Love at its Best4
by: Migs
Maraming Salamat po ulit kay kuya Mike sa pagpayag niyang mag share ako ng stories dito sa blogspot niya. :-)
__________________________________________________________________________________
Di ko napigilang magulat... inabot niya ang kamay ko, inaaya akong lumabas na ng van... di ko rin napigilang magtanong... “Jon?” at niyakap niya ako...
“kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo.” mahinahon niyang sabi. “buti na lang sinusundan kita simula nung nag text ka” pahabol niya pa, siguro nung makita niya ang nagtataka kong mukha.
“bakit di ka lumapit sakin dati pa?” tanong ko na medyo nanginginig pa sa takot at sa panghihina... inabutan naman niya ako ng chocolate galing sa bag niya.
“alam ko kasi di pa panahon... naguguluhan ka parin alam ko...” at pareho kaming natahimik.
At kinuwanan na nga ako ng pahayag ng mga pulis... at inexplain ang pagsasampa ng kaso sa kung sino mang mga ponsyo pilato yun. Nang mahimasmasan na ako tinignan niya ako... nagtatanong ang kanyang mukha.
“wag mo nang pahirapan ang sarili mo Migs, alam kong mas gusto mo si Ed” at nakita ko siyang ngumiti... pero alam ko may natatagong sakit sa ngiting yun... pumara siya ng taxi
“ako ng bahala sa prisinto, magpahinga ka na” umiling naman ako sa gusto niyang mangyari.
“usap muna tayo Jon...” pagaalo ko.
“di na Migs, ok na ako... dapat maging ok ka na rin” pero nangingilid ang mga luha niya, kung baga di ako kumbinsido.
Pinaalis ko ang taxi pero pumara ulit siya ng isa pa.
“wag nang matigas ang ulo Migs, di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari nanaman sayo ng di maganda dahil sakin...”
At tumalikod na siya papunta sa mobile ng pulis, hinabol ko siya at niyakap mula sa likod...
“I'm sorry” tanging nasabi ko at patuloy ng bumuhos ang luha ko... tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya at pumunta sa may taxi.
“manong paki ingatan po tong tao na to” at nagpakawala nanaman siya ng ngiti sakin.
At pinasakay na niya ako sa kotse... tumungo siya at nilapit ang mukha sa mukha ko, nilapat ang labi niya sa labi ko, medyo nagtagal yun napapikit na nga ako at naramdaman ko na lang na pareho ng tumutulo ang mga luha namin... ansakit sa dibdib... di ko gusto ang mga ganitong drama... nuong maghiwalay kami ni Jon dahil nahuli ko siyang may ka sex sa apartment noon, mas pinili kong takasan ang tagpong katulad nito... di ko siya kinausap... pero pareho lang din pala... masakit din sa dibdib... katulad lang din pala sa pagtakas at sa pagharap ng mga ganitong drama moments... feeling ko sinusumpong na naman ako ng lintik na phobia na yan.
“bakit kailangan mong magmukmok diba gurl? Lalaki lang yan!” sabi ni Cha sakin.
Sumangayon lang ako sa sinabi niyang yun, di ako nagpahalata na apektado parin ako, hindi kasi basta lalaki lang si Jon... pinaglaban niya ako, minahal namin isa't isa... minahal niya ako ng sobra... tapos ganun lang, tinapon ko lang yun dahil may bagong dumating... di naman ako binigo ni Karma... dahil wala ring pinatunguhan ang akala ko'y worth it na ipagpalit kay Jon... nasan na nga ba si Ed? Di ayun... nakikipagmabutihan ulit sa “ex” niya, salamat kay karma na talaga namang pinamukha niya sakin ang aking katangahan.
Sa loob ng isang buwan, di naman ako binigo ni Cha, lagi siyang andyan... kahit na minsan tinotoyo ako, pero di ko pinapahalata at sinasabi sa kaniya na kaya ako nagkakaganun ay dahil sa katangahan ko sa kapatid niya... Isang buwan... akala ko ok na ako, akala ko wala na sakin ang lahat ng nangyari... akala ko... akala ko lang pala yun. Di nagtagal rumesbak nanaman si Karma at si Tadhana combo pa.
Nang isang beses na nagmumuni muni ako sa may by the bay, may hawak na mainit na kape mula sa starbucks, biglang bumuhos ang ulan... tumakbo ako dun sa may waiting area ng mga gustong sumakay sa tram... busy ako sa paghahanap sa panyo ko ng matandaan kong nasa bag ko nga pala yun na iniwan ko naman sa sasakyan ko... biglang may nagabot sakin ng panyo...
“naguulyanin ka na?” sabi sakin ni Ed... nakangiting aso nanaman
“bwisit!” nasabi ko sa sarili ko... binawi ko ang tingin ko sa kaniya at napatingin sa magandang babae sa tabi niya... ito talagang si karma, di pwedeng di ipaalala sakin ang katangahan ko at pananakit ko kay Jon.
“Hi Migs! Musta na?” sabi sakin ni Rubi ay ni Lei pala.
Pero bago ko pa man masagot ang tanong niya may mga grupo ng lalaki ang nagtatakbuhan at naghahanap ng masisilungan, nang makita ang aming pinagsisilungan pinilit nilang magkasya dito at siniksik kami, at napadikit naman ako kay Ed magkalapit ang mga mukha namin, agad akong umiwas at napansin ko namang napayakap si Lei kay Ed dahil sa pagtutulakan ng mga walang breeding na lalaki.
“very good ka talaga karma” nasabi ko sa sarili ko... ayan nanaman all along akala ko ok na ako... pero eto nasasaktan parin ako bumibigat parin ang dibdib ko.
“bakit nga pala bigla kang nawala nuon sa bahay ni Cha?” tanong sakin ni Lei
“ahhh nagmamadali kasing umuwi yung kasama ko eh... si...” di ko masabi ang pangalan ni Jon... para akong nasamid na parang may nakaharang sa lalamunan ko... nararamdaman ko ang tingin sakin ni Ed... pero di ko rin magawang tignan siya.
“anyways... una na ako ah... I have to go, malelate na ako sa duty ko...” pagiwas ko sa kanila...
“nonesense!” sabi ni Lei.
“anlakas lakas ng ulan” dugtong pa ni Ed.
Pero di ako sa sinabi niyang yun natigilan... napatingin kasi ako sa kaniya... parang may mabigat na pinapasan ito... kanina lang parang tuwang tuwa siya na nilalait nya ang pagiging ulyanin ko, pero ngayon iba na yung nasa mukha niya... ibang emosyon na.
“kailangan na talaga eh” at nagpaalam na ako sa kanila.
Di naman kalayuan ang daanan para makapunta sa sasakyan ko pero malakas talaga ang ulan, kaya nang makapasok ako sa kotse basang basa ako. Di ko maiwasang masaktan nanaman sa nakita ko... di ko maintindihan ang sarili ko... nung una pa lang naman kasi dapat talaga di ko na sineryoso si Ed... nang umuwi ako galing sa birthday ni Cha nasabi ko sa sarili ko na wala lang lahat iyon kay Ed... na it was just a game for him... na challenge lang ako para sa kaniya, pero ngayon nang makita ko ang mukha niya nang mahalata niya siguro ang pag iwas ko, I can't help but think... may nararamdaman din kaya siya?
“ayan ka nanaman! Asuming, asumming ASSUMING!” at inuntog ko ang ulo ko sa manibela at tumunog ng malakas ang busina ko... nagulat lahat ng tao sa labas lalong lalo na ang nakaupo na nakain dun sa mga restaurants malapit sa starbucks... dahil sa kahihiyan nagdrive na ako palayo.Nang makauwi ako sa bahay tinignan ko ang telepono ko...15 new messages... “OA!” sabi ko sa sarili ko, pagbukas ko ng Inbox puro si Ed.
“Migs, pwede ba akong pumunta dyan?” sabi ng unang text.
“bakit di ka nagrereply?”
And all the other 13 messages pretty much says the same, siguro nang mapikon sa pag deadma ko sa text messages niya, tumawag na lang... ayaw kong sagutin yung telepono ko kaya't nilagay ko nalang ito sa silent mode, kumuwa ako ng twalya at naligo muna... pagakatapos maligo nakita ko ang telepono ko na nagvavibrate parin at umiilaw...
“tang ka kulit!” sabi ko, pero dineadma ko parin ang tawag nito... nagpunta ako sa sala at nanood ng TV... Rubi na pala... sakto... maya maya habang nakanta si Juris sa background ng Rubi, biglang may kumatok sa pinto... di ko alam ang gagawin ko pero, binuksan ko parin ang pinto... di ako nagkamali si Ed nga.
“bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko? Lampas sampu na yun ah! Saka akala ko ba magdu-duty ka?!” medyo mataas na boses niyang sabi sakin.
Di ko naman maiwasang mainis sa inasta niya kaya't tinaasan ko narin ang boses ko.
“ano ba kita? Boyfriend ba kita ha?!” sabay talikod sa kaniya.
Umupo ulit sa harapan ng TV at pinanood ulit si Rubi. lumapit siya sakin at humarang sa harapan ng TV, nang tignan ko siya ngumiti nanaman ng nakakaloko si gago...
“pwede ba, nananahimik ako dito at masayang nanonood ng Rubi! Kung gusto mong manggulo umalis ka na lang!” naiinis ko paring sabi sa kaniya.
Umupo siya sa tabi ko at umakbay, lumapit sa tenga ko ang labi niya at bumulong...
“ang cute mo paring mainis, di ako aalis dito hanggat di ka nakikipagusap sakin.” sinabi niya sakin with that effin bedroom voice.
Akala ko makakapag concentrate pa ako sa panood ng Rubi... pero siksik ng siksik si Ed sa tabi ko... parang batang nanlalambing... maya maya nang matapos na ang pinapanood ko pinatay ko ng ang TV napansin ko namang di na nangungulit si mokong kaya't tinignan ko siya... nakatulog pala ang kumag, at sa kakapalan ng mukha nakuha pang sumandal sakin... ginawa ko tumayo ako at hinayaan ko siyang bumagsak sa couch.
“kailangan ba talagang gawin yun?!” tanong niya sakin ng pagalit ulit.
“matutulog na ako, maaga pa ang pasok ko bukas... bukas na lang tayo magusap” sabi ko.
Nang binuksan ko ang front door para palabasin siya, nagulat ako kasi tumayo nga siya pero di para lumabas ng apartment, kundi para umakyat papunta sa kwarto ko.
“hephephep! San ka pupunta?” sabi ko habang humaharang sa hagdan.
“matutulog” matipid niyang sagot. halatang naiiinis parin sa ginawa kong kalokohan sa kaniya kanina.
“sabi ko matutulog na AKO, hindi ka kasama, bukas na tayo magusuap” pagpapaintindi ko sa kaniya...
“Oo nga, edi para makapagusap agad tayo bukas first thing in the morning...” sabay hubad ng t-shirt niya... “dito ako matutulog” pahabol niyang sabi at nagpakawala nanaman ng ngiting aso ang kumag.
“kakausapin kita bukas, basta umuwi ka na muna” pangungulit ko sa kaniya. naiinis na ako
“argggghhh!” sabay pisil niya sa pisngi ko “cute mo talaga mainis para kang bata”
“Ed, please, napapagod na ako, gusto ko ng matulog, maaga pa ako bukas” pagsusumamo ko sa kaniya “ayoko ng makipagkulitan sayo” pahabol ko pa
“edi wag ka ng makipagkulitan sakin... tara tulog na tayo” at hinatak niya ako papuntang kwarto.
Magkatabi kami, di ako makatulog... “parang tanga naman kasi tong si Ed eh!” isip isp ko... malamang puyat ako nito, aaning aning nanaman ako sa ospital nito...humarap siya sakin.
“Migs, usap tayo please?” bulong niya.
Gusto kong magtulog tulugan pero nang silipin niya ang mukha ko.
“alam kong di ka pa tulog, nakita na kita matulog... di nakaikom ang bibig mo pag natulog...” sabay tawa niya.
Pinaharap niya ako sa kaniya, ibinukas ang mga mata ko... para akong puppet... lahat ng ipagawa niya ginagawa ko.
“bakit ka biglang nawala noon sa birthday ni Cha?” tanong niya ulit with that damn bedroom voice.
“inaya na kasi akong umuwi ni...” at naalala ko nanaman si Jon... mali ito... napapikit ako...
Nahalata ni Ed na may iniinda akong sakit...
“kaya ka ba nagkakaganyan? Dahil kay Jon? Ano bang nangyari? Bakit di na siya dito umuuwi?” at di na ako nakasagot.
Napapikit na lang ako... naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa labi ko, maya maya unti unti nang nilalaro ni Ed ang dila ko... tumigil ako, humiwalay ako sa paghalik sa kaniya... “mali ito” sabi ko sa sarili ko...
“Ed?” bulong ko.
“hmmm?”
“pwede bang mag toothbrush ka muna, lasang sushi kasi ang bibig mo eh” at napatawa naman siya sa sinabi kong yun.
“dun sa banyo may stock ako ng toothbrush dun, magbukas ka nalang ng isa”
At tumayo siya at tumatawa papunta sa banyo... nang marinig kong sumara ang pinto ng banyo tumayo ako at inilock ang pinto ng kwarto ko... “mabuti narin to, para makatulog ako” isip isip ko... mga ilang minuto pa ay kumatok na si Ed sa pinto.
“that's very mature of you Mr. Miguel Salvador!” at narinig ko ang mga yabag ng paa niya papunta sa baba... sa wakas nakatulog din ako...
Pag gising ko kinaumagahan, laking gulat ko ng maabutan ko si Ed sa may kusina.
“a-anong ginagawa mo dito?! Akala ko umuwi ka na kagabi!”pasigaw kong sabi sa kaniya.
“Good Morning Miguel!, sige na kain ka na pinaghanda kita ng hotdog and scrambled egg tas may fried rice narin dun sa lamesa...” mahinahon niyang sabi
“akala ko umuwi ka na?! Umuwi ka na kasi!” sabay subo ng hotdog...
Infairness masarap siyang magluto ah, ang scrumbled egg at ang fried rice may ibang lasa.
“I was going to, kaso naalala ko na yung jeans at shirt ko nasa kwarto mo pa pala... e NILOCK mo nga yung pinto diba?! Alangan namang umuwi ako ng naka boxer shorts lang diba?” di na ako nakasagot... medyo sumasakit ata ang tiyan ko... napatakbo na ako sa CR...
Di ko na nga nailock ang pinto dahil sa sobrang pagmamadali pumunta sa CR.
“Woooh! Baho naman niyan Migs! Ilang buwan mo ba yan inimbak?! I would call work if I were you... mukhang matatagalan ka diyan eh” at inabot niya sakin ang telepono ko at ngumiting aso nanaman si kumag. Tapos nakita ko sa bulsa ng boxers niya ang gamot ko kapag sinusumpong ako ng constipation.
“anak ng...” nalang ang nasabi ko... at narinig ko ang tawa niyang nakakaloko...
Buti na lang at napakiusapan ko ang kasamahan ko sa ospital na mag relieve sakin... paglabas ko ng banyo, nakangiting gago nanaman si mokong.
“akala ko di ka tatablan...” pangaasar pa ng kumag.
“ayan, kumain ka ng maraming saging” inabot niya sakin ang isang piling
“I was thinking of sedating you, pero masyadong delikado” tawa na naman si mokong ng nakakaloko.
“now can we talk???” tanong niya sakin...
ITUTULOY!
No comments:
Post a Comment