" tara na blue." hila sakin ni aldred papasok ng gate. " bakit si tita naggrocery nasaan ang mga maids niyo.?"
" wait dred pwede kang makausap.?" saad nito napalingon naman ako sa kanya. " mauna ka nang pumasok." baling nito sakin.
" uhm bakit geo..?"
" uhm aldred." saad ko lang..
" uhm blue ok lang ba.. Pasok ka na kausapin ko lang sya..wag kang mahiya sa maid nila huh.." ngiti ni aldred sakin.
" uhm aldred.."
" wag kang mahiya susunod ako kausapin ko lang ang pinakamamahal kong pinsan.." ngiti ni aldred sakin tumango naman ako saka tumalikod para tahakin yung papunta sa bahay nasa harap na ko ng pinto ng lingunin sila aldred at geo nanlaki lang yung mata ko sa nakita ko... Aldred.. Bakit nakayakap si geo.. Ilang sandali akong nakatingin lang sa kanila hanggang makita kong lumingon si aldred sakin saka pilit na ngumiti.
" uhm sir pasok na po kayo.?" ngiti sakin ng maid na nasa pinto tumango naman ako saka lumingon uli kay aldred kita ko lang yung paghimas niya ng likod ni geo.. Napabuntong hininga lang ako saka pumasok sa loob at tumuloy sa sala. " ano pong gusto niyo sir.. Juice or coffee sir.?"
" iced tea nalang ate.. Nauuhaw na po kasi ako.. Salamat po." ngiti ko lang dito.
" ok sir wait lang po... Upo po kayo.."saad pa ng maid saka ako iniwan ..umupo naman ako sa malaking sofa na andun saka ginala yung mata sa paligid.. Ang laki naman ng bahay na to... Maya maya nakita ko lang na pumasok na si aldred at geo.. Tumabi lang sakin si aldred si geo naman ay hindi man lang nagabalang tumingin sakin tumuloy lang to sa pagakyat sa hagdan.
" kuya aldred.. Bibihis lang ako." habol pa nito nginitian naman to ni aldred..
" may problema ba aldred.?" tanong ko lang dito.
" broken hearted si geo kawawa naman.. Alam mo ngayon ko lang nakitang umiyak yun..." pilit na ngiti ni aldred maya maya dumating yung maid dala dala yung baso ng ice tea saka nilagay sa mesang nasa harapan ko.
" salamat ate." ngiti ko tumango lang to saka umalis. " magseselos na sana ako eh magkayakap kasi kayo.?" kita ko naman na natawa sya sa sinabi ko.
" baliw ka.. Ewan ko dun.. Ngayon lang kasi nabroken hearted yun eh.. Kaya ganun siguro."
" nakakailang yung tingin niya sakin.. Anong sabi about sakin.?"
" wag kang mailang.. Ganun lang talaga yun kung tumingin.. Mabait yun promise.."
" eh anong ngang sabi tungkol sakin.?"
" gwapo ka daw..."
" wehhh yung totoo.?"
" oo nga.. Gwapo ka nga daw.. Painom ako." saad niya saka kinuha yung baso sa kamay ko.
" ano nga sabi.. Ok lang naman sakin kung ayaw ako ng pinsan mo eh.?"
" blue nakakatampo ka talaga huh.. Hindi naman ako sinungaling eh.. Yun nga sinabi ni geo.. Ang gwapo mo daw.. Pero syempre sinabi ko mas gwapo ako.." ngiti lang niya.
" eh bakit parang ayaw niya sakin.?"
" eh syempre hindi naman kayo close.. Ganun lang yun sa umpisa pero pag naging close mo yun sobrang kulit.." saad niya saka humalik sa pisnge ko. " ang gwapo mo ngayon.?" ngiti pa niya sakin
" ngayon lang ako gwapo,? Sige ganyan ka kasama aldred huh gwapo naman ako lage eh."
" wusshhuuuu... I love you blue."
" anong pwede nating gawin dito.?"
" may pool sa likod.. Kaso wala ka namang dalang pangswimming hiram tayo kay geo gusto mo.?"
" nakakahiya.. Magsisimba pa tayo di ba.?"
" yeah.. dadalhin kita sa altar.."
" dadalhin lang.?" ngiti ko.
" ano pa nga ba.. Para mabawasan naman yung sungay mo.. Pasok pasok din kasi sa simbahan para mabawasan yung kasalanan... Sa tingin ko kasi sayo konti nalang sasabog ka na sa dami ng kasalanan mo eh."
" sobra ka naman aldred huh... Baka nga pwede na kong maging santo sa sobra kong bait."
" parang hindi naman.. Well.. Siguro yung itsura mo pwedeng anghel.. Angel sa ilalim ng lupa.?" natatawang saad ni aldred sinimaan ko naman sya ng tingin.
" mukha akong demonyo.. Grabe ka pa nga aldred..?"
" joke lang.. Syempre.. Anghel ka... Ikaw yung anghel na nagbigay ng liwanag sa buhay ko.. Angel of mine....." ngiti niya.
" talaga..?"
" oo naman.. Basta magsisimba tayo ngayon.. To cleanse our soul.. Our mind.. And our heart.." saad niya habang nakatingin sa taas..
" oo na po father.. Pwede kaya tayong ikasal aldred.?"
" gusto mo ko pakasalan.?"
" bakit ayaw mo.?"
" gusto syempre.. Gustong gusto.. Kaso ang imposibleng makasal tayo sa simbahan dito.. Saka na natin problemahin yan kapag nasa right age na tayo.. Basta ako ikaw na yung papakasalan ko."
" ows talaga.?"
" yeah.. Ikaw na.. Ikaw lang.. Basta mahal kita.."
" talaga.?"
" oo naman blue.. Mahal na mahal kaya kita.."
" mahal din kita aldred.. Kaso ang problema parang hindi talaga ko tanggap ng pinsan mo.?"
" hay naku wag mong problemahin yun..?"
" sigurado ka.. Mamaya bigla nalang akong suntukin nun..?" simangot ko lang.
" bakit naman kita susuntukin.?" napalingon lang kami ni aldred sa hagdan ng marinig yung sinabi ni geo.. Natigilan lang ako ng makita na nakaayos na sya ng damit.. Gwapo nga rin si geo.. Mukha kasi syang bagong gising kanina.
" pumayat ka talaga geo.." saad lang ni aldred.
" ganun talaga kuya.." saad nito saka umupo sa tapat namin ni aldred. " don't worry blue.. Hindi naman ako mukhang basagulero di ba.?"
" uhm yeah.. hindi" pilit na ngiti ko.
" saka sayang naman yung mukha ko kung magiging basagulero ako di ba.."
" sabagay.." pilit na ngiti ko..
" kamusta study mo geo.?" wika ni aldred dito saka umakbay sakin kita ko naman na tumingin lang si geo sa ginawa ni aldred.
" ok lang naman kuya.. Alam mo kuya hindi parin ako makapaniwala na lalake ang dadalhin mo dito sa bahay.. "
" ok lang naman sayo di ba.. ?"
" ok lang naman... May magagawa ba ko.?" saad ni geo na nakatingin sakin.
" yun naman pala eh.. Edi masaya.. Kala ko kasi kakalimutan mo nang pinsan mo ko dahil lang sa nagmahal ako... Binabaan mo kasi ako ng phone eh?"
" mejo nagulat lang ako kuya pero narealized ko. Lovelife mo naman yan eh.. Bakit ako makikialam..?"
" thanks geo." ngiti ni aldred.
" wala yun kuya..."
" di ba sabi mo gwapo sya.?" agad naman akong napatingin kay aldred dahil sa sinabi niya napansin ko naman na umiwas ng tingin si geo. " sinabi mo yun geo kanina.. Ayaw niya kasing maniwala na sinabi mo yun eh.?"
" kuya.?"
" eh di ba sinabi mo kanina yun.. Sabi mo nga mas gwapo pa sakin.."
" aldred." kurot ko lang sa hita niya.
" kasi parang sinasabi mo na sinungaling ako eh.." ngiti sakin ni aldred saka kinurot yung pisngi ko. " Sinabi mo yun geo di ba.?" baling nito sa pinsan niya.
" oo na.. Kuya talaga eh.."
" see.... Sabi sayo sinabi niya yun." ngiti ni aldred sakin kita ko naman yung pag iwas sakin ng tingin ni geo. " Ok sayo si blue di ba geo.?"
" ok lang kuya.. Pero totoo bang kayo..?" baling sakin ni geo.
" oo nga.. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin.?" natatawang saad ni aldred.
" kuya sya ang kausap ko eh.. Baka kasi nangtitrip ka lang eh.. Hindi naman sya mukhang bakla...?"
" hindi naman sya bakla.?"
" ano.?"
" geo.. its not about the gender.. Ang importante kasi nagmamahalan kami.. Pero Kung ang pagmamahal ng kapwa lalake ay pagiging bakla. Then fine.. Bakla ako.." saad ko lang kita ko naman yung pagtitig niya sakin.
" narinig mo geo.?" saad ni aldred.
" ok.. Buti natatagalan mo yung kakulitin ni kuya aldred.. Nakakapikon kasi minsan yan eh.. Ay hindilang pala minsan always pala."
" mas makulit ka geo.""
" uhm.. Minsan nakakapikon.. pero yun naman nagustuhan ko sa kanya eh.."
" see may silbi yung kakulitan ko.. Nainlove sya sakin."
" so pag naging makulit pala ako sayo posibleng mainlove ka rin sakin.?" ngiti ni geo natigilan naman ako sa sinabi niya ganun din si aldred ilang sandaling walang nagsalita saming tatlo " joke lang." maya maya saad ni geo saka tumawa ng payak.
" geo.." saa ni aldred na deretsong nakatingin kay geo.
" yaya... Ice tea din ako.. Para kasing biglang uminit." ngiti ni geo sa maid nilang dumaan.
" ok po sir.." saad ng maid nila.
" kuya baka may gusto kayo..?"
" geo he's mine.?" seryosong saad ni aldred dito.
" yaya.. Ok ice tea lang.. Si kuya aldred din." saad pa ni geo saka tumingin kay aldred..
" geo.. Narinig mo ba yung sinabi ko.. He's mine.. Akin sya.."
" relax lang kuya aldred.. Hindi ko naman sya aagawin sayo.." natatawang saad pa nito.
" siguraduhin mo geo.. Baka kalimutan kong pinsan kita."
" kuya aldred kung babae siguro sya pwede pa."
" tulad ng ginawa mo kay riza.?"
" kuya kala ko ba ok na sayo yun.. Tapos na yun di ba.. And hindi ka ba masaya.. Hiwalay na kami.?"
" aldred you're here." saad ng isang matabang babae na pumasok sa pinto..
" mom kanina pa sila." saad lang ni geo.
" bakit ganyan mukha mo aldred.. And kung hindi ako nagkakamali ikaw si blue.?" ngiti nito sakin.
" yes po.." ngiti ko saka tumayo at nakipagkamay.
" gwapo ka huh."
" salamat po."
" ikaw aldred i miss you bakit ganyan mukha mo.? "
" binabadtrip ako ni geo tita." simangot lang ni aldred.
" ohhh.. Don't tell me tungkol nanaman kay riza yang pinagaawayan niyo..? Yun nga goodnews ko sayo iho kasi hiwalay na sila.?"
" kala ko nga matutuwa sya mom kapag nalaman niya.?"
" well mejo natuwa ako.. Buti nga sayo .. Sayang yung effort mo sa pag-agaw sa kanya.. Im sure sya ang nakipaghiwalay.?" sarkastikong ngiti ni aldred.
" uhm pano mo nalaman.?"
" hay naku kayong dalawa.. Nasira ang pagiging magpinsan niyo dahil sa riza na yan.. Kala ko ba ok na kayo.?"
" yes ok na kami tita.. Basta wala ng agawang mangyayare.?" saad ni aldred saka umakbay sakin.
" agawan.?" kunot na noong tanong ng mommy ni geo..
" well kuya. He's really cute, charming. Hindi naman masama na-"
" geo..!" saad ng mommy ni geo saka umupo sa tabi nito.
" eh kung umuwi na kaya kami.?" saad ni aldred saka tumayo. " let's go blue."
" kuya aldred I'm just kidding.. " natatawang saad ni geo.
" aldred umupo ka na.. Kala ko pa naman ok na kayong dalawa.. Hindi pa rin pala nababalik yung dating closeness niyo." umupo naman si aldred saka hinawakan yung kamay ko.
" ok na sana tita eh.. Kaso kung balak niyang gawin kay blue yung ginawa niya kay riza.. I'm sorry tita."
" kuya aldred.. Nagbibiro lang ako.."
" aldred relax ka nga lang.. " bulong ko kay aldred saka tumingin kay geo.. Nginitian niya naman ako.
" alam mo geo.. Di ba sabi ko sayo yung pagjojoke ay hindi talaga para sayo.." saad nalang ni aldred.
" hayxx alam niyo kayong dalawa.. nakakaStress talaga kayo.." simangot ng mommy ni geo.
" tita gusto sana namin dito maglunch kaso nawalan na ko ng gana.. Kunin ko nalang yung pinakukuha ni mommy para makauwi na kami."
" kuya aldred naman.. Namiss pa naman kita. Hindi na ko magjojoke promise.. Yung about kay riza sabi mo napatawad mo na ko dun.. Tapos na yun di ba."
" hanggang ngayon kasi geo hindi parin nakakatuwa yang mga joke mo.."
" aldred dito na kayo maglunch.. At ikaw geo pwede tigilan mo huh."
" opo mammy.."
" uwi na rin kami tita dadaan pa kami sa church ni blue eh."
" dito kayo maglulunch. Understand.?" saad ng mommy ni geo saka tumayo at naglakad papuntang kusina.
" kuya aldred sorry na.?"
" tama nga si aldred hindi nga nakakatuwa yung joke mo." ngiti ko lang sa kanya.
" wag mo syang ngitian." simangot lang sakin ni aldred.
" bakit.?" kunot ang noong saad ni geo. " gusto mo kuya nakasimangot sya sakin.?"
" oo.."
" well yung smile nga nya.. Ang sarap tingnan.. Smile ka nga uli blue." saad ni geo.
" wag mo syang ngitian." simangot sakin ni aldred napakamot naman ako sa ulo. " geo tigilan mo nga."
" hindi maipagkakailang magpinsan kayo.. Nakakainis kasi kayo parehas.. And aldred.. Mahal na mahal kita di ba alam mo naman yun so bakit ka matatakot na maagaw ako ni geo.. Honestly hindi naman sya ganun kagwapo paningin ko." ngiti ko lang.
" hindi ganun kagwapo?" simangot ni geo sakin.
" and mas gwapo ako sa kanya di ba.?"
" yeah ang gwapo mo kaya.. Kaya im really wondering kung pano niya naagaw yung riza sayo.?"
" gwapo naman ako ah.. ?"
" saka kung magkagusto man sya sakin.. Si chris na sobrang gwapo hindi ko nagustuhan sya pa kaya.?"
" promise.?" ngiti ni aldred sakin.
" kung pagusapan niyo ko parang hindi ko naririnig yung sinasabi niyo.?" ngiwi lang ni geo.
" para lang malinaw tayo." ngiti ko sa kanya.
" hindi naman kita type.. Saka hindi ako bakla para magkagusto sayo.?"
" may sinabi ba ko..?"
" geo narinig mo naman yung sinabi niya.. Hindi mo sya maagaw sakin.. Kasi tama, mahal na mahal ako ni blue eh."
" oo na kuya.. hindi ko sya aagawin kung magsstay kayo dito buong araw.?" ngiti ni geo.
" ayoko." agad na tutol ni aldred.
" ayaw mo... Or takot lang maagaw ko sya..?" ngiti ni geo natawa naman ako.
" geo I know hindi tayo close.. Pwedeng bang tigilan mo yang mga birong mong ganyan.. Hindi talaga nakakatawa." simangot ko sa kanya.
" so takot ka din na baka mainlove ka sakin.?" ngiti niya sakin.
" geo gusto mo bang masapak kita.?" banta ni aldred.
" haixxt oo nga pala hindi na pala ko magjojoke sorry na kuya.. Promise hindi na talaga saka hindi ko naman type si blue.. Hindi talaga.."
" uwi na tayo aldred." saad ko lang kasunod ng isang buntong hininga.
" wag naman.. Hindi na ko magbibiro.. Saka napakaimposible naman na maagaw kita.. Hindi naman ako bakla at lalong hindi kita type.. So isang biro lang yun.. Joke ba.? Joke lang talaga yun Kuya aldred bati na tayo."
" basta after lunch uuwi na kami."
" yeah." ngiti ko lang kay geo.
" eh kuya kasi since andito ka na.. Tulungan mo na rin ako sa project ko.. Alam mo naman ikaw lang tumutulong pag may mga project ako di ba..?"
" matanda ka na geo. Kaya mo na yan basta uuwi na kami hindi mo ba narinig magsisimba pa kami."
" pero kuya..?"
" ano ba yung project mo.?" tanong ko lang sa kanya napatingin lang ako kay aldred ng pisilin niya yung palad ko.
" geo may kailangan pa kaming tapusin ni blue.. Kaya nga maaga kami pumunta para makauwi kami agad."
" pero kuya kailangan ko talaga ng tulong.. Promise yung joke ko hindi na talaga mauulit.. Promise.."
" kanina mo pa nga sinasabi na hindi ka na magjojoke eh.. Pero ginagawa mo parin.?" simangot ni aldred.
" ano ba kasi yung project mo.?"
" blue magsisimba pa tayo.. "
" tulungan na natin maaga pa naman para sa lunch eh pwede pa natin syang tulungan."
" pero blue."
" kuya aldred sige na please.? Please..?"
" oo na.. Pero geo lilinawin ko lang huh akin lang si blue." natawa naman si geo.
" aldred para kang baliw.?" simangot ko lang sa kanya.
" gusto ko lang malinaw blue.. Kilala ko yang si geo.. Ahas yan eh."
" grabe ka kuya aldred masakit na yun.. Kung ahas man ako.. Gwapong ahas naman.?" natatawang saad ni geo.
" nakakatawa.." simangot ni aldred
" tutulungan niyo na ko huh.?" ngiti nalang ni geo.
" basta wala ng joke." saad ko lang.,
" yeah.. Wala na.. Nasabi sakin ni mommy na matalino ka daw nakwento daw sa kanya ni kuya aldred.. So i think ikaw talaga makakatulong sakin."
" ano tingin mo sakin geo walang utak.?"
" hindi ko sinabi yun kuya.. Nakwento lang sakin ni mommy na matalino daw yung mahal mo kaya naisip ko sya makakatulong sakin.. Alam ko kasi na hindi ka naman ganun katalino eh..?" ngiti ni geo
" kala ko ba wala ng joke geo.. Masasapak na kita.?"
" eh kuya aldred hindi naman joke yun di ba.. Hindi ka naman masyadong matalino.. Average ka lang.."
" below average ka naman." simangot ni aldred natawa naman ako.
" oh iyung talino mo yung pinaguusapan hindi yung akin saka aminado naman ako dun wala nalang pakialamanan kuya aldred."
" ako ang tutulong sayo hindi si blue.. Mamaya ahasin mo pa sya eh."
" im sure kuya aldred hindi mo kaya yung project ko pang super matalino yun eh.?"
" ano ba kasi yung project mo.?" tanong kon lang.
" nasa kwarto ko.. Pakita ko sa inyo."
" dito ka nalang blue ako nalang tutulong sa kanya."
" kuya.. Hindi mo talaga kaya yun.. Saka hahayaan mong maiwan si blue magisa dito hindi sya maasikaso ni mommy im sure busy yun sa pagluluto.. Ang sama mo namang syota.."
" geo sobrang kulit mo talaga."
" kuya aldred kasi nga mahirap yun... Sige na para makilala ko rin si blue.. Makilala ko yung taong nagpa boom boom sa napakapihikan mong puso."
" ewan ko sayo geo.. Basta ako lang tutulong sayo."
"kuya naman eh.. "
" basta ako lang."
"Sige na nga basta isama nalang natin si blue kesa naman maiwan sya dito magisa.. Pati para kung hindi mo kaya andun lang sya di ba.?"
" sige na aldred pumayag ka na.. Parehas kayo sobrang kulit eh." saad ko nalang.. Tiningnan naman ako ni aldred saka hinawakan yung kamay.
" akyat na tayo kuya.?"
" umayos ka geo huh..."
" yes kuya.. Promise.. Napakaseloso mo talaga kuya." ngiti ni geo pero sinimangutan lang to ni aldred. " tara na sa kwarto ko.?"
" oo na.." simangot pa ni aldred.
" tara na blue." nilahad naman sakin ni geo yung kamay niya nakita ko naman na tiningnan ni aldred yung kamay ni geo. " joke uli." ngiti ni geo saka naglakad papunta sa hagdan.
" nakakainis sya magjoke noh.?" ngiti ko kay aldred natawa lang ako ng bumuntong hininga sya saka ako tiningnan.
" pakiss ako.?"
" anong kiss nanaman.. Tara na.." saad ko lang sa kanya.
" kuya akyat na tayo.?" saad ni geo habang nasa hagdan.. Nagulat naman ako ng bigla akong halikan sa labi ni aldred wala naman ako nagawa kaya pinabayaan ko lang sya. " kuya.. Wag naman jan.!" saad pa nigeo humiwalay naman ako kay aldred.
" hindi na ko nakapagigil tara na." ngiti sakin ni aldred napatingin naman ako kay geo na nagkakamot ng ulo habang nakatingin samin.
" hindi nakapagpigil... Ang seloso mo kamo." nguso ko lang saka naunang naglakad papunta sa hagdan.
" i love you blue." saad ni aldred saka hinawakan yung kamay ko.
" kaingit." saad ni geo saka tumuloy sa pagakyat sa hagdan. Natawa naman si aldred hanggang makita namin na pumasok si geo sa isang kwarto sumunod naman kami ni aldred dito.
" ano ba kasi yang project mno na pang matalino.?" saad ni aldred pag pasok namin sa kwarto nakita lang namin na may kinukuha si geo sa ilalim ng kama niya.
" ito kuya.. Look." saad nito saka nilagay yung box sa ibabaw ng kama lumapit naman kami ni aldred dito ng bukasan niya yung box."
" cross stich ?" kunot na saad ko..
" ano yan.?" saad din ni aldred.
" kasasabi lang ni blue kuya.. Cross stich nga.?"
" kala ko ba pang matalino.?" saad ko saka tiningnan si geo pero nginitian lang ako nito.
" hindi nga alam ni kuya aldred yan eh.. Tapos ikaw alam mo ibig sabihin matalino ka talaga.?"
" nakakakita na ko ng ganyan pero di ba pang babae yang ganyan.?" saad pa ni aldred.
" sabi ng teacher namin pang matalino daw yan eh." natawa naman ako sa sinabi niya.
" home economics ba yan.?" tanong ko tumango naman si geo. " hindi naman pang matalino yan eh.. Hindi ka ba marunong nyan imposible naman na hindi tinuro kung pano gawin yan.?"
" tinuro .. Kaso since broken hearted ako.. hindi ako nakinig.?"
" excuse ba yun.?" simangot ni aldred.
" eh ikaw kuya bakit hindi mo alam yan.?'
" pinagawa din kami nyan before.. Kaso si riza yung gumawa nung sakin."
" see.. Eh ngayon wala na si riza.. Si blue nalang ang pag asa ko.. Si mommy kasi hindi daw sya marunong eh.?"
" wala naman akong sinabing marunong ako nyan ah.?" maang ko lang.
" suuus alam mo nga yan so ibig sabihin marunong ka nyan."
" marunong ka ba nyan blue.. Wala akong alam sa ganyan eh.. Hindi nga ako humahawak ng karayom eh yan pa kaya." saad sakin ni aldred.
" may pattern naman yan sundin mo nalang.. " saad ko lang
" ang hirap nga blue eh pang matalino eh. Please tulungan mo na ko.?"
" eh kasi.. "
" please .?"
" Tuturuan nalang kita pano gawin.. Saka may instruction naman yan ah.. Kaya mo yan.?"
" pero.?"
" hindi naman kasi madali gawin yan. Matagal kaya tuturuan nalang kita.. Hindi ko naman magagawa yan ngayon din."
" pasalamat ka nga tuturuan ka na ng mahal ko eh." ngiti lang ni aldred.
" sige na nga.. Ayaw ko talaga humawak nyan eh.. Yung maid nnga namin bumili nyan eh."
" hindi din sila marunong.?" tanong ko lang.
" kung marunong ba sila papaturo pa ko sayo.. ?"
" ewan.. Basta tuturuan nalang kita.." saad ko lang dito.
" ok sige.. Tara upo ka dito sa tabi ko." saad ni geo sakin napatingin naman ako kay aldred.
" bakit sa tabi mo.?" simangot ni aldred.
" ang hina mo talaga kuya.. Malamang tuturuan niya nga ako di ba so tabi ko sya uupo."
" may instructions daw yan,... Sundin mo nalang.?"
' kuya naman eh.?"
" hay naku.. Oo na nga." simangot ko saka lumapit kay geo at kinuha yung project nito. Nailang naman ako ng maramdam na nilapit ni geo yung mukha niya.. " panuorin mong mabuti huh.."
" konting layo geo." saad ni aldred saka tumabi sakin.
" eh pano ko makikita kuya.?"
" ok ganito yan.." saad ko lang parehas naman silang titig na titig sa ginagawa ko hanggang magring yung cellphone ni aldred ilang sandali syang nakatingin lang sa screen ng cellphone niya..
" sagutin mo muna." saad ko lang.
" pero.."
" bakit.?" napabuntong hininga naman sya saka pilit na ngumiti sakin.
" hoy geo umayos ka huh.. Sagutin ko lang to."
" yes kuya" ngiti ni geo saka sumaludo kay aldred.. Lumabas naman ng kwarto si aldred kahit ilang na ilang ako kay geo tinuloy ko lang yung pagtuturo ko sa kanya hanggang hawakan niya yung kamay ko agad ko naman tong hinugot.
" ano.?" simangot ko.
" ah eh.. Wala lang..baka kasi matusok ka."
" hindi yan.."
" seryso ka ba talaga kay kuya aldred.?"
' mukha bang hindi."
" yung seryosong sagot.?"
" oo seryoso ako sa kanya.. Mahal na mahal ko yun.. Eh kung sineseryso mo yung pagtuturo ko sayo.?"
" mejo gets ko na kung pano."
" yun naman pala eh.?" saad ko saka nilapag sa hita niya yung cross stich at tumayo hinawakan niya naman yung braso ko.. Nginitian ko lang saka ipiniksi yung kamay ko para matangggal yung pagkakahawak niya sakin..
" blue alam mo.. Hindi naman kataka taka na magkagusto sayo si kuya aldred... Gwapo ka. Lakas ng sex appeal.. Yung lips mo na parang ang sarap halikan.... Yung mata mo...."
" so what are you trying to say.?"
" uhmm pano kung magkagusto ako sayo.?"
" sabi mo hindi na magjojoke.. Hindi talaga nakakatuwa." saad ko lang saka tumuloy sa pinto niya
" kung agawin kaya kita kay kuya aldred.?" natigilan lang ako ng bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto niya.
" hindi kasi ako hayop geo.. Kaya hindi ako pumapatol sa ahas.?" lingon ko sa kanya.
" masakit yun huh.."
" truth hurts.." ngiti ko pa sa kanya.
" pero susubukan ko.. Malay mo naman blue may posiblidad na mainlove ka sa ahas.. Wag magsalita ng tapos." umirap naman ako sa kanya kita ko lang yung ngiti sa labi niya.
" flirting is not my cup of tea.,.. "
" flirting..? Blue alam mo.. I don't know.. Pero ang lakas ng dating mo sakin.. Parang gusto ko talagang tayo nalang.?"
" sinabi mo kanina na hindi mo ko type..? Kasi alam mo mas lalong hindi kita type.. Kuntento na ko kay aldred.." ngiti ko lang.
" mas malaki yung akin." saad niya saka tumayo natawa naman ako sa sinabi niya.
" ganyan ba yung ginawa mo dun sa riza..?"
" yeahh and effective naman.." tumawa naman ako ng payak saka tumalikod. " bakit sayo hindi ba.?"
" hindi eh.. Ang panget mo kasi sa paningin ko.. Sarili mong pinsan tatraydurin mo.. Sabi ko kanina parehas kayo ni aldred.. Pero tingin ko.. Iba ka.. Ibang iba."
" kasi im better than him.. Mas magaling ako magmahal.. Im sure hindi ka magsisi if ako yung piliin mo.?"
" who gave you the idea na naisip ko na pipili ako sa inyong dalawa ni aldred... Abviously kami ni aldred.."
" mas magaling ako..?" sarkastiko niyang ngiti.
" hindi ko kailangan ng magaling.. Ang kailangan ko ay yung mahal ko at mahal ako.. So you better Stay away from me."
" let see..."
" sana hindi tayo uli magkita. " saad ko saka binuksan yung pinto.. Nakita ko naman na papalapit na si aldred na nakakunot ang noong nakatingin sakin.
" what happened.?" agad na tanong ni aldred sakin ngumiti lang ako sa kanya.
" gets niya na daw eh.." saad ko lang saka nilampasan si aldred.
" may ginawa ka ba geo.?" narinig kong saad ni aldred lumingon naman ako kita ko lang na magkaharap silang dalawa kaya lumapit lang ulli ako.
" wala naman akong ginawa kuya..?"
" aldred lets go.. Nauuhaw ako eh.?" saad ko lang saka hinawakan yung kamay niya.
" anong ginawa mo geo.?'
" wala nga kuya.. Tapos niya na ko turuan kaya lumabas na sya.?"
" kilala kita geo.. Anong sinabi mo sa kanya."
" wala aldred tara na nauuhaw na nga ako." hila ko sa kanya.
" geo sabi ko umayos ka di ba..?"
" kuya ang paranoid mo.. Tara na tingnan natin yung lunch." saad ni geo saka naglakad at tinungo yung pababa ng hagdan.
" anong sinabi niya sayo.?"
" wala nga.. Tara na nagugutom na ko eh."
"ano ngang sinabi niya sayo.. Blue naman eh sabihin mo sakin baka hindi ako makapagpigil baka masapak ko yan."
" relax lang.. Tara na gutom na talaga ko.. I love you aldred." ngiti ko sa kanya saka dinampian ng halik yung labi niya. " relax ka lang.. Kung may balak syang agawin ako sayo.. Hindi niya yun magagwa kasi nagiisa ka lang dito sa puso ko." saad ko pa saka muling dinampian ng halik yung labi niya.
" ano nga kasi sinabi niya.?"
" wala nga lang.. Ang gwapo ko daw kaya ka nainlove sakin."
" wala lang daw.. Tapos nag gwapo..? Ang labo mo talaga.."
" wusshhuuu."
" pag may sinabi or ginawa syang hindi maganda.. Sabihin mo agad sakin huh. Para masapak ko."
" eh kung wag ka masyadong seloso at paranoid.. Hindi niya ko makukuha sayo.. Dahil akoy sayo at ikay akin lamang." ngiti ko pa sa kanya.
" sure ka huh.. Kiss mo uli ako.?" hinalikan ko naman sya sa labi mas mapusok sinagot niya naman yung halik na yun pero maya maya humiwalay sya sakin. " tanong ko kay tita kung san tayo pwede magkwarto.?" ngiti niya sakin.
" heh.. Tara na nagugutom na ko... Uwi na tayo after natin kumain huh."
" ayaw mo magswimming.?"
" ok lang kung tayong dalawa lang.. Eh malamang magswimming din yung pinsan mo kaya wag nalang uwi nalang tayo.?'
" ano ba kasi sinabi niya sayo.?"
" hindi ako komportable sa kanya."
" sabagay.. Sige daan nalangtayo sa church huh.. Alam ko may malapit na sogo hotel dun eh.?" ngiti niya sakin sinimangutan ko naman sya.
" para kang baliw talaga aldred simbahan pupuntahan natin tapos ganun ang iniisip mo.?"
" ay oo nga pala.. Kainis uwi nalang tayo agad huh.?"
" wushhu ang hilig mo talaga."
" i love you.."
" i love you too." ngiti ko saka sya muling hinalikan. " baba na tayo gutom na ko eh."
Magkahawak kamay kaming bumaba ni aldred sa hagdan sinalubong lang kami ng ngiti ni geo habang nakaupo sa sofa.
" ang sweet.. Holding hands.?" ngiti pa nito.
" inggit ka.?" saad ni aldred umupo naman kami sa tapat nito.
" mejo.. Pero malay mo soon ako na ang kaholding hands niya.?" natawa lang si aldred sa sinabi ni geo.
" alam mo geo dahil sa mga joke mong ganyan.. Masisira yang mukha mo.. Konti nalang.. Konting konti nalang.. Kahit nandito tayo sa bahay niyo..masasapak talaga kita.?" sarkastikong ngiti ni aldred.
" geo.. Please.. Ibang joke nalang huh.. Kasi alam mo kahit hindi tayo masyadong magkakilala.. Concern ako sayo pinsan ka kasi ng mahal ko eh.. So itigil mo na.?" ngiti ko sa kanya.
" ok fine.. Hindi pa daw ready yung mesa.. Kung gusto niyo magswimming muna.?"
" no thanks gusto na din namin umuwi eh." saad lang ni aldred dito.
" kuya aldred hindi ka na nasanay sa mga biro ko.?"
" hindi talaga.." sabay sabay lang kaming napalingon ng marinig yung paglapit ng mommy ni geo.
" ready na yung mesa kain na tayo.." ngiti nito.
" sige po." ngiti ko lang dito.. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin kami agad ni aldred hindi ko na kayang tagalan yung ngiti at titig sakin ni geo..
" tita uwi na po kami ni blue." paalam ni aldred sa mommy ni geo ng nasa sala na kami.
" ok ito yung papel na hinihingi ng mommy mo.." abot nito sa isang envelope kinuha naman to ni aldred. "balik kayo dito huh.. Nice meeting you blue." ngiti pa nito sakin.
" thanks po sa lunch." tumango naman to palabas na sana kami ng gate ng lumapit samin si geo.
" kuya aldred may nakalimutan daw si mommy ibigay sayo." saad nito.
" huh ano daw.?"
" ewan ko tawag ka.?" tumingin namna sakin si aldred tumango lang ako sa kanya.
" wait lang blue huh." saad nito saka inabot sakin yung envelope at patakbong bumalik sa bahay.. Napatingin lang ako kay geo na hindi umalis sa kinatatayuan niya.
" what.?" saad ko lang dito.
" wala lang masama ka ba tingnan.?"
" oo masamang masama.. Sa labas ko nalang antayin si aldred." saad ko saka tumalikod aktong lalabas na ko ng gate ng hawakan ni geo yung kamay ko agad ko naman hinugot yung kamay ko. " ano ba.!"
" magkikita pa tayo blue... Hindi ito ang huli." ngiti niya.
" sana wag na.. And please sana talaga hindi tayo magkita uli."
simangot ko sa kanya.
" well sorry pero i promise.. Makikita mo pa uli tong mukha to.."
" hindi ka naman tumutupad sa mga pangako di ba.. So magpromise ka na magkikita pa tayo.. Para hindi na talaga."
" well.. Ill swear to god.. Magkikita pa tayo.. Kitakits nalang sa mata."
" dadaan kami ng church geo.. Ipagdadasal ko wag ako ilapit sa ahas.." saad ko saka lumabas ng gate hindi ko naman nakitang sumunod sya sakin maya maya lumabas na si aldred. " tagal mo naman.?"
" si tita kasi ang kulit eh..may sinabi sayo si geo nakasalubong ko nakasimangot eh."
" sabi ko kasi ipagdadasal kong ilayo ako sa ahas.. Baka nahurt.?" ngti ko natawa naman si aldred.
" alam mo mabait naman yun eh.. Kaso ang panget lang ng mga joke niya.. Nakakasira ng araw."
" tama ka dun.. Since tanghali pa lang naman pwede pang gumanda araw natin.. Daan tayo sa church para magpakasal." ngiti ko saka hinawakan yung kamay niya.
" papakasal tayo blue.?"
" joke lang to naman.. Pagdadasal ko nga si geo di ba.. Tara na.?"
" wala pa nga yung taxi eh... Sarap ng luto ni tita noh.."
" oo masarap.. Buti nalang masarap nakakawala ng badtrip sa pinsan mo.. Pano niya naagaw sayo yung riza.?"
" uhmm siniraan niya ko.. Tapos nakipagbreak sakin si riza.. Tapos na yun..hayaan nalang natin."
" hindi nakakapagtakang hiniwalayan din yung pinsan mo.. Iba yung ugali eh."
" hay hayaan mo na yun ayan na yung taxi." ngiti lang ni aldred.. Sumakay naman kami ni aldred.. Bago umandar yung taxi nakita ko pa sa gate si geo na nakatingin samin.. Hindi ko naman sya pinansin.
" baklaran church po tayo manong." saad ni aldred sa driver ng taxi.
" ok po." sagot lang nito inakbayan naman ako ni aldred humilig lang ako sa balikat niya.
" yung envelope aldred baka makalimutan mo lagot tayo sa mommy mo." saad ko sa kanya.
" hindi yan.." ngiti lang sakin ni aldred saka hinimas yung ulo ko.
" aldred.. Di ba madaming tao sa baklaran kapag wednesday.?"
" oo madami.. Daan lang tayo.. Baka kasi matagalan uli bago ako or tayo makabalik dun eh.. Sayang naman.?"
" sabagay.. Di ba aldred may mga beach sa cavite.. Ok ba dun.?"
" ok naman.. Hindi nga lang white sand pero maganda naman..."
" tuloy kaya yung family outing.. Alam mo hindi sigurado yun.. Si daddy kasi super busy sa work nun eh.."
" tingin mo.?"
" yeah actually mas ok sakin kung sa bahay nalang tayo magcelebrate.. Mas intimate.. Hindi pa hassle.?"
" pero di ba ok naman yun family outing.?"
" ok naman kaso mejo bitin yun.. Kasi sa Saturday na yung birthday ko.. Tapos Sunday lang.. Mas ok kung mejo mahaba yung time di ba.?"
" sabagay.. Alam mo blue nakakainis kasi wala akong maisip na pwede kong isuprise sayo..>?"
" wag ka na kasi magisip basta nasa tabi kita ng araw na yun.. Ok na ko dun.. Super ok.. "
' pero mas ok kung may gagawin akong something tulungan mo kaya ako magisip.?"
" seryoso sakin ka papatulong eh ako nga yung isusuprise mo di ba.?" natatawa kong saad.
" wala kasi akong maisip eh.. Nagpatulong ako sa mommy mo.. Problema niya din daw kung ano gift niya sayo.. Bahala daw akong magisip ng para sakin... Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan eh.?"
" aldred wag mo ng pagudin yang utak mo.. Ok nga lang kahit wala.. Basta wag mo lang akong iwan.."
" uhm pwede po ba kong magtanong.?" saad ng driver ng taxi sabay lang kaming napatingin ni aldred dito.
" yes po manong why.?" ngiti ko dito.
" uhmm kayong dalawa... May relasyon.?"
" opo manong.. Bagay kami di ba.?" saad lang ni aldred.. Kita ko naman yung ngiti nung driver.
" ok lang sa family niyo.?"
" sa family ko po okay na.. Kay aldred.. Magiging ok na din.. Hope so.?" saad ko lang.
" ok na tayo kay mommy.. Sigurado na yun." saad ni aldred saka hinawakan yung kamay ko.
" mukha namang masaya kayong dalawa..alam niyo naman na iba ang tingin ng ibang tao sa ganyang uri ng relasyon pero stay inlove... Wag niyo isipin yung iba.. Basta masaya kayo.. Sige lang" ngiti ng driver.
" salamat po manong.. "
" yung anak ko kasi ganyan din.. May karelasyon din syang same sex.. Nung una tutol ako sa kanila.. Kasi imposible talaga yung love sa ganyan klase ng relasyon di ba.?"
" hindi naman po imposible manong." saad lang ni aldred.
" nung una yun ang inisip ko.. Pero nung ipinaglaban nung dalawa yung relasyon nila.. Pinabayaan ko na.. Walang amang gustong maging ganyan ang anak nila.. Pero wala namang magulang na kayang makitang malungkot ang anak.. Kaya nung nakita kong masaya yung anak ko pinabayaan ko nalang.."
" ang bait niyo naman po.. Sana po maging masaya yung anak niyo.. Pagdadasal ko po yan>" ngiti ko lang.
" ok hanggang dito lang ako.. Hindi na makakapasok yung taxi sa loob masyadong madaming tao." saad pa ng taxi driver.
" sige po manong salamat po." saad ni aldred saka inabot yung bayad sa driver.
" aldred sabi ko ako di ba.?" simangot ko sa kanya.
" nauna ko.." ngiti niya pa sakin. " tara na baba ka na."
" duga mo talaga aldred."
" ingat kayong dalawa." hapol pa nung taxi driver tumango lang kami saka ngumiti.
Bago mag dilim ay nasa bahay na kami ni aldred.. Sumaglit lang kami sa church napakadami kasing tao.. Sabay lang kaming humiga sa kama ko pag pasok sa kwarto.
" so tired." bulong ni aldred habang nakapikit.
" super.." saad ko saka humarap sa kanya..
" napagod ba ang mahal ko.. Sorry blue huh."
"ok lang... pero masayang makipagsisiksikan sa baklaran noh.. Super daming tao ngayon ko lang naranasan yun." saad ko saka pinaglaro yung daliri ko sa labi niya.
" wag mo ko simulan blue.. May lakas pa ko." lingon sakin ni aldred.
" baliw mo.. Ang sarap kasi hawakan ng labi mo aldred.. Ang lambot.."
" kiss mo ko..?"
" kiss pagkatapos ano..?"
" syempre. Ano pa nga ba.."
" wehh uwi ka na para makapagbihis ka.. Gusto mo dito ka na magdinner.?"
" wag na.. Baka pag uwi ko sa bahay makatulog na ko agad eh.. Maaga pa pasok bukas."
" ah oo nga pala..uwi ka na."
" i love you." ngiti ni aldred saka ako hinalikan sa labi sinagot ko naman yung halik na yun. " uwi na ko... Gusto ko sana mag ano tayo kaso amoy pawis ako." ngiti niya sabay amoy sa damit niya.
" buti alam mo.. Bukas nalang aldred.."
" sige tayo ka na maligo ka na.. Naamoy din kita eh.." saad niya saka tumayo.
" yabang mo.. Kiss mo uli ako." yumuko naman sya saka ako hinalikan sa labi.
" blue sorry huh..?"
" sorry.?"
" si geo kasi.?"
" ano ka ba red. Ok na yun.. Sana lang hindi ko na makita yung pinsan mo.. Nakakainis kasi sya.
" yeah.. Sana nga.. Uwi na ko magdinner ka muna bago matulog huh.. Thanks sa pagsama sakin.."
" wala yun.. Kamusta pala yung stage play niyo kailan ba yun.?"
" malapit na yun.. Bibigyan kita ng ticket para mapanuod mo kung gano ako kagaling pag dating sa acting.. Mamahalin mo ko lalo for sure."
" wushhuu.. Promise yan.. Bigyan mo ko ng ticket."
" oo naman.. Parang ayoko umuwi.... Pwedeng dito ako matulog.?"
" baliw ka uwi ka na.!" ngiti ko saka binato sya ng unan nagkamot naman sya ng ulo.
" kasi naman eh.. I love you huh."
" i love you too red ranger... Uwi ka na.... Kesa nakatitig ka lang sakin jan.?"
" kasi namimiss na kita.?"
" grabe ka na ka oa huh.. Magkikita tayo bukas para ka talagang sira.?"
" sige na nga.. I love you blue.. Wait teka " may kinuha naman sya mula sa bulsa niya. "para sayo." ngiti niya saka inabot sakin.
" rosary.? San mo to binili.?"
" sa baklaran malamang.. ?"
" bakit rosary.?"
" uhm kasi gusto ko lagi kang safe.. Mag pray ka kasi minsan.. Ingatan mo yan huh.. Para everytime na makikita mo yan.. Maalala mo si god.. At syempre ako.?" ngiti niya lang..
" thanks huh.. Ngayon lanng may nagbigay sakin ng ganito.. Ang ganda.."
" basta ingatan mo yan huh.. Uwi na ko.. I love you."
" opo i love you too.. Uwi ka na.. Ingatz ka huh." tumango lang sya saka yumuko para muli akong halikan. " wag ka na ngang umuwi." natawa naman sya.
" may pasok bukas eh.. Sige uwi na ko.. Magbihis ka na baka makatulog ka pa jan.. Kain ka rin huh.." ngiti niya saka lumabas ng pinto napangiti lang ako pag labas niya.. Saka muling humiga at nakipagtitigan sa kisame.. Tiningnan ko lang yung rosary na binigay ni aldred.. I love you aldred..
Kinabukasan antok na antok ako pagpasok sa school naabutan ko lang si chris sa harap ng gate kaya kumunot yung noo ko.. Inaantay niya ko.?
" bakit ka absent kahapon.?" bungad nito sakin.
" ah may pinuntahan kasi ako.. Kamusta..?" ngiti ko sa kanya saka tumuloy sa paglalakad.
" ok lang naman. Buti walang ginawa kahapon.. San ka pumunta kasama mo si aldred.?" tanong niya tumango naman ako. " san kayo pumunta.?"
" sa cavite.?"
" uhm anong ginawa niyo dun.?"
" pumunta lang kami sa tita niya.. Teka chris.. Kasi nung nakaraan lang iniiwasan mo na ko.. Eh bakit ngayon.? Anong nangyare sayo.?"
" uhm kasi." nappakamot sa ulo niyang saad.
" kasi.?"
" kasi ang panget naman kasing tingnan kung iiwasan kita di ba.. ?"
" naiintindihan ko naman kung gawin mo yun para naman sayo yun di ba.?"
" wag nalang.. Friends na naman tayo di ba.. Ayoko din kasi ng may iniiwasan.. And."
" and.?"
" malapit na ang exam.. So kanino pa ko didikit syempre sa pinaka matalino.?" ngiti niya lang sakin hindi ko naman mapigilang matawa.
" so dahil lang sa exam.?"
" hindi naman dahil lang dun.. Gusto ko din maging close friends na din tayo.. Yung feelings ko sayo kalimutan mo na yun.. Tanggap ko nanaman eh so okay na talaga.. "
" sure ka.?" ngiti ko sa kanya hanggang makarating kami sa classroom namin umupo naman ako sa upuan ko sya naman umupo lang sa tabi ko.
" sure na sure yun.. Bata pa tayo so para naman akong sira kung iisipin ko masyado yun di ba.. Nakakasira ng kagwapuhan ko yun."
" yabang.. " ngiti ko lang.
" malapit na birthday mo blue di ba.. This Saturday .?"
" yeah.."
"may party.?"
" party ka jan.. Wala.. Kilala mo naman ako.. Baka family outing ata or sa bahay nalang.. Text kita if sa bahay lang para makapunta ka.?"
" pupunta ko.?"
" oo kung gusto mo.. Ikaw lang naman mejo close ko dito so.. Wala naman masama kung imbitahin kita.?"
" eh pano si aldred.?"
" eh wala nanaman syang dahilan para magselos di ba.. So i think ok na sa kanya.. Ikaw na nga lang kaibigan ko eh.. Hindi naman ganun kasama si aldred para pagbawalan ako sayo di ba.?"
" sabagay... Blue minsan envite ko kayo ni aldred sa gig namin huh.. Pwede kayo magdate dun.?"
" ok sige try ko.."
" thanks blue.. Sige upo na ko upuan ko.." ngiti niya tumango naman ako sa kanya..
Hanggang matapos ang klase naglalakad na ko papuntang sakayan.. Ng sabayan ako ni chris sa paglalakad.
" hi blue.?" ngiti nito.
" oh.."
" bibili ka na ng project sa math..?"
" uhm sa Monday na yun pero balak kong dumaan sa bookstore ngayon.. Natext ko na din si aldred na wag akong sunduin eh."
" talaga.. Ok lang naman na sabay tayo bumili di ba..?'
" ok lang naman.. Bibili ka na din.?"
" yeah.. Kaso hindi ko dala yung motor ko.. Pasabay ako.?" ngiti niya..
" sure.." kita ko naman yung saya sa mukha niya.. Hangang makarating kami sa sakayan.. " alam mo chris mukha nag serious mo na sa pagaaral ngayon ah.?" ngiti ko sa kanya pagsakay namin sa tricycle.
" kailangan eh.. Hindi pwedeng bumaba yung grades ko.. Mahirap na."
" sabagay.." hanggang makarating kami sa bookstore, si chris na yung nagbayad ng pamasahe namin.. Wala naman akong nagawa ng ipilit niya.. Nagkibit nalang ako ng balikat. " alam mo chris hindi ako sanay na nililibre ako.. Naiinis nga ako kay aldred eh."
" sus pamasahe lang big deal na ba yun.?"
" kahit na." saad ko habang papasok na kami tumuloy lang kami kung san nakalagay yung math book na kailangan namin.
" i hate math.." saad ni chris habang nakatingin sa mga libro.
" parehas tayo.. I really hate math.. Pero wala eh... Kailangan."
saad ko.
" ayaw mo din ng math.. Eh ang talino mo nga dun.. Hate pa yun huh pano pala kung gusto mo ang math.. Baka pati teacher natin taob na."
" baliw.. Masakit kaya sa ulo.. Minsan nga tinutulugan ko nalang.. Hindi naman ako ganun katalino.. Lalo na sa math."
" talaga hindi halata eh..oo nga pala naaccept mo na yung friend request ko sayo sa fb.?"
" hindi pa chris eh.. Sabi kasi sayo hindi naman ako mahilig sa ganun.. Mas ok pa sakin magbasa ng mga libro.."
" eh anong silbi ng computer mo.. ?"
" pag may project lang... Sige na nga magbubukas ako bukas para iaccept yung request mo."
" promise yan huh.."
" chris ikaw ba yan.?" napalingon lang ako sa gilid ko kung san galing yung nagsalita... Isang babaeng nakauniform.. Maganda sya ang lakas ng datin ilang segundo akong natigilan ng mapadako yung tingin ko sa mukha niya.. Ang amo.. Napatingin naman ako kay chris na nakakunot ang noo.
" irene.?" saad lang ni chris.
" yun oh.. Kala ko nakalimutan mo na ko eh.. Hows life.. " ngiti nito.
" ok lang naman.." ngiti ni chris.. " by the way.. Si blue classmate ko. And blue si irene.. Uhm.."
" ex girlfriend niya." ngiti nito sakin saka nilahad yung kamay.. Pilit ang ngiting tinanggap ko yung kamay niya.
" nice meeting you." saad ko lang.
' bakit hindi mo masabing ex mo ko chris.. Nakakatampo huh."
" uhm hindi naman sa ganun.. Mas gumada ka lalo.."
" well thank you.. Im so inlove kaya blooming.. "
" inlove.? Mukhang ok ka na ah.. May boyfriend ka na uli." ngiti ni chris saka binalik yung hawak niyang libro.
" uhmm wala akong boyfriend ngayon. Pero inlove ako.. Kaya kung type mo parin ako chris.. Sorry na lang huh.." natawa naman si chris sa sinabi nito.. Hindi ko naman mapigilang mangiti.
" gumanda ka.. Pero sorry din inlove din ako ngayon eh.. kaya parehas lang tayo.."
" yun kala ko kasi hindi ka parin nakkamove on sakin..?"
" grabe ka naman.. Matagal na yun.. Ilang taon na nga ba nung iniwan kita.?" ngiti ni chris.
" ahhh gumaganyan ka na ngayon huh.. Ang alam ko kasi ako nangiwan sayo..?" natatawang wika ni irene.
" joke lang.." saad lang ni chris.
"Sya nga pala una na ko.. Ingat kayo.. Nice meeting you blue." ngiti pa nito sakin saka naglakad palayo smain.. Nakangiti ko naman tiningnan si chris.
" bakit ganyan ngiti mo.?"
" chris ang ganda nun ah.. Sayang naman kayo.?"
" sayang ka jan.. Matagal na yun.. 2nd year pa ko nun.."
" ah ganun.. Eh bakit hindi mo subukan uli.. Malay mo.?"
" adik.. Wala na yun.. Saka sa public na sya nagaaral ngayon.. Hindi mo ba sya natatandaan.. Schoolmate natin sya before."
" familiar nga yung name niya.. Pero hindi ko sya matandaan."
" 3rd year nun nung lumipat sya sa public.."
" bakit sya lumipat..?"
" uhm sa pagkakatanda ko.. Nakipag-away sya sa isa pang studyante.. Dahil ata sa isang lalake.?"
" yun..? Nakikipagaway dahil sa lalake.?"
" yeah.. Alam ko kasi sya yung nang agaw.. Eh nabugbog sya nung inagawan niya kaya sa sobrang pagkapahiya.. Nagtransfer.."
" talaga.. Tingin ko naman hindi niya kailangan mang agaw.. Maganda naman sya di ba.?"
" yeah kaso iba yun.. Maganda na mejo may topak.. Kaya nga hiniwalayan ko eh.."
" ganun..? Eh ang sabi niya ikaw din ang hiniwalayan niya ah.?"
" maniwala ka dun.. Yung mukha to..? Mukha bang ako yung tipong iniiwanan.?"
" chris.. Ang hangin mo.."
" eh totoo naman ah.."
" ewan ko sayo."
" Tara na nga uwi na tayo.. Mag gagabi na eh.."
" ok ito yung book mo.." abot ko ng libro sa kanya.
" thanks.... Akin na yung sayo ako na magbabayad..?" ngiti ni chris sakin.. Aktong kukunin niya yung hawak kong libro ng ilagay ko sa likod ko.
" mukha mo ako magbabayad nung sakin.. Magbayad ka ng sayo." ngiti ko saka naunang maglakad.. Paglingon ko naman nakita ko lang syang patawa tawa.
aba! may sumingit na bagong character ah. parang ewan lang si geo. pamapagulo at panira ng eksena. tas eto pa si irene. mukang panira din to ah. parang naaamoy ko na gusto ni irene si Red ranger. parang yun yung sinasabi nya na inlove sya dun haha. thanks sa update.
ReplyDelete0309
Sorry po, pero habang tumatagal nawawalan po ako ng enthusiasm na basahin letra por letra ang kwento dahil sa nakakaumay na linyang " ang gwapo mo", "I love you", "mahal na mahal kita', etc, etc, etc. at mga halik, show of affection sa mga lugar/okasyon na sa timbang ko ay hindi natural na nangyayari. Pasensya na po sa reaction kong ito na sa panlasa ko ay lumilihis na sa realedad. Sobra o saturated ang kwento ng mga kilig effect.
ReplyDeletemaganda din story nto.. :)
ReplyDeletei love this story mwa <3 iyak n nmn ako s sobrang pag ka inlove hihi. ang hirap ng ganyan. kgaya ngaun. may mahal ako pero amy nag fliflirt skn hnd ko nmn mgawa iwasan dhl masaya dn sya ksama. hihi. galing mo writer mwa <3
ReplyDelete<3
ReplyDelete<3
ReplyDeletenice story sir
ReplyDelete