Followers

Sunday, November 17, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 12



318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph



Authors Note:

Guuyyysss! Chapter 12 is here hehe! Oo nga pala, I don’t want spoil you pero were down to the last 3 chapters (including this chapter) so better go to your room and look for some handkerchieves, remember handkerchieves haha joke lang! Anyway, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa walang sawang sumusuporta ng 318 since noong textmate pa. Sana hanggang ending suportahan nyo pa rin ako. Also, I want to acknowledge and give thanks to Sir Kenji Oya (the author of my favorite MNB) for giving an opportunity to.. Ooops! Bibitin ko muna kayo dito. Basa mode muna kayo at malalamaan nyo kung bakit, hihi! Maraming salamat sir, mabuhay po kayo =)

PS: FB ko, add mo ah? https://www.facebook.com/niel.isyours Hihi! Salamuch! :*


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph




About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (Imyours1821@gmail.com) and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)




Chapter 12


Dumaan ang isang oras noong umalis si Xander. Nasa sala ako at nagbabasa ng binili kong libro sa book store kanina ng biglang.


“Ding dong..” Pagtunog ng door bell. Sino naman kayang matinong tao ang bibisita sa amin sa ganung oras? Kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka nanloloko lang yun. Ngunit nagsunod-sunod ito. Kaya naman lumabas na ako upang tignan kung sino ba yung nagdo-doorbell.


Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin ay biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Si-si Trina?? Bakit sya nandito? At b-bakit parang may tutulong luha sa mga mata nya?!


“T-trina?!” Gulat kong sabi. Nanlamig ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba sa nakita ko. Bakit?! Anong ginagawa nya dito sa amin sa gantong dis-oras ng gabi. “B-bakit k-ka nandito?” Mautal-utal kong pagtatanong.


Ngunit mas lalo akong kinilabutan noong makita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Shit! Hindi ko alam kung bakit, kung tutuusin pwede ko naman isiping manghihingi lang sya ng tawad sa lahat ng mga nagawa nya sa akin noon. Pero bakit hindi ako mapalagay? Kinakabahan ako..


“P-pwede ba tayong mag-usap Colby?” Malambing ngunit umiiyak na sabi ni Trina. Parang hindi sya si Trina na nakilala ko. Ang Trina kasi na nakilala ko ay maldita, matapobre, mapanghusga at mapag-taas ng kilay. 

Ngunit, ang Trina na nasa harap ko ngayon ay ibang-iba. Mistulang punong-puno ng pagdadalamhati ang mukha, hindi ko alam kung ano ang problema pero sumang-ayon na lang ako sa gusto nya. “W-wag dito.  Tulog na sila mommy e, doon tayo sa park..” Nasabi ko na lang. Gustuhin ko mang sa loob kami ng bahay mag-usap, hindi maari dahil baka kung anong pageeskandalo ang gawin ng babaeng to, wala akong tiwala sa kanya.


Habang naglalakad kami sa park, di kalayuan sa bahay namin ay nakaramdam ako ng ibayong kaba. Pakiramdam ko kasi ay parang bibitayin ako sa mga oras na yun.


Nakarating na kami sa park ng subdivision namin. Pinili naming umupo sa may bench kung saan mayroong malapit na poste.


Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng pagkabog ng puso ko sa hindi malamang dahilan.


Laking gulat ko ng bigla na lang akong niyakap ni Trina. Isang yakap na walang halong ka-plastikan. Parang sa isang iglap, hindi na sya yung Trina na masama ang pag-uugali, parang unti-unti syang lumambot sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit mas kinagulat ko pa noong maramdaman ko na lang ang pag-tulo ng kanyang luha sa aking balikat. Narinig ko rin ang pag-hikbi nya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. “Patawarin mo ako Colby..” Sabi nya habang umiiyak sabay hawak sa mga kamay ko. Kinabahan ako lalo, parang anytime mahihimatay ako sa sobrang kaba.


“B-bakit ka humihingi ng tawad?!” Pagtatanong ko sa kanya.


“Sa lahat, lahat Colby. Patawad sa mga nagawa ko sayong paninira dati. Masyado akong na-inlove sa boyfriend mo. Masyado akong na-obsessed dahilan upang masaktan kita at magkaruon kayo ng mga alitan. Aaminin ko, lahat ng yun ay sinadya ko dahil hindi pa mulat ang isip ko noon. Masyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko kay Xander. Colby, patawarin mo ko..” Sabi nya habang umiiyak. Napakalakas ng pagiyak nya dahilan upang makaramdam ako ng awa. Kung yun lang ang problema, wala na sa akin yun. Madali lang naman sa akin ang magpawad dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman nagwagi si Trina noon na ma-agaw ang boyfriend ko. Pero.. “Patawarin mo ko Colby, dahil sa ngayon, hindi ko alam kung maari pa ba kayong magmahalan..” Dagdag nya. Napatulala ako sa sinabi ni Trina.


“A-anong ibig m-mong s-sabihin?” Na-uutal kong tanong sa kanya.


“Colby, buntis ako at..” Umiiyak nyang sabi. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sana hindi.. sana mali ang iniisip ko.. “si Xander ang ama..”


Pakiramdam ko ay nagsi-pigtalan ang mga litid ko sa buong katawan sa narinig. Para akong binagsakan ang isang malaking bulldozer sa sinabi ni Trina. A-ano daw? Tama ba ang narinig ko? Buntis siya?! At si bes ang ama?!


“Anong sabi mo?” Pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa aking mga mata. Hindi sya kumibo. Umiiyak lang sya at tila hiyang hiya sa sinabi nya. “ANONG SINABI MO?!!! ULITIN MO NGA TRINA??!”


“Colby, humanahon ka..” Pag-awat sa akin ni Trina. Marahil ay natakot sya sa inasta ko. “Umupo ka Colby, ipapaliwanag ko. Huminahon ka please?” Sabi nya. Umiiyak sya at ganun din ako. Magkahalong kaba at galit ang nararamdaman ko ngayon.


“Colby, noong mga oras na problemado kayo ni Xander may nangyari sa aming dalawa. Tatlong araw bago ang play namin noon nang nalasing sya sa bahay ng classmate namin. Doon ko pinilit na may mangyari sa amin at may nangyari nga.” Pagsisiwalat ni Trina. Parang natulala ako sa mga nalaman. Parang sa isang iglap, nag-blackout ako. Walang luhang tumutulo sa labas ngunit sa palagay ko ay wala namang patid ang pag-iyak ng puso ko. Parang tinatangalan ako ng puso at kaluluwa sa mga sinisiwalat nya. Masakit. Sobrang sakit. 


“Akala ko, nakapag-take ako ng pills ng gabing yun. Hindi ko namalayan dahil lasing na din ako Colby. Masaya akong umuwi sa bahay noon sa pagaakalang may nangyari nga sa amin ngunit alam ko sa sarili kong hindi ako mabubutis sapagkat akala ko ay uminom ako ng pills. Ngunit noong hagilapin ko ang gamit ko, walang bawas ang pills ko. At doon na akong simulang nangamba na baka may mabuo ngang bata sa sinapupunan ko. Lumipas ang dalawang linggo ngunit walang kahit akong senyales sa akin ng pagdadalang tao, kaya naman nagpakapanatag ako. Akala ko Colby, walang ma-bubuo dahil ang tagal ko bago dinatnan ng mga senyales, hanggang sa mag-delay ang buwanang dalaw ko at magsimula na akong maduwal. Colby, unang-una sa lahat ay ayoko mabuntis, alam ng daddy ko maganda ang records ko since high school kaya isang malaking pag-sisisi ang nagawa ko.” Pagsisiwalat pa ni Trina, para akong dahan-dahang pinupunit sa mga naririnig ko. Shit! Bakit Xander? Bakit mo ginawa sa akin to?! “Colby, noong isang linggo ko lang nalaman na dalawang buwan na akong nagdadalang tao, ayaw ko na sanang ituloy ang pagbubuntis at ipapalaglag ko na lang sana ang bata ngunit nakita ni daddy ang Pregnancy test ko sa kwarto ko. Dahilan upang malaman nya ang lahat at..” Lumakas pa lalo ang pag-iyak nya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ngunit ang puso’t isip ko ay kanina pa nabubugbog at nasasaktan sa bawat salita na binibigkas nya. 


“Gusto ni daddy na pakasalan ko daw si Xander. Ayaw ni daddy na lumaki ang magiging apo nya na walang kinikilalang ama, kaya sa ayaw at sa gusto ko daw papakasalan ko daw si Xander..”
Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Masakit. Sobrang sakit ng mga naririnig ko mula kay Trina. Shit! Bakit?!!!!! Bakit nagawa sa akin to ni Xander. Ang buong akala ko ay mahal na mahal nya ako ngunit bakit nya nagawang magtaksil?! Bakit?!


Umiiyak pa rin ako, hindi makapaniwala sa mga narinig. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng pangarap ko. Parang sa isang sandaling pagkakataon ay biglang hinugot ang puso ko sa narinig. Nalilito kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi ni Trina, ngunit bakit ko pa kailangang mailto? Nandyaan na ang ebidensya oh? Ang pagpapatunay ng pagtataksil nya sa akin. Ang magiging anak nila ni Trina.


“Paano mo mapapatunayan yang sinasabi mo? Paano Trina?!” Pasigaw kong sabi. Marahil ay nabalot ng takot si Trina sa reaksyon at sa pagsigaw ko kaya agad nyang inabot sa akin ang kanyang cellphone. Nilagay nya muna ito sa multimedia setting at laking gulat ko ng bigla nyang pinakita sa akin ang isang video na nagpapatunay ng kanilang pagtatalik ni Xander. Lasing si Xander sa video pero kitang-kita ang paglaban nito sa bawat aksyon na ginagawa ni Trina sa katawan nya. Nakakapanlumo. Napakasakit makita ng ginagawa nila. Pakiramdam ko ay sinasagaan ng isang malaking pison ang puso ko sa mga oras na yun.


“Sorry Colby. Patawarin mo ako. Kinuhaan ko yan noong lasing kami sa pag-aakalang walang mabubuong bata. Patawarin mo ko Col.. Splak!” Hindi nya na natuloy yung sinasabi nya. Nagdilim ang paningin ko. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang sakit at galit.


“Alam mo Trina, kung hindi ka lang sana malandi hindi mangyayari to. Kung nagpipigil ka lang sana ng kati ng katawan hindi sana aabot pa sa ganito!” Sabi ko sa kanya at binato ko sa kanya ang cellphone nya sabay takbo palayo. Tumakbo ako hanggang sa makalayo sa kanya. Tumakbo akong walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Akala ko hindi nya na ako sasaktan. Akala ko si Xander na ang taong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ngunit, bakit ganito ang nangyari? Bakit ang bilis nyang magpa-daig sa temptasyon. Wala rin pala syang pinagka-iba kay Tristan. They all of have one common objective to me, yan ay ang saktan ako.


Napadpad ako sa kung saan-saan. Hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Wala akong ibang dala sa mga oras na yun kundi ang sugatang sarili ko lang at ang suot ko.


Hanggang sa napadpad ako sa park kung saan kami madalas tumambay ni bes. Muli, hindi ko na naman napigilan ang pagdaloy ng luha ko. Naaalala ko kasi ang mga alalaala namin sa park na to, noong mag-bestfriend pa lang kami at ngayong naging magkasintahan na kami. Napakasakit malaman na makukulong na lang ang mga alalang yun dito, na kahit kalian ay maari nang mawala ang pagkakaibigan at ang pagmamahalan namin ni bes, kung hindi lang sana pumapel si Trina.


Naisip ko tuloy, paano kaya kung hindi kami umamin sa isa’t isa? Magiging ganito kaya? Masasaktan kaya ako ng ganito? May posibilidad kayang masira ang pagkakaibigan at ang pagmamahalan naming sa isa’t isa kung nagkagayon. Natural, hindi. Dahil in the first place alam naming wala kaming karapatan sa isa’t isa kung nagkagayon, ngunit sa kaso namin ngayon committed kami sa isa’t isa. Yun ang mas masakit, committed nga kami sa isa’t isa, actually more than committed pero kailangan naming mag-desisyon dahil sa mga nangyayari.


Wala pa ring patid ang pagluha ko. Ang sakit sakit kasing isipin na dadating pala kami sa pagkakataong masasaktan kami. Hindi naman kasi to simpleng tampuhan lang, isang klase ng problema kung saan kailangan kong magparaya para sa kapakanan ng magiging anak ng taong mahal ko.


Siguro, hindi magiging sobrang masakit sa akin kung sa kaibigan ko o kahit sa ibang babaeng hindi ko kilala ang mabuntis ni Xander e. Ngunit, sa taong inapakapakan ako, nilait, at ilang beses ding inagaw sa akin ang taong mahal ko, napakasakit. Pakiramdam ko kasi ay sobrang talo ako sa laban to the point na pinamukha sa akin ng taong mahal ko na “Pinili ko na sya, at ito ang matibay na ebidensya na magpapatunay..” sa harap ko mismo upang mapahiya ako.


At dahil dyan, nabuo sa isipan ko ang isang ideya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong desisyon. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dito. Hindi ko alam kung may masasaktan ba sa gagawin kong desisyon. Ngunit, itutuloy ko – para sa pagmamahal ko kay Xander.



Xander’s Point of View:


Kinabukasan matapos ang date namin ni Colby. Agad-agad ko syang tinawagan. Kinakabahan kasi ako, kagabi pa sya hindi nagte-text o sumasagot sa mga tawag ko. Hindi naman ganito si bes. Usually, isang tawag ko lang ay sumasagot na ito, siguro ay napagod kaya nakatulog agad – ayaw ko magpaka-paranoid.
Tinawagan ko ng tinawagan si bes ngunit walang sumasagot sa akin. Ring lang ng ring ang linya nya. 


Nagaalala ako, ano kayang nangyari kay bes? Kagabi pa sya walang text at tawag. Nag-text ako sa kanya na kung pwede ba akong pumunta sa kanila ngayon dahil ang sabi nya sa akin ay may pupuntahan daw sila ng mommy nya kinabuksan. Naghintay ako. Isang oras, dalawang oras ngunit wala pa rin akong natatangap na reply.


Lumipas ang tanghali ngunit wala pa ring reply o sumasagot sa cellphone ni Colby. Lalo tuloy akong nag-alala. Hindi ganito si bes, usually kapag busy sya ay sinasabi nya agad upang hindi ako mag-alala.
Magaalas-4 na ng hapon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Excited kong kinuha ang cellphone ko sa pagaakalang si bes na ang tumawag, ngunit laking gulat ko noong si Trina pala ang tumawag.


Ayaw ko sanang sagutin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sigurado kung may nangyari ba sa amin ni Trina noong gabing yun ngunit isang kabastusan naman kung hahayaan ko lang mag-hintay si Trina sa tawag ko. Kaya labag man sa kalooban ko ay sinagot ko ang tawag nya.


“Hello?” Pambungad ko.


“Goodafternoon Xander. Ahm? Pwede ba tayo magkita ngayon?” Pagtatanong nya. Parang may iba sa boses nya. Hindi katulad ng dati. Hindi yung Trina na may pagka-seductive ang boses. Yung narinig kong boses sa phone ay iba, isang boses na mistulang may pagmamakaawa. Nakakakilabot!


“Ahhh. Ehh.. busy kasi ako ngayon Trina e..” Pagtangi ko sa kanya ngunit..


“Sige na Xander please? May dapat ka lang malaman.. Please?” Pagmamakaawa nya. Crack ang boses nya sa pagkakarinig ko. Parang kakagaling lang sa pag-iyak. Bakit naman kaya? Kinabahan ako. Hindi kaya? 
Hindi kaya totoo ang mga agam-agam ko? Wag naman sana.


Pinagpasyahan naming magkita sa isang park malapit sa kanilang subdivision. Habang naglalakbay ako. Hindi ko maiwang ma-bothered. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Nasa isip ko pa rin kasi ang mga maaring posibilidad kung bakit nais ni Trina na magusap kami. Kung bakit ganun na lang kalungkot ang tono ng boses nya. Natatakot. Kinakabahan. Pakiramdam ko ay may mali, may mangyayaring masama. Hind mani ako 
sigurado pero yun ang naiisip at nararamdaman ko sa ngayon.


Nakarating na ako sa park na sinasabi ni Trina. Tahimik ang park at halos may iilang tao lang ang nandun. Ang ilan ay umaalis na dahil sa makulimlim na panahon. Nakita kong nakaupo si Trina sa isang tumbang puno, malayo sa mga tao. Nakasuot sya ng kulay pink na blouse na aabot hanggang sa kanyang hita.


“Xander..” Bungad sa akin ni Trina. Napansin kong tumaba si Trina ngunit kapansin pansin din ang pagka-puyat sa kanyang mukha. Parang may mali kay Trina. Hindi na rin sya yung Trina na mapagmataas, parang bigla na lang sya nanging mahinhin. Parang may mali sa kanya, parang may kulang at yun ang aalamin ko. 

“Upo ka..” Utos nya.


Umupo naman ako sa tabi nya.


Colby’s Point of View:


Kinabuksan, nagising ako ng parang wala lang. Parang wala akong energy gawin ang lahat ng bagay. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Xander –kung gaano kasakit ang mga nalaman ko mula kay Trina.
Masakit. Oo paulit-ulit na ako pero heto talaga ang nararamdaman ko. Mas masakit pa sa nararamdaman ko noong nakita ko si Tristan at si Rafael. Sa ngayon kasi, may naging bunga ang ginawang pagtataksil ni Xander, alam kong mahal nya ako ngunit ang hindi ko malamang dahlian ay kung bakit kailangan nyang gawin yun. Hindi pa ba sya kuntento sa akin? Binigay ko naman ang lahat ng pagmamahal ko ah? Is giving my all is not enough?!


Sa umagang yun, wala akong ibang ginawa kung hindi mag-mukmok. Umiyak ng umiyak. Yan lang ang tanging nagiging paraan ko upang mapanatag kahit kaunti ang aking kalooban.
Kinahapunan, napagdesisyunan kong pumunta sandali sa isang park na minsang nadaanan namin nila mommy.  Maganda yung park na yun dahil kakaunti ang taong nagpupunta doon. Payapa at kung nanaisin mong ipahinga ang sarili mo maari kang pumunta dun.


Habang naglalakad-lakad ako sa park ay hindi ko inaakalang may makikita akong makakapagpasama pa ng nararamdaman ko sa ngayon. Nakita ko si Xander at si Trina na magkasama. Napahawak na lang ako bibig ko. Tears started to fell down. Masakit. Naguusap sila ng casual lang. Mas lalo tuloy dumami ang katanungan sa aking isip. Nagtataksil ba talaga sa akin si Xander? Dito ba sila patagong nagkikita? Alam na ba ni Xander ang lahat ng sinabi sa akin ni Trina? Bakit imbis na ako ang puntahan nya ako dahil kahapon pa ako hindi nagpaparamdam sa kanya ay si Trina pa ang inuna nyang pinuntahan? Lahat ng yan ay hindi klaro sa akin, pero sa nakita ko, isa lang ang masasabi ko. Masakit.


Napatakbo na lang ako. Pinilit kong hindi makita ni Xander. Ayoko syang hiyain o awayin dito sa park. Hanggang sa nakarating ako isang sa tingin ko ay parke rin kung saan may kauting kalayuan sa kinaroroonan nila Xander. Tahimik dito at may iilan lang mga tao. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Gusto kong mapagisa upang makapagisip isip sa mga kasagutan ng tanong ko.


Xander’s Point of View:


“Anong kailangan mo Trina? Ah, oo nga pala. Lilipat na rin pala ako sa ibang section sa 2nd year..” Pagbasag ko sa katahimikan. Ngunit, hindi ito sumagot at laking gulat ko bigla na lang syang himikbi at lumuha. “Bakit ka umiiyak Trina?” Tanong ko. Hindi pa rin sya tumigil at hindi nya pa rin sinagot ang tanong ko. “Gusto ko lang ng katahimikan Trina, nagagalit sa akin si Colby. Masyado na syang nasasaktan kapag nakikita nyang magkasama tayo. Kaya pagpasensyahan mo na Trina, mahal ko lang si Colby..” Tumingin ito sa akin, yung tingin na nakakatakot in way na parang may masamang impact yun sa kanya.


“Xander. Sorry..” Ang maikli nyang sambit. Lumakas pa ang paghagulgol nya.


“Sorry para saan?” Nagtataka kong tanong.


“Sorry sa lahat. Sorry kung masyado kong nasaktan si Colby noon. Sorry kung naapakapakan ko ang pagkatao nya. Siguro ay masyado lang akong na-obsessed sayo. Minahal kasi kita Xander kahit alam kong hindi mo naman ito susuklian dahil may mahal ka na. Dahil sa nararamdaman ko para sayo, nakagawa ako ng mga bagay na alam kong ikakasira nyo, ngunit dahil sa lakas ng pagmamahal nyo, nagawa kong gumawa ng bagay na akala ko ay tama. Pagpasensyahan mo na Xander.” Kinilabutan ako, ano ang ibig sabihin ni Trina?!


“What do you mean?” Gulat kong sabi.


Laking gulat ko ng inabot sa akin ni Trina ang tatlong Pregnancy Test mula sa kanyang bag. Laking gulat ko makita ko ang tatlong pregnancy test na may dalawang guhit bawat isa. Lalo akong kinabahan. Kinilabutan. Natatakot na baka totoo ang lahat ng kinatatakutan ko simula noong magising ako sa bahay ng kaklase ko na wala akong saplot. Shit! Tang ina.


“Xander, buntis ako at ikaw ang ama.”


Colby’s Point of View:


Umupo ako saisang bench ng parkeng yun at saka doon umiyak. Bakit ba ganito? Bakit ba kung kalian okay na ang lahat saka pa ako nasasaktan ng ganito? Ang tanging pangarap ko lang naman noon ay ang magkaroon ng taong matatangap ako sa kabila ng kung sino ako at kung ano ang itsura ko e. Pinagkaloob nga sya sa akin ngunit bakit tila binabawi sya sa akin ng kapalaran? Ang sakit naman ata na ibigay sayo ang isang taong alam mong mahal mo at mahal na mahal ka tapos biglang babawiin lang sa isang iglap, at ang mas masakit pa ay maaring hindi ko na sya makasama pa dahil maaring may gusto na rin sya kay Trina – kaya nga may nangyari na sa kanila di ba? At nagbunga na ang lahat ng yun.


Hindi sinasadyang matagpuan ng mata ko ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad-24 na taong gulang na. Bata pa sila kung titignan, parehas gwapo at parang mga professionals na kung manamit. Ngunit sa kabila ng kanilang pormal na pananamit laking gulat ko na nandun sila sa manong na nagbebenta ng fishballs at gulaman, masayang kumain, nagtatawanan, sweet. Para silang mag-kasintahan.


Agad naman akong nakaramdam ng kaunting ingit, parang kahapon lang kasi ay ganyan na ganyan pa kami ni Xander. Masaya at hindi alintana ang mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid. Ngunit ngayon, iba na. At alam ko, sooner or later mawawala na ang mga ganung pagkakataon, masakit? Sobra!


Napansin kong papalapit ang dalawang lalaki sa kinauupuan ko. Noong nakita nila akong nakaupo dun, parang nadismaya ang kanilang reaksyon pero parehas pa rin silang nakangiti.


“Sayang naman may nauna sa atin dun..” Sabi ng lalaki doon sa isa pang lalaki. Magkawahak sila ng kamay. Siguro nga ay talagang magkasintahan sila.


“Hayaan mo na Andre. Hindi naman siguro alam ni Kuya na doon tayo uupo di ba?” Sabi ng isa pang lalaki sa kasama nya. “Tara dito muna tayo, intayin na lang siguro nating mabakante yun..” Dagdag pa ng lalaki.
Naka-tapat sila sa akin. Ang sweet sweet nilang dalawa. Syempre, matinding ingit ang nararamdaman ko sa ngayon. Sana andito din ang Xander ko. Sana hindi na lang nangyari sa amin to.


Napansin kong napatigil ang dalawang lalaki sa usapan nila. Napansin kong napako ang tingin sa akin noong isang lalaki. Pinagmasdan nya ako ng matagal. May binulong sya doon sa isang lalaki. Napatango naman yung isang lalaki at laking gulat ko ng biglang lumapit sa akin yung isang lalaki. Yung tumingin sa akin ng matagal, di ko lang alam kung bakit nya ako tinitigan. Parang na-amaze sya sa nakita nya. Pero, umiiyak ako tapos na-amaze?


Umupo sya sa tabi ko at nag-abot ng isang panyo.


“Hmmm, hello. Ako nga pala si Ryan..”



- I T U T U L O Y


42 comments:

  1. BAKIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (with matching wala and basag pinggan and baso and kalat everywhere punit kurtina sipa mesa hablot damit suntok lola)

    ANONG NANGYARIIIIIIIIIIII

    ReplyDelete
  2. Wawa nmn si colby.. Kaso mapagisip nmn kagad. Di muna pag-explainin si xander.

    Kilala ko di drie at ryan ahh. minahal ni bestfriend lang galing. Nasabit pa sila sa story. Hahahaha.

    ReplyDelete
  3. Gosh.... Andre and Ryan.... Ang couple na una kong iniyakan.... Huhubelz

    ReplyDelete
  4. YUNG! ANG SAKEEET!! OUTS OUTS OUTS!! huhuhu. -_- MAAYOS YAN! YEAH! I BELIEVE. MAAAYOS YAN!

    -Aliiyluujaahhh

    ReplyDelete
  5. san nga palang story sina andre at ryan???,., sa sobrang rami ko ng nabasa nakalimutan ko na halos mga pangalan nila,.,hahaha., bwisit kng trina ka,.,haha kawawa nman si colby,.,

    ReplyDelete
  6. Nye! last 3 chapters na lang? sana sulit yung dalawa pang natitira, parang bitin kasi kung last 3 na lang, baka parang minadali at ipinilit ang kalabasan. sana yung mas malaman.

    nway, thank you sa update.

    ReplyDelete
  7. Daming park medyo naguluhan ako sa takbo ng story kalat...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Park na napagkitaan ni Colby kay Xander ay may malapit na park po dun kung saan naupo si Colby :)

      Delete
  8. BWISIT N TRINA YAN GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR
    iiyak n nmn ako huhuhu. sana maayos. salmat s update. writer mwa <3

    ReplyDelete
  9. hayyyyyyy ka bwisit talaga yang trinang yan panira ng love

    ReplyDelete
  10. my Gwad andyan pala si favorite!!! Go Ryan
    para kay Colby ta Xander hahaha!

    ReplyDelete
  11. My Gawd!!! andyan pala si Favorite! Ryan go!!! para kay Colby at Xander hahaha

    ReplyDelete
  12. Wooh! Ryan and Andre! WOOTNESS. Sana next is Aki/Renz and Kyle from LSI. :D

    ReplyDelete
  13. Update for next chapter we're are u na?

    ReplyDelete
  14. Nasaan na ang chapter 13? Pls pls post na po tnx

    ReplyDelete
  15. Pls post na po ang chapter 13 pls pls pls pls update na po.

    ReplyDelete
  16. 2014 NA PO hope may chapter 13 na pls. Post na po pls. Salamat

    ReplyDelete
  17. Ouch.sana maupdate na :))

    ReplyDelete
  18. eh ilang bwan na mr. author? asan na yung update? sayang naman dalawang chapter nalang eh..... sana kung magupdate ka man habaan muna at dagdagan? haha :)

    ReplyDelete
  19. Pare-pareho ng storya, kung hinde nakabuntis namatay. Tapos ibibitin hanggang sa mawala. Tinamad yong author (LOL)

    ReplyDelete
  20. This is an entrapment. Si net up si Xander ng kanyang classmates. Pero hinde niya kasalanan. Ang choice na lang niya ay pakasalan si Trina and make her life miserable at ito ang magiging worst nightmare niya para makabawi si Xander.

    ReplyDelete
  21. Masyadong magulo ang storyang ito puro drama.

    ReplyDelete
  22. Referring to Anony @ 12:05pm . This happened in real life sa States, nagdemanda iyong nabuntis, kolehiyala iyong babae ayaw noong lalake dahil may GF na siya. Natalo iyong nabuntis. And they are both Filipinos. This case was Entrapment.

    ReplyDelete
  23. Author - suggestn: Mag move on na lang si Colby. Let him reunite with Tristan. Xander panagutan mo si Trina. Happy ending! evryone is happy tapos ang storya. (Lol)

    ReplyDelete
  24. Last year pa pala ito. Hinde na ito masusundan. Ha-ha-ha !

    ReplyDelete
  25. Bakit karamihan sa mga stories sa M2M, LGBT, continue ang ist four chapters, tapos wala nang kasunod. Siguro huwag na lang magbasa. May contribution nga sila, kahit sabihin nilang libre, baliwala din.

    ReplyDelete
  26. Haiz. Asan na kaya si author? 2 chapters nalang dun pa nawala.... Last year ko pa inaantay kasunod neto eh.

    ReplyDelete
  27. Hi guys! Nyeniel here :)
    Una una sa lahat gusto ko muna po sana mag-sorry for being inactive :(
    Sobrang naging busy lang po talaga sa system subject namin sa school, gumagawa na po kasi kami ng software and documentations na prerequisite ng thesis :( Plus, wala pa po akong magamit na laptop sa school para magsulat kasi PC ang gamit ko sa bahay. Kaya I'm very sorry :(
    Another, hindi na rin po ako pwede magpost here sa blog dahil naging inactive ako. And humihingi po ako ng tawad para dito, kasalanan ko po.
    Anyway, tapos na po ang 318 (MSATL), nasa wattpad ko po (Username: Nyeniel) Pinagisa ko na lang po yung last two chapters.
    Again, pasensya na po :( sisikapin ko po muling makabalik sa blog. Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasend nman po ako nung last two chapters. maghihintay po ako. vanronald.bactad@gmail.com-jan mo po isend, salamat po!

      Delete
  28. Ang pangit ng ending minadali ni author. One year nga naman siyang hindi nakapagproduce, kaya tinapos niya agad. Tingnan nyo sa wattpad

    ReplyDelete
  29. Sinabe mo. Nabasa ko din sa wattpad. yong ending unfair yong ginawa ni author kay Colby ... baka nirelay nya sa kanyang buhay na panay panloloko sa lovelife nya. Kawawa naman. Not too late Mr author find yourself a GIRL instead. Pag lalake ang gugustuhin mo lolokohin ka lang. Siguro ikaw si Colby

    ReplyDelete
  30. Colby if ur.real .... get urself a MAMA!! with boobs & pussy. You're still young be a like a MAN !! bro not a cowardice cry baby. Be TOUGH!!

    ReplyDelete
  31. Dont waste ur time to another man. You need a PUSSY! Magpakalalake ka nga!!

    ReplyDelete
  32. Bro magpakalalake ka nga! Madami ng Baklang pinoy kasama na si P-noynoy. You need yourself a Woman, a Girl like what Anons said, a PUSSY!!! OK! -Dick Head Jr.

    ReplyDelete
  33. Tama na yang mga kabaklaan na yan! Colby magpakalalake ka nga! Pati ikaw Neil na author magsulat ka nga ng matino, puro abnormal itong mga storya mo, kadire!

    ReplyDelete
  34. Neil masarap magmahal pag bebot. Nasa langit ka, huwag lalake masagwa! Kiki ang kailangan mo. Hinde ka pa maloloko. Kalimutan mo na yong pasts mo gumanap na Tristan at Xander walang mmagandang resulta pag M2M. Kawaawa ka lang!

    ReplyDelete
  35. Sina Tristan at Xander masahol pa sila sa Bakla. Lalake din ang hahanapin nila hanggang sa madeadbol ng AIDS, mga manloloko kasi. Burat at tamod din ang hahanapin nila. Ha-ha-ha

    ReplyDelete
  36. No doubt about it! Kapag ang nag aatempt na brusko at palagay nilang Masculine sila or 'He' man ang attitude na may jowang lalake, Bakla or Bisexual din sila kahit na nagkaroon or may karanasan previously kahit na marami silang nakantot na babae. Homo pa rin ang category nila, like Xander at Tristan. Magpapaiyot din sila sa puwet nila.

    ReplyDelete
  37. Kay lang ba ang next chapter dito. Ang tagal na eh?

    ReplyDelete
  38. Ndi ko po makita ang next chapter :( bakit?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails