Followers

Saturday, October 9, 2010

Untitled [3]

by: bx_35
e-mail address/YM ID: bx_35@yahoo.com

Chapter 3 – Start

“Musta na?”

“Magandang umaga”

“Magandang hapon”

“Magandang gabi”

“Kumain ka na ba?”

“Ingat”

“Tulog ka na, may pasok ka pa”

“Maraming salamat”

“Ok”

“Wet dreams”

Yan ang kadalasang mga text messages na pinapadala namin sa isa’t isa ni Ethan. Kung minsan ay combination ng mga yan, para masulit ang pagte-text. Kahit nasa trabaho man ako o sa bahay, sa bus o sa jeep, nag-aabang ng masasakyan o naglalakad pauwi, pagkatapos maligo, kumain, at magbihis, nasa harap ng TV habang nanood ng Pokemon o sa harap ng computer para makinig ng sounds, lagi akong naka-abang sa text ni Ethan. Parang magandang musika sa aking tenga kapag naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Lagi naman siyang nagte-text sa akin at dahil wala akong ginagawa sa office, kaagad ko naman siyang nare-replayan. Daig pa namin ang magka-text mate sa ginagawa namin, kasi buong araw talaga, napapahinga lang ang mga cellphone namin kapag oras ng tulugan. Normal na sa amin yung ganoon, parte na ng araw-araw na buhay namin ni Ethan yon.


“Bro, sorry ngayon lang ako nag-text, may problema kasi sa bahay. Di ko naman agad masabi sa’yo kasi busy ako.” text ni Ethan sa akin.

“Anong problema?” reply ko sa kanya.

“Inatake kasi si tatay kaninang madaling araw lang at kaya hindi ako agad naka-reply kasi dinala muna namin siya sa hospital at ngayon lang ako na-libre sa oras.” ang paliwanag sa akin ni Ethan.

“Ok lang, walang kaso sa akin yon. Siyanga pala, sabihin mo lang kung may maitutulong ako, kahit paano may extra pera naman ako dito.” reply ko kay Ethan.

“Salamat. Actually hihingi sana ako ng tulong sa’yo, medyo gipit kasi kami at kailangan lang ng pandagdag para sa gamot ni tatay.” text ulit ni Ethan sa akin.

“Sige bro, punta na lang ako sa hospital mamaya at bigay ko na rin ang cash diyan, kita na lang tayo.” ang paalam ko kay Ethan.

Nalungkot ako sa binalita niya at hindi ko pa nakikilala ang tatay niya tapos ganoon pa ang nangyari sa kanya. Pagkadating ng kapalitan ko, sinabi ko sa kanya na di na naman ako makakapag-OT ng isang oras para makipag-kwentuhan sa kanya, sabi ko may importante akong lalakarin.

Pagkarating ko sa hospital ay kaagad ko siyang tinawagan para matulungan niya akong magwithdraw ng konting cash sa pinakamalapit na ATM. Sabi ko sa kanya na tatambay muna ako sa kwarto ng tatay niya sa hospital, ewan ko, pero gusto kong bumibisita sa hospital kapag nalaman kong may naka-confine sa mga kakilala ko.

“Bro, pasensya na kung di kita masyadong naaasikaso” sabi ni Ethan pagbalik niya galing ng botika.

“Ok lang iyon, di naman ako naiinip” habang kunwari ay busy ako sa paggamit sa phone ko.

“Kung ok lang, sa inyo ako matutulog mamaya, gusto ko kasing bumawi sa’yo at kahit paano ay ma-relax naman ako” paki-usap ni Ethan.

“Sige, magandang ideya yan, wala rin naman akong pasok bukas kaya ok lang kahit na di tayo kaagad magising para makapagpahinga ka ng maayos” pagpayag ko.

Maya-maya ay dumating din ang mga kapatid at pamangkin ni Ethan, iyon ang unang pagkakataon na nakilala ko ang buong pamilya niya. Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na si Ethan sa nanay niya at sinabing sa amin daw muna siya matutulog. Di pa rin mapakali si Ethan habang nasa jeep kami, mukhang seryoso kaya di ko na siya inabala pa. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay at nagpasya na kaming mahiga.

“Bro, maraming salamat sa iyo. Di ko makakalimutan ang naitulong mo sa amin at pasensya na kasi wala akong ibang malapitan. Sobrang hiya ko nga sa’yo kasi ilang lingo pa lang tayong magkasama pero nautangan na kita kaagad” mahabang paliwanag at pasasalamat ni Ethan habang nakahiga kami

“Wala iyon, swerte mo lang na may extra akong pera kaya kahit paano may naitulong ako. Sige na, matulog na tayo, alam ko naman na pagod ka” sabi ko kay Ethan.

Ilang oras na ang nakalipas pero ramdam kong di pa rin siya makatulog. Alam ko na nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ng tatay niya samantalang ako ay iniisip ko naman kung may nahuli bang bagong Pokemon si Ash at kung ano na ang nangyari sa huling laban niya. Ilang araw ko na kasing di napapanood kasi pang-umaga ang pasok ko. Excited na rin akong marinig ang update galing sa pinsan ko.

“Di ka rin makatulog?” tanong ni Ethan.

Di pa ako nakakasagot ng biglang lumapit si Ethan sa akin at niyakap niya ako. Nabigla ako sa ginawa niya kaya di na ako tuluyang nakapagsalita. Unang beses pa lang na may gumawa sa akin noon. Kahit na madalas kong kasamang natutulog ang mga kabarkada ko dati at kahit na siksikan kami sa higaan, di ako naka-experience na may yumakap sa akin. Pinabayaan ko na lang si Ethan sa ginagawa niya, kasi kahit paano ay nag-enjoy din ako, ang sarap pala ng pakiramdam na may nakayakap sa’yo. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.


“Bro, nasa bahay na ako, kadarating ko lang” text ni Ethan sa akin.

“Mabuti naman kung ganoon. Anong oras ang balik mo sa hospital? Sasama sana ulit ako sa’yo, kung pwede? Tutal wala akong pasok ngayon.” tanong ko kay Ethan habang pinapanood ko kung paano makipaglaban si Pikachu.

“Mamaya pa, pero huwag ka na munang sumama baka di na naman kita maasikaso at gusto ko na sulitin mo ang day-off mo kasama ang pamilya mo” reply ni Ethan.

“Ok, basta huwag mo akong kalimutang i-update sa sitwasyon ng tatay mo at kung wala kang ginagawa ay mag-text ka lang” text ko kay Ethan.

“Sorry pala sa ginagawa ko kagabi. Sa sobrang lungkot ko ay napayakap tuloy ako sa’yo” paliwanag ni Ethan.

“Ok lang iyon, walang kaso iyon” reply ko sa kanya. “Kung alam ko lang na nag-enjoy naman ako” sabi ko sa sarili ko.

Kahit na gusto kong lumabas noong araw na iyon, mas pinili ko pa rin na magpunta sa bahay ng lola ko. Magkapit-bahay lang kami. Pagkatapos ko kasing mag-almusal sa amin, diretso na ako doon para may makasama ang lola ko sa pagbabantay sa mga makukulit kong pinsan. Habang ina-update ako ng pinsan ko tungkol sa nakaraang episode ng Pokemon, bigla kong naramdaman ulit ang yakap ni Ethan, tulala ako pero enjoy naman. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagbuga ng tubig sa akin ni Squirtle, doon lang ako natauhan, binuhusan lang pala ako ng tubig ng pinsan ko kasi di ako nakikinig sa update niya. Buong araw kong sinamahan ang mga pinsan ko sa panonood ng cartoons, at pagkatapos ng tanghalian, sinamahan kami ng lola ko para manood ng mga panghapong palabas. Siempre, sa buong araw na iyon, di mawawala ang pagtunog ng phone ko bilang senyales na may text na naman si Ethan.



“Bro, lalabas na ng hospital si tatay mamaya” text ni Ethan.

“Buti naman kung ganoon, kahit paano swerte pa rin kayo kasi ilang araw lang siya sa hospital” reply ko.

“Oo nga, buti na lang di ganoon kalala ang atake niya” text ulit sa akin.

“Ok lang ba na pumunta ako sa inyo mamaya. Gusto ko lang na makita ulit ang tatay mo” tanong ko kay Ethan.

“Sige, text kita mamaya kapag naka-uwi na kami” sagot ni Ethan.

Pagdating ko kina Ethan, pina-upo muna ako sa sala nila, sa tapat ko naman ay kitang-kita ko ang kalagayan ng tatay niya. Habang nakatitig lang ako sa kanya at tinawag naman ako ni Ethan at pinapunta sa kwarto niya. Pagpasok ko ay nakahanda na pala ang hapunan naming dalawa.

“Bakit naman dito tayo kakain? Nakakahiya naman sa mga tao dito, sabay na lang tayong kumain sa kanila” sabi ko kay Ethan.

“Sanay na ang magulang at mga kapatid ko na kapag may bisita ako dito sa loob ng kwarto kami kumakain” paliwanag ni Ethan.

Wala na akong magawa kungdi sundin siya. Pagkatapos naming kumain ay sinabi niya sa akin na maghuhugas lang siya ng plato at pagdating ay magkukwentuhan muna kami bago ako umalis papuntang trabaho. Iniisip ko kung ano ang pag-uusapan namin, buhat ng makilala ko siya ay araw-araw na kaming magkatext at ang dami na naming pinag-uusapan. Maya-maya pa ay pumasok sa siya sa kwarto, tumabi sa akin, at muli, naramdaman ko ang kanyang mga bisig na nakayakap sa akin.

“Ano ang pananaw mo sa same-sex relationship?” ang tanong ko kay Ethan.

“Tutol ako doon, sa katunayan nga ang daming nanliligaw na mga bading sa akin pero hindi ako pumatol at sabi ko sa kanila na tigilan na nila ako kasi wala silang mapapala sa akin.” ang pagmamayabang ni Ethan.

“Ang yabang naman, ano naman palagay mo sa sarili mo, sobrang gwapo na habulin ng mga babae ang bading. Seryoso, hindi ka pa ba pumatol sa mga bading?” ang tanong ko kay Ethan.

“Hindi pa at wala akong balak na pumatol sa kanila, kahit na nahihirapan kami sa buhay ay hindi ko inisip na gawin yon.” sagot sa akin ni Ethan.

“Hindi ako naniniwala sa iyo. Paano kung isang araw ay makita kita sa labas na may kasama kang bading?” pabirong tanong ko sa kanya.

“Kung mangyari man iyon, edi huwag mo na akong kausapin at kalimutan mo na lang na meron kang nakilalang gwapong kaibigan.” patawang sagot sa akin ni Ethan.

“Parehas pala tayo, ako rin, ayoko sa same-sex relationship” sabi ko kay Ethan habang ramdam ko pa rin ang sarap ng pagyakap niya sa akin.

“Maiba tayo, may tatanong ako sa’yo. Natandaan mo ba nung mag-text ako sa’yo dati, noong college pa tayo?” tanong ni Ethan.

“Oo” maikling sagot ko.

“Bakit di ka nag-reply noon? Pinaghirapan ko pa naman kunin ang number mo para lang ma-text kita” sabi ni Ethan.

“Wala lang. Ang weird nga, kasi inisip ko na kung magiging kaibigan kita noon, baka mabawasan ang oras mo kay Randolph. Bakit di ko ako tinext ulit?” sagot at tanong ko.

“Di ka na kasi nag-reply sa unang text ko, kaya di na kita kinulit” paliwanag ni Ethan.

“Bakit mo naman ako gustong maging kaibigan noon?” sunod na tanong ko kay Ethan.

“Sikat ka kasi noon, halos lahat ata ng estudyante sa college natin kilala la. Nangarap lang naman ako na baka kapag naging kaibigan kita ay maambunan ako sa konting kasikatan mo” paliwanag ni Ethan.

“Di naman siguro, kahit na hawak ko ang Student Council ng college noon, alam ko isa pa rin akong simpleng estudyante” sabi ko kay Ethan.

“Huwag ka ng pa-humble kasi tapos na rin naman iyon, pero seryoso, sobrang sikat mo noon. Hinangaan ka namin dahil sa pinapamalas mong kabaitan, hindi ka nagpapakita ng pagod sa kabila ng paghahanda ninyo para sa Socials at Intrams, lagi ka pa rin nakikitaan ng kasiyahan sa mukha mo kahit alam nila kung paano ka ka-pressured sa mga case studies ninyo. Kaya nga kagaya ng ibang estudyante, sobra rin akong humanga sa’yo. Noong makasama ko si Randolph, alam kong na mabigbigyan ako ng pagkakataon kahit na maka-usap ka man lang, at hindi mo ako binigo, sa simpleng pagbati mo sa akin kapag nagkakasalubong tayo, masaya na ako. Kapag alam kong may lakad ang barkada niyo, sumasama pa rin ako kay Randolph kahit na di niya ako yayain, gusto kong maramdaman kung paano maging kaibigan mo” mahabang paliwanag ni Ethan.

“Salamat” sabi ko kay Ethan.

“Kaya nga noong yayain mo ako noong birthday mo, kahit na alam kong pilit lang iyon, nagpunta pa rin ako, kasi gusto kita ulit makita. At ngayon, sobrang saya ko, di ko sukat akalain na nakayakap ako sa taong hinangaan ko dati” pagpapatuloy ni Ethan.

“Sige na, naniniwala na ako sa’yo, huwag mo na akong bolahin at masaya rin naman ako na naging kaibigan kita” sabi ko ulit kay Ethan.



May 3, 2005, dayshit ang duty ko, paglabas ko ay pinuntahan ko ang mga kaibigan ko. Matagal ang biyahe namin pauwi at bigla ko na-miss si Ethan, gusto ko siya makita.

“Bro, kung wala kang gagawin pwede bang sa amin sa matulog mamaya.” unang text ko kay Ethan.

“Sige, walang problema” reply sa akin ni Ethan.

“Ayos, maraming salamat. Ilang araw na rin kasi tayong di nagkikita at day-off ko bukas kaya pwede pa tayong lumabas” ang pangungulit ko kay Ethan.

“Walang problema yon at kung maaari ay ako naman ang hihingi ng pabor sa’yo. Kung pwede sana sa labas muna tayo kumain lilibre kita, kasi nahihiya na ako sa maga magulang mo, kapag nagpupunta ako sa inyo laging naka-tiempo na kainan tapos kinabukasan siguradong mag-aalmusal tayo pagkagising.” paki-usap ni Ethan.

“Sige, sa labas na lang muna tayo mag-dinner at huwag ka ng mayabang, ako na ang maglilibre dahil wala ka pa namang trabaho.” reply ko kay Ethan.

Nagkita kami ni Ethan sa isang fastfood chain malapit sa amin, pagkatapos kumain at nagpalipas muna kami ng oras. Gusto niya kasi na tulog na ang mga magulang ko pagdating namin sa bahay para hindi kami makitang dumating. Alam ko na nahihiya siya at lagi kong sinasabi sa kanya na wala namang problema iyon, hindi lang talaga sila sanay na laging may nakikitulog sa amin kasi mas sanay sila na ako lagi ang nakikitulog sa mga kabarkada ko. Makalipas ang ilang oras ay pumunta na kami sa bahay. Ang buong akala ko ay ordinaryong gabi lang yon na magkasama kaming matutulog. Habang nagkukwentuhan kami ay naka-akbay siya sa akin at bigla niya ako hinalikan sa pisngi. Pagkahalik niya ay parang naramdaman ko ang electric shock ni Pikachu.

“Para saan iyon?” ang tanong ko kay Ethan habang kinikilig ako.

“Wala lang, gusto ko lang magpasalamat sa’yo kasi hanggang ngayon ay hindi ko lubusan maiisip na kaibigan na kita” sagot ni Ethan.

Maya-maya pa ay namalayan ko na lang na nakapatong na ako kay Ethan.

“Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo kasi muli mong binigyan ng pag-asa ang buhay ko, alam mo naman na ayaw ko na sanang humanap pa ng ibang kaibigan, pero dahil sa iyo, nag-iba ang pananaw ko at swerte ko kasi ang sobrang bait mo.” sabi ko kay Ethan.

Pagkatapos noon ay unti-unting naglapit ang mga mukha namin, nagkadikit ang ilong hanggang sa mamalayan namin na naghahalikan na kami. Iyon ang unang pagkakataon ko na mahalikan sa labi, ang sarap pala ng pakiramdam at swerte ko kasi ang taong importante sa akin ang unang nakahalik sa akin. Maya-maya pa ay kumalas kami sa pagkakahalik at umalis ako sa pagkapatong sa kanya.

Tahimik.

Tulala ako pero masaya.

Naghawakan.

At maya-maya ay siya na ang nakapatong sa akin.

Muli ay naghalikan kami at sa pagkakataon ito ay mas maalab, mas mapusok. Malamig ang gabi pero sobrang init ng pakiramdam namin lalo na ng maramdaman ang katigasan ng bawat isa. Nakadama kami ng sobrang kasiyahan kaya di kami kaagad nakatulog, nagkwentuhan sa pamamagitan ng mga mata. Kahit na walang salita na maririnig, naiintindihan namin ang bawat isa.

Masaya.

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails