Followers

Thursday, November 21, 2013

DATI 16


by aparadorprince

https://www.facebook.com/aparadorprince
aparadorprince.blogspot.com

Author's Note:
Tsk tsk. Yun lang. Ang gulo na ng sitwasyon...

DATI 16

Arran woke up to the sound of his alarm, and remembers he’s in Robert’s place. He untangled himself from the other guy’s embrace and sat on the bed. He slept soundly last night, and maybe it was because Robert was beside him.

Tiningnan niya ang cellphone niya, there were no text messages but four missed calls from Biboy. Hindi niya na-check ang phone niya nang ibalik ito ni Robert kagabi. He’d probably call Biboy after his shift. Arran felt Robert move. “Good morning, Arran.” He smiled at the guy lying on the bed. “Good morning din.”

Robert hugged Arran’s torso, “Do you really have to go to work today?” he said, pouting. Arran didn’t want to leave especially now that he likes being in Robert’s room, in Robert’s arms. It was last night when he realized he loves Robert, not because he was thinking about Biboy.

Arran loves him simply because he was Robert.

He just has to tell Biboy that they should probably stay as good friends once they meet.

Hindi naman ikinakaila ni Arran na minsan din niyang naisip na maaaring mahal niya si Biboy, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Robert. Tama nga si Ashley, love is not complicated - the people make it complicated instead.

Tumango lang si Arran kay Robert at ngumiti. “Yeah. Baka ma-terminate ako kapag hindi ako pumasok.” Sagot niya. Hinigpitan ni Robert ang pagyakap kay Arran, dahilan upang matumba ulit siya sa kama. “Hey, the printing press can provide for the both of us.” Suggestion nito. Natawa si Arran sa narinig, “Seryoso ka? It’s not like we’re gonna live together.” Sagot niya.

Ginulo lamang ni Robert ang kanyang buhok, “We will, my dear. Sooner or later.” Seryosong tugon nito. Pinamulahan naman ng mukha si Arran sa narinig, at tinakpan ng maliit na unan ang mukha ni Robert.

“I hope you can spare a couple of minutes for cuddling.” Narinig niyang sinabi ni Robert sa ilalim ng unan, and Arran responded with a tight hug. Maybe living together isn’t a bad idea after all. He could be comfortable with this set-up – waking beside Robert every morning.

Inalis ni Robert ang nakatakip na unan sa kanyang mukha, and planted a quick kiss on Arran’s lips. “I love you.” He said, holding Arran’s hand.

Tahimik lamang si Arran habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang kalapit. He touched Robert’s chin, going to his cheeks and down on his lips. Robert kissed Arran’s fingers gently. Sabay silang ngumiti.

“I love you too, Rob.” Arran finally said it. He started to think that someone’s gonna have a hard time going to work today.

                Biboy woke up with a nasty hangover. Hindi naman siya sanay uminom ngunit pinabayaan niya ang sarili na malunod sa alak noong nakaraang gabi. Agad niyang sinapo ang masakit na ulo, at tila masusuka pa rin siya. Agad siyang luminga-linga sa paligid at napansin na wala siya sa sariling condo. Kalapit niya ang isang maskuladong lalaki, topless at nakagreen na brief. Napakunot na lamang siya ng noo. Naisip niya na paboritong kulay din ni Ran-ran ang green, and he thought that the color suits his childhood friend’s skin color. Hindi lang niya naisip na bagay din pala ito sa mga moreno.

                Naalala ni Biboy na nakasama pala niya kagabi ang ex ni Ran-ran na si Uno, at marahil ay dinala siya nito sa sariling condo. Bumangon siya ngunit nahihilo pa rin siya sa dami ng beer na nainom niya. Iba na rin ang suot niyang damit, at ang kanyang T-shirt at pantalon ay nakasampay sa isang upuan malapit sa kama. Naaamoy pa rin niya ang alak sa kanyang katawan ngunit alam niyang pinunasan siya ni Uno bago palitan ng damit.

                Agad niyang tiningnan ang labas ng condo ni Uno, it was high. It was probably somewhere between the 20th and the 30th floor. Narinig ni Biboy ang malagong na boses ni Uno. “Hey, you’re up early.” Saad nito. Nakakunot pa ang noo at nasisilaw sa pagbukas ni Biboy ng blinds ng bintana.

