Followers

Friday, May 3, 2013

The Yuppie Is My Papi 2



Mabuti na lamang at nalagpasan ni Charito ang kaniyang Daily Sales Quota sa araw na iyon at talaga namang nawalan siya ng ganang magbenta dahil sa pang-aasar sa kaniya ng kanilang bagong pansamantalang Boss na si Sir Benedict.
Kahit na ang kasamahan niyang si Myles ay dumistansya kay Charito't talaga namang halatang-halata ang pagkaBadTrip nito. Alam ni Myles na talaga namang nakakahiya ang ginawang pag bubuyangyang ni Sir Benedict ng mga Whitening Secret ni Charito at ang nakakahiya pa'y may kasama pa itong Feminine Wash.
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?!" Ang masungit na puna ni Charito sa kasamahan nang makita niya itong may pigil na pagNgiti sa mga labi.
"Day! Ang cute talaga ni Sir Benedict!!!" Ang malanding sambit ni Myles na lalo namang ikinaBadTrip ni Charito.
"Tama ka Gurl!!!" Ang biglang singit naman ni Sir Jerry na bigla na lamang na sumulpot sa kanilang Area na ikinagulat ng dalawang SalesLady.
"Kala ko ba bukas ka pa makikipagChikahan?!" Ang masungit namang tanong ni Charito sa Beking Area Manager ng SM Departmentstore.
"Hay naku Gurl! Malapit na naman tayong magOut eh! Tara magGoto tayo after!" Ang masayang sambit ni Sir Jerry kay Charito at hindi nito pinansin ang pagsusungit sa kaniya ni Charito dahil sanay na sanay na ito sa kasungitan ng di kaputiang SalesLady.
"Maganda yan!" Ang segunda mano kaagad ni Myles sa idea ni Sir Jerry habang inaayos nito ang kanilang mga Products na pangDisplay at pangSample.
"Kayo na lang at talagang nasira ang araw ko!" Ang galit na sambit naman ni Charito sabay irap sa dalawa.
"WEH!!! Ikaw pa!!! Well... Sabagay nga naman, Talagang nakakahiyang may makakitang Pogi sa Feminine Wash mo!" Ang pang-aasar ni Sir Jerry kay Charito na ikinatawa naman ni Myles.
"Mukhang masaya kayo ah! Sino yung Gwapo kanina?" Ang biglang sabat naman ni Gwen na SalesLady ng Cover Girl Cosmetics. Magkatabi lang ang Shu Eumura at Cover Girl Booth sa SM Depatment Store.
"Yun yung VP ng Operations ng Shu Eumura! Si Sir Benedict!" Ang proud na sinabi ni Sir Jerry kay Gwen.
"Bakit nandito?" Ang tanong naman ni Gwen.
"Eh kasi..." Ang panimula ng pag-eExplain ni Sir Jerry kay Gwen tungkol sa dahilan kung bakit nasa SM San Lazaro ngayon si Sir Benedict.
Natural na sa Cosmetics Section ng SM Department Store na magChismisan ang mga Empleyado kapag malapit na ang Closing Time dahil bihira nalang ang mga customers na nagagawi sa kanilang Area.
Halos manlaki ang butas ng ilong at humaba ang nguso nitong si Charito habang naghihintay ito ng uwian dahil walang patid ang kuwentuhan ng tatlo at nauwi ang kanilang topic sa kung gaano kaGwapo't kabata si Sir Benedict.
Parang Detective na nakalap agad ni Sir Jerry ang halos lahat na ng personal information ni Sir Benedict at walang humpay na ikinukuwento nito sa dalawang SalesLady na kausap.
"Single!!!" Ang hindi mapigilang maisambulat ni Myles nang ipinaalam ni Sir Jerry sa kanila na wala pang asawa't girlfriend si Sir Benedict.
"Baka naman gawa-gawa mo lang yan?!" Ang sambit naman ng hindi makapaniwalang CoverGirl SalesLady na si Gwen kay Sir Jerry.
"GAGA! Tinanong ko si Sir Benedict kanina! Ang bait niya at approachable! PROMISE!" Ang tuloy-tuloy na sambit ni Sir Jerry.
Since na under sa Area ni Sir Jerry ang Shu Eumura ay responsibility niyang tulungan at magReport sa mga Officers ng Brand na katulad ni Sir Benedict.
"Asa pa kayo! Kung magkakaSyota yun eh malamang na Model ang pipiliin nun!" ang hindi mapigilang pagbasag ni Charito sa trip ng tatlo.
Kung kanina'y halos ayaw marinig ni Charito ang mga informations ni Sir Benedict na pinagkukuwentuhan ng tatlo ngunit makalipas lang ng ilang minuto'y hindi na namalayan ni Charitong nakikinig na pala siya sa kuwentuhan ng tatlo tungkol sa bago nilang pansamantalang Boss.
"Bakit ang sungit mo ngayon?" Ang curious na tanong naman ni Gwen kay Charito.
"Ay naku Day! Alam mo ba..." Ang banat naman ni Myles at walang prenong ikinuwento nito kay Gwen ang ginawa ni Sir Benedict kanina sa supot ng Mercury ni Charito.
Halos mawala ang itim sa dalawang mga mata ni Charito habang naririnig niya ang malulutong na tawanan ng tatlo.
"Kaya Next Time eh iwan mo sa Locker ang mga anik-anik mo!" Ang natatawang sambit ni Sir Jerry sa BadTrip na si Charito.
"Baka himatayin ako kung mangyari sa akin yung ganoon!" Ang nasambit naman ni Myles.
"Lalo na't gwapo pa!" Ang bigkas naman ni Gwen.
"AT MALAKI ANG NOTA!!!" Ang hirit ulit ni Sir Jerry na ikinahagikhik ng tatlo.
"Hay naku! Titignan ko talaga ang bukol nun bukas!" Ang malandi't exicited na sambit naman ni Gwen dahil talagang ibinida nina Sir Jerry at Myles ang nakita nilang umbok kanina sa harapan ng pundilyo ng Slacks ni Sir Benedict.
"Walang malay pa yun Day! DAKOTA TALAGAH!!!" Ang hindi mapigil-pigilang sambit ni Myles na lalo pang ikinahagikhik ng tatlo.
"Nakita mo ba yun Chai?" Ang panunuksong tanong ni Gwen sa nakangusong si Charito.
"CHE!!!" Ang masungit na reply agad ni Charito sabay irap at talikod sa tatlo't lakad papunta sa isang estante ng kanilang Cosmetic Products.
Habang nagpapatuloy sa masayang Chismisan sina Sir Jerry, Myles at ang CoverGirl SalesLady na si Gwen ay inabala ni Charito ang kaniyang sarili sa pag-aayos ng mga Make-Up nila na pang Benta.
Ang hindi alam ng tatlo'y may nakaguhit na pilyang ngiti sa mga labi nitong Charito. Nakita din kasi ni Charito ang umbok sa slacks ni Sir Benedict at talaga namang aminado si Charito na Dako ang kanilang bagong Boss at talaga naman na kahit iniiwasan niyang tignan iyon kanina'y hindi niya magawa't talagang nakakagambala ang semi-bukol sa pants ni Sir Benedict.

**************************************

Habang kumakain ng FishBalls itong si Charito'y nagteText ito sa kaniyang kapatid upang masabihan nito ang kanilang Nanay na hindi na siya maghahapunan sa bahay.
Napilit din kanina  nina Sir Jerry at Myles na sumamang Mag-Goto si Charito pagkatapos nilang mag-Out at sumama na din sa kanila ang CoverGirl SalesLady na si Gwen.
Punong-puno ang Gotohan na palaging pinupuntahan ng mga SM San Lazaro Employees kaya nama'y kumain na lamang ang apat ng FishBalls.
"Hay naku! Buti na lang at Day Off ako bukas!" Ang pagyayabang ni Charito habang kumukuha pa ito ng Fishball mula sa kawali ng Vendor.
"Masosolo ko si Sir Benedict bukas!" Ang sambit naman ni Myles kay Charito.
"Hindi ka ba naiinitan at suot mo pa yang Blazer mo?" Ang sambit ni Gwen nang mapansin niya ang porma ni Charito Charito.
"Hindi naman. Mas gusto ko nga ang ganito para maporma!" Ang taas noong sinambit ng mayabang na si Charito at On Cue na nag Head To Toe Pose ito sa harapan ng kaniyang mga kasama.
Talagang ibinida ni Charito ang suot-suot niyang Fake na Jimmy Choo na high Heels, ang hawak niyang Fake na StarBucks Mug na may lamang tubig mula sa water Dispenser at ang nakasabit sa kaniyang leeg na imitation ng iPhone na nabili niya ng murang-mura from Cherry Mobile.
"Whooo! Bumanat ka naman Chai!" Ang kantiyaw ng ibang mga Salesman at Security Guards sa SM San Lazaro na nagpiFish Balls din na kakilala ni Charito nang makita nila ang ginawa nito.
"INTINDIHIN N'YO ANG MGA BUHAY N'YO!!!" Ang masungit na bulyaw naman ni Charito sa kanila.
Walang pakialam itong si Charito sa mga kantiyaw sa kaniya ng mga kasamahan, basta lang huwag nilang kakantiyawan ang kulay ng kaniyang balat at talaga namang sisiguraduhin ni Charitong maghahalo ang balat sa tinalupan.
"Day! Kailan ba tayo bibisita sa Divisoria?" Ang tanong ni Myles kay Charito.
"DAY KA NG DAY! GUSTO MONG SAKSAKIN KITA?!" Ang galit na sinabi ni Charito kay Myles sabay amba dito ng kaniyang hawak na Stick na may nakatuhog pang dalawang Fishballs.
"Gurl pala!" Ang bawi naman ni Myles dahil ilang beses na ngang pinagsasabihan siya ni Charito na huwag ng gumamit ng salitang 'Day'.
"PagkaSweldo!" Ang sambit lang ni Charito sa kasamahan.
"Bet ko yan! Sama ako! Sama ka Gwen?" Ang masayang sambit naman ni Sir Jerry.
"Naman! Gora ako!" Ang malanding reply naman ni Gwen.
Bilib na bilib ang mga kasamahan ni Charito sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging Fashionista at talaga namang hinahangaan nila ang likas na kagalingan ni Charito sa paghahanap ng magagandang pangPorma sa murang halaga.
Mas kampante sila na pumunta sa Divisoria, Quiapo't Baclaran kapag kasama nila si Charito dahil kabisado nito ang bawat sulok at bawat tindahan sa mga nasabing lugar at napakagaling nitong tumawad at bumarat ng mga tindera.
Lagi silang satisfied na satisfied pagkatapos nilang magShopping na kasama si Charito at talaga namang sinusuyod nila ang lahat ng mga puwesto mula sa mga ukay-ukay at sa mga puwesto ng mga fake na Apparel mula Sapatos hanggang sa mga Accessories.
"O siya papano! See you when I see you!" Ang sambit at paalam ni Charito sa mga kasama niya nang magDecide na silang maghiwalay-hiwalay na't umuwi.
"Sige na! Byers na!" Ang baBye naman kay Charito ng kaniyang mga kasamahan habang nagbebeso-beso sila.
"Manong pabili muna ng Sago't Gulaman. Pakilagay dito." Ang sambit ni Charito sa tindero ng Samalamig sabay abot niya ng kaniyang Fake na Starbucks Mug dito.
Bumili muna si Charito ng palamig bago sumakay ng Jeep para may iniinom siya't naibibida sa mga makakasakay niya sa Jeep at para na din akalain ng mga ito na galing siya sa StarBucks.

**************************************

Iilan-ilan na lamang ang mga taong nag-oOvertime sa loob ng Opisina ng SM San Lazaro na para lamang sa mga Executives at isa na dito ay si Sir Benedict na talaga namang napakalaki ng Problema dahil hindi nito alam kung ano bang uunahin nitong gagawin.
Tahimik lamang na nakaupo si Sir Benedict sa kaniyang Desk at seryosong nakatingin sa mga Papers and Folders na nakalatag sa kaniyang Desk.
First time kasing maipadala ng Shu Eumura sa Location itong si Sir Benedict kaya nama'y hindi ito sanay na walang Secretary.
Bago pa man ipadala siya ng kanilang Boss sa SM San Lazaro ay halos araw-arawin niya itong pinakikiusapan na iba na lamang ang ipadala dahil naging Comfort Zone na niya ang kaniyang Office sa pinakaMain Building ng Shu Eumura Philippines.
"Haaaiiiissstttt..." Ang mahabang buntong hininga ni Sir Benedict nang sumandal siya sa kaniyang Swivel Chair at talaga namang tinatamad siyang magbuklat at magbasa ng mga Sales report ng kanilang Company sa SM San Lazaro.
NagSigh ulit si Sir Benedict at tinignan niya ang time sa kaniyang WristWatch.
"Uwi na ako after 30mins." Ang sambit ni Sir Benedict sa kaniyang sarili kasabay ng pagbuklat niya sa isa sa mga folder na nasa harapan niya.
"Hmmm..." Ang naisasambit lamang ni Sir Benedict habang binabasa niya ang mga Sales Report.
Bumilib itong si Sir Benedict sa maayos at magandang pagkakagawa ng Sales Report  ng Shu Eumura SM San Lazaro Branch. Hindi naguluhan at nahirapan itong si Sir Benedict dahil kaparehas lang ng gawa ng kaniyang Secretary ang pagkakagawa sa Sales Report na kasalukuyan niyang binabasa.
"Impressive... " Ang hindi mapigilang masambit ni Sir Benedict kasabay ng pagiging Curious niya na malaman kung sino ang nagPrePare ng Sales Report nila.
"Prepared by Charito Solitas..." Ang pagbigkas ni Sir Benedict nang binasa niya ang info kung sino ang gumawa ng Report.
"Ang baho naman ng pangalan..." Ang hindi mapigilang nasambit ni Sir Benedict habang pangiti-ngiti siya dahil nakaisip siyang bigla ng isang magandang plano para maging madali para sa kaniya ang pagtraTrabaho sa loob ng isang buwan sa SM San Lazaro.
Likas na talagang tamad ang 25 yrs old na VP ng Operations ng Shu Eumura.
Mabilis na tumayo si Sir Benedict from his Desk at kinuha niya mula sa filing Cabinet ang isang maliit na Folder at pagkatapos ay bumalik na siyang muli sa kaniyang Desk at hinanap sa folder ang mag papeles ni Charito Solitas.
"POTCHA!!!" Ang nasambit bigla ni Sir Benedict nang makita niya ang picture sa Resume ni Charito Solitas. Talagang nagulat siya nang malaman niya kung sino ang maayos at napakaProfessional na gumawa ng Sales Report.
Automatic na nagDuck Face si Sir Benedict habang naiinis niyang binabasa ang info ng masungit na si Charito. Hindi pa rin talaga makaGet-Over si Sir Benedict sa pang-aaway sa kaniya ni Charito.
"Kaya naman pala..." Ang unConscious na nasambit ni Sir Benedict nang malaman niyang nakatapos ng Secretarial ang masungit at mayabang na babaeng umaway sa kaniya kaninang umaga.
"Tsk... tsk... tsk..." Ang nasambit na lamang ni Sir Benedict habang umiiling-iling ito at nakatingin sa napakalaking mantsa sa kaniyang mamahaling LongSleeves na nagmula sa Coffee ng masungit na si Charito.
"Haiiisssttt..." Ang talunang bugtong hininga ni Sir Benedict nang tignan muli niya ang Picture ni Charito.
"Buti na lang at kulay white ang background ng picture mo at nakangiti kang labas ipen... Kung hindi'y hindi ka makikita sa picture... HA! HA! HA!" Ang parang baliw na natatawang pang-aalaska ni Sir Benedict sa picture ng sumobra sa pagkaMorenang si Charito.
"Bahala na..." Ang masayang sambit ni Sir Benedict sa kaniyang sarili habang tinatawagan niya ang phone number ni Charito na nakita niya sa resume nito.
Hindi malaman ni Sir Benedict sa kaniyang sarili kung bakit talaga namang gusto niyang asarin itong si Charito at talaga naman kasing napakaSungit nito nang magkabanggaan sila.
Wagas na nakaSmile itong si Sir Benedict habang hinihintay niyang sumagot sa kabilang linya itong si Charito.
Malinaw pa sa kaniyang ala-ala ang hitsura ni Charito nang ibinuyang-yang niya ang mga Whitening products na ginagamit nito at lalong-lalo na nang gumulong mula sa glass stand at nalaglag sa sahig ang binili nitong Ph Balance Feminine Wash.

**************************************

"Hi!" Ang bati ni ng TriCycle driver na si Eric kay Charito nang bumaba ito sa Jeep.
"Ansabe mo?" Ang gulat na tanong agad ni Charito nang makita niya ang nakaSmile na pagmumukha ni Eric.
"Sabi ko Hi! Tara sakay na hatid na kita sa inyo." Ang ulit at pag-alok ni Eric kay Charito.
NagBilin kasi itong si Eric sa kapatid ni Charito na si Jun-jun na laging ipaaalam sa kaniya kung maleLate ng uwi ang ate nito para masundo niya.
"Inaabangan mo ba ako?" Ang nagmamagandang tanong ni Charito sa kaLook-alike ni Cesar Montanong TriCycle Driver.
"Hindi ah... Napadaan lang ako..." Ang pagsisinungaling naman ni Eric sa nakapameywang na si Charito.
"Magsabi ka ng  totoo... AYYYY!!!" Ang sambit ni Charito sabay biglang sigaw.
"Ay Sorry miss... Hindi kita nakita... Madilim kasi..." Ang paumanhin ng isang Balut Vendor nang mabangga nito si Charito. Madilim kasi ang kantong kinatatyuan ni Charito.
"Tarantando ah!" Ang naiinis na naibulalas ni Charito habang nakatingin siya sa papalayong magbaBalut. NapakaSensitive talaga ni Charito sa mga 'Black Jokes'.
"Kaw naman... Di naman sinasadya... Sakay na..." Ang pag-agaw muli ng attention ni Eric kay Charito.
"Sabi mo eh..." Ang supladang sambit naman ni Charito kay Eric.
"Wait lang... Sagutin ko lang..." Ang mabilis na nabigkas ni Charito habang papasakay siya sa loob ng TriCycle ni Eric nang biglang nagRing ang nakasabit na imitation na iPhone sa kaniyang leeg.
Tahimik lamang na nakangiting pinagmamasdan ni Eric itong si Charito habang may kinakausap ito sa kaniyang iPhone.
"Yes.This is Charito! Why..."
"Ha..."
"Paano mo nalaman ang number ko..."
"Ah... Sa files namin... ah..."
"Off po ako bukas sir..."
Ang sunod-sunod na naririnig ni Eric mula kay Charito.
"Ha... Hindi po pwede't may pupuntahan ako..."
"Ganoon po ba..."
"Sige... Sige po sir..."
"Bukas... Yes Sir..."
Ang sunod-sunod na sinabi ni Charito sa kaniyang kausap sa phone.
"PAKSHET KA TALAGANG KALBO KA!!!" Ang malakas at naiiritang sambit ni Charito nang matapos na siyang makipag-usap sa phone.
"Bakit galit na galit ka... Sinong tumawag?" Ang Curious na tanong ni Eric sa BadTrip na si Charito.
"Bago naming Boss at pinapapasok ako bukas para magOvertime..." Ang naiinis na ismid naman ni Charito kay Eric.
"Papasok ka?" Tanong naman ni Eric.
"Ano pa nga ba!" Ang bulalas naman ni Charito.
"Hatid mo muna ako sa BDO at magwiWithDraw ako..." Ang parang Reynang utos ni Charito kay Eric bago ito sumakay sa loob ng tricycle nito na siya namang walang angal na sinunod ng isa.

**************************************

Pagkatapos na MagWithdraw sa ATM ng BDO si Charito'y nilubos-lubos na nito ang pagmamagandang loob nitong si Eric at nagpahatid siya sa Mercury Drug.
"Effective ba talaga yan?" Ang tanong ni Charito sa Clerk ng Mercury.
"Ay opo! Yan ang iniEndorse ni Gabbie Concepcion! May kasama pang Vitamin C every Capsule" Ang masayang sagot naman ng Clerck.
"Sige bigyan mo ako ng isang Bote ng 500mg!" Ang sambit ni Charito sabay abot sa Clerk ng perang pambayad.
Matagal nang pinagplaplanuhan ni Charitong bumili ng Placenta Whitening Glutathione Capsules lagi ding nauudlot ito dahil nagdadalawang isip siyang bumili dahil sobrang napakamahal nito.
Pagkakuha ni Charito ng kaniyang binili'y nakangiti siyang lumakad na papalabas ng Mercury.
"Gagawin ko ito para sa akin..." Ang bulong ni Charito sa kaniyang sarili dahil talaga namang nangHihinayang siya sa perang ibinayad niya sa isang bote ng 500mg na Placenta Glutathione Capsules with Vitamin C.
Hindi talaga alam ni Charito sa kaniyang sarili kung bakit nagkaroon siya ng Guts na maisakatuparan na ang kaniyang matagal ng plano.
Batid din ni Charito sa kaniyang sariling kailangan na niyang maging Mestiza sa lalong madaling panahon dahil kahit na ayaw niyang aminin sa kaniyang sariling nakoConscious siya't talaga namang kinakabahan siyang makaharap bukas Sir Benedict.




To Be Continued

9 comments:

  1. Nagpa-alam muna ako kay Tito Mike if I can post a Straigt Story Here and thankful naman si Ponse't napakaBait ni Tito Mike at pumayag :)

    There are two reasons why i decided to create and post 'The Yuppie Is My Papi'

    1. I have a difficult time in with this concept and make it into an M2M Kwento that's why ginawa ka na laang na Straight.

    2. Matagal na akong naghahanap sa National and sa mga Piso-palit in the Market ng mga tagalog Pocket books (e.g. Precious Hearts atbp.) na mga RichBoy Loves PoorGirl Themed na mga story kaso wala.

    NaMiss ko talaga ang magbasa ng mga ganitong Genre at talaga namang Favorite ko ito and since wala akong makita and mahanap eh gumawa nalang ako.

    HAVE A BLESSED AND GREAT FRIDAY EVERYONE...
    TAKE CARE AND REGARDS TO ALL AND TO YOUR WONDERFUL FAMILIES...


    Wala na akong utang sa updates this week :)

    ReplyDelete
  2. i'm laughing while imagining Chai shouting "PAKSHET KANG KALBO KA!" swak na swak manong pangtanggal stress!

    ReplyDelete
  3. ang bago kung love na story hehehe... uu nga pang pocket book ang drama ang hilig ko pa naman ng pocket book noon kahit exam kinabukasan pocket book ang binabasa hahahaha gusto kung writer noon si gilda olvidado zoila at si helen hehehe

    ReplyDelete
  4. Mahilig ka din pala kanyong magabsa ng Ganyaan To and Kuya Pj :)

    ReplyDelete
  5. uu mahilig ako sa ganyan. nag start ako mag basa ng pocketbook 1998 hehehe yunh 56 page ba yun? tapos dumating ang 124 page hanganh sa nakita ko ang bol noong 2006 hahaha doon ns ako na adik sa online ngayun may wattpad na rin

    ReplyDelete
  6. Pocketbook lang ang peg mo ngayon kuya Ponse. Ako rin hilig ko ring magbasa ng pocketbook. Meron nga kaming koleksyon ng mga pocketbook especially yung kay gilda olvidado (montejero) at andrea almonte (el greco at iron eagles). Sa precious romances naman ung kay vanessa (love junkies, el hombres tretorio) at martha cecilla. Meron ding iba pang mga writers pero avid reader talaga ako nina vanessa at martha cecilla.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam nyo ba Kuya PJ and Kuyang Anon na mahilig din talaga ako sa mga ganyan kaso ang talagang hinahanap ko eh yung mala-Mari-Mar ang kwento... mga babeng bida na from nobody to Somebody hahaha :)))

      Delete
  7. you should check out Rose Tan's Senyorito and Senyorita Series... Vanessa is also my fave... Gilda O is a classic pero hindi sya comedy... Vanessa and RT are super funny... favorite namin yan ni Papa P...

    ReplyDelete
  8. Lakas makateenager hahaha. Salamat manong Ponse sa mga kwento mong nakakapagbigay saya samin.

    Abusado

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails