Part1 Part2
Pagkagising na pagkagising pa lamang
ni Charito'y nakitaan na ng kaniyang Nanay at Bunsong Kapatid na si Jun-jun ang
pagkawala nito sa mood kaya nama'y pinabayaan na lamang nila ito sa kakadakdak habang
silang lahat ay nag-aalmusal sa mesa.
"Wala na ba silang pupuwedeng
ibalita sa Dyaryo't puro na lang Problema ni Ganito at ni ganiyan..."
"Ano ba yan! Kamusta naman
ang presyo ng mga ito..."
"Hindi na ba magbabago ang
mga Politician at siraan sila ng siraan..."
"Blah... blah...
blah..."
Ang sunod-sunod na reklamo ni
Charito sa harapan ng mesa habang mabilis nitong binubuklat ang kaniyang
pinabiling Inquirer BroadSheet. Ang tanging binabasa lamang ni Charito'y ang
mga Headers ng mga Articles na laman ng Broadsheet at nag-aAssume na lamang
siya sa kung ano ang nilalaman ng balita.
"Kala ko ba Day-Off mo?"
Ang ani ng tatay ni Charito sa kaniyang anak para lamang maputol ang kung
ano-anong mga nirereklamo nito at kung hindi niya pipigilan sa kakadakdak ang
anak ay baka pati silang lahat ay mahawa sa pagkaBadTrip nito.
"Hay naku Daddy talagang Day
Off ko ngayon pero pinapasok ako ng bago naming Boss! KAMUSTA NAMAN! Blah...
Blah... Blah..." Ang sunod-sunod na malaArmalite na sumbat at reklamo ni
Charito. Hindi talaga maawat na masumbatan niya ang kanilang bagong Boss.
"ANG YABANG-YABANG..."
"KALA MO KUNG SINONG
MAKAASTA..."
"INGLESERO..."
Umiling-iling na lamang ang tatay
ni Charito dahil nagsisisi siyang natanong pa niya ang kaniyang anak. Ganoon
din naman ang Nanay nito't itong si Jun-jun at medyo nabibingi na rin sila sa bunganga
ni Charito.
"Ate baon ko!" Ang
mabilis na sambit ni Jun-jun sa kaniyang kapatid pagkatapos na pagkatapos
nitong mag-almusal.
"Wala bang natira sa ibinigay
ko kahapon? Blah... blah... blah..." Ang walang patid na sermon ni Charito
sa kapatid dahil P100 ang ibinigay niya dito kahapon.
"Ay oo nga pala. Sige pasok
na ako ate!" Ang mabilis na sagot naman ni Jun-jun sa kaniyang ate sabay
bigay niya ng halik dito sa pisngi at pagkatapos ay mabilis na humalik na din
ito sa kaniyang Nanay at Tatay.
"Mag-iingat ka!" Ang
pahabol ng Nanay nito kay Jun-jun dahil nagmamadali na itong lumabas ng bahay
para pumasok na't para na din makaiwas sa pagbubunganga ng kaniyang Ate Chai.
"Sabay ka na sa akin Chai!"
Ang sambit naman ng tatay ni Charito para maisabay na ang anak sa pagpapasada
niya ng taxi ng kanilang kapitbahay.
"Mabuti pa nga! Sige na Chai
at baka maLate ka!" Ang pagpupursige naman ng Nanay ni Charito habang ito
na mismo ang nagbitbit sa bag ng anak habang inaakay ito palabas.
"Naku naman Mommy! Ano naman
ngayon kung maLate ako! Wala akong pakialam..."
"Blah... blah...
blah..."
Ang walang tigil na reklamo ni
Charito habang lumalabas ito ng bahay na siya namang ipinagpapasalamat ng Nanay
nito't sa wakas ay matatahimik na ang buong bahay.
"Ganyan na lang ba ang mga
news sa radyo..."
"Blah... blah...
blah..."
Walang tigil pa din ang pagbubunga
ni Charito sa loob ng taxi at kahit na binuksan na ng Tatay nito ang radyo'y
nakakakita itong si Charito ng ikakareklamo pa niya.
"Mag-iingat ka anak!" Ang
pagod na pagod na sambit ng Tatay ni Charito sa anak nang maihatid na niya ito
sa employee's entrance ng SM San Lazaro. Pakiramdam kasi ng tatay ni Charito'y
tatlong araw siyang pumasada dahil sa kakangakngak ng anak.
"Mag-iingat din po kayo
Daddy! Hay ano bayan! Nakalimutan kong maglagay ng kape!" Ang biglang
nasambulat ni Charito sa kaniyang ama nang maalala niyang wala pa palang laman ang
kaniyang fake na Starbucks na Mug.
"Kasi naman kayo Daddy eh!
Minamadali n'yo ako! Blah... blah... blah..." Ang walang humpay na reklamo
ni Charito at ngayon nama'y napagdiskitahan na nito ang kaniyang ama.
"O siya papaano! Ingat
ka!" Ang mabilis na sambit ulit ng tatay ni Charito at mabilis nitong
isinara ang pintuan ng passenger's seat upang hindi na marinig ang mga yak-yak
ng anak at pagkatapos ay saka nito pinaharurot ang kaniyang taxing minamaneho.
"Whew!" Ang nasambit na
lamang ng tatay ni Charito't dahil paa ba siyang nabunutan ng tinik dahil naRelax
at naging payapa na siya sa wakas.
"Hindi pa nga ako tapos
makipag-usap! Ano ba yan!" Ang sat-sat ni Charito habang tinitignan nito
ang likuran ng humaharurot na taxi ng kaniyang tatay.
"WHATEVER!!!" Ang
naiinis na sambit ni Charito at talaga namang Bad Trip na Bad Trip ito sa araw
na ito. Nagdadabog na tinungo ni Charito ang tindahan upang mapalagyan na nito ng
kape ang kaniyang pekeng StarBucks Mug.
"HA???!!!" Ang gulat na
sinambit ni Charito nang sinabi sa kaniya ni Sir Benedict ang kaniyang gagawin
sa araw na iyon.
"Is there any problem?"
Ang seryosong tanong naman ni Sir Benedict sa Sales Lady.
"NagTime in ako bilang
Saleslady at hindi isang Secretary!"
"Nag-aral ka naman diba ng
Secretarial. Kailangan ko lang talaga ng Sales Report for the last two years
hanggang ngayon."
"Ayan na nga sa harapan n'yo
Sir ang mga report!" Ang naiinis na sambit ni Charito kay Sir Benedict
sabay turo niya sa mga folders na nasa ibabaw ng desk ng kaniyang boss. Alam na
alam ni Charito na iyon ang mga sales report ng kanilang brand dahil siya mismo
ang gumawa nito.
"But I need that to be
encoded!"
"ANO???"
"I will submit it to main
office for my report."
"Eh di simulan n'yo ng
gawin." Hindi na talaga mapigilan ni Charito na ipakita sa kaniyang bagong
boss ang kaniyang pagkainis.
"I can't. You did the report
very professionally and the only person who will really understand that report
will be you. Kaya mo yan at maganda naman kasi ang pagkakaGawa mo sa report.
Very proffesional."
"Talaga... Este Really???!!!"
Ang nagulat na sambit naman ni Charito. Hindi talaga mapigilang magiliw ni
Charito sa tuwing may pumupuri sa kaniya.
"Typical..." Ang biglang
naisip ni Sir Benedict nang mahuli niya ang kiliti ng kaharap na Saleslady.
Labis ang kasiyahan ni Sir
Benedict dahil talaga namang hindi pa rin siya nagmimintis sa kaniyang mga
technique. Proud na proud kasi siya sa kaniyang ability na magpaCharming sa
kahit sino mang babae. NakaJackPot siya dito kay Charito.
"WAIT LANG!!!" Ang
biglang at maarteng nasambit ni Charito nang mahimasmasan ito na siya namang
ikinagulat ni Sir Benedict.
"Ano na naman ba?"
"Ang sasahurin ko sa pag-o-OT
eh sahod lang ng pangSalesLady!" Ang entrada ni Charito na ikinalunok
naman ng laway ni Sir Benedict.
"Eh dapat may
additional!"
"HA???!!!"
"Ayaw n'yo ata Sir eh??? Uwi
na lang ako!"
"Hindi... hindi naman sa
ganoon... Walastik ka din ano?"
"Nagpapakatotoo lang ako Sir!
P1,500! Pakyaw na yan hanggang sa matapos ko ang pagEncode nito at pagGawa ng
report!"
"ANG MAHAL NAMAN!"
"Ayaw n'yo talaga ata eh. Uwi
na lang ako!"
"Deal!" Ang mabilis na
sambit ni Sir Benedict sa nakangising si Charito.
Tahimik na lamang na ibinigay ni
Sir Benedict ang kaniyang laptop kay Charito't pinaupo ito sa kaniyang desk at
binilinan ulit sa kung anong klaseng Sales Report ang gagawin nito.
Kahit na pakiramdam ni Sir
Benedict na para siyang hinoldap ay natuwa naman ito dahil madaling
naintindihan ni Charito ang pinagagawa niya't gusto niyang makita sa Soft Copy
ng Compiled Sales Report ng kanilang Brand.
"Maiwan na kita ha.
MagwiWithdraw pa ako." Ang paalam ni Sir Benedict nang makita na niyang
nagsisimula na itong si Charito sa pag-eEncode. Medyo nabilib din naman siya sa
SalesLady dahil napakaPorma nito. Hindi maiwasang tignan ni Sir Benedict ang
nakalagay sa harapan nitong StarBucks na Mug.
"Hayop..." Ang nasambit bigla
ni Sir Benedict sa kaniyang sarili nang makita niyang napakaElegante ang
pag-inom ni Charito sa mug.
"I'll see you later."
Ang muling paalam ni Sir Benedict sa maarteng Saleslady at pagkatapos ng ilang
segundo'y lumabas na ito sa kaniyang pansamantalang office nang hindi siya
nakarinig ng reply kay Charito.
Habang naglalakad papalabas itong
si Sir Benedict ay hindi niya mapigilang mapangisi dahil bigla niyang naisip na
maglakwatsa na lamang bago mag WithDraw. Kahit na medyo malaki ang siningil ni
Charito'y ayos lang ito sa kaniya dahil makakaGala siya.
Kung gaano katamis ang ngisi ni Sir
Benedict ay ganoon din ang ngising nakaguhit sa mga labi ni Charito dahil
naisahan niya itong bago niyang Boss. Tantiya kasi ni Charito'y pinakamatagal
na ang dalawang oras upang matapos niya ang kaniyang gagawing Sales report
Compilation.
"Salamat sa mga tamad!"
Ang victorious na nsambit na lamang ni Charito sa kaniyang sarili.
Malapit nang matapos ni Charito
ang ipinagagawa sa kaniya ni Sir Benedict nang biglang tumunog ang message
alert tone ng kaniyang Fake na iPhone na kaagad naman niyang sinagot.
'Gurl nagOT ka pala sabi ni Sir
Jerry' ang text ni Myles na kaagad namang niReply-an ni Charito.
'Blessing ito' Ang reply naman ng
natatawang si Charito.
'Baka naman pwede kang pumunta
dito at ang kulit ng customer ko'
'why naman'
'Matanda na kasi at madaming
tanong hindi naman ata bibili'
'wait lang' ang reply ni Charito
at agad na ibinulsa nito ang kaniyang iPhone.
Wala nang inaksaya pang sandali
itong si Charito na puntahan ang kanilang Area upang saklolohan ang kaniyang
kasamahan. Expert kasi itong si Charito sa pagseSales Talk sa mga Senior
Citizen at talaga namang mahal na mahal niya ang mga ganoong uri ng customer
dahil palagi niya itong nabobola.
"Eh ano namang bagay sa mga
mata ko?" Ang narinig ni Charito mula sa isang matandang customer na nagtatanong
kay Myles.
"Ano po ba ang favorite
ninyong kulay?" Ang biglang singit naman kaagad ni Charito nang nakalapit
na siya kina Myles.
"AY NAKU MA'AM! ANG SWERTE
NY'O TALAGA! ANDITO NA ANG PINAKAMAGALING NAMIN SA MAKE-UP!" Ang masayang
sambit kaagad ni Myles sa kanilang matandang babaeng customer at wala pang
ilang segundo'y umalis na ito upang iwan na si Charito sa pakikipag-usap sa
makulit na matandang babae.
"Ako na pong bahala sa inyo
Ma'am. May Special Occassion po ba tayong pupuntahan?" Ang masayang sambit
naman ni Charito habang tinitignan niya ng masama ang nakangiting si Myles.
"Wala naman. Gusto ko lang
bumili ng make-up."
"Ganon po ba? Marami po tayo
dito na pwedeng pang-araw-araw"
"Baka naman nakakahiya't
matanda na ako."
"NAKU! HUWAG NYO PO SILANG
INTINDIHIN! MGA NAIINGGIT LANG IYON!" Ang mataray na nasambit ni Charito.
"Basta ang importante eh
maganda kayo!" Ang isinunod na sinambit ni Charito na siyang ikinangiti naman
ng matandang babae.
Halos umabot na ng isang oras ang
pag-aasikaso ni Charito sa matanda dahil napakadami nitong tanong. Masaya
namang sinasagot iyon ni Charito ng may paglalambing hanggang sa makapili na
sila ng set ng Shu Eumura Make-ups na babagay sa matandang babae.
"Dala n'yo po ba ang Senior
Citizen ID nyo? Sayang naman po kasi ang 20% na makukuha ninyong discount
eh." Ang concern na sambit ni Charito nang akmang kukunin na ng matanda
ang kaniyang bibilhin.
"Ha? Hindi ko dala eh. Okay
lang iha na walang discount."
"Ganito nalang po Mommy.
Balikan n'yo na lang po ang mga ito kapag dala n'yo na po ang Senior Citizen ID
ninyo. Itatabi ko po itong mga make-up na napili ninyo. Sayang naman po kasi
talaga yung Discount at malaki-laki din po iyon eh. Pwede nyo pa pong ipangDate
yun!" Ang malanding sambit ni Charito na lalo pang ikinatuwa ng matandang
babae.
"Mabuti naman at nandyaan ka.
Napakamatulungin mo iha!" Ang nagpapasalamat na itinugon ng matandang
babae kay Charito't talaga namang nagpapasalamat ito sa SalesLady.
"Actually po Mommy eh Over
Time lang po ako ngayo at may ipinapagawa lang po kasi sa akin ang Boss
ko." Ang paliwanag naman nitong si Charito.
"Ang bait mo talaga iha. Hindi
ka katulad ng mga iba na talagang walang concern sa mga customer. Nasaan ba ang
Boss mo at gusto kong makausap?" Ang masayang sambit ng matandang babae kay
Charito.
"Teka po tawagin ko lang po
Mommy ha." Ang masayang sambit naman ni Charito.
"Upo muna po kayo dito habang
tinatawag ko ang Manager namin." Ang sinambit ni Charito sa matandang
babae nang pinaupo niya ito sa isang monoblock stool at pagkatapos ay nagmamadali
niyang tinawag ang kanilang area manager na si Sir Jerry.
"How can I help you
ma'am?" Ang masayang bati ni Sir Jerry sa matanda nang makarating ito sa
area nina Charito.
"Ikaw ba ang manager
dito?" Ang tanong ng matanda.
"Yes po." Ang isinagot
kaagad ni Sir Jerry sa matanda at pagkatapo ay masaya niyang nginitian sina
Charito't Myles na siya namang nag-aabang sa kung anong sasabihin ng matanda.
Sure na sure na silang isa itong commendation para kay Charito.
"Wala ba yung Officer na ipinadala
ng Shu Eumura?" Ang biglang tanong ng matandang babae kay Sir Jerry na
ikinagulantang naman ng tatlo.
"Gusto kong makausap ang Boss
mo na may ipinagawa sa'yo." Ang sunod na sinambit ng matandang babae kay
Charito.
"Wala po siya kasi dito. Lumabas
po siya Mommy at may pinuntahan lang." Ang paliwanag naman agad ni Sir Jerry
sa matandang babae. Sinabihan kasi ni Sir Benedict si Sir Jerry na
tignan-tignan si Charito dahil may importante lang siyang pupuntahan.
"Ganoon ba?" Ang hindi
makapaniwalang nasambit ng matandang babae.
Lalong nagtaka ang tatlo nang mapansin
nilang may gumuhit na isang napakatamis na ngiti sa mga labi ng matandang babae
kasabay ng magkuha nito ng phone at pagkatapos ay nagDial agad ito.
Lalong tumaas ang mga kilay nina
Sir Jerry, Charito at Myles nang makita nila na ang hawak na Phone ng matandang
babae'y ang pinakabagong labas na iPhone.
Lalo pang nagulat ang tatlo nang
magsimula na itong kausapin ang taong tinawagan nito.
"Napatawag ka Mom?" Ang kaagad
na bati ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy from the other line.
"Nasaan ka Benedict?"
Ang narinig ng tatlo mula sa matandang babae.
Sabay-sabay na kinutuban sina Sir
Jerry, Myles at Charito kung sino ang kinakausap ng matandang babae.
Ngayon lang nila napansing bigatin
at hindi pipitsugin ang dating ng matandang babaeng nasa kanilang harapan.
Muling ininspeksyon ni Charito
mula ulo hanggang paa ang naka-upong matandang babae at hindi din niya
pinaligtas pati ang mga accessories na suot nito at talaga namang laking gulat
ni Charito ng makumpirma niya na puro original at mamahaling brand ang
suot-suot ng matanda lalong-lalo na ang Prada nitong Shoulder Bag.
"Nasa office ko po dito sa SM
San Lazaro." Ang sagot ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
"Nasaan ka talaga?"
"Nasa SM nga ako Mommy!"
Ang naiinis na pagsisinungaling ni Sir Benedict sa kaniyang nanay. Pumunta kasi
sa Glorietta itong si Sir Benedict at ngayon nga'y nasa Starbucks siya't
nagkakape habang naghihintay sa First Filming ng Iron Man 3 sa Cinema 2.
"Tamang-tama at nasa SM San
Lazaro ako at binibisita ang Brand natin. Pupuntahan kita dyan sa Office
mo!" Ang panghuhuli ng Mommy ni Benedict sa kaniyang pasaway na anak.
"HA???!!!" Ang malakas
at gulat na nasambit ni Sir Benedict sa ipinaalam sa kaniya ng kaniyang Mommy
kasabay ng panglalamig ng kaniyang buong katawan.
"WAIT LANG MOM!!!" Ang
sunod na sinambit ni Sir Benedict ngunit huli na ito't pinutol na ng kaniyang
nanay ang kanilang pag-uusap.
"Iha... Samahan mo ako sa
Office ng anak ko." Ang masayang utos ng matandang babae kay Charito.
"Nanay po este Mommy po kayo
ni Sir Benedict???!!!" Ang hindi makapaniwalang nasambit na lamang ni
Charito.
"Yes... And one of the Corporate
Heads of Shu Eumura Asia." Ang nakangiting paliwanag ng matandang babae
kay Charito.
Halos mapraning itong si Charito't
si Sir Jerry habang kasama nilang naglalakad papuntang Executive's Area ang
Mommy ni Sir Benedict at talaga namang hindi sila makapaniwalang makakaharap
nila ang isa sa mga bigatin ng kanilang Company Brand. Hindi kasi normal sa mga
Executives talaga na dumalaw sa kanilang mga brand location lalong-lalo na
kapag nasa mga SM ang location nito.
Kung ano ang pagkakaba nina
Charito sa mga sandaling iyo'y mas doble ang kabang nararamdaman ngayon nitong
si Sir Benedict habang nagdriDrive siyang pabalik sa SM San Lazaro dahil alam
niyang malilintikan siya sa kaniyang Mommy sa kaniyang ginawa.
Kaya lamang naging VP of
Operations itong si Sir Benedict ay dahil sa position at impluwensya ng
kaniyang ina sa Company at alam din ng kaniyang Mommy na hindi niya sineseryoso
ang kaniyang trabaho kaya nama'y siya ang ipinadala ng kaniyang Mommy sa SM San
Lazaro bilang parusa ng mahuli siya nitong naglalakwatsa sa oras ng trabaho.
To Be Continued
akala ko win win na sa kasunduan si kalbo at negra hahahaha talo parin si kalbo hahaha..
ReplyDeletetaray talaga nitong si negra hahahaha hangkulet... naalala ko tuloy ang hotel transylvania na movie hahahaha im am dracula bleh bleh bleh
,,,galing!
ReplyDeleteNice story.next chapter please?
ReplyDeletehahaha lagot ka benedict kelangan ata ng mommy mo ng apo galing kay cha hehehe...
ReplyDeleteAng bitin naman, kakainis e
ReplyDeletehaaang kulets... love it!
ReplyDeletehaaang kulets... love it!
ReplyDeleteHahaha ang saya2 nmn... Patay talaga tong c kalbo tatamad tamad kasi...
ReplyDeleteGusto gustong yong personality n cha....
Dapat Nancy yung pangalan ng bida hindi charito! :D
ReplyDeletelagot kang KALBO ka! hahaha ang saya basahin manong!
ReplyDeletehehehe interesting talaga
ReplyDeletewahahaha.. i love charito..
ReplyDelete