Followers

Monday, September 20, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHAP 2





By: James W
email: james.wood86@yahoo.com
blogsite:
akosijamesw.blogspot.com




Maraming salamat sa lahat ng nagcomment, natutuwa ako sa feedback nyo kaya ginandahan natin ang part two...

Salamat kina Enso, Chronodriller, Royvan and Darkboy 13

At Specially kay Kuya Mike...

You can visit my blog : www.akosijamesw.blogspot.com

Thank to all....



Chapter Two:







NAKARAAN...

Nang matapos ang practice ay nagmadali na akong umuwi dahil kailangang hindi ako makita ni Nick. Pagkalabas ko ng Main Road ay pumara na ako ng traysikel para makauwi ng mabilis ng bahay.

NICK: “
JAKKKEE!!!” sigaw nya.

PAGPAPATULOY...

Nabosesan ko agad sya, dahil sya lang ang may ganung accent sa mga kaklase ko. Naku patay na. Inabangan pala ako ni Nick. Kaya pala before the last practice ay bigla nalang syang nawala at hindi mahagilap ng paningin ko. Nauna na pala sya sa labasan.


Inantay ba nya talaga ako? Alam kaya nyang tatakasan ko sya? Anung sasabihin ko? Nag promise pa naman ako kaninang umaga. Ahhhrrrrr. Ang hirap naman. Paano ako haharap sa kanya ngayon? Ah basta,bahala na si bro.

Nilapitan ko agad sya.

AKO: “
O Nick, andyan ka pala?” Kunyari pa ako.

NICK: “
Jake, halika na, Hatid na kita” Ang magiliw na imbita ni Nick.

AKO: “
Ah next time nalang, hindi na naman naulan.”

Medyo madilim pa ang paligid  gawa ng makapal na ulap.

Sana nga po wag munang umulan ulit. Please...

NICK: “
Yes, but you forgot something.” Nakangisi si Nick.

AKO: “
Ha??? Anu namang nakalimutan ko” Kahit alam ko, iniiwasan ko parin maalala nya. Pero dahil nga sa matalas ang memorya nya.

NICK: “
Your promise. Right? Kaya tara na, ihahatid na kita.”

Hay mahihimatay talaga ako. Anu bang pinakain, at sino bang nagpakain dito at parang nagayuma ko yata. Wala na akong nagawa, sumakay narin ako. Promise is a promise nga eh. Nahuli na rin lang ako kaya “go”.



SA KOTSE...

NICK: “
Jake, can I have the answer now?” Ang tanong nya sabay tingin sa akin ng malamlam.

(sana hindi ako namumula) Ang puti ko pa man din...

AKO: “
Ah kasi, hindi naman talaga ako umiiwas

NICK: “
Hep he hep, you do.” Sabay tingin sa akin. “First. You rejected all of my invitations. Then, this morning when I asked you to take a ride, you refused again. Then, after we reached the school you want to go ahead, and then after our practice, I saw you’re fleeing.” Ang sunod-sunod nyang tugon.

AKO: “
Ok. I admit, umiiwas ako, tumatakas ako.” Mahinahon kong tugon

NICK: “
Bakit?” Malungkot nyang tugon

AKO: “
O sige tanungin muna kita.”

AKO: “
Bakit kaba lapit ng lapit” Malumanay kong tanong para hindi naman sya ma-offend.

NICK: “
I want you and Paulo to be my friend. Real friends

AKO: “
Bakit wala ka bang kaibigan, ang dami mong kaibigan ah...”

NICK: “
Paano mo naman nasabi? wala nga akong masyadong kinakausap sa room

Oo nga naman, lagi ka nga palang nasa isang tabi at nagbabasa ng libro, or nagsusulat sa notebook, or mag i-ipod, or mag p-psp...

Pero…

AKO: “
Nakita kaya kita nung isang buwan sa beach. Sa bayan ng Samal. Kasama mo diba ang barkada mo at nag susurfing kayo? At nung isang linggo sa plaza, nung National Heroes Day nag speech si Gobernor, kasama mo ulit sila.”

NICK: “
I see...” Mukhang nakalimutan nyang kilala sya sa bayan namin.

NICK: “
Ok, but, There is another reason

AKO: “Ano?

NICK: “Listen Jake. I didn’t see myself so happy when I’m with them, like what I’ve seen with you and with Pau when you were together.”

Totoo naman ang sinabi nya na masaya lagi kami ni Pau pag magkasama. Sa totoo lang meron kaming kaibigan sa classroom, pero hindi talaga ganun namin ka dikit, ang lakas pa naming tumawa. Pag may problema naman kami, pinapasantabi nalang namin ni Pau, at pag alam na namin ang solusyon ay saka lang namin yun iisipin. Pero hindi ko akalaing may isang taong na-iinggit sa saya naming magkaibigan, at hindi ko akalain sa katauhan pa ni Nick. Siya na mukhang wala ng mahihiling sa buhay...

NICK: “
Everytime I see you, tawanan, biruan, naisip ko, sana magkaroon din ako ng kaibigang katulad nyo. Alam mo ba ang mga barkada ko, they always talk about happenings, latest cars, gambling or alcohol and worst, drugs. I am toxicated with this, I think there's a part of me that’s empty.” Malungkot nyang tugon.

NICK: “Before I came here. My life in Australia, is simple but full, Kung di lang dahil kina mom and dad hindi ako uuwi ng Pilipinas at dun nalang ako kina grand pa at grand
ma.”

NICK: “
That’s why I wanna know, if we can be friends?”

Naaawa naman ako sa kanya. Ngayon lang kami nakapag-usap ng matagal. Akala ko dati, “happy go lucky” sya. Laging masaya. Lagi pa nga syang bumabati sa lahat, pero wala nga ng dinidikitan.

AKO: “
Aaminin ko, para sa akin, mabait kang tao, at kaklase, pero iba kasi ang buhay na meron ka sa buhay na meron ako.”

NICK: “
What do you mean?”

AKO: “
Nick mayaman kayo. Kung ano ang tingin mo sa mga kaibigan mo, yun din ang nasa isip ko tungkol sayo. Hindi ko kayang sakyan ang kaisipan at hilig mo. Hindi kami mayaman. Dito sa Pamantasang ito, hindi kami makakapasok dito kung hindi kami scholar ni Pau... ” 

NICK: “
I understand you.”

NICK: “
But, I’m looking forward for this, at sana baguhin mo na ang nasa isip mo na katulad ko ang mga kaibigan ko sa lahat ng bagay. Let’s know each other deeply, I’ll promise ako ang sasakay sa mga hilig mo” Makahulugan ang mga salitang binitiwan nya.

Napako naman ako dun sa sinabi nya. Malalim na tao pala si Nick. Hindi ko inaasahan ang isang tulad nya ay may malawak na pananaw.

NICK: “
So Friends?”

AKO: “
OK


Sabay tawa namin...

NICK: “
By the way...About  Paulo, Payag na ba syang dalawin ko sya?”

AKO: “
No, sorry Nick, hindi sya pumayag. Salamat nalang daw, ok n daw sa kanya yung nalaman nyang gusto mong bumisita. Pasensya na.”

NICK: “
No problem, I understand him.”


Buti naman at hindi na sya nag pumilit.


SA TAPAT NG BAHAY NAMIN...

AKO: “
O Paano Nick, salamat sa pag hatid. Ingat ka sa pag uwi at
pagmamaneho


NICK: “
Thank you... By the way, are you free tomorrow?”

Sunday bukas, san ba ako pupunta?

AKO: “
Hindi eh. Sisimba kaming lahat ni Nanay at ng kapatid ko

NICK: “
Anung oras?”

AKO: “
Mga 7 ng umaga”

NICK: “
Ah ok

Ok. Anu daw.? Di ko na gets. Ang gulo nya.

Pababa na ako ng sasakyan ng...

NICK: “
Jake, please give this to Paulo

Inabot nya ang isang supot ng PONKAN at isang supot ng GRAPES, siguro tig isang kilo yun.
Nakakagulat naman siya, hindi ko akalaing ganito pala siya. Nasopresa talaga ako.

AKO: “
O bakit nag-abala kapa, nakakahiya naman sayo. Kalian mo to binili?

NICK: “
Bago matapos ang last practice” nakangiti nyang tugon

Ang gwapo na, mabait pa, maunawain, maalalahanin at galante pa.

NICK: “
Ito naman ang iyo

Sabay abot ng malaking bag ng “Mang Donald’s”(Binago ang pangalan). Ang favorite ko.
Hindi ko na to kaya,baka himatayin na ako hindi sa bigat ng dala ko kundi sa bigat ng level ng energy. (whew)

AKO: “
Sigurado kaba akin ang mga ito, ang dami naman, pang maramihang tao na ito ah

NICK: “
I share mo sa family mo

Oo nga naman, wag kang matakaw Jake, andyan si nanay at si Linet. Bigyan mo sila kahit tig isang fries lang (toinks).

AKO: “
Salamat, sana hindi utang to ha.” Asta ko...

Biglang tumawa si Nick. Nakatingin lang ako at napatawa na din.

NICK: “
Hahaha...Don’t worry, you just paid it.”

Pagkakakitaan ko pala ang joke ko...

AKO: “
Sige salamat ulit, ingat sa daan.

NICK: “
Ok thanks for the company. Goodnight.”

AKO: “
Goodnight

Pagbaba ko ng sasakyan ay umalis na din si Nick, sya namang labas ni Linet sa bahay at nakita ang mga dala ko.Tinulungan nya ako sa pagbuhat at pagdating sa loob ng bahay.


AKO: “
Nay magandang gabi po, mano po.”

NANAY: “
Kaawaan ka ng Diyos, o kumusta ang praktis anak?”

AKO: “
Ayos naman po Nay

NANAY: “
San galing yan mga pagkain na yan? Ang dami naman yata

AKO: “
Ah para po ito sa atin, at itong mga prutas ay kay Pau

NANAY: “
Anak ang dami naman ng binili mo

LINET: “
Nay hindi... galing yan sa boyfriend ni kuya, nakita ko hinatid sya nung lalaki at ang gara ng sasakyan. Maganda talaga nay

AKO: “
Uy Linet umayos ka nga diyan... hindi totoo yan

Boyfriend daw. Sana nga (asa pa...) Bigla namang nag-iba ang mukha ni nanay.


NANAY: “
Totoo ba yon anak?”
AKO: “Hindi nay, anu naman ang alam nyang batang yan,  hindi nga nya nakita kung sino ang kasama ko. Saka kaklase namin yun ni Pau, si Nick yun. Nag-magandang loob lang at nagbigay ng prutas kay Pau dahil may sakit yung tao. Tapos dinagdagan din nya ang kabutihan nya sa pagbibigay ng favorite ko hehehe"

NANAY: “
Ah may sakit pala si Pau, hindi ko man lang nadalaw ang batang iyon.”

AKO: “
Ok lang Nay, I-text nyo nalang. Ako nalang ang pupunta, kilala nyo naman yun ayaw padalaw... Sige Nay, aalis na ako, punta muna ako kina Pau...”

Binubuksan ni Linet ang prutas na dala ko...

AKO: “Hoy, Linet, hindi sa atin yan prutas wag mong buksan yan

Bigla kong kinuha ang prutas mula sa makulit kong kapatid.

LINET: “
Si kuya ang damot, isang grapes lang”

AKO: “
Yung Mang-Do nalang ang kainin mo, at tirhan mo ko hindi pa ako nakain. Sige po nay, alis muna ako.”

NANAY: “
Bakit di ka muna kumain?”

AKO: "
Ipagtabi nyo nalang ako ng “Big-Mang

NANAY: "
O sya sige ingat ka, i-kumusta mo nalang ako sa tiyo Milling at tiya Rosy mo. Pati narin kay Paulo"

AKO: "
Opo"


HABANG NASA DAAN...

ISSA: “
Jake, san ka pupunta?”

Si Issa. Matagal ko nang kaibigan.

Hindi na sya pumapasok dahil hindi sya kayang pag aralin ng mga magulang nya sa kolehiyo.
Kasing edad namin sya ni Pau.Nagtitinda nalang sya ng Lugaw, Sopas at Spagetti sa umaga at sa hapon naman ay tumatanggap sya ng labada at minsan ay nag titinda naman ng banana cue. Sobrang bait nitong si Issa, lagi kaming dinadalaw sa bahay. May gusto si Issa kay Pau, pero maganda si Amy at si Issa naman ay mabait (Alam nyo nayun)...

AKO: “
Hi Issa, kumusta?, Pupunta ako kina Pau, dadalawin ko sya.”

Bilang sumaya ang aura ni Issa. Nag blush pa yata... hindi ko makita dahil maitim sya...(toinks)

ISSA: “
Ah talaga , samahan na kita.”

AKO: “
Issa may sakit si Pau

Nag-iba ulit ang mukha ni Issa, ngayon naman ay malungkot na. Alam nya na kapag may sakit si Pau, as usual, hindi pweding puntahan sa bahay... hehehe...

ISSA: “
Ah ganun ba, O sige dalhan mo nalang sya ng banana cue ko.”

AKO: “
Ah... sige. Masarap ba yang banana cue mo?”

ISSA: “
Jake naman eh,,, puro ka kalokohan...” Tumawa na si Issa.

AKO: “
Malungkot ka kasi kaya pinapasaya lang kita. Hehehehe, Sige na baka gabihin pa ako.”
ISSA: “Sige ingat ka, i-halik mo nalang mo nalang ako ke Pau

AKO: “
Kung pwede nga lang, gagawin ko talaga, hehehehe

ISSA: “
hahahaha, hala may pagnanasa

AKO: “
Hahaha, di siguro... O sya sige na, bye na...”

ISSA: “
Bye



KINA PAU...

AKO: “
Magandang gabi po tita Rosy at tito Milling, andyan po ba si Pau?”

Tita Rosy: “
O Utoy, magandang gabi naman, oo naroon, umakyat ka na sa taas.”

Tito Milling: “
Naku kanina ka pa inaantay ng batang yan, ayaw mag-hapunan, sabay daw kayo.”

AKO: “
Ah ganun po ba, sige po aakyat na po ako"
Tito Milling: “Mabuti pa nga at nang makakain na kayo, kami naman ay tapos ng kumain ng tiya mo, hindi na namin maantay yang kaibigan mo.”

AKO: “
hehehe, sige po

Dalawang palapag ang bahay nina Pau, Nasa baba ang silid tanggapan, komedor, kusina at dalawang kasilyas. Nasa taas naman ang tatlong silid. Yung una ay kay Pau, sumunod ay bakante dahil nag-iisang anak lang si Pau. Pag may bisita ay duon pinapatulog, pero hindi ako bisita kundi kamaganak na ang turing sa akin nina Pau kaya kay Pau na kwarto ako natutulog. At nasa dulong silid ang sa magulang ni Pau.

SA KWARTO...


AKO: “
Musta Best, ok na ba ang pakiramdam mo?”

PAULO: “
Ang tagal mo, kanina pa kita inaantay...” Nagtatampo ang bata...

AKO: “
Bakit gutom na ba ang Best ko?”

PAULO: “
Hindi naman, wala na nga akong ganang kumain. Pero sana kanina kapa dumating, wala tuloy akong kausap dito. At diba ima-massage mo pa ang ulo ko” May himig ng paglalambing...

AKO: “
Ito talaga.  Alam mo naman ang sched ng “practice” natin, diba?” Sabay abot sa kanya ng prutas.


PAULO: “
Wooooowwww... Iba kana ngayon best ha, ang dami nito ah, anung nakain mo..." Sabay upo ni Pau sa kama at senyas sa akin na umupo sa tabi nya. Tuwang tuwa ang mokong at umakbay.

AKO: “
Kay Nick galing yan noh... wala akong ibibili ng ganyang kadami.”
Sabay bitaw ng akbay nya sa akin at bitaw sa prutas na dala ko.

AKO: “
O bakit? Ayaw mo, sige ka ibibigay ko yan kina tiya, o kay linet. Kanina pa nya gustong kainin nyan, alam mo naman yun pareho kayo ng Favorite” Banta ko sa kanya.

Nagdadalawang isip sya na baka totohanin ko ang banta ko, at tumingin sa akin ng masama.

PAULO: “
Magkasama ba kayo? “

AKO: “
Si Nick ba ang tinatanong mo Best?”

PAULO: “
OO NAMAN, SINO PA!”

Galit ang drama...

AKO: “
Alam mo best, mabait nga pala talaga si Nick. Hindi sya yung taong iniisip natin... Alam mo. Kaninang umaga, nakita nya ako sa paradahan. At niyaya nya ako sumabay”.

At kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari mula umaga hanggang ihatid nya ako sa bahay.
Walang reaksyon akong nakita sa mukha nya
...

AKO: “
Best, Ok ka lang?

PAULO: “
Akala ko ba ako ang Best mo? Bakit parang ang saya saya mo sa kanya, akala ko ba ayaw mo sa katulad nila?”

AKO: “
Best yun naman talga ang totoo. Ikaw ang best ko at ayaw ko sa katulad nila, pero Best, wag kang mag alala, mabait si Nick, iba sya, Ito nga oh, at nag aalala sya sayo. Gusto ka nga nya dalawin. Binilhan ka pa ng favorite mo... Gusto lang nyang magkaroon ng kaibigan katulad natin. Ipagkakait ba natin yun sa kanya kung matutulungan naman natin sya para maging masaya?”

Ngumiti si Pau at umakbay na ulit, kinuha ulit ang prutas at tinago sa lalagyan nya, ganyan sya pag ok na sya. Madaling makaintindi ang kaibigan kong ito.

AKO: “
O Ito nga pala ang banana cue mo, bigay ng paparazzi(ADMIRER) mo.”





PAULO: “
hehehe, ang bait talaga ni Issa. Basta Best, ako lang ang Best mo ha.”

AKO: “
Oo Best, hindi yan magbabago. O sya tama na nga ang drama...”

Nakakatuwa talaga si Pau. Kahit brusko ay nagiging emotero pag dating sa aming pagkakaibigan. Pumayag na rin sya na maging malapit kay Nick. Pagkatapos naming magkwentuhan ay sabay na rin kaming bumaba para maghapunan. Matapos nun ay ginawaran ko lang ng masahe ang kaibigan ko at mga bandang alas diyes nang gabi ng makapag-paalam ako kina tiya Rosy at tiyo Milling. Gusto sana nilang dun ako matulog pero sinabi kong kailangan umuwi na ako dahil maaga pa kami magsisimba bukas.


KINABUKASAN...

Beep.... beep... beep...

AKO: “
Ang ingay naman, sino ba yun?” Tinignan ko ang alarm clock, alas-syete na pala umaga.

Tumayo na ako habang nakapikit pa ang isang mata ko. Tinungo ko ang bintana ng aking kwarto upang alamin kung bakit may bumubusinang sasakyan sa labas. Nang masilip ko ay nakita ko si Nanay na lumabas at tinungo ang nakaparadang sasakyan na Black “Range Rover”. Maya maya ay kinakausap na ni Nanay ang nasa loob ng sasakyan. Hindi ko naman maaninag kung sino dahil tinted ang sasakyan. Mukhang masayang-masaya naman si nanay habang nakikipag-usap at nagmamadaling pumasok ng bahay.


ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails