email: james.wood86@yahoo.com
blogsite: akosijamesw.blogspot.com
Maraming Salamat sa walang sawang pagtangkilik sa aking istorya (parang teleserye hahaha)
Salamat kina...
White Pal, hindi naman, actually kayo ang dapat pasalamatan kasi napapasaya nyo ako sa pag aapreciate ng gawa ko.
Marqee, sana nga happiness until the end ang kahitnannan ng kwento.
Chronodriller, salamat sa pagtangkilik at pagpapalakas ng loob.
Kuya Mike sa kaunaunahang pagkakataon ay nagkumento sa istorya ko, malaking bagay po ito para sa akin. Thanks. Pasensya na sa childish thing naming ni “bleep” nung nakaraan sa Chat box, hehehe...
Darkboy13, No problem in Arabic “mafe mushkilla” , salamat sa pagbabasa... eto na yung next... salamat...
Royvan, your always welcome, mwah mwah din... biro lang... lol
And last but not the least salamat ulit Kuya Mike, ang hot ng scene sa Utol and chatmate part 11 ha...lol... whew...
Gaya na pangako ko, after three days ko isusunod ang chapter 4, kaya eto na... Guys may nagcomment sa akin last time, sabi nya naliliitan daw sya sa font, but for me the font is ok, so in that case if you have problem with the size of the font, you can just click CTRL+ MOUSE SCROLL (kung naka desktop) Click VIEW and ZOOM-IN (kung naka laptop) and it will automatically resize what font size suits for you... ENJOY...
CHAPTER FOUR...
ANG NAKARAAN...
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Mahal ko na siya. Hindi sya matanggal sa isip ko kahit anung pilit ang gawin ko. Mahirap magmahal sa tulad niya. Straight si Nick. Hindi nya ako maiintindihan. Humahagulhol na ako... Hanggang hindi ko namalayan nakatulog na ako sa lungkot.
PAGPAPATULOY...
KINABUKASAN...
Paglabas na ako ng gate ng bahay ay may HI-ACE Van na kulay puti sa labas ng gate. Biglang binaba ni Nick ang tinted na bintana na sya kong kinagulat. Sya na naman.
NICK: “Hurry up, Late na tayo...”
AKO: “Huh? Nick?, ok lang namang tumulong ka. Pero araw arawin mo ba ang pag sundo sa akin? Baka mamihasa ako nyan.. At saka hindi na kita iiwasan.”
Biglang bukas ng pinto sa likod ng Van at sumabat si Pau sa usapan na sya kong kinagulat.
PAULO: “Hindi ka na namin iiwasan, hahaha”
AKO: “Best?”
PAULO: “Halika na Best , ang dami mo pang sinasabi eh... baka magbago pa ang isip ni Nick, sige ka iwanan ka namin.”
Aba at ang Paulong ito, hindi na nahiya, at iiwanan pa daw ako. Anu pa bang magagawa ko. E di sumakay na ako kay Nick este sa kotse ni Nick. As usual sa unahan ako umupo, bakante eh, ayoko namang gawing driver si gwapo.
AKO: “Ilan pa ba ang kotse mo? Baka bukas limousine naman ang nakaparada sa gate namin.”
NICK: “Hahaha....Actually I have 2, one blue Honda and the black yesterday.”
AKO: “Kanino naman tong gamit mo?”
NICK: “This had just given by my grandmom, Birthday nya kasi and I just try the condition of this one if it is good.”
AKO: “Baligtad yata, diba dapat ikaw mag regalo?”
NICK: “Ya, I already sent my gift to her, pero dahil sa sila ang nagpalaki sa akin, kaya ako ang naging paborito nilang apo...”
Ayus ah. iba talaga pag walang paglagyan ng pera.
NICK: “Paulo, are you ok?”
PAULO: “Yeeaah, shure...” mukhang namumuwalan ata at may kinakain ang mokong...
Kumakain sya ng grapes, kay Nick yata yun.
AKO: “Best sayo ba yan?”
NICK: “It’s fine, binili ko yan para sa atin”
PAULO: “Si Nick kaya ang nagbigay sa akin nito.”
Haysss. Si paulo talaga, basta pruuuutassssss.
PAULO: “Best, o eto sayo”
AKO: “Mamaya na best, busog pa ako, nag breakfast ako”
NICK: “So, What do you prefer most among the three?” Ang sabat nya
AKO: “Ha?”
NICK: “What do you like most, for us to use?”
AKO: “A.E. Kahit ano, hindi naman ako mapili sa sasakyan, saka Nick, wag mo na kaming sunduin ok. Tama na yung magkakaibigan tayo. Hindi ka naman namin school service driver”
Biglang tumahimik si Nick. Mukhang nalungkot sya ...Pinakiramdaman ko muna
AKO: “Sorry Nick. I didn’t mean to say that, ang sinasabi ko lang, kaya naman namin ni Pau na pumunta ng school, baka maabala ka pa namin, tignan mo maaga kang gumigising para lang sunduin kami” Paliwanag ko.
NICK: “I’m happy of doing this” malungkot parin sya...
Ok.
AKO: “O sige na nga, payag na ako... pero sabihin mo lang pag nahihirapan kana, ok lang sa amin”
Ngumiti na sya ng ubod tamis.
PAU: “Alright”
NICK: “So tell me, Anung gusto nyong gamitin natin?”
Seryoso talaga sya sa tanong nya, ako naman kahit anu, dati nga tricycle lang ang sinasakyan ko, kontento na ko dun.
AKO: “Kahit anu, basta yung me gas para hindi tayo tumirik, ok?”
NICK: “Hahaha. Crazy, but cute. Ok” Pag smile nya.
NICK: “Guys, informed your parents that they are also invited in my Grandmom’s birthday celebration”
AKO at PAULO: “Ok sige” tawanan kaming tatlo...
PAPUNTA SA LUGAR NG MGA SALVADOR... (9 Pm)
Sinundo kami ni Nick, pero hindi nakasama ang mga magulang namin ni Pau at si Linet, kaya kami lang dalawa ni Pau ang dumalo sa pagdiriwang. Nakangiti lang si Nick habang tinitignan nya akong manghang mangha sa lugar nila. Kailangan talagang baybayin ang daan mula gate papunta sa mismong bahay nila dahil sa kalakihan ng lupa ng kanilang angkan. Madadaanan mo ang maraming mga puno na hitik na hitik sa bunga, mga rantso ng mga kabayo at mga baka, ang manukan at iba pang alagang mga hayop...
May nadaanan ding kaming maliit na golf course na libangan daw ng kanyang ama at mga kapatid nito.
Meron pang Orkidaryum at lahat halos ng magagandang uri ng halaman at bulaklak ay nakatanim sa hacienda ng mga Salvador.
15 minuto yata naming tinahak ang daan mula gate hanggang sa bahay mismo. At ang bahay, parang palasyo. Ang daming sasakyan sa kanilang malawak na parking area. May natanaw pa akong swimming pool sa may bandang likod ng bahay. Mayaman talaga sina Nick, Hindi lang dahil sa Gobernador ang Tiyuhin niya kundi talagang mayaman na ang angkan nila noon pa. Noon ko nasukat kung gaano kalaki ang agwat namin ni Nick. Alam ko, iyon din ang nasa isip ni Pau.
AKO: “Wow ang ganda pala ng lugar nyo. Bukana palang pwedi ka nang mamalengke dahil sa dami ng prutas at gulay isama mo pa ang mga baka at manok.”
Tumawa na naman si Nick ng ubod lakas, wala syang pakialam kung may makarinig. Natawa naman kami ni Pau sa reaksyon nya.Napatingin ako sa suot ko, naka short sleeve polo (pink checkered “jejemon talaga ang dating”) at white pants at converse shoes ako, ganun din ang style ni Pau, naka white short sleeve polo at jeans at black shoes naman sya. Naisip ko baka pormal na pormal ang mga dadalo, baka naka amerikana sila at naka gown naman ang mga kababaihan. Tapos kami nakaganito lang.
Si Nick talaga. Sabi kahit anu daw isuot, ok lang daw. Sya naman naka Spring Field pink polo shirt na bumagay sa kanyang malaking chest at very flat stomach. At may white chaleco at fitted jeans na nakalabas ang belt...at Nike shoes... Mapapalunok ka pag nakita mo lalo na yung bumubukol hahahaha... sasabayan pa ng nakakatunaw na ngiti. At dimples.
Bahala na kung anung madatnan namin. Pero mukhang walang mga bisita at tahimik ang paligid. Nang makababa na kami ng sasakyan ay tinanong ko si Nick kung bakit mukhang walang selebrasyon. Sinabi nya na mga kamaganak lang at pinakamalalapit na kaibigan ang naroroon. Kinabahan lalo ako baka nandoon ang mga barkada ni Nick. At lalo na ang girlfriend nya.
Nasaan nga pala ang girlfriend nya. Bakit hindi ko na nakikitang kasama nya ito. Pagsinusundo kami ni Pau bakit hindi ang girlfriend nya ang sinusundo nya. Saka ko nalang itatanong. Dinala kami ni Nick sa likod ng palasyo. At naroon pala ang handaan, white siguro ang motif dahil mapa mesa at silya ay puti pati balloons at stage ay nadedekurasyunan ng puti. Na may nakalagay na malaking Sign Board na “Happy Birthday Ms. Gregoria Salvador”.
Ang mga Coconut Tree at Palm Tree ay pinalibutan ng Puting tela at alagang alaga ang Bermuda grass. Tiningnan ko ang suot ko at naka white pants naman ako. Si pau naka puti polo. Pero naka white lahat ang mga tao.
Sobrang ganda ng paligid, simple lang. Pero sobrang kaakit-akit. Mahahalata mo talagang mayayaman. Maraming table na may habong na puti at nagsisimula nang kumain ang mga tao. Nag se-serve na sa mga guest ng mga pagkain at umaalingaw-ngaw na ang mga tutugin na Jazz. Napaka elegante ng nakikita ko.Hinawakan ni Nick ang kamay ko at dinala kami sa isang table kung saan naroon ang dalawang matanda na nasa edad 38-42. Hinawakan ko naman ang kamay ni Pau para hindi sya mawala sa paningin ko.
NICK: “Dad, Mom, I’m here” bati nya, sila pala ang magulang nya. At humalik si Nick sa pisngi ng mga magulang.
MR. SALVADOR: “My son, why you’re late? Kanina kapa namin hinahanap ng mama mo, si Ken kanina kapa hinahanap ng pinsan mo.” Pag aalala ng daddy nya.
Nakonsensya naman ako dahil kami ang dahilan kung bakit nalate si Nick. Si Pau kasi ang tagal magbihis.
NICK: “ Sorry po, cars almost not moving, heavy traffic Dad.”
Oo nga traffic nga din pala...
NICK: “ Mom, Dad, I’d like you to meet, Jake Garcia and Paulo Rosales my new bestfriends, Jake, Pau, meet Mrs. Glenda Salvador and Mr. Roman Salvador my parents”
AKO: “Nice to meet you Ma’am Glenda” Sabay kamay ko sa ginang, ang ganda ng kutis ng mama ni Nick, mamula mula na kapag hinawakan mo ay parang magsusugat agad at magdurugo dahil sa kaselanan ng kutis. Dito nakuha ni Nick ang kanyang labi at dimples.
MRS. SALVADOR: “ Nice to meet you iho... Sabay beso sa akin” na syang kinagulat ko, ganun pala yun kailangan hahalik sa pisngi.
MRS. SALVADOR: “Ang cute naman ng batang ito” nakangiti na ang ginang.
AKO: “Nice to meet you Sir Roman” Ang gwapo ng papa ni Nick dito nya nakuha ang malamlam na mga mata. Matangos na ilong. At matipunong pangangatawan, siguro nag gy -gym ito. Akala ko bebeso din ako. Shake hands lang pala. Buti nalang magaling akong makiramdam.
MR. SALVADOR: “Nice to meet you Jake.” Nakangiti din sa akin. Si Nick ang nakikita ko pag nakatingin ako sa mga mata ni Sir Roman...
PAULO: “Nice to meet you Ma’am Glenda” Beso din sila..
MRS. SALVADOR: “Nice to meet you iho. Naku nakakatuwa naman tong mga kaibigan mo Nick, gwapo na, magagalang pa. Dito mo na sila paupuin at nang makasalo namin. Kami lang kasi ng papa mo dito.”
Natawa si Nick sa reaksyon ng mga magulang niya, ako man ay nagagalak sa mainit na pag tanggap ng mga Salvador at makakasalo pa namin sa isang mesa ang isa sa mga tinitingalang angkan sa Davao.
MRS. SALVADOR: “Mga iho wag nyo na kaming tawaging Ma’am at Sir, just Tita and Tito, ok?” Tumango nalang kaming dalawa at naka ngiti rin ang papa ni Nick bilang pagsangayon.
MRS. SALVADOR: “Mga Iho, San ba kayo nakilala ng anak ko.” Malumanay na tanong ni Tita. Feeling close.
NICK: “Ma, Pa there are also my classmates.”
MR. SALVADOR: “Alam nyo mga iho, ngayon lang si Nick nagdala ng kaklase dito sa bahay, nagtataka nga kami bakit di sya nag-iinvite dati, wala naman syang sinasagot sa amin, nagulat nalang kami at maaga nang pumapasok at may susunduin pa daw syang kaklase, at laging masaya. Kayo pala yun” napangiti naman ako sa balitang iyon ni tito Roman.
MRS. SALVADOR: “Kayo pala yung kinukwento nyang mga Scholar. Bilib ako sa mga katulad nyo. Atleast you are prioritizing your futures.” Ang naka ngiting sagot ng ginang...
Marami pa kaming napagkwentuhan, dito din pala sa davao nag kinder si Nick at sumunod nalang sa Australia nung mag-e-elementary na sya. Makwela ang mag asawa at tawa kami ng tawa ni Pau sa mga kwento nila sa ginagawa ni Nick nung bata pa sya. Minsan daw ay natuwa itong kumuha ng kawad at sinundot ang sasaksakan ng kuryente, nakita nalang ito ng mama nito na biglang inalis ang kamay at naupo sa sofa at tumahimik. Hindi nalang kumibo ang mama nya dahil alam nito na nakuryente si Nick at simula noon ay hindi na nito inulit ang pagkalikot sa mga saksakan ng kuryente, kaya tawanan ulit kami.
MR. SALVADOR: “Eto pa, Takot din si Nick sa gagamba, kaya pag ayaw nyang kumain ng gulay ay sasabihan lang ni yaya na me big spider na lalapit sa kanya pag unhealthy siya at kaagad na mapapapayag mo na itong kumain ng gulay.”
NICK: “Thank you Dad, thank you so much” Kakamot kamot sya ng ulo.
Nahihiya man si Nick dahil siya ang topic pero masaya sya. Iba ang ning ning sa mga mata nya.
LALAKI: “O Nick insan, musta na asan ka ba kanina? Punta ka naman dun sa table namin. Hinahanap ka ni Angela at ni Kiko”
Angela? Baka sya yung girlfriend ni Nick. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Basta hindi ako komportable ng oras na iyon.
NICK: “OK, Guys, wanna join me there?”
PAULO: “Yeah, Tapos na kami. tita, tito, ok lang po ba sama muna kami kay Nick”
NICK: “You don’t need to worry about them, diba Pa?”
MR. SALVADOR: “Sige lang mga iho ng makilala nyo ang mga pamangkin ko”
PAULO: “Sige po doon muna po kami”
SA TABLE NINA KEN...
KEN: “Ah guys, mga kaibigan ni Nick, si...” Sabay akbay at tingin sa akin tanda ng hindi pa nya alam ang pangalan ko.
AKO: “I’m Jake Garcia” kahit nagulat sa reaksyon ni Ken ay nakasagot naman ako ng maayos.
KEN: “Sya naman si...” tingin naman kay Paulo na hindi parin inaaalis ang pagkakaakabay sa akin.
PAULO: “I’m Paulo Rosales” sabay ngiti ni Pau.
KEN: “Jake, Pau this is Leo, Kiko, Angela and Justin our cousins” Lahat ay ngumiti at tumango at ang iba naman ay nagtaas ng kamay bilang pagbati.
Cousins naman pala. Biglang umayos na ang pakiramdam ko. Lumapit bigla si Nick at inakbayan ako at hinila, na sya namang naging dahilan ng pagkakabitaw ni Ken sa pagkakaakbay nya sa akin. Inalalayan nya akong makaupo sa silya.
NICK: “Pau come here, dito tayo.” Seryoso ang mukha ni Nick, bigla nagbago ang mood,bakit kaya.
Nagulat kami ni Ken pero ngumiti nlang sa akin si Ken. Kaya ngumiti nalang din ako. Huling naupo si Ken sa tabi ng ngingisi-ngising si Pau. Parang me alam ang mokong na hindi sinasabi sa akin.
Justin: “Gusto nyo ng salad, nag desert naba kayo?” Tanong sa aming dalawa ni Paulo.
Sasagot sana ako ng hindi pero...
PAULO: “Sige, mahilig ako jan” Talaga tong si Pau basta prutas.
Angela: “Ikaw Jake anung gusto mo, may leche plan pa dito” Wala akong masabi sa pamilya Salvador lahat may disiplina at marunong makitungo sa mga bisita sinuman ito.
NICK: “Try this leche plan, taste so great” Pag aasikaso sa akin ni Nick, inabutan din nya si Pau.
KEN: “Where is mine?”
NICK: “Serve yourself Cuz”
KEN: “Ang init naman ng ulo mo?”
Di na napigilan nina Leo, Justin, Angela, at Kiko ang pag tawa. Nakitawa na rin kami ni Pau.
KIKO: “Nick is always be Nick. Ang kanya, kanya lang kasi, wag kasing aagawan.”
LEO, ANGELA & JUSTIN: “Absolutely.” Sabay tawanan sila, nagtinginan nalang kami ni Pau at si Ken naman ay nagkamot nalang ng ulo nya.
Anu kayang ibig sabihin ni Kiko dun. Marami pa akong nalaman tungkol kay Nick, mabait ang mga pinsan nya, pinakilala din kami ni Nick sa mga tito at tita nya. Hinanap ko si Gov., pero wala daw at busy daw ito sa mga meeting sa ibang lugar.
Matapos ang handaan ay nag paalam na rin kami ni Pau sa mga kamag-anak ni Nick, hiningi ni Ken ang number ko at binigay ko naman at nakita yun ni Pau at ngumiti lang ng makahulugan na para sa akin wala lang iyon. Nag pasalamat narin kami sa tito at tita at mga magulang ni Nick, at sinabi na wala kaming dalang regalo at pag pasensyahan nalang pero ang sabi ng mga magulang nya ay wala naman daw sa bansa ang lola ni Nick kaya walang problema at naiintindihan nila, ang mahalaga daw sa kanila ay ang pagiging masaya ng kaisa-isang anak nila.
Hinatid na kami ni Nick at syempre unang ihahatid si Pau pagkatapos ako. Alas 11pm na nang makarating kami sa bukana ng bahay. Nagpasalamat ako sa kanya at sinabi kong masaya akong nakilala ko ang pamilya nya, sinabi ko sa kanya na kung dati kilala sila sa bayan dahil sa pangalan, ngayon di ko lang sila kilala kundi ginagalang ko ang kanyang pamilya dahil sa pagiging mabuting kapwa ng mga ito.
NICK: “Thank you for the beautiful night. I’m glad my parents like you.”
AKO: “Ha?”
NICK: “I mean you and Paulo as my bestfriends”
AKO: “Ah ok...salamat din. Sige pasok na ako sa loob para makauwi kana at may pasok pa tayo bukas.”
Nagulat nalang ako bigla akong niyakap ni Nick at sabay...
ITUTULOY...
Attention: I want to invite all the readers to share their thoughts, ideas problems and emotions in relationship on the forum in my blog, I just want to hear your side and let me share my advices to you, by means of this we can expand our mental understanding of what we encountered ,encountering and will be encounter. The name of the forum is : “Let’s DEEPEN our THOUGHTS”
thank u s pag shre ng story n ito. naaliw ako at nbbwasan ang klungkutan ko. slamat kuya.
ReplyDelete0309