Followers

Wednesday, September 15, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHAPTER - 1

By: James W
email: james.wood86@yahoo.com
blogsite:
akosijamesw.blogspot.com



Una sa lahat Thank you kuya Mike for allowing me to be a part of your blog...


Para naman sa lahat ng fans ni kuya Mike...

SANA magustuhan nyo ang very first story ko...




CHAPTER ONE...


Malamlam ang ilaw sa isang tahimik at malamig na pasilyo... nakaupo ako katabi ang Best ko, gabi gabi nya akong  sinasamahan.

Isang linggo na rin akong walang tamang tulog, wala akong kinakain pero hindi ako makaramdam ng gutom.

Manhid na ang buong katawan ko...

Hindi pala lahat... May isa pang parte ng katawan ko ang nanatiling nakakaramdam ng sakit...
Ang puso... 

Ayaw pa nyang sumuko... 

Ramdam ko parin ang hinagpis nito. Hanggang kailan kita iintayin. Wala na akong lakas. Hindi ko na alam kung saan ako hihingi ng tulong...

Pero nagpapakatatag ako... dahil ito ang sumpaan namin ni NICK... saan nga ba kami nagsimula...



----------------------------------------------

NICK: “Come on, hurry up. Malapit ng umulan oh...”  Sakay sa kanyang Honda Civic na kulay Asul. 

AKO: “Sobrang gwapo nya talaga”, Ang bulong ko ...

Suot nya ngayon ang kulay pulang polo shirt na may puting kwelyo, at naka faded jeans pa at sapatos na lacoste white and green combination.  

 Maputi sya dati pero ngayon kulay “tan” na sya... marahil sa pagkahilig nito sa pagpunta sa dagat para mag surfing o sa bundok para mag mountain climbing.

Pero hindi parin maitatago ang mapupula nyang pisngi at ang tinatawag sa english na “kissable lips”. (Yun yun eh, hehehe) May dimples pa...

Hindi sya sobrang maskulado pero, fit ang katawan nya malaki ang chest at flat stomach. (Ammpt...)
Wala syang kahawig na artista pero maihahanay sya sa mga models, hunks, o  Mr. Davao 2010, nakadadag ng appeal ang height nya na  6”1’ ...

Nakita nya akong naglalakad papunta  sa paradahan ng Traysikel papasok sa Campus.
Sabado nun at me praktis kami nang mga gaganap para sa pagtatanghal sa susunod na buwan, kaya naka “civilian”(hindi naka school uniform) kami.

Madilim ang kaulapan at ang lakas ng ihip ng hangin,    nililipad ang mga dahon ng mga puno sa Kalsada.  Mukhang babagyo pero wala namang “forecast”.

Pero kahit mukhang mas masarap sumakay sa kanyang kotse eh mas nanaig ang desisyon kong mag traysikel nalang.

 Hindi talaga ako magkaroon ng lakas ng loob na maging malapit sa kanya.

Siya si Nick Salvador, 21 taong gulang.
Pamangkin sya ng Governor sa  lugar namin, at kami ay pangkaraniwang bahagi lang ng lipunan.

Mayaman ang mga angkan nila at kami eh mahirap lang (me ganung factor).

Kami ng nanay ko kasama ang isa kong kapatid na babae ay simple lang ang pamumuhay dito sa lungsod ng Davao.

Wala na ang tatay...
Nung ako ay nasa ika tatlong baitang ng elementarya ay pumanaw na sya at ang kapatid kong babae at si nanay nalang ang pamilya ko.

Ako si Jake Garcia, 21 taong gulang.
 Ako ang panganay at nasa ikatlong baitang sa kolehiyo, sa isang Pamantasan na sya ring pinapasukan ni Nick...

Sa isang taon ay ang aking pagtatapos sa kolehiyo. Kung loloobin ni “Bro”...

Pero mahusay si nanay, marami syang pinagkakakitaan at magaling ang estratehiya nya sa mga bagay bagay kaya naman nakakaraos kami sa mga pangangailangan.

Letty Garcia ang pangalan ni Nanay nasa 45 na sya, pero malakas na malakas ang pangangatawan.
Wala namang problema sa pagaaral ko dahil scholar ako.

Kaya ang pinag kakagastusan lang namin ay ang pagkain sa araw araw, allowance naming magkapatid at iba pang bayarin sa bahay, tulad ng kuryente at tubig.

Ang iba ay iniipon nalang ni nanay para daw kung sakaling mangailangan daw kami eh meron kaming madudukot.
Yun ang agwat namin ni Nick. Alam ko mabait sya pero ewan ko ba, basta ilang ako sa mga katulad niya.

Parang hindi ko kayang makisabay sa kanya, sa mga bagay na hilig nya ay naiiba sa mga bagay na nakahiligan ko, iba ang pamumuhay nila at namin...

Mahilig syang mag surfing, diving at mountain climbing.

Bakit ko alam,
 dahil niyaya na nya ako minsan.
Iba din ang mga lagi nyang kasamang barkada, lahat ika nga eh nasa “alta sociedad” o angat sa lipunan.

Bakit ko na naman alam,
kasi nga pag may programa sa bayan at ang kakatawan sa pambungad na pagsasalita ay si Governor Salvador, makikita ko ang sasakyan nya na parating at sabay magdadatingan ang iba pang magagarang sasakyan at pagkababa sa sasakyan ay sila sila ang magkakasama na uupo sa inihandang upuan para sa mga kamag anakan ng Gobernador.

Pero lagi nya ako nakikita sa loob ng campus. Naaaliw naman ako na napapansin nya ako.

Alam ko me itsura ako at maputi ako at cute, (kapal... hehehe) sabi nila yun, hindi ako.

Lagi syang lumalapit sa akin pag nagrereview ako sa ilalim ng puno, o kaya sa bench sa loob ng campus, o kaya sa canteen o sa library.
Mag “wazz-up” sya sa akin o kaya, “what’s new”,“how are you dude?” , “How are you doing?”, “Are you ok?” . Yaan ang mga bungad nya sa akin.

 Lumaki kasi sa Australia kaya englisero. Pero marunong ding magtagalog at marunong makaintindi ng tagalog. 

Mangangamusta lang sya... Iimbitahan ako sa ganitong lugar...

 Pero laging isa ang patutunguhan ng sagot ko, “Next tym nalang”, “ Me gagawin pa ako”, “Me pupuntahan pa kami ng nanay”. At marami pang ibang kapanipaniwalang dahilan.(Pakipot ba hehehe) .

Hindi ko talaga kayang dumikit sa kanya, yun eh hindi dahil sa mayabang sya kasi hindi naman talaga. Sya pa nga itong laging nauunang mangungumusta.

 Pero dahil siguro lumaki akong ganito. Iba ang mundo kesa sa kanya. Kaya naiilang ako.
Ang nakakapagtaka sa aming magkakaklase, ako ang madalas nyang nilalapitan. Nag iimagine nalang ako na me gusto sya sa akin... ( yun yun eh, hehehe) Pero malabong mangyari ang iniisip ko.

Sobrang straight looking si Nick at ang dami nyang naging girlfriend sa campus kaya malabong magkagusto sya sa kapwa lalaki. Ang nasa isip ko lang eh gusto nyang makipag kaibigan.

Kahit abot langit ang pagka crush ko sa taong yun, hindi ko parin maibigay sa kanya kahit man lang pakikipag kaibigan.(kasi more than pa doon ang gusto kong ibigay, hehehehe)...

Hindi ko naman magawang itanong kung bakit sya laging dikit ng dikit, baka maging iba ang dating sa kanya at mapahiya sakin, Sobrang bait pa naman nung tao. Kaya hina hayaan ko nalang.

Magulo ang nararamdaman ko... Lagi ko syang hinahanap , pero pag anjan na sya hindi ko naman sya mapagbigyan sa mga imbistasyon nya...

Ako tanggap nina nanay na ganito ako, isang lalaking me pagtingin sa kapwa lalaki. Dahil sa isang notebook ko dati nung highschool ako...

Nabasa ni nanay doon ang “F-L-A-M-E-S” na nilalaro ko. (F-Friend, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S-nakalimutan ko na) eh, puro lalaki ang nakapatong este katapat ng pangalan ko. 

Kaya hindi na sya nagtanong, sinabi lang nya sa akin ang salitang hanggang ngayon eh hindi ko malilimutan,

NANAY: “hindi kita pinagbabawalan sa mga gusto mo, pero hindi rin kita masusuportan sa maling damdamin mo, dahil mas alam ko ang makakabuti sayo. Kung kaya mo pang putulin iyon anak, gawin mo, pero kung di mo talaga kaya, eh tatanggapin parin kita ng buong buo, bilang anak ko” Ang seryoso nyang pangangaral akin.

Naluluha parin ako pag naalala ko ang sinabi ni nanay. Sobrang mahal nya talaga ako at ganun din ako sa kanila ng kapatid ko.

 Pero astigin akong magdala. Hindi mo mahahalatang ganito ako at ni minsan hindi ako nagdala ng lalaki sa bahay upang ipakilalang bilang boyfriend ko. (asa pa, hehehe)

Kahit sa labas si Paulo o Pau, “Best” ang lagi kong kasama, ang pinakamatagal ko nang matalik na kaibigan mula pa nung elementary ako.

Mabait nga si itay kay Pau (Pronounced as “Paw”) nung nabubuhay pa si itay at ganun din sa akin ang pamilya nina Pau...

 Siguro dala narin ng tiwalang binibigay ni nanay sa akin na matatapos ko ang pag aaral ko at ako ang makakatulong sa pamilya kaya kahit nag kaka crush ako sa campus ay ini-ignore ko nalang iyon. Upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ko. (Dalagang pilipino effect, hehehe)

Ang mahalaga sa akin ngayon ay maitaguyod ang pamilyang naiwan ni Itay. At alam kong thumbs up sya sa akin kung malalaman nya ito...

NICK:“Come on, Jake” Sigaw nya...

Pero katulad ng dati kong pakikitungo sa kanya.

AKO: “Sige lang una kana, salamat sa tulong”, pagyuko ng ulo ko paharap sa bukas  na bintana ng sasakyan.

Paalis na ako nun sa tapat ng kotse nya papunta sa paradahan ng traysikel ng bigla syang bumaba ng sasakyan.

NICK:“What is your problem, hindi naman ako masamang tao ah, lagi mo nalang akong ini-snob, me problema ba sa akin?”, Ang bigla nyang sinabi nung makababa sya ng kotse at makalapit sya sa harapan ko...

Sa totoo lang wala sa kanya ang problema kundi na sa akin. Halatang napipikon ang itsura ng mukha nya. (pero cute parin hehehe)

Nagulat naman ako dahil bumaba pa talaga sya ng sasakyan ganun din sa inasta nya. Kaya kitang kita sa “tantanlizing eyes” ko (Yun yun eh, hehehe) na bigla itong bumuka at dilat na dilat. Dahil sa reaksyon ko. Nag bago ang galit nyang mukha at bigla syang napatawa dahil nga sa reaksyon ng mukha ko.

Hindi na nya mapigilan ang tumawa ng tumawa. Hawak  hawak na  din nya ang kanyang tiyan.

Naka masid lang ang mga tao sa paradahan at halata sa mukha nilang naguguluhan.
Napangiti nalang ako sa pag kakatawa ni Nick.

Parang ang isang taling nakaharang sa aming dalawa na ako lang ang nakakaramdam ng agwat na ito na mayaman sya at mahirap lang ako, ay bigla nalang naputol...

Daig pa pala nya akong tumawa.  At hindi ko akalaing mapapatawa ko ng ganun ang crush ko.(blush... hehehe)
Bigla nalang pumatak ang ulan at walang isang iglap na hinila nya ako para maupo sa tabi ng driver seat at pagkasarado ng pinto ng kotse ay bigla nalang syang tumakbo para maupo sa tabi ko.
Wala na akong nagawa kundi ang manahimik sa loob ng kotse nya.

SA KOTSE...
Masarap pala ang pakiramdam pag nasa loob kana ng kotse, at mas masarap kung ang nagmamaneho ay ang lalaking laging laman ng isip mo.

NICK: “Jake”,  ang mahina nyang sabi, napatingin naman ako as mukha nya.
NICK: “What’s wrong with you?, Ramdam ko  lagi mo nalang akong iniiwasan.” Ang pagsasalita nya habang nakatingin sa daan. At sa side mirror nya.
Hindi ako makapagsalita. Na babato- balani ako kay Nick
NICK:“Jake!”,  Ulit nya, na mas malakas kesa kanina ang pagkakasabi.
AKO:“Ah... anu, kuwan, anu nga ulit ang tanong mo?”, kunyari hindi ko narinig, kaya pinaulit ko, dahil hindi ko talaga pweding sabihin sa kanya ang dahilan. Dahil alam ko hindi nya iyon maiintindihan.

Kaya nang ulitin nya ang tanong nya,
NICK: “I said, bakit ka laging umiiwas sa akin?
Anu ba ang sasabihin ko, paano ko sasabihin sa kanya sa paraang mauunawaan nya. Ang hirap naman oh...

RINGGGGGGGGGGGGG...
Biglang nag ring ang cellphone ko. (Thank you “bro” hehehe)
AKO:“Wait lang ha, sagutin ko lang
NICK:“Ok

Si Pau pala...
AKO:“ O Best, napatawag ka. Anung atin?”, Ang bungad ko.
PAULO: “%&%^$#$%*@#$@#$%&**%#&%$$^”, (syempre ako lang nakakarinig noh)
AKO: “ O sige ingat nalang ha... Kita tayo mamaya, puntahan kita sa bahay nyo.” Ang tugon ko sa kanya at naputol na ang linya.

NICK: “What did Paulo said, Bakit daw sya tumawag?” Alam ni Nick ang tawagan namin ni Pau.
AKO:“Ah, may sakit daw sya kaya hindi sya makakasama ngayon sa practice
NICK:“That’s why you’ll visit him?” sabay tingin sa akin...
Ang sarap este ang gwapo talaga nya... Kung mahahawakan ko lang ang kamay nya ulam nay un sa akin...
AKO: “Oo, dadalhan ko na rin ng kamay, este prutas si Pau, paborito nya kasi yung Ponkan at grapes

NICK:“Really, You’re so sweet, pwede ba akong dumalaw din sa kanya? Sama mo ako, please

Shocking naman to...

PAGMUMUNI...
Si Nick pupunta sa bahay nina Pau naku hindi maaari yun, siguradong magagalit si Pau sa akin kasi tulad ko, ilag din sya sa mga mayayaman, at ngayon pa na ganito ang kalagayan nya,
Alam ko kasi pag me sakit yun, ayaw nun ng bisita kasi, ang pangit daw ng itsura nya. (Concious talaga si Best)...

Tama nalang daw sa kanya ang mga text ng kaibigan, kung nag aalala sila sa kanya. Dahil may mag aalaga naman daw sa kanya, si Tita Rosy at si Tito Milling ang nanay  at tatay ni Pau, kaya kahit hindi na sya dalawin ay ok lang.

Ako lang ang nakakadalaw sa kanya. At mas gumagaling sya pag dinadalaw ko sya. Binibigyan ko sya ng massage sa ulo...(forehead hehehe)
Hindi nga pala bisexual si Pau, ni hindi yan naglilihim sa akin. At alam nyang ganito ako. Pero hindi nagbago ang pagtitinginan naming bilang matalik na magkaibigan.

Pag may umaapi sa akin, sya ang nagtatanggol sa akin, at ako, hindi ako marunong makipag away, kahit astigin ako, mahina ang loob ko.
Kaya si Pau lagi ang nasasaktan, pero magaling naman sya kaya mas napupuruhan ang kalaban. (hehehe)...
Gwapo ang best friend ko, Kayumanggi, pero sobrang ganda ng balat, makinis at may maninipis na semi kalbo na buhok, may mga matang laging Masaya, matangos ang ilong.
Mas matangkad sa akin dahil  5’8” sya, at 5’6” naman ako...

May Girlfriend  narin si Pau, Si Amy. Alam din ni Amy na ganito ako. Kaya ako ang tagapag bantay ni Amy kay Pau.
Pag may umaali- aligid na bulaklak kay Bubuyog, este kay Pau, hindi sila makaporma dahil alam nila ang lagi kong sinasabi. “Subukan nyo lang” Sabay tingin ng makahulugan...
Hehehe...

Ok naman yun kay Pau, dahil matino sya pagdating sa relasyon.

Sabay nga pala kami ng kaibigang kong si Pau na nag exam at pareho kaming pumasa kaya buong college life namin ay scholar kami, yun nga lang kailangan naming i-maintain ang major subjects namin na above 95% at above 90% naman para sa minor subjects para hindi mapaalis sa scholarship list.

Matalino si Paulo konting aral lang nya nakukuha na nya ang pinag-aaralan nya. Samantalang ako kailangan ko pang ulit ulitin ang binabasa ko para maintindihan ko.

Buti nalang nandiyan sya.

Pero sa Math (Physics, Geometry at iba pa) magaling ako at doon ako bumabawi kay Pau, kasi hindi sya ganun kagaling sa math.

PAGBASAG NG PAGMUMUNI...
NICK:“Jake, Are you listening? May problema kaba?” Biglang akong nagulat at nagising sa pag-mumuni.
AKO:“Ah , wala naman, hehehe, pasensya na ha. Pero itatanong ko muna kay Pau kung ok lang na isama kita, baka kasi magulat yun na may bisita pala sya” Ang tugon ko, halatang napahiya ako sa pagkakatahimik ko.
NICK:“Ok, inform me later if he agreed.” Ang tugon ni Nick sabay smile.
AKO:“Ah, Sige” Natuwa naman ako at nakalimutan na ni Nick ang tungkol sa pagtatanong nya kung bakit ako umi-iwas ko sa kanya.

Nalala ko kailangan ko nga palang tawagan si aling minda para send-an ng Unlitext 20 si nanay dahil wala na syang load, kaya tinawagan ko si aling minda at binigay ang bagong number ni nanay kay aling minda...

TAHIMIK SANDALI... (may dumaang jezebel)
NICK: “ Jake, tungkol sa tanong ko kanina
Toinks...naalala pala nya... malakas pala ang memory ng crush ko...huhuhu...
AKO:“Ah yun ba, hindi naman kita iniiwasan, kung yun ang iniisip mo.”
Halatang iba ang sinasabi ko sa mga pinapakita ko dati sa kanya. 
Dumating na kami sa Campus at mag papark na sya ng sasakyan nya. Tumila na din ang ulan...

TIGIL  ANG KOTSE... (PERO NAKA AIRCON PARIN)
NICK:“Jake, nararamdaman ko umiiwas ka. Kung hindi nga lang umulan, hindi pa kita maisasakay sa kotse ko
Anu ba ito, namamawis na ako (aggrrr) kahit sobrang lamig sa loob ng kotse.
Sobrang intense naman...
Anu bang sasabihin ko sa lalaking crush ko. Ah Alam ko na.

AKO: “Nick mamaya na natin pag usapan yan, alas-diyes na, baka mapagalitan pa tayo ni Ma’am, pag nalate pa tayo ng matagal” pababa na ako ng kotse nya.
AKO: “Sige Nick, ah salamat sa pagtulong mo. Kita nalang tayo sa stage, una na ako.”
NICK: “See, look what are you doing, tayo ang magkasama , tapos mauuna kapang pumasok, Pareho naman tayo ng pupuntahan, right? Bakit di mo ko mahintay?” May pagtatampo sa tinig nya...

Oo nga naman JAKE, hindi ka ganyan pinalaki ng nanay mo, iiwanan mo ang taong naghatid sayo.  Anu ba, mahiya ka naman. Pero anung magagawa ko, ayoko ngang maging malapit sa kanya... Pero halatang halata sa kinilos ko na umiiwas talaga ako sa kanya.

AKO: “Nick pasensya kana, sige sabay na tayo”, Dyahe...
NICK: “Ok, No problem, but please we need to talk after this practice?”
AKO: “Ok
NICK: “Promise Jake?”
AKO: “P-p-pro-mise”..., Naiilang kong tugon.

Huh? Me pa promise promise pa sya, ganun ba kahalaga sa kanya ang pag-uusap na to at kailangan matuloy iyon.

NICK: “Ok lets go”...

NAGPRACTICE-NAGPRACTICE ULIT-TANGHALIAN-PRACTICE-MERYENDA – AT PRACTICE PA-UWIAN...

AKO: “Nasaan ba si NICK, kailangan hindi nya ako makita, kailangan makauwi na ako sa bahay, paghahandaan ko pa ang sasabihin kong explanation sa kanya” bulong ko sa sarili...

Hindi ako dumaan sa hall way ng campus, dalawa kasi ang daan, isang malapad na pangkaraniwang daanan ng mga estudyante na kung saan ang hangganan ay sa Main Road at ang isa ay sa kabila na medyo malayo pero walang masyadong dumadaan at isa lang ang lalabasan ang Main Road parin...

Sa pangalawang daan ay maraming talahib sa tabi at mapuno, madamo ang daan pero maliliit naman dahil natatapakan ng mga tao at regular na tinatabas ito ng mga maintenance ng Campus. Pero pag tagulan ay mas maputik sa daang iyon. Sementado kasi ang Hall way.
Kailangan hindi kami magkita ni Nick...

Pasakay na ako ng traysicle pabalik sa bahay...

NICK: “Jake” Sigaw nya...


ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails