Followers

Tuesday, November 26, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 09]




Teaser | 1234 | 5 | 678

Note

1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 9. Abot-langit pa rin ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng mga komento dito sa mga kabanata ng kwento na ginawa ko. Pati na rin sa mga silent readers, salamat po talaga! (Sorry po kung hindi ako tumutugon o nagrereply sa mga comments tsaka hindi ko po kayo na special mention kasi puputol-putol ang internet namin, parang tanga lang, nakakawarla.)

2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3 


3. Ang updates ko po ay every Tuesday at Friday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito. Dahil kung type niyo ako, e di type ko rin kayo. Dejk hahahahahahaha.

Enjoy!

Disclaimer:


1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.

3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!

---

Chapter 9





"I think I'm starting to love-"

"Angelo, galing ako sa room mo kanina. Heto na pala yung susi mo na hiniram ko. Sorry talaga, akala ko kasi nawala ko yung susi ng room ko." Napalingon si Angelo sa biglang pagsulpot ni Gab.

Istorbo naman oh! Sabi ni Gio sa kanyang isip. Napakamot na lang siya sa ulo.

"Uy! Tol! Andiyan ka pala." Nilapitan ni Gab si Gio na nakaupo sa upuang nasa harap ni Angelo.

"Alis ka muna Gab please. Istorbo ka naman eh. May kailangan pa akong sabihin kay Angelo." Binatukan ni Gio si Gab.

"Sorry naman! Daig mo pa ate ko reglahin Gio ha. Isosoli ko lang tong susi ng room ni Angelo. Nahanap ko na kasi ang susi ng room natin sa room nila ni Dimitri. Nagtataka nga ako paanong napunta iyon doon. Akala ko kasi nakay Corina ito." Nagpaliwanag si Gab habang iniabot kay Angelo ang susi na kaagad namang tinanggap ni Angelo.

"Next time na lang ako makikitulog Angelo ha? Tabihan mo naman ako!" Niyakap ni Gab si Angelo. Hindi naman gumanti ng yakap si Angelo at hindi niya rin kayang tingnan si Gio.

"O siya. Lakad na! Nanantsing ka pa sa baby ko eh!" Pinalo ni Gio si Gab. Kaagad namang lumayo si Gab at lumabas na ng coffee shop. Nang makaalis na si Gab, walang nagsalita sa dalawa. Ang pagtitipa lang ng keyboards ang namutawing ingay.

"Angelo, tingnan mo nga ako? Ilang beses na ba kayo nagtatabi ni Gab matulog? Bakit di ko alam to? Sabihin mo nga! Bakit hindi ka nagpapaalam sa akin? May nangyari na ba sa inyo?" Utos ni Gio.

Tumigil sa pagtipa si Angelo, sinulyapan niya ang lalaki at bumalik na naman sa pagtitipa.

"Angelo, kausapin mo nga ako! Ano ba kasi ako sa'yo? Bakit wala na akong ideya tungkol sa buhay mo? Bakit ka na ba lumalayo sa akin? Di mo ba alam araw-araw kitang hinahanap? Iniisip kita, for goodness' sake!" Sigaw ni Gio.

Tahimik pa rin si Angelo. Patuloy pa rin siya sa pagtitipa para sa kanyang paper.

"Yan kasi ang hirap sa iyo Angelo eh! Ikaw na nga ang kinakausap, nagmamatigas ka pa. Subukan mo kayang wag masyadong magmatigas upang mapakikinggan mo ako, at ang lahat ng tao! Sabihin mo nga, mahalaga pa ba ako sa'yo kagaya ng pagpapahalaga ko sa'yo?" Bulyaw ng lalake. Halata na sa boses ng lalake ang galit at inis. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa coffee shop dahil sa lakas ng boses ni Gio.

"Gio, gago ka ba? Pinahiya mo nga ako, tapos heto ka magmamabait sa akin? Bipolar ka? Tang ina mo! Yan na ba ang pagpapahalaga na sinasabi mo?!" Mahina ang boses ni Angelo ngunit may diin sa bawat salita niya. Ramdam na ramdam ni Gio ang galit sa kanyang boses.

"A-Angelo. K-kaya nga andito ako upang mag-"

"Sorry? Kung tayo lang sana ang nag-usap Gio, madali kitang mapatawad. Pero saksi halos limang libong taong nandoon. Tinawag mo akong bakla! Tapos na Gio! Nasaktan mo na ako!" Sumigaw na si Angelo, naluluha na si Angelo.

"H-hindi ko naman sinasadya Angelo eh. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko. Hindi ko kayang mawala ka. Importante ka pa rin sa akin. Kahit papaano may halaga ka pa rin. Kaya please, patawarin mo na ako?" Humina ang boses ni Angelo at yumuko siya.

Tumawa ng mahina pero sarkastiko si Angelo.

"Tss, hindi mo sinasadya pero kulang na lang itulak ang dalawang kilay mo upang magsalubong? Hanep ka rin bestfriend noh?"

"Ano tawag mo sa akin?" Lumiwanag ang mukha ni Gio sa narinig.

"Bestfriend. Oo Gio, galit ako sa'yo. Pero sabi ko naman sa'yo di ba, bestfriend kita at hindi kita ipagpapalit. Kahit pinahiya mo pa ako, bestfriend pa rin kita."

"So napatawad mo na ako? Sabi ko na nga ba, mahal mo ako!" Sabi ni Angelo sabay tapon ng excited na ngiti.

Andiyan na naman iyang ngiti na iyan! Gusto ko sanang magalit sa'yo ngunit kapag ngumingiti ka Gio nawawala!

"Huwag mo nga akong ngitian! Nakakainis ka, nagagalit ako sa'yo!" Sabay tipa ni Angelo.

"Alam ko kahinaan mo Angelo... Tingin ka nga."

"Ayaw."

"Halika, alam kong titingnan mo na ako."

"Hindi sabi eh. Tigas mo."

"Natutukso na yan... Tingnan mo na kasi mukha ko eh."

"Ayaw nga!"

"Ah!" Umuungol si Angelo at hinihimas himas ang kanyang sentido. Nagulat si Gio at nataranta. Sa panahong palagi pa silang magkasama, paminsan-minsa'y sumasakit kasi ang ulo ni Angelo. Palagi kasi siyang inaatake ng migraine dahil sa sobrang subsob sa trabaho, dahil sa sobrang stress.

At dahil hindi ininda ni Angelo ang sakit ng sentido, tinignan niya si Gio. Pag-angat ng ulo niya nakangiti pala ang gago sa kanya.

"Patawarin mo na kasi ako, Angelo! Eto kahinaan mo oh! Kryptonite mo to, boy!" Sabay turo ni Gio sa kanyang sariling labi.

Napangiti na lang si Angelo at sinuntok si Gio sa balikat. "Leche ka Gio. Hindi naman talaga ako galit eh. Nahihiya lang ako. At saka, kung galit man ako, matagal na kitang napatawad ano." Hindi mapigilang ngumiti ni Angelo. Hindi naman pala siya galit sa akin. Sa isip niya.

"Iyan! Ang bait talaga ng bestfriend ko! Libre na lang kita ng kape para maramdaman mo ang pagmamahal ko." Kinakamot ni Gio ang baba ni Angelo.

"Huwag na. Okay na ako. Patapos na rin naman ako eh. Bakit mo naman kasi ginawa iyon Gio?"

"A-ah, eh, wala lang. Wala naman talagang katotohanan iyon di ba?"

"O-Oo."

"Sorry Angelo. Sorry talaga. Hindi na kita sasaktan pa muli. Nagkamali ako. Aalagaan kita, poprotektahan kita. Nagkulang na naman ako." Niyakap ni Gio si Angelo na ikinapansin naman ng mga tao sa loob ng coffee shop.

"Okay na Gio. Hindi kita matitiis. Kung di lang kita bestfriend!" Nagpumiglas si Angelo. Binatukan niya si Gio nang kumalas ito.

Tumahimik si Angelo pagkatapos. Patuloy sa pagtitipa.

"Tinanong ko lang iyon para mas macurious ang mga fans niyo tapos ah, eh, dumami pa fans niyo." Pagdahilan ni Gio sabay laro sa kanyang mga daliri.

"Sira ka talaga, Gio."

"Gusto mo ba si Dimitri, Angelo?" Biglang tanong ni Gio. Seryoso ang kanyang tono na siya naman ikinataranta ni Angelo.

"Di ba Gio, napag-usapan na natin iyan?"

"Pagkakaibigan naman iyon eh. Ang tanong ko, gusto mo ba siya bilang... boyfriend?" Huwag naman sana, please... Hiling ni Gio sa kanyang sarili.

Hindi nakapagsalita kaagad si Angelo. Patuloy pa rin siya sa pagtitipa na para bang iniilagan ang mga tanong ni Gio, lalong lalo na ang tanong na iyon.

"Bakit, gusto mo ba na maging kami?" Pambalik na tanong ni Angelo.

"Hindi naman sa ganoon. Pero alam mo noong tinignan ko kayo, nagulat ako ikaw ang unang nakipagholding hands sa kanya. Kung babae lang ako sasabihin kong: 'Ang cute cute nila talaga', pero hindi eh. Bestfriend mo ako, so naguluhan ako kung gusto mo ba siya o hindi."

Natamaan si Angelo. Oo nga naman, bakit niya naman pala hinawakan ang kamay ni Dimitri?

"H-ha? Ano ka ba Gio! For show lang iyon. Hehe, tanong mo pa kay Dimitri."

"Oo, tinanong ko nga. Sabi niya rin for show lang iyon. Pero bakit ka lumalayo kay Dimitri?"

"H-Hindi ha! Bakit naman ako lalayo sa kanya?"

"Umiiwas ka nga eh. Angelo, kilala kita. Para saan pang magkababata tayo. Sabihin mo nga, nagseselos ka ba kay Maryanne?" Kinabahan si Angelo.

"T-talaga lang ha? Bakit naman ako magseselos kay Maryanne? Lalake naman ako!"

"Oo, pero di mo ba pwedeng mahalin si Dimitri kahit lalake ka?" Lumapit si Gio kay Angelo sabay hawak sa kanyang kamay. Mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Isang kinakabahang tingin lamang ang kanyang ipinukol.

"P-Pwede naman ano! Ahmm, k-kaibigan! Roommate! Ano ba yang iniisip mo Gio. Wag ka nga. Bitiwan mo ako!" Tinanggal ni Angelo ang kanyang kamay.

"Ganoon? Bakit parang pakiramdam ko nagseselos ka?" Nilapit pa ni Gio ang kanyang mukha sa mukha ni Angelo. Biglang lumamig ang kanyang pakiramdam at di niya alam kung paano sagutin si Gio.

"Baka ikaw may gusto kay Dimitri!" Umiwas ng tingin si Angelo. Ngunit pilit kinukulit ni Gio si Angelo, kinikiliti niya ito sa tagiliran.

"Tingnan mo nga ako sa mata Angelo, may gusto ka ba kay Dimitri bilang syota?" Seryoso ang tono ni Gio habang diretso ang tingin kay Angelo,

"H-hindi nga!" Malakas na sigaw ni Angelo. Hindi niya magawang tingnan si Gio sa mata. Kasi alam niyang hindi totoong hindi. Alam niyang alam ni Gio ang totoo niyang nararamdaman.

"Sinungaling ka eh. Aminin mo na nga!" Ngumiti si Gio at hinahaplos-haplos ang mukha ni Angelo.

"Bakit ka kasi mapilit Gio, sabing wala nga eh! Wala!"

"Alam mo, madalas kong nakikita si Dimitri at Maryanne magkasama. Kanina lang noong papasok ako rito, nakita ko sila sa loob ng sasakyan ni Dimitri na naghahalikan sila." Sumandal si Gio sa upuan at tinutukso si Angelo.

"Tapos?" Defensive na sagot ni Angelo.

"Ang sweet sweet nga nila. Tapos isang araw, nakita ko si Maryanne na pumunta ng sixth floor. Alam kong wala ka pa kasi kabisado ko schedule mo. Siyempre love kaya kita. Siguro si Dimitri ang pinuntahan noon. I wonder kung anong ginagawa nila sa kwarto..." Patuloy ang pagtukso niya kay Angelo.

"Tapos?" Pinilit ni Angelo na huwag umiyak. Malabong-malabo na talaga ang kanyang paningin dahil sa mabibigat na luhang namumuo.

"Nasa lobby ako noon nag-aaral sa kantang kakantahin namin the night after. Tapos after mga isang oras, nakita ko nang bumaba si Maryanne. Nakasabit pa iyong bra strap niya sa kanyang braso... Siguro nagsex sila. Ang sarap naman kasi ni Maryanne..." Pang-uudyok ni Gio kay Angelo.

"Okay." Ang naisagot naman ni Angelo. Tumaas ang kilay ni Gio sa kakaibang kinikilos ni Angelo.

"Sila na ba Angelo?"

"Ewan. Oo. Bahala sila sa buhay nila!" Nagdabog si Angelo.

"Hanep. Bakit ka nagagalit? Hindi ka ba masaya para kay Dimitri? Maganda naman si Maryanne. Sexy tsaka mayaman, maputi at matangkad. Parang mas matangkad pa nga siya sa'yo Angelo eh."

"Alam ko namang insecure ako sa height ko. Hindi naman masama ang 5'7" ano!" Nakakunot ang noo ni Angelo.

"Balita ko nga buntis si Maryanne eh."

"Balita ko nga buntis si Maryanne eh."

"Balita ko nga buntis si Maryanne eh."

"Balita ko nga buntis si Maryanne eh."

Paulit ulit sa tenga ni Angelo. Hindi siya makapagsalita. Parang tumigil ang kanyang mundo. Natigilan siya maging sa pagtitipa niya. Tinignan niya si Gio sa mukha at parang masaya pang nagkukuwento si Gio sa pagkakasweet ng dalawa. Patuloy lang siya sa pagtitig sa mukha ni Gio.

"Mabuti naman kung ganon. Wala naman akong kinalaman so congrats sa kanila." Mapaklang sagot ni Angelo habang tinatakpan ang mukha para hindi mapansin ni Gio ang mga luha sa kanyang mga mata.

Natigilan sa pagkuwento si Gio. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa inasta ni Angelo. Alam niyang mahal na mahal ni Angelo si Dimitri.

"Ahmm, Angelo?"

"O?" Pinunasan ni Angelo ang kanyang mga luha.

"Umiiyak ka ba?" Naalimungawan si Gio at kaagad niyang hinaplos ang pisngi ni Angelo.

"Hindi ah!" Pinilit ni Angelo na tumawa.

"Pero bakit..." Sumandal si Gio papalapit kay Angelo at pinunasan ang kanyang pisngi. Naramdaman ni Angelo ang pamamasa ng kanyang pisngi nang punasan na ito ni Gio.

Sabi ko na nga ba! Ang sakit pala! Sigaw ni Gio sa kanyang isip.

Nagkatinginan sila. At doon na sunod-sunod na bumuhos ang mga luha ni Angelo.

"Alam ko na Angelo. Hindi mo na ako maloloko pa." At sa puntong iyon, patuloy na ang luha ni Angelo.

"I'm sorry, Gio. Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman ginustong mainlove sa lalaki, at mas lalong lalo na sa kanya. Kilala ko ang kasarian ko, kilala ko kung ano ang ayaw at gusto ko. Pero hindi ko napigilan eh. Every day na nakikita ko siya, nasasaktan ako. Masakit. Tinatanong ko kung bakit pa ako nainlove sa lalaki, at bakit sa kanya pa talaga!"

"Tapos nasasaktan ka every time na maaalala mong mag-bromance pala kayo? Na hinahangaan kayo ng mga tao bilang magkasintahan?"

"Oo. Masakit. Gusto kong sabihin sa kanya pero alam kong hindi mangyayari iyon. Gusto kong pilitin siya at least pero hindi ko talaga kaya dahil alam kong lalaking-lalaki siya at babae talaga ang gusto niya. Ano ba naman ang panlaban ko sa babae? Wala naman akong pekpek. Tsaka hindi rin ako magpapapekpek dahil gusto kong maging akin si Dimitri! Okay na ako sa burat ko, di nga lang ako marunong magjakol!"

Nagtawanan silang dalawa. Natawa si Gio kasi nagawa pang magbiro ni Angelo kahit nasasaktan siya. Ang tatag naman ng bestfriend ko! Kung alam niya lang...

"Pero that's not the point Gio. Masakit kasi na malaman ko na sa dulo, ang gusto kong mangyari ay hanggang pagpapanggap lang, nothing more. Alam kong hindi dapat mangyari ang gusto ko. Society forbids, God forbids. Pero may bahagi sa isip kong nagsasabing walang masama kung ipaglalaban ko itong pag-ibig na ito. At the end of the day, gumawa lang naman ang Diyos ng pekpek at burat, pero hindi niya ginawang exclusive na ang burat mahalin lang ang pekpek. Fluid ang pagmamahal, pwedeng magmahalan ang mga burat, pwede ring magmahalan ang mga pekpek. Pwede nga kahit wala kang pekpek at burat, capable ka of loving.Yun ang masakit! Ako lang ang nag-iisip nito."

"Naiintindihan kita Angelo. Alam ko naman nasasaktan ka eh." Yumuko si Gio at hindi niya maipaliwanag ang awa na nararamdaman para sa kaibigan.

"Alam mo naman pala, bakit mo pa ako iniiwasan?" Nagtatampong tanong ni Angelo.

"Hindi naman kita iniiwasan eh. Ayaw ko lang talaga magkaroon ng kaibigan na..." Nag-aalangan si Gio sa sasabihin.

"Bakla?" Diretsong sabat ni Angelo.

"I'm sorry Angelo. Pero narealize ko na, kagaya ng sabi mo, ang pagkakaibigan, kagaya ng pagmamahal, ay fluid. Walang pinipiling kasarian. Kaya kinumpronta kita noong student's night kung bakla ka ba o hindi. Nang makita ko ang reaksyon mo, alam ko na. Alam ko na mahal mo si Dimitri. Angelo, hindi ka bakla, okay? Nagkataon lang na nalilito ka kay Dimitri. Gusto mo ba siyang makalimutan? Kung maging bakla ka man, ayos lang. Wala nang issue sa akin. Wag mo lang akong gapangin, okay? Magpaalam ka naman para alam kong sabik ka." Tukso ni Gio sabay ngisi.

"Wow, ang gwapo mo naman Gio." Umirap si Angelo.

"Siyempre, kaya nga binestfriend mo ako." Sabay haplos sa kamay ni Angelo.

"Sige. Ipilit mo pa. Pero alam mo, sa totoo lang, ayokong maging hadlang sa pag-iibigan nila ni Maryanne. Lalong lalo na ngayong buntis pala siya. Mabait naman kasi si Maryanne sa akin eh." Hinampas ni Gio ang ulo ni Angelo.

"NAKO NAMAN! HINDI KA NA NATUTO! MASYADO KANG MAPAGBIGAY!"

"Ano naman ang gusto mong gawin ko ha?!"

"Hindi ko naman sinasabing agawin mo si Dimitri, siyempre mali yun. Kung mahal ka talaga ni Dimitri, pipiliin ka niya. Pero hindi eh, so frankly let's assume na..."

"Hindi niya ako mahal?

"Definitely. Ako na lang kasi Angelo eh. Bakit si Dimitri pa! Tatanggapin pa rin kita tsaka hindi kita lolokohin, hindi kita paaasahin. Mamahalin kita ng buo." Seryoso ang mukha ni Gio. Tumawa naman si Angelo dahil alam niyang nagbibiro lang si Gio.

"Sige dagdagan mo pa ang problema ko Gio." Tumawa si Angelo at sinuntok niya ito sa braso.

"Joke lang pala iyon. Hindi buntis si Maryanne. Gusto ko lang malaman ang totoo mong nararamdaman. Pero hindi ko naman sinasabing wag mong isipin ang sarili mo. Ilang subjects ba kayo magkaklase ni Dimitri?"

"Isa lang. Kumag ka, pinaseselos mo pala ako."

"Magkatabi ba kayo ng upuan? Siyempre di mo sinasabi sa akin eh! Naturingan mo pa naman akong bestfriend. Kainis. Parang di mo na ako mahal." Nakalabas ang nguso ni Gio sabay tupi ng kanyang mga braso. Para siyang batang nagtatampo.

"Oo, for show lang naman. Para sabihing close kami."

"Handa akong tulungan ka Angelo. Putang ina niya! Ayaw kong makikitang nasasaktan ang utol ko. Bunso kita. Magkadikit na ang bituka natin. Tsaka wag mo na siyang tawaging kuya ha? Mahal kita at ayaw ko nang makita kang nasasaktan pa. Layuan mo siya. Alam mo ba na manloloko siya? Feeling ko may ibang babae iyan eh-" Naputol si Gio nang biglang nag-ring ang phone ni Angelo.

"MARYANNE CALLING."

Biglang kinabahan si Angelo at dahan-dahan niyang inaabot ang cellphone niya. Kinakabahan siya.

"He-hello?" Mahinang bati ni Angelo samantalang tinitignan siya ni Gio.

"Hi Angelo. Are you with Dimitri?" Nag-aalalang tanong ni Maryanne.

"No, I'm not."

"He told me he'll find you. Weird nga kasi nakita ka namin kanina sa coffee shop when we were about to leave the car." So nakita pala nila ako. Sumakit ang dibdib ni Angelo sa nalaman.

"O-ok?"

"Do you think he's with another girl? Last time I visited your room, I found a key. I asked him pero sabi niya susi mo raw yun."

"I'm sorry Maryanne. I really don't have any idea. I don't know, and I don't care. Bye." Binaba ni Angelo ang tawag.

"So ready ka na ba? Tutulungan kitang makalimitan mo si Dimitri." Pang-eencourage ni Gio kay Angelo.

"O-Ok?"

"Bakit patanong? Sabihin mo "ok!"

"OK!"

"Sige, ganito ang gawin natin..."

----------------------

Pag-uwi ni Dimitri sa kanyang room, nadatnan niyang wala nang cushion, bedsheet, kumot, at mga unan ang isang kama, ang kama ni Angelo. Baka nagpalit lang. Madumi na rin kasi iyon eh. Pagpapakalma niya sa sarili niya.

Nang binuksan niya ang dresser nila, kalahati na lang sa mga gamit ang naroroon kumpara sa kanyang nakasanayan. Shit! Don't tell me...? Siniyasat niya ang mga gamit at nagulat siya kung kaninong mga gamit ang naroroon, ang kanya na lang. Wala na ang mga gamit ni Angelo. Sinilip niya ang bag ni Angelo sa ilalim ng kama, wala na rin ang maleta ni Angelo. Pati mga toothbrush, shampoo, toiletries ni Angelo, wala. Is he trying to stay away from me? Ugh! Sabi ko na nga ba.

Tinignan niya sa drawer kung nandoon pa rin ba ang wax ni Angelo. Mahilig kasing maglagay ng wax si Angelo sa buhok bago aalis para papasok. Ngunit nang binuksan niya ang drawer, walang wax. Nasaan na ba iyong batang iyon? Kaasar.

Dali-dali siyang bumaba papuntang information desk upang magtanong kung nasaan si Angelo. Kinakabahan siya na baka lumayas na nga si Angelo.

"Miss, miss. Nandiyan po ba ang isang susi ng dormer sa room 619?" Mabilis na tanong ni Dimitri habang maluha luha na ang kanyang mga mata.

"Opo, andito na. Isinauli na niya po kasi lumipat siya ng tirahan."

"Ah, okay. Saan po ba ang kanyang bagong room miss?" Tanong ni Dimitri. Hindi niya maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman sa mga oras na iyon.

"I'm sorry sir, confidential po at hindi po pwedeng ipagsabi for privacy purposes."

"Miss, sabihin niyo na naman miss oh? Please?" Nagmakaawa si Dimitri at tumulo na ang kanyang luha. Huwag niyo namang ilayo si Angelo sa akin Lord...

"Sino po ba ang hinahanap niyo? Yung roommate niyo po?"

"Ano ka ba miss? Kasasabi ko nga lang di ba? Oo, yung roommate ko. Nasaan? Anong room? Andito pa ba siya?" Mabilis na tanong ni Dimitri at hindi na siya mapakali. Gusto niyang makita si Angelo."

"I'm afraid sir na hindi po kami sigurado kung andito pa ba siya. Hindi rin po kami sigurado kung lumipat siya ng room."

"Akala ko ba sabi mo kanina lumipat siya ng room! Bakit pabago-bago iyang sinasabi mo! Mahalaga po siya sa akin, please sabihin niyo po. Ayaw ko pong mawala sa kanya." Tuloy-tuloy na ang mga luha ni Dimitri.

"Kasi po, ang pinagpaalam lang ni sir... ahm Montemayor? Ang pinagpaalam niya lang po is lilipat lang siya ng room. So hindi po talaga kami sigurado kung lumipat nga ba siya talaga ng room o hindi.

"But whether he stays or he doesn't want to stay, he has to have a clearance di ba? He has to arrange that with the administration. Bakit niyo naman pinayagan!?" Sumisigaw na si Dimitri. Gusto niyang sisihin ang babae sa pagkakamiss kay Angelo.

"Kasi po, tumawag ang dean dito at pina-clear na po siya"

"Sinong dean?"

"Dean po ng institute of liberal arts. Tsaka kailangan po may witness dean din po. Tumawag na rin ang dean ng mathematics. Kaya ayon po. Pinayagan siya ng dorm manager."

"BULLSHIT!" Hinahanap ni Dimitri si Angelo sa umbok ng mga tao sa lobby, ngunit wala siyang Angelo na makita. Nilibot ng kanyang mga mata ang paligid ngunit walang Angelo ang nahawi ng kanyang paningin. Naisip niya na nakadorm din pala ang bestfriend nitong si Gio, baka andun kina Gio. Hindi ako makakapayag na mawala siya.

Dali dali na naman siyang umakyat sa room 513 upang siguraduhin kung naroroon ba si Angelo. Kung andoon man si Angelo, kukunin ko siya! Sa isip niya"

Tok tok tok!" (Sosyal na pinto to may dialogue pa talaga.) Ang narinig ni Gabby na katok mula sa labas,

"GIO BUKSAN MO TO!"

Agad na binuksan ni Gabby ang pintuan at nagulat siya na si Dimitri ang tumambad. Pagbukas ng pintuan ay agad na nagpupumilit na pumasok si Dimitri sa kwarto. Galit na galit ang mukha ni Dimitri at padabog itong pumasok sa kuwarto nila. Sinubukang pigilin ni Gabby si Dimitri ngunit sadyang malakas si Dimitri.

"Uy uy uy, kalma lang tol! Sino bang hinahanap mo? Andiyan si Gio oh, tulog na! Gabi na tol, patulugin mo naman kami."

"Wag niyo akong gaguhin ha! Nasaan si Angelo?"

"Wala akong alam, wala kaming alam!"

"Sinungaling! Alam kong tinatago niyo siya mula sa akin. Ilabas mo, ilabas niyo!"

"Ano bang problema mo! Kaninang hapon pa kami dito ni Gio, at hindi namin kasama si Angelo." Pagdahilan ni Gab. Nagtataka siya sa inasta ni Dimitri.

Binuksan ni Dimitri ang banyo, ang dresser, dumapa sa ilalim ng kama at kung anu-ano pang pinaggagawa niya na nagpapahiwatig ng paghahanap.

"Sinungaling kayo. Alam kong tinatago niyo si Angelo sa akin!" Tinulak ni Dimitri si Gab. Dahil dito, napuno na si Gab at sumigaw na rin.

"Tangina! Bakit naman namin itatago si Angelo mula sa'yo? Tsaka ano naman sa'yo kung mawala si Angelo?" Sumigaw si Gab. Natigilan sandali si Dimitri at hindi niya kayang tingnan si Gab.

"Ah..eh... N-nasa kanya ang budget ko!! T-tama! Nasa kanya ang pera ko!"

"Tol, di ba kasasabi mo lang sa tropa mong tiga-fine arts na kaklase ko na noong first sem pa ibinigay ni Angelo ang ATM niya? Kinuwento mo pa nga sa akin ulit iyan eh nang magkita tayo." Nagtataka si Gab sa inasta ni Dimitri.

"Huwag ka na ngang mag-maang-maangan! Basta wala ka na roon. Nasaan si Angelo?!" Kwinelyuhan ni Dimitri si Gab. Nnggagalaiti na sa galit si Dimitri samantalang si Gab naman ay chill lang.

"WALA NGA!" Tinanggal ni Gab ang pagakakahawak ni Dimitri sa kanya.

Naalimpungatan si Gio dahil sa ingay at nakagising. Kinukusot kusot niya ang kanyang mata at nagulat siyang nandoon Dimitri, galit na galit.

"Uy, Dimitri pare! Andito ka pala." Bati ni Gio na papalapit kay Dimitri, ngunit tinulak ni Dimitri si Gio. Napaatras si Gio sa pagkakatulak.

"Nasaan si Angelo? Tinatago mo siya eh!" Naiiyak-iyak na si Dimitri.

"Di ko alam? Nag-usap nga kami kanina sa coffee shop at may probleman dinadala. Kaya kinausap ko. Baka nagtatago siya, kasi hindi na siya papayag pang gamitin mo siya..." Ginagalit ni Gii si Dimitri, Natigilan naman si Dimitri at pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"Tapos, ano naman ang kinalaman mo?"

"Iyun lang. Simple lang. Bestfriend niya ako, at hindi na ako papayag na sasaktan mo pa siyang muli. Nagpaalam na ako matapos niyang umiyak nang umiyak. Sinaktan mo siya eh. Baka nga hindi na iyon magpapakita sa'yo. Malas niya lang classmates pala kayo sa isang subject." Pailing-iling si Gio habang pinagmamasdan si Dimitri na nagsasabong ang mga kilay dahil sa namumuong lungkot, hinagpis, galit, at pagkabigo.

"Ginagago mo ako eh. Akin na siya.. please." Umiiyak na si Dimitri at nagulat si Gab at Gio sa pag-iyak ni Dimitri.

"Gago ka pala! Ginagago mo siya, sabihin mo! Tapos ngayon iiyak-iyak ka? Di mo man lang inisip ang mararamdaman niya? Magpakalalaki ka, bakla!" Sinigawan ni Gio si Dimitri sabay tulak nito papalayo."

"Ano?" Tumigil sa pag-iyak si Dimitri at nilapitan si Gio.

"Wala. Layas ka nga. Di ba hindi pwedeng tumuloy ang ibang dormer sa room na hindi assigned sa kanila. Baka gusto mo icomplain kita?"

"Icomplain mo! Wala ka namang laban kasi pwede ko namang manipulahin. Mahirap ka lang kasi, iyan ang sabihin mo." Galit na galit na tugon no Dimitri sabay dura kay Gio.

Natigilan si Gio sa ginawa ni Dimitri. Sabihin na kung anong gustong sabihin ng mga tao sa kanya, ngunit hindi siya papayag na lalaitin siya gamit ang kanyang estado sa buhay.

"Huy gago ka ba? Kung sinasabi mong mahirap ako, para mo na ring nilalait si Angelo niyan? Hindi mo ba alam na mas nakakaangat lang kami ng isang ligo kina Angelo? Bastos mo rin ano. Alis! Baka masuntok pa kita-" Sabay punas sa mukha ni dinuraan ni Dimitri.

"Sapakin mo-"

At mabilis na tumilapon si Dimitri sa pagkakasuntok ni Gio sa kanya. Napadapa sa sahig si Dimitri at galit na galit. Susunggaban na niya sana si Gio nang pinigilan siya ni Gabby

"ANO HA? TANGINA MO! BAKLA! HINDI MO PALA KAYA MAKIPAGBUNUAN!" Sigaw ni Gio sabay tadyak kay Dimitri.

"Tama na mga tol, please." Pag-awat ni Gab sa dalawa.

"BITIWAN MO AKO GABBY! PUTANG INA NIYO! PINAGTUTULUNGAN NIYO AKO!" Iyak na ng iyak si Dimitri.

"Ang gusto ko lang naman ay mabawi si Angelo eh." Lumuhod na sa sahig si Dimitri at tumatangis.

"Hoy, anak ng tikbalang. Eto tandaan mo ha, hindi na ako papayag na mahawakan mo man si Angelo. At kung nasa akon man si Angelo, hindi ko siya ibibigay sa'yo. Tama na ang sakot na binigay mo sa kanya." Tumingala si Dimitri kay Gio at kita niyang umiiyak na rin si Gio.

"Dimitri, tama na please. Nanggugulo ka lang dito sa amin pare eh. Gabi na oh, kailangan na naming matulog." Pag-aalo ni Gabby.

"TALAGA? LAPIT KA DITO GIO! PATUTULUGIN KITA HABANG BUHAY!" Tumayo si Dimitri at susugurin na niya sana si Gio nang mapigilan siya ni Gab.

"SIGE, BITAWAN MO SIYA GABBY! NANG MABAWASAN NAMAN ANG PERA NIYAN PAMBILI NG SARILING KABAONG NIYA!"

"ANGAS MO HA!" Kumalas si Dimitri sa pagkakahawak ni Gabby nang siniko siya ni Gabby sa batok. Napaluhod si Dimitri sa sakit ng pagkakasiko ni Gabby.

"Aray! Ugh, sakit! Gabby bat mo ginawa iyon? Kala ko ba kakampi kita?" Sabi ni Dimitri habang gumagapang sa sakit patungo kay Gabby.

"Ikaw ang hindi nakakaintindi Dimitri. Oo, classmate kita. Oo, blockmate kita. Oo, pareho tayo ng kurso. Pero sobra-sobra na nga iyang pagbibintang mo sa amin na manloloko at sinungaling, nilait mo pa si Gio, tapos ngayon manggugulo ka pa. Tama na pare please. Pagod tayong lahat, okay? Huwag nating pagurin ang sarili natin."

"Malaman ko lang na tinatago niyo si Angelo mula sa akin, malalagot kayo sa akin!" At umalis si Dimitri sa kwarto nila nang nagdadabog.

Naiwan sina Gio at Gab sa silid. Nagkatinginan sila... nagtataka.

---------------------------

"Salamat ha at pumayag ka namang patuluyin ako dito sa inyo." Nginitian ni Angelo si Laurel.

"Wala lang iyon! Ano ka ba. Nga pala, ito pala si inay at ito si itay." Pagpapakilala ni Laurel sa mga magulang.

"Magandang gabi po." Bumati si Angelo sa dalawa.

"Magandang gabi rin sa'yo hijo. Kay gwapo naman oo. Sigurado ka ba dito ka muna titira hanggang sa matapos ang semestre niyo? Squatters lang naman kami dito, mayaman ka pa naman tingnan."

"Hindi po. Dito lang ako titira hanggang sa magchristmas vacation. Pero kung titira ako dito pagkatapos, okay lang po ba hanggang sa makahanap ako ng bagong lilipatan para hindi naman kayo mag-abala?"

"Okay naman hijo! Walang problema diyan. Mabuti ngang namalagi ka dito eh. Alam mo bang naghahanap ng kapatid itong si Laurel tapos masaya niyang ikinukuwento at kinumbisi kami na patuluyin ka rito." Sabi ng matanda sabay lapag ng meryenda nilang apat.

"Ganun na nga po, pasensiya na po sa abala. Kailangan lang kasi talaga eh."

"Bakit naman dito mo napili Angelo? Nag-aalangan talaga kami ng tatay ni Laurel noong una kasi nga maliit lang itong bahay namin tsaka nasa squatters lang. Mabuti naman at malapit sa paaralan ni Laurel. Wala naman problema kay Laurel kasi working scholar naman siya roon. Pero, mukhang mayaman kasi ang dating mo hijo. Mahihiya kami niyan."

"Ay! Hindi po. Sa katunayan po taga-probinsya lang din po ako. Mas masahol pa rito po. Kaya sanay na po ako, wag kayong mag-alala."

"Okay nga yan babes! May makakalaro ako sa pagbabasketball ng liga namen." Sabi ng tatay ni Laurel. Ngumiti si Angelo sa magpamilya.

"Kaya nga lang hijo, wala kaming extrang kuwarto. Okay lang ba kung doon ka na lang sa kuwarto ni Laurel?"

"Ah okay lang po" Tumango si Angelo at nagsimula nang kumain.

"Naku, iisang kama lang meron si Laurel eh. Okay lang din ba kung magbabanig ka na lang?" Tanong ng nanay ni Laurel na siya naman ikinailang ni Angelo at Laurel.

"Babes, wag mo na iyang pabanigin. Patabihin mo na lang kay Laurel. Wala namang masama, magkaibigan naman sila." Sabi ng tatay ni Laurel.

"Tado! Lalake iyan, itatabi mo sa babae?" Pagbabatok ng nanay ni Laurel.

"Huwag lang kayo magpakagago Angelo ha? Okay lang iyon. Tsaka mas mabuti nga yan babes maagang mabuntis si Laurel. Tsaka kung makarami, may basketball team na sila, ako ang coach, tapos may mga apo ka! Galing ano?"

"Ewan ko talaga sa'yo babes. Ayos lang ba iyon sa iyo Laurel?"

"Hay naku ma. Walang problema. Hindi po ako mabubuntis dito kay Angelo, sinusiguro ko iyan. Hindi kami talo" Tumawa si Laurel. Napigil lang ang kaniyang pagtawa nang tinignan siya ng masama ni Angelo.

"Ahh.. sige. Tabi na lang kayo ni Laurel."

"YES!" Sigaw ng tatay ni Laurel. Nagtawanan.

"Sige ma, aayusin lang muna ni Angelo ang kanyang mga gamit. Saglit lang naman siya dito eh, malapit na rin ang break namin isang linggo na lang."

"O sige. Kayo ang bahala." Pumasok na sila sa kwarto ni Laurel. Hindi masyadong kalakihan ito ngunit may isang mesa para sa pag-aaral, may hindi kalakihang kama, at may cabinet.

"Pasensiya ka na rito Angelo ha. Ito lang maibibigay ko. Malayo ang quality sa dorm niyo."

"Naku naman Laurel. Okay lang. Basta meron."

"Bakit ka nga ba kasi naglayas?"

"Hindi na kasi pwede Laurel. Nasasaktan na ako sa tuwing magkikita kami ni Dimitri. Gusto ko lamang mapalayo sa kanya. Okay lang naman siguro sa iyo di ba?"

"Hay naku, kung bestfriend mo si Gio, ako naman ang bestfriend mong maganda. Walang problema, mabuti nga yang dito ka matulog para may kasiping ako." Pagbibiro ni Laurel sabay tawa.

"Laurel..." Tinapunan ni Angelo si Laurel ng matalas na tingin.

"Sorry na. Okay. Wag mo lang akong anakan, okay? Di pwede ang sex, kaya pigilin mo iyang sarili mo." Patuloy sa pagbibiro si Laurel nang sinakyan ito ni Angelo.

"Don't worry, hindi ako marunong jumakol." Umirap si Angelo at sinimulan na ang pag-aayos ng mga gamit.

"Turuan kita?" Panukso ni Laurel sabay hablot sa bukol ni Angelo.

"Gaga!" Tawanan.

-----------------------

Kinabukasan, pumasok na si Angelo at si Laurel. Dahil malapit lang naman ang bahay nila Laurel, nalalakad lang nila ito. Madalas na rin silang magkasama at hindi na nakikitang mag-isa at tulala itong si Angelo sa kanyang free time. Dahil working student si Laurel sa SEAU, may pagkakataon na hindi sila magkakasama ni Angelo dahil kailangan niyang magduty. Si Gio naman ang pumapalit sa kanya. Kung hindi makikitang magkasama si Angelo at si Laurel, si Gio naman ang kasama nito. Ganito ang set-up ng buhay ni Angelo.

Sa di maipaliwanag na dahilan, basta't magkasama si Gio at si Angelo ay palagi naman silang nakikita ni Dimitri. Conversely, madalas naman makita ni Angelo si Dimitri at Maryanne. At dahil nga sa ayaw ni Gio na masaktan ang utol niya, nilalayo niya si Angelo. Minsan kinikiliti niya si Angelo kung titingin si Dimitri, kung minsan naman inaakbayan ni Gio si Angelo kahit na marami ang tumitingin sa kanila. Minsan, hinihimas-himas pa ni Gio ang balikat ni Angelo o pinipisil-pisil ang hita nito.

Kay Angelo naman, walang malisya ito. Dahil una, magkababata sila. Pangalawa, touchy naman talaga si Gio. Pangatlo dahil magbestfriends sila. Wala namang masama di ba? Kung makikita niya sina Dimitri, sinasabihan niya si Gio na lumipat sila ng puwesto o di kaya'y umalis na.

Kay Dimitri at Maryanne naman, okay naman silang dalawa. Maliban na lang sa minsan ay parang walang focus si Dimitri at kung minsan ay hindi siya nakikinig at nagbibigay atensyon kay Maryanne. Napapansin na rin ni Maryanne na parang malayo ang atensyon ni Dimitri at hindi ito makapag focus kung magkasama sila. Siyempre, dahil na rin siguro ito sa pagkawala ni Angelo. Maraming beses na ring nawawala si Dimitri at hindi mahanap ni Maryanne, pero binale-wala na niya lang ito. Alam kasi ni Maryanne kung gaano kahalaga si Angelo bilang kaibigan ni Dimitri. At ang pagkawala ni Angelo ay isang malaking kawalan kay Dimitri. Minsan hindi na kumakain si Dimitri, o di kaya'y di na tumutugon sa iba. Walang araw na hindi kinukuwento ni Dimitri ang kanyang hinahangaan kay Angelo kay Maryanne kapag magkasama sila. At si Maryanne naman ay masaya na maayos ng nakikipagkaibigan si Dimitri sa mga tao-tao. Ngunit simula nang umalis sa room nila Dimitri si Angelo ay parang nag-iiba si Dimitri at bumabalik siya sa dating Dimitri na kuwento ng mga tao. Naghahanap ng atensyon, tahimik, at matalim kung tumitig. Minsan sinasagot ang mga professor at binabastos ang mga kaklase. Alam ni Maryanne na si Angelo lang ang makakasagot sa problema niya, ayaw niya kasing maging loko-loko ang tingin ng mga tao sa kanyang boyfriend. Huling araw na ng pasok para sa Disyembre at napagdesisyunan na nila Angelo at Gio ang umuwi ng probinsya the day after. Pero dahil marami pang kailangan asikasuhin si Angelo, nag-aral muna siya sandali sa kanyang paburitong fountain park. Nasa ganoong pag-aaral si Angelo nang lumapit si Maryanne sa kanya. "Hi Angelo."

"Uy! Maryanne! Anong atin?" Ngumiti si Angelo at tinignan si Maryanne. Nag-aalala ang mukha nito.

"Pwede ba kitang makausap?" Kitang-kita sa mukha ni Maryanne ang ibayong lungkot.

"Kinakausap mo na nga ako. Ano ka ba. Hahahaha." Tumawa si Angelo. Akala niya makikitawa rin si Maryanne, pero hindi.

"Angelo, seryoso ako." Tinignan lang ni Maryanne si Angelo habang dahan-dahang naupo.

"Sorry." Naupo si Maryanne sa tabi ni Angelo.

"Kamusta ka na Angelo?" Pagbati ni Maryanne habang nararamdaman ni Angelo ang pagkabahala sa mga mata ni Maryanne.

"Okay lang naman ako Maryanne. Kamusta ka na? Ganda mo pa rin, akin ka na lang please." Pagbibiro ni Angelo. Tawanan.

"Loko ka talaga kahit kailan Angelo. Hahahaha, matanong ko lang. Bakit hindi na kayo masyadong nagpapansinan ni Dimitri ngayon?" Natigilan si Angelo sa tanong ni Maryanne. Hindi niya inexpect ang ganong tanong mula sa kanya. Sa bagay, may pagkaprangka naman talaga si Maryanne, kasi hindi naman plastik si Maryanne kay Angelo, at ganoon rin si Angelo. Kahit nagseselos pagkaminsan-minsan (o palagi) si Angelo kay Maryanne, hindi naman maikakailang tunay na magkaibigan ang dalawa sa isa't-isa.

"Angelo?"

"O-Oh?" Tulala si Angelo at parang di mapakali. Di niya magawang tingnan si Maryanne.

"Tanong ko, nag-away ba kayo ni Dimitri? Parang bestfriend na ang turing ni Dimtri kasi sa'yo eh. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi ka raw niya nakikita. May nangyari ba?" Parang nabarahan ang lalamunan ni Angelo at di niya alam ang mga salitang sasabihin.

"W-Wala naman. Gusto ko lang lumipat ng tirahan." Tinignan lang siya ni Maryanne na parang hindi kumbinsido sa sagot niya.

"Bakit nga? Nasaan ka pala nakatira ngayon?"

"Hindi kasi ako makapag-focus sa room namin. Masyadong madilim. Mahirap mag-aral. Sa kaklase lang naman ako nakibahay ngayon."

"Bakit Angelo? May coffee shop naman. Palagi nga kitang nakikita sa coffee shop every time dumadaan ako doon kung patungo ako sa dorm room niyo upang bisitahin si Dimitri." May parang sumundot sa puso ni Angelo nang marinig niya iyon.

"Didiretsuhin na kita Angelo, Dimitri misses you. Don't you know that I can't stand a day with him without your name being mentioned? You're like a brother to him. And right now, nag-iiba na naman siya. I hope you understand. It isn't that hard naman siguro di ba?" Natahimik si Angelo sa sinabi ni Maryanne. Kinakapa niya ang kanyang mga hita at gusto niyang ibahin ang paksa.

"Naks Maryanne, conyo ka na pala ngayon." Tumawa si Angelo sabay tapon ng pilit na ngiti.

"Tama na muna biro Angelo. We're talking about Dimitri right now." Mapilit ka eh. Might as well diretsuhin na rin kita. Sabi ni Angelo sa sarili.

"So tell me exactly what you want me to do Maryanne." Hinamon ni Angelo si Maryanne.

"If you cannot do it for him, just do it for me please? Hindi ko kakayaning disturbed siya dahil sa'yo. It's like it's not him ang kaharap ko simula nang lumayas ka sa flat. I don't know kung nag-aaway kayo, pero please just do it for me. I'm your friend. Please?" Umiiyak na si Maryanne habang nanonood naman si Angelo. Mahal niya nga talaga si Dimitri. Sa isip niya. At dahil dito, napaluha na rin si Angelo. Talagang talo siya kay Maryanne.

"I cannot really promise you anything Maryanne. But the administration has already offered me the monetary compensation sa hindi ko pag gamit sa dorm. And I think I need the money mo right now..."

"Angelo, that's not you. I know a person like you would never go for money over relationships." Relationships? Yeah, right... Thanks for reminding me.

"If money is your problem Angelo, I can lend you some. I understand if you badly need it. In fact, kahit gawin mo pa akong banko at wag mo na akong bayaran, fine. Please, just bring back the old Dimitri." Nagpintig naman ang mga tenga ni Angelo sa narinig. Feeling niya ay ginagawa siyang mukhang pera ni Maryanne para sa pansariling dahilan lamang.

"Maryanne, hindi ako mukhang pera. Hindi ko tatanggapin ang pera mo. Ayaw ko magkautang na loob sa'yo."

"But why?" Hinawakan ni Maryanne ang kamay ni Angelo. Nasasaktan si Angelo kasi naranasan na niya rin ang naranasan ni Maryanne. Ngunit hindi niya kayang harapin si Dimitri."

"Kasi iba. Ayaw kong isipin ng iba na inaabuso kita. You're a great close friend Maryanne." Tinapik ni Angelo si Maryanne sa likod.

"So are you.. Can you do this for me? Please?" Naaawa na siya kay Maryanne. Tinitignan niya sa mata si Maryanne at puno ito ng pag-aalala.

"I'll try. But I cannot promise you anything." Napalingon sa malayo si Angelo.

"Can you stay at Dimitri's place for a little bit, just this vacation? Kinausap ko siya tungkol dito, and he was more than excited. He misses you so much. Tsaka fan niyo kaya ako sa show niyo! Love team niyo ang the best!" Pinilit ni Maryanne na pasayahin si Angelo. Lumalakas ang kabog sa dibdib ni Angelo. Habang lumalakas ang kaba niya, sumasakit naman ang buong katawan niya sa kanyang narinig. Naaalala niya na naman ang sakit ng pagpapanggap.

"I'm sorry Maryanne. I think I have to go." Sabay lakad papalayo ni Angelo. Nararamdaman na niya kasing namamasa ang kanyang mata. Ilang segundo mula ngayon ay maaaring tumulo na ang kanyang mga luha. At ayaw niyang malaman ito ni Maryanne. Gusto ni Angelo na huwag maging hadlang sa kanila ni Dimitri, kaibigan niya pa rin si Maryanne kahit papaano, and she deserves the love that she is getting.

"Angelo, stop." Tumigil naman si Angelo. Pumatak na ang kanyang luha. Hindi na siya humarap pa.

"I beg you Angelo." Nag-crack ang boses ni Maryanne. Alam ni Angelo na umiiyak na si Maryanne. Hindi na tumugon si Angelo at lumakad na papalayo. Ayaw na niyang makita pa si Maryanne sa ganoong lagay, naaawa lang siya at baka bumigay siya. Ayaw na niyang baliin pa ang pangako kay Gio. May dahilan naman kasi kung bakit niya iniiwasan si Dimitri. Una, dahil alam niyang masasaktan lang siya. Ikalawa, alam niyang kung sasamahan niya pa si Dimitri, baka saan pa ang pupuntuhan ng nararamdaman niya. Ikatlo, baka maging hadlang pa ang damdamin niya sa pag-ibig nila ni Maryanne. Pang-apat, baka mag-away pa sila ni Maryanne. Panglima, dahil ayaw niyang maging bakla at ayaw niyang mahulog pang muli kung makamove on siya kay Dimitri.

Hindi na pinaunlakan ni Angelo si Maryanne. Umalis na siya at iniwan niyang umiiyak si Maryanne. After all, this is for me, for you Maryanne, for Dimitri, and for Gio. Iniisip niya habang tumutulo na ang kanyang mga luha habang naglalakad.

Agad na nagprint itong si Angelo sa kanyang paper, at pinasa ito sa kanyang teacher.

Umuwi siya kina Laurel at nag-impake. Inilagay na niya lang ang kanyang mga gamit sa guard house ng paaralan nila. Kailangan niya pa kasing hanapin si Gio at sabay silang uuwi ng probinsya para sa pasko. Nasa library muna siya. Alas tres pa ng hapon kasi. Alas-kwatro pa ang usapan nila at sa dorm lobby sila magkikita.

Nagfacebook muna siya.

Dahil marami naman siyang litrato na inupload ng kanyang mga kaibigan at tagahanga, pinalitan niya ang kanyang profile picture. Ang kanyang profile picture na ipinalit ay iyong noong student's night, isang solo shot na kinuha ni Laurel. Gusto na niyang palitan ang litrato nila ni Dimitri. This is my first step... ang kalimutan si Dimitri.

At nang napalitan na niya ang kanyang profile picture, dinagsa ng likes ang kanyang profile picture.

Dinagsa rin ng comments ang kanyang litrato.

A: Bakit walang Papa Dimi?
B: Break na kayo? :O
C: Bakit nag-iisa lang ang Papa Angie ko! NOOOOO!
D: Di to bakla! Anakan mo ako pare nababakla ako sa'yo shit! <3
Gab: Habang tumatagal, gumagwapo ka tol ha. I love you pare! <3
Angelo: Gago kay D at Gab. Uupakan ko kayo, puro kayo biro pinagtutulungan niyo ako eh. Hahahaha.
D: Bakit naman kasi wala ang katambal mo? Ayan nilalandi ka tuloy ni @Gab.
Angelo: Haha
Gab: Break na ba kayo Angelo? Tayo na lang please hahahahaha
Angelo: Gago! May girlfriend ka na, ano kaya ang sasabihin niya kung malaman niyang naging bakla ka dahil sa akin @Gab, hahahahaha.
D: Okay lang iyan sa girlfriend niya. Single ka naman di ba? @Corina
Corina: K
Angelo: Haha
D: Di ka ba nagseselos @Corina?
Corina: Hindi naman. Mabuti nga yong magbreak kami nyan para libre na ako kay Dimitri. Aagawin kita mula kay Angelo.
Maryanne: Excuse me, may gf na si Dimitri. Huwag masyadong malandi.
Angelo: Bakit nagcocomment ka dito Corina? Akala ko ba blinock mo ako. Huwag ka raw malandi sabi ni Maryanne.
Corina: You should be thankful friends pa tayo.
B: Oops, name drop!
Angelo: haha
B: Kita mo na @Corina, walang masabi si Papa @Angie
Gio: Gwapo mo utol. Pakiss nga <3
Angelo: Sige, pagtulungan niyo ako @Gio, @B, @D, @Gab.
C: Uy! Umeeksena si @Gio.
D: Bagay naman eh. Kahit sinong pangit naman bagay kay @Angelo kasi nadadala sa kagwapuhan at kakisigan ni Papa #Angie.
Angelo: LOL Benta niyo #Papa #Angie niyo mga ulol!
Gio: Bakit, bagay naman kami ni utol ha. <3 Kami lang right from the start. Wala nang iba pa.
Angelo: Sige pa tatanggalan kita ng utong ^
Corina: Ang landi
Angelo: Mas malandi kang pokpok ka
Gio: Trip ko yang kagat kagat ng utong baby. ;)
C: Nakakakilig ang "baby", shetness! Gio + Angelo = GiGel <3
A: "baby" daw oh, Papa @Dimitri
B: "baby"
Gab: "baby" Uy akin lang si Angelo @Gio. Gab + Angelo = GaGel <3
D: "baby"
C: "baby"
Corina: Kadiri kang bakla ka. Tingnan mo @Dimitri
Angelo: Anong baho ang gusto mong ibroadcast ko? Yung malandi ka, yung nanggamit ka o yung desperada ka?
Corina: K

Nasa laftrip at harutan ang magkakaibigan nang may nagcomment sa picture niya.

Dimitri: Okay. Tangina niyo. Layuan niyo si Angelo. Akin lang siya.
C: Awkward...
A: Tinag mo pa kasi @Corina
Corina: Out muna ako guys. Bye
Gio: Ikaw ang tangina diyan. Gago ka pala. Pinagmumura mo pa kami ngayon ni Angelo.
B: Guys, chill!
Dimitri: Chill mo mukha mo! @B
Gabby: Gwapo mo pare. Gwapo kapag single. Haha
Dimitri: Singe ka diyan! >:(
Gabby: Single naman talaga siya eh! Bakit kayo ba?
Dimitri: Kami lang love team!
Gio: Talaga? Lokohin...
Maryanne: Papa @Dimitri and Papa @Angelo forever <3
Laurel: Best friend anakan mo na ako pleaseeeeeee sabik na ako sa'yo!!! @Angelo.
Gio: Landi lang, makati? Hahahahahaha. Buntisin ko muna bestfriend ko bago buntisin ka niya. @Laurel @Angelo
Dimitri: Hindi pwede. Akin lang siya. Ako makakauna sa kanya. Ako ang magiging ama ng anak ni Angelo.
Angelo: Tumigil nga kayo. OA niyo.
Dimitri: Sagot ka naman diyan hunnybunch babes ko @Angelo
Dimitri: Honey?
Dimitri: Angelo ko, please sorry na talaga. :(
Maryanne: Sagot na uy @Angelo

Pero hindi na sumagot pa si Angelo. Alam niyang masasaktan na naman siya. Nasa ganoon siyang pagmumukmok nang may nagchat sa kanya.

Laurel: Bestfriend kong gwapo!
Angelo: Ano ba?
Laurel: Nabasa mo na ba ito?
www.facebook.com/news=*insert link here*
Angelo: Ano ba yan uy babaeng maganda?
Laurel: Ay bet ko yung "babaeng maganda" :)))))
Angelo: Bakla lang.
Laurel: Bakit, ako ba iyong lalaking may loves na lalaki?
Angelo: ..l..
Laurel: Biro lang. Basahin mo na kasi! Pavirgin ka pa, hindi ka nga marunong magjakol halika turuan kita.
Angelo: Hay nako. Sige na basahin ko na.

Kinlick ni Angelo ang link at isa pala iyong headlines ng student's lounge facebook page. Nagulat siya sa mga nakasulat.

Breaking news: HOTTEST SEAU HUNK GENIUS, ANGELO MONTEMAYOR, MAY BAGO NA?Binasa niya ang kabuuan ng balita at pinag-uusapan pala si Angelo at si Gio, ang kanilang pagiging sweet. May nakapaskil ding larawan nilang magkaakbay, magkakikilitian, masayang-masaya at para bang magsyota rin.

Pinag-uusapan din ang kakaibang distance sa pagitan ni Angelo at Dimitri sa mga nakaraan araw pagkatapos ng student's night at balita pa raw ay nag-away ang dalawa.

Binasa niya ang mga comments at halo-halo ang reaksyon ng mga tao. May mga natuwa, may mga hindi natuwa, may nainis, at may kinilig.

Pero hindi niya inasahan magkokomento rin si Gio.

Gio: Hi guys. This is Gio Santos, vocalist and bassist ng bandang Black Label. I'm sorry to inform you pero wala po kaming special attraction ni Angelo sa isa't isa. Pawang magkaibigan po kami at matagal na po kaming magbestfriend. Magkababata po kami kahit noong nasa probinsya pa kami.

Sanay wag pag-isipan ng masama. Salamat.

Hindi na rin mapigilang hindi magcomment ni Angelo.

Angelo: Hi guys! Si Angelo po pala ito, binago ko lang ang pangalan ko rito sa facebook. Nais ko pong ipahiwatig sa inyo na sinasang-ayunan ko ang pahayag ni Gio. Salamat po.

Mas nagulat siya sa sunod na nagkomento.

Dimitri: Hey guys. Dim here. I just want to let you know that @Angelo and I will never lose the relationship we are having right now. I hope you understand.

Talaga? Galing. Hanep. Sorry handa akong mawala ka. Sorry talaga Dimitri, nahuhulog na ako sa'yo eh. Ayaw ko na gumala pa itong nararamdaman ko kung saan.

Hindi niya na pinansin ang mga comment ng mga tao tungkol sa pagiging close nila ni Gio. Maraming fans ng Dimi-Gelo ang hindi natuwa pero marami rin ang bumaliktad kasi raw sinasaktan lang ni Dimitri ang damdamin ni Angelo sa pamamagitan ng relationship nila ni Maryanne.

Somebody: Ano namang masama dito? I mean, bagay din naman sila ha. Parehong gwapo at maskulado. Sorry kayo guys. I'm done with DiGel, GO GiGel!!
Somebody 2: GiGel NA RIN AKO! HUHUHU MAY GIRLFRIEND KASI SI DIMITRI. MAS BAGAY NAMAN SI DIMITRI ANG GIRLFRIEND NIYA. :(
Somebody 3: GiGel!!

Tama. Mas bagay naman talaga si Dimitri at si Maryanne. Magandang babae, gwapong lalake. Crush ko nga si Maryanne eh, mabait, mayaman, sexy. Pero hahahahaha, kami ni Gio? Leche straight iyon tsaka magbestfriends lang talaga kami. Nakakainis tong mga gagong ito oh.

Angelo: Magbestfriends lang po talaga kami ni Gio. Thanks.
Dimitri: Oo nga di ba baby Angelo? :*
Gio: Pero definitely Angelo is not for you, asshole. ..!..
Dimitri: At kanino naman siya mapupunta, sa'yo? HAHAHAHA MY ASS
Gio: Why not? Hindi bakla si Angelo. So sorry di siya papatol sa'yo, okay?
Dimitri: Sinabi ko bang bakla siya? What if ako ang nababakla sa kanya?
Gio: What's your problem? Alam ng lahat na straight ka. And bakit affected ka? Show lang naman niyo ang love team niyo. Makaasta ka rito akala mo magsyota kayo? USER.
Dimitri: I'm making a show here.
Gio: Well, let me tell you na your show is over. Hindi ko pa pinapayagan na gagawin mong bakla ang utol ko. Mang-uto ka ng ibang bakla, okay? Maraming nagkakandarapa sa iyo, not my brother. Fuck off.
Admin: Is it true @Angelo that you're through with the bromance?
Angelo: @Admin, una po hindi po ako ang bumuo ng bromance po, ang mga tao po. Ikalawa, kayo na po ang bahalang magdecide. But in the first place, wala po akong may gusto nito. Ang mga tao na po ang magdecide kasi sila naman ang gumawa. Thanks

At nag-offline na si Angelo. Hindi na niya kasi kaya pang makipaggaguhan sa mga tao. Tama naman di ba? Ang mga tao naman talaga ang gumawa ng bromance. Bakit ba naman mag-eexpect itong si Angelo na hindi niya naman talaga nagustuhan.

Nakita ni Angelo ang profile ni Maryanne at kinlick niya ito. Nakita niya ang mga litrato nila ni Dimitri na masaya, naghahalikan at kung ano-ano pang kasweetan. Nang makita ito ni Angelo, sigurado na siya sa kanyang desisyon na hindi ipupursue kung anong merong feelings man siya para kay Dimitri.

Pumatak na naman ang kanyang luha.

--------------------

Eksaktong alas-kuwatro ay nasa lobby ng dorm na si Gio, nakahanda ang kanyang maleta. Nasa ganoon siyang paghihintay kay Angelo nang lumapit si Dimitri sa kanya.

"Mag-usap nga tayo." Sabi ni Dimitri. Galit na galit ang mukha ni Dimitri. Tumayo naman si Gio at sinalubong si Dimitri.

"Magsalita ka diyan. Wala akong oras sa'yo." Pasungit na tugon ni Gio.

"Ano bang eksena mo ha? Bakit ka umaaligid kay Angelo?" Nanlilisik ang mga mata ni Dimitri. Nagsasalubong ang kanyang mga kilay at makunot ang kanyang noo.

Tumawa si Gio.

"Dimitri, baka nakakalimutan mong mas nauna ako sa buhay ni Angelo kaysa sa'yo? Kaya wag na wag mo akong susumbatan. Tsaka ano mo ba si Angelo? Bestfriend ko siya. Ikaw? Ginamit mo lang naman siya di ba? Sinaktan mo siya. At hindi na ako papayag pang saktan mo siya muli."

"Love team ko naman siya? Sinisira mo image niya eh! Ginagawa mo siyang pokpok! Love team na nga kami, nagpapalove team ka pa diyan! Desperado!" Sumigaw si Dimitri at hinawi ang sentido ni Gio gamit ang kanyang hintuturo.

"Mas ako ang may karapatan magalit sa'yo Dimitri. Pinamumukha mo sa lahat nang tao na bakla siya, kahit hindi. Para saan? Para sumikat ka? Kasi "show" niyo 'to? Teka, show niyo ba talaga iyan? O baka show mo lang para sa sarili mong kapakanan? Bakit? Nag-aalala ka bang hindi ka na masyadong mapapansin? Hanep mo 'tol. Nanggagamit ka rin ng tao no? Tell me, do you really mean loving Angelo? I doubt." Tumawa si Gio at pabirong sinasampal sampal ang pisngi ni Dimitri. Tinanggal ni Dimitri ang kanyang mukha sa mga nananampal na palad ni Gio.

"Wala namang masama di ba? Ano naman sa'yo kung ginagamit ko si Angelo para sumikat ako? Fine! I made him believe na mahal ko siya, I made him believe na gusto ko siya, I made him believe I liked him. And nakinabang naman siya! Ginusto niya, di ba? Pwede namang di mahulog, pero siya ang nahulog. Tol, Gio. Hindi ako bakla! At kailanman, hindi ako mahuhulog sa kanya. Sinabihan ko naman siya na pagpapanggap lang lahat, di ba? Ginahasa ko ba siya para masabi mong pinagmumukha ko siyang bakla? Nakinabang naman siya di ba? Mas naging kilala siya ng iba? Total andito na naman ito, walang masama kung maggagamitan kami! No strings attached naman! Mas sumikat siya. Kung nain love man siya sa akin, problema na niya iyon! Para-paraan lang iyan."

Hindi nagsalita si Gio. Isang tingin sa malayo lamang ang kanyang binigay. Parang tinitignan niya ang kung alin man ang mayroon sa likod ni Dimitri.
"Tama ka Dimitri. Para-paraan lang iyan. Humanap ka na ng ibang paraan, ayoko na. Pagod na akong paglaruan. Well, play your own show next time Dimitri. I've had enough." Pagsasalita ng taong nasa likod ni Dimitri. Lumingon si Dimitri sa kanyang likod at nagulat siya na nakatayo pala si Angelo. Para siyang makukunan ng mukha at mas ginusto niya pa ang makain ng lupa dahil sa kahihiyan.

"A-Angelo? Narinig mo-" Nauutal na tanong ni Dimitri habang dahan-dahan na siyang namumutla.

"Yes. Loud and clear. We're going. Tara Gio." Tumango si Angelo kay Gio naghuhudyat na tumayo na siya dahil aalis na sila. Hindi na tinignan ni Angelo si Dimitri.

Humarap si Angelo kay Dimitri. Nagpalitan sila ng tingin ni Angelo. Punong-puno ng tatag at lakas ang titig ni Angelo, puno naman ng hiya at hinagpis ang mga mata ni Dimitri.

"I've always thought you were better Dimitri. Turns out pareho lang kayo ni Corina." Tumayo si Gio at sabay silang naglakad ni Angelo palabas ng dorm. Inakbayan ni Gio si Angelo. Tinamaan ng masyado si Dimitri sa narinig, Hindi niya matanggap na pinaghambing lang siya ni Angelo sa babaeng minsang nanakit sa damdamin nito. Lumalabas na walang kagandahang ginawa si Dimitri. Hindi niya maipaliwanang ang pagkabigo na nararamdaman niya.

Hinabol ni Dimitri sina Gio at Angelo. Hinila niya si Angelo sa braso. "Teka lang Angelo. Maybe we can talk about this. I didn't mean to-"

"Sure. Hindi mo sinadyang paasahin ako. Aalis na kami. I gave you more than enough time. And... I guess hindi na tayo magkakaintindihan at all. I'm sorry for not being sorry." Blangko ang mukha ni Angelo ngunit tumatagos sa puso ang mga seryosong tingin ni Angelo. Winaksi ni Angelo ang kanyang braso habang pabalang ang ngisi na tinapon kay Dimitri.

"Back off. Sobra sobra na ang pananakit mo tol." Tinulak ni Gio sa dibdib si Dimitri at lumakad na sila. Mariin ang mga mata ni Gio na parang tinutusok ang kaluluwa ni Dimitri. Nakatunganga lang siya. Hindi niya alam kung paano maibabalik ang nawalang tiwala. May parang hapdi at kirot siyang nararamdaman sa kanyang dibdib nang makita niyang inakbayan ni Gio si Angelo. Yumuko na lang siya at naaawa sa sarili. Nakokonsensiya naman siya. Bakit ba masyado akong affected? Tanong niya sa sarili.

Habang palayo nang palayo sina Gio at Angelo, natigilan si Dimitri sa mga pangyayari. Nararamdaman niyang dahan-dahang naaagnas ang kanyang dignidad. Hindi na ba ako gusto ni Angelo? Ganon na lang ba kadali kalimutan ang lahat para sa kanya? Wala na ba talaga akong halaga sa kanya? Ito na ba ang katapusan ng Di-Gel?

Hayyy, Angelo. Kung alam mo lang...

At mga luha lang ang may ganang kumawala.

Itutuloy...

Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

24 comments:

  1. Update na ulit please!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. Grabe ! Sana khit mga three days a week nmn updates. Please?

    ReplyDelete
  3. ang ikli naman ng chapter na ito... kakabitin...

    ReplyDelete
  4. ang galing naman! ano ka ngayon Dim? nganga ka nlang muna! Kung gusto mo talaga si Gel, sundan mo uli sa kanila. Humini ka ng tawad at magpakatotoo kana. Hindi for show nalang lagi sinasabi mo.

    Si gio at gab lihim na nagmamahal kay gel. Ano b yan, ayaw pang umamin kasi eh. Nakakakilig kayong lahat haha! salamat sa update.

    bharu

    ReplyDelete
  5. paka totoo kana kasi Dimitri...

    ReplyDelete
  6. Sarap iimagine ng ganitong kwento...
    Thanks!

    **sinbad

    ReplyDelete
  7. Magpakatotoo ka kasi, Dimitri! Alam naman naming lahat na gusto mo si Gelo e. Tangina naman o. Buti may Gio at Gab. Handang sumalo kay Gelo.

    ReplyDelete
  8. plastic ka dimitri pakatotoo sa feelings pag may time.

    randzmesia

    ReplyDelete
  9. SAWAKAS !!! haha ang galing ng writer gravii hindi ko akalain na mag aabang ako ng ganito para sa update.. agree din sana a ko na kahit 3 times week :) please

    keep it up !! <3

    ReplyDelete
  10. Hai nko halika dto dimitri at mabbigya. Kta ng sakit ng katawan aba kawawa c gelo

    Team GiGel.
    -Lime

    ReplyDelete
  11. Ang sarap batukan ni dimitri. Nakakairita sya. Ang gulu-gulo nya.

    -hardname-

    ReplyDelete
  12. Nice story :).

    inaabangan ko lagi yung mga updates :)

    -niko

    ReplyDelete
  13. mr author... asan na po ung update??? :( friday na po

    ReplyDelete
  14. Antagal po ng update :(

    ReplyDelete
  15. antagal naman po ng upadate, saturday na po... :) pero take ur time mr. author, ill wait :)

    ReplyDelete
  16. nasan na po ung chapter 10?

    ReplyDelete
  17. Waaaahhh.. Nasan na po ung update? Excited na ako. Di na ako makapaghintay. Hehehe.

    -hardname-

    ReplyDelete
  18. Kelan po update mr. Author? Hehe. Thanks.

    ReplyDelete
  19. reaksyon ko sa kagaguhan ni Dmitri? .!.
    buset naaasar ako kay dimitri..
    nakakadala author!!
    OMSIM!!
    -dino

    ReplyDelete
  20. Well. mahirap harapin ang katotohanan pero kailangan dahil ito ang magpapalaya sa atin. Forget the past and start a new page in our life.

    ReplyDelete
  21. Please tell me if. Andyan na po book two na continuation nya... I am talking to some of my bi friends as well if we could help in publishing the book one...

    ReplyDelete
  22. Hope... You could continue book two na... July pa ako nag aantay noon

    ReplyDelete
  23. Please send me nang link if may book two na... Iba. Kasi na first page ng book to... Sinusubaybayan ko po yung libro mo... It was nice and I like the twist... I cluding the plot of the. Story.. The antagonist and protagonist played their role well...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails