FG98...100...101b...
Nasa likuran na ako ng library di ko pa rin mahanap ang aklat. Kanina pa ako hanap ng hanap, di ko makita. Sabi naman ng computer “on the shelf” ang status nito. Tiningnan kong muli ang call no. – FG101m21. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga aklat sa estante nang biglang mahawi ang mga aklat sa harap ko at bumungad ang isang mukha.
“mark!”
“hi!” lumibot ito. “is this what you’re looking for?” sabay abot ng isang nakabalot na pakete.
“what’s this?”
“Why don’t you open it?”
Lumantad ang aklat ni mary Renault nang tinanggal ko ang balot.
“the Persian boy?! Thanks!”
“thanks lang? Wala bang halik?” dumukwang ito. Naglapat ang aming mga labi.
“m-mark! Makita tayo!” anas ko.
“then let’s go somewhere private.” Hinila na ako ni mark palabas ng library patungo sa kotse nito.
“get in.” Sumakay ako.
* * *
Pagkatapos ng concert ay pumunta sina Pol at Red sa dakong likod ng Film Center. Dati nilang ginagawa ito. Ang maupo sa seawall at tanawin ang mga alon at ang tila mga alitaptap na mga ilaw sa laot. At kung walang makakita ay magyapusan. May kadiliman ang bahaging kanilang kinauupuan. Mula rito ay tanaw ang mga ilaw na kumukuti-kutitap. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik na ang paligid maliban sa ugong ng mga sasakyan at aliw-iw ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan.
Nagtataka si Po kung bakit dinala siya dito ni Red. Ilang minuto na silang nakaupo ay di pa rin ito nagsasalita. Lumingon si Red at nang mapansing malayo si Pol ay umisod itong palapit. Hanggang sila’y magkatabi at magkadaiti ang mga balikat. Nang makitang walang tao ay inakbayan ni Red si Pol at hinawakan ang isang kamay nito.
“Someone might see us.”
“Walang tao.” Lalo pa nitong hinigpitan ang pag-akbay. Hinimas-himas ang palad at nilalaru-laro ang mga daliri ng kamay na hawak-hawak. Bantulot man ay hinayaan na lang ni Pol si Red.
“Don’t you think about it sometimes?”
“Think about what?”
“The past.”
“Sometimes.”
“Paano kaya kung hindi tayo nagkahiwalay?”
“But we did.” Huminga si Pol ng malalim at pilit na inaninag ang mukha ni Red sa dilim.
“Naiisip mo rin ba...pa’no kung hindi kayo nagkahiwalay?”
“Tayo ang mas madalas kong isipin.”
Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Pol ng pinagapang ni Red ang mga daliri pataas-pababa sa kanyang braso. Hinipo ang kanyang pisngi, hinawakan ang baba, at dahan-dahang inilapit ni Red ang mukha.
“Don’t you miss us? The way we were before?” anas nito.
Umiwas si Pol. Inalis ang kamay na naka-akbay at tumayo.
“Umuwi na tayo.”
Wala silang imikan hanggang sa makasakay sa sasakyan nito. Sa halip na paandarin ito ay humarap si Red kay Pol at nagtanong, “Galit ka ba?”
“Hindi. Let’s go.”
“Okay,” ayon nito sa malamlam na tinig at pinaandar na ang kotse. Habang tumatakbo ang sasakyan ay naisip ni Pol ang tanong nito. Paano kaya kung hindi tayo nagkahiwalay?
“We’re here.”
“W-what?”
“Nandito na tayo.” Nakahimpil na ang kotse sa harap ng puting gate nina Pol. Patay na ang lahat ng mga ilaw sa bahay maliban sa isang ilaw sa veranda.
“Thanks.” Bababa na sana si Pol ngunit pinigilan ito ni Red.
“Wait. Do you have something to do this weekend?”
“Wala naman.”
“Out of town tayo. Sa Batangas.”
“Don’t you have to work?”
“I need a break. And it’s Tonette’s birthday. She invited us.”
“Ah...okay. Balak ko talagang bisitahin siya. Sa Batangas na pala siya nakatira.”
“So...?”
“Okey. Good night, Red. And thanks.” Umibis na si Pol sa kotse.
Matagal ng nakahiga si Pol ay di pa rin siya makatulog. Ilang daang tupa na ang nabilang niya. Nakasandaang push-ups na siya. Naubos na ang isang bar ng Toblerone. Di pa rin siya makatulog. Bumangon siya, binuksan ang computer, at nagsimulang magsulat.
No comments:
Post a Comment