"hello joana." sagot ko lang sa cellphone ko pag kababa ko ng gamit ko. kagagaling ko lang sa bahay nila raymond hindi ko na rin sya pinayagan matulog sa bahay nakakahiya sa mommy niya. " napatawag ka." tanong ko lang dito.
" kasi hindi ako pwede ng Sunday, unfortunately may pasok ako." malungkot na saad lang nito.
" ganun sayang naman namimiss ko na pa naman yung mommy ni alvin."
" tinawagan ko na si tita jade sinabi ko na hindi ako makkapunta ng Sunday eh ikaw baka gusto mo ikaw nalang pumunta mag-isa.?"
" eh kasi.."
" bakit.. Nahihiya ka? Para ka namang iba sa kanila.. Mahal na mahal ka ni tita jade di ba so bakit ka mahihiya."
" wala lang.. Next Sunday nalang tatapusin ko na rin yung grades ng mga students ko pasahan na rin kasi yun.."
" punta ka na.. Nakakapunta ka naman dati mag-isa dun di ba.."
" dati yun.. Wala na si alvin kaya nakakahiya na."
" bahala ka nga next Sunday nalang huh.. "
" yeah ok.. Kamusta nga pala kayo ni jerome. Galing sya dito kaninang umaga.. Graveyard shift na daw sya eh.?"
" anong ginawa niya jan.?"
" binigyan ako ng breakfast.. Ang sweet mo talaga thanks dun huh."
" breakfast.?"
" yeah..ok na ba kayong dalawa.?"
" hindi pa kami naguusap. Distansya na muna ako.. Ikaw nga naalala nun ako hindi.."
" hindi parin kayo ok..? Eh di ba sayo galing yung breakfast na dinala niya.?"
" hindi noh.. Malamang sa kanya galing yun hindi pa nga kami nagkakausap di ba."
" huh bakit naman niya ko dadalhan ng breakfast.. Kala ko pa naman ikaw nagsabi na dalhan niya ko.."
" hindi ah..wag na nga natin pagusapan yung letseng yun.. Kamusta kayo ni mond? Ikaw umayos ka huh kung si raymond na talaga wag ka ng tumingin sa iba.. Babatukan kita."
" huh. Bakit naman ako titingin sa iba joana you know me.. Hindi ako ganun.?"
" sinasabi ko lang..kamusta kayo? Ok ka ba sa anak niya.?"
" oo ok na ok ako sa kanya.. Galing noh.? Wait may kilala ka bang Earl?"
" Earl? Wala eh sino naman yun."
" malay ko.. Nevermind na nga lang."
" yeah sige na bye na huh.. May gagawin pa ko eh ingat ka lage huh bestfriend."
" oo naman.. Love you ingat ka din." saad ko lang saka pinindot yung end botton pabagsak naman akong humiga sa kama saka pumikit nagulat lang ako ng muling tumunog yung cellphone ko kumunot lang yung noo ko ng makitang number lang yung nasa screen.. " hello goodevening"
" Sir si chris po to."
" oh Chris why.?"
" wala lang po pakisave po number ko sir."
' yeah sure.."
" sir kailan po kayo free.. May tugtug po kami sa Sunday kung ok lang po sa inyo pumunta."
" Sunday.? Ano oras ba chris eh di ba may pasok ng Monday?"
" opo hanggang 3 am lang naman po yung gig namin eh.?"
" 3 am.. Eh di ba 6 am ang pasok..?"
" uhm sir pwede naman po akong dumeretso ng school after ng tugtug namin yun naman po ginagawa ko eh."
" di ba ang hirap nun.?"
" hindi naman po sir.. Pupunta po kayo.?"
" uhm parang hindi ko naman kaya yung magpupuyat na ganun.."
"please po sir."
" saka pasahan na kasi ng grades sa Monday so mahirap.?"
" uhm susubukan ko chris."
" sir naman eh.. Ang susubukan ay 90% na hindi pupunta. Punta na kayo sir."
" chris yung time naman kasi eh masakit sa ulo yun."
" hindi po yan.. Iintayin ko po kayo sir huh."
" chris hindi ko talaga alam."
" basta sir iintayin ko kayo.. Maghihintay ako ng maghihintay.. Kahit hindi pa kayo pumunta sir..iintayin ko pa rin kayo." natigilan naman ako sa sinabi niya biglang pumasok si alvin sa isip ko..maghihintay ako ng maghihintay.. Parang echo ito sa isip ko.. Napangiti naman ako ng payak.
" chris.. Ayoko mangako kasi baka hindi naman ako makapunta basta bahala na." saad ko lang.
' ok sir willing naman po akong magantay sa inyo eh.. Kahit matagal."
" Ang oa mo chris.. Basta bahala na huh ok." natawa lang sya sa sinabi ko.
" anong oa dun sir.. Sabi ko lang naman aantayin ko kayo."
" ah wala may naisip lang ako.. Sige bye na chris tommorow pupunta yung mommy mo di ba.."
" yeah Friday sir.."
" ok see you tommorow."
" basta sir huh sa Sunday maghihin-"
" chris gusto mo ilaglag kita sa mommy mo paulit ulit ka eh.."
"" sir naman.?"
" joke lang.. Sige bye na."
" Sunday sir huh.?"
" para tuloy ayoko na talaga pumunta ang kulit mo eh."
" sir naman eh baka lang kasi makalimutan mo sir.. Aantayin pa naman kita don't worry sir wala kayong gagastusin dun ako bahala sa inyo."
" anong tingin mo sakin chris walang pang bayad.. Ayoko na talaga pumunta."
" hindi ko naman sinabi yun sir eh.. Itetreat ko po kayo pathank you na rin sa pagkausap niyo po sa mommy ko."
" ok ok.. Makulit ka din pala chris noh.."
" hindi naman po sir.. "
" ok mmatutulog na ko chris.. Maaga pa tommorow.."
" ok goodnight sir.." pipindutin ko na sa yung end botton ng magsalita sya. "I love you sir." kumunot naman yung noo ko ng marinig yun.
" ano yun chris."
" huh alin sir.."
" may sinabi ka eh narinig ko."
" wala naman po sabi ko ay lalabas pa po ako.. Malamang po ubos na yung load ko kaya lalabas po ako para magpaload." taranta niyang saad.
" chris huh.."
" why sir."
" wala matutulog na ko goodnight."
" ok goodnight sir.." pinindot ko naman yung end botton.. Baliw na bata yun ah.. Pagkababa ko lang ng cellphone muli lang itong tumunog napangiti lang ako ng makitang si raymond yung tumatawag.
" bakit busy phone mo.?" agad na saad nito.
" huh kausap ko si joana saka yung studyante ko bakit hindi ka pa natutulog.?"
" nakakainis ka kasi." saad lang nito kaya napangiti ako.
" bakit naman ako nakakainis.?"
" eh kasi bakit ayaw mo ko dyan patulugin..?"
" eh kasi nga hindi naman pwede araw araw ka dito matutulog di ba hahanapin ka ng anak mo."
" hindi naman eh.. Basta nakakainis ka.."
" eto naman eh.. I love you mond." pero hindi parin sya nagsalita. " mond i love you.?" ulit ko lang.
" naiinis ako sayo." saad parin niya.
" wag ka ng mainis.. Since Friday na bukas gusto mo jan ako matulog.?"
" bukas..?"
" oo. Kung gusto mo lang naman"
" shempre gusto ko.. Dito ka matutulog bukas huh namimiss tuloy kita ngayon MK." hindi ko namang mapigilang ngumiti.
" ako din eh bakit ganun noh magkasama lang tayo kanina pero parang miss na miss na agad kita mond.. Parang katulad lang nung dati."
" ewan ko ganun naman ata talaga pag mahal na mahal mo yung tao.. Carlos I'm thinking kungpumunta na kaya tayo ng states para magpakasal.. Gusto na kita makasama habang buhay."
" Mond masyado ka pang busy di ba.. Saka hindi pa ko pwedeng umalis eh hindiko pwedeng iwanan yung mga studyante ko."
" kung ikakasal ba tayo kaya mo kayang iwanan yung pagtuturo..?"
" hindi ko alam mond.. Hihilingin mo ba sakin yun.. Mahal ko yung pagtuturo mond.."
" I understand shempre kung ano yung gusto ng mahal ko dun ako.. Basta kasama kita.. Ok na lahat Mk mahal na mahal kita wag mo na kong iiwanan huh."
" oo naman mond.. Mahal na mahal kita eh saka si baby carlos"
" salamat Mk huh..kasi bumalik ka sakin akala ko dati wala ng chance yung satin.. Akala ko hindi na uli kita muling mayayakap.. Ang sakit pero god is good kasi binalik ka nya sakin."
" akala ko din eh pero eto tayo. Masaya na, masayang masaya.. Akala ko imposibleng mangyare to."
" basta MK tandaan mo kahit anong mangyare mahal na mahal kita.. Hindi kita bibitawan.. Kahit kailan."
" salamat mond.. Tulog ka na maaga ka pa bukas di ba.. Maaga din ako bukas eh."
" ok sige i love you MK."
" goodnight i love you too." pagkababa ko lang ng cellphone ko hindi ko mapigilang ngumiti.. Ito na yun.. Hindi ko hahayaang ang sino man na makasira samin ni raymond.. Hindi na uli ipaglalaban ko to kahit anong mangyare.
Kinabukasan after ng klase ko nabungaran ko agad si chris sa harap ng faculty na todo ngiti..
" Sir.." masiglang bati nito nagulat lang ako ng bigla niya kong yakapin pag lapit ko. " sir thank you.. Thank you talaga." saad niya saka humiwalay sakin.
" Why.?"
" kasi po hindi po ako pinagalitan ni mommy galing niyo po makipagusap.. Thank you talaga sir kala ko katapusan na ngcareer ko sa pagbabanda."
" wala yun chris pero, pero pero." ngiti ko. " promise me na kailangan mong bumawi sa next grading ok.. Hindi lang pala basta bawi kailangan mataas na grades mo sa susunod alam ko naman na kaya mo yun eh."
" opo sir promise po yan.. Sisiw lang yan.. Sa talino kong to baka umabot hanggang langit taas ng grades ko sa susunod."
" ows di nga.. Seryoso chris huh.. Nangako din ako sa mommy mo na tutulungan kita kaya kailangan mong galingan."
" yes sir.. Sa Sunday pala sir huh baka makalimutan mo sir."
" ah pag-iisipan ko pa chris huh."
" basta po sir aantayin ko po kayo no matter what happen."
" basta bahala na.." ngiti ko papasok na sana ako ng faculty ng bigla akong tawagin ng gwardiya sabay lang kaming napalingon ni chris dito.
" sir may nagpadala po uli." ngiti lang ng gwardiya saka binigay yung paper bag kumunot lang yung noo ko.
" sino po nagbigay.?"
" delivery boy po uli.. From earl daw po."
" sir una na po ako balik na ko sa room.. Mukhang masarap yan sir huh pakabusog po kayo sir." saad naman ni chris tumango lang ako sa kanya saka sya nagsimulang maglakad.
" Manong guard kasi hindi ko po kilala yung earl na yun.. Next time po wag niyo na pong tanggapin."
" ganun po ba sir ok po una na po ako sir." saad lang ng gwardia nginitian ko naman ito.
" pasok na po ako manong." tumango lang ito.. Pagkapasok ko sa faculty nilapag ko lang yung paper bag sa mesa ko saka nangalumbaba.. Sino ba kasi yung earl na yan bigla namang tumunog yung cellphone ko. Si jerome.
"kuya carlos naglunch ka na.?"
" hindi pa eh."
" lunch tayo.. Punta ko jan sa school mo.?" kumunot lang yung noo ko sa sinabi niya.. Niyayaya niya ko maglunch.? Seryoso.
" lunch.? Nakatulog ka na ba.?"
" oo naman kuya kagigising ko lang hindi kasi kita nadalhan ng breakfast kanina umaga kaya gusto ko bumawi.?"
" sus ok lang yun noh hindi mo naman obligasyon yun.. Nagkausap na ba kayo ni joana.?"
" hindi pa kuya eh pero ayoko pag-usapan yun ano lunch tayo.?"
" wag na lang.. Mapapagod ka pa tulog ka nalang anong oras na din kasi eh."
" ganun ba kuya sige next time nalang kuya huh."
" ok jerome.. Wait may kilala ka bang earl.?"
" earl.? Wala kuya eh sino naman yun.?"
" ah wala sige huh bye na matulog ka nalang uli."
" ok kuya sige ingatz ka." pagkababa ko ng cellphone kinalikot ko naman yung paper bag.. Adobo and fried chicken.. Favorite ko sino ba si earl bakit alam niya kung anong gusto ko pagkalabas ng pagkain sa paper bag nakita ko lang na may card uli dito.
Carlos
I hope kainin mo na to..
Walang lason yan don't worry,
I hope you like it .. I love you.
-Earl
Nangalumababa langh ako habang nakatingin sa card na hawak ko.. Sino ka ba earl..saad ko lang sa sarili ko.. Maya maya tumunog uli yung cellphone ko. " mond."
" Mk kumain ka na.?"
" hindi pa eh.. Mond nagpadala uli ng foods yung earl.?"
" nanaman..?"
" oo eh hindi ko na ata kayang makitang masayang to.. Mond adobo tapos fried chicken alam mo naman na ito yung kahinaan ko eh.?"
" eh pano kung may lason yan.?"
" nakalagay mond sa card wala daw lason." ngiti ko.
" naniniwala ka naman MK... Huhulaan ko may i love you nanaman sa card noh.?
" oo.. Sino kaya to mond noh.?"
" ewan ko wag mo na kainin yan.."
" mond ang bango saka mukha masarap eh wala naman daw lason eh.?"
" eh malay mo may gayuma yan.. Wag mo na kainin please."
" kasi mond hindi ako nakapagorder eh kukulangin na ko sa time kapag lalaabas pa ko.. Sige na.?"
" Mk naman eh? Eh pano kung may lason talaga yan hindi ko kakayanin kapag nawala ka." hindi ko naman mapigilang matawa sa sinabi niya. " seryoso ako mk hindi naman ako nagpapatawa eh..?"
" in case naman na may lason to maisusugod pa ko sa ospital..saka sa bango nito imposibleng may lason."
" Mk naman eh gusto mo padalhan nalang kita ng foods jan"
" late na mond eh wag nalang saka sayang talaga to kung hindi makakain please."
" ok sige panalo ka.. Try mo kumain habang kausap ako para kung bubula yang bibig mo malalaman ko."
" ang oa mo mond huh." binuksan ko naman yung tupper ware saka kumuha ng isang chicken saka kinagat. " ang sarap mond."
" anong nararamdaman mo ok ka pa ba.?" natawa lang ako sa sinabi niya.
" hindi pero ang sarap talaga.. Try ko yung adobo." kinuha ko lang yung adobo saka kinuha yung tinidor. " masarap din..parang" natigilan lang ako ng malasahan yung pagkain na yun. Bakit parang luto ni..
" mk ok ka kalang ba.?" hindi parin ako nakapagsalita.. Bakit parang luto ni alvin.. Bakit ganito ang lasa.." carlos ok ka lang ba sumagot ka naman oh tatawag na ko sa ospital..?"
" I'm ok mond.." maikling saad ko.
" bakit natahimik ka ok kalang ba talaga.?"
" ah wala lang mond kain ka na din.. Kain na ko."
" ok ka lang ba talaga.?"
" oo naman noh.. Sige na." pinilit ko namang lagyan ng saya yung boses ko saka pinindot yung end botton ng cellphone ko saka nilagay sa bulsa.. Tinitigan ko lang yung pagkain sa harap ko. Bakit parang kalasa ng luto ni alvin.. Ang alam ko lang na ganito magluto ay yung mommy niya. Sino ba si earl.. Sino ba sya.
Palabas na ko ng school ng makatanggap ako ng message mula kay raymond malelate daw sya..kaya sumakay muna ako sa kotse habang inaantay sya maya maya lang may napansin akong pulang sasakyan sa di kalayuan hanggang bumaba dito ang isang lalake na nakashades hindi ko naman makita yung itsura nito dahil sa layo ng sasakyan kaya hindi ko nalang binigyan ng pansin sumandal nalang ako saka pumikit.
Nagulat lang ako ng may kumatok sa bintana ng kotse.. Yung gwadiya binuksan ko lang yung binatana ng sasakyan. " manong guard why.?"
" uhm sir pinabibigay lang po." abot nito sa roses at isang card kumunot lang yung noo ko.
" sino po."
" earl daw po..."
" manong sabi ko po di ba wag niyo na po tanggapin kapag sa earl na yun galing hindi ko po talaga sya kilala.?"
" pinakiusapan po ako eh."
" nung delivery boy nung earl manong.?"
" hindi po... Sya po mismo nagbigay nyan.."
" talaga po.? Ano pong itsura namukhaan niyo po ba manong.?"
" gwapo po sya sir mukhang mayaman.."
" ano pong itsura manong.. Kilala niyo po ba nakita niyo na po ba sya before.?"
" hindi po sir eh.. Hindi niyo po ba sya nakita kanina. Kasi dun po nakapark yung kotse niya." turo nito kung saan niya nakita yung pulang kotse kanina bumaba naman ako ng sasakyan sya ba yung nakita ko kanina..
bitin....
ReplyDeletewow naman, may 3 pang papasok s buhay nya ha. yung student, c jerome at c earl. sabagay, love nyang tunay c mond.
ReplyDeletesi alvin si earl ???
DeleteNice story..next chapter please! :)
ReplyDeletesuper sya basahin ka excite hheheeheh
ReplyDeleteNext plz
ReplyDeleteHoping that the next ending would be great kasi feeling q ehh iiyak nanaman si raymond or mamamatay sya
ReplyDeleteJp163