Followers

Thursday, May 2, 2013

CAMPUS TRIO 18

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Kamusta na guys. Parang nababawasan na ang comments sa aking story ah. Lets see kapag pinost ko na ang continuation ng story ko kung ganito pa rin haha...

Tungkol naman po sa request ng iba na maglagay ako ng mga pictures ng mga characters dito, nung nagsisimula pa lang ako sa pagsusulat ay naisip ko na rin iyon. Pero wala kasi akong mapagkukuhanang source. Kung meron man ay hindi ko magawang kopyahin at ilagay dito baka magkaroon lang kami ng problema ng sinumang owner nun. Sa ngayon ay magtiyaga na lang po tayo sa imagination. lol!

Happy Reading!



[18]
Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makahawak nito mula sa ibang tao kaya inamoy niya. Agad siyang nagtungo ng banyo at isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.

Matapos ng ilang minuto a y bumalik na siya sa kanyang silid. Naabutan pa rin niya si Bryan na nakahiga at nakatingin sa kanya na may malokong ngiti.

"Kamusta na ang papaparaos?" ang deretsahang tanong nito na nagpabigla kay Andrew.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Naghugas lang ako ng kamay." ang pagdeny naman nito.

Napansin ni Bryan ang pag-iwas ng tingin niya kay Andrew. Nahalata naman niya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Pero hindi na niya kinompronta pa ito.

Sa totoo lang ay umasa siya na may mangyari na sa kanila sa gabing iyon. Kahit may pagkadismaya ay inunawa na lang niya si Andrew. Siguro ay hindi pa talaga ito handa na gawin ang bagay na nais niyang mangyari sa kanilang dalawa. Maghihintay na lang siya ng tamang panahon.

Inilingkis na lang niya ang kanyang mga braso sa nakatagilid na nakahigang si Andrew.
"I love you Andrew." ang mahinang bulong niya sa tenga na nakapagpangiti dito.
_________
Pagkababa pa lang ni Andrew ng jeep na sinakyan kinabukasan ay napansin na niya ang mga estudyante sa may gate na nakatingin sa kanya, hanggang sa makapasok na siya sa campus. At nang makarating siya sa lobby ay nakita niya ang kumpulan ng mga ito na nakatingin sa malaking bulletin board.

"Mga schoolmates nandito na siya!" ang pagsigaw ng isang babae. Clueless pa siya sa mga oras na iyon kaya wala siyang gaanong reaksyon.

At nalaman na lang niya na siya pala ang tinutukoy ng sumigaw nang magtinginan sa kanya ang mga estudyante.
"Ang kapal naman ng mukha mong agawin si Bryan." ang banat ng isang babaeng may katabaan ang itsura.

Nagtaka naman siya sa mga sinasabi nila kaya tinignan niya ang board. At tumambad sa kanya ang mga larawang magkasama sila ni Bryan sa mall. Sa isip niya, isang espiya ang kumuha ng mga ito dahil detalyado talaga ang pagkakakuha. At ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang litrato na kung saan ay nagkiss silang dalawa habang nakayakap ito sa kaniya. Ginuhitan siya ng sungay sa ulo gamit ang marker.

"User ka! Bakla!" ang patutsada pa ng isa pang babae.
At nagsimula nang magsigawan ang mga estudyante. Sa sobrang pagkagulat ni Andrew sa hindi inaasahang ginawa ng mga ito ay napaluha na lang siya. Sobrang masakit sa kanya ang mga salitang panlalait na lumalabas sa bibig ng mga ito.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang isang braso na humahaplos sa kanyang likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon, nalaman niyang si Dina pala.
"Tama na Andrew, tara na sa room." ang bulong nito sa kanya.

"Aba kaya naman pala, tignan mo ang kaibigan niya isa ring bakla." ang biglang pagsingit ng isa pang babae.
"Ang sasama ninyo." ang sagot ni Dina sa kanila.
"Huwag mo na silang patulan. Tara na" ang sabi ni Andrew.

Akmang lalakad na sila papunta sa kanilang classroom nang harangan sila ng mga babaeng estudyante. "Ano ba ang gusto niyong mangyari ha?" ang medyo napapataas na boses na ni Dina.
"Huwag kang makialam dito bakla, yung kaibigan mo lang ang kailangan namin." sagot ulit ng matabang babae.
"Nakita niyo namang umiiyak na, please lang tigilan niyo na siya." si Dina ulit.
"Ayos lang ako Dina." si Andrew.
"Freshman ka pa lang ganyan na asal mo. Ang galing mo namang mang gayuma." ang patutsada pa ng isa sa kanila.
"Inggit lang kayo." ang nang-iinsultong sambit ni Dina.
"Sumasabat ka pang bakla ka ha, sige boys alam niyo na ang gagawin niyo."

Nakita na lang ni Dina ang papalapit na mga matatangkad na lalaki sa kanila. Si Andrew naman ay natulala na lang sa sumunod na eksena.
Kinuwelyuhan ng isa sa kanila si Dina at tinulak papalayo kay Andrew. Sa lakas nito ay tumilapon siya sa halamanan. Ang isa naman ay lumapit sa kanya.
"Ikaw bata dapat kang bigyan ng leksyon." ang galit na sabi nito.

Akmang susuntukin  na siya nito nang biglang matigil sa pagkarinig ng isang boses.
"Anong gagawin mo sa kanya?" ang tanong ng isang lalaki. Agad nabosesan ni Andrew iyon. Nagtinginan ang lahat ng mga estudyanteng naroroon sa kaniya. Ang campus trio.

Tumigil naman sila at nang makalapit ay agad silang nagsalita.
"Dapat silang bigyan ng leksyon, masyado niyang sinaktan ang damdamin ng mga babae dito sa campus." ang pangangatwiran ng isa sa mga lalaking bubuhat sana kay Andrew.
"Bakit naman?" ang tanong ni Bryan.

Tinuro ng mga ito ang mga larawan na nakapaskil sa board. Hindi na rin siya nagtaka pa na kunan siya ng larawan nang palihim.

Napatakip na lang ng bibig at natameme ang mga babaeng estudyante sa sumunod na ginawa ni Bryan. Kinuwelyuhan niya ang lalaking nagsalita tulad ng ginawa ng kasama niya kay Dina.
"Anong sinaktan? Wala akong ginagawa sa kanila. At saka wala akong pakialam sa nararamdaman nila!" ang pagalit niyang pahayag sabay bitaw patulak.
"Binago ko na ang sarili dahil na rin sa kagustuhan ni Andrew.  At huwag niyo akong pilitin na ibalik ako sa dati."
"Lahat kayo, simula sa araw na ito, ang sinumang manakit kay Andrew ay malalagot sa akin, naiintidihan niyo ba?" ang dagdag niyang pagbabanta sa kanila.

Tinulungan ni Troy si Dina na makatayo at si Bryan ay binaling ang atensyon kay Andrew.
"Ayos ka lang ba, walang masakit sa iyo?" ang may pag-aalalang tanong nito sa kanya.
Tumango lang ito bilang pagsagot.
"Sige na deretso na kayo sa room niyo late na kayo." si Michael.

Bago umalis ang dalawa ay may pahabol na sinabi si Bryan kay Andrew.
"Doon ka na sa tambayan namin maghintay mamaya sa akin." ang sabi nito.
______
Gaya ng pinag-usapan ay doon agad dumeretso si Andrew sa tambayan nung oras ng uwian. Sinama na rin niya si Dina. Habang hinihintay sina Bryan at Troy ay nagkaroon ng maikling pag-uusap silang tatlo ni Michael.

"Anong gusto niyong meryenda?" ang tanong ni Michael sa kanila.
"Huwag ka nang mag-abala, busog pa kami." ang sagot naman ni Andrew.
"Drinks?"
"Ayos lang kami."
"Ok. Maiba ako, nasabi sa akin ni Bryan na kayo na raw dalawa. At alam niyo ba na t uwang-tuwa ang loko. Honestly ngayon ko lang namin siya naita ni Troy na ganoong kasaya. Hindi lang ako makapaniwala sa napili niyang landas." ang medyo natatawang pahayag ni Michael. "Sa bagay noon pa man kapag nagpupunta kami sa club, napansin na namin ang lamig ng pakikitungo niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Akala nga nmin nung una dahil lang ito kay..."

Agad napatigil si Michael sa kanyang pananalita na ikinataka ni Andrew.

"Ah talagang bumigay ka sa pang-aakit niya sa iyo ha." agad din nitong sinabi na tila bumabawi.
Bahagyang natawa si Dina sa sinabing iyon ni Michael.
"Hindi ko nga alam kung tama itong naging desisyon kong makipagrelasyon sa kanya. Parang naging miserable na kasi ang buhay ko simula nang makilala ko siya eh. Tulad na nga lang ng nangyari kanina." ang sabi naman ni Andrew.
"So nagsisisi ka ba?" si Michael. "Alam mo Andrew, hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang pasasalamat namin sa iyo ni Troy. Simula nang dumating ka sa buhay niya, naging masaya na yan, bumait sa kapwa, at natutong tumulong sa iba. Naglaho na nga ang pagkamaangas niyan. Kaya nang malaman namin na gusto ka niya, hindi kami makapaniwala ni Troy. Pero napagdesisyunan namin na kahit ano pa ang kanyang sexual preference ay kaibigan pa rin namin siya kaya susuportahan namin siya."
"Alam mo Andrew, naiinggit nga ako sa iyo eh. Isipin mo na lang na bihira sa buhay ng mga tulad natin ang magkaroon ng true love. Ang swerte mo nga dahil isang tulad ni Papa Bryan ang nainlove sa iyo" ang pagsingit naman ni Dina. "At napatunayan niya iyon sa pagtatanggol sa iyo kanina. How sweet!"
"Tama ang kaibigan mo Andrew." ang pagsang-ayon ni Michael. "Siyanga pala ikwento mo naman sa amin yung mga nasa picture."

"Ah yun ba? Pinasyal lang naman niya ako." ang tugon ni Andrew.
"Hindi iyon, yung naghalikan kayo."
"Smack lang iyon. Wala pa ba siyang nasasabi sa iyo?" ang balik tanong ni Andrew kay Michael.
"Oo."
"Ganoon ba. Yung halik na iyon ay nangyari ng sabihin kong mahal ko siya."
"Friend inggit na talaga ako. Pero ano yung naramdaman mo matapos ka niyang halikan."si Dina. "Alam mo naman na yun ang pinapangarap ng lahat ng mga babaeng estudyante dito sa campus."
"Masaya ako, masarap yun. First kiss ko kasi iyon." ang pag-amin ni Andrew.
"Parehas lang kayo ni Bryan." si Michael.
"Ha! ibig bang saibihin na wala pa siyang naging past relationships?" si Dina.
"Hmmm... Ah...wa... wala pa. Marami nang nagpahiwatig sa kanya ngunit hindi niya pinatulan ang mga iyon."

Muli ay nagtaka si Andrew sa paraan ng pagsagot ni Michael. Tila nag-isip muna ito ng sasabihin. Naisip tuloy niya na may tinatago ito."
"Paano ka naman niya napasagot? " ang kinikilig nang tanong ni |Dina sa kanya.
"No choice na ako, nagsisigaw na kaya siya sa harap ng maraming tao."
Natawa si Michael. "Desperado na talaga siya sa iyo. I cant believe na gagawin niya talaga ang suggestion namin Troy. Palagi na lang namin siya nakikitang nag-iisip na parang nasisiraan ng ulo at minsan naman dumadaing sa amin kung paano ka niya mapapaamin."

Hindi niya lubos maisip na ganoon na pala katindi ang nararamdaman ni Bryan sa kanya.
"Ok" ang naisagot na lang ni Andrew sa mga nalaman kay Michael.
______
Pagsapit ng weekend ay niyaya ulit ni Bryan si Andrew na bumalik ng Baguio.

"Isang araw lang tayo dito Bryan. Kailangan ko pang magreview sa exam namin bukas."
"Ayos lang sa akin..." teka wala pa pala tayong tawagang dalawa. Ano ba pwede?"
"Kahit wag na"
"Kailangan yun. Parang wala lang kasi tayo kapag nagtatawgan tayo sa mga pangalan natin. Aha kung honey kaya"
"Ang baduy mo naman."
"O sige pwede bang cutie pie, boyfie sweety pie, sweetheart..."
"Tae ka Bryan."

Nagkatawanan silang dalawa.
"Yung sinabi mo pala kanina... Ok sa akin iyon I understand. Ayoko namang bumaba ang grades mo. I dont want na mawala ka sa scholarship ni mommy dahil lang sa akin. Mamamasyal lang tayo doon tapos bibilihan ng pasalubong si nanay then babalik na tayo ng Maynila sa gabi."
"Salamat Bryan."
"Basta ikaw."

Nang marating ang resthouse ay buong pagmamalaking pinakilala ni Bryan si Andrew bilang kanyang kasintahan kina Aling Susan at sa ibang mga kasambahay.

"Sabi ko nga anak. Noon pa lang may kutob na ako sa inyong dalawa eh. Kami dito ay sumusuporta sa inyong dalawa. Payo ko lang sa inyong dalawa, hindi mawawala sa isang magkarelasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at mga pagsubok na titibay sa kanilang pagmamahalan. Sana ay hindi ito maging dahilan ng paghihiwalay ninyo. Nakikita ko kasi na masaya kayo sa isat-isa." ang mahabang pahayag ni Aling Susan sa kanila.

Inakbayan ni Bryan si Andrew." Thank you po sa payo niyo. Kahit anuman po ang mangyari ay hindi ko bibitiwan si Andrew."

Nakakataba naman ng puso ni Andrew ang narinig nito kay Bryan kaya hindi niya maiwasan ang mapangiti.
__________
Lumipas ang ilang araw na umabot ng isang buwan ay naging maayos ang relasyon ng dalawa. Sa mga panahong iyon ay mas napalapit sila sa isat-isa. May mga araw na nagpupunta pa sila sa ibat-ibang lugar para mag date.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na alam na ng ina ni Bryan ang namamagitan sa kanila. Nagduda na kasi siya sa mga umuugong na balita sa school at napapansin rin nito ang sobrang pagiging close ng dalawa kaya nang magpa-imbestiga siya ay nalaman niya ang lahat. Hindi niya matatanggap na maging ganito ang magiging duture life ng kanyang panganay na anak. Dahil dito. isang desisyon ang kanyang gagawin.

Isang araw ay pinatawag si Andrew sa opisina ng administrators ng university. Pagkapasok ay nakita niya ang nanay ni Bryan.
"Good Afternoon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa kanya.
"Good Afternoon, please take your sit." ang sagot nito. "Pinatawag kita ngayon dahil may importante tayong pag-uusapan."
"Ano po iyon Mam?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iho. Simula ngayon ay hihinto ka na sa pagtuturo mo kay Billy."
"Mam?" ang tanong niya na may pagkabigla.
"Basta...and one more thing, I want you to stay away from my son."
"B...bakit naman po?" ang nauutal nang tanong ni Andrew.
"Alam ko na ang relasyon niyo ng anak ko at bilang ina niya at administrator ng school ay hindi ko mapapayagan iyon. Ngayon pa lang ay usapan na kayo dito sa school and I dont want na masira ang image niya at reputasyon namin dito."
"Alam na po ba ito ni Bryan?"
"No need. Kilala ko ang anak ko at hindi iyon papayag dahil may katigasan ang kanyang ulo. alam ko namang maiintindihan mo kaya kita kinausap para ikaw na ang gumawa ng hakbang. So ano nagkakaintidihan ba tayo?"

Hindi agad makasagot si Andrew.
"Sana maintindihan mo iho, gusto ko lang na maging tuwid ang buhay ng anak ko, na magkaroon ng normal na buhay, ng asawa at anak na magdadala ng apleyido ng aming pamilya."
"Naiintindihan ko po mam." ang medyo naiiyak na niyang tugon.
"Alam ko ang nararamdaman mo iho, kung talagang mahal mo siya, gagawin mo ang lahat na maging tama ang landas na kanyang tatahakin di ba?"
"Sige po Mam, gagawin ko po." ang malungkot na tugon ni Andrew.
"Huwag kang mag-alala, pag-iisipan ko ang aking gagawin bilang kapalit sa paghinto mo sa pagtutor."

Hindi na inintindi pa ni Andrew ang huli nitong sinabi dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan.
Pagkalabas ni Andrew ng opisina ay nakita niya si Bryan na nakatayo na nag-aabang sa kanya.

Itutuloy...

37 comments:

  1. Next chapter na po. Hahaha. Excited lng. :)) Thanks po ulit Mr. Author :)

    -K

    ReplyDelete
  2. Very like... From dubai

    ReplyDelete
  3. how sad :) I'm hooked with your story author keep up the good works. . .



    -rohan

    ReplyDelete
  4. ,,,two thumbs up, pero bitin na naman,,

    jeddah, ksa

    ReplyDelete
  5. ,,,hello po, alam ko po na hindi po ganun kadali ang pagsudulat, pero baka pwede po humirit ng chapter 19,,, thx po

    jeddah, ksa

    ReplyDelete
  6. Anu ba yan, nabitin ung pag-eemote ko..wahaaha

    ReplyDelete
  7. aip walang revision jakol pa rin. sana bj nalang haha.

    ReplyDelete
  8. nag.aabang lang kasi ang iba sa chap 28 kuya d. pero ako koment koment pa rin kung may time haha

    ReplyDelete
  9. ayon, simula na ito ng kalbaryo ng kanilang pag.ibig. nagkatotoo na ang hula ni lola auring.

    parang ayaw ko munang magbasa hanggang chap 27 kasi sasama lang loob ko.

    ReplyDelete
  10. hayyy yan na un hadlang!

    ReplyDelete
  11. Haha hahaha ang babuy babuy nmn ni Bryan haha hahaha

    ReplyDelete
  12. Waaaahhhh!! Kawawa naman si andrew eto na nga ba yung sinasabing dagok ehh. Bryan ipaglaban mo siya!!

    ReplyDelete
  13. alam ko na mangyayari lol :)) ano ba yan :)

    ReplyDelete
  14. Eto n yung mama nia :(

    - gavi

    ReplyDelete
  15. sa totoo lang, di ko nagustuhan ang ginawa ni Bryan na xa lang nagparaos. napaka.selfish nya! nilambing din sana nya si andrew at ginawa ang part nya para pareho nilang marating ang rurok ng kaligayahan. inokray pa nyang nagsarili ito. di xa nahiya nito? nanggalaiti talaga ako. grrrr!

    ayusin mo naman kuya d ang story mo. kakagatin talaga kita sa tenga. hmp!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wew...

      Ano gusto mong gawin natin kay Bryan?

      Pwedeng ipagbugbog or patayin na lang sa story hahaha :D

      Hinay-hinay lang baka ma high blood ka hehehe...

      Delete
    2. asus wag naman patayin. lagot tayo ni andrew. dapat bumawi xa. grabe ka naman nakailang tabi na sila sa pagtulog since from baguio ay virgin pa rin ang ating bida? pinapasarili mo pa! wawa naman yong tao.

      Delete
    3. aba at ano pa ba? na high blood na nga ako!

      Delete
    4. mr. daredevil, pwede po hu bang maimbitahan sa iyong blog? nd ko po kasi ma access ito e. salamat :)

      Delete
  16. Bakit ssma ang loob mo junixson.ganon b kbigat ang mangyayari,,san nyo b ksi nbasa ung dati,,?hehehe ang husay bosing,,,salamat,

    ReplyDelete
  17. Bakit ssma ang loob mo junixson.ganon b kbigat ang mangyayari,,san nyo b ksi nbasa ung dati,,?hehehe ang husay bosing,,,salamat,

    ReplyDelete
    Replies
    1. unli ang load haha...
      sa blog nga ni daredevil na allaboutboys. undet maintenance pa kaya di pa natin mapasok. wait ka lang malapit na raw for public viewing.

      Delete
  18. Sana maging matatag si andrew sa mga pagsubok na darating sa kanya.

    ReplyDelete
  19. tnx po s daily updates... kakabitin pa din. hehehe...
    sana nman bumigay na si andrew... Maria Clara? hehehe

    ayan na nga ba. c mama pla ang pinaka malaki nilang balakid?
    panu kaya nila yan maaaus...

    nice work Mr. D... ^^,

    ReplyDelete
  20. kabisado ku na itong chapter na to haha

    ReplyDelete
  21. Wawa naman c andreW.... Masaya na sana ehh emepAL PA UNG Mudra ni bRYan... Yun ATa UNG pagSub0k nila kung paAN0 nila MALALAmpasan... motoki93@facebook.com

    ReplyDelete
  22. Next repost will be on Saturday or Sunday morning thanks...

    ReplyDelete
  23. ay ang daya. tig isa na nga lang tas hindi daily. hmp!

    sabagay pass muna ako up to chap 27 baka atakehin ako.

    see u kuya d. at chap 28.

    kailan pa ba ma.view blog mo? tnx.

    ReplyDelete
  24. Hai bkit nmn po naitagal? Hehehe

    ReplyDelete
  25. --last day pa ko nag start basahin ito from chapters 1-18.. At ito super like yung tipong nakahiga n lang akong maghapon at hndi n nkakapagreview para sa exams ko hahaha.. Nakakaloka talga.. ;)

    Kudos for the author;) keep it up God Bless ;)

    ReplyDelete
  26. para namang hindi realistic yung idea na hindi pa handa ang bida (Andrew) na makipagsex sa taong mahal niya gayung napakaguwapo, matipuno, sexy at pantasya pa ng kababaihan at kabaklaan si Bryan na pinapantasya din naman niya... sa panahon kasi natin ngayon kahit sino na lang basta yummy pinagnanasaang makasex...

    ReplyDelete
  27. asan na ung chapter 19?? daya ah, 2days ko na inaabangan wala pa??

    ReplyDelete
  28. Update na poh mr daredevil

    ReplyDelete
  29. ang galing sir daredevil pero asaan napo yung chapter 28 and beyond? rinig este bassa ko po kasi matagal na kaung nawala..sorry kung atat astig kasi ehh nakakapanghinayang na hindi mabasa ang istorya nyo..

    ReplyDelete
  30. Me and my friend are going to finance a $5000 car. What do we need to bring?
    And how do you do financing? With a credit card?
    I am clueless lol..

    Feel free to visit my webpage - how to tax return ()

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails