Followers

Monday, September 13, 2010

EBAN of All Times!!! - Part 2

Hi po ulit. Eto na po ang next part ng story ko.

Salamat po sa mga nagcomment sa first part ng story. Si Enso at rat.. hehe

Thanks po ulit… more comments please..

BLOGSPOT : mgalahinieban.blogspot.com (Pa-follow nalang po... salamat po)
FACEBOOK : mga.lahi.ni.eban@gmail.com (pa-add nalang po... salamat po)

“Hi! I’m Ej” pagpapakilala sakin ng isang estranghero na sa hinagap ay hindi ko kailan man nakita.

Pagkaabot na pagkaabot ng nanginginig at mamasa masang palad ko sa kanya para makipagshake-hands, biglang dumampi ang kanyang malalambot na labi dito.

“Oh God! Nasa heaven na ba ako?” Naibulalas ko sa aking isipan dahil na din sa nababalot ng kulay puti ang paligid. Sinubukan kong kapain at hanapin ang pakpak ko. Wala naman akong nakapa. Baka wala pa ko sa heaven. Hindi din naman ako sinalubong ni San Pedro.

“Siguro naman hindi si San Pedro tong nasa harap ko. Gwapo kaya! Eiiyyy!!” kinikilig pa ang inyong lola.

Napakagulo ng set-up. Kanikanina lang eh napaka puti ng paligid. Ngayon ay tila nasa simbahan.

“Ikakasal ba ko? Pero teka, bakit sya pa din tong kasama ko?”. Tanong kong muli sa sarili ko. Nakakapagtaka naman kasing nasa harapan ako ng dambana kasama ang isang napakagwapong lalaki na hindi ko kilala eh hindi naman ako lumalandi sa mga lalaki.

Nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Mich, ang bestfriend ko. Naka-gown pa ang loka. Si mama, ang mga kapatid ko. Mga kaibigan ko.

Teka naguguluhan ako. Ano bang nangyayari dito? Bakit may papable sa harap ko?

Akmang hahalikan na ng estranghero ang aking mga labi at magpapaubaya na sa kagustuhan ng gwapong lalaki sa harapan ang inyong lola ng biglang…



“EEBBBAAANNNNNNN!!!!”.

Napabalikwas na naman ako sa lakas boses ng isang halimaw. Correction, babaeng baklang halimaw.

Si bestfriend.

“Langya ka best! Anong ginagawa mo huh?! Ganyan ka na ba? Hindi mo na iniisip ang nararamdaman ng bestfriend mo? Kinalimutan mo na ang future ko? Bakit ka ganyan best? Sinasaktan mo ang damdamin ko.. huhuhu” sunud sunod na pagdadrama sakin ni bestfriend.

“Teka ano bang kadramahan yan best? Ano bang meron sa future mo?” sabi ko habang pupungas pungas pa ng mata.

“Kadramahan? Naririnig mo bang sinasabi mo best? Look, we’re getting late? Anong oras na?! Pano nalang si papable na imimeet natin? Wala na kong mukhang maihaharap sa kanila pagnalate tayo. Paano na ang future namin? Paano kami makakagawa ng madaming anak kung ngayon palang mauudlot na ang pagkikita namin? Huh best?! Paano?!”.

Plakk..

“Aray! bakit may batok??!”

“Tae ka best. Drama mo! Hello!!??? Alas-tres palang! Ang usapan nyo alas-sais! Tatlong oras pa best tatlong oras pa! Kaasar to. Ganda ganda ng panaginip ko nang-iistorbo!” singhal ko kay lukresia.

“Ay sorry naman! Hindi ba pwede magsorry? Hindi ba? Huh? hehe Teka ano bang panaginip mo at parang may hahalikan ka kanina?” pagbabagong mood ni gaga..

“Eh nakalimutan ko na. Ang gulo eh. Nagulo pa ng malahalimaw mong boses. Hmp! Basta ang alam ko may nakilala daw akong lalaki. Ewan ko ba. Tapos bigla na lang nasa simbahan kami. Ganda mo nga sa panaginip ko eh. Nakagown ka pa. Ngayong hindi ko maalala yung mukha nung lalaki. huhuhu” pagkikwento ko kay lukresia.

“Ay naku best! Baka yan na ang tadhana mo! Magkakajowa ka na.. bwahahaha!!”

“Baliw! Jowa ka jan. Hindi pwede. Kita mong lalaki ako sa paningin nila mama eh. Baka bugbugin ako ni kuya. O kaya sampal sampalin at sabunutan ni ate. Adik to”

“Ok lang yan best. Basta pag-umamin ka ng bongang bonga, panindigan mo din ng bongang bonga. Oh di ba? Bonga! hahaha”

Plakk..

“Aray! nakakailan ka na huh?!” kunwaring iiyak na sabi ni bestfriend.

“Tumigil ka na nga. Baka samain ka ng bonga sakin dyan.”

“Dapat nga magpasalamat ka dahil full-support sayo besfriend mo eh!”

“Oo na! Thank you na! Thank YOU!” sabay irap ko kay lukresia

“Welcome” mahinang sagot ni bestfriend habang nakangiti. Hindi talaga tinablan ang gaga sa pagtataray ko.

“Oh sige na best mag-asikaso ka na. Dali! Magpagwapo kana! Punta taong mall. Maraming papable dun. Dun din natin imimeet sila papables dali!” sabi ni bestfriend habang hinihila ako papuntang banyo. Baliw talaga tong bestfriend ko.

Wala na kong nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ng malandi kong bestfriend.



Habang naliligo hindi pa rin maalis alis sa isip ko ang panaginip ko kanikanina lang.

“Sino kaya yung gwapong lalaking yun? Bakit hindi ko na maalala itsura nya? Bakit sya magpapakasal sakin? Bakit ganun yung panaginip ko? Ano ba ibig sabihin nun?” mga tanong na naglalaro sa isip ko habang naliligo. Hindi ko man mahanap ang kasagutan sa ngayon, alam kong balang araw ay maliliwanagan din ako sa kung ano man ang ibig sabihin ng panaginip ko na iyon.




Habang hinihintay namin ni besfriend ang ka-eyebol nya, hindi ako mapakali sa aking upuan. Bukod kasi sa hindi maalis alis sa isip ko yung panaginip ko kaninang hapon lang eh parang kinakabahan ako ng wala namang dahilan.

“Best uwi na tayo. Next time mo na imeet yung papable mo please”. Pag mamakaawa ko kay bestfriend.

“Ano!? Sabunot gusto mo? Kutos? Kalmot? Kurot? Tigilan mo nga ko best. Malapit na sila oh. kakababa lang daw nila sa car tapos ngayon pa tayo aatras?” sabi ni lukresia habang halos ingudngod na mukha ko ang cellphone nya.

“Kasi best kinakabahan ako eh.” Patuloy pa din ang pagmamakaawa ko sa bestfriend ko.

“Gaga! Kinakabahan!? Umayos ka nga best. Malapit na sila ok? Mas excited ka pa sakin eh… oh ayan na sila best.. eeiiyyy!!! Magpakatino ka Emanuel huh?! Sasabunutan kita dyan..” pagkasabi nya nun ay sabay nya saking itinuro ang dalawang lalaking papalapit sa amin.


Parang huminto ang buong paligid.

Napako ang tingin ko sa isa sa kanila.


Matikas, moreno, katamtamang laki ng pangangatawan, may nangungusap na mga mata, matangos na ilong at mga labing tila nag-aanyaya ng isang mapusok na halik. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero parang hindi ako makakilos. Parang pamilyar din sakin ang lalaking ito.




Biglang tumayo si bestfriend at nakipagkilala sa dalawang lalaking lumapit. Napatayo na lang din ako bigla.

“Hi there! So ikaw si Michelle?” tanong ng lalaki na kanina ko pa tinititigan. Hindi ko alam kung anong bagay ang nag-uudyok sakin upang pagmasdan syang maigi. Basta ang alam ko lang ay gusto ko ang ginagawa ko.

“Yeah! Ako si Michelle. Mich na lang for short. Ikaw si Enrico right? Ito pala bestfriend ko, si Eban.” Sabay hila ni bruhilda sa kamay ko para makipagshake-hands.

Nang maghawak ang aming mga kamay, tila may milyong boltahe ang dumaloy sa buong katauhan ko.

Nang mapadako ang aking paningin sa maamo nyang mukha ay sya namang pagtatagpo ng aming mga mata. Nagkatitigan kami.





Panandalian kaming napahinto…









Ninamnam ko ang sandaling magkahawak ang aming kamay.

Nanginginig ang mga tuhod ko. Tila ano mang oras ay bibigay na ang mga ito at matutumba ako. Nalulusaw ako sa pagkakatitig nya, ngunit gusto ko ang pakiramdam. Parang ayaw kong matapos pa.

.
.
.
.









“Nice meeting you Eban. I’m Enrico. Ric na lang for short.”









Sabay bitiw ng nakahuhumaling na ngiti.






Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails