Followers

Monday, October 4, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP -5


By: James W
email: james.wood86@yahoo.com
blogsite:
akosijamesw.blogspot.com



Grabe hindi parin nagbabago ang pagtanggap nyo sa story ko, pasensya na kayo kung medyo nawala ako ng 2 araw sobrang busy lang po ako. Sobrang sorry talaga. Hindi na ako nakapaglagay ng pictures kasi busy talaga. Ingat kayong lahat at maraming salamat...

Thanks kuya Mike...






CHAPTER FIVE...


NAKARAAN...


Natapos ang handaan at nakapagpaalam narin ako sa pamilya Salvador, Kinuha ni Ken ang number ko pero kahit nakita yun ni Pau ay wala lang yun para sa akin...
Hinatid na namin sa bahay si Pau at nang makarating kami sa bukana ng bahay ay nagpaalam narin ako kay Nick ng bigla nya akong niyakap at sabay...



PAGPAPATULOY...

At sabay nagpasalamat...

Bagamat nagulat ako nakabawi naman agad ako at niyakap din sya at nagbalik ako ng pasasalamat.

Dating gawi, iiyak na naman ako ng magdamag sa kwarto ko.

Lumipas ang mga araw. Patuloy ang aming pagkakaibigan. Laging may sopresa si Nick at lalo kaming napalapit na tatlo sa isa’t isa. Lalo ko syang minamahal. At lalo akong nasasaktan.Malapit na rin si Nick sa mga magulang namin ni Pau, at pag bumibisita sa bahay laging may pasalubong si Linet na prutas at ako ay Mang Donald’s. Madalas din akong pumasyal sa kanila at kinakamusta ang mga magulang niya.Hanggang isang araw sa palasyo ng Salvador..


KEN: “Jake kumusta na” galing sya sa likod ko, at nakaupo naman kaming tatlo mag bebest friend sa receiving area nina Nick habang nag mo-movie marathon. At kumakain ng B-Cut at Zortillas with Koke.

AKO: “Hi Ken, ok naman... ikaw? Tagal na rin nating di nag kikita, simula pa nung birthday ng lola mo”

KEN: “Oo nga...”

NICK: “Hi Cuz’” Pag putol ni Nick.

KEN: “O insan, anung bago, Hi P-paulo?  right? ”

PAULO:  “Yup, musta”

KEN: “I’m good”

NICK: “wala namang bago. Wanna come with us. We go to Fridays.”

KEN: “Sure.”

NICK: “But it’s your treat?”

KEN: “No problem” sabay ngiti ni Ken sa akin. Ngumiti narin ako.


Parang di masaya si Nick, siguro hinuha ko lang. Pero kanina sobrang ganda ng usapan namin. Pero si Pau naku tuwang tuwa. Dahil kakain na naman.


NICK: “Pau, why don’t we invite Amy?”

KEN: “Sinong Amy?”

PAULO: “Girlfriend ko.”

KEN: “Me Girlfriend ka pala???” takang taka ang itsura nya.

PAULO: “Oo naman”

KEN: “Ah ok”


Natawa nalang si Pau at si Nick.  Nahihiwagahan na talaga ako kay Ken. Una malapit sa akin si Ken, ngayon naman hindi sya makapaniwala na may GF si Pau, anung akala nya kay Pau katulad ko. Anu naman kung may GF si Pau, bakit interesado ba siya kay Pau? Bi ba si Ken? Ito ang mga gumugulo sa utak ko ng mga oras na iyon.


SA FRIDAYS...

AMY: “Vakklaaaaa, ang ga-gwapo naman ng kasama mo!”

AKO: “Adik wag kang maingay. Upakan kita. Hindi nila alam na ganito ako.”

AMY: “Fine ok ok, hindi na nga magsasalita. Fine”

AKO: “Paulet-ulet.”

KEN: “Jake, pwede tumabi???” Lapit ni Ken

AKO: “Sure”


Si Pau at Nick ang umorder ng meal. Pagdating tumabi na si Pau kay Amy, dalawa kami ni Amy sa may wall pumwesto, at magkaharapan kami ni Amy, Si Pau at Ken naman ang magkaharapan at sa dulo si Nick. Sayang sana sa upuan ako ni Ken para katabi ko si Nick.


KEN: “Kumakain kaba ng balat ng manok?”

AKO: “Oo naman.”

KEN: “Dapat iwasan mo yun dahil maraming sakit ang makukuha dun, dapat white meat lang kainin mo.”

AKO: “Ganun, Nandun nga yung sarap diba?”

KEN: “Kahit na. Akina yan, pag babalat kita.” Kinuha nya ang  plato ko.


Napataas ang kilay ni Amy at nahihiwagahan siya sa kinikilos ni KEN. Sinapa ni Amy ang paa ko, tanda ng pagtataka kung bakit sweet si KEN sa akin, napasenyas naman ako kay Amy, nang malay ko sabay taas ng dalawang kilay ko. Matapos akong paghimay ay kumain narin ako. maya maya ay pinunasan naman ni Ken ang labi ko at sinabing may ketchup daw.
Sinipa ko naman si Amy. Confirmed na namin na di pala straight si Ken at nagpapakita ng mga senyales ng pagiging berde ng dugo. At sa akin pa naging sweet. Nang maubos ang baso ko ay tinanong naman ni Ken, kung gusto ko parin ng ice tea o iba naman. Sasagot na sana ako ng...


KEN: “ARAAAYYY...”

AMY at AKO: “O Napaano ka?”

KEN: “Wala may sumipa este naipit ng silya ang paa ko”


Natawa naman si Pau, ang weird na ha. Napansin ko kanina pa tahimik si Nick na kumakain at nang tignan ko ay nakatitig sa plato at nakabusangot ang mukha.


AKO: “Nick ok ka lang?”

NICK: “Ah oo.  I’m ok. Kuha muna ako ng drinks, ikaw Amy drinks kapa?” Parang wala sya sa mood habang nagtatanong.

AMY: “No thank you Nick. Hindi ko na to mauubos.”



Kaya imbis na si Ken ang kumuha ng drinks ko ay si Nick nalang ang kumuha. Hindi na siguro makatayo dahil sumakit ang paa dahil sa pagkakaipit ng silya. Nang matapos ang lahat kumain, syempre nagtake-out si Nick ng pasalubong kay Linet at sa mga magulang ni Pau at kay Amy narin. Tinawagan ako ni Amy pagkarating na bahay.



AMY: “Bhe, yung Ken mo. Amoy na amoy. Lacoste ang pabango ng katauhan nya. Ang scent with touch of Pink.” Bhe ang tawagan naman namin ni AMY tanda nang pagiging close ko sa kanila ni Pau.

AKO: “Bhe anu kaba hindi ah, chamomile. Hahaha”

AMY: “Hindi ko akalaing sa astig na yun, bekimon pala sya”

AKO: “Ako nga din hindi ko agad nahulaan, alam mo naman ako matangos ang nose ko pagdating diyan. E bakit ako ba halata?”

AMY: “Hindi, pwera nalang ipahalata mo”

AKO: “See. Kaya hindi natin nalahata agad, pagbalat ba ako ng manok at pahiran ng tissue ang ketchup ko sa mukha?”

AMY: “Oo nga ang sweet, sya nalang kaya Bhe, kesa iyak ka ng iyak jan sa Nick na yan. Masasayang lang ang cuteness ng eyes mo.”

AKO: “He. Wag kang maingay dyan. Oy atin lang to wag mong sasabihin kay Pau ang mga updates ko sayo”

AMY: “Oo na. Takot ko nalang. Basta update mo ko ha”

AKO: “Ok sige na matulog na tayo”

AMY: “MMR Time”

AKO: “Anu yun”

AMY: “Major major resting time”

AKO: “Adik. Sige na. bye”

AMY: “Bye Bhe. Mwah”


LINGGO...

Church day...


Si Nick na naman ang driver. Kaya matapos ang misa ay deretso na kami sa favorite place ni Nick na naging favorite place narin namin ni Nanay. Hindi nakasama si Pau dahil may pupuntahan daw sila ni Amy. Nakaupo lang kami ni Nick sa tabing dagat. Medyo maulap kaya maganda ang kulay ng dagat.


NICK: “Narinig ko kanina kausap mo si Ken. Right?”

AKO: “Oo tinatanong nya ako kung nasaan ako.”

NICK: “What did you say?”

AKO: “Sabi ko narito kasama ka at sila nanay.”

NICK: “Anung sabi?”

AKO: “Ok daw. Tinatanong din nya kung may lakad ako bukas after school.”

NICK: “Why?”

AKO: “Iniinvite akong lumabas, nood daw kami ng sine.”


Tahimik...


AKO: “Bakit”

NICK: “Wala naman. Sasama kaba?”

AKO: “Oo, bakit? Wala namang masama doon at pinsan mo yung nag-iinvite”

NICK: “Ok. Pero sa Tuesday nood din tayo ng Movie.”

AKO: “Ha? Paulit ulit? Bakit hindi ka nalang sumama sa amin ni Ken?”

NICK: “Ayoko, ma a-out of place lang ako dun”

AKO: “Bakit naman???”

NICK: “Basta. Anyway, lets change the topic. Pagusapan natin ikaw."

AKO: “Ako?”

NICK: “Oo, anung ambitions mo?”


At yun nga kwentuhan kami ng tungkol sa mga pangarap namin, pag ka graduate. At kung anu anu pa.


KINABUKASAN NG GABI...


Wow... ganda ng kotse ni Ken, Red Hot Wheel Racing Car. Astig.

Pagkatapos manood ng movie, nag yaya si Ken pumunta ng Baskin Robbins.


KEN: “Thank you at pumayag ka.”

AKO: “Wala yun, thank you din”

KEN: “I love you.”

AKO: “Ha???” nagulat ako sobra.

KEN: “Sabi ko I love you.”

AKO: “Wag mo nga akong pinaglolo-luko” kinabahan ako syempre, alam kaya nyang ganito ako.

KEN: “Seryoso ako at hindi kita niloloko. Gusto na kita nung una palang kitang makita. 
Hinangaan na kita at kasabay nun ang mga bagay na nalaman ko tungkol sayo. Dahil kaibigan ko ang isa mong kaklase at sobrang sipag mo daw mag aral at behave ka daw.”

AKO: “Sorry pero hindi ako.”

KEN: “Wag mo na akong paglihiman alam ko ang straight at acting straight lang.”

AKO: “Paano mo nalaman?”

KEN: “Di umamin ka din”


Ang hirap pala pag kinakabahan. Hindi mo alam ang sasabihin mo kung tama ba o hindi. Patay baka alam na ni Nick, siguradong lalayo na yun sa akin.


AKO: “Sino pang pinagsabihan mo ng tungkol sa akin?” Me galit na sa tono ko.

KEN: “Please Jake, easy... I’m not that kind. Hindi ako nagpapahamak ng tao at ikaw ang huling taong ipapahamak ko. Wala akong sinasabihan ng tungkol sayo at anung mapapala ko.”


Natapos ang Ice Cream session namin ni Ken, nang hindi ko man lang napansing hindi ko dala ang cellphone ko. Nang makauwi na ako sa bahay ay nakita kong naparaming text and miscalls from Nick. Over naman.

1st Text: Hi, musta, natuloy ba kayo?

2nd Text: No reply?

3rd Text: Jakey naman, update me please.

5 miscalls...

4 Text: I’m worried, please answer my call...

15 Miscalls..


Tinawagan ko agad sya.


AKO: “Hello.”

NICK: “Jakey, what happen, why you’re not attending my calls, are you ok? Where are you?”

AKO: “Nick. Huminahon ka, ayos lang ako. Pasensya na, naiwan ko ang cellphone sa bahay. Napansin ko lang nung pauwi na ako.”

NICK:  “You didn’t easily notice that you ain’t got your phone? Hindi mo naisip na may mag-aalala sayo?”

AKO:  “Ahh. Sorry na talaga. Pasensya na. Nalibang ako sa pinapanood ko. Wag ka nang magalit hindi na mauulit.” Bakit ko ba nasabi yun at bakit ba sya sobrang nag-aalala. Siguro dahil mag best friend kami. Yun nalang ang inisip ko.

NICK: “No problem, you know you can have my forgiveness”

AKO: “Ha? Paano?”

NICK: “Bukas. Nood ulit tayo”

AKO: “Ha? Movie na naman?”

NICK: “No. How about concert, is it ok with you?”

AKO: “Ha? concert, wow sige maganda yan.”

NICK: “Ok tomorrow, we go to Manila by plane. Nasabi ko na din kay Ma’am na absent tayo bukas dahil isasama tayo ni uncle.”

AKO: “Ha? Ah... ok” 


Sabagay kung governor naman ang kasama mo, walang teacher na hindi papayag. Pero hindi naman talaga si Gov ang kasama namin. At saka bakit nya sinabing absent na agad ako bukas samantalang ngayon lang sya nagyaya, malay ba nya kung pumayag ba ako o hindi. Pero hindi naman makakatanggi ang puso ko. Ito talagang si Nick pasaway din.


AKO: “Sige tawagan ko na si Pau, ok”

NICK: “No. I just called Pau, he’s not able to come with us.

AKO: “Ha??? Bakit daw”

NICK: “Basta, just trust me.ok?”

AKO: “Ganun.”

NICK: “Oo, hehehe”


IN MANILA...


Sinundo kami ng driver nina Nick, may bahay din nga pala sila sa manila. Kaya umuwi muna kami ng bahay nila para maibaba ang mga gamit. Pagkatapos nun ay nagpalit lang kami ng panlakad at nagpahatid na rin sa venue ng concert.

Concert pala ni REGINE ang papanoorin namin. Pinamagatang “SONGBIRD SINGS LOW KEY”. Wow how exciting...

Puno agad ang Venue ng Music Museum. At sa medyo harapan pa kami nakareserve. Tindi talaga ni Nick. Ang ganda pala ng Songbird. Maputi pa sya sa gown na suot nya, mukha syang goddess. Heaven pa ang boses. Nang kinanta na ang “Good Friend” Nagkangitian kami sa isa’t isa, tapos nang kantahin naman ang “I Never Dreamed Someone Like You, Could Love Someone Like Me” tinignan ako ni Nick.  Tinignan ko lang sya at sumenyas ng “Bakit?” at umiling lang sya para iparating na “wala naman”


Feel na feel ko ang presence ni Nick nang kantahin ang song na ito...

How can I tell you that I love you, I love you
But I can't think of right words to say
I long to tell you that I'm always thinking of you
I'm always thinking of you, but my words
Just blow away
It always ends up to one thing, honey
And I can't think of right words to say
Wherever I am babe, I'm always walking with you
I'm always walking with you, but I look and you're not there
Whoever I'm with, I'm always, always talking to you
I'm always talking to you, and I'm sad that
You can't hear, so sad that you can't hear
It always ends up to one thing, honey,
When I look and you're not there
I need to know you, need to feel my arms around you
Feel my arms around you, like a sea around a shore
And each night and day I pray, and hope
That I might find you, and hope that I might
Find you, because hearts can do no more
It always ends up to one thing honey
Still I kneel upon the floor


Nang matapos ang concert. Nakalabas na rin kami ng area at sinabi nya sa akin na may pupuntahan kami, sabay hawak ng kamay ko...


ITUTULOY...


Attention: I want to invite all the readers to share their thoughts, ideas problems and emotions in relationship on the forum in my blog, I just want to hear your side and let me share my advices to you, by means of this we can expand our mental understanding of what we encountered ,encountering and will be encounter.  The name of the forum is : “Let’s DEEPEN our THOUGHTS” -JAMES WOOD :) 

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails