korona..Lol

    Dami na namang mga kinilig..hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku aronn di ko tuloy nafeel ang story kasi sobrang bitin. ikli much talaga! inis at pagkamuhi ang naramdaman ko. hmp!
      (simangot mode:-(

      Delete
    2. pero salamat nalang din kesa wala. asan na si baby boy?

      Delete
    3. Ganoon ba parang nakonsensya tuloy ako. Sige pag-iisipan ko kung babalik ako sa double posting.

      Delete
    4. O ayan J pag iisipan daw ni Mr.daredevil ang double posting kaya wag nang sumimangot mode.wahihi

      si Bebe nanjan lang yan sa tabi tabi ;)

      Delete
    5. asus echos lang yan ni Kuya D Aronn.
      bitin talaga, as in! hmp!

      ayan di na ako anonymous. magkaalaman na haha.

      Delete
  2. Sayang isang chapter lang. Kilig scenes na p nman. Thanks daredevil.

    Randz of QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dont worry everyday naman pag-update ko :D

      Delete
  3. bkit naman umiikli ata

    ReplyDelete
    Replies
    1. one part lang po yan kaya maikli....

      Delete
  4. bat feeling ko me di magandang balak si Brian... sana lng wala....

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron talaga patryckjr. bibigyan nya si andrew ng kwentas bleeee...

      Delete
  5. Bitin naman sir!!! :(( pero kinikilig ako kay bryan.

    P.S.
    Pwede bang akin na lang si Troy? Pwede mo ko ipasok sa kwento. :p

    -- gavi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hoy Gavi wag pakialaman ang para kay Andrew. Si Dina nalang sa yo haha

      Delete
  6. cge na kaw na ang hari ng pakipot, :D this story only prof that the theory "opposite attract" also works on humans, but in this case fictional characters -Lols
    -2 days ala update tapus eto lang? Haha bitin! Ü

    ReplyDelete
  7. bitin pero mukhang ito ang pangteleserye ngMSOB kc araw araw na daw ang update hehe
    AARHON:)

    ReplyDelete
  8. daredevil balik na lang po sa double posting >:) nakakabitin heheeh Pero kung mabilis lang po yung update kahit isa ok na rin para may bitin effect

    ReplyDelete
  9. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh...............kiligmuch ako...hihihihi Andrew ikaw na!!heheh pakipot pa eh...hehehe

    ReplyDelete
  10. Ganda nmn nto,,bitin ngalang,,,matagal n b tung kwento nto,,bat alam n nila ung mangyayari,,s F4,,,ay F3 pala,,,galing mo nmn po kuya,,

    ReplyDelete
  11. Ay ang ganda talaga... Andrew UMAMIN KANa kaSI KAy luis...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails