Followers

Monday, September 6, 2010

Love at its Best3

Love at its Best3
by: Migs

Nasa isang maliit na kwarto ako, yung mga tipong bodega sa ilalim ng hagdanan, mga lalagyan ng walis para sa mga Janitor... di nanaman ako makahinga, di ako mapakali... nanlalamig nanaman ang buong katawan ko, butil butil ang pawis... kinakalampag ko ang pinto, nagmamakaawang may magbukas nito pero wala... napaupo na ako sa sahig... katabi ang mga map, mga walis na ginagamit para mapanatiling malinis ang mga kwarto sa skwelahan namin... napapapikit na ako nang magbukas ang pinto... nakita ko si Jon... KRRRRRRRRIIIIIIIIINGGG!

Napadilat ako bigla... nananaginip pala ako... pero butil butil parin ang pawis ko...

“stupid phobia!” naibulalas ko...

Claustrophobic kasi ako, nung bata ako kinulong ako ng kuya ko sa isang bodega sa ilalim ng hagdan sa bahay ng mga lolo ko, naglalaro kami noon, siguro nakalimutan niyang andun ako nang tinawag siya ng nanay ko para maligo... ako naman... sa loob ng sampung minuto na pagkalampag ko sa pinto ng bodega walang nakarinig sakin... walang ilaw sa loob nun, walang bintana, kasi nga nasa ilalim ng hagdan... hanggang naranasan kong di na ako makahinga, di mapakali at wala na akong nagawa kundi ang umiyak...

“Damn it!”

At hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko, kinuwa ko ang cellphone ko at tinext si Jon...

“I'll wait for you at...”

Limang araw ko nang sunod sunod na tinetext si Jon... alam ko malaki ang kasalanan ko sa kaniya... tinatawagan ko rin siya pero mukhang diverted ang call dahil laging nalabas sa screen “call not possible” Nakikiusap ako na makipagkita siya sakin para makapagusap na kami ng maayos pero sa apat na araw na lumipas, ni anino niya di ko nakita.

“Stupid phobia!” nasabi ko ulit sa sarili ko

Nakita kong nanginginig parin ang kamay ko... nagtimpla ako ng kape at ininom ito, di ko maintindihan kung bakit nung umalis si Jon sa apartment, walang gabi na hindi ko napanaginipan ang unang araw na nagkakilala kami... pareho ang nararamdaman ko ngayon saka ang nararamdaman ko nung araw na nagkakilala kami...

“Wag Tony, di ako pwedeng makulong sa isang closed space!” pagmamakaawa ko sa kaklase ko nung grade 5.

Binubully nila ako dahil sa aking itsura, payat, walang ibabatbat kung baga, pero dahil marami ang cronies ni Tony nagtagumpay sila sa pagkulong sakin sa isang bodega kung saan tinatago ang mga gamit pang linis ng mga Janitor sa School... pinagkakalampag ko ang pinto ng bodega... nagdadasal na sana may magbukas nito... pero ito na nagsisimula na... nararamdaman kong unti unti nang nawawala ang dugo saking mukha... pinagpapawisan na ako ng malamig, butil butil narin ito, nanginginig na ako... naluluha at kumakabog ang dibdib nang biglang may magbukas ng pinto napayakap ako sa kaniya... di ko siya kilala, transferee siguro, kasisimula pa lang ng second grading...

“Gusto mong magpunta sa clinic?” sabi niya.

Isang ngiti ang ibinigay niya ng pinakawalan ko na siya sa aking pagkakayakap... umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.

“sigurado ka? namumutla ka pa oh...” at hinawakan niya ang pisngi ko, napatulala naman ako sa kaniya... at ngumiti ulit siya.

“ako nga pala si Jon, anong pangalan mo?” di ko maabsorb ang sinasabi niya... para siyang anghel sa mga mata ko (sus ka korny ko talaga) napatawa siya sa inaasal ko, nagmumukha na siguro akong tanga.

“wag mo akong titigan ng ganyan, halika dalin na kita sa clinic”

Umiling ako... nakakahiya kasi sasabihin nanaman nila lalampa lampa ako kaya nasa clinic nanaman ako.

“ah, sige alam ko na, dati kasi tuwing nanlalambot ako o kaya parang walang energy binibigyan ako ng school nurse namin ng chocolate, baka yun lang kailangan mo” tas binigyan niya ako ng flat tops...

Tama nga siya, nakagaan ng damdamin ko ang flat tops na binigay niya... simula nung araw na yun lagi na siyang asa tabi ko, kahit di kami magkaklase iniintay ako niyan tuwing magbre-break time na, pinagtatanggol sa mga bullies kahit siya mismo ay mukhang lalampa lampa... feeling ko dun ako sa puntong yun nainlove kay Jon, kasi kahit alam niyang wala siyang panalo kila Tony laban parin siya... di ko maintindihan noon, pero ang alam ko lang mahal ko siya...

Nang mag highschool kami nagpaalam siya sakin na magtratransfer ulit siya ng school, parang hobby ata ng pamilya niya yung magpalipat lipat ng bahay... alam ko wala akong laban sa desisyon ng pamilya niya, sus sino ba naman ako, best friend lang ako... nanay at tatay niya yung nagdedesisyon... inisip ko rin nun na hindi na ulit kami magkikita... nalungkot ako... para akong tanga, bata pa kasi tas di pa alam kung pano salubungin ang first heartache from the first breakup... chos!

Ilang linggo din akong malungkot nun, pero syempre dahil bata pa naman madali rin akong nakalimot, nang mag fourth year ako, nagulat ako, paglabas ko ng gate may tumatawag sakin... pero dahil nagevolve na ako nung fourth year, nagaral na kasi akong magayos nang sarili, natutunan ko narin mangsnob, iniisip ko kasi...

“you all made my life hell before, and now that I'm gorgeous, all of you are not worth my time anymore”

kasi naman pati yung mga baklang kung makapanglait dati habol din ng habol ngayon kasama yung mga babae nilang katropa na gustong gusto nilang ayusan... tapos yung mga lalaking dati eh kung tumawa na kala mo walang kapintasan ay hangang hanga sa porma ko... di naman sa pagbubuhat ng bangko pero laki talaga ng pinagbago ko nun...

“Migs!” sigaw ulit ng lalaki na kanina pa ako tinatawag

“suplado na pala ang bestfriend ko ngayon ah...” at napatigil ako sa sinabi niyang yun... napatlikod ako... si Jon na pala...


Di ko alam mararamdaman ko, maiinis ba dahil sa pagiwan niya sakin noon, o matutuwa dahil sa wakas bumalik siya...

“Ikaw pala Jon, musta?” at nginitian niya ako sa sinabi kong yun.

walang nagbago sa kaniya... di naman siya ganung ka gwapo pero chinito siya at maputi... my total weakness! Nagkwentuhan kami tas sabi ko...

“Jon sige, pasensya na kailangan ko narin kasi umuwi” at nalungkot naman siya ng konti.

“ah, ganon ba? Hatid na kita” alok niya.

Araw araw yun, walang mintis susunduin niya ako sa school tas ihahatid sa bahay... lalo naman akong naguluhan... isang gabi biniro ko siya

“oi ikaw ah! Baka mamya niyan magalit ang girlfriend mo!”

Wala naman siyang nabanggit about sa girlfriend pero syempre di ko naman mapigilang magassume...

“wala naman akong girlfriend” sagot niya sabay ngiti sakin...

“a ganun ba, maski na, mamya niyan masanay ako na lagi mo akong sinusundo tapos aalis ka nanaman” nasabi ko nalang mailayo lang yung topic about sa girlfriend...

“di na kita iiwan promise...” maikli niyang sagot na nagpakilig sakin.

Ilang buwan pa nakalipas, malapit na ang graduation... pareho kami ng college na inapplyan... swerte naman kasi gusto ko noon nursing tas ang gusto niya maging physical therapist sakto dun sa college na pinagapplyan namin parehong may kursong ganon.... sanay na ako na lagi siyang nandyan... natatakot ako na baka mamya pag nawala siya katulad dati o mas malala pa ang pagiging malungkot ko...

Nagulat ako isang araw habang pauwi kami sa bahay namin bigla siyang tumahimik, tapos galing sa kambyo ng sasakyan niya hinawakan niya ang kamay ko...

“pwede bang umakyat ng ligaw sayo Migs?”

nagulat ako pero napatawa din ako ng malakas sabay bawi ng kamay ko...

“aaning aning ka nanaman Jon ha!” nasabi ko nalang pero anlakas ng kabog ng dibdib ko noon

“seryoso ako Migs” tinignan ako g seryoso


Nang mag college kami di ko inaasahang magiging makulit talaga siya about sa panliligaw sakin.

“ayan gurl yung pinapahawak mong boquet” sabi ni Cha
Sa kanya kasi inabot ni Jon yun flowers para di halata, kunwari siya yung nililigwan ni Jon... pero bago umuwi iaabot niya rin yun sakin. Isang araw habang nasa library ako tumunog ang paging system nagulat naman ako nang magsalita ang isang pamilyar na boses... si Jon

“may gusto lang po sana akong sabihin sa taong minamahal ko... pasensya na po sa mga klaseng naabala... sa taong mahal ko, sana naman sagutin mo na ako, matagal tagal narin akong nanliligaw sayo... sana ikaw na ang taong lubos na magpapasaya sakin... sana ikaw na ang taong pwede kong makasama habang buhay... alam ko naman na ito rin ang gusto mong mangyari... alam ko namang mahal mo rin ako... sana kapag nagkita ulit tayo, mamya o bukas o sa susunod na bukas... sabihin mo na mahal mo ako at kapag narinig ko na yun mula sa mga bibig mo ako na siguro ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo...”

At naputol na ang paging system... nahuli na siguro siya ng mga in charge dun... habang nagtitilian naman ang mga tao sa paligid... take note asa library ako... todo saway naman ang librarian, di ko rin mapigilang kiligin... pero di ko syempre pwedeng ipahalata hanggang pamumula na lang ang nagawa ko.

Dalawang araw na suspended si Jon non, pero sabi niya worth it naman daw kasi alam niyang napasaya niya ako, at sa sinabi niyang yun di ko napigilan ang sarili ko na sabihing

“Jon, I love You”

at napatigil siya

“ano yun Migs?”

pero sumimangot ako at tumalikod

“wala.”

sagot ko na medyo nagtatampo...

“sabi mo Jon, I love You”

panggagaya niya sa boses ko at napatawa ako...

“narinig mo naman pala eh” sabi ko sa kaniya

“suspension lang pala ang kailangan para mapasagot ka eh sana dati pa ako nagpasuspend!”

At hinalikan niya ako sa labi... simula nung araw na yun opisyal na... kami na nga ni Jon...

Alas singko na ng hapon... palubog na ang araw... dito ako nakaupo sa may bench sa my by the bay... dito ko unang sinabi kay Jon na mahal ko siya nung college pa lang kami... pero syempre di pa developed ito noon... konti pa lang ang mga upuan dito noon... wala pang mga bar... anliliit pa ng mga puno nyog ang ngayoy nagsisitayugan na puno... muli kong tinignan ang oras... “5:01pm” sabi ng digital na wrist watch ko... peste sasalubungin ko nanaman ata ang paglubog ng araw na magisa...

10pm sabi nanaman ng wrist watch ko nang tignan ko ito... unti unti nang nagaalisan ang mga tao sa paligid ko...

“haist Jon di ka na nanaman pupunta?”

At nangingilid nanaman ang luha ko, alam ko ako ang may kasalanan... nasaktan ko siya... at ngayon... parang pareho na kaming nasasaktan...

11pm wala paring Jon na dumarating... tinignan ko ang telepono ko pero wala ni isang text o tawag mula kay Jon... ang tanging text na natatanggap ko ay mula kay Cha

“gurl! Wag mo nang pagurin ang sarili mo kakaintay kay Jon dyan sa by the bay! Umuwi ka na ok?... kung gusto niya talagang makipagayos sayo, nung unang text mo palang nagpakita na siya...”

Tama si Cha... unti unti na akong tumayo... naglakad papunta sa may sakayan... pero wala ng nadaan na dyip papunta sa apartment kaya naisipan kong maglakad papuntang kanto ng EDSA malapit sa Heritage... pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng may tumigil na van sa tapat ko... kulay itim at heavily tinted... hinila ako ng lalaki galing sa loob ng van... sa tagal ko ng nabubuhay dito sa Pilipinas alam kong di maganda ang hangarin ng mga taong to...

“naku icha-chopchop ako nitong mga to at ipagbebenta ang mga laman loob ko sa mga ospital na bumibili ng mg internal organs!” sabi ko sa sarili ko.

Pero ang mas ikinatakot ko ang van na saradong sarado... heavily tinted na nagmumukhang walang bintana...Pagsara ng pinto ng van di pa agad ito umandar at nagulat ako ng parang nagkakagulo sa labas, nauga ang van... di nanaman ako makahinga...

“stupid phobia!” sabi ko nanaman sa aking sarili

Nanlalamig nanaman ako... nanginginig, nanghihina... at nagumpisa nanaman akong magpanic binubuksan ko ang pinto nang pag hila ko sa handle ay nasira ko ito.

“very good!” naibulalas ko sa sarili ko,

kinakalampag ko nanaman ang pinto... nagsisimula nanaman akong manghina... ayoko na... papabayaan ko na lang na machopchop ako... nang biglang bumukas ang pinto ng van...may mga pulis na sa paligid ng van... pinoposasan ang mga lalaking kanina ay gustong gusto na akong ilayo sa lugar na ito... pero mas ikinagulat ko ang lalaking nagbukas ng pinto ng van...


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails