Followers

Thursday, October 31, 2013

Ang Mga Horror Stories Ni Ate Katie



*******Oct 24*******


"UWAAAAH... UWAAAAH... UWAAAAH..." Halos isang oras ng umaatungal itong si Joey Boy since nang makaalis sila ng Mall and this is the first time na hindi siya pinasundan ng kaniyang Mommy Silvs sa mga ipinabibili nito.

Minsan kasi'y ginagamit nitong si Joey Boy ang kaniyang pag-iyak upang mapapayag niya ang kaniyang Mommy sa mga gusto niya but not this time...

Nagkukunwari na lamang na may KaText itong si Mommy Silvs para hindi na siya kulitin pa nitong si Joey Boy at ito namang si Carl ay nagkukunwaring nagtutulugtulugan...

Kahit ang Askal na si Britney ay pumasok na din sa kaniyang lagayang Adidas Sports Bag at ito  na din mismo ang nagsara ng Zipper upang hindi na niya marinig pa ang nakakabinging pag-atungal ni Joey Boy...

"WHY... WHY... WHY... UWAAAAH..." Ang pagpapatuloy ng parang kinakatay na Baboy na pag-iyak ni Joey Boy.

"WHY MANONG CRIS... WHY..." Ang next na iyak ni Joey Boy nang matuunan niya ang kanilang Driver na si Manong Cris.

"Tahan na Joey Boy..." Ang nakaSmile na pang-aalo sa kaniya ni Manong Cris.

"WHY CAN'T I HAVE A BUMBLE BEE COSTUME... UWAAAAH..." Ang malakas na pag-iyak ni Joey Boy sa kanilang natawang biglang Driver.

Galing kasi sila sa Tailor Shop dahil kinuha na nila ang pinatahi nitong si Ma'am Silvs na 'Harry Potter' Costume nitong si Joey sa First ever na Holloween Party nito sa School kaya lang ay nagyayang kumain sa KFC itong si Joey Boy kaya sila dumaan ng Mall...

Pagkatapos nilang kumain sa KFC ay nagyaya namang mamasyal ni Joey Boy sa Toy Kingdom at doon niya nakita ang mga iba't ibang pangHolloween Costume at nagpabili siya sa kaniyang Mommy ngunit hindi nga ito pumayag...

"Magiging kamukha mo lang si Jollibee..." Ang nakangiting reply na lamang ni Manong Cris sa umaatungal na si Joey Boy.

Kahit itong mga nagkukunwaring sina Ma'am Silvs at si Carl ay napangiti din sa sinabi ni Manong Cris kay Joey Boy...

Kaya naman hindi ibinili ni Ma'am Silvs ng costume itong si Joey Boy ay pinasadyaan na niya ito ng Costume sa Tailor Shop and the second reason kung bakit hindi pumayag si Mommy Silvs ay dahil ang mga ipinabibili sa kaniya ni Joey Boy na Costume ay ang mga costume na pang Baby...

"IF I CAN'T BE A BUMBLE BEE... WHY CAN'T I BE A SUNFLOWER... UWAAAH..." Ang next na iniiyak ni Joey Boy kay Manong Cris.

"Hindi ka pupuwedeng maging Flower dahil hindi ka magkakasya sa Paso..." Ang natatawa pa ding explain ni Manong Cris habang nagdriDRive ito.

"UWAAAAH... UWAAAAH... IF I CAN'T BE A BUMBLE BEE AND A SUNFLOWER... I WANT TO BE A PUMPKIN... UWAAAAH..." Ang hindi papatalong Hirit na pag-atungal muli nitong si Joey Boy sa kanilang Driver.

"Hindi ka din pwedeng maging Kalabas kasi hindi ka mabubuhat kapag ibinenta ka na sa palengke..." Ang reply na lamang ni Manong Cris at talaga namang wala na siyang maisip na i-e-Explain sa umiiyak and upset na si Joey Boy.

"Di ba may Costume ka na..." Ang next na tanong ni Manong Cris kay Joey Boy.

"I DON'T WANT TO BE HARRY POTTER... I REALLY WANT TO BE A BUMBLE BEE... OR A SUNFLOWER OR A PUMPKIN... UWAAAH..."

"Tsk... Joey Boy... Stop crying na... Hindi na ako papayag na kuwentuhan ka pa ng Ate Katie mo ng mga Horror Stories sa Holloween..." Ang biglang usal ni Ma'am Silvs na biglang ikinatigil bigla ng atungal ni Joey Boy.

Kaagad namang naCurious itong si Carl sa inusal ni Ma'am Silvs at agad namang napansin ni Ma'am Silvs ang curiosity sa mukha ni Carl...

"Every Holloween kasi eh natutulog si Katie sa Room ni Joey Boy kasi kinukuwentuhan niya ng mga nakakatakot si Joey Boy kapag Holloween..." Ang nakaSmile na explain ni Ma'am Silvs kay Carl.

Tanging paghikbi na lamang ang ginawa nitong si Joey Boy sa loob ng Revo sa buong biyahe nila hanggang sa maka-uwi na sila ng Mansion...

"Oh... Bakit ka umiiyak..." Ang bungad ni Katie nang sinalubong niya ang bumababang si Joey Boy sa Revo.

"ATE KATIE... HU... HU... HU..." Ang tangis na lamang ni Joey Boy nang niyakap niya ang kanilang Maid.

"Katie... Huwag mo na ngang kuwentuhan yan sa Halooween at ayaw tumigil sa kakaiyak..." Ang sambit kaagad ni Ma'am Silvs sa kanilang maid.

"Anyare ba Ati..." Ang tanong kaagad ni Katie sa kaniyang Among si Ma'am Silvs at doon na ini-Explain ni Ma'am Silvs ang reason kung bakit umiiyak itong si Joey Boy.

"Why are you laughing Ate Katie... Hu... Hu... Hu..." Ang hikbi ni Joey Boy nang makita nilang natatawa ang kanilang Maid.

"Joey Boy di ba 'Kuya' ka na..." Ang tanong kaagad ni Katie kay Joey Boy.

"Ehek..." Ang ini-Reply na lamang ni Joey Boy.

"Eh bakit ang gusto mong Costume eh pang Baby..." Ang netx na tinanong ni Katie sa biglang natigilang si Joey Boy.

"Sige... Kung gusto mong magsuot ng pang Baby na Costume eh hindi na talaga kita kukuwentuhan ng nakakatakot..." Ang pagpapatuloy ni Katie.

"EHEEEK... Why are you going to do that..." Ang hindi makapaniwalang tanong kaagad ni Joey Boy.

"EH kasi bawal sa mga Baby ang mga Horror Stories eh..." Ang mabilis na reply kaagad ni Katie.

"Ehek..."

"Sige na... Wipe your tears na... Patingin nga ako ng costume mo... Baka pangBaby ang isusuot mo..." Ang next na inusal ni Katie.

"I'm not a Baby... I'm a Kuya na..." Ang sambit kaagad ni Joey Boy sa kanilang Maid.


*******During Dinner*******


Nagpapasalamat talaga itong si Maam Silvs dahil sa wakas ay naConvince na din ni Katie itong si Joey Boy na isuot na lamang ipinatahi niyang 'Harry Potter' Costume...

"Kuya Carl... You can sleep in my room on Holloween so that you can listen to Ate Katie's Stories..." Ang masayang alok ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl habang magana itong nagdiDinner.

"Kailan ba kayo pumupunta ng sementeryo..." Ang tanong naman ni Ma'am Silvs kay Carl.

"Buong day po ng 31 para po iwas sa madaming tao..." Ang reply naman ni Carl.

"Ehek... You won't be here at Halloween..." Ang gulat na tanong bigla ni Joey Boy.

"Babalik din ako dito sa gabi para makinig kay Katie..." Ang sagot naman ni Carl.

"YAHOOOO... We will have lot's of fun..." Ang masayang reply na lamang ni Joey Boy dahil talagang looking forward siya palagi sa mga kuwento ng kaniyang Ate Katie.

Although hindi naman masyadong nakakatakot ang mga ikinukuwento ng Maid na si Katie kay Joey Boy naging isa itong favorite na gawin ni Joey Boy every year...


*******October 31*******


Naging okay naman at masaya itong si Joey Boy sa kanilang Halloween Party sa School noong Oct 25 at talaga namang marami siyang naiuwing mga Candies and chocolates na bigay sa kaniya nina Teacher nhinzy and Teacher Jai at pati na din ang iba pang mga Teachers...

Kaya naman from the evening of October 25 until now ay naProblema ang buong mansion dahil sa sobrang pagkaHyper ni Joey Boy at kahit na in-interogate siya ng kaniyang Mommy Silvs upang ilabas sa kaniyang pinagtataguan ang mga na Trick-Or-Treat niyang mga sweets from their School's Halloween Party ay tanging isinasagot lamang ni Joey sa kaniyang Mommy na wala siyang nakuhang sweets...

Kahit itong sina Katie and Carl ay wala ding idea kung saan inilagay ni Joey Boy ang kaniyang mga Chocolates and Candies and even si Britney ay ayaw sabihin kung saan iyon itinatago ni Joey Boy...

Makikita na lamang nila na may mga nakakalat na mga balat ng Lollipop, Chocolates, Candies sa iba't ibang parte ng Mansion lalong lalo na sa Room ni Joey Boy...


*******9:00 pm*******


After na makapagShower ni Carl ay kaniya ng binitbit ang kaniyang Pillow and Blanket at just like before ay sinalubong siya ng napakalamig na buga ng nakaMaximum na Airconditioner and electrifan sa room ni Joey Boy...

Napangiti na lamang itong si Carl nang makita niyang nakaClose ang ilaw sa loob ng room at tanging isang Dim Light lang na kulay orange ang nakasindi kaya nama'y medyo spooky at Halloween na Halloween ang feeling ng ambiance ng room ni Joey Boy...

"Dito ka na sa bed... Dyan na lang ako sa Carpet..." Ang sambit ni Joey Boy kay Katie.

"Okay na ako dito Dong... Puwesto ko talaga ito..." Ang reply ni Katie sabay turo niya sa isa pang single bed na bakante sa room ni Joey Boy.

Napangiti na lamang itong si Carl nang inilapag na niya ang kaniyang Kumot at unan sa single bed dahil naalala niya na dito siya natutulog sa room ni Joey Boy dati...

"Nasaan ba si Joey Boy..." Ang nakaSmile na sinabi ni Carl habang tinitingnan niya ang nakatalukbong sa comforter na si Joey Boy sa King Size bed nito.

"Eheeek... I'm here Kuya Carl..." Ang sambit ni Joey Boy mula sa ilalaim ng Comforter.

"Joey Boy... Nasan ka na ba... Hindi kita makita..." Ang pagbibiro naman ni Carl na kunwari'y hinahanap pa din niya si Joey Boy.

"Eheeek... I'm here Kuya Carl..." Ang sambit muli ni Joey.

"AY!!! You scared me Joey Boy..." Ang masayang sambit ni Carl na napapangiti dahil parang eskimo ang nakahigang si Joey Boy dahil mukha lang ang inilabas nito mula sa pagkakatalukbong nito ng Comforter.

"EHEEEK..."

"Are you scared ba Joey Boy that's why you're hiding inside your comforter..." Ang next na tanong ni Carl.

"Nope... I just like to be under the comforter when liste ning to Ate Katie..." Ang reply kaagad ng nagtalukbong muling si Joey Boy.

"Nandyan ba si Britney sa loob..." Ang next na tanong ni Carl.

"ARF..." Ang malakas namang reply ni Britney at pagkatapos ay kaagad na lumabas ito mula sa ilalim ng Bed ni Joey Boy.

"Ikaw din nagtatago..." Ang namamanghang tanong ni Carl sa Askal.

"ARF..." Ang reply lamang muli ni Britney at pagkatapos ay kaagad na muling nagCrawl back ang Askal sa ilalim ng Bed ni Joey Boy.

"Ate Katie... Start ka na..." Ang mumble ni Joey Boy sa kanilang maid under his comforter.

"Are you eating something..." Ang biglang tanong ni Carl dahil halatang-halatang mag nginunguya itong si Joey Boy nang nagsalita ito.

"No..." Ang maiksing reply lamang ni Joey Boy na halatang-halatang mabilis na ngumunguya.

"Di ba bawal ka ng sweets kapag night time na..." Ang next na sambit ni Carl.

"I don't have any sweets in Here..." Ang reply muli ni Joey Boy.

"Sige na Dong... Mahiga ka na para makapagsimula na ako..." Ang singit naman ni Katie sabay kindat niya sa nakatayong si Carl.

Kaagad namang humiga itong si Carl sa single bed at ginawa niyang comfy ang kaniyang sarili at kaagad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata upang matulog na...

Wala talagang balak itong si Carl na makinig sa mga ikukuwento ng maid na si Katie dahil pagod na pagod siya that time since nagpunta sila ng Sementeryo nina Nanay Cion upang bisitahin ang puntod ng kaniyang namayapa ng ama...

"Are you ready Joey Boy..." Ang next na sinambit na tanong ni Katie.

"EHEEEK..." Ang excited na tugon naman ni Joey Boy.

"Britney is ready to Ate Kattie... Start ka na please..." Ang next na inusal nitong si Joey Boy.

"ARF..." Ang malakas namang kahol ni Britney mula sa ilalim ng kama.

Agad namang nag Indian seat itong si Katie sa kaniyang higaang matress na nakalatag sa carpeted floor ng Room ni Joey Boy at pagkatapos ay  nag-Inhale and exhale ito at kaniya nang sinimulan ang kaniyang Children's Horror Story...

"Isang Araw ay dumalaw kami sa isang lamay ng patay..."Ang pagsisimula ni Katie.

"What's lamay..." Ang biglang tanong ni Joey Boy na siya namang nagpangiti sa nakapikit na si Carl.

"Basta lamay yun... Kapag Dead na ang isang tao eh nilalamayan..." Ang explain naman ni Katie.

"Bakit nilalamayan..." Ang next na tanong ng curious na si Joey Boy.

"Makikinig ka ba Joey Boy or magtatanong..." Ang next na usal ni Katie na siyang lalo pan ikinangiti ni Carl.

Expected na din kasi ni Carl na hindi mageGets ng batang isip na si Joey Boy ang mga ikukuwento ni Katie...

"EHEEEK... Go ahead Ate Katie... Tell us your story..."

"Makinig ka na lang Joey Boy..." Ang sambit naman ni Katie.

Alam ni Katie na hindi naiintindihan ni Joey Boy ang kaniyang mga ikinukuwento pero for the sake of Halloween at para sa enjoyment ni Joey Boy ay nagkukuwento pa din siya...

"Isang araw ay pumunta kami ng lamay..." Ang pag-sisimula muli ng Maid na si Katie.

"Hindi ko naman kakilala yung patay... basta sama lang ng sama ako sa Nanay ko noon...

Pag pasok namin sa bungad ng pintuan, may parang hindi ako maipaliwanag, parang may hangin na yumakap sa akin na dahilan upang tumayo ang mga balahibo ko...

Napansin ito ni Nanay pero dahil sanay na sya, tinanong nya ako kung ayus lang ba ako. Sabi ko naman ok lang ako kaya sinabihan niya ako na maghintay na lang daw ako at umupo...

Sisilip lang daw sila dun sa ataol kaya sabi ko sige...

Eh di ako nalang mag-isa ang nakaupo...

Actually marami namang nakaupo eh kaso hindi ko naman sila kilala so nanaahimik na lang ako...

Maya-maya eh may lumapit sa akin na lalaki...

Tumabi sya sa akin dala ang plato na punong puno ng mga candy..."

"EHEK..." Ang nasambit ni Joey Boy nang marinig niya ang word na Candy.

"Pansin ko parang walang nakakapansin sa kanya...

Medyo may edad na sya...

Mga 45 to 50 years old...

Sabi ko sa sarili ko "Ang swerte naman nung may dalang kendi...

Nakakatakam iba't-ibang klase pa parang imported naman at nakakapaglaway pa..." Ang pagtatapos ni Katie.

"Di ba Joey Boy eh like mo din ang mga Keyndi..." Ang tanong ni Katie nang tumgil muna ito sa pagkukuwento.

"EHEK... I love chocolates too..." Ang reply naman ng nakatalukbong na si Joey Boy at halata pa din sa tinig nito na may nginunguya.

"Eto na...

Tinanong ako ng lalaki kung gusto ko daw ng keyndi...

Syempre mukhang masarap kaya hindi na ako tumanggi sa alok nya at  kumuha ako ng tatlong piraso na naging five... naging eight...

Sabi nya sakin eh na sa akin na lang daw lahat kaya sabi ko "Owss? Baka may magalit???...

Sabi naman niya wala naman daw at maraming ganyan dito na padala ng anak niya...

Sabi ko naman "Ah... So kilala ninyo po pala yung namatay"

Hindi siya sumagot...

So hindi ko yun pinansin kaya nagpatuloy ako sa pagkain ng kendi...

Maya-maya dumating si Nanay at sabi niya kung inaantok na daw ako tapos ang sabi ko hindi pa...

Tapos eh may tumawag kay Nanay at sabay pa kaming napalingon...

Yun pala ehyung isa pa naming kapitbahay na nakikipaglamay din pala...

Pagtingin ko sa inuupuan ko eh wala na dun yung lalaki..."

"Benta na yan..." Ang hindi naiwasang maiComment ng natatawang si Carl.

"Shhhhhh..." Ang malakas namang saway ni Joey Boy na ikinangiti ni Carl.

"Narinig kong nag-usap-usap sila ni mama..." Ang pagpapatuloy ni Katie sa kaniyang kuwento.

"Maya-maya'y nagkayayaan silang muli na umakyat sa taas at tingnan ulet yung patay...

Siyempre curious naman ako kaya sumama na rin ako...

Pagdating sa taas eh naramdaman ko ulit yung naramdaman ko kanina na parang may yumakap sa aking hangin na nakapagpatayo ng balahibo ko...

Habang papalapit ng palapit kami sa kabaong eh lalong tumitindi ang lamig na nararamdaman ko...

Hanggang sa narating ko yung salamin ng ataol...

Ganun na lang ang pagkagimbal ko...

Kilala ko yung nasa loob ng kabaong...

Siya yung lalaking nagbigay sa akin ng hawak-hawak kong mga keyndi........." Ang pagtatapos ni Katie sa kaniyang story.

"EHEEEK..." Ang nasambit na lamang muli ni Joey Boy.

Napangiti itong sina Carl and Katie nang makita nilang inihulog ni Joey Boy ang isang malaking supot ng plastic bag mula sa loob ng nakatalukbong na Comforter nito...

Agad na tumayo itong si Carl sa pagkakahiga upang tignan kung ano ang laman ng plastic bag...

"Joey Boy Pahingi ha..." Ang masayang sambit ni Carl dahil hindi siya nagkamaling puro Candies, Chocolates and Junk Food ang laman ng Plastic bag.

"It's yours na lang Kuya Carl... Go ahead na Ate Katie... Tell us more..." Ang sambit muli ni Joey Boy.

"Wait lang Joey Boy mamimili lang ako ng kakainin ko habang nagkukuwento..." Ang masayang sambit naman ni Katie habang iniinspection nila ang mga iba't ibang klase ng sweets na laman ng Plastic bag.

Kahit itong si Britney ay lumabas din sa ilalim ng Bed ni Joey Boiy at nang makakuha ito ng sweets ay kaagad na bumalik ang Askal sa ilalim ng Bed...

Habang kumakain ng sweets ay ginawa muling comfy ni Carl ang kaniyang sarili at ganundin naman itong si Katie...

"Ready ka na ba ulit Joey Boy..." Ang sambit ng ngumunguya ng Toblerone na si Katie.

"EHEK..." Ang reply na lamang ulit ni Joey Boy.

"Lasing na lasing at sobrang inaantok na si Perry..." Ang pagsisimula muli ni Katie sa kaniyang pagkukuwento.

"Anak siya ng dati kong Amo....

Kakauwi niya palang sa probinsya nila sa Romblon at nag imbita ang kababata niyang si Popoy na makipag inuman. Since kararating lang ni Perry sa bayang kinalakhan niya at birthday din ng kababatang si Popoy, pumayag ito...

Ngunit nawala sa isip ni Perry ang oras, at nakalimutan din niyang i-moderate ang pag inom. Kaya mga alas dose na ng umaga siya umalis mula sa bahay ng kaibigan. Sinubukan siyang pigilan at sa halit, doon na lamang patulugin, pero ininsist ni Perry na siya ay uuwi nalang...

Habang nag lalakad sa isang kalyeng walang ka-tao-tao, pagewang gewang ang lakad ni Perry, at halos hindi na rin niya mabuksan ang kanyang mata sa sobrang kalasingan. Pero may isang bagay ang gumising sa kanya...

May nakita siyang napagandang babae mula sa isang napakalaking puno. Napakahaba ng buhok nito, hanggang bewang at sobrang itim. Nakasuot ito ng napakapulang sleeveless na blouse, at maiksing saya. Nakasuot din ito ng sapatos na may mataas na takong. Walang make up ang babae ngunit napakaganda ng itsura niya, mistulang isang artista. Pero may napansin si Perry, hindi match ang itsura ng babae sa suot niya. Pero ipinagwalang bahala niya ito lalo na ng kinausap siya ng babae...

"Hi, ayos ka lang ba?" tanong ng babae kay Perry.

"Hi miss. Ah oo, ayos lang ako." sagot ng lasing na lasing na si Perry.

"Ayos!" pabulong na sinabi ni Perry.

"Mukhang lasing na lasing ka ah. Gusto mo, ihatid kita sa inyo?" wika ng babae.

"Ah, wag na miss. Baka makaabala pa ako sayo eh. Hehe." napangiti si Perry.

"No, I insist. May kotse ako, gusto mo dumaan muna tayo sa bahay?" muling sabi ng babae.

Napatingin si Perry sa paligid, at hindi niya inaasahang makakita ng isang napaka garbong pulang Ferrari na kotse. Kani-kanina lang ay walang kahit anong sasakyan. Pero dahil sa ganda ng babae, muli, ipinagwalang bahala niya ang kakaibang pangyayari...

"Dahil mapilit ka, sige. Hehehe.."

"Ipapakilala kita sa parents ko."

"Agad agad?" natatawang sabi ni Perry.

"Lakas ng tama sa akin ng babaeng ito!" muling bumulong si Perry sa sarili.

Maya maya pa ay sumakay na ang napakaganda at sexing babae sa kanyang Ferrari...

"Tara na!" sabi nito kay Perry. Excited naman na sumakay sa kotse ang lalake.

"Pero pag dating sa bahay, wag na wag kang hihingi ng asin, kung hindi, mawawala ang lahat."

Hindi man masyadong na-gets ni Perry, um-oo pa rin ito makasama lamang ang napakagandang dilag...

Maya maya pa ay dumating sina Perry at ang babae sa isang napaka grande, malaki, at sobrang gandang bahay. Nagulat si Perry dahil sa di kalayuan ay narating niya na ang bahay, na sa pagkaka alam niya ay wala sa kanilang lugar...

Pumasok sila, doon nakita ni Perry ang tatay at nanay ng babae. Bata pa ang magulang ni Perry. Halos kuya at ate lang ang dating nila para kay Perry. Ngunit hindi niya na ito iniisip. Kagaya ng babaeng nakapula, ang nanay at tatay niya ay lubhang gwapo at maganda. Mga mestizo, matangos ang ilong, matangkad, at artistahin...

Nakipag usap sila kay Perry habang nasa habag, napakaraming masasarap at pang mayaman na pag kain. Kung ano ano lang ang pinag usapan nilang apat. Mistulang nagpapaalam na si Perry na magpakasal sa babae...

Pagkatapos kumain ng masasarap na ulam, nag hain naman ang mga magulang ng babae ng iba't ibang prutas. May mga preskong mangga, dalandan pinya, saging, mansanas at iba pa. Mahilig si Perry sa dalandan, pero bago niya kagatin ang mangga, nakalimutan niya ang bilin sa kanya ng babae...

"Pwede po makahingi ng asin?" tanong ni Perry. Saka pa lamang niya naalala ang bilin ng dalaga.

Bigla, naglaho ang lahat...

Ang magarbong bahay, magandang paligid, ang babae at ang kanyang mga magulang. Lahat naglaho...

Ang nangyari, nahanap niya ang sarili sa taas ng napaka taas at laking puno...

Sa kanyang alaala, ito rin ang puno kung saan nang galing ang babae nakita niya...

Sinubukan niyang magtawag ng mga tao, ngunit wala pang mga taong dumadaan sa mga oras na iyon...

Kinabukasan na siya nakita ng mga tao at naibaba...

Sa sobrang taas ng puno, hindi makapaniwala ang mga tao na maakyat iyon ni Perry. Hindi nila alam kung ano ang tunay na nangyari...

Sino ang babaeng nakita ni Perry kagabi...

Totoo ba ang nangyari o dulot lamang iyon ng kalasingan niya...

Maari kayang ang babae ay isang...

Engkanto..."

"What's Engkanto Ate Katie..." Ang biglang tanong muli ng nakatalukbong na si Joey Boy.

"Momo yun..." Ang sambit naman ni Carl.

Naniniwala din kasi itong si Carl na nangunguha ang mga Engkanto ng mga tao upang dalhin sa kanilang mundo...

"Sabi nga sa akin ng Amo ko... Yung Nanay ni Sir Perry eh kung hindi daw ito nanghingi ng asin eh baka mabalitaan na lamang daw nila na wala nang buhay ang kanilang anak... At malamang ay maaksidente nang gabing iyon si Sir Perry..." Ani naman ni Katie.

"Bakit kaya takot sila sa asin..." Ang tanong naman ni Carl.

"Ewan ko din..." ng Reply naman ni Katie.

"They don't like salty food... Next na Ate Katie..." Ang singit naman ni Joey Boy sa usapan ng dalawa.

"After this eh magSleep na tayo ha..." Ang sambit naman ni Carl ng nahigang muli na si Carl.

"Eheeek... Sige na Ate Katie... Start ka na ulet..." Ang muling sambit ni Joey Boy sa kanilang Maid.

"Sige..." Ang reply naman ni Katie at pagkatapos ay nahiga na ito sa kaniyang nakalatag na Matress.

"Bata palang ako ng namulat na ako sa aming relihiyon, bininyagan kasi akong Katoliko..." Ang pagsisimula muli ni Katie sa kaniyang last na story.

"Malaking porsyento kasi ng mga Pilipino eh Katoliko...

Di mawawala sa kanila ang tradisyong gumalang sa mga santo. Ang iba pinupunasan pa nila ng panyo. Ang iba pinapasan sa kanilang balikat...

May celebrasyon na tinatawag na Mahal na araw, uso na naman ang Pasyon...

Inaalala nila ang pagkamatay ni Kristo sa krus...

Inilalabas nila ang mga rebulto at larawan ni Kristo, naglalagay ng kandila sa altar, sinisindihan at binabasa ang bibliya na parang umaawit...

Isang dapit hapon kasama ko ang aking mga kaibigan na si Francine at Michele...

Eleven pa lang kami nung nangyari iyon...

Naglalaro kami nang taguan nang may makita kaming isang malaking bahay na luma na, panahon pa ng mga kastila ang disenyo nito di kalayuan sa aming bahay...

Hindi namin maisip na may ganitong bahay pala dito na ganito ang disenyo at nag iisa lang ito sa maraming bahay kasi lahat ng mga bahay doon sa amin eh puro barung-barong...

Ako ang taya at kailangan kong hanapin sila Francine at Michele...

Nag-bilang ako ng isa hanggang sampu hanggang sa mawala sila...

At oras na para hanapin sila'y pinasok ko ang malaking bahay na mukhang haunted house na walang pag aalinlangan...

Ang akala ko talaga eh doon nagtatago silang dalawa sa loob ng lumang bahay...

Nakita ko ang loob ng bahay, walang mga gamit at puro agiw sa kisame at medyo madilim...

Mayamaya may narining akong tunog ng pagkalabit sa kuwerdas ng gitara isang beses at nawala rin ang tunog kaya gusto kong hanapin kung sino ang nagiGuitara...

Naglakad lakad ako at umakyat sa 2nd floor nito...

Nakakatakot talaga ang loob ng matandang bahay na ito kaya nagmamadali kong Hinanap ko ang mga kaibigan ko pero parang wala namang tao sa loob...

Hindi ko na din hinanap kung sino yung nagpatugtog ng guitara...

Tapos may nakita akong isang kwarto, may umaawit na pang pasyon sa loob na isang matanda, di ko maintindihan ang kanyang salita, pinasok ko ang kwarto...

Bumungad sakin sa loob ng kwarto ang napakadaming Rebulto at larawan ng mga taong may ibat ibang mukha...

Nakita ko rin ang mga kandilang kulay itim na may sindi...

Nakakakilabot, nagsimula na akong manlamig at halos kulay violet na ang aking labi...

Tapos bigla ko na lamang napansing may kasam na pala ako sa kuwarto...

Ewan ko ba kung bakit pero nilapitan ko ito...

Nakita ko ang isang matandang babae na nakaluhod sa altar na may hawak na isang maliit na libro na parang bibliya pero ibang letra ang mga nakasulat...

Bumubulong siya sa hangin na parang umaawit, di ko maintindihan ang salita na ginagamit niya, parang kastila o latin pero alam kong nagpaPasyon siya...

Ang matanda ay lumingon sa akin...

Siyay nakatalukbong ng itim, at sobrang kulukulubot na ang balat. Nakakatakot ang mga mata nito...

Akoy takot na takot at nanlalamig, at di makagalaw...

Gusto kong tumakbo palabas pero hindi ako makagalaw at hinihigop ako papasok ng dahan dahan at parang may nagpipilit sakin na tumingin sa isang krus...

Isang Tao ang nakapako sa krus kulay itim ang mukha nito...

Nakasulat ang aking pangalan sa uluhan ng krus, nakalagay rin ang date ng birthday ko at isa pang date pero napakalabo at di ko mabasa, ang nabasa ko lang na word eh “Araw ng kamatayan..:”

Pinipilit ko ang aking sariling makagalaw pero hinihigop ako ng altar papalapit sa matandang babaeng naka itim...

“Wag po! Wag po!! Ayaw ko pang mamatay!” akoy napasigaw sa takot hanggang sa madampi ko na ang kamay ng matandang babae na nag sasabing “Halika!! Halika!!” na ang boses niya ay parang isang ugong na nanggaling sa di ko malamang napakalalim at nakakatakot na lugar...


Napakalamig ng kamay nito na parang multo ng isang kaluluwang patay na. Pinipilit ako ng matandang babae na magmano sa kanya sa harap ng altar...

Tapos bigla kong naalala ang sabi sa akin ng nanay ko pag nasa bingit daw ako ng panganib o sa nakakatakot na lugar banggitin ko daw ang pangalan ni Kristo...

Binanggit ko ang pangalan ni Kristo ng tatlong beses “Dios ko, Tulungan nyo po ako!” at unti unting uminit at lumuwag ang pakiramdam ko at nakatakas ako sa kamay ng matandang babae...

Kumaripas ako ng takbo pababa ng 2nd floor at takbo takbong lumabas palayo sa matandang bahay na inaamag na. Hindi ko na inisip na hanapin ko pa ang aking mga kaibigan...

Nang nakalabas na ako dinungaw ko ang matandang bahay at napansin ko na parang palabo ng palabo ang bahay hanggang sa naging malausok na lamang ito at nawala na parang bula...

Maya maya natagpuan ako ng aking mga kaibigan at sinabi sa akin.”Hoy Katie, nandito ka lang pala? hinahanap ka na ng Nanay mo, isang araw ka nang nawawala!” nabigla ako sa sinabi nila, eh parang sampung minuto lang ang mga nangyari nung nasa loob ako ng matandang bahay eh.

Hindi pa rin ako makapag salita hanggang sa dinala ako sa bahay namin at konti konti kong ikinuwento ang lahat sa kanila...

May nagkuwento rin sa amin na ang matandang bahay daw na iyon ay 50 years ng giniba dahil araw araw may nagpapakitang ligaw na kaluluwa ng isang matanda doon. Sa paglipas nang araw pinaganda ang lugar at ginawang subdibisyon. At matapos nun wala nang ibang balita pa tungkol sa matandang babae...." Ang pagtatapos ni Katie sa kaniyang Kuwento.

Ilang minutes ding naghintay si Katie ng Reaction nina Carl and Joey Boy ngunit nanatiling tahimik pa din ang dalawa at kahit itong si Britney ay hindi din naringgang ng kahit ni isang mahinang kaluskos sa ilalim ng kama...

Napangiti na lamang itong si Katie at pagkatapos ay ipinikit na din niya ang kaniyang mga mata upang makatulog na...


*******After An Hour*******


Biglang naalimpungatan itong si Carl nang maramdaman niyang tumabi sa kaniya sa higaan  itong si Joey Boy...

"Are you scared ba Joey Boy..." Ang tanong kaagad ni Carl.

"Nope... I just can't sleep eh..." Ang maiksing reply lamang ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl.

"Bakit ka naman hindi makaSleep..."

"Ang gulo kasi noon oh..." Ang sambit lang ni Joey Boy sabay turo niya sa kaniyang empty na bed.

"Sino..." Ang tanong ni Carl.

"Ayun oh... He's in my bed..." Ang serious na reply lang ni Joey Boy.

"Ha..." Ang sambit naman ni Carl nang wala siyang nakitang nakahiga sa kama ni Joey Boy.

"Why can't you see him... He doesn't have any head pa nga eh..." Ang maiksing reply lamang ni Joey Boy at kaagad na nagtalukbong itong si Carl at nagPray dahil sa sinabi sa kaniya ni Joey Boy.





Just Click the Blogsite below for more of PinoyHorrorStories

3 comments:

  1. Kuya Ponseeee!!mag isa lang ako dito sa ibaba ng bahay namin!waaaaa!!

    Kaloka si Joey Boy may nakita pa!kupo!

    More horror stories pa Kuya hehe

    ReplyDelete
  2. love it sir Ponse.... missing Carl and Joey Boy....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails