Followers

Friday, May 10, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 01 and Chapter 02




Written by: Tzekai



Musta po? ito ang unang pagkakataon na maipost ang story ko dito ;)) maraming salamt po kay sir Mike sa chance na binigay nya.

BTW pasensya na po kung maiksi talaga sya,but I promise na after ng CHAPTER 11 ay mahahaba na ang bawat chapter,salamt po sa pag intindi ;)

pwede nyo po ako macontact sa mga ito:
email- balasonilo@gmail.com
fb- http://www.facebook.com/granddiosa
wattpad- http://www.wattpad.com/user/yortzekai


COMMENTS are highly appreciated basta makakatulong,huwag nyo po ako laitin XD


______________________


CHAPTER 01



Sa lahat ng araw ito ang pinaka ayaw ko! Bakit kamo? Inaabot kami ng gabi sa campus! To think na almost hour yung last subject namin na yon. Ang dami pa naman bali balitang may mga iba't ibang nilalang ang nagpapakita sa school pag gabi,at ang nakaka imbey dyan eh kami na lang ang natitirang section sa department building namin pag ganun, at laking pasalamat ko na lang talaga na wala pa akong na encounter na mga paranormal na yan dahil sinasabi ko sa inyo magpifreak out talaga ako! >_<
Ay bago ang lahat,ako nga pala si Prue, 17 years old,first year college sa course na ofcourse! Chos lang! Com.Eng ang course ko,kung bakit yan? Hindi ko din alam sa mga magulang ko,go lang ako ng go. Sa totoo lang wala pa din ako maka gets kahit malapit na mag second sem =__=
And yes! Tama kayo dyan, ako po'y isang sirena ^o^
Natigil ang pagdaldal ko sa isip ng pumasok na si sir and nag start mag lecture. Nasa kalagitnaan na sya ng pagdidiscuss ng hindi ko na mapigilan ang antok. Edi pumikit na ako.
"PRUDENCIO VILLACRUZ!" mabilis nawala ang antok ko at napaiktad ako.
"Bakit Sir? Anong nangyare?" disoriented ko pang tanong,langya naman! Wala pa ako sa dream land naudlot na agad.
"Dahil mukhang antok ka na,gigisingin ko ang diwa mo" sabi ni Sir. Naghagikgikan ang magagaling kong mga classmates! Mga animal! Humanda kayo mamaya! Hmp!
"Ano po yon Sir?"
"Yung mga test papers na ichecheck nyo bukas ay naiwan sa Lab,pwede bang pakikuha ito?" sagot ni Sir.
"Sir ako lang? Ayoko nakakatakot baka may mamaw na nagkalat sa paligid" agad kong pagtanggi,ayoko nga!
"Laki mo na naniniwala ka pa dun? Now move! Kung ayaw mo makakuha ng singko!"
Inis na tumayo ako sa upuan habang parang mga haena na nagbubungisngisan mga kaklase ko.
Sabog din kasi tong si Sir eh! Mag uutos na lang babanggitin pa buo kong pangalan na ubod na baho! Kainis! Pwede naman nya akong tawagin sa apelyido tulad ng ginagawa naman nya talaga!
Kainis kasi mga magulang ko eh! Ganda ganda ko tas baho baho ng pangalan ko! Buti na lang bumawi ako sa nickname, "PRUE" oh diba? Lakas maka CHARMED yung dating american TV series
Siguro crush ako ni Sir at ako talaga inutusan nya? Nakakatakot pa naman dahil gabi na at yung subject nya ang last subject namin. Ano nga ulit yung pinapakuha ni Sir sa Laboratory? Ah! Yung mga test papers namin naiwan daw nya! Tanda na kasi hmp!
And so tinungo ko ang fourth floor kung nasaan ang laboratory at talagang nagtayuan ang balahibo ko dahil deserted na ang fourth floor,wala ng katao tao. Minadali ko na ang paglakad at sa wakas narating ko na ang Lab! Nasa dulong room kasi eh!
Pag pasok ko agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin
Ano to? Bakit bukas ang aircon? Aksayado sa kuryente ang school na to!
Ng bigla akong may marinig na ungol. Talagang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan!
Huh? Shit! Ano yon?
At umungol ulit ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa takot! Sabi na eh! Totoong may mga kakaibang nilalang sa school pag sapit ng gabi!
"WAAAAHHH!! Tulooonggg!! May MAMAW!!" sigaw kong ganyan at napa atras,hindi ko namalayan na naatarasan ko switch ng ilaw at bumukas ito.
Lumiwanag sa buong Lab. Huh? Oo nga pala? Bakit ko kasi hindi nga agad binuksan ang ilaw pagkapasok ko pa lang?
"Ang ingay mo! Nagising tuloy ako dahil sa pag sigaw mo! At sino ang sinasabi mong Mamaw?!"
Nilingon ko ang nagsalita. At talagang napanganga ako at napakurap ng ilang beses!
Shit? Mamaw nga! Mamaw sa kagwapuhan!!
"Kasi naman akala ko Mamaw! Patay ilaw tas may uungol? Sinong hindi matatakot nun aber?" sabi ko namang ganyan,kunwari mataray ang lola nyo.
"Pinagbantay kasi ako kanina dito,nakatulog ako sa pagod" sagot naman nya.
"Huh? Bakit hindi ka ba estudyante dito?" agad kong tanong,ewan bigla ako nacurious eh.
"Working student ako dito sa school,sa pagod ko kanina sa paglilinis sa buong building ay nakatulog na pala ako habang nag babantay dito" sabi naman nya. So it means janitor sya dito sa school after ng mga class nya?
Ang unfair naman ng school na to? May mga agencies naman na pwede kuhaan ng mga janitors pero bakit estudyante pa? Sayang ang sobrang kagwapuhan ng mamaw na to kung janitor ang peg nya.
"Uhm alam mo ba san nakalagay mga test papers ni Mr.Kapritso?" tanong ko na lang para maiba usapan.
"Ayon sa may dulong table,sa tabi ng mga test tubes" aniya sabay nguso sa direksyong itinuro.
Agad ko ito tinungo at kinuha ang mga test papers.
"Ano,uhm salamat,una na ako" paalam ko sa kanya at lalabas na sana pero tinawag ako.
"Saglit lang,sabay na tayo,uuwi na din ako, grabe gabi na pala" aniya at lumabas na kami at sinara na nya ang pinto,wala kaming imik ng makababa,dumiretso ako sa room namin,pag pasok ko pa lang nagtawanan na naman sila.
Sige! Tawa lang! Last nyo yan,pupunitin ko test papers nyo! Hahaha
Agad akong bumalik sa upuan ko at ng madako ang tingin ko sa labas,nandun si mamaw!
Ano ba yon? Akala ko uuwi na sya?
  CHAPTER 02

Agad akong bumalik sa upuan ko at ng madako ang tingin ko sa labas,nandun si mamaw!
Ano ba yon? Akala ko uuwi na sya?
Konting minuto na lang patapos na din ang boring na klase na to,maya't maya ko din sinusulyapan si mamaw na matyagang naghihintay sa corridor.
Kinikilig mga kaklase kong babae at bading. Mga haliparot! Sa bagay,sobrang gwapo nga naman ni Mamaw,pero bakit ngayon ko lang sya nakita?
Ay ewan! Sa dami ng estudyante sa school na to,malabo namang matandaan ko lahat ng mukha,saka baka hindi ako hinihintay nya,baka may kaklase ako na girlfriend nya? Pasensya,assuming lang ang peg haha!
And so,nag dissmiss na din,agad na ako lumabas ng room,pero sinalubong agad ako ni mamaw.
"Hi!" naka ngiti pa nitong sabi.
"Akala ko umuwi ka na? Mukhang bitin tulog mo eh" sagot ko.
"Hoy friend! Pakilala mo kami sa boyfriend mo"
"Oo nga! Ikaw ah? Nagsi sikreto ka?"
=__=
Hindi ko na kailangan manghula kung sino yon, ang kambal na Piper at Phoebe,actually triplets sila at lalaki ang isa,si Philip,mga kaibigan ko sila.
"Hoy mga impakta! Hindi ko sya boyfriend! Nakita ko lang ang mamaw na yan sa lab! Pwede ba? Bakit hindi kayo tumulad kay Philip na tahimik?" sagot ko sa mga impakta at naglakad na ulit at binaling ang pansin kay mamaw.
"Oh ikaw? Ngitingiti mo dyan? Uwi ka na" sabi ko.
"Diba sabi ko sasabay ako sayo?" naka ngiti at inosenteng sagot sakin ni mamaw. Baliw ba to? May sapak ata to sa utak eh.
"Ayan friend ah? Bawal magdeny!" hirit ni Phoebe.
"Ang sweet mo naman kuya mamaw" sabi naman ni Piper. Hindi ko mapigilang mapahagalpak sa kakatawa dahil dun,halos lumuwa na esophagus ko kakatawa! ^o^
"Hindi ako mamaw! May pangalan ako" sagot naman nito.
Oo nga pala,ako lang ang nagbansag sa kanyang mamaw!
"Eh ano ba kasi pangalan mo?" tanong ko,nakalabas na kami ng bldg at naglalakad na papunta sa gate.
"Kreyd pangalan ko" sagot nya.
Wow! Ganda ng pangalan,hindi halatang mahirap
"Ikaw anong pangalan mo?" balik tanong sakin ni mamaw,este ni Kreyd xD
"PRUDENCIO pangalan nya!" sabay na sagot nina Piper at Phoebe >_< tiningnan ko lang silang dalawa,tingin ng pagbabanta.
Biglang bumulanhit ng tawa si Mamaw! Hindi tawa yon,halakhak! Maluha luha pa si gago at hawak ang tyan! Gusto ko tuloy matunaw na lang.
Mga tatlong minuto din sya hindi nagpaawat kakatawa,galak na galak sa napaka ganda kong pangalan.
"Tapos ka na? Ang ligaya mo ah?" inis kong sabi,sakto nakalabas na kami ng campus,natanaw ko ng parating ang kotse ng kambal,si Philip na susundo sa mga ito.
"Sorry,nabigla lang ako" sabi ni Mamaw na nagpapahid pa ng luha ng kaligayahan. Tadyakan ko kaya to ng matuluyang maiyak? Kainis eh!
"Philip!" sabi ng kambal at lumapit na sa kotse nila.
"Prue,sabay ka na samin friend" aya ni Piper.
"Hindi na,dadadating naman driver namin eh" sagot ko.
"Sure ka? Sige! Kreyd kaw na bahala sa kanya ah? Bye!" ani Piper at sumakay na sa kotse,nauna na kasi si Phoebe. Ngumiti at kumaway naman si Philip bago sila umalis. Yung triplets na yon talaga!
"Oy ikaw umuwi ka na,gabing gabi na" baling ko ulit kay mamaw na titig na titig pala sakin. What? Ganda ko ba para matulala sya? Hindi ko sya masisisi sadyang ka akit akit nga naman ang aking alindog,nag uumapaw ^o^V
"Hintayin ko na mauna ka,malapit lang naman ang bahay ko" sagot nito.
Katahimikan. Tamang muni muni lang ako samantalang tahimik lang naman sya.
Tumingin ako sa relo ko.
O_O
What the? 30minutes na ako naghihintay dito ah? Agad ko kinuha ang phone ko at tinawagan ang aming driver.
"Hello Mang Berting! 30 minutes na ako naghihintay dito! Namumuti na mata ko!" agad kong bungad ng masagot ito.
"Pasensya na po sir pero nagpasundo sina Mam at Sir eh,mag commute na lang po kayo" sagot ng pobreng matanda.
"Whaaatt?! Ano ba yan! Dapat nagtext ka man lang--"
"Sir tumatawag na po ang parents mo sa kabilang linya,sige po sir bye!" at binabaan na nga ako ng tawag.
Nagngingitngit ang aking kalooban! Ayaw kong nagkocummute ng gabi! Kainis naman eh?! Pano kung maRape ako? Huhu :(
"May problema ba?" tanong ng mamaw na halos makalimutan kong kasama ko pa pala.
"Hindi ako masusundo ng driver namin, sige na umuwi ka na,baka hinahanap ka na senyo, magkocummute na lang ako pauwi" naka simangot kong sagot.
"San ka ba nakatira? Hatid na lang kita? Mukhang hindi ka sanay mag commute eh" sabi pa nito na ikinakurap ko ng 10 thousand times!
Seriously? Ngayon lang kami nagkakilala pero ganito na agad sya? Ang bait naman nya? Nakoo pero hindi dapat agad ako magtiwala, diba nga looks can be decieving? Malay ko ba kung reypin nya ako? Ang swerte nya pag nagkataon ha!
"Hindi na,kaya ko na sarili ko,magtataxi na lang ako" sagot ko.
"Sigurado ka? Mas delikado minsan ang ganun?" pangungulit pa nito.
"Hindi na nga,ano ka ba? Umuwi ka na nga!" sabi ko naman at nagsimula ng maglakad. Medyo kinabahan din ako sa ideyang sasakay mag isa sa taxi,lalo na at gabi.
"Okay,bahala ka,tingnan mo oh,tayo na lang tao dito, sige,una na ako,mag iingat ka Prudencio" anito at nilampasan ako sa paglalakad.
>_<
"Woi! Teka! Sige na! Aamin na ako,hindi ako marunong magcommute pag gabi,payag na akong ihatid mo" habol at pigil ko sa kanya sabay hila sa dulo ng damit nya.
Agad itong humarap sa akin na napaka lawak pa ng ngiti.

17 comments:

  1. Exciting to ah. :)
    Next chapter po author! Salamat! :)

    -K

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami pong salamat at nagustuhan mo,hihi baguhan lang po ako kaya pasensya sa mga mali,as in lahat ng mali.

      Delete
  2. Kakaibang story!!super bitin.,

    ReplyDelete
  3. Writer ka rin pala tzekai...good start. I like it. Akala ko commentors ka lang ke sir joem. Waiting for the next chapters.

    Randzmesia of QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup! Writer po ako sa wattpad haha! Thanks po sa comment :)

      Delete
  4. Replies
    1. baka po maya o bukas,wait ko pa po mapost ni kuya Zeke sa zildjian ung next chapt bago ako magpost dto,mejo magkaiba po kc,dto nasusundan ng numbering by chapters,dun po gnawa namin ni kuya zeke pnagsama namin ang dalawang chapter para maging counted as new chapter,maiksi po kase eh xD

      Delete
    2. Ahh..sge po..slamat po sa pagshare ng story :)

      Delete
  5. TZK tzk.. Ganda ahH nga nga aq dun.. Sana maupdate agad.. Jeje

    ReplyDelete
  6. chapt kung makaka diskarte ako ng pang rent sa PC hahaha!

    salamat po sa pagbabasa at pagkocomment :)

    ReplyDelete
  7. ganda ni prue! another story to follow. Keep it up tzek! ^_^ go lang ng go!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po, posted na ang chapter3 and chapter4 :D

      Delete
  8. Tzekai ang taray nito haha. Galingan mo para di kita ookrayin. Choz!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! Pang 8 na gawa ko ng story yan,kung may mga mali man,hndi na kinaya ng knowledge ko haha! Huwag kang mang okray! Nakapost na yung next chapter xD

      Delete
  9. medyo kahawig sha ni 'ang halimaw sa balete'... But still cool...


    ^_^ ...iba characters ehhh...


    Makabasa na nga... :P

    ReplyDelete
  10. medyo kahawig sha ni 'halimaw sa punong balete'... But still cool...


    ^_^... Iba an' characters ehh.

    Makabasa na nga :P

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails