Followers

Friday, September 27, 2013

blue chapter 15



              " sure.." ngumiti lang ako saka sumandal sa balikat niya.. " blue I love you."

              " i love you too red." sabay lang kaming napalingon ng marinig namin yung pagbukas ng gate. " dad.?" saad ko lang napatayo naman kaming parehas ni aldred

               " anong ginagawa niyo jan bakit hindi kayo pumasok sa loob.?"

               " ah eh dad nagkkkkukwentuhan lang kami ni aldred.." pilit na ngiti ko

               " nagkukwentuhan..?"

               " opo tito..?" sagot lang ni aldred napatungo lang ako ng makita yung tingin samin ni daddy.

               " May sinabi sakin ang mommy mo totoo ba yun.?"

               " anong sinabi ni mommy dad.?" napatingin lang ako kay aldred..

               " Kayong dalawa.. Pumasok kayo maguusap tayo sa loob.." saad ni daddy saka tumalikod samin ni aldred papasok ng bahay.

               " blue natatakot ako.. Sinabi na ata ng mommy mo.?"

               " baka sinabi na.. Aldred whatever happens ipaglalaban kita huh don't worry.. Aldred mahal na mahal kita.. Nattaakot din ako pero  kahit anong mangyare walang bibitaw huh"

               " blue.. "

               " aldred kaya natin to.." ngiti ko.. Ngumiti naman ng pilit si aldred. " relax ka lang.. Pag pinalayas ako san kaya ako pwede tumuloy.. Hindi naman pwede sa inyo ayaw sakin ng mommy mo eh.?"

               " tingin mo papalayasin ka.?"

               " ewan ko.."

               " lalayas nalang din ako pag pinalayas ka para magkasama parin tayo." ngiti ni aldred sakin kaya natawa lang ako.

               " baliw ka hindi pwede yun."

               " hoy kayong dalawa pumasok na kayo nagaantay na daddy mo blue." saad ni mommy na nakalabas na pala.

               " mom sinabi mo na.?" tanong ko lang marahan naman tumango si mommy kaya napatingin lang ako kay aldred.

            " pasok na dali.."

            " yes mom."

            " tita.." saad lang ni aldred.

            " magrelax ka nga aldred nawawala yung kagwapuhan mo." ngiti lang ni mommy. " think positive."

            " tita natatakot ako eh baka patayin ako ng asawa niyo po.?"

            " hindi naman criminal daddy ni blue.. Relax lang pasok na kayo."

            " aldred ginagawa mo talagang criminal si daddy." ngiti ko . " tara na pasok na tayo. Hinawakan ko lang yung kamay ni aldred saka pumasok sa bahay nakita lang namin si daddy na nasa sala tinabihan naman to ni mommy.

            " now talk"  saad lang ni daddy habang nakatitig saming dalawa ni aldred ramdam ko lang yung lamig ng kamay ni aldred kaya pinilit ko syang ngitian saka pinisil yung palad niya.

            " uhm daddy.."

            " tito.."

            " ipaliwanag mo anak para maintindihan ko at siguraduhin mong maiintindihan ko.!" kinabahan lang lalo ako sa mga tingin ni daddy napalunok lang ako saka tinitigan si daddy. .

            " daddy si aldred mahal ko po sya... "

            " mahal?"

            " yes dad i love him at ipaglalaban ko to dad.. Kahit ayaw niyo pa."

            " naririnig mo ba yung sarili mo blue.. Baliw ka na ba.?"
    
            "Daddy kung papalayasin niyo po ako ok lang mahal ko po sya handa ko po syang ipaglaban kahit tumutol pa kayo" hindi ko lang binitiwan yung kamay ni aldred naramdaman ko lang pinisil niya yung palad ko.

            " blue napagusapan na natin to di ba.. Hindi ka bakla.."

            " pero daddy mahal ko pa sya.. Mahal na mahal."

            " hoy ikaw aldred.. Magsalita ka.." balling ni daddy kay aldred.
             
            " uhmmm tito.."

            " what magsalita ka!"

            " Kahit buong mundo po ang humadlang sa pagmamahalan namin ng anak niyo haharapin ko po mahal ko po si blue.. Handa ko talikuran lahat para sa kanya.. Handa ko pong ialay lahat para po kay blue.. Mahal na mahal ko po sya gagawin ko lahat para sumaya sya.. Please po tito kung sasaktan niyo po si blue dahil sa relasyon namin ako nalang po.. Hindi naman po masama magmahal di ba.. Wala naman po kaming ginagawang mali ni blue.. Please tito bigyan niyo po kami ng chance.?"

            " pakiulit yung sinabi mo.?" saad lang ni daddy napatingin naman sakin si aldred.

            " ulitin mo daw.?" bulong ko.

            " uhm tito uulitin ko po.?"

            " bingi ka ba ? from the start gusto ko ulitin mo.?"

            " uhm ang haba po nung sinabi ko."

            " uulitin mo o papalayasin ko si blue."

            " uhm ito na po.. " napakamot lang si aldred sa ulo. " uhm ano po ba yung sinabi ko.. Ahh kahit buong mundo po ang humadlang samin ni blue hinding hindi ko po sya iiwan..gagawin ko po lahat.. Kaya po please po kung sasaktan niyo po si blue ako nalang po ang saktan niyo."

            " tingin mo ba sasaktan ko ang anak ko.?"

            " daddy."

            " shut up blue kausap ko si aldred."

            " mommy..?"  tinanguan lang ako ni mommy kaya tumungo lang ako.

            " Aldred alam niyo ba pinapasok niyo ng anak ko.. ?"

            " opo tito.. Tito please bigyan po kami ng chance ni blue.. Promise ko po hindi ko po sasaktan yung anak niyo hindi hindi ko po sya iiwan.. Kahit pakasalan ko po sya ngayon din gagawin ko.. Wag niyo po syang ilayo sakin."

            " kasal.? Nababaliw na talaga kayo."

            " daddy please naman oh... Dad."

            " ikaw anak alam mo ba kung ano papasukin niyo huh.. Madaming manghuhusga sa inyo.."

              " daddy hindi naman importante yun di ba.. Ang importante di ba dad kung saan ka masaya."

              " anak ano ba.! Di ba hindi ka naman ganyan dati bakit biglang ganito."

              " daddy please.. Kung papalayasin niyo po ako tatangapin ko dad.. Alam ko naman pong hindi niyo po matatangap to eh.."

              " tito chance lang po.. Nangangako po ako hinding hindi ko iiwan si blue mahal na mahal ko po sya tito."

              " naku.. Kung criminal lang ako napatay ko na kayong dalawa." gigil na saad ni daddy.

              " daddy please naman oh.. Palayasin niyo nalang po ako kung paghihiwalayin niyo kami ni aldred.. Mamatay ako dad pag nilayo niyo ko sa kanya."

              " blue naiinitindihan mo ba talaga yang sinasabi mo.. Hindi madali yang pinapasok niyong dalawa.. Ang babata niyo pa."

              " daddy masaya po ako.. Masaya ako kay aldred.. Di ba dad yun naman ang importante..?"

              " anak."

              " dad please.?"

              " tito please.?" nakita ko naman na umiling lang si daddy..

              " hindi anak kahit kailan hindi ko matatangap yang relasyon niyo.. Hinding hindi isa yang malaking kalaokohan.. Napakalaking kalokohan kaya ikaw blue umayos ka tigilan mo na tong kabaliwan na to.. Tigilan mo na!"

              " daddy mag-aayos na ko ng damit.. Aalis na lang po ako." nakatungong saad ko maglalakad na sana ako ng pigilan ako ni aldred..

              " tito please.. " saad ni aldred saka lumuhod. " tito please.. Bigyan niyo po kami ng chance ni blue..?"

              " umalis na kayo sa harapan ko..!"

              " honey.." saad lang ni mommy saka tumayo.. " honey papaalisin mo yung anak natin."
               " gusto niya umalis eh."

               " nababaliw ka na ba.. Anak natin yun aldred tumayo ka jan.. Kung aalis si blue sasama ako sa kanya."

               " mommy.?"

               " tita..."

               " mas baliw ka na kinukunsinti mo yang anak mo kaya sya nagkakaganyan."

               " ah ganun.. Edi aalis nalang kami ng anak mo.. masaya yung anak mo kung ano meron sila ni aldred tapos ikaw na ama niya hahadlang sa ikasasaya niya,.. Anong klase ama ka huh"

               " alam mo ba yang sinsabi mo huh. Ano sasabihin ng mga tao... Hahayaan mo bang husgahan nila yung anak mo.."

               " eh paki naman natin sa sasabihin ng iba wala silang pakialam kung ano magpapasaya kay blue.. Buhay ba nila to.." saad ni mommy saka naglakad.. " aldred tulungan mo si blue mag impake.."

               " pero po tita..?"

               " tulungan mo si blue.." sigaw ni mommy..

               " tito please po." muli lang lumuhod si aldred.. " tito please.." lumuluhang saad ni aldred..

               " dad please.." saad ko saka lumuhod din sa tabi ni aldred.. " daddy please."

               " tumayo kayong dalawa jan.. Blue magimpake ka na..  Wala kang mapapala jan sa daddy mo." saad ni mommy habang paakyat ng hagdan. " blue magimpake ka na!!" sigaw pa ni mommy.

               " daddy."

               " blue magimpake ka na..!!" sigaw ni mommy.

               " daddy naman oh.. "

               " umalis ka sa harapan ko. " saad lang ni daddy saka tumayo papuntang kusina luhaan naman kaming tumayo ni aldred..

               " blue..?"

               " tulungan mo ko magimapake.. Aldred mahal na mahal kita."

               " blue kasalanan ko to eh.kasalanan ko to.."

               " hindi aldred wala kang kasalanan.. Wala na tayong magagawa kung hindi tayo matatangap ni daddy.. Ang importante red kasama kita.. Walang lalayo.. "

               " blue kausapin pa natin sya.."

               " tama na aldred.. Maga na yung mata mo oh.." pinilit ko naman ngumiti kasabay ng mga luha.

               " ikaw din eh wag ka ng umiyak blue maayos pa to."
              " parang hindi na aldred eh..tara na "

              " eh san kayo tutuloy ng mommy mo kung pwede lang sana samin eh.. Kaso  papalayasin din ako dun pag nalaman to eh." natawa naman ako sa sinabi niya.

              " nagagwa mo pang tumawa.."

              " basta aldred lagi mong tandaan na mahal kita.. Mahal na mahal.. " saad ko lang na may tumulong luha sa mata lumapit naman si aldred saka pinunasan yung luha sa mata ko. " aldred mahal kita."

              " mahal din kita blue... Salamat kasi handa mo kong ipaglaban kahit ito yung kapalit pwede masira yung pamilya mo dahil sakin."

              " basta aldred hanggang kaya natin laban lang huh.. Walang iwanan."

              " oo naman laban lang.... Ang problema natin san kayo tutuloy ng mommy mo.."

              " baka maghotel na muna kami ni mommy tara tulungan mo na ko.." pilit na ngiti ko sa kanya umakyat lang kami sa kwarto saka nagsimulang magimpake..

               " bilisan mo anak." silip ni mommy sa kwarto.

               " tita I'm sorry po.?"

               " No aldred wag kang magsorry.. Wala kang dapat isorry.."

               " pero po tita..?"

               " aldred mahal mo naman anak ko di ba.. "

               " mahal na mahal po."

               " so kaya natin to.. Ipaglalaban natin yang nararamdaman niyong dalawa.. "

               " salamat tita."

               " bilisan niyo na.."

               " tapos na mommy.." saad ko pagkasara ng maleta.

               " lets go.." saad ni mommy lumabas lang kami ng kwarto saka bumaba ng hagdan nakita lang namin si daddy habang may hawak na tasa na nasa pinto.

               " daddy."

               " tigilan mo na blue..."

               " tito.."

               " isa ka pa aldred tara na.." palabas na sana kami ng humarang si daddy sa pinto.

               " tumabi ka." gigil na saad ni mommy pero hindi sumagot si daddy humigop lang to ng kape sa tasa. " dun tayo sa kusina dumaan. " saad ni mommy pero inagaw ni daddy yung hawak nitong bag. " akin na yan." agaw ni mommy sa bag saka nagmamadaling pumunta sa kusina.

               " sandali." saad ni daddy sabay sabay naman kaming napalingon dito.

               " ano.?" sungit ni mommy dito.

               " hindi kayo aalis.!"

               "Tara na anak.." saad ni mommy saka tumalikod.

               " honey sandali lang." agaw ni daddy sa bag na hawak ni mommy.

               " ano ba akin na yan." sigaw ni mommy pero binato ni daddy yung bag.

               agad ko naman pinuntahan kung san binato ni daddy yung bag nakita ko naman si aldred na nagpupunas ng luha hinawakan ko lang yung kamay niya.. Nagulat lang ako ng lumuhod si aldred sa harap ni daddy.

               " aldred tumayo ka jan.!!" gigil na saad ni mommy.

               " tito parang awa niyo na.."

               " aldred tumayo ka." hinila naman ni mommy si aldred patayo.

               " tama na aldred tara na.. " hawak ko sa balikat nito

               " gusto kausapin si aldred ng sya lang!" gigil na saad ni daddy.

               " bakit mo sya kakausapin.. Hindi mo sya kakausapin tara na blue."

               " sabing kakauspain ko si aldred eh!" sigaw ni daddy pareparehas naman kaming natigilan lahat tumingin lang si aldred kay mommy.
               " hindi mo sya kakausapin..!"

               " tita please.."

               " ibalik niyo yang mga gamit niyo.. "

               " ayoko.. At wag mo kong sigawan!"

               " ibabalik niyo o ipapadala ko si blue sa america!" nakita ko naman natigilan si mommy tumingin lang sya sakin tumulo naman yung luha ko. " I'm serious..!"

               " daddy."

               " ibalik niyo na!.. Ikaw aldred dun tayo sa labas.." gigil lang na saad ni daddy niyakap ko naman si aldred..

               " Blue I love you."

               " aldred mahal na mahal kita."

               " aldred sabing sa labas.!"

               " opo tito." saad ni aldred saka humiwalay sakin pinisil lang niya lang yung palad ko saka pilit na ngumiti. Lumabas naman sila ng bahay ni daddy.. kami ni mommy tumuloy lang sa sala..kita ko lang yung pagtulo ng luha sa mata niya. Halos walang nagsasalita samin ni mommy.. Isang bntong hininga naman yung pinakawalan ko.

               " mommy hindi naman ako ipapadala ni daddy sa america di ba."

               " I don't know anak.. Pero kayang kaya niyang gawin yun"

               " pero mom hindi niyo naman po hahayaan yun di ba.."

               " hindi anak.. Pero ang daddy mo.. Kilala ko sya pag sinabi niya gagawin gagawin niya talaga.."

               " mommy ayoko iwan si aldred.. Hindi ko po kaya."

               " gagawin ko lahat anak don't worry.. Wag ka ng umiyak.. "

               " mommy si aldred mahal na mahal ko sya.. Mommy ayoko iwan sya.."

               " hindi anak hindi kayo maghihiwalay ni aldred.. Hindi ako papayag..."

               " pero mommy si daddy..."

               " think positive anak.." sabay lang kaming napalingon ng makita bumukas yung pinto nakita lang namin si daddy na tumuloy lang sa pag-akyat ng hagdan.. Kasunod naman nito si aldred na nakatungong lumapit samin.

              " aldred anong sabi.?" agad na tanong ni mommy pero nanatiling nakatungo si aldred kita ko lang yung pagpatak ng luha niya. " aldred anong sinabi niya."

              " aldred.." bulong ko lang.

              " I'm sorry blue.. I'm really really sorry.. Im really really sorry" bulong ni aldred.

              " anong sinabi niya sayo aldred." gigil na tanong ni mommy.

              " tita sorry po. Sorry po talaga. " umiiyak niyang saad.."Uuwi na po ako.." saad lang ni aldred aktong tatalikod na sya ng hawakan ko yung kamay niya.

              " aldred ano to.. Anong ibig sabihin nito?"

              " blue sundin mo nalang yung daddy mo..  Kasi .. Mahal ka niya kaya ginagawa niya to.. Gusto niya maging maayos ka. Maging masaya"

              " maghing masaya... Bulag ka ba aldred tingin mo magiging masaya ako pag iniwan mo ko.?"

              " I'm really sorry."

              " aldred mahal kita.."

              " I'm sorry blue."

              " ano bang sinabi niya sayo aldred huh... Kakausapin ko sya" saad lang ni mommy saka nagmamadaling umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nila ni daddy.

              " aldred di ba hindi mo naman ako iiwan."

              " blue." nakatungong saad ni aldred.

              " anong sinabi sayo ni daddy please sabihin mo naman sakin  oh.. Aldred mahal na mahal kita di ba sabi mo ipaglalaban natin to pareho bakit parang sinusuko mo na ko.?"

              " blue.." umiwas lang sya ng tingin kita ko lang yung pagpatak ng luha niya.

              " sunisuko mo ko.?"

              " blue i love you.. Pero."

              " pero ano.?"

              " Blue uwi na ko baka kasi hinahanap na ko ni mommy.. Blue thank you sa lahat.. Thank you kasi nakilala kita.. Thank you kasi minahal mo ko.. Thank you sa pagbibigay mo sakin ng saya." ngiti ni aldred habang may luhang tumutulo sa mata.

             " aldred ano ba.. Bakit ba ano ba sinabi sayo ni daddy saibihin mo naman sakin oh.. Ganun nalang ba yun basta mo nalang ako iiwan.. Di ba sabi mo hindi mo ko iiwan.. Sinabi mo dati hindi ka susuko.?"

             " makinig ka sa daddy mo.."

             " hindi ba ko importante sayo aldred.. Di ba mahal mo ko.. Hindi ko naman kaya magisa to.. Dapat tulungan mo ko lumaban."

             " blue tandaan mo lang mahal kita.. Mahal na mahal.."

             " mahal na mahal..?" tumulo naman yung luha ko.

             " blue basta i love you.. Isipin mo lang lage na mahal na mahal kita at kahit anong mangyare hindi magbabago yun.. Kasi andito ka na sa puso ko... Hindi ka na maalis dito."

             " yun naman pala eh sabay natin ipaglaban to.. Di ba sabi mo handa mong harapin lahat.. Eh bakit ganito.. Aldred naman oh.."

             " I"m sorry.. Uwi na nko." tinanggal niya lang yung kamay ko sa braso niya saka tumalikod pero muli ko lang hinawakan yung kamay niya.

             " aldred wag naman ganito oh.. Sabihin mo sakin anong sinabi sayo ni daddy.. Gusto ko lang malaamn.. Pinagbantaan ka ba niya.. "

             " uuwi na ko blue I'm really really sorry." saad niya saka nagsimulang maglakad patungo sa pinto.

             " aldred please... Aldred please mahal na mahal kita.. Aldred wag mo kong iwan." kita ko naman yung pag tigil niya sa paglalakad. " aldred wag mo ko iwan wag mo naman akong isuko oh... Wag naman ganito" saad ko lang kita ko naman na muli syang humarap kita ko lang yung pilit na ngiti sa mukha niya habang umiiyak saka lumapit sakin.. " aldred please." bigla naman niya kong hinalikan sa labi mapusok yung halik na yun.. Sinagot ko lang to ngunit maya maya ay humiwalay sya saka nagamamdaling luamabas ng pinto. " aldred!" sigaw ko lang.

             " anak." saad ni mommy pagkababa ng hagdan..

             " mommy si aldred."

             " anak tama na.."

             " mommy anong sabi ni daddy ? Anong sinabi niya kay aldred.."

             " anak para sayo to.. Tama na." niyakap lang ako ni mommy hinayaan ko naman tumulo yung luha ko.

             " mommy si aldred.."

             " tama na anak." niyakap lang ako ni mommy..

             Kinabukasan halos magaalasdyis na ko nagising.. Naupo naman ako sa kama hindi ko napansin muli lang tumulo yung luha ko.. Kagabi pa walang tigil yung mga luha ko.. " aldred." bulong ko lang tumayo naman ako saka pumuta sa cr para maligo pagkababa ko niyakap lang ako ni mommy.

             " anak.. Matatapos din to.. Malalgpasan mo rin yan."

             " si daddy.?"

             " pumasok sa office.."

               " mom anong sinabi niya kay aldred..? Hindi naman ako basta basta iiwan ni aldred eh.. "

               " anak magtiwala ka lang.. Alam ng daddy mo yung ginagawa niya."

               " mommy ganun ba kahirap tanggapin to.. Wala naman kaming ginagawang mali ni aldred di ba.. Mommy masaya naman kami.. Hindi ba nakikita ni daddy yun.?"

               " kain ka na anak."

               " mommy i want him back."

               " anak.. Magtiwala ka lang."

               " mommy ipaintindi mo naman sakin oh.. Nagmamahalan lang naman kami eh bakit ba ang hirap para kay daddy tanggapin yun.. Hindi ba ko importante sa kanya."

               " anak."

               " mommy sabi ni aldred hindi niya ko bibitawan.. Eh bakit ganito.. Eh bakit niya ko iniwan bakit nakinig sya kay daddy.. Ipaglalaban ko naman sya kahit palayasin pa ko dito.."

               " anak tama na kain ka na.."

               " mommy."

               " kain ka na... Tama na yung pag iyak maga na yung mata mo oh.. Darating yung time na maiintindihan mo rin kung bakit ginagawa ng daddy mo to.. Magtiwala ka lang wag ka ng umiyak."

               " mommy ang sakit kasi eh."

               " ang gwapo gwapo mo anak hindi bagay sayo umiiyak.? Pinagluto kita ng favorite mo.. adobo" pinunasan naman ni mommy yung luha sa pisngi ko saka ngumiti sakin.. " smile na."

               " hindi ko naman favorite yun eh.. Ikaw ang  may favorite sa adobo mommy." nguso ko lang.

               " huh madali kasing lutuin anak.. di ba ang dami mong nakakain pag yun ang ulam.."

             " madami naman talaga ako kumain.. Mommy pwede ko bang puntahan si aldred..?"

             " anak wag na.?"

             " bakit.?"

             " magagalit daddy mo.. Wag muna anak.."

             " susubukan ko lang mom.. "

             " pero."

             " please mommy." ilang sandaling hindi nagsalita si mommy kita ko lang yung pag buntong hininga niya.           
            
             " kaw bahala.. " pagkatapos kong kumain inayos ko lang yung sarili ko saka naglakad papunta kala aldred.. Ano bang sasabihin ko sa kanya.. Bakit ba ako nalang lage ang nagmamakaawa para wag iwan ng mga taong mahal ko. Aldred ipaglalaban ko to... Kahit sumuko ka na.. Kahit gaano pa kahirap.. Kahit gaano pa kasakit. Hanggang makaratinng ako sa harap ng bahay nila aldred ilang sandali akong nagisip saka bumuntong hininga..

             " wag mong pindutin yan." saad ng tao mula sa likod ko ng aktong pipindutin ko yung doorbell..

             " aldred."

             " anong ginagawa mo dito.?" malamig na saad nito.

             " aldred magusap naman tayo oh.?"

             " blue wala na tayong paguusapan..  Umuwi ka na baka bigla kang makita ng daddy mo dito"

             " aldred ano bang sinabi niya sayo.. Kala ko ba walang iwanan.?"

             " umuwi ka na blue please..."

             " aldred mahal kita."

             " baka marinig ka ni mommy umuwi ka. na."

                " aldred please naman oh.. Wag naman ganito.."

                " ang kulit mo sabing umuwi ka na eh.."

                " tayo pa ba..?" nakatungong saad ko kita ko naman na umiwas sya ng tingin. " aldred tayo pa ba.?"

                " blue umuwi ka na..please"

                " sagutin mo ko. Tayo pa ba.?"

                " umuwi ka na!!" gigil na saad ni aldred saka nagmamadaling binuksan yung gate nila. " umuwi ka na baka makita ka ni mommy."

                " aldred." saad ko lang pero sinara niya na yung gate tumulo naman yung luha ko.. Bakit ba lage nalang ako ang iniiwan bakit baganito nalang lage..

                naglalakad na ko pabalik sa bahay ng may tumigil na motor sa gilid ko si chris tinuloy ko naman yung paglalakad ko tumungo lang kita ko naman na nagdrive lang sya sa tapat ko.

                " goodafternoon teacher bakit ka naglalakad.?" umiwas naman ako ng tiingin sa kanya. " teka umiiyak ka ba.?"

                " huh hindi napawing lang ako.. Bakit ang aga mo.?" agad ko naaman pinunasan yung mata ko saka pilit na ngumiti sa kanya.

                " wala lang.. Dapat talaga maaga.. every Saturday mo na nga lang ako itututor malelate pa ba ko.?"

                " una ka na sa bahay maglalakad nalang ako."

                " sakay ka na.. Tara na bilis."

                " malapit  na nanaman eh una ka na."

                " sakay ka na.. Mainit oh mangingitim ka niyan."

                " ok lang una ka nalang.."

                " may problema ka ba blue.?"

                " wala.."

              " sabayan nalang kita.. Bakit gusto mo kasi maglakad.?"

              " gusto ko lang hindi na kasi ako nasisikatan ng araw eh.."

              " kung kailangan mo ng kaibigan andito lang ako blue.. Alam ko umiiyak ka.."

              " bakit naman ako iiyak.."

              " I don't know.. Alam mo blue siguro kapag nagkalovelife ka lage ka ng ngingiti." ngiti lang ni chris sakin umiwas naman ako ng tingin.. Yun nga ang dahilan kung bakit ako umiiyak eh saad ko lang sa sarili ko.

              " nasa bahay niyo si aldred.?"

              " wala"

              " bakit..?"

              " galing ako sa kanila busy yun." saad ko lang hanggang makarating kami sa bahay. Sinalubong lang kami ni mommy.

              " goodafternoon po tita.." ngiti ni chris kay mommy ..

              " chris magbibihis lang ako.." saad ko saka umakyat sa hagdan nakita ko naman na sumunod lang si mommy hanggang sa kwarto ko.

              " anong sabi ni aldred anak.?"

              " wala."

              " wala.? Ano yung naging pipi na sya bigla..? Ano ngang sabi."

              " puro umuwi na ko ang sinabi niya mommy.. Ilang beses niya ata sinabi yun.. Umuwi ka na blue umuwi ka na blue umuwi ka na blue.. Paulit ulit."

              " yun lang sinabi niya.?"

              " mommy ano bang sinabi ni daddy sa kanya."

              " hindi ko alam anak eh.. Ipaghahain ko muna si chris kumain muna kayo bago mo sya itutor.." saad ni mommy saka lumabas ng kwarto napabuntong hininga naman ako pagbaba ko ng hagdan nakangiting chris lang ang sumalubong sakin.

              " bakit ba ganyan ang mukha mo saka yung mata mo maga halatang umiyak ka ng umiyak.?"

              " hindi related sa pag-aaralan natin yung mukha ko."

              " to naman ang sungit.. Meron ka ba ngayon."

              " ewan sayo chris kain muna tayo nagutom ako nung nakita kita.,"

              "bakit mukha ba kong ulam.. Kanin nalang kulang noh.?"

              " ewan..

              " Eh bakit nga ba wala yung weirdong si aldred.?"

              " chris hindi weirdo si aldred.. Kumain na kayo." saad ni mommy. "pumunta nalang kayo sa mesa."

              " uhm yes po tita.. Close mommy mo saka si aldred.?" baling sakin ni chris.. Tumango lang ako sa kanya. "eh asan nga ba sya ngayon tuwing tinututor mo ko laging nakabantay yun di ba."

              " busy nga.. Ang kulit mo chris."

              " oo na sige na huhulaan ko ulam niyo huh.? Adobo.?"

              " kailan ka pa naging manghuhula chris..?"

              " tama ako.. Bakit lage yun ang ulam pag pumupunta ako dito hindi ba marunong magluto yung maid niyo.?"

              " favorite ni mommy yung adobo,"

              " pati mommy mo weird.. Siguro pati daddy mo.?"

              " chris bakit ang daldal mo?"

              " huh hindi naman ah.?"

                 " ewan ko sayo kumain ka na.." simangot ko sa kanya..pagkatapos namin kumain sinimulan ko lang itutor si chris pero kahit anong gawin ko si aldred parin yun laman ng utak ko.. Napabuntong hininga lang ako.. Bakit ba kasi ganun.

                 " ok kalang ba talaga.?" kunot ang noong tanong sakin ni chris.

                 " yeah ok lang ako sagutan mo lang yan huh iinom lang ako ng tubig.." saad ko saka tumayo naabutan ko naman si mommy sa kusina habang may kausap sa phone nakatalikod sya kaya hindi ako napansin.

                 " wala naman silang ginagawa don't worry.." saad lang ni mommy. " relax ka lang ald- " napalingon lang si mommy ng maramdaman ako.. " tatawagan nalang kita." saad ni mommy saka binaba yung cellphone.

                " sino kausap niyo mom.?"

                " kumare ko anak.. Tapos na kayo.?"

                " nauhaw lang ako mommy.." saad ko saka nangalumbaba sa mesa kumuha naman si mommy ng tubig saka nilagay sa harap ko.

                " ang lakas ng loob ng chris na yan na tawaging weirdo si aldred batukan ko kaya yan anak.?"

                " weirdo ang tingin niya sa lahat mommy.. Wag mo nalang pansinin."

                " may gusto sayo yan noh.?"

                " mommy naman..?"

                " tigilan mo blue huh.. Kay aldred kalang."

                " wala na nga ata kami ni aldred eh.. Ganun niya ko kadali sinuko mom.. Ang sakit lang."

                " sinabi niya bang wala na kayo.?"

                " hindi pero parang ganun na rin yun eh.. Pinagtabuyan niya ko palayo.."

                " pero anak."

                " balik na ko kay chris  mommy.." saad ko lang pilit naman na ngumiti si mommy sakin napabuntong hininga lang lang. 

9 comments:

  1. waahhh ano nangyari? weird talaga, pati kwento biglang naging weird. diko maintindihan. pinagkaisahan si blue. baka magsisi kayo sa ginawa nyo, lalo kana red pag nabaling yan kay cris, patay kang lalo, ikaw ang higit na masasaktan. haha.

    0309

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. bluerose.claveria@gmail.com yan po... :)

      Delete
    2. Hi bluerose. Isa ko sa mga readers ng story mo. Yung totoo ngayon ko lang nadiscover yung story mo na 'to at nahook na talaga ko sa kakabasa. Nakakainspire ka. Promise! 😁 Medyo nacurios lang ako dun sa message mo last Sept. 28, 2016. Sana mabasa mo to. If ever may problem ka... Never ever give up. Yes madaling sabihin but I know mahirap gawin. Willing ako makinig if you need someone to talk to. Haha. Medyo hindi nga lang ako magaling pagdating sa pag-aadvice but however tight is my schedule. Hahanap pa rin ako ng oraa para makinig. Don't lose hope. Please! Lakas makafeeling close ng message ko noh. Please smile and hold on. Keep on inspiring a hopeless romantic like me. 😃Ron...

      Delete
  3. Anyarreh??? Kala ko papayag na daddy ni blue..
    Kawawa nmn si blue.. :( pro kqy blue at red pa din ako.. Hehehehe. Kay jerome nlang ng bliss c chris.. Hahahaha.

    ReplyDelete
  4. hmmmm, mukhang magkakarun ng twist ah. he he he

    ReplyDelete
  5. Pala isipan ung ngyayari sa pag uusap ni aldred at daddy ni blue...buti nanjan c chris pam pa gulo at da same time pampa saya sa story

    ReplyDelete
  6. Wtf... Super ganda talaga ng st0ry na t0 grabe

    ReplyDelete
  7. Wtf... Super ganda talaga ng st0ry na t0 grabe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails