Followers

Tuesday, November 12, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 03]


Teaser | 12
Note

1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 3. Kamusta po ba ang paghuhubad ni Dimitri at ni Angelo noong Sunday? Bet niyo ba si Dimitri? Nagustuhan niyo ba ang awkward moment nila? Hahahaha, nakakatawa talaga pati ako kinikilig. Nais ko pong magpasalamat sa mga nagkomento (kay bharu, randzmesia, arejay kerisawa, rascal, -hardname-, -Hiya!, Franz, 0702, at sa mga anons, salamat po talaga!) at sa mga magkokomento pa sa kuwento. You don't know how much your feedbacks mean to me! Abot langit po ang pasasalamat ko sa inyo! Masaya po akong masaya kayo sa kuwento ko. Maraming salamat din po sa nagbabasa, sa mga silent readers. Ine-encourage ko po ang mga komento upang malaman ko naman kung tama ba o mali ang ginagawa ko. Over-all, maraming salamat po talaga!

2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3
 

3. Speaking of dasal, ipanalangin po natin ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda lalong lalo na sa dakong Visayas, sa Leyte, Samar, Cebu, Panay Island, at sa ibang bahagi pa ng Pilipinas. Kahit hindi po tayo nakakaabot sa kanila via donation, malakas din po ang dasal. Ipagdasal po natin ang mga souls ng mga namatay. Masakit pong makita ko ang aking mga kababayan na parang lumpia na lang sa daan. Magtulungan po tayong lahat. At saka sa bagong bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility, ipagdasal po natin na isang pitik lang iyan ni Father God. Ipagdasal natin na isang higop lang iyang Zoraida na iyan. Nakakawarla na ha! Be strong po tayo! Kayang-kaya po natin ito! Volunteer po tayo, o kahit ipanalangin natin, o kahit sa anong paraan, at least maipapaabot natin ang ating concerns sa mga biktima ng sakuna. Mag-ingat po tayong lahat! :)

4. Ang updates ko po ay every Saturday, Sunday, Tuesday, at Thursday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito. Dahil kung type niyo ako, e di type ko rin kayo. Dejk hahahahahahaha.

5. Kung mapapansin niyo po, bago na ang ating cover photo. Kasi, hindi ko napansin ang typographical error sa cover photo na ginawa ko noong una. So pinalitan ko na lahat, and sa tingin ko mas maganda na ang cover photo na inedit ko. Mukha nga lang scary movie, pero alam niyo, diyan din naman tayo mapupunta... oops? Hahahah, tell me what you think. :)

Enjoy!

Disclaimer:


1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!


--- 
Chapter 3



Nang makita ni Angelo si Dimitri at ni Dimitri si Angelo, na parehong nakahubad, walang ibang ingay ang namamayagpag kundi ang ingay ng pag-ihi ni Angelo. Matagal ang kanilang titigan at nararamdaman ng isa't-isa ang tensyon at gulat.

Wissssssssh.. wisssssssh... (Nakakaloka to pati ihi may dialogue pa talaga)

"Teka, ikaw roommate ko?" Nagulat si Angelo habang patuloy siya sa pag-ihi.

Tinignan lamang si Angelo ni Dimitri. Hindi sumagot, bagkus lumabas ito ng shower nang walang ka kiyeme kiyeme, hindi man lang tinakpan ang katawan at hubo't hubad. Lumabas si Dimitri sa banyo. Kumuha ng tuwalya at pinunasan ang katawan.

Samantalang si Angelo ay naiwang nakatunganga at umiihi. Hindi siya makapaniwala. Bakit ba naman kasi sa lahat ng taong pwedeng maging roommate, siya pa? Diyos ko po, tulungan Mo po ako. Inang mahabagin, Amang mapagbigay bigyan niyo po ako ng sapat na lakas na makapagtimpi upang hindi ko masapak tong tokwang ito. Hiling hiling ni Angelo sa sarili habang patuloy pa rin sa pag-ihi.

"Anong sapak? Sinong tokwa?" Sabi ni Dimitri na nasa likod na pala ni Angelo. Dahil mas matangkad si Dimitri ng mahigit anim na pulgada, ramdam na ramdam ni Angelo sa kanyang likod ang bukol ni Dimitri na naghihiling na makawala sa tuwalyang pumulupot. Nanlaki ang mata ni Angelo sa kanyang naramdaman at hindi siya makagalaw.

Hindi sumagot si Angelo. Lumabas siya ng bathroom at hindi sinasagot si Dimitri na nakatuwalya lang. Agad nagsuot ng t-shirt si Angelo at boxers shorts. Tumakbo siya palabas ng room nila at gustong tumungo sa information desk.

Naiwan si Dimitri sa loob ng bathroom. Nagulat siya sa inasta ni Angelo kaya hinabol niya ito. Wala na siyang pakialam kahit nakatapis lang siya. Masarap naman ang kanyang dibdib at ang kanyang mga pandesal sa tiyan.

"UY! SAAN KA PUPUNTA! HINDI PA TAYO TAPOS!" Sigaw ni Dimitri kay Angelo. Hinahabol niya si Angelo ngunit may mga tatlong metro pa rin ang kanilang agwat.

"TEKA!! UY PANDAK, MAG-USAP NGA TAYO! DAHAN DAHAN NAMAN SA PAGLALAKAD!" Patuloy ang pagsisisigaw ni Dimitri ngunit hindi siya nakatanggap ng kahit anong sagot galing kay Angelo. Hindi rin pinakikinggan ni Angelo si Dimitri na kanina pa sigaw ng sigaw.

Pumasok na sa elevator si Angelo at isasara na niya sana ang elevator nang naharangan ni Dimitri ang pintuan ng elevator. Pinindot ni Angelo ang "Ground Floor". Tahimik pa rin siya habang si Dimitri hindi mapakali.

"Ano bang problema mo Angelo ha? Bakit hindi mo muna ako pakinggan? Walang malisya okay? Iiwasan ko naman talagang buksan eh. Sorry kung naramdaman mo!" Si Dimitri, kinakausap si Angelo. Puno ng pagsusumamo ang kanyang pagsasalita kay Angelo. Ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Angelo.

Bumukas ang pintuan sa level 5 at pumasok ang tatlong lalake. Panakaw silang tumitingin kay Dimitri na nakatuwalya lang na panay ang pagkukumbinsi kay Angelo. Si Angelo hindi man lang tinignan o pinakikinggan itong si Dimitri kaya hindi magkamayaw sa pagsasalita si Dimitri.

"Ano ba Angelo? Pakinggan mo ako please, di ko intensyon na tuksuhin kita, okay?"

Tuksuhin?
Sa isip ng tatlong lalake sa elevator. Nagkatinginan ang tatlong lalake sa narinig.

"Angelo, please parts makinig ka naman oh. Okay fine I'm sorry, sana di ko na lang binuksan. Sana di kita tinukso, ayos na?" Hindi pa rin nakinig si Angelo.

Buksan ang alin? Anong tukso? Bakit nakatuwalya lang ang lalake? Pag-iisip ng tatlong lalake na kanina pa nagtataka. Nanlaki ang kanilang mata sa bawat pagsasalita nitong si Dimitri kay Angelo. Parang may halong kalaswaan kasi ang paksa, double-meaning kumbaga.

Bumukas ang pintuan ng elevator sa 3rd floor at dalawang babae ang pumasok. Tinignan din nila si Dimitri na basa pa ang buhok at tuwalya lang ang nasaplot sa katawan.

"Angelo, please. Ano ba! Patas naman di ba, nakita ko naman iyang sa'yo, nakita mo rin itong sa akin, anong problema doon? Normal lang naman iyon di ba?! Ang laki nga ng sa'yo eh!" Pasigaw ni Dimitri habang nasa likod ni Angelo.

Tumalikod si Angelo at hinarap si Dimitri.

"Dimitri, hindi normal iyon, okay? Di ko sinadya. Bakit sa banyo pa naman kasi!"

Normal? Iyo? Akin? Banyo? Ang lalake nakatuwalya lang? At anong malaki? Tapos ang isa naka boxer shorts lang. Isip ng mga tao sa loob ng elevator. Nagbubulangan na ang dalawang babae.

"Okay, fine. Maybe next time. Next time na lang natin gawin iyon ulit, please?" Sabay akbay kay Angelo.

"Wala nang next time Dimitri." Kumawala si Angelo sa pagkakaakbay ni Dimitri.

At iniisip na ng mga tao sa loob ng elevator na magnobyo itong si Angelo at Dimitri. Kasi, hindi makaka-"next time" itong si Dimitri kay Angelo. Ito ang naglalaro sa isipan ng mga tao na nasa elevator nang mga oras na iyon. Nagsingisihan na sila sa kanilang naiisip sa dalawa.

Nakaabot na ng first floor at bumukas na ang pintuan. Dali-daling tinungo ni Angelo ang Information Desk. Sinubukan siyang hilahin ni Dimitri ngunit mabilis naman niya itong winaksi sa pagkakahawak. Hindi niya kasi nakayanan ang mga pangyayari kanina. Umiihi pa nga lang siya... nabosohan pa siya!

"ANGELO, PLEASE! I'M SORRY! HINDI KO NA GAGAWIN ULIT YUN!" Nagsisisigaw si Dimitri sa lobby.

"DIMITRI, NO! NAGKASALA TAYO! WAG NA NATING DAGDAGAN!" Pasigaw na sagot ni Angelo na di man lang nililingon si Dimitri.

Sa puntong iyon ay pinagtitinginan na sila ng mga tao sa lobby. Una, dahil si Dimitri nakatapis lang ng tuwalya. Ikalawa, dahil nagsisigawan na sila.

"ANGELO! HUMARAP KA NGA SA AKIN!" Hinila ni Dimitri si Angelo para tumalikod. Nagtagumpay si Dimitri sa paghila kay Angelo. Buong lakas niyang pinatalikod si Angelo, at ngayon magkaharap na sila.

"I'M SORRY OKAY?! NORMAL LANG IYON SA ATIN. ANO KA BA?" Ang dalawang kamay ni Dimitri ay nasa magkabilang balikat ni Angelo.

"NORMAL? FOR YOU YES. PERO SINAYANG MO LANG ANG TRUST KO DIMITRI. HINDI PA NGA AKO HANDA, BINUKSAN MO NA AGAD? WOW LANG! BINASTOS MO AKO! UGH!" Sigaw ni Angelo habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Dimitri sa kanyang balikat.

Lumapit na ang babae sa information desk sa kanila.

"Mga sir, baka pwedeng sa ibang lugar niyo na lang po pag-usapan ang love quarrel niyo..." Mahinang pag-aalo ng babae sa dalawa.

Nagulat si Angelo. Nilingon niya ang babae. "Miss? LOVE QUARREL? Ano bang iniisip mo miss ha?"

"Baka sir hindi mo pinagbigyan si sir sa'yo ngayong gabi kasi hindi ka pa... handa? Sabi mo lang kanina? Naku sir mga bata pa kayo, gumaganyan na kayong dalawa ni Sir Dimitri. Sana naman po nagbihis kayo kahit papaano! Naka-boxer shorts ka lang tapos iyong kasama niyo nakatuwalya lang. May room naman po kayo sir eh." Nahihiyang pakiusap ng babaeng taga information desk.

"NO ATE! THAT'S NOT THE CASE! IT'S NOT WHAT YOU ARE THINKING!" Sigaw ni Angelo sa babae.

"SO WHAT IS? MY GOD ANGELO, HINDI NAMAN TAYO MAG-IILANGAN SA MGA BAGAY KAGAYA NUN, SIYEMPRE ROOMMATES TAYO. THINGS LIKE THOSE HAPPEN!" Sigaw ni Dimitri kay Angelo.

Patuloy sa pagsisigawan ang dalawa. Bilang isang taong nasa lobby sa mga oras na iyon, parang double-meaning talaga pakinggan ang conversation nila. Kaya pinagtitinginan na sila ng mga tao. Lovers' quarrel daw sabi pa ng iba. Pinag-uusapan na sila at inakala ng mga tao na magnobyo talaga sila.

Dahil malilikot ang kanilang kamay at nagtuturuan na sila, nadaplisan ni Dimitri ang kanyang tuwalya. Nalaglag ang kanyang tuwalya at tumambad ang boxer shorts na kanyang suot. Natigilan silang dalawa. Hindi na pinulot pang muli ni Dimitri ang tuwalya upang ibalik sa pagkakapulupot nito dahil busy siya sa pakikipagsigawan kay Angelo.

Bumaba ang tingin ni Angelo sa gitnaang bahagi ni Dimitri. Nagulat siya hindi dahil sa nalaglag ang tuwalya. Kundi...

"DIMITRI NAMAN OH BOXERS SHORTS KO YAN! HUBARIN MO!" Sigaw ni Angelo habang pilit na hinihila ni Angelo ang suot ni Dimitri na boxers shorts na kanyang pag-aari. Nanlaban naman si Dimitri at hinihila niya pataas ang boxers shorts at pinipigilan si Angelo na mahubaran siya.

At nagtatawanan na ang mga tao, ang iba pinagkukuhanan na sila ng video. Aliw na aliw ang mga tao sa kanila kasi mistula silang mag-nobyo na nag-aaway. Ang iba ay pinagkakantyawan na sila na "Kiss! Kiss!" Nasa ganoong pagkukulitan si Angelo at Dimitri nang may lalakeng sumigaw.

"Ano ba yan nasa college na kayo, nagsisigawan pa kayo! O kayong mga nagvi-video diyan, tama na. Tapos na po ang circus magsibalikan na kayo. Alam ko magandang lalake itong mga batang 'to, huwag niyo na pagnasaan freshmen pa ang mga ito. Magsibalikan na kayo. Layas na, sige." Sabi ni Tito Jun habang tinataboy ang mga ususiyero na tinitignan sila Angelo at Dimitri. Si Angelo at Dimitri ay tumigil sa pangungulit sa isa't-isa nang lumapit si Tito Jun sa kanila at pinagbabautan sila.

"Tito Jun...” Si Angelo.

“Dad...” Si Dimitri.

“Ano bang problema ha at bakit ang lakas lakas ng boses nyo? Angelo? At ikaw Dimitri bakit di mo pulutin iyong tuwalya mo at hindi porke’t maganda ang katawan mo ay magpapakita ka na lang. Hindi kita pinalaking exhibitionista at lalong-lalo nang di kita ginawa para maging bold star. Kaya pulutin mo iyang tuwalya. Kundi mo iyan pupulutin, ako ang pupulot niyan at ipupulupot ko iyan sa leeg mo at papatayin kita. Baka hindi ako makapagpigil at ako ang magiging pari sa kasal niyo ngayon din." Utos ni Tito Jun habang turo-turo si Dimitri at Angelo sa mukha.

“Ayaw ko Dad hangga't hindi ako pinapakinggan at pinapapatawad ni Angelo.” Umiling si Dimitri at matalas pa rin ang tingin niya kay Angelo.

"Arte mo. Pulutin mo na Dimitri. Shit nakakahiya!" Mahinang tugon ni Angelo ngunit may diin at nang-uudyok. Nahihiya na siya sa eksenang ginawa nila sa mga panahong iyon dahil nararamdaman na niya ang mga bulung-bulungan ng mga tao. Ngunit nagmamatigas pa rin si Dimitri at hindi man lang kumibo.

“Dami pa naman kasing arte. Eto na oh!” Pinulot ni Angelo ang tuwalya at ibinigay kay Dimitri.

“Ayeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee” Kantyaw ng mga tao. Ang iba “Kiss naman diyan sa mga mag-jowang nag-gwa-gwapuhan!”. Nag-ngi-ngiti ngiti lang si Tito Jun para sa dalawa.

“Dimitri kunin mo na ang tuwalya please.” Mahinang pagsusumamo ni Angelo para kunin ni Dimitri ang tuwalya ngunit kahit isang muscle ay hindi gumalaw si Dimitri. Nakatitig pa rin si Dimitri kay Angelo at umiiwas si Angelo sa mga matatalas na titig ni Dimitri.

“KUYA DIMITRI ANG ITAWAG MO SA AKIN." Pagmamatigas ni Dimitri.

“Dimitri kunin mo na!”

“Sino ulit? Di ko narinig.” Pang-iinis ni Dimitri kay Angelo.

“KUYA DIMITRI KUNIN MO NA ANG TUWALYA!” Sigaw ni Angelo.

“Please?” Nang-uudyok pa rin si Dimitri. Pangisi-ngisi siya at halatang iniinis si Angelo. Natablan naman si Angelo at epektibo naman ang pang-aasar ni Dimitri.

“PUTANG INA KUNIN MO NA KUYA DIMITRI PLEASE??” Sigaw ni Angelo at punong-puno na talaga siya sa puntong iyon.

“That’s my boy...” Kinuha ni Dimitri ang tuwalya at hindi na nagtapis pang muli. Isinablay niya na lang ito sa kanyang balikat at inakbayan si Angelo. Hindi maiguhit ang mukha ni Angelo sa puntong iyon at pilit siyang kumakawala sa akbay ni Dimitri ngunit sadyang malakas talaga si Dimitri. Nagsipalakpakan naman ang mga tao with matching “COUPLES NA YAN” ang sigaw. Pakaway-kaway pa si Dimitri sa mga tao habang hinihila na sila ni Tito Jun na maupo upang mag-usap.

-----------------

“Ano ba kasi ang problema?” Tanong ni Tito Jun habang silang tatlo nasa mesa sa lobby at magkaharap sila Angelo at Dimitri na nakaupo. Pinapagitnaan sila ni Tito Jun.

“Ito kasing si Angelo, dad. Pumapasok ng banyo kahit may naliligo.” Depensa ni Dimitri sabay simangot.

“Di ko naman po kasi alam, tito! Nakasarado naman ang kurtina.” Si Angelo, hinarap niya si Tito Jun upang mabigyang diin ang kanyang salaysay.

“Kahit na basta’t may naliligo, huwag kang pumasok!” Si Dimitri ulit.

“Pakipot naman ito oh, ano namang problema diyan eh pareho naman tayong lalake?” Si Angelo.

“Kahit na! May distance pa rin, okay?” Napa-buntong-hininga si Dimitri at tinupi ang kanyang mga braso.

“Distance? Bakit pinasok ba kita sa shower Dimitri habang naliligo ka? Sinamahan ba kita? Inagawan ba kita ng tubig? E di ba sa banyo lang naman ako?” Nanlaki ang mga mata ni Angelo sa galit at inis.

“Bakit, gusto mo ba samahan mo akong maligo sa shower?" Nakangisi si Dimitri.

"Eto Dimitri, gusto mo?" Sabay pakita sa kanyang kamao kay Dimitri.

"Sino ulit?” Pang-aasar ni Dimitri. Sumandal siya sa mesa at pinalapit ang kanyang mukha sa mukha ni Angelo.

“UGH! 'KUYA' Dimitri pinasok ba kita sa shower mo? Hindi naman?!” Galit na galit na talaga si Angelo at gustung-gusto na niyang suntukin si Dimitri.

Natigilan si Dimitri at sumandal sa sandalan ng upuan. Tama nga naman, hindi siya pinasok ni Angelo sa loob ng shower area.

“Baka kasi makita mo akong nakahubad..." Pagdadahilan ni Dimitri habang iniiwasan ng tingin si Angelo.

“Hindi ko naman siguro makikita kang nakahubad kung hindi mo binuksan ang kurtina?” Masungit pa rin si Angelo. Diretsong tinignan ni Angelo si Dimitri sa mga mata habang nakatupi ang kanyang mga braso.

“So confirmed, tinignan mo talaga pala ako? Hindi naman siguro ako mag-aalala kung hindi ka pumasok ng banyo?” Tinignan ni Dimitri si Angelo nang diretso. Nakangising aso pa rin si Dimitri kay Angelo. Nang-iinis na ngisi.

“Ano namang pinag-aalala mo Kuya Dimitri, ha?” Sarkastikong tono ni Angelo.

“Na makita mo akong nakahubad?” Nag-aalinlangang sabi ni Dimitri.

“Wow, hanep ka rin kuya eh! Ayaw mong makita kang nakahubad tapos hahabulin mo ako sa information counter nang nakahubad? Okay ka rin ano!” Sarkastikong tawa ni Angelo.

“Bakit ba naman kasi kailangan mo pang pumunta ng information counter?” Mahina na ang boses ni Angelo at nababakas ang pagsuko niya sa pakikipagtalo kay Angelo.

“Magpapapalit ako ng room. Ayaw kong karoommate ka! Nabosohan tuloy ako!" Sumimangot si Angelo. Tiniklop niya ang kanyang mga braso at hindi magawang tingnan si Dimitri ng diretso.

“Bakit Angelo, natutukso ka na ba sa akin?” Tukso ni Dimitri sabay kagat ng kanyang labi. Dinilaan pa niya ang kanyang labi pagkatapos niya itong kinagat. Iniinis niya si Angelo sa pamamagitan ng paglalandi. Wala pang hindi nahulog sa bitad niyang pakagat-kagat sa labi.

“Fuck you mo!” Tumayo si Angelo at naglakad pabalik sa elevator. Napupuno na talaga si Angelo sa mga pang-aasar ni Dimitri. Diretso na niyang tinumbok ang elevator nang tinawag siya ni Tito Jun.

“Angelo! Saan ka pupunta?” Sigaw ni Tito Jun. Natigilan si Angelo sa pagtawag ni Tito Jun sa kanya. Kahit papaano ay may respeto pa rin siya kay Tito Jun kaya napilitan na lamang siyang bumalik sa kinauupuan sa lobby kasama nila Dimitri. Tumigil sa paglalakad si Angelo at napabuntong-hininga. Bumalik siya sa kinauupuan nila kanina habang nakasimangot. Bago siya umupo, tinignan niya ang mukha ni Dimitri at natatawa pa ito.

“Bakit hindi ka muna magbihis Dimitri? Nakakailang nga naman eh pinagtitinginan ka ng mga tao. Hindi tayo nakakapag-usap ng maayos.” Utos ni Tito Jun

“So? Anong masama dun? Maganda naman ang katawan ko.” Sabay hagod sa kanyang abs at kinindatan niya si Angelo. Tinapunan niya ng nakakabaliw na ngiti at kindat si Angelo. Ngunit hindi pa rin nawala ang simangot sa mukha ni Angelo. Mas kumunot pa ang noo nito at natigilan.

Anong ginawa niya? Gago ba siya? Sa isip ni Angelo.

“ISA!” Sigaw ni Tito Jun.

“Okay. Fine. Chill.” Tumayo na si Dimitri. Hinawakan niya sa balikat si Angelo at hinimas ito sandali. Nagulat naman si Angelo sa ginawa niya. Nanigas si Angelo dahil sa gulat. Kaagad niyang tinanggal ang kamay ni Dimitri sa kanyang balikat. Tumawa naman si Tito Jun.
Tinahak ni Dimitri ang daan papuntang elevator.
 
Nang makaalis na si Dimitri at nakasakay na si Dimitri sa elevator, tahimik pa rin si Jun at si Angelo. Matagal-tagal silang nagtitigan hanggang sa nagsalita na si Tito Jun.

“Angelo. Pasensya ka na sa kapilyuhan ng anak ko ah.”

“Huwag na po. Kakayanin ko na lang.” Sabay irap.

“Iyan! Angelo please huwag ka nang lumipat pa ng room. Ikaw lang ang nagpapatino sa batang iyan eh. Alam mo ba na pagkatapos kayong magkakilala ay tumino ng kaunti ang batang iyan?”

Naguluhan si Angelo sa sinabi ni Tito Jun. “Katulad ng?” Tanong ni Angelo.

“Paglalaba ng sariling boxer shorts.” Tumawa si Tito Jun ng pagkalakas-lakas. Ngumisi lang si Angelo. Hindi niya magawang tumawa dahil sa inis na nararamdaman niya na hindi pa rin humuhupa.

“Pero seryoso ako Angelo. Please. Aassignan kitang baby sitter diyan sa anak ko. Magbabayad ako kahit magkano, please?” Sabay hawak ni Tito Jun sa balikat ni Angelo.

“Kahit huwag na pong magbayad, ayos lang.” Nawala ang simangot sa mukha ni Angelo at sinubukang ngumiti para hindi kailang-ilang sa harap ni Tito Jun.

“Bakit? Type mo anak ko no? Hindi ako tutol actually. Botong-boto ako sa'yo."


"Walk out Tito gusto niyo?" Naiiritang tono ni Angelo. Natawa lang si Tito Jun.

"Hindi naman suhol eh. Allowance niyo namang dalawa.”

“Namin?” Naguluhan ulit si Angelo sa sinabi ni Tito Jun.

“Oo. Kumbaga allowance niya lang talaga. Pero wala akong tiwala sa taong iyon kung gumasta. Akalain mo, isang araw binigyan ko ng sampung libo pambili ng bagong damit, nagbar lang ang gago? At walang naiwan sa pera the next day. Kaya please, manage his money, and I’ll finance you with that. Please?” Nagmamakaawa si Tito Jun. Diretso niyang tinitigan si Angelo sa mata nang may awa. Nanlambot ang puso sa nakita ni Angelo at sumuko na ito sa pagmamatigas.

“Okay po sige walang problema. Pero kayo na po ang kumausap sa kanya ukol dito ha? Ayaw ko po kasing magalit siya sa akin.”

“Kasi mahal mo siya?” Mabilis na sabat ni Tito Jun kay Angelo habang natatawa.

“Ugok kayo tito. Grabe.” Sarkastikong nakangisi si Angelo habang umiiling at iniirapan si Tito Jun.

“Biro lang. Sige, ikaw na bahala kay Dimitri ha? Text ko na lang siya ukol dito. Safe naman kayo dito sa Maynila. Alagaan niyo ang inyong sarili at isa’t-isa. Magmahalan kayo ha? Iwas buntis muna nag-aaral pa kayong dalawa. Ayokong magkaapo akong ang mga magulang nag-aaral pa.” Tumawa nang malakas si Tito Jun.

“Bahala na nga kayo diyan tito!" Pagsuko ni Angelo.

“Oh, etong ATM mo.” Inalukan ni Tito Jun si Angelo ng isang sobre.

“Pinagawan niyo po ako?”

“May tiwala ako sa’yo kasi alam kong mahal mo ang anak ko.” Sabay tapik sa balikat ni Angelo.

“Last ka na lang talaga tito.” Pinakita ni Angelo ang kanyang kamao kay Tito Jun.

“HAHAHAHAHAH. Sige. Twenty-thousand iyan. Lagyan ko na lang sa sunod na a'kinse.”

“Sige po.” Tumayo na ang dalawa. Nagsimula nang maglakad ang dalawa patungo sa labas ng dorm.

“Patayin mo ang kabit ng anak ko ha?” Tinatapik-tapik ni Tito Jun si Angelo sa likod.

“Tito naman oh aalis na lang nga mangungulit pa kayo!” Pagmamaktol ni Angelo. Tumawa lang si Tito Jun hanggang sa nakaabot na sila sa labas.

“O siya, sige. Aalis na ako.” Kinamayan ni Tito Jun si Angelo. Gumanti naman si Angelo. At nang nakalayo na, nagkawayan na ang dalawa. Bumalik si Angelo sa kanilang room at nakita niyang nakatulog na si Dimitri. Himbing na himbing itong natutulog sa kama, nakatihaya. Plano niya sanang gisingin si Dimitri upang ayain kumain ngunit di niya na lang ginawa kasi mahimbing ang pagkakatulog niya. Naupo siya sa kanyang kama at tinignan ang envelope na binigay ni Tito Jun sa kanya. Nakalakip ang PIN number at ATM ni Angelo.

Masayang masaya si Angelo sa kanyang naramdaman kasi hindi niya inakala na makakahawak siya ng ATM, at higit sa lahat ay nakikita pa niya ang kanyang idol na reporter, pinagkakatiwalaan pa siya, at parang ang close close pa nila!

“Ano, pakakainin mo ako o hindi?” Bliglang sabi ni Dimitri habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Nagulat si Angelo na gising pala si Dimitri.

“Natutulog ka eh. Kaya hinintay na lang kitang magising.”

“Sweet sweet mo naman. Pakasalan na nga kita.” Sabay bangon mula sa kama.

“Para kang daddy mo eh sarap sapakin.” Inirapan na lang ni Angelo si Dimitri.

“Sorry na. Ano, kakain tayo? Ikaw na raw kasi hahawak sa pera ko mula ngayon.” Sabi ni Dimitri.

“Oo, at hindi ko gusto ito." Matatalas na titig ang kanyang tinapon kay Dimitri na ngingisi-ngisi sa kanyang harapan.

“Para lang tayong mag-asawa noh? Ako tatay, ikaw nanay, ikaw tagahawak ng pera.” Lumipat si Dimitri sa paanan ng kama ni Angelo at hinawakan si Angelo sa kamay.

“Ginawa mo pa akong bakla.” Kaagad na winaksi ni Angelo ang kamay ni Dimitri.

“O sige ako na lang magiging babae, akin na ang pera.” Nagbago ang expression ni Dimitri at inilahad ang kanyang palad sa harap ni Angelo.

“Mas gugustuhin ko pa maging bakla kaysa masapak ng tatay mo.” Pinalo ni Angelo ang kamay ni Dimitri para malayo ito.

“Aray! Ang sakit naman! O siya halika na. Gutom na eh.” Kinukusot-kusot pa ni Dimitri ang kanyang mga mata at hinihimas-himas ang kanyang palad na pinalo ni Angelo.

“O tayo ka na diyan! Pakusot-kusot ka pa ng mata kala mo ang pogi mo. Halika na gutom na rin ako.” Tumayo si Angelo nagsuot ng shorts. Kaagad niyang tinumbok ang pintuan.

“Gwapo naman talaga ako eh.” Tumayo na rin si Dimitri at sinundan si Angelo.

“Okay ka rin noh?” Hindi na hinarap ni Angelo si Dimitri at hinintay si Dimitri na makalabas.

“Okay para sa’yo.” Ngumiti si Dimitri kay Angelo, ito ang pagganti niya sa mga nang-iirap na mata ni Angelo sa mga oras na iyon.

“Bahala ka diyan!” Lumabas na ng kuwarto si Angelo at nasa likod niya si Dimitri nag-aayos pa ng buhok habang naglalakad.

Bumaba sila sa 5th floor at tinungo ni Angelo ang room ni Gio. Rm 513.

“Ano ba kasing ginagawa natin dito? Andito ba kabit mo? Ako lang asawa mo ha!” Sigaw ni Dimitri.

“Huwag kang maingay, sasapakin talaga kita.” Hindi na hinarap ni Angelo si Dimitri at diretso niyang kinatok ang pintuan ng silid ni Gio.

Bumukas nang bahagya ang pintuan.

“Sino sila?” Tanong ng lalaki. Matangkad ito, nasa mga 5'10" ang tangkad, matangos ang ilong, hindi masyadong mapanga, malalim ang mgata, manipis ang labi, medyo maputi, at clean cut ang buhok. Medium built ang pangangatawan. Gwapo, at halatang mayaman dahil sa kutis. Naka-boxers lang ang lalaki nang kinausap niya si Angelo.

“Ah, tol, andiyan ba si Gio Santos?” Tanong ni Angelo habang pasilip-silip sa loob upang hanapin si Gio.

Sinara ng lalaki ang pintuan at hindi sumagot.

“Aba’y bastos tong batang it-” Pagrereklamo ni Dimitri. Ngunit bumukas ito ulit. “O, dito kayo, pasok!" Tugon ng lalaki habang nakangiti kay Angelo. Matalas naman ang tingin ni Dimitri sa lalaki. Pumasok na ang dalawa sa kwarto, tinignan ni Angelo ang paligid ng silid, confirmed. Lalaki nga silang dalawa dahil sa dumi at kalat ng kanilang mga gamit.

“Saan si Gio tol?” Tanong ni Angelo habang nakatayo sa isang sulok.

“Naliligo pa brad. Hintay lang sandali. Gabby nga pala.” Sabay lahad ng kanyang palad kay Angelo at ngumiti.

“Angelo, bestfriend ni Gio. Eto roommate ko, si Dimitri.” Kakamayan sana ni Angelo si Gabby/Gab nang kaagad hinawi ni Dimitri ang kamay ni Angelo at nakipagkamayan kay Gabby/Gab. “Dimitri pare.” tumango lang si Gabby at hindi tinanggap ang kamay ni Dimitri.

Maya-maya pa’y lumabas na si Gio at nakabrief lang at basang-basa ang buhok.

“O tol bilisan mo na, kain na tayo gutom na eh. Kunin na natin allowance natin.” Imbita ni Angelo kay Gio.

“O eto na. Mabilis lang. Kanina pa ba kayo?” Tanong ni Gio samantalang nagsuot ng t-shirt at shorts.

“Di naman masyadong matagal. Halika na. Nakakainis to oh.”

“Eto na, ano ba bakit ang atat mo!” Naiiritang tono ni Gio kay Angelo.

“Gab, ayaw mo bang sumama sa amin?” Anyaya ni Angelo kay Gabby na nanonood lang ng TV.

“Di okay lang ako. Tapos na rin akong kumain.” Ngumiti ito kay Angelo. Napansin naman ito ni Dimitri at hinarang ang paningin ni Angelo. Pinalo naman ni Angelo ang mga kamay ni Dimitri na nakaharang sa kanyang mga mata, baka nasapian na naman ng pagkaabnormal si Dimitri kaya hindi na niya ito pinatulan pa.

“Sige ikaw bahala Gab. Iwan mo na lang susi mo sa Info Desk ha, baka sakaling mawala yung sa akin.” Pag-reremind ni Gio habang dahan-dahan nang naglakad ang tatlo palabas. Tumayo naman si Gab at tinungo ang pintuan.

“Okay sige. Ingat kayo.” Kumaway at ngumiti si Gab kay Angelo at sinarado na ang pintuan.

----------------

Nasa kalagitnaan ng pagkain silang tatlo nang mapansin nilang walang isa sa kanila ang umimik.

“Uy, tol. Siya nga pala, roommate ko” Inakbayan ni Angelo si Dimitri upang hindi maging awkward ang kanilang sitwasyon.

“Dimitri pare.” Tumango si Dimitri kay Gio.

“Gio, pre.” Isang malabnaw na tango rin ang binigay ni Gio.

Habang patuloy sila sa pagkain. Napapansin ni Angelo na hindi masyadong umiimik at nakikipagkuwentuhan si Dimitri sa kanila ni Gio. Palagpas-lagpas din ang tingin nito at parang may hinahanap at hindi mapakali. Sinunggaban na siya ni Angelo.

“Dimitri?" Pagtawag ni Angelo kay Dimitri upang kunin ang kanyang atensyon na kanina pa pakalat-kalat.

“KUYA Dimitri.” Mabilis na pagcorrection ni Dimitri kay Angelo. Inirapan na lang siya ni Angelo.

“Whatever. May problema ka ba?”

“Wala, CR lang ako ha. Tawag ng kalikasan.” Tumayo si Dimitri at tinungo niya ang CR.

“Tol, pahangin lang muna ako sa labas ha?” Pagpapaalam ni Gio kay Angelo.

“Sige putang ina niyong lahat. Iwan niyo ako.” Pagmamaktol ni Angelo habang puno ng pagkain ang kanyang bibig.

“Emo mo naman, saglit lang tange!” Binatukan ni Gio si Angelo

“Okay sige, bahala ka. Balik ka brad.” Hindi na sumagot pa si Gio, lumakad na palabas. Nakita ni Angelo si Gio na nagpapahangin sa labas at nagyosi.

Mag-isang kumain si Angelo nang nakita na niya ang halo-halo na kanyang inorder kanina pa. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa napansin niyang hirap na sa pagdadala ang babae at natapon ito sa ulo ng isang magandang babaeng customer.

“ANO KA BA! SHET ANG TANGA MO NAMAN GIRL!” Sigaw ng kasama ng babae na natapunan.

“Sorry po. Hindi ko po talaga sinasadya.” Kita ni Angelo ang paghihinagpis ng babae at ang kanyang kamay na nangangalay na sa tingin niya ay may problema.

“PWEDE BA SA SUSUNOD UMAYOS KA! WAG KANG PUMASOK KUNG MASAKIT KAMAY MO. GANON. PERIOD!” Patuloy na tili ng kasama ng babae na natapunan.

Ang babaeng natapunan ay tahimik lang na pinupunasan ang sarili.

“Ayos lang ako Dina. Wag ka nang mag-iskandalo nakakahiya.” Ang pagpapakalma ng babaeng natapunan sa kanyang kasama na mas nauna pang sumigaw kaysa sa kanya.

“BESTFRIEND MAS NAKAKAHIYA ANG GINAWA NIYA, PINAHIYA KA NIYA! BASTOS IYANG BABAENG IYAN!” Sigaw ng kasama ng babaeng natapunan habang tinuturo-turo ang waitress.

“Last na lang Dina at masasampal ko na talaga ang bibig mo. Kaya nga tumigil ka na para hindi pa mas nakakahiya!” Mahina ngunit mariin na banta ng babaeng natapunan. Natigilan ang babaeng tumitili at natahimik, hindi na nagsalita pa.

Bumaling ang babaeng natapunan sa waitress na nag-aalala na masyado. Basang-basa niya ang pag-aalala at takot sa mukha ng waitress.

“Ah, ate. Okay lang ako. Pasensiya ka na sa kasama ko, napahiya ka pa tuloy.”

“Okay lang po ma’am. Sorry po talaga.”

“Okay lang. Kaninong halo-halo ba ito? Parang mas nauna ko pa yatang tikman kay sa sa may-ari.”

“Sa table 4 po ma’am doon sa lalaking gwapo.” Sabay turo ng waitress kay Angelo at tinignan ng babaeng natapunan ng halo-halo si Angelo. Ngumiti ang babae kay Angelo at ngumiti rin naman pabalik si Angelo.

“Oh siya sige, pagawan mo na lang siya ng bago, okay? Magsorry ka dun kasi halo-halo niya iyon. Pakisabi sorry na rin.” At ngumiti ang babae. Kitang-kita ni Angelo lahat at nagulat siya sa kabaitang pinakita ng babae sa kabila ng kanyang kaibigang eskandalosa.

Pagkatapos maki-usosyo nang mga tao ay bumalik naman sa normal ang lahat. Ang babaeng natapunan kanina at ang kasama niya ay nagbayad na lamang at umalis. Siguro magbibihis. Hindi na rin nag-eskandalo pa ang kanyang kasamang babae.

Pagkatapos ng mga pangyayari ay sabay na bumalik sina Gio at si Dimitri. Kinuwento ni Angelo  sa kanila ang lahat. Nasa ganoon siyang pagkukuwento nang dumating na ang kanyang halo-halo.

“Sir, andito na po ang halo-halo niyo. Sorry po kung natagalan, pasensiya na po talaga. Pinapasabi rin po pala ng babaeng nabuhusan kanina na sorry rin daw po.”

“Ayos lang po talaga miss. Mag-ingat lang po talaga kayo sa susunod. Kinakabahan po ako sa'yo eh." Pag-aalala ni Angelo sa waitress.

“Oo nga po sir eh. Lagot ako sa boss mamaya.” Umalis rin ang waitress.

“Ikaw tol ha lakas mo talaga sa chicks.” Sabi ni Gio.

“Gago ka talaga Gio kahit kailan. Nag-uusap nga lang kami, landian na?”

“Huwag kang ganyan tol, asawa ko na tong si Angelo. Hahaha.” Sabay akbay ni Dimitri kay Angelo.

Tawa-tawa lang ang mga magkaibigan hanggang sa matapos na sila sa pagkain.

Bumalik na sa dorm ang magkakaibigan. Maagang inantok ang si Dimitri at Gio. Si Dimitri mahimbing na natutulog parang baka. Si Gio naman nakitulog muna sa kwarto nila ni Dimitri. Ngunit si Angelo hindi madalaw-dalaw ng antok. Bumaba muna siya upang uminom ng fresh milk sa canteen.

Nakaupo lang si Angelo sa swing habang umiinom ng fresh milk. Masaya siya kasi never in his dreams he imagined makakainom siya ng pangsosyal na gatas. Nasa ganoon siyang pagmuni muni nang may lumapit sa kanya.

“Hi. Sorry nga pala kanina sa halo-halo mo ha.” Sambit ng babae mula sa likuran ni Angelo.

“Uy, ikaw pala iyan. Okay lang iyon, wala iyon. Galing ng ginawa mo kanina ha. Ang bait mo." Sinundan ni Angelo ng tingin ang babae na dahan-dahang naupo sa swing.

“Hindi naman, dapat hindi lang siguro manghusga ng tao. Corina nga pala.” Paglahad ng babae sa kanyang palad.

“Angelo Montemayor.” Kinamayan siya ni Angelo.

Maganda si Corina. Maputi ang balat ang mahaba ang buhok. Parang anghel at kawahig niya si Coleen Garcia.

“Freshman ka rin ba Angelo?”

“Ah, Oo. Ikaw rin? Anong course mo Corina?”

“BS Mathematics ako. Ikaw?”

“BA Mass Communication.”

“Magaling ka pala sa englishan.”

“Hindi naman. Hahaha.”

“Tiga-dorm ka rin di ba?”

“Oo.”

Pilit iniisip ni Angelo kung saan niya nakita si Corina. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang get-up ni Corina at alam niyang nakita na niya ito kung saan. Oo, crush na ni Angelo si Corina, at alam niyang mas mahigit pa riyan ang kanyang mararamdaman sa susunod na mga araw.

“Nagkakilala na ba tayo at some point Corina?”

“Hindi pa yata eh. I haven’t seen you around Manila.”

“Ah, hindi kasi ako taga-siyudad. Sa probinsya talaga ako originally.”

“Okay lang. So tell me, anong work ng daddy mo? Anong company ng mommy mo? Ang gwapo mo kasi, siguro mayaman kayo. Sa morenong mukha mong iyan.”

“Ano ka ba, hahaha. Hindi po kami mayaman.”

At naalala ni Angelo ang tindig ni Corina. Nakita na niya ito sa elevator, nung bagong dating lang sila ni Gio at mag-liligpit pa sila ng gamit.

“Ikaw pala iyong nakasabay ko sa elevator kanina, Corina. Haha, ang tagal kong napansin.”

“Ano ka ba, okay lang ano! Pahingi naman ng cellphone number mo pogi.”

“Kainis iyang pogi ha. Hindi naman ako pogi. Wala akong cellphone Corina eh, sorry.”

“Ayos lang iyon, ano ka ba. Makikita rin naman kita dito sa dorm di ba? Ilang taon ka na ba? Tantya ko around 17?”

Tumawa si Angelo.

“Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko, Angelo?” Natigilan si Corina sa pagtawa ni Angelo.

“Hindi naman sa ganoon Corina. Matanda na ba talaga ako tingnan?” Pagpapa-cute ni Angelo.

“Ah. So are you like 16?”

“No. Haha, I’m 14”

“WHAT?”

“Oo.” At ngumiti si Angelo.

“How? I thought usually 16 nakakapag-college ka na?”

“I skipped twice. Advanced. Leveled up.”

“Matalino ka siguro pogi.”

Tawanan.

Simula noong nag-usap si Corina at Angelo ay dahan-dahang naiinlove si Angelo kay Corina. Palagi na silang magkasama, at kung kakain ay iimbitahan na lang si Dimitri at si Gio. Si Gio di na rin madalas sumasama kay Angelo kasi nagkaroon na rin siya ng mga bagong kaibigan. Sumali kasi sa isang rock jam session si Gio at kinuha siya ng isang banda dahil sa galing niya sa pag-gitara. Si Dimitri naman ay madalas nagmumukmok sa kwarto. Simula nang magkasama si Angelo at Corina ay hindi na masyadong lumalabas si Dimitri. At kung kasama niya man sila ay nagmumukmok ito sa isang gilid, hindi umiimik, hindi nagsasalita, at hindi nakikipagkwentuhan. Si Corina at Angelo ay most of the time magkasama, naghaharutan at kung anu-ano pa. Ang sweet sweet talaga nila sa isa't-isa, hanggang sa naging opisyal na ang kanilang relasyon.

Nagsimula na ang unang semestre. Ganoon pa rin ang set-up ng magkakaibigan. Maliban kay Gio na mas naging busy at once a week na lang kung makakapagbonding sa kanyang bestfriend. Kung makikipag-bonding man itong si Gio, busy naman siya sa pag-memorize o pagpapractice ng bagong chords. Ngunit sinusubukan naman na magkeep in touch ni Angelo ngunit suwerte na lang talaga kung magkita sila ni Gio kahit once a week.

Si Dimitri naman ay nakakuha na rin ng mga bagong kaibigan. Sumali siya sa fine arts society at masaya siya sa pagpipinta at kung anu-ano pa. Hindi na rin siya masyadong makulit kay Angelo at masaya naman si Angelo dahil dito. Subalit nararamdaman ni Angelo na nagkakalayo sila ni Dimitri at pawang roommates na lang talaga ang tingin nila sa isa’t-isa.

Maliban sa mga kaibigan sa block nila Angelo, mas nadagdagan ang oras ng pagiging magkasama nila ni Corina. Si Corina ay sumali naman sa isang sorority group ng mga tanyag na babaeng magaganda at sikat. Ngunit labis na nagtaka si Angelo kung bakit kabarkada na niya ang babaeng nagtapon ng halo-halo sa kanya at ang bestfriend niyang si “Dina”.

Isang araw, nakakita siya ng pagkakataong kausapin si Corina ukol dito. Nasa coffee shop sila tumatambay.

“Cor, ah, pwede ba magtanong?”

“Bakit pogi?” Nagtetext pa rin si Corina at hindi man lang tinignan si Angelo.

“Friends na pala iyang si Dina at iyong babaeng nagtapon ng halo-halo?”

“Ah, bago lang. Naging friend na naman namin kasi nga okay din naman pala.” Hindi niya pa rin tinignan si Angelo.

“Mabuti iyon.” Matipid na sagot ni Angelo. Hindi siya nakuntento sa paliwanag ni Corina. Alam niyang may kakaiba. Hindi kumbinsado si Angelo sa sagot na ibinigay ni Corina.

Isang araw, napagpasiyahan ni Angelo na buksan ang kanyang facebook account upang magmessage sa kanyang mama. Alam niya kasing once a week nag-oonline ang kanyang Nanay Martil upang magbasa ng mga mensahe niya. Ginagawa nila ito simula noong high school pa siya kung saan kailangan ng communication kung pupunta pa abroad itong si Angelo upang makipag-debate.

To: Martil Montemayor
From: Gel Monte

Hi Nay! Kamusta ka na diyan sa bahay? Okay lang po ba kayo? Malapit ko na pong matanggap ang monthly allowance ko. Ipadadala ko na po ang kalahati diyan upang may dagdag naman sa panggastos mo kay Angela at upang hindi pa kayo magkulang. Pakabait kayo Nay ha? Hahahaha, di biro lang. I love you nay! Ingat po kayo palagi! Reply ka naman nay ha?

PS. Pakibati ako kay Angela. Sabihin mo namimiss ko na ang matalino kong pinsan na kapatid.


Tumingin-tingin ng mga profile itong si Angelo hanggang sa napansin niya ang account ni Dina Abella Lopez. Si Dina nga ito, kaibigan ni Corina. In-add niya si Dina. Matapos ang ilang minuto ay tinanggap ni Dina ang friend request ni Angelo. Naisipan ni Angelo na mag-chat kay Dina.

Gel: Hi Dina! Si Angelo pala ito.
Dina: Uy! Kuya Pogi! Musta ka na?
Gel: Okay lang naman. Nasa library ako ngayon naisipan ko mag-facebook kasi nakakabagot sa dorm.
Dina: Ikr? May WiFi naman doon Gelo. Wala ka bang laptop?
Gel: Papunta na. Bibigyan daw kasi ako ng school ng libreng laptop. Anticipated ko na nga eh. Mabuti na rin yun sa mga paperworks.
Dina: Nux. Hayop ka friend, sipag mo talaga simula pa nga ng sem. Keep up mo ha?
Gel: Sure! Uy matanong ko nga, gaano na ba kayo kaclose ni Corina? Para na kayong kapatid ha. Twins? Hahahahaha.
Dina: Hindi, actually triplets kami. Ang isa ay si Amy. Magkababata kami kasi ang mga parents namin, mga business partners.
Gel: Amy?
Dina: Oo, eto link ng profile niya oh. http.www.facebook.com/xxxxxxxxxxx
Gel: Salamat ha! Saan ba nag-aral si Corina noong elementary?
Dina: Kaming tatlo sa *insert very mahal UAAP school here*.
Gel: Talaga? Mahal naman noon. Triplets tuko pala kayo? At ikaw lider? Hahahahaha
Dina: Tange ka talaga Gelo. Of course walang lider lider.
Gel: Oh sige Dina. Tapusin ko muna tong paper ko. Ingat palagi. Patext kay Corina, miss ko na siya.
Dina: Sure.

 
Kinlick ni Angelo ang profile ni Amy at nagulat siya sa kanyang nakita. Amy pala ang pangalan ng babaeng bumuhos ng halo-halo kay Corina. Kung matagal na silang magkaibigan, bakit naman ipapahiya ni Amy si Corina, at ni Dina si Amy? Bakit iba ang pakikitungo nila kay Amy noong mga oras na iyon na para bang hindi nila kilala ang isa’t-isa? Nag-away ba sila? Imposible, e di sana iniwasan nila ang isa't-isa. Kinukutuban na si Angelo. Siguro pangloloko lang ito lahat. Alam na ni Angelo. Scripted. Set-up lang iyon. Ngayong alam na ni Angelo ang pangyayari, hindi niya alam kung bakit. Ito ang gusto niyang malaman, kung bakit kailangan pa nilang magpanggap samantalang magkakaibigan naman sila. Ang one million dollar question ni Angelo, ay kung mahal ba talaga siya ni Corina. Iyon ang gusto niyang malaman. Nahuhulog na kasi siya kay Corina for quite some time, at gusto niyang malaman at ikumpirma kung mutual din ba ang nararamdaman ng magandang dalaga.

Sa sumunod na mga linggo ay napapansin ni Angelo na lumalapit na sa mga basketball varsity players itong si Corina. Nakikipagharutan, at minsan nakikipaglandian. Minsan may magsesend ng “I love you” sa cellphone ni Corina kung hahawakan ito ni Angelo. Nagulat si Angelo. Kaya tinanong ni Angelo si Corina tungkol dito. Nasa dorm room sila ni Angelo.

“Cor, sino itong nag-I love you sa’yo?”

“Bakit mo ba binasabasa ang mga message sa cellphone ko! Wala kang pakialam! Ang bastos mo Angelo ha, di ko gusto iyan!” Hinablot ni Corina ang kanyang cellphone at tumayo.

“Sorry na oh.” Paghihila ni Angelo kay Corina. Ngunit nanlaban si Corina at hindi niya pinaunlakan si Angelo.

“Huwag ka nga. Aalis na ako. Kainis ka. Bad trip ka.” Padabog na singhag ni Corina habang nagmamatigas kay Angelo.

“Mahal mo ba ako, Corina?”

“Siyempre naman Angelo, oo, mahal kita. Huwag mo lang bastusin ang mga gamit ko, okay?! Bitawan mo ako!” Winaksi ni Corina ang kanyang braso at natapon si Angelo sa kanyang kama.

“Tayo na ba Corina?”

“My God Angelo! Ang bobo mo! Oo, yes, tayo na! Noon pa.” At umalis si Corina sa room ni Angelo. Malakas ang pagsara niya ng pintuan. Halatang nagagalit ito. Pero kahit ganoon ang inasta ni Corina, masaya pa rin si Angelo. At least nalaman niyang mahal pala siya ni Corina.

Ngunit habang palapit na palapit na matapos ang semestre, nararamdaman niyang lumalayo at umiiwas si Corina sa kanya. Pati si Dina at si Amy. Blocked na rin si Angelo sa facebook ni Dina at Corina. Na-we-werduhan siya. Wala naman siyang kasalanan na nagawa. Hindi naman sila nag-aaway.

Pero wala lang kay Angelo lahat. Tiniis niya lahat ng iwas at sungit ni Corina sa kanya. Isang araw nga ay nagkita sila sa restaurant upang icelebrate ang 2nd monthsary nila simula nang magkita sila sa swing.

“Hi babe.” Bati ni Angelo abot langit ang ngiti.

“Corina ang tawag mo sa akin please. Not “babe”. Kadiri.” Masungit na sambit ni Corina habang nakaupo at panay sa pagtetext.

“Ay, sorry ba- Corina. Mahal kasi kita. Kaya naisip ko na siguro mas maganda kung magkakaroon tayo ng tawagan.” Yumuko si Angelo.

“Ano ba Angelo?! Ano bang meron ngayon ha?! May kailangan ka, ano?!” Sinigawan ni Corina si Angelo. Nanliit si Angelo dahil pinagtinginan sila ng mga tao dahil sa lakas ng boses ni Corina.

“Di mo ba alam kung anong araw ngayon Corina?” Mahina ngunit masayang tono ni Angelo.

“Bakit, ano ba?!” Masungit na sigaw ni Corina.

“Nakalimutan mo rin ang araw na ito last month, Corina.” Paguudyok ni Angelo upang kahit tingnan man lang siya ni Corina sa mata. Ngunit hindi ito nagawang tingnan si Angelo at sige pa rin sa pagtetext.

“Anong akin?” Mataray at matipid na sagot ni Corina. Halatang hindi siya interesado.

“Alam mo, malalate ako sa event ko ngayon. Bahala ka nga diyan dami mong arte.” Tumayo si Corina at padabog na umalis. Iniwan niya si Angelo mag-isa. Umiiyak si Angelo. Hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ni Corina. Mahal pa ba niya ako? Tanong ni Angelo sa sarili. Saan ba ako nagkamali? Saan ba ako nagkulang? Sa bawat patak ng luha ni Angelo ay bumibigat ng bumibigat ang kanyang dinaramdam. Hindi pa nga sila naghihiwalay, nasasaktan na siya. Siguro ganoon talaga ang pag-ibig.

Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang sakit ng dalawang buwang pagtitiis. Nasasaktan na talaga si Angelo ngunit mahal na mahal niya pa si Corina.

Naglalakad na siya pabalik sa dorm nang biglang may nakita siyang dalawang lalaking nakabonnet at tinapunan siya ng maraming itlog. Tapos umangat ang pisi malapit sa kanyang tuhod at natumba siya sa dumi at alikabok. Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari. Tumayo siya at inisprayhan siya ng silver na pintura ng mga parehong lalaki na nagbato ng itlog sa kanya.

Masakit ang kanyang katawan dahil sa pagkakatumba niya. Masakit din ang kanyang damdamin dahil sa kanyang kabiguan sa pag-ibig. Gusto niyang umiyak pero hindi niya kayang umiyak. Mahal niya pa si Corina. Hindi niya kayang isuko si Corina. Nakikita niyang pinagtatawanan siya ng mga tao sa paligid niya. Sa di kalayuan nakita niya ang pangkat ng mga lalaki na pinagtatawanan siya. Isa rito ay ang taong hindi siya makapaniwalang aawayin siya... si Dimitri.

Hindi siya naubusan ng lakas. Habang nakatayo na siya ay hinugot niya lahat ng lakas meron pa siya at tumakbo papuntang dorm. Dahil sa sakit ng kanyang mga dinaramdaman sa pag-ibig, sa pang-aapi, at sa kanyang kaibigan, hindi na niya namalayan na nasa room na pala siya. Walang kung anu-ano ay naligo na siya at nilabhan ang kanyang damit.

Matapos maligo at magbihis, humiga siya sa kanyang kama at pilit iniisip kung ano talaga ang kanyang mga pagkakamali at kung bakit siya ginaganito ng mga tao. Dahil ba mahirap siya? Dahil ba hindi siya katulad nila. Bakit ba? Bakit ba ito nagawa ni Corina? Ni Dimitri? Ano ang kasalanan ko?

Kinabukasan nakagising siya. May isang subject kung saan magkaklase sila ni Dimitri at sa mga tiga fine arts.

Pagpasok pa lang niya ay inisprayhan siya ng baygon. Mabaho. Masakit sa ilong. Bumahing siya nang pagkalakas-lakas, allergic kasi siya sa amoy ng baygon. Ngunit imbis na tulungan siya. Tawanan at malakas na hagalpak ng tawa lamang ang kanyang narinig.

“Iyan ang dapat sa mga taong peste, iniisprayhan ng baygon! Hahahahahaha.” Nagulat siya sa taong nagsalita, si Dimitri. Bakit ako pinapahiya ni Dimitri? Anong kasalanan ko sa kanya?

Kadalasan ay malakas si Angelo sa mga pangyayaring inaapi siya, lumalaban siya. Ngunit ngayon hindi siya makalaban pabalik, kaibigan na niya kasi mismo ang sumasalakay sa kanya, si Dimitri. At hindi niya kayang manakit ng kaibigan.

Hindi siya pumasok sa araw na iyon at napagpasyahan niyang i-change ang section niya sa subject na iyon. Dahil naman wala pa sa kalagitnaan ng semestre ay pinayagan siya ng dean.
Naiwasan nga niya si Dimitri, ngunit hindi ang mga kabulastugan nito. Andiyan ang makatatanggap siya ng mga death threats at kung anu-ano pa, ngunit hindi na niya ito pinapansin. Mamatay na ang mamatay. Sa isip niya.

Di kalaunan, nalaman niyang sikat na sa bullying itong si Dimitri at ang kanyang grupo. Andiyan ang pagtitripan siya at kung anu-ano pa. Nalaman na pala sa buong school ang pang-aapi ni Dimitri at ng kanyang grupo kay Angelo. May iba na nakikisimpatya, may iba na kinokontrahan pa si Angelo o Dimitri, may iba na walang pakialam. Hindi niya na lang ito pinansin, siguro para kay Dimitri maliit na bagay na ito. Iintindihin ko na lang si Dimitri. Sa isip niya.

Kay Corina naman, hindi na niya rin masyadong nakikita si Corina. Miss na miss na niya si Corina. Mahal na mahal niya si Corina, higit pa sa buong puso niya. Marami na siyang chismis na naririnig na may bagong dinidikitan si Corina ngunit hindi niya ito pinaniniwalaan. Alam niyang mahal niya si Corina at naniniwala siyang mahal rin siya ni Corina.

Malapit na matapos ang semestre at hindi niya pa rin nakikita si Corina. Kung minsan hindi na ito sumisipot sa usapan. Kung sisipot man ay malalate. At kung malalate man ito, sandali lang. At kung sandali lang, magsusungit pa, binasbastos si Angelo.

Nasa 6th monthsary na sila nang napag-desisyunan ni Angelo na paghandaan ng pagkain itong si Corina sa dorm niya. Marunong din naman kasi magluto itong si Angelo. Gusto niyang maging sweet at espesyal ang kanilang 6th monthsary.

Nakahanda na ang mesa, ang pagkain, ang rosas, ang kandila, lahat. Nasabihan na rin niya si Corina na pumunta sa silid niya ng alas-sais ng gabi.

5:55 PM na, finishing touches na lang ang kulang.

6:00 PM na, may kumatok. Agad niyang pinagbuksan ng pinto ang taong kumatok dahil sa excitement. Ngunit hindi si Corina ang namataan niya. Si Dimitri.

Lumapit ito sa hinandang pagkain ni Angelo para sa dinner date nila ni Corina. Pinapak niya ang nakaplatong pagkain na hinanda ni Angelo.

“Hmmm ang sarap ha.” Pang-aasar ni Dimitri kay Angelo.

“HUWAG! TANGINA NAMAN TO OH PAGKAIN NAMIN YAN MAMAYA!” Tinulak ni Angelo si Dimitri. Nadapa si Dimitri

“Ano? “Tangina”? Tangina mo rin gago ka! Huy hindi na pupunta dito si Corina. Hindi mo ba narinig? May bagong syota na iyon. Tanga-tanga mo.” Tumayo siya at tinulak niya rin si Angelo.

“Hindi yan totoo!” Sumigaw si Angelo at maluha-luha ang kanyang mata.

“Bahala kang maghintay diyan. Gago!” Pinalo ni Dimitri ang mesang hapag na handa ni Angelo. Tumilapon at nagkalat ang pagkain sa mesa. Galit na galit si Dimitring lumabas ng silid at malakas ang paghampas niya sa pintuan nila. Naguguluhan na si Angelo. Hindi na niya alam kung anong gagawin.

6:15 PM. Baka nalate lang iyon. Sa isip ni Angelo.

6:30 PM. Baka may ginagawa lang sandali.

7:00 PM. ...

7:45 PM. ...

8:30 PM. ...

10:00 PM. ...

11:00 PM. ...

12:45 AM nang may kumatok.

Pinagbuksan ni Angelo nang pintuan at si Corina nga ang bisita.

“Pasok ka.” Ngumiti si Angelo. Hindi nagsalita si Corina. Hindi rin niya ginantihan ng ngiti si Angelo.

“Happy 6th anniversary sa atin Corina!” Bati ni Angelo. Tinitigan lamang siya ni Corina.

“May problema ba?” Naguguluhan si Angelo sa expression ni Corina. Ayaw niya kasing madisappoint ito sa kanya.

“Oo, bakit nagkalat na tong pagkain? Ano ako, tanga? Sigurado ka ba dito? Huy Angelo umayos ka nga. Hindi ako pumunta rito upang lechehin mo!” Sumigaw si Corina at tinapon ang platong may pagkain sa mukha ni Angelo.

Napuno na ang damdamin ni Angelo.  Napabuntong-hininga siya at handa na siyang ilabas lahat ng galit meron siya. Tama na ang pagtitiis. Let's get this over with. Sa isip niya.

“Ako umayos? Tangina mo Corina, ikaw umayos! Balita ko may bagong jowa ka na raw, di ba?”

“Oo, ano naman sa’yo?” Mataray na sagot ni Corina kay Angelo.

“Manloloko ka Corina! Ang landi mo! May boyfriend ka tapos kumakalantari ka sa iba! Ilang buwan na akong nagtitiis ha!” Sigaw ni Angelo habang hinampas ang mesa at napaupo sa sahig.

“Hindi ako nanloloko dahil hinding-hindi kita minahal! Fine, malandi na ang malandi, malandi ako, pokpok ako. Won't you believe it, the guy I'm seeing right now is the 10th guy I'm sleeping with for this semester? I don't care! At wala akong planong lumandi sa'yo. Hindi kita mahal!" Sigaw ni Corina kay Angelo. Natigilan si Angelo sa narinig.

Tumayo si Angelo at nilapitan si Corina. “Ano?”

“OO ANGELO. HINDI KITA MINAHAL!” Nanggagalaiting sigaw ni Corina kay Angelo. Napaatras nama si Angelo sa kanyang narinig. Nasaktan siya.

“Anong? Bakit mo nasabing... Papaano? B-Bakit?" Naguguluhang tanong ni Angelo. Nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha.

“Para makapasok ako sa sorority, okay? Initiation kita. Paibigin daw kita ng isang buwan. Tinulungan ako ni Amy at ni Dina. Show lang lahat Angelo! Ngayon na sa sorority na ako, di na kita kailangan! Pasalamat ka pa nga humigit pa sa isang buwan ang pagiging girlfriend ko sa'yo! Nagawa ko! Ang lambot ng ilong mo Angelo. Isang kalabit ka lang pala! HAHAHAHAHA” Pakutyang tawa ni Corina. Si Angelo naman ay sinubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Hindi siya makapaniwala. Umiiling ito sa narinig. Ang gago ko! Ang gago gago ko! I knew it! Bakit ako nagpaloko? Bakit ako nagpabulag sa pag-ibig? Ugh. Sa isip niya.

Tumulo na ang mga luha sa pisngi ni Angelo sa kanyang mga narinig. Hindi niya inakala ang ganitong tagpo.

“Alam mo Angelo, hindi naman talaga kita ginusto eh. Ang tanga-tanga mo. Alam kong mahirap ka. Alam kong probinsyano ka. Alam ko ang lahat tungkol sa’yo. Alam ko kung ano ka, mahirap ka lang. Alam ko kung anong mga pinaggagawa mo upang mabuhay. Kaya hindi kita magiging type. Kalimutan mo na! Di ko type ang mga amoy bukid!" Tinulak ni Corina si Angelo. Napaatras si Angelo habang nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.

"Scripted ang lahat Angelo! Bago pa man kita nakasabay sa elevator, kilala na kita at ang background mo! Inakit kita sa restaurant, nagpapakabait ako, para mapansin mo ako, para makapasok ako sa sorority! Shet, ang hirap nun ah! Kailangan ko pang magpahaircut ng sungay para mag-mukhang madre ako sa'yo. Pero kailangan eh. Kailangan na kailangan. I belong to the sorority. I am a pretty, hot, in-demand bitch in town. So I have to hop in. I'm not sorry na ginamit kita. Gamitan lang ang mundo. Ang mga mangmang, magiging mangmang. And take note Angelo, kahit matalino ka pa, mangmang ka pa rin, madaling mauto, madaling paikutin. I just did. And I'm proud! Collection na lang kita. Kita mo nga hindi ako nakikipag-sex sa'yo? Kadiri kaya, mamahalin tong pekpek ko tapos sa amoy-probinsiya ko lang ipapatikim? Masaya ka! Hahahahahaha. I had fun making a fool out of you actually. I want more from you, but not you. I hope you got that."

"Masakit kaya sa bangs ano! Ang hirap magpaka-anghel. Buti na lang at mangmang ka Angelo, bobo, uto-uto. Ginamit ko pa ang kaibigan kong si Amy at si Dina. Alam mo, ni isa sa kanila, walang gusto sa'yo. Kasi nga mahirap ka lang. Ayaw naming magdildil ng asin. At kung napapansin mo, iniiwasan ka na namin. Ayaw namin sa'yo. Hindi ka man lang nakatunog? Naknamputa, grabe! Ikaw lang susi sa pagpasok namin sa sorority." Habang nilalaro niya ang kanyang mga daliri sa dibdib ni Angelo hanggang sa umakyat ito sa kanyang mukha.

"Masakit di ba? Pero ito ang katotohanan." Sinampal ni Corina si Angelo gamit ang isang daliri lang.

Hindi naramdaman ni Angelo ang lakas ng sampal dahil sa manhid. Ni hindi nga makagalaw si Angelo sa kanyang mga narinig na nagmula mismo sa taong minahal niya ng labis. Nagmanhid ang kanyang puso. Ang alam niya lang gawin sa mga oras na iyon ay umiyak nang umiyak nang umiyak nang umiyak...

Dahan-dahan nang naglakad si Corina patungo sa pintuan.

“Aalis na ako Angelo. Humanap ka ng mas...” Malungkot na tono ni Corina.

Mas mabait, mas maganda, at mas may malasakit? Sa isip niya. Kaya tinanong niya kung ano ang gusto sabihin ni Corina. Natigilan si Angelo at hinarap si Corina. Hindi man lang tumalikod si Corina sa kanya upang harapin siya.

“Mas?” Mahinang pag-ulit ni Angelo.

“Mas... nararapat sa isang low-class katulad mo. HAHAHAHAHAHAHA.” Sarkastikong tono ni Corina. Umalis na si Corina at hinambalos nang pagkalakas-lakas ang pintuan.
Tuluyan nang lumabas at naglakad sa hallway. Sa puntong iyon, nagsimula nang humagulgol si Angelo.

Nakakainis nga raw. Wala si Gio, walang makikisimpatya sa kanya. Wala rin si Dimitri, malayo na ang kanilang mga damdamin. Wala na siyang kaibigan. Nararamdaman niyang nag-iisa na lang siya sa mundo.

Kakayanin ko to! Bahala na... Sa isip niya.

Pinahid ni Angelo ang kanyang mga luha at nagbuntong-hininga. Nilakasan niya pa ang loob niya. Kailangan malakas ang loob. Pagsubok lang 'to. Hindi siya karapat-dapat.. Phew! I did all my best, and she doesn't deserve me. Fuck you sa kanya! Moving on...

Nagligpit si Angelo. Hinugasan niya ang mga plato habang umiiyak, hindi dahil sa nakipagbreak si Corina sa kanya, kundi dahil all this time, nagago siya, naloko siya, nagamit siya. Galit na galit siya sa kanyang sarili kung bakit sa talinong natamasa niya, napakatanga ang tingin niya sa sarili. Pagkatapos niyang magligpit, maligo, at manghilamos, nahiga na siya sa kanyang kama. Malungkot siya. Alam niyang kakailangin niya na naman ang bagong lakas dahil bukas pagtitripan na naman siya nina Dimitri.

Kailangan ko nang magpahinga. Ibang malas na naman ang aabutin ko kay Dimitri bukas. Ibang trip na naman. Tsk. Panibagong pagsubok. Panibagong bullying. Anyways, matatapos na ang sem. Matitiis ko pa si Dimitri... Iintindihin ko siya.
 

Ang naging inspirasyon na lang upang magising bukas ay ang pag-iintindi kay Dimitri. Nakatulog siyang tumutulo ang kanyang luha... at nakaplaster ang mala-anghel na ngiti.

Dimitri... Ugh! Bakit mo ba ito ginagawa sa akin Dimitri? Bakit hindi kita matiis? Nakakainis!

Itutuloy....

Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

11 comments:

  1. Bading c dimitri at palagay ko alam un ng daddy nya. Tapos selos tong si dimitri kay corina kaya ganun. Next chapter na.

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. thanks s update. maya nlang magcomment. antok nako.

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. para lang nasa palengke kung magusap ang 2 ah. super selos ba si dimitri kaya ganun ang ginagawa nya kay angelo? wawa nmn ni angelo, bakit kaya sya pumayag na apihin sya? sa pagibig nmn nya, ganun talaga ang nagmamahal, nagpapakatanga. kaya ayan ang napala nya - NGANGA, ginamit lang pala talaga sya. Nakakainis ka Corinang palaka. Kokak ka ng kokak di nmn bagay sayo.

      bharu

      Delete
  3. Ang kulit ng chapter na lalo na ang magama. Kawawang angelo naging yaya ni dimitri na obvious na may gusto ke Ngelo. Tnx sa.update.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. kaninang madaling araw ku pa.ito nabasa pero ngayon.lmg ng comment ang ganda talaga ng story na ito hehehe update kapa po hehehehehe



    Franz

    ReplyDelete
  5. Siguro kaya nambubully si Dimitri Kay Angelo, dahl may gusto siya rito. Sana tumigil na siya dahil wala na sila ni Corina. Keep it it up!

    ReplyDelete
  6. I hate dimitri! Kahit pa sabihing binubully nya c angelo dhl sa may gusto sya rito, di tama ung mga pinaggagagawa nya. Sana makakita c angelo ng magmamahal at magtatanggol sa knya.

    ReplyDelete
  7. hmmmm, nice one. i enjoy this chapter. he he he

    ReplyDelete
  8. Ang gulo ng kwento... di mo alam kung ang nagsasalita si Dimitri ba o si Angelo. Nakakatamad tapusin maglologic pa kasi.

    ReplyDelete
  9. Bakit may nabasa akong mahigit na 6 na pulgada ang taas ni Dimitri kay Angelo? Di ba 6 footer lng si Dimitri at 5'7" si Angelo?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails