Followers

Sunday, September 8, 2013

Bliss 2 Chapter 5






              Palabas na ko ng school ng makatanggap ako ng message mula kay raymond malelate daw sya..kaya sumakay muna ako sa kotse habang inaantay sya maya maya lang may napansin akong pulang sasakyan sa di kalayuan hanggang bumaba dito ang isang lalake na nakashades hindi ko naman makita yung itsura nito dahil sa layo ng sasakyan kaya hindi ko nalang binigyan ng pansin sumandal nalang ako saka pumikit.

              Nagulat lang ako ng may kumatok sa bintana ng kotse.. Yung gwadiya binuksan ko lang yung binatana ng sasakyan. " manong guard why.?"

              " uhm sir pinabibigay lang po." abot nito sa roses at isang card kumunot lang yung noo ko.

              " sino po."

              " earl daw po..."

              " manong sabi ko po di ba wag niyo na po tanggapin kapag sa earl na yun galing hindi ko po talaga sya kilala.?"

              " pinakiusapan po ako eh."

              " nung delivery boy nung earl manong.?"

              " hindi po... Sya po mismo nagbigay nyan.."

              " talaga po.? Ano pong itsura namukhaan niyo po ba manong.?"

              " gwapo po sya sir mukhang mayaman.."

              " ano pong itsura manong.. Kilala niyo po ba nakita niyo na po ba sya before.?"

              " hindi po sir eh.. Hindi niyo po ba sya nakita kanina. Kasi dun po nakapark yung kotse niya." turo nito kung saan niya nakita yung pulang kotse kanina bumaba naman ako ng sasakyan sya ba yung nakita ko kanina..

              " manong guard next time po pag sya uli ang nagdala wag niyo po sya paalisin huh hindi ko po talaga kilala yung earl na to.. Mababaliw na ko manong kung sino sya."

               " ok sir sige." ngiti nito. " una na ko sir." saad pa nito saka naglakad patungo sa guard house napasandal naman ako sa kotse sakatumingin kung san nakapark yung pulang kotse kanina..pilit ko lang inalala yung mukha ng lalake.

               " sir." di ko naman napansin nakalapit na pala si chris at yung isang studyante ko. " ang lalim ng iniisip niyo sir ah."

               " goodafternoon sir.." saad naman ni blue sakin.

               " goodafternoon din blue pauwi na kayo.?"

               " hindi pa sir eh pupunta pa kami ng mall." sagot lang ni chris bigla namang tumunog yung cellphone ko agad ko naman sinagot to " mond." maya maya binalik ko lang yung cellphone sa bulsa ko.. Gagabihin na daw si raymond haixt . " may problema sir.?' tanong pa ni chris.

               " ah wala naman.. Anong gagawin niyo sa mall.?"

               " bibili kami ng materials sa project kay mrs cruz sir.. Sa national lang po kasi nabibili yun eh.?" sagot lang ni blue.

               " ah ganun ba. chris tama yan dapat kay blue ka sumasama para mabahagian ka ng katalinuhan." ngiti ko lang kay chris.

               " sir naman eh."

               " seryoso nga.. Di ba nga blue.?"

               " hindi naman po sir.."

               " nakakainis nga sir si mrs cruz sa karibal ko pa sa pagiging escort pinartner." simangot lang ni chris.

               " karibal.. Hindi ka naman talaga mananalo sakin chris.." ngiti lang ni blue kaya natawa ako.

               " yabang madami kayang nagsasabi dapat ako daw ang escort ng school.. Mas gwapo daw kasi ako sayo." ngiti dito ni chris.

               " well kung madami nagsabi sayo mas madami ang nagsabi sakin kaya asa ka."

               " yabang.. Mas gwapo naman ako talaga sayo.. Di ba sir.?" baling sakin ni chris.

               " malay ko sa inyong dalawa. Pupunta din ako ng national gusto niyo sabay na kayo sakin dun din naman pala punta niyo eh.?"

                "talaga sir.?" ngiti lang ni chris.

                " oo nga ayaw mo.?"

                " hindi sir gustong gusto ko nga eh."

                " ikaw blue..?"

                " opo sir libre po yan eh tatangi pa po ba ko.?" ngiti sakin ni blue.

                '"sakay na kesa magtalo kayong dalawa jan kung sino ang mas gwapo sa inyong dalawa." parehas naman silang sumakay kumunot lang yung noo ko ng makitang nakatingin si chris sa roses na nasa tabi ko.

                " kanino galing yan sir.?" tanong lang ni chris.

                " kanino galing baka kanino ibibigay.. Tama nga yung naririnig ko chris mejo mahina yang utak mo." saad lang ni blue.

                " ang kapal blue huh..  Matalino naman ako ah."

                " kaya pala lagi kang nasa faculty para sa mga grades mong sadsad hanggang lupa." ngiti lang ni blue.

                " kaya ako laging nasa faculty para makipagkwentuhan kay sir hindi dahil sa grades ko." simangot ni chris. Napangiti lang ako sa kanilang dalawa.

                " maniwala sayo.. Kasi chris dapat hindi lang puro mukha dapat may utak din kaya nga talo kita eh."

                " matalino kaya ako di ba sir.. Sabi niyo yun."  baling ni chris sakin.

                " parang hindi naman sir..?" saad lang sakin ni blue.

                " blue i know matalino si chris nawawala lang sya sa pokus... "

                " ayaw mo talaga ko makapartner noh." saad lang ni chris dito.

                " ayaw talaga.. Sino ba gugustuhin makapartner ka.. Ikaw na laging tulog sa klase."

                " wala ka kasing alam."

                " ikaw na laging hindi nagpapasa ng project."

                " nalelate lang kaya hindi ko naipapasa."

               " ikaw na laging bagsak sa quizes.?" asar pa ni blue dito.

               " hindi lang ako masyadong nakakareview ang yabanag mo naman porket ikaw ang top 1 sa klase kung makapanghusga ka.?"

               " tama na yan baka magaway pa kayong dalawa." saad kolang sa kanilang dalawa kaya parehas silang natahimik.,

               " hindi ko sya aawayin sir anjan kayon eh." simangot lang ni chris.

               " so kung wala pala si sir aawayin mo ko.?"

               " oo naman. Babangasan kita."

               " oh tama na nga yan kayong dalawa huh. Blue alam ko kung bakit ikaw ang ipinartner ni mrs cruz kay chris kasi ikaw yung makakatulong sa kanya para makabawi sa mga bagsak na grades niya.."

               " sir sasabihan ko nalang si mrs cruz bukas na sa iba nalang po ako ipartner." saad lang ni chris.

               " chris kailangan mo si blue.."

               " eh bakit ba kasi ako sir.?" simangot din ni blue sakin.

               " kasi nga malaki maitutulong mo sa kanya.. Matalino ka.. Matalino rin si chris kailangan niya nga lang ng taong makakatulong sa kanya. At ikaw nga yun."

               " sir mahirap tulungan ang taong ayaw naman magpatulong." saad lang ni blue.

               " mas mahirap humingi ng tulong sa taong ayaw namang tumulong."

               "chris hindi ko sinabing ayaw kitang tulungan ang sabi ko lang ayaw kitang kapartner."

               " eh di ba matalino ka.. Eh ganun din yun eh."

               " magkaiba yun spelling palang eh." irapp dito ni blue kaya natawa ako.

               " blue tutulungan mo naman akong tulungan si chris  di ba.?"

               " kung magpapatulong sya sir."

                " oh ano chris.?"

                " eh mukha naman ayaw niya sir..?" simangot pa ni chris.

                " sir see pinipilit niyang ayaw ko syang tulungan.. Pano ko sya tutulungan kung yun lagi iniisip niya.. Mahirap kasi sir masyado syang insecure sa mukha ko." natawa naman si chris sa sinabi ni blue.

                " insecure..? Hindi noh di hamak na mas gwapo ako sayo blue. Gwapo ka din naman kaso mukhang nerd, may itsura kaso sobra naman sa pagkaemo kulang nalang magbigti."

                " ay naku tigilan niyo na nga yan.. Blue basta tutulungan mo ko para makabawi si chris sa mga grades niya."

                " basta sir tutulong ako bahala sya kung tatangapinn niya yun" saad lang ni blue.

                " may magagawa ba ko sir." simangot ni chris kaya nginitian ko sya.. Ilang sandali kaming pareparehong natahimik maya maya lang nakita ko lang na nakatitig na uli sa mga bulaklak si chris.

                " why chris.?"

                " kanino galing yan sir..?"

                " eh bakit kasi kanino galing di ba dapat kanino ibibigay.?" simangot ni blue kay chris.

                " hindi naman sya kausap nakikisali.. Wala kang alam kaya shut up." sagot lang dito ni chris.

                " di ko kilala yung nagbigay niyan eh.. Earl ang name pero hindi naman nagpapakita." sagot ko lang.

                " earl.?" maang ni blue.

                " secret admirer sir..? Hindi kaya magalit yung boyfriend niyo sir kasi may secret admirer pa kayo."

                " boyfriend.?" ulit lang ni blue sa sinabi ni chris.

                " nagseselos pero alam naman niyang mahal ko sya eh." ngiti ko lang.

                " chris Baka girlfriend hindi boyfriend." lingon nito kay chris pero tinawanan lang to ni chris.

                " boyfriend blue." ngiti ko dito.

               " boyfriend.?"ulit nito.

               " oo nga paulit ulit." irapp dito ni chris.

               " sir.?"

               " why blue.?"

               " ahm gay po kayo sir.?" nagkibit naman ako ng balikat/..

               " yeah.. Sabi ni chris hindi daw halata sakin."

               " hindi naman po talaga halata sir ang gwapo gwapo niyo po kasi dami ngang nagkakagusto sa inyo sir mapaestudyante o kahit teacher." kita ko naman na natahimik si blue saka bumuntong hininga.

               " grabe ka naman chris." ngiti ko.

               " seryoso yun sir ang sarap niyo siguro mahalin sir noh."

               " hindi naman masyado.. Blue natahimik ka na jan."

               " wala lang po sir." pilit na ngiti nito.

               " sir hindi ba mahirap yung ganyang relasyon.. Syempre hindi maganda ang sasabihin ng ibang tao."

               " basta nagammahalan kayo walang mahirap saka ano naman kung hindi maganda yung sasabihin ng ibang tao as long as wala kayong tinatapakan hindi masama yun."

               " sir ok lang sa family niyo."

               " ok naman sa kanila.. Acceptance lang yan at swerte kami kasi yung family namin parehas understanding."

               " kwento mo naman sir yung love story niyo ni sir raymond." ngti sakin ni chris.

               " naku mahaba.. Super haba aabutan tayo ng umaga kung ikukwento ko."
              " ah sir sino si alvin.?" tanong pa ni chris saka tinuro yung name sa teddy bear na nasa dashboard ngumiti naman ako tiningnan ko lang si blue ngunit tahimik parin to.

              " asawa ko."

              " asawa sir.. Eh di ba si sir raymond.?" maang lang ni chris.

              " ah kasi namatay si alvin 2 years ago.."

              " talaga sir.. Kalungkot naman"

              " yeah nakakalungkot pero ok nanaman tanggap ko na sa tulong na din ni raymond. Natigilan lang yung kwentuhan namin ni chris pagdating sa mall nagmamadali naman tong bumaba dahil najijingle na. Naiwan lang kami ni blue habang papasok sa mall. " blue are you ok.?"

              " yes po sir ok lang po ako."

              " sure ka bakit ang tahimik mo.?"

              " uhm sir kamusta po yung relationship niyo po sa boyfriend niyo.?" napangiti lang ako sa tanong niya.

              " ok naman blue.. Masaya kami.. Why.?"

              " wala lang sir. Ang tapang niyo sir noh kasi kaya niyo ipaglaban kung ano yung nararamdaman niyo,, hindi ba kayo natakot sir.?"

              " nung una pero wala namang mangyayare kung hindi ko ilalaban to.. Ako rin ang talo.. I think inlove ka.?"

              " inlove sir.?"

              " yeah.. Halata ka kasi.. Nasa sayo naman yan kung ipaglalaban mo blue.. Its a choice hindi ka naman kasi sasaya kung patuloy ka lang matatakot.."

              " pero sir I'm not gay." nakatungong saad ni blue

              " love is equal.. Wala naman sa gender yan eh.. Minsan nagkakagusto tayo sa taong hindi natin inaasahang magugustuhan natin.

              " pero sir di ba nakakatakot."

              " yeah hanggang kailan ka matatakot.. Ako before natakot din ako. Then narealize ko ako din ang nahihirapan ako din yung umiiyak.so laban nalang."

              " salamat sir huh.. Kayo po pala makakaintindi ng nararamdaman ko."

              " wala yun blue.. Kung may tanong ka feel free to ask.. Willing akong sagutin yung mga bagay na hindi mo maintindihan.. Sa labas ng school i can be your friend." ngiti ko sa kanya..

              " salamat sir huh."

              " hindi naman si chris yung gusto mo di ba.?" ngiti ko dito..

              " sir naman hindi si chris..malabo yun sir"

              " eh anong pangalan.?"

              " red sir." ngiti ni blue skin.

              " wow bagay ah.. Color coding hindi nga bagay sayo si chris hindi color yung name niya eh."

              " hindi talaga sir.." bigla naman dumating si chris mula sa likod namin.

              " bakit ako pinaguusapan niyo huh." simangot lang ni chris saming dalawa natawa lang si blue.

              " tara na nga.. " ngiti ko lang pagkatapos naming mamimili sa national bookstore ay kumain lang kami sa isang fastfood chain..hindi parin natapos yung bangayan ni blue at ni chris.tawa lang ako ng tawa.

              " uuwi na ba kayong dalawa." saad ko lang pagkatapos naming kumain.

              " uhm sir maghihiwalay na kami ni blue dito may pupuntahan pa ko sir eh," saad lang ni chris.

              " uhm sir magstay pa ko dito may aantayin pa po ako eh." saad naman ni blue.

              " ok sige aalis na rin ako." saad ko saka tumayo ingatz kayong dalawa huh." saad ko lang

              "opo sir ingatz din kayo." ngiti sakin ni blue.

              Naglalakad na ko papuntang parking ng mapansin ko yung pulang kotse sa tabi ng sasakyan ko.. Yun yung kotse na nasa school kanina. Nalapitan ko naman yung sasakyan.ito nga yun.. Bigla namang tumunog yung cellphone ko.

               " Mk saan ka na."

               " nasa mall pa ko mond uuwi muna ako sa house para kkumuha ng gamit tapos tutuloy na ko sa inyo..."

               " sorry huh kung hindi ako nakapunta sa school kanina.. Baka 9pm pa ko makauwi eh." malungkot lang na saad nito napangiti naman ako,.

               " ok lang mond work ka lang jan.. Kita nalang tayo sa house niyo i love you."

               " i love too mk." saad lang niya binalik ko naman yung cellphone sa bulsa ko saka muling tiningnan yung kotse.. Sino ka ba earl..ilang sandali akong nakatayo dun nagbabakasakaling bumalik kung sino man yung may ari ng sasakyan na yun..halos kalahating oras na rin akong nagaantay ng magpasyang umalis na sa lugar na yun.. Malalaman ko rin kung sino ka earl.

               Linggo na nun ng umaga ng umuwi ako sa bahay galing sa bahay nila raymond.. Madami pa kong kailangan tapusin pag dating ko palang sa computer na agad ako humarap halos maghahapon ng matapos ko yung ginagawa ko.. Pumunta lang ako sa kusina saka nagtimpla ng kape hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko para sumilip sa bintana.. Kumunot lang yung noo ko ng matanaw ko yung pulang sasakyan sa harap ng bahay ko ilang sandali akong nagisip saka Agad lumabas ng bahay.

               Lumapit lang ako sa sasakyan na yun saka inaninag kong may tao sa loob nagulat lang ako ng bumukas yung bintana nito saka nanglaki ang mata ko sa nakita..

               " hi carlos."

8 comments:

  1. Wow ang galing!!! Parang connected sa "Blue".
    Bong - Dubai

    ReplyDelete
  2. Nice story. A lesson to learn from this chapter.

    ReplyDelete
  3. excited ako s nextchapter, himala ba? nabuhay ba si alvin hahhahahaha :) ang saya ang gulo. niyakan n nmn ba huhu

    ReplyDelete
  4. Ayos ah..na konect si blue ranger dto ah kakatuwa :))

    ReplyDelete
  5. connect si blue ranger at red astig hahhahaah

    ReplyDelete
  6. Hahaha pumasok chris at ang mga ranger sana wala nmn c irene^^

    ReplyDelete
  7. Natatandaan qng my cnabi c blue na my gusto sya ipakilala kay red na teacher nya na mkkintinde sakanila c carlos pala un galing nmn connected ung blue at bliss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails