*******Oct 24*******
"UWAAAAH...
UWAAAAH... UWAAAAH..." Halos isang oras ng umaatungal itong si Joey Boy
since nang makaalis sila ng Mall and this is the first time na hindi siya pinasundan
ng kaniyang Mommy Silvs sa mga ipinabibili nito.
Minsan
kasi'y ginagamit nitong si Joey Boy ang kaniyang pag-iyak upang mapapayag niya
ang kaniyang Mommy sa mga gusto niya but not this time...
Nagkukunwari
na lamang na may KaText itong si Mommy Silvs para hindi na siya kulitin pa
nitong si Joey Boy at ito namang si Carl ay nagkukunwaring nagtutulugtulugan...
Kahit
ang Askal na si Britney ay pumasok na din sa kaniyang lagayang Adidas Sports
Bag at ito na din mismo ang nagsara ng
Zipper upang hindi na niya marinig pa ang nakakabinging pag-atungal ni Joey
Boy...
"WHY...
WHY... WHY... UWAAAAH..." Ang pagpapatuloy ng parang kinakatay na Baboy na
pag-iyak ni Joey Boy.
"WHY
MANONG CRIS... WHY..." Ang next na iyak ni Joey Boy nang matuunan niya ang
kanilang Driver na si Manong Cris.
"Tahan
na Joey Boy..." Ang nakaSmile na pang-aalo sa kaniya ni Manong Cris.
"WHY
CAN'T I HAVE A BUMBLE BEE COSTUME... UWAAAAH..." Ang malakas na pag-iyak
ni Joey Boy sa kanilang natawang biglang Driver.
Pagkatapos
nilang kumain sa KFC ay nagyaya namang mamasyal ni Joey Boy sa Toy Kingdom at
doon niya nakita ang mga iba't ibang pangHolloween Costume at nagpabili siya sa
kaniyang Mommy ngunit hindi nga ito pumayag...
"Magiging
kamukha mo lang si Jollibee..." Ang nakangiting reply na lamang ni Manong
Cris sa umaatungal na si Joey Boy.
Kahit
itong mga nagkukunwaring sina Ma'am Silvs at si Carl ay napangiti din sa sinabi
ni Manong Cris kay Joey Boy...
Kaya
naman hindi ibinili ni Ma'am Silvs ng costume itong si Joey Boy ay pinasadyaan
na niya ito ng Costume sa Tailor Shop and the second reason kung bakit hindi
pumayag si Mommy Silvs ay dahil ang mga ipinabibili sa kaniya ni Joey Boy na
Costume ay ang mga costume na pang Baby...
"IF
I CAN'T BE A BUMBLE BEE... WHY CAN'T I BE A SUNFLOWER... UWAAAH..." Ang
next na iniiyak ni Joey Boy kay Manong Cris.
"Hindi
ka pupuwedeng maging Flower dahil hindi ka magkakasya sa Paso..." Ang
natatawa pa ding explain ni Manong Cris habang nagdriDRive ito.
"UWAAAAH...
UWAAAAH... IF I CAN'T BE A BUMBLE BEE AND A SUNFLOWER... I WANT TO BE A
PUMPKIN... UWAAAAH..." Ang hindi papatalong Hirit na pag-atungal muli nitong
si Joey Boy sa kanilang Driver.
"Hindi
ka din pwedeng maging Kalabas kasi hindi ka mabubuhat kapag ibinenta ka na sa
palengke..." Ang reply na lamang ni Manong Cris at talaga namang wala na
siyang maisip na i-e-Explain sa umiiyak and upset na si Joey Boy.
"Di
ba may Costume ka na..." Ang next na tanong ni Manong Cris kay Joey Boy.
"I
DON'T WANT TO BE HARRY POTTER... I REALLY WANT TO BE A BUMBLE BEE... OR A
SUNFLOWER OR A PUMPKIN... UWAAAH..."
"Tsk...
Joey Boy... Stop crying na... Hindi na ako papayag na kuwentuhan ka pa ng Ate
Katie mo ng mga Horror Stories sa Holloween..." Ang biglang usal ni Ma'am
Silvs na biglang ikinatigil bigla ng atungal ni Joey Boy.
Kaagad
namang naCurious itong si Carl sa inusal ni Ma'am Silvs at agad namang napansin
ni Ma'am Silvs ang curiosity sa mukha ni Carl...
"Every
Holloween kasi eh natutulog si Katie sa Room ni Joey Boy kasi kinukuwentuhan
niya ng mga nakakatakot si Joey Boy kapag Holloween..." Ang nakaSmile na
explain ni Ma'am Silvs kay Carl.
Tanging
paghikbi na lamang ang ginawa nitong si Joey Boy sa loob ng Revo sa buong
biyahe nila hanggang sa maka-uwi na sila ng Mansion...
"Oh...
Bakit ka umiiyak..." Ang bungad ni Katie nang sinalubong niya ang
bumababang si Joey Boy sa Revo.
"ATE
KATIE... HU... HU... HU..." Ang tangis na lamang ni Joey Boy nang niyakap
niya ang kanilang Maid.
"Katie...
Huwag mo na ngang kuwentuhan yan sa Halooween at ayaw tumigil sa
kakaiyak..." Ang sambit kaagad ni Ma'am Silvs sa kanilang maid.
"Anyare
ba Ati..." Ang tanong kaagad ni Katie sa kaniyang Among si Ma'am Silvs at
doon na ini-Explain ni Ma'am Silvs ang reason kung bakit umiiyak itong si Joey
Boy.
"Why
are you laughing Ate Katie... Hu... Hu... Hu..." Ang hikbi ni Joey Boy
nang makita nilang natatawa ang kanilang Maid.
"Joey
Boy di ba 'Kuya' ka na..." Ang tanong kaagad ni Katie kay Joey Boy.
"Ehek..."
Ang ini-Reply na lamang ni Joey Boy.
"Eh
bakit ang gusto mong Costume eh pang Baby..." Ang netx na tinanong ni
Katie sa biglang natigilang si Joey Boy.
"Sige...
Kung gusto mong magsuot ng pang Baby na Costume eh hindi na talaga kita
kukuwentuhan ng nakakatakot..." Ang pagpapatuloy ni Katie.
"EHEEEK...
Why are you going to do that..." Ang hindi makapaniwalang tanong kaagad ni
Joey Boy.
"EH
kasi bawal sa mga Baby ang mga Horror Stories eh..." Ang mabilis na reply
kaagad ni Katie.
"Ehek..."
"Sige
na... Wipe your tears na... Patingin nga ako ng costume mo... Baka pangBaby ang
isusuot mo..." Ang next na inusal ni Katie.
"I'm
not a Baby... I'm a Kuya na..." Ang sambit kaagad ni Joey Boy sa kanilang
Maid.
*******During
Dinner*******
Nagpapasalamat
talaga itong si Maam Silvs dahil sa wakas ay naConvince na din ni Katie itong
si Joey Boy na isuot na lamang ipinatahi niyang 'Harry Potter' Costume...
"Kuya
Carl... You can sleep in my room on Holloween so that you can listen to Ate
Katie's Stories..." Ang masayang alok ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl
habang magana itong nagdiDinner.
"Kailan
ba kayo pumupunta ng sementeryo..." Ang tanong naman ni Ma'am Silvs kay
Carl.
"Buong
day po ng 31 para po iwas sa madaming tao..." Ang reply naman ni Carl.
"Ehek...
You won't be here at Halloween..." Ang gulat na tanong bigla ni Joey Boy.
"Babalik
din ako dito sa gabi para makinig kay Katie..." Ang sagot naman ni Carl.
"YAHOOOO...
We will have lot's of fun..." Ang masayang reply na lamang ni Joey Boy
dahil talagang looking forward siya palagi sa mga kuwento ng kaniyang Ate
Katie.
Although
hindi naman masyadong nakakatakot ang mga ikinukuwento ng Maid na si Katie kay
Joey Boy naging isa itong favorite na gawin ni Joey Boy every year...
*******October 31*******
Naging
okay naman at masaya itong si Joey Boy sa kanilang Halloween Party sa School
noong Oct 25 at talaga namang marami siyang naiuwing mga Candies and chocolates
na bigay sa kaniya nina Teacher nhinzy and Teacher Jai at pati na din ang iba
pang mga Teachers...
Kaya
naman from the evening of October 25 until now ay naProblema ang buong mansion
dahil sa sobrang pagkaHyper ni Joey Boy at kahit na in-interogate siya ng
kaniyang Mommy Silvs upang ilabas sa kaniyang pinagtataguan ang mga na
Trick-Or-Treat niyang mga sweets from their School's Halloween Party ay tanging
isinasagot lamang ni Joey sa kaniyang Mommy na wala siyang nakuhang sweets...
Kahit
itong sina Katie and Carl ay wala ding idea kung saan inilagay ni Joey Boy ang
kaniyang mga Chocolates and Candies and even si Britney ay ayaw sabihin kung
saan iyon itinatago ni Joey Boy...
Makikita
na lamang nila na may mga nakakalat na mga balat ng Lollipop, Chocolates,
Candies sa iba't ibang parte ng Mansion lalong lalo na sa Room ni Joey Boy...
*******9:00 pm*******
After
na makapagShower ni Carl ay kaniya ng binitbit ang kaniyang Pillow and Blanket
at just like before ay sinalubong siya ng napakalamig na buga ng nakaMaximum na
Airconditioner and electrifan sa room ni Joey Boy...
Napangiti
na lamang itong si Carl nang makita niyang nakaClose ang ilaw sa loob ng room
at tanging isang Dim Light lang na kulay orange ang nakasindi kaya nama'y medyo
spooky at Halloween na Halloween ang feeling ng ambiance ng room ni Joey Boy...
"Dito
ka na sa bed... Dyan na lang ako sa Carpet..." Ang sambit ni Joey Boy kay
Katie.
"Okay
na ako dito Dong... Puwesto ko talaga ito..." Ang reply ni Katie sabay
turo niya sa isa pang single bed na bakante sa room ni Joey Boy.
Napangiti
na lamang itong si Carl nang inilapag na niya ang kaniyang Kumot at unan sa
single bed dahil naalala niya na dito siya natutulog sa room ni Joey Boy
dati...
"Nasaan
ba si Joey Boy..." Ang nakaSmile na sinabi ni Carl habang tinitingnan niya
ang nakatalukbong sa comforter na si Joey Boy sa King Size bed nito.
"Eheeek...
I'm here Kuya Carl..." Ang sambit ni Joey Boy mula sa ilalaim ng
Comforter.
"Joey
Boy... Nasan ka na ba... Hindi kita makita..." Ang pagbibiro naman ni Carl
na kunwari'y hinahanap pa din niya si Joey Boy.
"Eheeek...
I'm here Kuya Carl..." Ang sambit muli ni Joey.
"AY!!!
You scared me Joey Boy..." Ang masayang sambit ni Carl na napapangiti
dahil parang eskimo ang nakahigang si Joey Boy dahil mukha lang ang inilabas
nito mula sa pagkakatalukbong nito ng Comforter.
"EHEEEK..."
"Are
you scared ba Joey Boy that's why you're hiding inside your comforter..."
Ang next na tanong ni Carl.
"Nope...
I just like to be under the comforter when liste ning to Ate Katie..." Ang
reply kaagad ng nagtalukbong muling si Joey Boy.
"Nandyan
ba si Britney sa loob..." Ang next na tanong ni Carl.
"ARF..."
Ang malakas namang reply ni Britney at pagkatapos ay kaagad na lumabas ito mula
sa ilalim ng Bed ni Joey Boy.
"Ikaw
din nagtatago..." Ang namamanghang tanong ni Carl sa Askal.
"ARF..."
Ang reply lamang muli ni Britney at pagkatapos ay kaagad na muling nagCrawl
back ang Askal sa ilalim ng Bed ni Joey Boy.
"Ate
Katie... Start ka na..." Ang mumble ni Joey Boy sa kanilang maid under his
comforter.
"Are
you eating something..." Ang biglang tanong ni Carl dahil
halatang-halatang mag nginunguya itong si Joey Boy nang nagsalita ito.
"No..."
Ang maiksing reply lamang ni Joey Boy na halatang-halatang mabilis na
ngumunguya.
"Di
ba bawal ka ng sweets kapag night time na..." Ang next na sambit ni Carl.
"I
don't have any sweets in Here..." Ang reply muli ni Joey Boy.
"Sige
na Dong... Mahiga ka na para makapagsimula na ako..." Ang singit naman ni
Katie sabay kindat niya sa nakatayong si Carl.
Kaagad
namang humiga itong si Carl sa single bed at ginawa niyang comfy ang kaniyang
sarili at kaagad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata upang matulog na...
Wala
talagang balak itong si Carl na makinig sa mga ikukuwento ng maid na si Katie
dahil pagod na pagod siya that time since nagpunta sila ng Sementeryo nina
Nanay Cion upang bisitahin ang puntod ng kaniyang namayapa ng ama...
"Are
you ready Joey Boy..." Ang next na sinambit na tanong ni Katie.
"EHEEEK..."
Ang excited na tugon naman ni Joey Boy.
"Britney
is ready to Ate Kattie... Start ka na please..." Ang next na inusal nitong
si Joey Boy.
"ARF..."
Ang malakas namang kahol ni Britney mula sa ilalim ng kama.
Agad
namang nag Indian seat itong si Katie sa kaniyang higaang matress na nakalatag
sa carpeted floor ng Room ni Joey Boy at pagkatapos ay nag-Inhale and exhale ito at kaniya nang
sinimulan ang kaniyang Children's Horror Story...
"Isang
Araw ay dumalaw kami sa isang lamay ng patay..."Ang pagsisimula ni Katie.
"What's
lamay..." Ang biglang tanong ni Joey Boy na siya namang nagpangiti sa
nakapikit na si Carl.
"Basta
lamay yun... Kapag Dead na ang isang tao eh nilalamayan..." Ang explain
naman ni Katie.
"Bakit
nilalamayan..." Ang next na tanong ng curious na si Joey Boy.
"Makikinig
ka ba Joey Boy or magtatanong..." Ang next na usal ni Katie na siyang lalo
pan ikinangiti ni Carl.
Expected
na din kasi ni Carl na hindi mageGets ng batang isip na si Joey Boy ang mga
ikukuwento ni Katie...
"EHEEEK...
Go ahead Ate Katie... Tell us your story..."
"Makinig
ka na lang Joey Boy..." Ang sambit naman ni Katie.
Alam
ni Katie na hindi naiintindihan ni Joey Boy ang kaniyang mga ikinukuwento pero
for the sake of Halloween at para sa enjoyment ni Joey Boy ay nagkukuwento pa
din siya...
"Isang
araw ay pumunta kami ng lamay..." Ang pag-sisimula muli ng Maid na si
Katie.
"Hindi
ko naman kakilala yung patay... basta sama lang ng sama ako sa Nanay ko noon...
Pag
pasok namin sa bungad ng pintuan, may parang hindi ako maipaliwanag, parang may
hangin na yumakap sa akin na dahilan upang tumayo ang mga balahibo ko...
Napansin
ito ni Nanay pero dahil sanay na sya, tinanong nya ako kung ayus lang ba ako.
Sabi ko naman ok lang ako kaya sinabihan niya ako na maghintay na lang daw ako
at umupo...
Sisilip
lang daw sila dun sa ataol kaya sabi ko sige...
Eh
di ako nalang mag-isa ang nakaupo...
Actually
marami namang nakaupo eh kaso hindi ko naman sila kilala so nanaahimik na lang
ako...
Maya-maya
eh may lumapit sa akin na lalaki...
Tumabi
sya sa akin dala ang plato na punong puno ng mga candy..."
"EHEK..."
Ang nasambit ni Joey Boy nang marinig niya ang word na Candy.
"Pansin
ko parang walang nakakapansin sa kanya...
Medyo
may edad na sya...
Mga
45 to 50 years old...
Sabi
ko sa sarili ko "Ang swerte naman nung may dalang kendi...
Nakakatakam
iba't-ibang klase pa parang imported naman at nakakapaglaway pa..." Ang
pagtatapos ni Katie.
"Di
ba Joey Boy eh like mo din ang mga Keyndi..." Ang tanong ni Katie nang
tumgil muna ito sa pagkukuwento.
"EHEK...
I love chocolates too..." Ang reply naman ng nakatalukbong na si Joey Boy
at halata pa din sa tinig nito na may nginunguya.
"Eto
na...
Tinanong
ako ng lalaki kung gusto ko daw ng keyndi...
Syempre
mukhang masarap kaya hindi na ako tumanggi sa alok nya at kumuha ako ng tatlong piraso na naging
five... naging eight...
Sabi
nya sakin eh na sa akin na lang daw lahat kaya sabi ko "Owss? Baka may magalit???...
Sabi
naman niya wala naman daw at maraming ganyan dito na padala ng anak niya...
Sabi
ko naman "Ah... So kilala ninyo po pala yung namatay"
Hindi
siya sumagot...
So
hindi ko yun pinansin kaya nagpatuloy ako sa pagkain ng kendi...
Maya-maya
dumating si Nanay at sabi niya kung inaantok na daw ako tapos ang sabi ko hindi
pa...
Tapos
eh may tumawag kay Nanay at sabay pa kaming napalingon...
Yun
pala ehyung isa pa naming kapitbahay na nakikipaglamay din pala...
Pagtingin
ko sa inuupuan ko eh wala na dun yung lalaki..."
"Benta
na yan..." Ang hindi naiwasang maiComment ng natatawang si Carl.
"Shhhhhh..."
Ang malakas namang saway ni Joey Boy na ikinangiti ni Carl.
"Narinig
kong nag-usap-usap sila ni mama..." Ang pagpapatuloy ni Katie sa kaniyang
kuwento.
"Maya-maya'y
nagkayayaan silang muli na umakyat sa taas at tingnan ulet yung patay...
Siyempre
curious naman ako kaya sumama na rin ako...
Pagdating
sa taas eh naramdaman ko ulit yung naramdaman ko kanina na parang may yumakap
sa aking hangin na nakapagpatayo ng balahibo ko...
Habang
papalapit ng palapit kami sa kabaong eh lalong tumitindi ang lamig na
nararamdaman ko...
Hanggang
sa narating ko yung salamin ng ataol...
Ganun
na lang ang pagkagimbal ko...
Kilala
ko yung nasa loob ng kabaong...
Siya
yung lalaking nagbigay sa akin ng hawak-hawak kong mga keyndi........."
Ang pagtatapos ni Katie sa kaniyang story.
"EHEEEK..."
Ang nasambit na lamang muli ni Joey Boy.
Napangiti
itong sina Carl and Katie nang makita nilang inihulog ni Joey Boy ang isang
malaking supot ng plastic bag mula sa loob ng nakatalukbong na Comforter
nito...
Agad
na tumayo itong si Carl sa pagkakahiga upang tignan kung ano ang laman ng
plastic bag...
"Joey
Boy Pahingi ha..." Ang masayang sambit ni Carl dahil hindi siya
nagkamaling puro Candies, Chocolates and Junk Food ang laman ng Plastic bag.
"It's
yours na lang Kuya Carl... Go ahead na Ate Katie... Tell us more..." Ang
sambit muli ni Joey Boy.
"Wait
lang Joey Boy mamimili lang ako ng kakainin ko habang nagkukuwento..." Ang
masayang sambit naman ni Katie habang iniinspection nila ang mga iba't ibang
klase ng sweets na laman ng Plastic bag.
Kahit
itong si Britney ay lumabas din sa ilalim ng Bed ni Joey Boiy at nang makakuha
ito ng sweets ay kaagad na bumalik ang Askal sa ilalim ng Bed...
Habang
kumakain ng sweets ay ginawa muling comfy ni Carl ang kaniyang sarili at
ganundin naman itong si Katie...
"Ready
ka na ba ulit Joey Boy..." Ang sambit ng ngumunguya ng Toblerone na si
Katie.
"EHEK..."
Ang reply na lamang ulit ni Joey Boy.
"Lasing
na lasing at sobrang inaantok na si Perry..." Ang pagsisimula muli ni
Katie sa kaniyang pagkukuwento.
"Anak
siya ng dati kong Amo....
Kakauwi
niya palang sa probinsya nila sa Romblon at nag imbita ang kababata niyang si
Popoy na makipag inuman. Since kararating lang ni Perry sa bayang kinalakhan
niya at birthday din ng kababatang si Popoy, pumayag ito...
Ngunit
nawala sa isip ni Perry ang oras, at nakalimutan din niyang i-moderate ang pag
inom. Kaya mga alas dose na ng umaga siya umalis mula sa bahay ng kaibigan.
Sinubukan siyang pigilan at sa halit, doon na lamang patulugin, pero ininsist
ni Perry na siya ay uuwi nalang...
Habang
nag lalakad sa isang kalyeng walang ka-tao-tao, pagewang gewang ang lakad ni
Perry, at halos hindi na rin niya mabuksan ang kanyang mata sa sobrang
kalasingan. Pero may isang bagay ang gumising sa kanya...
May
nakita siyang napagandang babae mula sa isang napakalaking puno. Napakahaba ng
buhok nito, hanggang bewang at sobrang itim. Nakasuot ito ng napakapulang
sleeveless na blouse, at maiksing saya. Nakasuot din ito ng sapatos na may
mataas na takong. Walang make up ang babae ngunit napakaganda ng itsura niya,
mistulang isang artista. Pero may napansin si Perry, hindi match ang itsura ng
babae sa suot niya. Pero ipinagwalang bahala niya ito lalo na ng kinausap siya
ng babae...
"Hi,
ayos ka lang ba?" tanong ng babae kay Perry.
"Hi
miss. Ah oo, ayos lang ako." sagot ng lasing na lasing na si Perry.
"Ayos!"
pabulong na sinabi ni Perry.
"Mukhang
lasing na lasing ka ah. Gusto mo, ihatid kita sa inyo?" wika ng babae.
"Ah,
wag na miss. Baka makaabala pa ako sayo eh. Hehe." napangiti si Perry.
"No,
I insist. May kotse ako, gusto mo dumaan muna tayo sa bahay?" muling sabi
ng babae.
Napatingin
si Perry sa paligid, at hindi niya inaasahang makakita ng isang napaka garbong
pulang Ferrari na kotse. Kani-kanina lang ay walang kahit anong sasakyan. Pero
dahil sa ganda ng babae, muli, ipinagwalang bahala niya ang kakaibang
pangyayari...
"Dahil
mapilit ka, sige. Hehehe.."
"Ipapakilala
kita sa parents ko."
"Agad
agad?" natatawang sabi ni Perry.
"Lakas
ng tama sa akin ng babaeng ito!" muling bumulong si Perry sa sarili.
Maya
maya pa ay sumakay na ang napakaganda at sexing babae sa kanyang Ferrari...
"Tara
na!" sabi nito kay Perry. Excited naman na sumakay sa kotse ang lalake.
"Pero
pag dating sa bahay, wag na wag kang hihingi ng asin, kung hindi, mawawala ang
lahat."
Hindi
man masyadong na-gets ni Perry, um-oo pa rin ito makasama lamang ang napakagandang
dilag...
Maya
maya pa ay dumating sina Perry at ang babae sa isang napaka grande, malaki, at
sobrang gandang bahay. Nagulat si Perry dahil sa di kalayuan ay narating niya
na ang bahay, na sa pagkaka alam niya ay wala sa kanilang lugar...
Pumasok
sila, doon nakita ni Perry ang tatay at nanay ng babae. Bata pa ang magulang ni
Perry. Halos kuya at ate lang ang dating nila para kay Perry. Ngunit hindi niya
na ito iniisip. Kagaya ng babaeng nakapula, ang nanay at tatay niya ay lubhang
gwapo at maganda. Mga mestizo, matangos ang ilong, matangkad, at artistahin...
Nakipag
usap sila kay Perry habang nasa habag, napakaraming masasarap at pang mayaman
na pag kain. Kung ano ano lang ang pinag usapan nilang apat. Mistulang
nagpapaalam na si Perry na magpakasal sa babae...
Pagkatapos
kumain ng masasarap na ulam, nag hain naman ang mga magulang ng babae ng iba't
ibang prutas. May mga preskong mangga, dalandan pinya, saging, mansanas at iba
pa. Mahilig si Perry sa dalandan, pero bago niya kagatin ang mangga, nakalimutan
niya ang bilin sa kanya ng babae...
"Pwede
po makahingi ng asin?" tanong ni Perry. Saka pa lamang niya naalala ang
bilin ng dalaga.
Bigla,
naglaho ang lahat...
Ang
magarbong bahay, magandang paligid, ang babae at ang kanyang mga magulang.
Lahat naglaho...
Ang
nangyari, nahanap niya ang sarili sa taas ng napaka taas at laking puno...
Sa
kanyang alaala, ito rin ang puno kung saan nang galing ang babae nakita niya...
Sinubukan
niyang magtawag ng mga tao, ngunit wala pang mga taong dumadaan sa mga oras na
iyon...
Kinabukasan
na siya nakita ng mga tao at naibaba...
Sa
sobrang taas ng puno, hindi makapaniwala ang mga tao na maakyat iyon ni Perry.
Hindi nila alam kung ano ang tunay na nangyari...
Sino
ang babaeng nakita ni Perry kagabi...
Totoo
ba ang nangyari o dulot lamang iyon ng kalasingan niya...
Maari
kayang ang babae ay isang...
Engkanto..."
"What's
Engkanto Ate Katie..." Ang biglang tanong muli ng nakatalukbong na si Joey
Boy.
"Momo
yun..." Ang sambit naman ni Carl.
Naniniwala
din kasi itong si Carl na nangunguha ang mga Engkanto ng mga tao upang dalhin
sa kanilang mundo...
"Sabi
nga sa akin ng Amo ko... Yung Nanay ni Sir Perry eh kung hindi daw ito
nanghingi ng asin eh baka mabalitaan na lamang daw nila na wala nang buhay ang
kanilang anak... At malamang ay maaksidente nang gabing iyon si Sir Perry..." Ani naman ni Katie.
"Bakit
kaya takot sila sa asin..." Ang tanong naman ni Carl.
"Ewan
ko din..." ng Reply naman ni Katie.
"They
don't like salty food... Next na Ate Katie..." Ang singit naman ni Joey
Boy sa usapan ng dalawa.
"After
this eh magSleep na tayo ha..." Ang sambit naman ni Carl ng nahigang muli
na si Carl.
"Eheeek...
Sige na Ate Katie... Start ka na ulet..." Ang muling sambit ni Joey Boy sa
kanilang Maid.
"Sige..."
Ang reply naman ni Katie at pagkatapos ay nahiga na ito sa kaniyang nakalatag
na Matress.
"Bata
palang ako ng namulat na ako sa aming relihiyon, bininyagan kasi akong
Katoliko..." Ang pagsisimula muli ni Katie sa kaniyang last na story.
"Malaking
porsyento kasi ng mga Pilipino eh Katoliko...
Di
mawawala sa kanila ang tradisyong gumalang sa mga santo. Ang iba pinupunasan pa
nila ng panyo. Ang iba pinapasan sa kanilang balikat...
May
celebrasyon na tinatawag na Mahal na araw, uso na naman ang Pasyon...
Inaalala
nila ang pagkamatay ni Kristo sa krus...
Inilalabas
nila ang mga rebulto at larawan ni Kristo, naglalagay ng kandila sa altar,
sinisindihan at binabasa ang bibliya na parang umaawit...
Isang
dapit hapon kasama ko ang aking mga kaibigan na si Francine at Michele...
Eleven
pa lang kami nung nangyari iyon...
Naglalaro
kami nang taguan nang may makita kaming isang malaking bahay na luma na,
panahon pa ng mga kastila ang disenyo nito di kalayuan sa aming bahay...
Hindi
namin maisip na may ganitong bahay pala dito na ganito ang disenyo at nag iisa
lang ito sa maraming bahay kasi lahat ng mga bahay doon sa amin eh puro
barung-barong...
Ako
ang taya at kailangan kong hanapin sila Francine at Michele...
Nag-bilang
ako ng isa hanggang sampu hanggang sa mawala sila...
At
oras na para hanapin sila'y pinasok ko ang malaking bahay na mukhang haunted
house na walang pag aalinlangan...
Ang
akala ko talaga eh doon nagtatago silang dalawa sa loob ng lumang bahay...
Nakita
ko ang loob ng bahay, walang mga gamit at puro agiw sa kisame at medyo madilim...
Mayamaya
may narining akong tunog ng pagkalabit sa kuwerdas ng gitara isang beses at
nawala rin ang tunog kaya gusto kong hanapin kung sino ang nagiGuitara...
Naglakad
lakad ako at umakyat sa 2nd floor nito...
Nakakatakot
talaga ang loob ng matandang bahay na ito kaya nagmamadali kong Hinanap ko ang
mga kaibigan ko pero parang wala namang tao sa loob...
Hindi
ko na din hinanap kung sino yung nagpatugtog ng guitara...
Tapos
may nakita akong isang kwarto, may umaawit na pang pasyon sa loob na isang
matanda, di ko maintindihan ang kanyang salita, pinasok ko ang kwarto...
Bumungad
sakin sa loob ng kwarto ang napakadaming Rebulto at larawan ng mga taong may
ibat ibang mukha...
Nakita
ko rin ang mga kandilang kulay itim na may sindi...
Nakakakilabot,
nagsimula na akong manlamig at halos kulay violet na ang aking labi...
Tapos
bigla ko na lamang napansing may kasam na pala ako sa kuwarto...
Ewan
ko ba kung bakit pero nilapitan ko ito...
Nakita
ko ang isang matandang babae na nakaluhod sa altar na may hawak na isang maliit
na libro na parang bibliya pero ibang letra ang mga nakasulat...
Bumubulong
siya sa hangin na parang umaawit, di ko maintindihan ang salita na ginagamit
niya, parang kastila o latin pero alam kong nagpaPasyon siya...
Ang
matanda ay lumingon sa akin...
Siyay
nakatalukbong ng itim, at sobrang kulukulubot na ang balat. Nakakatakot ang mga
mata nito...
Akoy
takot na takot at nanlalamig, at di makagalaw...
Gusto
kong tumakbo palabas pero hindi ako makagalaw at hinihigop ako papasok ng dahan
dahan at parang may nagpipilit sakin na tumingin sa isang krus...
Isang
Tao ang nakapako sa krus kulay itim ang mukha nito...
Nakasulat
ang aking pangalan sa uluhan ng krus, nakalagay rin ang date ng birthday ko at
isa pang date pero napakalabo at di ko mabasa, ang nabasa ko lang na word eh
“Araw ng kamatayan..:”
Pinipilit
ko ang aking sariling makagalaw pero hinihigop ako ng altar papalapit sa
matandang babaeng naka itim...
“Wag
po! Wag po!! Ayaw ko pang mamatay!” akoy napasigaw sa takot hanggang sa madampi
ko na ang kamay ng matandang babae na nag sasabing “Halika!! Halika!!” na ang
boses niya ay parang isang ugong na nanggaling sa di ko malamang napakalalim at
nakakatakot na lugar...
Napakalamig
ng kamay nito na parang multo ng isang kaluluwang patay na. Pinipilit ako ng
matandang babae na magmano sa kanya sa harap ng altar...
Tapos
bigla kong naalala ang sabi sa akin ng nanay ko pag nasa bingit daw ako ng
panganib o sa nakakatakot na lugar banggitin ko daw ang pangalan ni Kristo...
Binanggit
ko ang pangalan ni Kristo ng tatlong beses “Dios ko, Tulungan nyo po ako!” at
unti unting uminit at lumuwag ang pakiramdam ko at nakatakas ako sa kamay ng
matandang babae...
Kumaripas
ako ng takbo pababa ng 2nd floor at takbo takbong lumabas palayo sa matandang
bahay na inaamag na. Hindi ko na inisip na hanapin ko pa ang aking mga kaibigan...
Nang
nakalabas na ako dinungaw ko ang matandang bahay at napansin ko na parang
palabo ng palabo ang bahay hanggang sa naging malausok na lamang ito at nawala
na parang bula...
Maya
maya natagpuan ako ng aking mga kaibigan at sinabi sa akin.”Hoy Katie, nandito
ka lang pala? hinahanap ka na ng Nanay mo, isang araw ka nang nawawala!”
nabigla ako sa sinabi nila, eh parang sampung minuto lang ang mga nangyari nung
nasa loob ako ng matandang bahay eh.
Hindi
pa rin ako makapag salita hanggang sa dinala ako sa bahay namin at konti konti
kong ikinuwento ang lahat sa kanila...
May
nagkuwento rin sa amin na ang matandang bahay daw na iyon ay 50 years ng giniba
dahil araw araw may nagpapakitang ligaw na kaluluwa ng isang matanda doon. Sa
paglipas nang araw pinaganda ang lugar at ginawang subdibisyon. At matapos nun
wala nang ibang balita pa tungkol sa matandang babae...." Ang pagtatapos
ni Katie sa kaniyang Kuwento.
Ilang
minutes ding naghintay si Katie ng Reaction nina Carl and Joey Boy ngunit
nanatiling tahimik pa din ang dalawa at kahit itong si Britney ay hindi din naringgang
ng kahit ni isang mahinang kaluskos sa ilalim ng kama...
Napangiti na lamang itong si Katie at pagkatapos ay ipinikit na din niya ang kaniyang mga
mata upang makatulog na...
*******After
An Hour*******
Biglang
naalimpungatan itong si Carl nang maramdaman niyang tumabi sa kaniya sa higaan itong si Joey Boy...
"Are
you scared ba Joey Boy..." Ang tanong kaagad ni Carl.
"Nope...
I just can't sleep eh..." Ang maiksing reply lamang ni Joey Boy sa
kaniyang Kuya Carl.
"Bakit
ka naman hindi makaSleep..."
"Ang
gulo kasi noon oh..." Ang sambit lang ni Joey Boy sabay turo niya sa
kaniyang empty na bed.
"Sino..."
Ang tanong ni Carl.
"Ayun
oh... He's in my bed..." Ang serious na reply lang ni Joey Boy.
"Ha..."
Ang sambit naman ni Carl nang wala siyang nakitang nakahiga sa kama ni Joey
Boy.
"Why can't you see him... He doesn't have any head pa nga eh..." Ang maiksing reply
lamang ni Joey Boy at kaagad na nagtalukbong itong si Carl at nagPray dahil sa
sinabi sa kaniya ni Joey Boy.
Just Click the Blogsite below for more of PinoyHorrorStories
Kuya Ponseeee!!mag isa lang ako dito sa ibaba ng bahay namin!waaaaa!!
ReplyDeleteKaloka si Joey Boy may nakita pa!kupo!
More horror stories pa Kuya hehe
Hehheh scary..kuya ponse
ReplyDeletelove it sir Ponse.... missing Carl and Joey Boy....
ReplyDelete