                Isinara ni Biboy ang blinds ng bintana at hinarap ang kakagising na binata. “Yeah. Thanks for letting me crash here.” He said. Napansin niya na bumangon na si Uno mula sa kanyang pagkakadapa at nakita ang tent sa masikip na brief nito. Pinamulahan siya ng mukha at agad na iniwas ang tingin. “Wh-where’s the bathroom?” nauutal na tanong niya.

                Hindi naman napansin ni Uno ang reaksiyon ni Biboy. “Second door to the left, outside this room. Do you mind if I continue my sleep?” tanong pa nito ngunit mukhang hindi na rin naman mahalaga ang isasagot niya dahil nagtalukbong na ang binata ng kumot at agad na ipinikit ang mata. Dumirecho na si Biboy sa bathroom upang maligo at magpalit ng damit. Inabot siya ng dalawampung minuto sa paliligo at nang paglabas niya ay bumungad agad ang mukha ni Uno sa harap niya. Naghihintay ito sa paglabas niya sa banyo, at agad na pumasok kahit hindi pa siya tuluyang nakakalabas.

                Lalo tuloy na-conscious si Biboy sa nakita kaya nagpasya siyang lumabas na at tumungo sa sala ng condo. Ilang minuto pa ay lumabas na si Uno at nakasuot na ng boxer shorts – much to Biboy’s relief. Dumirecho si Uno sa kusina upang mag-init ng tubig at magtimpla ng kape, at malaon ay ibinigay ito kay Biboy bago umupo sa isang sofa katapat ng inuupuan ng bisita. Nagpasalamat naman ang huli at tinanggap ang kape.

“So, sinabi mo kagabi na niloko na nung Robert na ka-date ni Arran?” tanong agad ni Uno matapos humigop ng mainit na kape. He felt a bit nauseous but it was tolerable. Tumango lamang si Biboy, at nakaramdam ng galit para kay Robert. A deep desire for revenge. Ikinuwento ni Biboy ang nangyari kay Uno, at tila naiintindihan na ng huli kung bakit tila naaasar si Biboy sa nangyari sa kanya. “That’s why I need your help, Uno.”

                Kumunot naman ang noo ni Uno. “Me? Why? How?” sunod-sunod na tanong nito. Biboy smiled as a plan forms in his mind. “Not now, but soon I’ll be needing your help. I’ll just fill you in with the details soon.” He simply said. Hindi man tuluyang naiintindihan ni Uno ay tumango na lamang ito bilang sang-ayon. Naisip lamang niya na habang abala si Biboy sa pag-ganti sa sinasabi niyang Robert, ay magkakaroon na siya ng pagkakataon na agawin si Arran mula sa dalawang karibal niya. He just has to wait for the perfect time to arrive.

                “You know,” pasimula ni Uno. Agad naman siyang tiningnan ni Biboy, curious about what he has to say.

                Ngumiti muna si Uno bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “You’re the first guy who went here that I didn’t sleep with.” Dugtong nito. Napakunot naman ng noo si Biboy sa sinabi ng binata.

                “And you’re actually proud of it? You didn’t take me home for a booty call.”

                Humigop muna si Uno ng kape bago siya nagsalita. “And you might have slept on the pavement if I didn’t take you home.” He said. Hindi na lamang umimik si Biboy dahil medyo napipikon din siya sa ka-preskuhan ng mokong, although he admits he’s really a gorgeous piece of meat. No wonder a lot of guys wants to nibble on that…

                Biglang napatigil si Biboy sa pag-iisip. What am I thinking, he thought. Mas mabuti pa nga yata siguro na sa kalye sya natulog kagabi.

                Tinapos na lamang ni Biboy ang pag-inom ng kape at nagpaalam na kay Uno. Inihatid siya nito hanggang sa labas ng pinto ngunit nagtaka si Biboy dahil pamilyar sa kanya ang corridor ng condo. He let out a laugh when he realized it.

                “We live in the same building.” He said, chuckling. Uno was still puzzled as to why Biboy is laughing. “You live here too?” he asked.

                “Obviously. Pareho nga ng building di’ba?” Biboy sarcastically answered before started walking. He realized Uno may be ogle-worthy, but he’s definitely not the brightest bulb in the Christmas tree. “Bye Uno.” He said.

Biboy’s unit is in the 8th floor, while Uno stays in the 26th. Binuksan ni Biboy ang pinto ng kanyang unit, agad na nagpalit ng damit at natulog. He needs rest first, before telling Ran-ran about Robert’s nasty little secret.

Pumasok naman si Arran sa opisina kahit na patuloy lang ang pagpapacute ni Robert na manatili sa kama niya. Wala naman masyadong ginawa sa shift nila dahil bihira lamang ang calls kapag umaga, at dahil natapos na niya ang ilan pang reports na dapat niyang gawin. Agad siyang umuwi matapos ang kanyang shift ngunit sa paglalakad niya ay napansin niya ang kotse ni Biboy na nakaparada sa labas ng bahay nila. Napakunot ng bahagya ang kanyang noo, at tumungo sa loob ng bahay nila.

Nasa sala si Ashley at nanunuod ng TV. Hindi nito napansin si Arran na pumasok ng bahay. “Hey Ash.” Bati nito sa kapatid. Agad namang lumingon ang dalaga at ngumiti. “Hi kuya. How was your date with Robert?” tanong nito.

“It was great. I guess you’re right, kilala ko na ang dapat kong piliin.” He shyly admitted. Ashley squealed loudly when she heard his brother say it. “OMG kuya, I’m so happy for you.” Saad nito.

“Thanks.” Sagot naman ni Arran bago umupo sa isang malapit na single-seater. Itinuwid naman ni Ashley ang mga paa sa sofa at pinatay ang TV. “Pero alam mo ba, kuya Biboy went here yesterday. He said you texted him to go to Enchanted Kingdom.” Tanong nito.

Napakunot ang noo bigla ni Arran sa narinig. Nakalimutan niya ang kanyang cellphone sa Laguna, at hindi naman niya hilig ang magpunta sa amusement park at sumakay ng rides. He might really have to talk to Biboy soon.

And that ‘soon’ came knocking on their door five minutes after. Arran opened the door and saw Biboy there. His face is a little flushed, mukhang lasing kagabi at kakarecover lang sa hangover.

“Hey, come in.” Arran said, ngunit hindi nagsalita si Biboy. Bagkus ay iniabot ang kanyang cellphone na may laman na mga text message.

Ran-ran (Received Sunday, 8:32 PM):
I had fun today. Can we meet tomorrow night?

(Reply sent Sunday, 8:39 PM):
Yeah, sure. Where do you wanna go?

Ran-ran (Received Sunday, 8:41 PM):
Enchanted Kingdom.

“I waited for you last night, Ran-ran. I waited for five hours, thinking you’d come but Ashley said you went on a date with Robert.” Biboy said, downcast. Arran felt guilty, although he knew he didn’t text him those messages.

“Naiwanan ko yung phone ko sa Laguna noong umuwi tayo. I’m sorry Biboy. I didn’t mean it, I swear.”

Tiningnan siya ni Biboy, hurt showing in his eyes. “So you’re saying that Robert texted these messages? Para ano, para lituhin ako at masolo ka? Well I guess his plan succeeded, right?” Saad nito. Hindi naman masagot ni Arran ang tanong sa kanya ng kababata dahil alam niya na ang date nila ni Robert kagabi ang naging dahilan upang masagot niya ang mga tanong sa sarili. Upang malaman niya na si Robert nga ang mahal nito.

But how could Robert do such an act of trickery?

‘I’m leaving now, Ran-ran. I just dropped by to get my car, and show this to you. At kung si Robert na nga ang pinili mo, make sure you’re happy…” sagot nito, starting to walk away. Tila napako naman si Arran sa kinatatayuan nito, unsure of what to say.

“…because you’ve both became happy at my expense.” Biboy finished his sentence before finally trodding off to his car.

Ilang minuto na ang nakalipas mula nang makaalis ang sasakyan ni Biboy ngunit nanatili lamang si Arran na nakatayo sa harap ng kanilang bahay. He just couldn’t understand why Robert did it. Bakit niya tinext si Biboy gamit ang cellphone niya upang lokohin na magpunta sa ibang lugar?

Lumapit naman si Ashley at tinapik ang balikat ng kapatid. “Kuya, are you okay?” tanong nito. Even Ashley had a clue as to what happened last night, although she didn’t want to jump to conclusions too.

“Well Ash, I’d say my happiness was short-lived.” Maikli niyang tugon. Kailangan niyang puntahan si Robert upang liwanagin ang mga bagay-bagay. Mahal nga niya si mokong, ngunit paano naman ang ginawa niyang panlilinlang kay Biboy?

“Go talk to kuya Robert. That’s your best bet.” Ang tanging nasabi ni Ashley bago ito umakyat sa kanyang kwarto. Tumayo na si Arran at nagsimulang magbihis. Robert really has a lot of explaining to do.

Hindi naman mapigilan ni Biboy na mapangiti sa naging takbo ng mga pangyayari kanina. He purposedly didn’t make himself presentable enough, para mas kapani-paniwala ang gagawin niyang pagsisiwalat ng katotohanan sa kababata.

Biboy knew he was the aggrieved party, but he felt like he’s losing the game to Robert that’s why he had to resort to his own tactics as well. Robert is evil, and there was no way in hell he would just succumb to that bastard. Biboy knew he was scheming and manipulative, and that may put him ahead of Robert.

Hindi lang niya maiwasan na ma-guilty dahil naiipit sa sitwasyon nilang tatlo si Ran-ran. Ayaw niyang nasasaktan ang kanyang kababata – ang taong unang minahal niya. Pero wala na siyang ibang magagawa kundi tuluyang sirain si Robert sa paningin ni Ran-ran, upang makuha niya ang loob ng kababata.

Halos maiyak naman si Arran habang nagmamaneho patungo sa Legarda. Hindi niya maisip na kayang gawin iyon ni Robert. Kahit hindi naman siya ang direktang nasaktan sa ginawa niyang panloloko, ay nasaktan naman ang kanyang kababatang si Biboy. Although he admits he just wants him and Biboy to be friends, it doesn’t mean na hindi niya ipagtatanggol ito.

Above all, he just wants to hear Robert’s side as to why he tricked Biboy.

Pumarada na si Arran sa tapat ng inuupahang apartment ni Robert at bumusina bago patayin ang makina. Sumilip naman si Robert sa bintana at nang makitang si Arran iyon ay agad na niyang alam ang nais sabihin ng binata.

Robert is still unsure if Arran will forgive him, but he’s hoping he will. Alam niya na magagalit ang taong mahal niya dahil sa ginawa niyang panloloko, ngunit wala na siyang makitang ibang paraan para mas mapalapit ang loob ni Arran sa kanya. Ayaw niyang mawala ito sa kanya.

Ngunit sa ginawa niya, mukhang mangyayari nga yata ang kinakatatakutan niya.

                Pinagbuksan ni Robert ng pinto si Arran, and saw his eyes almost bursting with tears. Agad niya itong pinapasok sa loob, at akmang yayakapin nang itinulak siya ng binata. Iniabot ni Arran ang kanyang cellphone, na naglalaman ng forwarded messages mula kay Biboy. Hindi naman ito kinuha ni Robert, dahil alam na niya ang laman nito. Dahil siya ang nagpadala ng mga mensahe.

                “Let me explain…” pasimula ni Robert but it was no use. Arran’s tears started flowing, although not the hysterical kind.

                “You sh-should.” Sagot naman ni Arran habang pinupunasan ang luha niya. Umupo siya sa isang malapit na stool at tiningnan si Robert. “Why did you trick Biboy?”

                “I…” Robert stammered. Gusto niyang ipaliwanag na hindi niya matatanggap kung sakaling bumalik lang si Arran kay Biboy, that would leave him crushed and defeated. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya knowing that Arran belongs to someone else. Gusto niyang ipaliwanag na nais niyang makasama si Arran araw-araw, kahit habangbuhay na. Gusto niyang gumising sa tabi nito tuwing umaga, gawin ang mga bagay kasama siya. Bumuo ng magagandang ala-ala kasama ang taong mahal niya.

                Instead, Robert’s throat felt dry. “I just don’t want to lose you, Arran.”

                “Dammit Robert! I thought you made it clear that you’re ahead of this game? Desperado lang ang gagawa ng ganun!” ang hindi mapigilang bulalas ni Arran. Lalo lamang umapaw ang luha sa mata niya, at kahit na anong pilit na pang-aalo ni Robert ay agad lamang niya itong itinutulak.

Patuloy na nagsalita si Arran. “Akala ko matalino ka.. I thought you’d be able to know that I’m falling for you.. Apparently, hindi rin pala – kasi nagawa mo pang lokohin si Biboy para lang magkaroon ako ng oras para sa’yo?”

                “Y- you don’t understand. Ang hirap ng sitwasyon ko…”

                “And you think madali lang ang sa akin? Do you think I’d go prancing around the fields knowing that there are two guys chasing me?!”

                In a parallel universe, tumawa na ng malakas si Robert sa narinig mula kay Arran. Bigla niya kasing naalala ang The Sound of Music sa sinabi nito. Ngunit hindi, kahit na nakakatawa ang sinabi ni Arran ay hindi niya magawang tumawa. Dahil alam niyang hindi rin madali para kay Arran ang sitwasyon. Tumayo na si Arran at akmang palabas ng bahay.

                “Arran, know that I only did that because I love you…” ang tanging nabanggit ni Robert. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili na mapaluha sa nangyayari. He expected that a confrontation would happen, but not this extreme. Lalong hindi ngayon na naranasan na niya ang pagiging masaya sa piling ni Arran kaninang umaga lamang.

                “Pag-isipan mong mabuti ang ginawa mo, Robert. Then tell me if that’s something you’d do because you love someone.” Sagot ni Arran bago tuluyang isinara ang pinto ng bahay.

                Naiwanan si Robert na nakatayo sa loob ng bahay. I did that because I love you, Robert thought. He just felt it wasn’t enough reason to win Arran back. I did that because I love you. He felt like there was no other way. I did that because I love you. Robert thought it could make Arran finally realize that he loves him, and not his childhood friend. Apparently, he realized that even before. He just did a terrible mistake that might change things for the worse.


                I did that because I love you, patuloy na pag-iisip ni Robert kahit na ilang minuto na ang nakakaraan mula nang makaalis si Arran.

13 comments:

  1. Where's chapter 15? :( -dilos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakapost na po. Check mo yung Archive ng Dati, andun lahat ng links. Sorry sa mix-up :)

      Delete
    2. Ayos! :) As usual, kilig pero sad. Team Biboy e. :(

      Delete
  2. ayan na nga ba sinasabi ko. Ano nayon ang napala mo rob? kundi isang malaking NGANGA! Bagay na bagay talaga sayo ang bansag ko sayo na rob. haha! nakakainis ka rob, hindi ka kasi lumaban ng patas. Ikaw na pla ang pipiliin, gumawa kapa ng kalokohan. Sabagay ganyan talaga pag nagmamahal. pero hindi sa ganyang paraan, nakakainis kaya ang ganyang laro. Kung ako sayo arran dimo nlang sana pinuntahan at kinausap si rob. Pwede mo nmng tawagan, at pinakita mopa talaga na sobra kang apektado at umiiyak pa. ibig bang sabihin nun, nawalan na ng saysay yung sinabi mong i love you kay rob?

    Nakakatawa naman, iisa lang pala yung condo na tinutuluyan nila biboy ar uno. Anjan na uli si unoporsiento, magiging magulo lalo silang 4. kya ayan 3 na silang maguunahan kay arran. Masaya to. haha.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha 0309 salamat sa comment. Lagot talaga si Robert sa ginawa nya
      Hay nakoooo haha :)

      Delete
  3. Mejo naguluhan ako but thanks sa archive nabasa ko ung lost chapter :)))

    Basta team Robert pa rin !

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Raffy, oo nga naging magulo tuloy. Kainis kasi nadelete ko yung original na post ng part 14. LOL :)

      Team Robert pa rin ba? Weee. Salamat sa pagbabasa

      Delete
  4. Kahit anong mangyari team robert pa rin ako!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala sige hardname iturbo mo yan. Haha :) thanks sa comment

      Delete
  5. That was a big mistake. Ugh...

    waiting for the next chapter. :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  6. Hi coffee prince. Posted na ang part 17.

    Nako sana nga magawan ng solusyon ni robert yung problemang ginawa nya. Hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails