Followers

Saturday, September 11, 2010

Walang Titulo: Ika-4 Kabanata

WARNING:
This post contains explicit scenes which may not be suitable for readers under 18.

Di ko mahagilap si mark. Hapon na ay di pa rin sumipot sa usapan namin. Nang tumawag ako sa bahay nila, sabi ng katulong di raw umuwi buong magdamag. Baka nagtampo na naman kasi di ako sumamang mag-out-of-town. Tambak na naman kasi ang exams ko. Baka tumambay sa pad ni tod at doon nagpalipas ng sama ng loob. Umuulan man ay pumunta ako don. Nakatapi lamang ng tuwalya si tod ng buksan niya ang pinto. Lamas ang buhok. Mukhang banas. nagulat siya at di mapakali nang makita ako.
“tod,” bati ko sabay pasok. Bantulot siyang sumunod. nagkalat ang mga basyo ng alak at beer sa mesa at sahig. Ang iba ay nakatumba. Napansin ko ang paboritong t-shirt ni mark na nakalaylay sa sandigan ng sofa. Pinulot ko ito.
“si mark?” kunot-noong tanong ko. Napansin kong nagkalat ang ilang pirasong mga damit. Parang hinubad at itinapon na lang basta-basta. T-shirt sa sahig, sinturong nakaluyloy. Pantalon...ni mark? Nakakalat ito sa daan patungong kwarto ni tod. Napatingin ako sa siwang ng pinto. Nasilip kong nakasandal sa headboard si mark. Hubo’t hubad. Nakaunan sa isang bisig ang ulo. Nakapikit. Nilalaro ng kabilang kamay ang utong sa dibdib. Gusot ang kobre kama. May ilang unang nahulog sa sahig. Parang dinaanan ng bagyo ang silid.
Tinulak ko ang pinto.
“babes, umalis na ba—“
“mark!!”
Napadilat si mark. Dali-daling tumayo, hinila ang kobre-kama at tinakpan ang kuhabdan.
“a-anton....”” alanganin niyang sambit.
“Why?”
“l-let me explain.”
“explain?! What’s to explain? Pareho kayong abogasya.” Tatawa sana ako kung hindi nagsimulang madurog ang aking puso. Napakatanga ko.
“i trusted you.”
“we’re drunk”
“it just happened.”
Lumapit si mark sa akin. Hinawakan ako at balak yakapin. Pumiksi ako at sinuntok siya. Tinapunan ko ng matalim na tingin si tod at walang-lingong lumabas ng pad nito.
“anton!”
Malakas na ang buhos ng ulan ngunit di ko ito alintana. Naglakad ako ng naglakad. Namalayan ko na lamang nasa ccp na ako. Umupo ako sa seawall at pinanood ang marahas na paghampas ng alon sa batuhan. Nagngangalit ang langit. Maya’t maya’y nagtatapon ng kidlat. magliliwanag. magdidilim. kasimbilis ba nito ang pagliyab ng kanilang pagnanasa? Tangan-tangan ko pala ang t-shirt ni mark. Ibinalikot ko ito at inihagis sa dagat. Pumaimbulo ito sa tubig at nilamon ng alon. Paano ba naghinang ang kanilang mga katawan? Niyakap ko ang aking sarili. Kung anong lamig ang aking nadarama, ang kanilang pagniniig ay kung anong init ba? Hinaing ang ungol ng hangin. Daing. Halinghing. Mga mumunting punyal ang bawat patak ng ulan. Tumuturok. Bumabaon. Walang humpas ang pagbuhos ng ulan. Tila ang langit ay lumuluha para sa akin. Basing-basa na ako at nanunuot na ang lamig. Muli’y tinanaw ko ang t-shirt. Di ko na ito makita. Tumayo na ako’t naglakad sa tubig-baha. Nang may makitang sasakyan ay pinara ko ito at nagpahatid sa amin. Nangangaligkig man ako’y mamad ang pakiramdam.
Di pa rin tumila ang ulan. Kinabukasan nalaman kong patay na ang nanay. Pakiramdam ko inanod ako ng baha, nahulog ako sa manhole, at nilunod ng delubyo. Ngunit di ako umiyak. sinaid na nang sigwa.
Masama man ang aking pakiramdam ay umuwi ako. Di na ako dumalo sa aming pagtatapos. Walang pumunta sa libing ng nanay maliban sa tita ko. Nabalitaan ko na lamang nagsama na sina mark at tod. Di na ako nagsalita. Di nagtanong. Di nag-usisa. Pumunta na akong amerika.
*      *      *
Tumigil sa pagsulkat si Pol. Anim na taon, naisip niya. Naghilom man ang sugat ay mayroon na itong pilat. Paano kung tama ang sapantahan ni Tonette? Tumingin muli sa bintana si Pol. Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Madilim ang paligid. Mataas ang bakod. Naghubad siya at naligo sa ulan.
“Wala ka ‘atang kibo?” anas ni Red. Tahimik silang nakaupo sa seawall. Nagkalat ang mga latang walang laman sa kanilang paligid. Papalubog na ang araw. Nagkulay-dugo ang dagat sa kanluran. Tinungga ni Pol ang laman ng lata at kinuyumos ito saka itinapon.
“I have nothing to say.”
Tumahimik si Red. Muling pinanood ang araw. Bahagya na lamang itong nakasungaw sa tubig. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag.
“Naaalala mo ba?”
“Ang...?”
“Noon ay sabay nating hinahabi ang ating mga pangarap sa paglubog ng araw.”
“Abogado ka na.”
“Isa ka ng manunulat.” Tumingin si Red sa kalawakan. Lumagok mula sa lata bago nagsalita. “Bakit di ko maipanalo ang kaso ko sa’yo?”
“R-red....”
“I know I hurt you.” Yumuko ito at nilaru-laro ang pawisang lata. “And I can’t blame you if....” Kinuyumos nito ang latang hawak at kumuha na naman ng isa. Nakailan na ba ito?
“Lasing ka na.”
“How can I get drunk, this is just Cali Shandy.” Paloko pa nitong binasa ang nakasulat sa lata, “... 0.01% alcohol content.”
“Bakit ka ba natutuliro? Siguro...may pag-asa pa ako,” mahinang turan ni Red.
Tumingin si Red kay Pol. Tumingin si Pol kay Red.
Signature

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails