Followers

Friday, September 17, 2010

Love at its Best 7

Love at its Best7
by: Migs

Maraming Salamat ulit kay kuya Mike sa pagpayag niyang magpost ako dito! :-)
_________________________________________________________________________________


LOVE AT ITS BEST7
by: Migs

Tumalikod ako sa salamin at humarap kay Ram, kinakabog man ang dibdib ko humarap parin ako, gusto kong pagmasdan ang mukha niya. Lumapit sakin si Ram at hinawakan ang mukha ko, hinawi ng kaunti ang buhok ko at ngumiti siya. Nangaakit. At hinawakan niya papalapit ang mukha ko sa mukha niya. Nagsalubong ang labi namin.

“Are you willing to go against all odds with me?” nangaakit na tanong ni Ram.


“yes” maikli kong sagot.


Paglabas namin pareho ni Ram ng CR sakto namang nakasalubong namin si Cha at Ed. Mukhang galit na galit si Ed samantalang si Cha naman ay nakangising gago.


“My God! Get a room!” naeskandalong sabi ni Ed.


“don't mind him, come here Ram baby at kwentuhan mo ako about yourself” at hinila na nga ni Cha si Ram papalayo.


After 2 months naging masaya naman kami ni Ram pero andun parin yung guilt, alam ko kasing may niloloko kami, alam ko hindi maganda yung ginagawa namin. Hangga't sa isang araw di ko na kinaya ang panloloko namin sa girlfriend ni Ram at napagpasyahan kong makipagkalas na kay Ram. Wala naman kaming napagusapan na kami na, pero mas maganda na rin yung alam niya yung rason kung bakit ako makikipagkalas. Habang nasa isang restaurant kami saka ako nagkalakas ng loob makipaghiwalay sa kaniya.


“What if I say no?” sabi ni Ram na medyo nangigilid na ang mga luha after saying na ayaw ko na sa ginagawa namin.


“excuse me?” takang tanong ko.


“pano kung di ako pumayag sa gusto mo? Infact di ako pumapayag sa gusto mong mangyari! Di mo ba nakikita? Mahal kita” sabi ni Ram na medyo tumataas na ang boses. Pinagtitinginan narin kami ng ibang tao sa restaurant.


“What about Lis? Do you love her too?” mahinang sabi ko.


“Yes.” at napayuko siya.


Tumayo ako at naglakad papalayo, papunta sa kotse ko. At nahirapan nanaman akong makahinga, nararamdaman ko na tinadyakan nanaman ako ni tadhana, pinapaalala siguro na hindi katagalan tinanong ko to kay Ed at mas pinili niya si Lei ngayon naman si Ram at mas pinili niya si Lis, di pa tapos sakin si Karma. Malapit na ako sa pinto papalabas nang nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko, si Ram pala napatingin ako sa kaniya at ngumiti.


“don't worry, ok lang ako... I've been rejected before” at ngumiti ulit ako pagkasabi ng mga salitang yun.


Lumuhod siya bigla, nagmakaawa di ko makuwa kung bakit, tinitigan ko siya, tumingala siya saglit at nagulat akong andaming lumalabas ng luha sa mga mata niya. Pinagtitinginan parin kami ng mga tao sa loob ng restaurant.


“di ko kaya na wala ka Migs, I promise to figure things out between us. Just don't leave me.”

Ang hirap pala, kahit anong dikta ng konsensya mo na mali ang ginagawa nyo basta't nagmakaawa ang isa at nangakong aayusin niya lahat ng mali sa relasyon niyo wala kang magagawa kundi ang magpadala dito. Totoo nga di ko siya natiis, pinagpatuloy ko parin ang pakikipagkita sa kaniya sa loob ulit ng dalawang buwan, wala man akong nakikitang pagbabago sa set up namin pinili ko parin makipagkita. Anong magagawa ko? Masaya ako pag kasama siya, panandalian kong nakakalimutan ang sakit na naramdaman ko noon kay Jon at Ed. Pero natinag din ng konsensya ko ang pagiging makasarili ko.


“what's wrong? Ginusto mo to diba? Bakit ka naiyak?”

Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa isang salamin, tumanaw ako sa bukas na pinto ng CR, sa kabilang kwarto andun si Ram nakahiga sa kama natutulog pagkatapos ang mainit naming pagniniig. “stupid!” sabay sampal ko sa sarili ko, di na ako natuto, being with Ram is like being with Ed, the only difference is, Ram acknowledged me while Ed turned me down pero kung susumahin mo at kahit san anggulo mo tignan pareho lang, pareho silang hitched, pareho nilang mahal ang mga karelasyon nila, kung tutuusin mas naging fair pa sakin si Ed kasi sinabi niyang di kami pwede dahil mahal niya si Lei, kay Ram kasi parang nagpapagamit ako... querida ang dating.


“kailangan ko nang tapusin to, hindi ako to” sabi ko sa sarili ko.


Nagbihis ako at umalis sa hotel na yun. Hindi na ako magpapadala sa pagiging makasarili ko siguro nga mahal ako ni Ram pero andyan parin si Lis.


“what made you see light?!” mataray na tanong sakin ni Cha.


“nakakamatay pala ang ma guilty” maikling sagot ko.

inuntog ako ni Cha sa pader.

“arayko Cha!...”


“Ay! Nasaktan ka? Akala ko hindi ka na masasaktan eh... tigas kasi ng ulo mo!” sigaw ni Cha.


Nung una pa lang kasi na sinabi ko kay Cha na may Girlfriend to si Ram ay di na niya ito gusto para sakin. Nung una Oo, botong boto si Cha kay Ram, pero nung malaman niyang may isang Lis na karelasyon si Ram, ayaw na niya rito. Ilang araw din kaming di nagusap para daw malaman ko kung anong mali ko.


“sinabi ko na kasi sayo dati, ikaw lang naman itong ayaw maniwala sa powers ng red lipstck ko eh, hindi lahat ng lalaking magcoconfess sayo na gusto ka nila eh dapat mong sunggaban, lalong lalo na kung mukhang sila mismo ay confused pa sa nararamdaman nila, hindi dapat na maging panakip butas mo sila o maging daan para may makalimutan ka, in the end sayo rin babalik lahat. Ikaw din ang mahihirapan.” seryosong sabi ni Cha.


Napaisip ako saglit. Tama ang bruha.


“oh e anong plano mo ngayon? Di mo manlang ba ieexplain kay Ram kung bakit ka biglang di nalang nagpakita at nagparamdam sa kaniya?” sabi ni Cha.


“di ko pa ata kaya makita at makausap si Ram.” maikli kong sagot.


“bahala ka, basta nasabihan na kita.”


Dumaan ang ilang linggo, sandamakmak na tawag at text ang natatanggap ko kay Ram, alam ko pag pumayag akong makipagusap sa kaniya at nakita ko kung pano siya ulit magmakaawa para wag siyang iwan, baka di ko nanaman kayanin at pumayag nanaman ako sa setup na yun, ayoko na ng ganung setup. Just to make myself busy minsan inaaya ko si Cha na lumabas, minsan todo asikaso ako sa business at madalas nagkukulong ako sa apartment.


“okay lang yan gurl!” sabi ni Cha. Isang araw habang nagiinom kami nang makita niya akong malungkot ulit.


“ok lang naman talaga eh, kailangan na kasi, pangit tignan na may tinatraydor kaming dalawa.” sagot ko naman sa kaniya.


“alam mo gurl nagtataka nga ako sayo eh, pinatagal mo pa, wala naman akong makitang special kay Ram, I mean, Oo gwapo pero the way he treats you? Wag kang magagalit ah? Parang parausan gurl! Di kaya ng Red lipstick at red stilletos ko ang makita ka ng ginaganun, I hate it!” pagiinarte nanaman ng baklang katabi ko.

Di ko naman mapigilang mapaisip, Oo nga walang kilig factor nung una siguro meron pero nung maglaon, wala na, walang wacky moments, ni hindi nga kami nag date, o lumabas para magenjoy siguro nga masyado lang akong nadala ng looks saka mangilanngilan na sweet talks.


“pero he begged for me to stay” sabi ko kay Cha


“oh? When?”


“two months ago” matipid kong sagot


Nasa ganito kaming paguusap ni Cha nang biglang dumating si Ed...


“aga aga namang inuman senssion nyan?!” pagpuna ni Ed sa mga bote ng beer sa lamesa namin ni Cha.


“Oh, kuya! Ano ginagawa mo dito?” sabi ni Cha na parang pinipigilang mapatawa.


“ahhh may pinapabili kasi si Mama ipadala ko raw... wait sino bang namatay?” at tinignan ako nito at ngumiti ng nakakagago


“Migs broke up with Ram” pangiinis na sagot naman ni Cha.


“Shut up! Hag!” inis kong sabi kay Cha.


“talaga?! I mean I'm sorry to hear that Migs pero bakit?” tanong ni Ed pinipigilan ang pagtawa.


“ay! Close tayo?! Akala ko ba may ipapadala ka pa kay Tita? Bakit kaya di mo na gawin yun?!” inis kong sagot.


“NA ipadala ko na, and besides parang gusto ko ring uminom ngayong hapon eh” sagot nito ng may pangiinis pang ngiti na kasama sabay upo sa pagitan namin ni Cha.


Di ko naman mapigilang sumaya kasama tong dalawang magkapatid dahil sa sobra nilang kakengkoyan, kung sino man sa kanila ang bumangka sa usapan naku sigurado paguusapan yun sa loob ng dalawang oras. Di ko rin mapigilang aminin sa sarili ko na namiss ko narin kasama si Ed. Tawanan, Kwentuhan at Pikunan yan ang nagpasaya ng gabi ko na yun.


“dapat lagi na natin tong gawin” mungkahi ni Cha.


“Oo nga para naman may magawa ako after office hours” sabat ni Ed


Tumahimik lang ako, di ko naman namalayan na nakatitig lang ang dalawa sakin, di ko kasi alam isasagot ko, syempre kahit papano nagaalangan parin ako na maksama si Ed pero syempre gusto ko rin para makalimutan ko naman na ang mga problema ko.


“HUY!” sigaw sakin ni Ed.


“ANO?!” sigaw ko naman sa kaniya.


“kanina pa namin iniintay ni Kuya ang sagot mo!” singit ni Cha.


“Ok lang sakin.” matipid kong sagot.


Una kada saturday ng gabi, ngayon halos gabi gabi na, minsan di matutuloy depende sa schedule namin ni Cha. Isang gabi pinaglaruan kami ng bruha...


“Oo, I'm on my way na may pupuntahan lang ako saglit.” sagot ni Cha sa tawag ko.


“tandaan mo bukas birthday ko lalabas pa tayo ah?! Wag mong ubusin yang gas mo! yan ang gagamiti natin bukas!” pagpapaalala ko kay Cha.


“Oo na! Mauna ka na dun sa MOA susunod ako.” sagot ni Cha.



Ako naman nagprepare na at pumunta na sa tambayan namin, pagdating ko andun na si Ed, medyo matagal na atang naghihintay at di na maganda ang tabas ng mukha, nakita ko sa lamesa nakadalawang bote na ng San Mig at inuubos na niya ang pangatlo, umupo ako sa tabi niya.


“bakit ang tagal niyo?! Nagmukha na akong tanga dito oh” singhal niya sakin pagkaupo ko. Napatingin rin ang mga nasa kabilang table.


“inintay ko pa kasi si Cha! Saka pwede ba hinaan mo yang boses mo nakakahiya!” medyo tinaas ko na rin boses ko.


“nasan na si Cha?!” tanong niya ulit sakin ng pagalit.


“on the way na raw! Ano bang problema mo??!!” ngayon pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao.


“excuse me po, we would really appreeciate it if you take your Lovers Quarrel outside nakakaistorbo na po kayo sa ibang customers” sabi ng manager.


“WHAT?!” sabay naming sabi ni Ed.


Pero hindi na kami nakapagpaliwanag, pinabayaran na lang nila yung mga nainom ni Ed. Pareho pa kaming nagpupuyos sa galit ni Ed na lumabas sa lugar na yun. Pareho kaming di nagsasalita, halatang pareho pa kaming inis na inis. Umupo kami sa isang bench sinulyapan ko siya nakakunot parin ang noo. Magpapasya na sana akong umuwi nang bigla siyang nagsasalita.


“didn't mean to shout at you like that, ayoko lang talagang nagiintay at nagmumukhang tanga” mahinahon pero may galit parin na sabi ni Ed.


“bakit di mo ako tinext? Pano kung di pala natuloy? Edi magdamag kang magiintay dito?!” naiinis ko paring sabi.


“sabi ni Cha matutuloy daw, ayaw naman kitang itext baka makulitan ka sakin” sabi ni Ed.


Kung hindi ko nakitang bumuka yung bibig ni Ed, di ko aakalaing siya yung nagsalita kasi, unang una atag na niya akong inisin tapos text lang makukulitan ako? Pangalawa kailan pa nahiya sakin ang isang Eduardo Sandoval? Nasa gitna ako ng pagiisip ng biglang mag ring ang phone ni Ed.


“What?! Hay nako Cha lagot ka samin ni Migs pag nakita ka nam...” at hiniwalay ni Ed ang telepono sa tenga niya


“bastos! Binabaan pa ako ng telepono.” galit na turan ni Ed sa telepono “di na raw siya makakapunta” sabi sakin ni Ed.


“So edi uwian na?” tanong ko.


“Di ah! Yoko pang umuwi no! wala akong makakausap dun” sabi ni Ed tas ngumiting nakakaloko ulit.


We ended up going home drunk, pero di kami yung tulad ng dati na nagkakailangan parin para kaming magkaibigan na nagkaaway tas nagkabati ulit, wala kaming usapan na hindi nauwi sa tawa.


“GGGGUUUUUURRRRLLLLL!” pagsagot ko sa tawag ni Cha kinaumagahan.


“Cha, ansakit sa ulo ng boses mo, bakit ba? Ang aga aga pa eh” sagot ko ng mahinahon sa kaniya.


At uminat inat ako, laking gulat ko ng may makapa ako sa kaliwa ko, bigla akong napatayo at nahulog ang telepono ko sa carpet... “Carpet! Walang carpet ang bahay ko!” sigaw ng isip ko nang tignan ko kung sino ang lalaking yun napa “WTF!?” ako sa sarili ko tinignan ko kung asan ako, di ko alam kung asan kami. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang Riles ng MRT napapikit ako at tinignan kung anong suot ko. Boxers lang at tumingin ako sa kinahihigaan ni Ed, laking gulat ko kasi nakahubad siya. Pinakalma ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim, pinulot ko ang telepono at nakipagusap ulit kay Cha.


“hello!... Hello!... BAKLA! Andyan ka pa ba?” sabi ni Cha ng pasigaw sa kabilang linya.


“andito pa ako, ano nga ulit yung tanong mo?” pagkumpirma sa tanong niya.


“Anong tanong pinagsasasabi mo dyan?! Para kang tanga!! sabi ko Happy Birthday!” at nagulat at natigilan ako sa sinabing yun ni Cha. Oo nga pala birthday ko ngayon.


“Mama prepared lunch for your birthday wag na tayong umalis dito na lang tayo sa bahay namin.” pahabol niya.


“o..okay I'll be there” maikli kong sagot


Di ko alam ang gagawin ko, tulala parin, para akong zombie na naglalakad hinanap ko ang damit ko at dali dali itong sinuot paminsan minsan ay sinusulyapan ko si Ed, walang kibo ang kumag, deadma parin ang gago. Nang makapag sapatos na ako at bababa na ako ng hagdan papuntang garahe...


“shit! Where's my car?!” sabi ko sa sarili ko


“you were so drunk last night...” nagulat ako kasi nasa likod ko na pala si Ed.


“...na di mo na kaya magdrive kaya sabi ko ihahatid na lang kita eh medyo inaantok nadin ako saka nahihilo kaya I looked for a place to sleep...” pahabol niya na medyo malungkot...


“intayin mo na ako, magbibihis lang ako tas hatid na kita sa bahay mo” pahabol niya ng di ako sumagot.

Back to zero nanaman kami, panigurado may nangyari kagabi, alam ko may nangyari naaalala ko lahat, yung malalambot niyang labi, mapupungay na mata, mga halik na punong puno ng emosyon, pakiramdam ng balat niya na dumadampi sa balat ko... last night was not just lust it was love making, para sakin. Pero ewan ko kung ano ang dating nun para sa kaniya.


Tahimik siyang bumaba ng hagdan at binuksan ang sasakyan, naiinis ako kasi kung kelan ok na samin lahat saka naman ulit rumesbak si tukso at nangyari na nga ang hindi dapat mangyari at ngayon eto nagkakailangan nanaman kami. Tahimik lang akong sumakay at umupo sa passenger seat nang makalabas na kami sa highway nakikipag tag-o-war parin ako sa seat belt, napansin niya siguro kaya itinabi niya muna yung sasakyan at tinanggal ang seatbelt niya saka iniabot ang akin.


“Tsk. Ganito kasi oh...” sabi niya na parang naiinis na natatawa


Di ko naman maiwasang kabahan ng dumaan ang mukha niya sa mukha ko at ng magkatitigan kami, feeling ko kami lang ang tao sa mundo tapos... biglang nag ring ang telepono niya. “Cha?” yun lang ang nasabi niya tas namatay na yung phone niya. dead batt daw. Tahimik ulit kami, halatang nagkakailangan. Akala ko saglit ko na lang siyang makakasama nang bumulaga samin ang isang major major traffic.


“So, you were planning to leave me there at the motel kanina?” nakakunot ang noo niya, halatang may hinanakit na pinipigilang lumabas.


Pangit nga siguro ang naging labas nun sa kaniya, nagmukha sigurong tatakasan ko siya. One night stand ang dating. Pero di ko rin kasi alam ang gagawin ko, alam ko namang di nga maganda na iwan siya sa motel mag isa pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi, ang alam ko lang nun gusto ko ng umalis. Pero ngayon kailangan kong magexplain, kasi kung hindi mas lalong magiging issue to samin, I know I hate confrontations pero wala akong magagawa.


“di ko kasi alam ang gagawin” mahina kong sagot nakatingin ako sa kanan ko sa may bintana.


“natatakot ako sa magiging reaksyon mo pag nagising ka” pahabol ko pa.


“so you think bailing out on me would be ok?” tanong niya na malungkot ulit.


Di ako nakasagot nakatingin parin ako sa may bintana. Para akong tanga malapit na akong magka stiff neck dahil sa kanan lang nakapaling ang ulo ko, di ko naman maiwasang mapamura sa isip ko at sisihin ang traffic. Di ako mapakali pag nararamdaman kong sakin naka tingin si Ed feeling ko hinuhusgahan niya ako. Pagkarating namin sa apartment ko inalok ko siyang bumaba muna pero tinanggihan niya ako.


“Ed, gusto ko lang sana magsorry, di ko naman talaga gustong iwan ka... naguguluhan lang ako saka...” di ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

“Ok na yun Migs, tapos na, wag mo nang isipin yun” at ngumiti na siya.


“Oo nga pala” pahabol niya “Last night was great” at kinindatan niya ako.


Inintay ko ang sasakyan na makaliko saka ako nagtatatalon sa kilig, pero di dapat, napgpapakatanga nanaman ako, nagpalipas lang siya ng libog kagabi, marahil para sakin makahulugan yung nangyari kagabi, pero hindi ako nakakasiguro sa nararamdaman niya tungkol dun.


“Bakit ngayon ka lang?! Kanina ka pa namin iniintay” sigaw sakin ni Cha pagkabukas niya ng pinto.


“Andami ko pa kasing inasikaso” sagot ko naman.


Pagpasok namin sa bahay ni Cha, nagulat ako sa dami ng tao halos lahat ng kakilala ko andun, akala ko kami kami lang nila Tita ang maglulunch. Kanya kanyang bati marami ang yumayakap, nakikipagusap may napansin ako sa gilid na lalaki, si Ed, ngumiti lang ito sakin at itinaas niya ang baso na hawak niya at tinanguan ko naman siya. Nang matapos ang lunch marami parin ang nakikipagusap sakin, ni hindi na ako magawang lapitan nila tita, Cha at Ed. Hanggang sa napansin ko na lang na wala na sa paligid si Ed.


“huy! Bakit kanina ka pa palinga linga dyan?!” panggulat na bati sakin ni Cha.


“ah, eh may hinahanap lang” sagot ko naman.


“sino? si kuya? Witit na siya here!” tanong niya sakin na may kasama pang taas ng kilay.


“di ah!” pagmaangmaangan ko.


“so? Tell me about the details” panghahamon sakin ni Cha.


“details ng ano?!” takang tanong ko.


“details about last night! I know you didn't come home last night... ” at isang malisyosong tingin ang binigay niya sakin. Nasa punto na ako ng pagdedeny ng ituloy niya ang sasabihin niya.


“and so as kuya.” pahabol niya.


“What?!” balik tanong ko sa kaniya.


“pati si kuya di umuwi kagabi. Honestly Migs natipus ka ba nung bata ka? At ngayon lang lumalabas ang symptoms ng brain damage sayo?!” at naniningkit na ang mata niya para mapaamin ako.


Di ko nakayanan ang magsinungaling kay Cha kaya't sinabi ko lahat lahat ng nangyari, di naman magkamayaw sa pagsesermon si Cha sakin. Umuwi ako nun na gulong gulo, alam ko tama si Cha.


“hindi hihiwalayan ni Lei si kuya at lalong di hihiwalayan ni kuya si Lei, natatakot ako para sayo, ayaw kitang masaktan Miguel” seryoso ang mukha ni Cha.


Paulit ulit lang yung sinabi na yun ni Cha sakin, parang echo. Halos magkanda bangga bangga na ako sa highway sa kakaisip nun. Siguro nga dapat alamin ko ulit ang limitasyon ko. May girlfriend si Ed, dapat nga siguro maging magkaibigan na lang kami tulad ng sinabi ni Cha.


Pagdating ko sa bahay, naligo ako, nag toothbrush at nagbukas ng TV. Ayoko ng lumabas tama ng birthday gift to sakin, tahimik na gabi. Biglang kumidlat at kumulog ng malakas, di nagtaggal bumuhos ang malakas na ulan. Nakatulog ako sa sofa. Nakita ko si Cha na nagsesermon parin sakin pero ang tunog na nalabas sa bibig niya ay ang tunog na parang may kumakatok sa isang pinto, palakas ng palakas hanggat sa napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Tinignan ko ang oras sa taas ng TV “11:50pm”. Nagtataka akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Si Ed...


“Happy Birthday Migs!” at ngumiti ito.


Napatitig ako sa kaniya, tumingin ako sa likod niya, ineexpect na asa likod si Lei, o kaya nasa sasakyan pero wala. Nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos nitong mokong nato. Pano ko maiiwasan o kaya pano ko maiseset ang limitasyon ko kung siya naman ang lapit ng lapit. Medyo napa tagal ata ang titig ko sa kaniya ng...


“tititigan mo lang ba ako o may balak kang papasukin ako?” di parin ako kumibo sa sinabi niyang yun...


“MIGS!, nababasa ako oh, lakas kaya ng ulan!” naiinis na sabi nito sakin.


“b-bakit ka andito?” takang tanong ko.


“di kasi kita masyadong nakausap kanina eh, di mo naman sinabi kaninang umaga na birthday mo pala. Tapos di kita makausap kanina sa paparty ni Cha sayo. di pa naman huli diba?” at ningitian niya ako.


Tumalikod siya at may kinutingting saglit.


“pikit ka muna Migs may surprise ako sayo” matipid na sabi niya.


Para akong bata na pumikit naman, syempre nagtataka parin.


“ano nanaman yan Ed!?” sabi ko.


“sige dilat ka na” bulong niya sa kanang tenga ko.


Pagdilat ko may cupcake sa harap ko na may isang maliit na kandila na nakatusok sa gitna ng kulay blue na Icing, di ko mapigilang mapangiti, tinignan ko ang orasan “11:58pm” di pa huli para sa wish. Pumikit ako at nagwish saglit pagdilat ko nakita ko si Ed lumapit sa tenga ko at bumulong...

“I don't know where I stand with you, and I don't know what I mean to you, all I know is everytime I'm thinking of you, all I wanna do is to be with you” pagka bulong niya nito ay tumingin siya sa mga mata ko habang palapit ng palapit ang mga labi niya sa labi ko.




“TOK TOK TOK TOK”


Pareho kaming nagulat ni Ed sa kalampag ng pinto. Binuksan ko ito at nagulat sa taong kumatok, si Ram. Basang basa ang Ram na nasa unahan ko.


“I broke up with Lis” mahinang sabi ni Ram.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails