WARNING:
This post contains explicit scenes which may not be suitable for readers under 18.
Walang sabi-sabing kinabig niya ako. Siniil ng halik. Mapusok. Nag-aalab. Naliyo ako. Tumitig sa kanya ng ako'y kanyang pakawalan. Ngiting-ngiti ang loko!“baliw ka!”“sa’yo lang, love.”Tinangka kong lumayo ngunit hinila niya akong muli.“what—umph!” hinagkan niya akong muli. Madiin. Matagal. Masuyo. Langhap ko ang malamyos na amoy ng kanyang pabango. Di na ako tumutol. Wala na akong magawa. Nagpaubaya.Nang medyo matauhan, pinilit ko siyang itulak. Ngunit mas lalo siyang naging mapusok. Pinasok ng kanyang dila ang aking bibig. Nawala ako sa sarili. Napakatagal na inasam. Tinugon ang halik. Nangatog ang katawan. Namukol ang harapan. Matigas. Mainit. Pumipintig. Kapwa habol ang hininga.Dahan-dahan niya akong binitawan. Lumaylay ang ilang hibla ng nagusot niyang buhok sa kanyang noo. ang ngiti niya ay kakaiba.“bati na tayo, ha?”
* * *
Ano nga ba ang dapat na isagot? Tumigil si Pol sa pagsusulat, tumayo, hinagilap ang cellphone, at nang makita’y lumabas sa silid. Tatawagan sana niya si Tonette nang tumunog ito.
“P-pol!”
“R-red!”
Ilang araw na ring di nagkikita sina Pol at Red. Iniwasan na niya ito mula noong huli silang nagpunta sa CCP.
“Galit ka ba?” Di sumagot si Pol. “Di mo pa rin ako napatawad.” Tahimik pa rin si Pol. “Magsalita ka naman, o.” Di pa rin siya nagsalita.
Anong sasabihin niya? Na nalilito siya? Na natatakot? Na hinalukay ng halik na pinagsaluhan nila ni Red ang mga nakatagong ala-ala?
“Murahin mo ako...Sumigaw ka...kahit ano....”
Anong sasabihin niya? Na napatawad na niya si Red? Na mahal pa rin niya ito?
“Hello?! Pol!”
“Y-yes....”
“Pol, I love you!”
“R-red...I am leaving tomorrow.”
“I love you!” mariing sabi ni Red. “At dama ko, mahal mo pa rin ako.”
“I’m leaving, Red. Hayaan na natin ang kahapon.”
“Fuck! Fuck!”
“Bye, Red.” Pinatay na ni Pol ang cellphone.
“Pol!!!” narinig niyang sigaw ni Red. Kinakalampag ang gate. Blag! Kraag! Thud! “Pol, talk to me!"
Bumukas ang ilaw sa silid ng tita ni Pol. Dali-daling binuksan ni Pol ang gate at siya ay lumabas. Nakakurbata pa si Red. Mukhang galing pa sa opisina. Ngunit gusot ang buhok. Namumula ang mga mata. Amoy-alak. Nasa lupa ang cellphone, watak-watak. Hinawakan ni Red si Pol.
“Please, let’s talk.”
“Not here.”
Hinila ni Red si Pol patungo sa pulang BMW nito. Pinasakay. Tumingin muna ito ng matiim kay Pol bago pinaandar ang kotse. Tinalunton nila ang daan patungo sa pad ni Red. Tahimik silang pareho. Manaka-naka’y magkahulihan ng tingin sa salamin. Nang di na matiis ang katahimikan ay pinatugtog ni Pol ang radio. Umalingawnagaw ang tinig ni Regine.
...kailangan ko’y ikaw sa bawat sandali, kailangan ko ang yakap mo at iyong halik...
Pinatay ni Pol ang radio. Dumating sila sa pad ni Red na hindi nag-iimikan.
“Pasok.” Binuhay ni Red ang steel lamp sa side table. Tinanggal ang kurbata. Niluwagan ang kuwelyo. Pumunta ito sa cd player at pinatugtog ang isang awitin. Pumailanlang ang tinig ni Ogie.
...sa piling mo lang nadarama ang tunay na pagsinta, pag yakap kita ng mahigpit parang ako’y nasa langit...
Nilapitan ni Red si Pol at maingat, buong suyo niya itong ikinulong sa mga bisig.
“Puwede ba tayong sumayaw?”
Tumango si Pol. Niyakap siya ni Red at nagsimula silang umindayog. Sinasabayan ni Red ang awit. “...kailangan kita, ngayon at kailanman. Kailangan mong malaman na ikaw lamang ang tunay kong minamahal...” Tumigil ito sa pagkanta at tumitig kay Pol. Matiim. Tagos sa puso. Nangungusap ang mga mata. Humigpit ang yakap nito.
“P-Pol...you can’t leave. I-I can’t let you leave,” anito sa garalgal na tinig.
“Red....”
“Bahagi ka na ng pagkatao ko.”
...kailangan kita, ngayon at kailanman...
“Gusto mo pakasal tayo?”
“Are you crazy?”
“Matagal na....” Inihilig ni Red ang ulo ni Pol sa kanyang balikat.
...ang tangi kong hiling ay makapiling ka lagi...
Tumigil si Red sa pagsasayaw.
“Napatawad mo na ba ako?”
Tumitig si Pol kay Red. Nakita niya ang pagsusumamo sa mga mata nito. Tama na siguro ang pagtatago. Panahon na para lumaya. Tumango si Pol.
...kailangan kita ngayon at kailanman....
* * *
Epilogo
“i love you.”“i love you, too.” Naghinang ang aming mga labi. Nagsimulang naglumikot an gaming mga kamay. Pinabayaan naming an gaming mga katawan ang mag-usap.Magkayakap. Kapawa hubad ang pagal na mga katawan. Buong ingat akong bumangon upang di magising ang katabi. Pinulot ang damit na nagkalat at nagbihis. Muli ko siyang sinulyapan. Buong himbing pa rin siyang natutulog. Humakbang na ako palabas ng silid. Ipininid ng buong ingat ang pinto.
* * *
Pinatay ni Pol ang laptop pagkatapos ma-i-save ang sinulat. Tumingin siya sa bintanang salamin at pinanood ang mga ulap sa papawirin. Tila walang hanggan ang kalawakan.
“Goodbye, Red....”
Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Ay bakit tapos na sir mike... ahhh nabitin ako... excellent story... nahulog yong puso ko... maganda yong style ng pagkasulat... sana may karugtong... thank you once again i enjoy reading this story...
ReplyDelete