Followers

Wednesday, November 6, 2013

'Untouchable' Chapter 8

Hi! Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta. Naiinspire ako magsulat, seeing all your comments. I really appreciate that.

Siya nga pala, gusto kong humingi ng pasensya dahil baka matagalan ang susunod na update. Pasukan ko na kasi bukas, and kasalukuyan akong may writer's block. Pero tatapusin ko 'to. Promise 'yan. I hope you understand.


Anyway, here's chapter 8!

Happy Reading! :)

--


Chapter 8: Finally

4:40.

Still no sign of Caleb.

“Dapat talaga hindi ako naniwala!” inis na inis kong sabi sa sarili. Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa labas ng building namin para sa kanya, ngunit kahit isang senyales man lang ng presensya niya ay wala akong nasagap. I should’ve known na isa na naman ito sa mga paraan niya para inisin ako. Pinaasa niya akong susunduin niya ako, ngunit in reality, paghihintayin lamang niya ako para sa wala. Ganoon na lang ba katindi ang galit niya sa akin para gawin iyon? Damn, napaka-immature niyang talaga.

Biglang nagring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen ko ay nakita kong si Selah ang tumatawag. Dali-dali ko itong sinagot. “Hello, Kuya. Magkasama na ba kayo ni Caleb?” tanong niya. Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa. Shit, more than 30 minutes na akong naghihintay dito. Look, if your brother even dared—“ irita kong pagsisimula ngunit pinutol niya ako. “Ugh. Typical of my Kuya. For sure pupunta ‘yan. I basically threatened him na sunduin ka. To make up for everything he’s done.” sabi niya. “Eh bakit wala pa siya? Tatawagan ko na si Manong Elmer. Rush hour na, mahihirapan na akong umuwi niyan.” naiinis ko pa ring sagot sa kanya. “Kuya, I’m so sorry... if he did ditch you, I’ll talk to him, okay? Pero wait for him a little while, baka natraffic lang. Pag nagsorry siya, pahirapan mo ha. Make him beg!” paghihingi niya ng pasensya. ”Sure. Bye.” walang gana kong sabi sa kanya.

Haaaaay, buhay. Dapat ko na sigurong pag-isipan ang plano kong umalis sa bahay at magsarili. Seeing na kahit lahat ng paghihirap ko, kasama ang pag-aalaga sa kanya nang magkasakit siya ay ni hindi man lang nakapagpalambot ng loob niya enough to even say a “Thank you.”... ewan, nakakawalang-gana. Wala na akong panahon na makipagplastikan sa kanya. I guess I should give him the satisfaction of never seeing me again, of not ruining their ‘perfect’ family.

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na asul na Honda Civic na unti-unting pumreno sa pwesto ko. Bumaba ang isa sa mga bintana nito at nasilayan ko ang mukha ni Caleb. Tila natigilan ako sa ayos niya. Naka-taas ang buhok nito, at nakasuot ng shades, and for the first time in ages—wala akong nakitang simangot sa mukha niya na siyang ikinataka ko. Hindi siya nakangiti, pero masasabi ko na walang inis akong nakita sa kanya. Ngunit pilit kong binura ang mga bagay na iyon mula sa aking isipan at padabog na naglakad papunta sa kotse. Nang makapasok na ako ay isinara ko ang pinto at itinuon ang pansin ko sa daan, ni hindi ko man lang siya pinansin at hinayaan siyang magmaneho na lamang ng kotse pauwi ng bahay.

Katahimikan.

Nakarating kami ng EDSA na wala ni isa sa amin ang nagsasalita, na siyang ikinainis ko. Kung iniisip niyang mato-touch ako sa pagsundo niya sa akin at papatawarin ko siya agad-agad ay nagkakamali siya. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Selah na pahirapan ko si Caleb—if that would even work. I have every right to do this. If he plans to patch things with me tonight, I’d gladly forgive him—though hindi ko gagawing madali iyon para sa kanya. Impyerno ang buhay ko sa bahay na iyon dahil sa kanya, kaya may karapatan naman siguro akong pahirapan siya kahit kaunti.

“Gabe...” pagsisimula niya. “It’s Gab.” irita kong balik sa kanya. Napansin ko naman na parang nahiya siya at lalong kinabahan, which I find quite amusing to be honest. “Uh, sorry I was late. I had this emergency meet—“ “Tapos na. Nasundo mo na ako. End of story.” matalim kong tugon, na siyang ikinagulat ko ng lubusan. Naalala ko ang ganitong epekto ng tonong ito sa mga kasama ko noong high school. Pucha, hindi na nakakapagtakang takot sila lahat sa akin. Nevertheless, ginamit ko ito to my advantage.

Napabuntong-hininga siya at ibinaling ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. “Look, Gab... that wasn’t intentional. Hindi ko gusto ang nangyari, knowing that sobrang gago ko na sa’yo.” malaman niyang sabi na siyang ikinagulat ko, ngunit hindi ako nagpatinag. He sighed again. “It’s getting late. Siguro dapat maghapunan na tayo. Saan mo ba gusto?” tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot, at imbes ay binunot ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko at nagkunwaring nagtetext, which earned me another sigh from him.

Alam kong masama itong ginagawa ko, pero alam kong tama lang iyon para sa kanya.

--

“Of all places, talagang dito niya ako dinala?” hindi ko makapaniwalang tanong sa sarili ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng Yellow Cab, nakaupo ako sa isang table, habang siya nama’y nasa harap ng counter upang umorder. Habang nasa loob ng restaurant ay hindi ko maiwasang hindi maalala ang kapalpakang nangyari dahil sa pasta nila na nagresulta sa pinakamatinding komprontasyon sa pagitan namin ni Caleb. Kaya siguro I find this really, really amusing and annoying at the same time. Parang kasing nananadya siya, sa pamamagitan ng pagdala sa akin dito. For God’s sake, napakaraming restaurants sa paligid, at ito ang pinili niya!

Nakita ko na lamang siya na umupo sa harapan ko, at gaya ng inaasahan, natulala na naman ako. Hindi ko ikakailang gwapo talaga si Caleb, at sa masuring tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon... lalo pa siyang nagiging attractive sa akin. Napailing ako sa loob-loob ko sa mga bagay na naiisip ko.

Mali ito. Gab, kapatid mo ‘yan!, pagsuway ko.

Nakabibinging katahimikan.

“Okay... I’m sorry.” seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, breaking the silence.

“Whooo. There, I said it.” pagbuntong-hininga niya, tila may nabunot na tinik mula sa lalamunan niya. Sa pagkarinig ko ng mga salitang dapat dati pa niya sinabi, hindi ko pwedeng ikaila na mayroon akong naramdaman na pagkabawas ng bigat mula sa sistema ko. Ngunit hindi ko siya binigyan ng satisfaction na maging madali ito para sa kanya. Hindi ko siya sinagot at imbes ay wala akong ni isang salita na sinabi.

“Gab, please notice me. Kanina ka pa walang kibo.” nag-aalalang pahayag niya, at natatawa man na ako sa loob-loob ko, ay pinagpatuloy ko pa rin ang blankong ekspresyon ng mukha ko. “Okay, I’m sorry for being an asshole, for being a dick to you. Ngayon ko lang narealize na sobrang sama ko na pala sa’yo. It’s really eating me alive, Gab.” hinaing niya sa akin. Tiningnan ko siya at nagsalita. “Buti naman at narealize mo na ‘yan.” plain kong tugon, na siyang lalong nakapagpa-aligaga sa kanya. Sasagot na sana siya, ngunit naputol iyon nang biglang i-serve ng isang waiter ang pizza at... spaghetti and meatballs?! Wow, talagang nananadya nga talaga ito. Lalo akong nainis.

“Nang sunduin mo ako, alagaan, at bantayan noong nilagnat ako kagabi, that’s when I realized how bad I’ve been treating you. Sobrang nako-konsensya na ako, Gab. Please forgive me. I swear, I’ll be a better brother.” pagmamakaawa niya. I found it nice, sweet even.

Nagulat na lamang ako sa susunod niyang ginawa.

“Forgive me, Gab.” sabi niya bago niya buhusan ang sarili niya ng pasta. “The fuck, Caleb?! Ano ‘yan?!” bulalas ko, biglang-bigla sa nangyari. “I feel I deserve this, Gab. Sobra kitang inaway dahil sa lintik na pasta na nagmantsa sa damit ko. Hindi iyon big deal, pero ginawa ko pa rin iyong dahilan upang saktan ka pa... I deserve this.” sabi niya na parang normal na bagay lamang iyon. Nakita kong pinagtitinginan siya ng mga iba pang tao na kasama namin sa loob.

“HAHAHA!” at hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong natawa. Napaka-spontaneous at matapang pala nitong si Caleb para gawin niya ito, and knowing that his gesture is directed to me, I can’t help but smile at the thought. “Okay, okay! Forgiven! Hindi mo na kailangang gawin ‘yan!” pahayag ko. “Really?” at tila nagliwanag ang mukha niya sa naging pahayag ko. Tinanguan ko na lamang siya bilang tugon. “Pero magbihis ka muna. At umorder ka na lang ulit ng bagong pasta. Sayang hahaha.” pahayag ko na siya namang sinunod niya agad.

Napailing na lamang ako ng wala sa oras dahil sa takbo ng mga pangyayari.

--
“I guess we should start over, Gab.” nakangiting pahayag sa akin ni Caleb pagkabihis niya. Nangunot ang noo ko, dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari kahit naiintindihan ko ang sinasabi niya. “Hi, Gab. I’m Caleb Augustus Tan, 19 years old. At! Akalain mo, kapatid mo ako!” inosenteng pagpapakilala ni Caleb sa sarili niya na siyang nakapagpatawa sa akin. “Mukha kang timang.” pambabara ko sa kanya. “Ikaw, kuya? Ano pong pangalan niyo?” sabi niya, na parang hindi man lang siya natinag sa pambabara ko.

“Seryoso ka ba?” hindi ko pa rin makapaniwalang tanong sa kanya. Ngunit hindi ko ikakailang natutuwa ako, dahil for once nakita ko na rin ang playful side niya. At ang mas nakakatuwa pa ay directed sa akin ang atensyon niya ngayon. Tiningnan lamang niya ako bilang sagot, naghihintay sa magiging tugon ko. “Ako si... Gabriel Tan, 18.” pinilit kong masabi iyon ng hindi natatawa. Ngumiti naman siya at inilahad ang kamay niya. “Nice to meet you, bro.”

“Likewise... and Caleb?” sabi ko, gamit ang seryosong tono. “Yep?” ngiting balik niya. “Sorry about what I said... about your dad wanting to look for me—“ tila naalarma naman siya at pinutol niya agad ang pagsasalaysay ko. “Oh, no no! I understand. Masyado akong naging harsh sa iyo. Naiintindihan ko na nabigla ka lang. Kung mayroon man sa ating dalawa na dapat humingi ng sorry, ako lang iyon. No worries.” pahayag niya bago ako suklian ng isang matamis na ngiti.
“Thanks.” iyon na lamang ang naisagot ko.

Niyaya niya akong kumain at matapos noon ay agad-agad na kaming umuwi dahil malapit ng mag alas otso.

--

Gab.

Paakyat ako galing kusina namin papunta sa kwarto ni Caleb upang maghanda ng matulog. Tuwing naalala ko kung paano kami nagkasundo ay napapangiti talaga ako. The moment matapos ang dinner namin ay tila nawala na lahat ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. Natutuwa akong makita siya na nakangiti at magcrack ng jokes. Ngunit ang pinakakinatuwa ko ay ang effort niya upang ma-settle lahat ng issues sa pagitan namin. Ramdam ko ang sincerity niyang makipagbati sa akin.

“… itigil na natin ito. Ayoko ng lumaki itong gulo na ito.” papasok na sana ako ng kwarto niya nang marinig ko siyang may kausap sa telepono. Base sa tono niya ay halatang kinakabahan ito. Hindi ko ugaling manghimasok sa private matters ng ibang mga tao, ngunit sa pagkakataong ito ay sadyang na-curious ako. Ano nga kaya ang nangyayari kay Caleb?

“What? Wait! Itigil mo na ‘yan! Hoy! Fuck, binabaan ako.” inis na pahayag niya. Pinagmasdan ko siya mula sa uwang ng pintuan, at nakita kong tulala lamang siya. Kung anuman ang napag-usapan nila ng kung sinumang kausap niya ay siguradong importanteng bagay iyon. Sinubukan kong alisin ang narinig at nakita ko mula sa aking isipan, dahil alam kong wala akong karapatang manghimasok sa kung anuman iyon.

“Hey.” bungad ko sa kanya pagbukas ko ng pintuan niya. Nagtaka naman ako, dahil gulat na gulat ito at ‘di mapakali. Palipat-lipat ang tingin niya sa magkabilang gilid ng kwarto na parang nagpa-panic ito. “H-hey, kanina ka pa diyan?” nauutal na tanong niya. Halata sa kanya ang kaba. Malamang siguro ay may kinalaman ang kausap niya sa cellphone sa ganitong ayos niya. Ngunit gaya nga ng sabi ko ay hindi ako manghihimasok sa kung anuman iyon.

“Ngayon lang. Mukhang hindi ka mapakali. Ayos ka lang ba?” concerned kong tanong sa kanya. “Oh, nothing. Nothing. Sit down.” sabi niya bago tapikin ang spot ng kama sa tabi niya. Umupo ako sa kama niya at tinabihan siya.

“So... tell me about yourself.” normal niyang pahayag na siyang ikinataka ko, dahil kanina pa siya sa restaurant nagtatanong ng kung anu-ano tungkol sa akin at malamang nakilala na niya ako. Bakit niya ulit ako tatanungin ng mga bagay tungkol sa sarili ko? Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin na siyang nakuha niya. “Oh, wait... let me rephrase that. Hmmm, ano bang mga pangarap mo sa buhay?” tanong niya, at sa oras na iyon ay kitang-kita ko sa kanya na interesadong-interesado siya sa magiging sagot ko. Medyo nakakailang ang atensyon na kasalukuyang ibinibigay niya sa akin, ngunit hindi ako nagpahalata at nag-isip ng maisasagot sa tanong niya.

“Pangarap... simple lang, eh. Hindi ko alam kung ano ba talaga gusto ko maging professionally, pero sa tingin ko hindi na importante iyon. Gusto ko lang na... alam mo iyon? May stable job, at may kasama sa buhay through my ups and downs. Masaya na ako doon.” pahayag ko. Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya. Wala siyang naisagot kaya naman naisip ko na baka iniisip niyang wala akong balak umasenso dahil sa naging sagot ko, kaya naman pinabulaanan ko iyon. “Don’t get me wrong. I want to—“ ngunit pinutol niya ang sinasabi ko.

“No, I get you... that’s quite nice actually. Simple lang, walang arte. Ganiyan din ang gusto ko. Settle down with the one I love, have a family to take care of... that’s nice, Gab.” nakangiting komento niya. Napaisip naman ako sa naging sagot niya, particularly doon sa sinabi niya tungkol sa kagustuhan niyang makasama ang taong mahal niya. Hindi ko maiwasang maisip na magiging maswerte kung sinuman ang taong iyon. Mabait naman pala kasi siya, maalalahanin, gwapo... Okay, dapat itigil ko na ‘to.

“Dapat sana kasama ‘yung pag-aalaga ko kay mama... but haha, here we are.” mapait kong dagdag. “Wala ka na ba talagang balak na bumalik sa kanya? Not that I want to you to leave, but... basta! Alam kong gets mo ‘yung tanong ko.” tanong niya. “I don’t know. Ang alam ko lang, dadating din ako sa point na iyan, kung saan dapat harapin ko ulit siya... but as of now, hindi ko muna iyon iniisip.” sagot ko sa kanya.

“You’re a strong one, aren’t you?” si Caleb.

“Hindi. I’ve been through a lot. Mukha lang akong matatag, dahil siguro sanay na ako sa mga pagsubok sa buhay.”

“No, really. Nakikita ko iyon.”

“Talaga?”

Tumango siya.

“Uhm, thanks.” nahihiya kong pagpapasalamat.

Katahimikan.

“Out of curiosity. I hope you don’t find this offensive, but... how does this bisexual thing work?” nahihiyang tanong niya. “Hmmm, siguro paraan ko lang iyon para bigyan ng label ‘yung sarili ko. Kasi since I can remember, isang beses lang naman ako na-inlove sa lalaki, and hindi na naulit iyon. Ngayon, I’m still attracted to girls, but ang pinagkaiba lang is mas open na ako sa possibility na magkaroon ng relationship sa isang guy... haha, malamang naiilang ka na ngayon.” paliwanag ko.

“Hindi naman... well, at least I know you a lot more. Ano pa ba? Ah! Virgin ka pa ba?” natatawa niyang pahayag.

Natigilan naman ako sa biglaang tanong niya. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa pisngi ko na siyang ikinainis ko. “Ahh... hindi na.” bulong ko. “Whoa. Haha, paano ‘yung first time mo? Kailan?” sunud-sunod niyang tanong. Parang ginaganahan na siya sa nagiging takbo ng usapan namin. “Talaga bang dapat kong ikwento?” naiilang kong tanong. “Sus! Pareho naman tayong lalaki, at saka kapatid naman kita.” sagot niya.

“Uhm, ‘yung girlfriend ko 4th year ako. Ayun, she was the first.” sabi ko, ramdam pa rin ang pamumula sa mga pisngi ko. “I-ikaw?” tanong ko bago ko pa napigilan ang sarili ko. Tiningnan ko siya at nagtaka ako nang mapatawa siya ng mapait. “Actually... oo. Wala pa akong experience, kasi as much as possible... okay, as cheesy and as unmasculine as it may sound, gusto ko kasi ‘yung unang beses ko sa taong mahal ko talaga. That way, sa kanya ko lang mararanasan iyon. My first and last, ganoon ba.” malaman niyang pahayag bago niya kamutin ang batok niya. “Nakakahiya. I shouldn’t have said that.” dagdag niya.

“No... that’s actually nice. That’s really something.” sagot ko. Sa totoo niyan, ay napahanga ako sa sagot niya.

“Really?” paniniguro niya.

“Yeah.”

Katahimikan.

“Whooo, okay. I think dapat matulog na tayo, Gab. Sige na. Good night!” ngiting pahayag niya matapos ang nakabibinging katahimikan. “Okay.” ang tanging sagot ko lamang sa kanya bago tumayo papunta sa comforter ko sa harap ng kama ko. “Uhm, Gab?” narinig kong tanong niya bago pa ako makaupo para humiga. Tiningnan ko lamang siya. “Pwede mo akong tabihan. Okay lang sa akin. Malaki naman ‘yung kama ko... baka kasi nahihirapan ka diyan.” alok niya matapos patayin ang ilaw ng kwarto.

“Ah... hindi na. Kaya ko na. Sanay na ako.” pagtanggi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko dahil sa naging alok niya. “Sure ka?” paniniguro niya. Tumango na lamang ako sinabihan siya na huwag na akong alalahanin. “Well then... Good night, Gab. Seriously, maraming salamat para sa araw na ‘to.” pahayag niya.

“Good night rin.” sagot ko.

Hindi ko talaga kayang makatabi siya, pero bakit?


--

Itutuloy...

7 comments:

  1. Incest!haha.san 'di sila magkapatid.

    ---gerv

    ReplyDelete
  2. ayan, nagkasundo narin kayo sa wakas. ang hina mo nmn Gab, pagkakataon mo ng mayakap ang kapatid mo, tinanggihan mopa n makatabi s pagtulog. malay mo gusto karin nya hehe! or baka dina ko magtaka baka gusto rin ni Caleb yung kapitbahay nyo.

    bharu

    ReplyDelete
  3. Yaaaay! Sa wakas bagong update! Wala akong masasabi sa ganda ng takbo ng mga pangyayari sa story na to! One of a kind. Sobrang galing. Every time I read a new chapter lagi siyang tumatatak sa kin. Keep it up!

    Tsaka okay lang na medyo ma-delay yung updates, pero please wag sobrang tagal. Lagi ko kasi siyang inaabangan.

    ReplyDelete
  4. Tagal kong hinintay to. Galing mo talaga mr. Author. Sana maovercome mo yang writer's block agad para may update na. Hehe.. more power!

    ReplyDelete
  5. Well we'll thanks sa update buti naman magkasundo na sila but wait ibsmell someyhing fishy? I hope I'm wrong kasi mas okay na kung magiging ayos sila. And selah is she really being nice or trying to do something pero I doubt it mabait sia and nagmana sia sa mam nia ang cute nila magkakapatid tas baka bi din sia or naguguluhan lang din sia. :-) :-) at sino kaya kausap ni caleb yung bang x nia? :-) :-) uhm oo ay pasok na nga uhm gaano naman katagal? Baka naman pumuti na buhok namin. Nakakpagod din maghintay. :-) :-) hehe thanks again

    ReplyDelete
  6. Hmmn. Ang bilis ng phasing. Hehe. Something different kay caleb. Pero good job author. Palaisipan. Thanks.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails