Astig Kong Mahal - 15 |
Author's Note:
Since Valentine's Day ngayon, I'll be posting the rest of the chapters. I hope you are doing good today. Ingats and enjoy reading. Thank you for supporting this story. MWAHUGGGS!
Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal
By Prince Sky
(Part 15)
Nakarating na rin kami sa bahay at nagpahinga.
Humiga na kami ni Prince sa kama at nagusap ulit tungkol kay Philip.
"Kuya, magpapakasal k aba sa babaeng
iyon?"
"May magagawa pa ba ako bunso?"
"Gusto mo ipakidnap nalang kita?"
"Gago! Gusto mo kilitiin kita ulit?"
"hahaha! Kuya naman eh!"
"Hay naku, naalala ko kaagad si Naks."
"Ayan… Ikaw kasi! Two timer!"
Kiniliti ko si Prince at sa sobrang ingay namin
ay kumatok si mama.
"Mga anak. Magpahinga na kayo. Mas lalo ka
na Prince!"
"Sige po ma" sabay na sagot namin ni
Prince
"Pero Kuya, paano kung dumating si Philip sa
araw ng kasal mo?"
"Ano sa tingin mo?"
"Malay ko! Ikaw naman iyan eh. Pero Kuya,
kung ano man ang mangyari huwag kang magalala"
"Bakit bunso?"
"Syempre, hindi na kayo magkakabalikan ni
Philip.."
"So?"
"Officially, magiging akin na rin
siya!"
Sinapak ko na naman si Prince sa ulo.
"Aray! Lintik naman Kuya! Baka magkakacancer
na ako niyan"
"Hindi ka type ni Philip!"
"Paano mo nasabi? Cute naman ako. Mas cute
pa nga ako sa iyo!"
"Oo. Cute ka. Mas cute ka pa sa akin. Pero
ang CUTE din ng ALAGA mo! Hindi masisiyahan si Philip!"
Tinulak ako bigla ni Prince at nahulog sa sahig.
Bumangon ako at ginapos siya.
Tinakpan ko ang kanyang bibig at kinilit ng
kiniliti.
"Hahahaha! Ngayon! Wala ka nang kawala mahal
kong Prinsipe!"
Hindi makagalaw si Prince dahil naigapos ko ang
kanyang kamay.
"Ang kulit mo BUNSO!. Eto pa!"
"Hay naku! Mga anak! Matulog na kayo
diyan!" inis na tugon ni mama
"Sige po ma! Si Prince kasi ang kulit!"
Hiningal si Prince sa ginawa ko. Kaya minabuti ko
nang itigil ito.
Nakahiga ulit kaming dalawa. Hindi ako makatulog
sa kakaisip kay Philip. Hindi rin maalis sa isip ko ang ginawa niya.
(Bakit niya nga ba ginawa iyon?) sa isip ko lang
Napag-isipan kong tawagan si Philip. Sa wakas na
contact ko na rin siya.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Patuloy pa ring
nagring ang cellphone ni Philip.
(Please Naks sagutin mo) sa isip ko lang
Maya't-maya ay sinagot rin niya ang call.
"Hello naks?"
Hindi sumasagot si Philip
"Naks alam ko andyan ka. Alam kong naririnig
mo ako. Please naks. Magusap tayo. I need to exp…" naputol kong sambit ng
biglang na end ang call ko.
Sinubukan kong tawagan ulit siya pero naka off na
ang phone niya. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtawag sa kanya ngunit hindi ko
na talaga macontact si Philip.
Bumalik ulit ako sa kwarto.
"Nakausap mo ba siya Kuya?"
"Hindi eh! Pero nacontact ko na siya kaso
hinang-up niya agad-agad"
"Maiba ako Kuya, pupunta k aba sa
acquaintance party bukas?"
"I'll try Prince. Bakit?"
"Wala lang, kasi kahit papaano makausap mo
naman ang ibang kasamanah mo. Si Sir Araque at kung sino-sino pa"
(Tama nga si Prince. Hindi pa ako nagpaalam kay
Borj. Alam kong malulungkot iyon dahil aalis na ako.)
"Matulog ka na nga bunso!"
"Sige Kuya. Matulog ka na rin!
Goodnight!"
"Goodnight bunso!"
Nakatulog na rin si Prince ngunit hindi pa rin
ako dinadalaw ng antok. Hindi talaga maalis sa isip ko ang mga nangyari.
Hindi ko rin alam kong ano ang mangyayari sa akin
kapag pinakasalan ko si Jessica. Magiging masaya ba ako? Ewan ko! Hindi ko rin
naman kayang iiwan si Philip.
Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya! Siya lang
ang bumago ng buhay ko! Hindi ko kayang mawala siya!
(It's decided! Pupunta ako bukas sa acquaintance
party! I need to talk to him!) sa isip ko lang
Ng sumunod na araw…
"Kuya! Alis na ako! Please pray for
me!"
"Kaya mo iyan Bunso!
"Anak kayang-kaya mo iyan. Alam kong
mananalo ka!"
"Hindi ba kayo manonood?"
"Hindi na anak, dito na ako at may
asisikasuhin pa kami ni Jessica"
"Bunso, may hihilingin sana ako sa iyo"
"Ano iyon Kuya?"
"Pagkatapos mo diya, pwede bang bumili ka ng
mask, lobo at bulaklak?"
"Ha? Bakit naman? Ah.. OKAY! Approve!"
Umalis na ri si Prince. Nagtimpla ako ng kape
namin ni mama. Nagusap rin kami tungkol sa kasal ko.
"Anak, may itatanong ulit ako sa iyo"
"Ano po iyon ma?"
"Sa huling pagkakataon. Sigurado ka na ba
anak?"
"Ma. Wala na akong choice. Kung pakakawalan
ko pa ito, eh baka wala na akong kinabukasan"
"Anak, hindi naman tungkol sa kinabukasan
ang pinag-uusapan natin eh. Magiging masaya ka ba?"
"Ma, pipiliting kong maging masaya"
"Anak, kahit naman anong gawin mo ay palagi
ka namang magiging masaya. Isa pa malaki ang tiwala ko sa iyo na kahit saan ka
magpunta o ano man ang gawin mo ay palagi ka namang successful"
"Iyon ng ma eh. Kung saan pang sigurado na
ako sa aking desisyon, doon pa nagkaproblema"
"So, ibig sabihin ba nito anak magpapakasal
ka nga talaga kay Jessica?"
"Oo ma. Wala ng tutol!"
"Paano kung bumalik ang mahal mo?"
"Kung pwede ko lang sana maibalik ang
panahon at pigilan iyon ma. Sana kahapon ko pa nagawa. Mahal ko siya ma. Higit
pa sa pagmamahal ko kay Jessica"
"Anak, may ilang oras ka nalang na natitira.
Kung ako sa iyo, hanapin mo siya at ipaliwanag mo sa kanya ang tunay na
nararamdaman mo. Ipaglaban mo iyon anak"
Nginitian ko nalang si mama. Niyakap ko siya at
hinalikan sa noo.
"Ma, salamat at kahit sa huling sandal
andyan ka pa rin at patuloy na sumusuporta sa aking kasiyahan"
"Anak, all I want for you is to be
happy"
Pagkatapos naming magusap ni mama ay umalis na
rin siya at pinuntahan si Jessica.
May asisikasuhing bagay para sa kasal. Hindi na
ako sumabay kay mama dahil baka magkaproblema lang kami doon.
Alam naman ni Jessica na may tatapusin pa ako sa
skul kaya naiintindihan naman niya ito. Isa pa, kilala ko naman si Jessica.
Kayang-kaya niya ng gawin ang lahat kahit wala
ako.
Tanghali na ng nakauwi si mama. Maya't-maya ay
dumating na rin si Prince.
"KUYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Prince! How's the contest?"
"WOOOOOOOOOOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOO! MR HRM
2012!"
"Wow! BUNSO! Ang galing-galing mo!
"Anak! I'm so proud of you!"
"See! Sabi ko na sa inyo eh! Ako pa!"
Inilatag rin niya ang mga napanalunang awards.
Siyempre hindi rin naman mawawala ang kanyang
napanalunan na cash kaya eto.
May mga dala-dalang pagkain si bunso.
"Prince! Nabili mo ba?"
"Syempre naman Kuya! Kahit pagod na pagod
ako!"
"Nakarating bas i Philip?"
"Hindi Kuya eh. Pero si Chancellor
nandoon."
"Nagusap kayo?"
"Kuya, tinanong ako ni Chancellor kung ano
ang relasyon ko sa iyo"
"Ano ang sinagot mo?"
"Syempre sabi ko KUYA kita!"
"Ano naman ang naging reaksyon niya?"
"Wala lang Kuya. Nginitian niya lang ako at
kinamayan"
Pinutol ko na an gaming usapan at inihain ang
mga pagkain na dinala ni Prince.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami ulit.
6PM pa naman ang assembly time ng acquaintance
party kaya minabuti ko nang mamahinga.
Umalis si mama ng 5PM at magkikita pa sila ni
Jessica. Nagsimula na rin kaming umayos.
"Shit! Kuya! Ang POGI MO!"
"ULOL! Diba sabi mo mas cute ka?"
"WOoooooooo! Huwag mo ng ipagpatuloy ang
sasabihin mo kuya! MR. HRM 2012 ang kausap mo ngayon"
Ginulo ko nalang ang buko ni Prince dahil sobrang
kulit at maepal talaga ang bunso ko.
"Kuya, 5:50PM na siguro mas mabuti na kung
umalis na tayo"
"Sige Prince, pumunta ka na doon. Susunod
nalang ako"
"Ha? Bakit hindi ka pa sasabay sa
akin?"
"Alam kong may role ka pa doon kaya you need
to be early. Mr. HRM 2012 kaya ang bunso ko!"
"Hehehe! Mabuti naman at malinaw!"
Sasapakin ko pa sana si Prince ng nakailag siya. Umalis
na rin siya at naiwan akong nakaharap sa salamin.
(Philip. Sana makarating ka. Ito na ang huling
pagkakataong makausap kita. Gusto kong malaman mo na mahal kita. Kaya kong
iiwan ang buhay na nakalaan sa akin para lang sa iyo.)
Hindi ko alam kong ano ang magiging resulta ng
aking gagawin. Basta alam kong tama ito. Ginagawa koi to dahil alam kong mahal
ko si Philip. Alam ko rin na mahal niya ako.
Gusto kong ipakita sa kanya na mahal ko siya at
kaya kong ipagmalaki ang pagmamahalan naming dalawa.
Kahit malaman pa ito ni Chancellor. Total, resign
na ako kaya bahala na. Ang mas importante ay malaman ni Philip ang saloobin ko.
Kahit magalit pa siya. At least hindi na mabigat sa isip ko ang mga
nararamdaman ko sa kanya.
Nasa kanya na iyan kung tatangapin ba niya ang
aking gagawin o hindi. Eton a ang huling pagkakataon para maipakita k okay
Philip na mas mahal ko siya keysa sa fiancée ko.
Sinuot ko ang mask na binili ni Prince at inayos
ang aking buhok.
Naka black maong pants, leather shoes, black long
sleeves, sombrero, white belt at white tie ako. Lumabas na ako ng apartment at
pumara ng taxi.
Traffic pa kaya nakarating na ako ng skul exactly
7:15 PM.
Pagpasok ko ng skul ay dumiretso na ako sa
covered gym.
Naka redcarpet pa talaga. Maraming mga lobo sa
gilid na pinalilibutan ng maraming bulaklak.
May mga mahahabang tela na nakakabit sa itaas at
parang tent ito na nakapulupot naman sa bawat gilid ng gym.
May malaking disco ball sa itaas ng stage at
punong-puno ito ng mga decorasyon.
May mga students na nag-aasist sa mga bisita.
Nakita ko rin si Prince katabi niya si Chancellor at
si Philip
Itutuloy…
Wala pong Chapter 14?
ReplyDeleteLo donz,
DeleteNapost ko na po amg chapter 14 and final chapter. I hope u can also leave ur comments sa final hapter whther u want this story to continue or not. Thank you for reading. :-) peace.
Happy hearts day. :-)
parang masyado oa un philip n un xa n nga sinusuyo eh,gusto ata ni chancellor c prince para k phillip
ReplyDelete