Followers

Saturday, May 18, 2013

Unexpected Answer(A Short Story) 1







Hi Guys! Ayun, bale gumawa lang muna ako ng short story kaya eto. I hope you will enjoy it.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------

May 2012.

Summer Season.Nung kasagsagan ng gabi iyon, walang magawa si Jero noon. Ayun, nagbukas sya ng  kanyang fb kasi nga naman walang syang magawa noon at may napansin sya sa kanyang friend request na nang ngangalang Marko Lo dahil parang na-rerecognize nya yung taong yun kahit nakatalikod lang ang kanyang profile pic. Wala nga lang syang kaalam-alam na yung dating kababata nya na si Marco na may braces sa ngipin at mukhang nerd. So, inaprove ni Jero ang friend request ni Marco at biglang nag-pm si Marko kaaagad.


Marko Lo: Hello!

Jero Gines: Hi, Who are you?

Marko Lo: Hindi mo na ba ako naalala?

Jero Gines: Uhm hindi eh!

Marko Lo: Uhm ok, ako yung kababata mo na yung may braces na mukhang nerd na ewan yung nanggugulo sayo lagi sa mga letters ko na nilalagay ko sa locker mo.

Jero Gines: Huh?! Ikaw ba yun?

Marko Lo: Oo

Jero Gines: Yung obsess na obsess sa akin dati na lagi akong binibigyan ng flowers and chocolates noon sa upuan ko nung elementary?

Marko Lo: Yeah! Hahaah pogi mo kasi ee

Jero Gines: Weh! Humanda ka sa akin kapag nakita kita ah!

Marko Lo: Ok! Talagang maghahanda ako nuh :P

Jero Gines: Hahaha cguro mas nerd na itsura mo ngayon?

Marko Lo: Uhm maybe :|

Jero Gines: Weh?! Pwede ba tayo magkita ngayong sunday na ito?

Marko Lo: Why not para malaman mo yung sagot sa tanong mo

Jero Gines: Ok, uhm dun tayo magkita sa Stanley Park kung saan malapit yung dati nating school

Marko Lo: Sige! Aasahan ko yan huh!

Jero Gines: Ok! eto yung number ko

Marko Lo: Ok nasave ko na yung number mo

Jero Gines: Thanks! Kitakits bukas ah?

Marco Lo: Sure thing. O sige, good night sayo.

Jero Gines: Good night din. Have a good sleep.

That is the end of their conversation. Asar na asar itong si Jero dahil makikipagkita sya doon sa nanililigaw sa kanya noong nasa elementary pa sya dahil nga sa lagi siyang kinukulit at binibigyan ng kung ano ni Marko si Jero at one time, nagawa niya itong murahin at durahan si Marko na biglang lumayas at umiyak at hindi na bumalik pa nung mga oras na iyon.
Nakalipas na ang dalawang araw,tamang tama dahil Sunday na kasi yun at nagbihis sya ng ng simple at maganda. After  1 hour, wala pa din si Marko  at umalis na muna ito sandali pero sa hindi inaasahan, mababanga nya si Marko at mapapahiga silang dalawa. Nag-sorry naman si  Jero at sabay tanong na "Marko, ikaw ba yan?" at ang sagot ni Jero "Oo, at sino ka ba?" at ang reply ni Marko "Si Marko ito!"
At. ikinagulat iyon ni Jero dahil maraming nagbago sa kanya after 4 years.

“Marko, nagulat ako dude ah! Laki ng pinagbago mo since nung huli kitang nakita” Sabi ni Jero.  “Oo nga eh, 4 years na din naman ang nakalilipas.” Ang sagot ni Marko.  Pagkatapos nilang magusap, napagisipan ni Jero na mamasyal silang dalawa.

Jero: Gusto mo ba mamasyal tayo muna sa buong Standley?

Marko: Okay lang naman basta kasama ka eh.

Jerome: Geh deal!

Namasyal na nga silang dalawa at inikot nila ang buong park. Ninamnam nila ang bawat oras na nagkasama sila na paikot-ikot at patingin tingin sa buong parke ng Stanley, iniisip ni Marko na bawat Segundo na magkasama sila ni Jero ay napakahalaga na sa kanya dahil baka ito na ang una at ang huling magkasama silang dalawa dahil sa wala naman ding kasiguraduhan kung talagang magkakausap pa sila nito uli kahit sa chat man lang o hindi na. Padilim na ang araw, napagod din sila sa pagiikot sa Stanley park kaya napaupo muna sila sa isang silong ng puno. Napaisip si Marko at kinausap niya si Jero ng seryoso.

Marko: Jero..

Jero: Bakit?

Marko: Alam ko naman na matagal na akong walang pag-asa eh. Thanks pala sa araw na ito ah and sobrang nagenjoy ako.

Jero: Welcome. *Sabay akbay kay Marko* Parang naman di na tayo magkikita sa mga sinasabi mong yan.

Marko: Totoo naman eh! Di mo naman diba ako mahal ever since and ayaw mo naman akong kaibiganin eh. Simula pa nung bata pa tayo, iniiwasan mo ko sa tuwing lalapit ako sayo, lalayo ka at duduraan mo lang ako at sasabihin mo sa harap ko na salot ako eh. Alam mo sa totoo lang Marko, inayos ko lang ang lahat sa akin para lang maging kapansin-pansin lang sa mga tao para di na maulit sa akin yung nangyaring yun! Natrauma ako dun Jero sa totoo lang. Eto ako ngayon, hindi na mukhang nerd at naging maayos na din sa sarili ko para lang pag nagkita tayo uli eh hindi mo na ako asarin at duraan pa.

Habang sinasabi ni Marko ang lahat ng iyon ay napapaluha siya. Napaisip din si Jero sa mga sinabi ni Marko at sinagot niya ito.

Jero: Marko, sa totoo lang. I just want to say sorry to you dahil sa nagawa ko sayo noon nung elementary tayo. Alam kong mali yung nagawa ko sa iyo noon. Humihingi ako sa iyo ng paumanhin na sa tuwing inaasar kita, pinagtatabuyan kita at dinuraan kita. Kinarma ako ng sobra nung high school ako sa ginawa kong iyon nung nanligaw ako sa kaklase kong si Seline. Halos doble eh! Dobleng-doble sa ginawa ko sayo nun Marko. Alam mo Marko, kahit may ginawa ako sayong masama eh nagawa mo pang ayain ako na makipagkita sa iyo.

Napaisip din si Marko sa sinabi ni Jero. Biglang niyakap na lang niya si Jero at may sinabi ito sa kanya.

Marko:One time mo lang ako inasar okay? Eh pumayag ka naman eh.Jero, Mahal pa din kita. Kahit di mo man ako mahalin eh okay lang sa akin kahit maging bestfriend mo na lang ako. Sana hindi pa ito ang huli na magkikita tayo ah.

Biglang napasagot doon si Jero sa sinabi ni Jerome at hindi naman siya nagalit sa kanya.

Jero: Kahit matagal na eh mahal mo pa din ako? Aba ah! Naks naman. Ikaw na! Ano ka ba Marko, hindi talaga ito ang huli nating pagkikita dahil gusto ko ikaw na ang lagi kong kasama noh!

Biglang nagulat na lang si Marko sa nasabi ni Jero at napangiti siya habang niyayakap niya si Jero.

Marko: Talaga lang ah?

Jero: Oo naman.

Marko: Matanong nga,  okay lang ba na yumakap muna sa’yo?

Biglang sumagot naman kaagad si Jero sa tanong ni Marko.

Jero: Oo naman! Pero may sasabihin ako sayo.

Biglang nagtaka si Marko kung ano ang sasabihin ni Jero sa kanya..

Itutuloy...


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayun, next week ko na muna ipopost yung Chapter 4 ng Tough Love! Gumawa muna ako ng Short Story muna dahil natripan ko lang. I hope na magustuhan niyo.


-Sephy :3

6 comments:

  1. Ankyuuuuutttt :3
    nice story kuya seph =)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Ok ang kwento...sana magtuloy tuloy... Pakicheck lang ang mga dialogues ng mga bida minsan di nagtutugma at pati names ng character. Tnx

    ReplyDelete
  4. kua naman.. nambibitin ka e.. 2loy mo na po please.. nagandahan pa naman ako..

    :D

    -jec isidro :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails