by aparadorprince
Author's Note:
Para sa mga hindi pa nabababasa ang ibang chapters, pwede na kayong magbacktrack. Wala lang :)
**aparadorprince
DATI
– Part 7
Kasama dapat sa plano ni Arran ang
paghihintay ng lulutuin ni Robert para sa hapunan. He wants to make sure that
Rob wouldn’t put vegetables in his dish. Kumakain naman siya ng carrots at
patatas, pati repolyo kapag nasa nilaga ito. Maliban doon ay halos wala na
siyang kinakaing gulay.
Ang
problema lang, habang naghihintay siya sa kanyang kwarto na makabalik si Robert
ay nakatulog siya. Magaling na ang galos niya sa noo at braso, kaya maayos na
siyang nakakabalikwas sa pagkakahiga. Nakadagdag pa ang makulimlim na panahon
noong araw na iyon kaya napahimbing siya.
Naalimpungatan
na lamang siya bandang alas sais y media
nang maramdaman niyang basa ang kanyang shorts. Napangiti siya, naisip na baka
nagka-wet dreams siya habang
natutulog kahit na wala naman siyang naaalalang panaginip. Agad niyang kinapa
ang kanyang harapan, kahit nakapikit pa. Basa ang buong shorts niya, maging ang
kumot at ang kama.
“Shit!” bulalas ni Arran at biglang
napabangon sa pagkakahiga. Did he just pee while he’s asleep?
Tinanggal niya ang kumot sa kanyang
harapan at ininspeksyon ang basang bahagi ng shorts niya, maging ang kama.
Nakakahiya naman talaga kung dito pa sa bahay ni Robert siya naihi sa pagtulog.
Habang patuloy niyang tinitingnan ang shorts niya ay may pumatak na tubig sa
ulo niya. Napatingala siya at napansing may namumuong tubig sa kisame ng
kwarto. “May butas yata yung bubong.” He sighed with relief, but immediately
frowned when he saw a puddle of water coming from the cabinet and on the other
side of the bed. Bumabaha sa kwartong tinutulugan niya. Bumangon siya at
binuksan ang tukador, only to find out that all his clothes were dripping wet
as well. Ang kanyang underwear lamang ang natirang tuyo, dahil nakalagay ito sa
resealable plastic bag.
Arran
grunted with disbelief, irritated that he might have to wash them again. He
looked at the window and saw that rain was falling heavily. Mula nang makatulog
siya ay bumuhos na ang malakas na ulan, at dinagdagan lamang ang himbing ng
tulog niya. Hindi na niya namalayan na may mga tulo pala sa kisame.
Agad
niyang inilagay ang mga damit sa hamper na ibinigay ni Nanay Luisa sa kanya, at
bumaba mula sa kwarto. Napansin niya si Robert na nagpriprito na ng lumpiang
ipinangako niya. Napatingin ito sa kanya, at ngumisi ng nakakaloko.
“Please
tell me you didn’t pee on the bed.” Robert said, the grin still plastered on
his face. Arran grunted again. “I did not, may tumutulong tubig sa kwarto. Basa
yung kama, pati damit ko basa din. May dryer ba kayo?” tanong niya sa kaharap.
Umiling
lamang si Robert. “I wash my own clothes. In this kind of weather, malabong
matuyo yang mga damit mo.” Sabi nito. Sandali niyang binalikan ang niluluto
nito, habang si Arran ay naghanap ng hanger upang maisabit na lamang ang mga
damit niya. He doesn’t want to wash his clothes, lalo na’t nabasa lang naman
ang mga ito.
“There’s
a storm coming, umuwi muna si Nanay Luisa upang i-secure yung bahay nila.”
Tuloy ni Robert habang hinahango ang mga lumpiang luto na. Pinamulahan si Arran
sa narinig, ibig kasings sabihin ay dalawa lang sila sa bahay. “Do you think
this is enough for the both of us?” tanong pa nito. Napatingin si Arran sa
plato. Halos dalawang dosenang lumpia ang naluto na ni Robert.
“Of
course. That could feed a family of five.” Natatawang sagot niya habang
itinutuloy ang paglalagay ng hanger sa mga damit. Pinatay na ni Robert ang
stove at inilagay ang mga lumpia sa mesa. “I saw how you eat, pang-construction
worker.” Komento nito. Napasimangot si
Arran sa narinig. Alam niyang may kalakasan siyang kumain ngunit masyado lang
talagang harsh magsalita ang mokong.
“Ikaw
din naman.” Depensa nito. Robert snickered, and helped him bring his clothes
outside the kitchen. May silong naman ang bahay niya kaya pwedeng doon muna
isampay ang mga damit para matuyo, kahit medyo may katagalan.
Pagkatapos
nilang magsampay ay nagsimula nang maghain si Arran ng mga plato, at magsandok
ng pagkain. Nagluto din si Robert ng soup. Nagsimula nang kumain ang dalawa.
“So
tell me, ano pala ang trabaho mo?” Robert asked him while chewing a mouthful of
food.
“Sa
call center, kaso naka-leave ako ngayon. Nabunggo kasi yung kotse ko nung
nakaraang araw.” Sagot naman niya bago kumagat ng lumpia. Malasa ang lumpia.
Alam niyang may carrots at patatas ito maliban sa karne. Dahil kumakain naman
siya ng mga ito ay hindi na niya pinansin at nagderecho sa pagkain.
“I
can see from your bruises. Kaso, you look like an elementary kid who got in a
fight with that colored band-aid on your forehead.” Ang di mapigilang komento
ni Robert na ikinagusot ng mukha ng kasama. May sugat pa kasi ang noo niya at
pinagpasyahang lagyan ng kulay green na band-aid.
“I
do not.” Naiinis na sagot ni Arran. Mukhang normal na para kay Robert ang
alaskahin siya, kaya hindi na rin niya masyadong dinidibdib ang sinasabi niya.
He learned how to snap back at his witty remarks, especially with Ashley as his
training ground for sarcastic comments.
Ilang
minuto pa ay natapos na kumain ang dalawa. Naka-anim na lumpia siya at humirit
pa ng isa upang papakin. Natatawa lamang si Robert habang tinitingnan siyang
kumain.
“I
told you, you eat like a construction worker.”
Arran
smirked and mimicked him. “I told you, you eat like a construction worker.
Whatever.” Habang ngumunguya ng lumpia. “But this really tastes good. I
appreciate it.” Ngumiti lamang si Robert at nagpasalamat. Nang matapos si Arran
sa kinakaing lumpia ay nagulat siya sa tanong ng binata.
“Ayaw
mo bang malaman kung ano ang inilagay ko sa lumpia?” tanong niya.
Kinabahan
si Arran. Wala naman siyang nalasahang kakaiba sa lumpia. In fact, it was
sumptuous. “Ano nga ba?”
“I
used fish instead of ground meat.” Pasimula nito. Napabuntong-hininga naman si
Arran. “carrots, potatoes…” dugtong pa ni Robert.
“Madalas
naman ganun talaga ang lama-“ hindi na natapos ang sasabihin ni Arran dahil
ipinagpatuloy ni Robert ang pagsasalita.
“Asparagus,
cabbage, mongo sprouts… And oh, nalasahan mo ba ang singkamas?” Robert finished
his sentence victoriously. Napatulala lamang si Arran sa narinig. Puro gulay
ang kinain niya, he was tricked. He wanted to throw up but his mind forbade
him, especially when the lumpia tasted so good and he didn’t even notice the
vegetables hidden on the filling.
“Kumakain
ka naman pala ng gulay eh, I should tell Nanay Luisa when she gets back.” Saad
ni Robert habang inililigpit ang pinagkainan nila.
Tumayo
na si Arran at nagprisintang maghugas ng pinggan, nagpaubaya naman si Robert.
“You’re a jerk.” Angil nito sa kaharap. Tumawa lamang si Robert. “I maybe am,
but I made you eat vegetables.” He retorted.
Itinulak
ni Arran ang kalapit gamit ang kanyang baywang, at lumayo naman ang binata.
Robert continued laughing. “And judging from your expressions earlier, you liked
it very much.” Dugtong pa nito.
Arran
rolled his eyes. “Whatever.” Ipinagpatuloy niya ang paghuhugas ng mga pinggan
habang si Robert ay nakatayo sa gilid ng lababo.
“You
look silly wearing that wet shorts.” Lumapit ito upang hawakan ang t-shirt
niya. “Even your shirt is wet.” Dagdag na komento pa ni Robert. Na-conscious
tuloy si Arran at hindi maiwasang mag-isip kung nagkikipag-flirt ba ang mokong
sa kanya. As far as he’s concerned, straight guys aren’t fond of rubbing elbows
with other guys, especially those they just met. He’s trying his best to play
this game even though this hunk beside him is totally hard to resist. Yet there
he was, closing the gap between them – literally.
“What
do you suggest then?” tanong ni Arran habang nagtutuyo ng kamay.
Robert
flashed his winning smile. “Ano pa nga ba? Eh di papahiramin kita ng damit.”
Sagot niya.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakasilip
lang si Ran-ran sa bintana. Alas diyes na ng umaga, ngunit makulimlim pa rin
ang langit. Dumagdag pa ang brown out sa buong compound. Kakatapos lamang
niyang intindihin ang Tamagochi niya
ngunit wala na siyang magawang iba.
Lumapit
ang kanyang mommy na si Rina. “Anak, isara mo kaagad ang mga bintana kapag
umulan hane?” pakiusap nito sa kanya. Tumango lamang si Ran-ran at bumalik sa
pagtitig sa labas. Wala namang ibang mga bata sa labas, at hindi pa din
pumupunta si Biboy sa bahay nila. Naisip niya kung siya na lang kaya ang
pumunta sa bahay nila Biboy, ngunit baka abutan siya ng ulan.
Ilang
saglit pa ay narinig na niya ang mabibigat na patak ng ulan sa paligid.
Pinagmasdan ni Ran-ran ang unti-unting nababasang kalsada, maging ang marahang
pagsayaw ng mga puno sa ritmong ibinibigay ng hangin sa mga ito.
Napabuntong-hininga siya, naiinip mukhang wala siyang ibang gagawin maghapon.
Ayos sana kung may kuryente dahil makakapanuod siya ng BTX.
Lumakas
ang buhos ng ulan at sinimulan na niyang isara ang mga bintana sa bahay nila.
Matapos nito ay umupo na siya sa sofa at naglaro sa kanyang Brick Game. Hindi rin naman siya ibibili
ng mommy Rina niya ng GameBoy.
“Ran-ran!
Ran-ran!” ang malakas na sigaw na mula sa labas ng pinto nila, kasabay ng
malalakas ding mga katok. Tumakbo si Ran-ran upang buksan ang pintuan nang
makita niya si Biboy, nakangiti at basang-basa ng tubig ulan.
“Biboy!
Bakit nagpaulan ka?” tanong ni Ran-ran. Hindi naman niya agad mapapasok ang
kalaro dahil basa nga ito. “Mommy, nandito si Biboy. Basa sa ulan.” Tawag niya
sa kanyang ina. Agad namang lumabas si Rina mula sa kusina at nagulat sa ayos
ng kalaro. “Naku Biboy, baka magkasakit ka. Sandali at ikukuha kita ng
tuwalya.” Ang agad na sinabi ni Rina at akmang paakyat na ng kwarto nang
magsalita ang bata.
“Sabi
po ni mama, maganda daw po maligo kapag unang beses umulan kapag Mayo.”
Paliwanag ni Biboy at tumingin siya sa kalaro. “Pwede din po bang maligo si
Ran-ran sa ulan?” dugtong pa nito.
Napaisip
naman si Rina sa sinabi ng bata. “Sandali lang at kukuha ako ng baby oil.”
Ilang saglit pa ay pinapahiran na ng baby oil ang likod ni Ran-ran. “Huwag
kayong masyadong magbababad sa ulan. Maya-maya ay bumalik na kayo dito.
Maliwanag?” paalala nito.
Sumagot
ng sabay ang dalawang bata. “Opo.”
Ngumiti
si Rina sa anak. “O sige, maglaro na kayo. Basta huwag kakalimutan ang bilin
ko.” Ngumiti na rin si Ran-ran at hinalikan sa pisngi ang ina. “Thank you
mommy. Tara na Biboy!” ang masiglang yakag nito sa kalaro. Agad silang tumakbo
palabas ng bahay at naligo sa ulan.
Tuwang-tuwa
ang dalawa habang naliligo sa malakas na buhos ng ulan. Naghabulan rin sila at
nagtatawanan. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang iba nilang kalaro upang
sumabay sa paliligo at paglalaro sa ulan. Naglaro sila ng taguan. Ang mga
kapitbahay naman nila ay sumilip na sa masayang sigawan at halakhakan ng mga
bata sa labas. Napapangiti rin sila habang pinapanuod ang mga bata habang
dinadama ang bawat patak ng tubig.
Nagulat
si Biboy nang biglang tumalon si Ran-ran sa isang naipong tubig sa kalsada at
natalsikan siya. “Sorry Biboy.” Ang nakangiting turan ng kalaro.
“Walang
sorry-sorry!” ang sigaw niya at sumipa rin ng tubig na nasa daan papunta kay
Ran-ran. Sumigaw si Ran-ran at gumanti sa kaibigan.
Maya-maya
ay may naisip si Biboy. “Dun tayo sa bakanteng lote, Ran-ran.” Suhestiyon niya.
Tiningan lamang siya ng kalaro. “Anong gagawin natin dun?”
“Eh
di manghuhuli ng palaka!” ang nakangising bulalas ni Biboy.
“Ayoko
ng palaka, takot ako dun. Baka magkaroon pa ako ng kulugo.” Ang tahimik na
sambit naman ni Ran-ran. Hinawakan ni Biboy ang balikat niya. “Sabi ng teacher
ko sa Science, hindi naman daw totoo na magkakaroon ka ng kulugo kapag humawak
ka ng palaka. Kaya tara na!”
Tumango
lamang si Ran-ran. “O sige. Pero hindi ako hahawak ng palaka ha? Sasamahan lang
kita.” Ang pagsisigurado niya. Mahirap nang magkaroon ng kulugo.
Hinawakan
ni Biboy ang kamay ng kalaro at hinila. Sabay silang tumakbo papuntang
bakanteng lote kung saan madalas silang maglaro ng Luksong Baka at Luksong Tinik.
Dito din sila naglalaro ng Agawan Base
dahil may dalawang puno sa magkabilang dulo ng lote na nagsisilbing base ng mga
grupo.
Sandali
silang tumigil sa gitna ng ulan, at naghahanap si Biboy ng tunog ng mga palaka.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa direksyon ng tunog habang si Ran-ran
naman ay nanatili sa puwesto. Ayaw niya kasing mabulabog ang mga palaka, at
ayaw din niya sanang lumapit sa mga ito.
Nagulat
na lang si Ran-ran nang biglang tumalon si Biboy padapa, dahilan upang
maputikan ang asul na Shaider T-shirt nito. Narinig niya ang malakas na tawa ng
kalaro habang tumatayo sa pagkakadapa. Nakahuli siya ng isang bullfrog, at agad
na ipinakita sa kanya. Umiwas siya ng kaunti, ngunit tiningnan pa rin ang
nahuli ni Biboy.
“Tingnan
mo Ran-ran, ang laki ng palaka!” ang masayang sigaw ni Biboy. Ngumiti lang
siya, kahit pakiramdam niya ay tinititigan siya ng palaka. Kinilabutan siya.
“Biboy, ibaba mo na ‘yan.” SInunod naman ito ng kalaro habang patuloy ang
pagtawa nito. Napansin ni Ran-ran ang putik sa mukha at damit nito.
“Baka
mapagalitan ka ni Tita Fe.” Ang nag-aaalalang sambit niya. Pinunasan naman ni
Biboy ang putik gamit ang braso. “Sasabihin ko na lang na nadapa ako habang naghahabulan
tayo.” Napakamot na lamang si Ran-ran, dahil baka lalong magalit ang mama nito
at hindi na sila paglaruin pa.
“Uwi
na tayo.” Ang yakag ni Ran-ran sa kalaro. Sinang-ayunan naman ito ni Biboy at
naglakad na pabalik sa kanilang bahay. Sinalubong naman sila ni Rina na may
dalang dalawang tuwalya para sa mga bata.
Tiningnan
ni Ran-ran ang kalaro, basang-basa pa rin kasi ang damit na suot niya. “Biboy,
papahiramin na lang kita ng damit.” Ang nakangiting suhestiyon niya.
Sumang-ayon naman si Rina sa anak. “Oo nga naman Biboy, magkakasya naman siguro
ang damit ni Ran-ran sa’yo.”
Si
Ran-ran mismo ang pumili ng ipapahiram niya kay Biboy. Isang puting T-shirt at
asul na shorts ang ibinigay niya sa kalaro. Nilabhan naman agad ni Rina ang mga
damit ni Biboy at sinabing balikan na lamang kapag natuyo na ang mga ito.
Tahimik
lang silang nakaupo sa sofa, nag-iisip ng maaari nilang gawin upang mapalipas
ang oras.
“Ran-ran,
papayagan ka kaya ng mommy mo kung…” ang simula ni Biboy, habang tinitingnan
ang mga kamay nito na bahagyang kumulubot dahil sa pagkakababad sa tubig ulan.
“Kung
ano?” ang tanong naman ni Ran-ran, hindi naiintindihan ang kalaro.
Unti-unting
iniangat ni Biboy ang tingin sa kaibigan. “Kung doon ka sa amin matutulog
mamayang gabi? Meron kasi kaming VHS
ng Casper. Pwede natin yun panuorin
kapag nagkaroon na ng kuryente.”
Nagpaalam
si Ran-ran sa kanyang ina at pinayagan naman siya nito. Alas tres na ng hapon
sila pumunta sa bahay nila Biboy dala-dala ang ilang piraso ng damit ni Ran-ran.
Dala rin niya ang Tamagochi niya, at
ang Shaider action figure.
thanks s update.
ReplyDelete0309
no problem 0309 ;) hanggang sa susunod na update!
Deleteay grabe naglaway aku sa lumpia ni rob, tugmang tugmasa panahon dito sa brunei naulan hang binabasa ko to,,, excited na aku sa next update!!!
ReplyDeletesugarangitawagmosaakin
Thanks sugar. Madaya yung lumpia, madaming gulay. Haha :)
DeleteHahah natawa aq dun sa "hane?" punto yan d2 sa Rizal,,
ReplyDeleteNakakatuwa tlaga tong story nato,, galing galing,
Tnx sa update :)
Next na po,
-Hyacin
May mga gumagamit din ng "hane" sa Laguna at Quezon. Hahaha :) Sabagay magkakalapit lang naman yun.
DeleteSalamat sa pagbabasa Hyacin, at hintay lang sa susunod na update, HANE?
Kuyang Aparadorprince, natutuwa ako kasi first time ko makabasa ng ganitong way ng pagsulat, yung dalawang timeline na sabay nailalahad sa iisang chapter, I like the mood kasi light lang siya specially sa mga nostalgic scenes, bumabalik ako sa pagkabata! Naeenvibe ko yung dalawang bata!!! Keep up the good work! Good job!!!
ReplyDeleteSalamat kuya Anon, pakilala ka naman :)
DeleteKailangan ko kasi pumili kung gusto kong i-push yung ganitong style ng pagsusulat although I have to compromise with the length of the story per chapter, pati na din yung phasing ng kwento.
Salamat sa pagbabasa :)
Wow first time ko mgcomment bago ko lng nabasa tong kwento... Na miss ko tuloy yong kabataan ko ganun din mga ginagawa ko noon..
ReplyDeleteMaganda yong story ^_^
salamat Richie :) tuloy lang sa pagbabasa
Deleteayan may update na! thank you PO
ReplyDeletebasa muna bag matulog! hehe
sana may update na din sa mumu sa library:-D
tonix
hi tonix, salamat sa pagbabasa. Naku hindi ako writer ng mumu sa library. Hehehe
DeleteOne of the best stories. Light mood pero you can sense the kilig and all. Keep this up. I like the two time frames setup. Feeling ko magmemeet Siya halfway on the long run! Haha. Basta I love this work! :)
ReplyDelete-dilos
salamat dilos. good vibes lang ang kwento, hehe :) tingnan natin kung magmeemeet ang kwento.
DeleteLagi namang nakakabitin! Nakakamiss ang maligo sa ulan habang naglalaro. Ang sarap talagang maging bata.
ReplyDelete-hardname-
Umuulan nung sinulat ko yung chapter. Haha. Nakakamiss lang, kasi may mga nakita akong mga bata sa kalye. WEE
Deletenakakatuwa talaga yung pagbalik tanaw nila sa kabataan nila.
ReplyDeleteangsweet at napaka inosente.
at dun nmn sa present, nakakakilig! kaiinis! ^^,
I want to keep the childhood memories innocent, ferds :) walang malisya. Haha
DeleteLol nakakakilig ba? Weeee
Congratulations, Comandante. :)
ReplyDeleteSalamat Yuno ;)
DeleteAko naman tulungan mo. Basahin mo post ko if you got time.
Deletealin dun yuno? finals week now. haha
DeleteMarathon...
ReplyDeleteAnsunget lang ni Biboy. :/
Masungit si Biboy? Bakit?
DeleteHe is actually acting like a jerk. XD
DeleteStill reading your piece until now and I'm glad that you're making changes regarding the "flashback and present thing" in your story.
:"> Robert shock the hell out of me. The kilig factor out of me. XD
He is actually acting like a jerk. XD
DeleteStill reading your piece until now and I'm glad that you're making changes regarding the "flashback and present thing" in your story.
:"> Robert shock the hell out of me. The kilig factor out of me. XD
I just posted, it's entitled Ara.
ReplyDeletewill check in a bit ;)
DeleteI posted today. It's entitled Ara.
ReplyDeleteang cute aman ng friendship nila. he he he. tnx sa update
ReplyDeleteHaha. Dumaan naman yata tayong lahat sa ganyan, yung tipong walang iniisip kundi maglaro lang. Haha
Deletethanks sa update! nabasawan sama ng pakiramdam ko.. kilig kilig konti..
ReplyDelete-arejay kerisawa
hehe. naku walang therapeutic claims ang DATI. salamat arehay :)
Deleteparang meron.. hahahaha.. kinikilig ako..
Delete