Followers

Sunday, November 17, 2013

DATI 15


by aparadorprince

https://www.facebook.com/aparadorprince
aparadorprince.blogspot.com

DATI 15

Maagang umuwi si Arran matapos ang kanyang shift sa opisina dahil tinapos niya agad ang kanyang mga reports noong nakaraang linggo. Nakatulog siya bandang ala-una ng hapon ngunit ginising siya ng mahihinang katok sa kanyang pinto matapos ang limang oras. Si Ashley na naman ang narinig niya pagkatapos. “Kuya, may bisita ka.”

Nagkukusot pa siya ng mata nang bumaba siya mula sa kwarto. Nakaupo sa sala si Robert. Nakaputing polo shirt, blue jeans at puting sneakers. Nakapatong sa hita niya ang isang black dinner jacket.“Hey, bumisita ka.” Mahinang sabi ni Arran, bahagyang nasisilaw sa liwanag ng ilaw sa sala. Ngumiti lang si Robert, he’s in a better mood than yesterday. “I was wondering if we can go out today.” Sagot nito.

Napaisip si Arran, ngunit dahil nakatulog na rin naman siya ay pumayag na rin siya sa alok ni mokong. “I guess. Where are we going, then?” tanong niya habang inaayos ang kanyang buhok. Tumawa lang si Robert at ginulo pa lalo ang buhok niya. “Basta, ako na ang bahala.”

Tumango lang si Arran at nagbihis. Si Robert ang nagdrive gamit ang kanyang kotse. Dinala nito si Arran sa isang magandang restaurant sa Makati. Namangha si Arran dahil sa classic pieces na nasa loob ng restaurant, may ilan ding mga customer ang naroon at kumakain.

Arran felt underdressed for this date. He was wearing a black shirt, jeans and sneakers while almost all other customers are dressed up. Robert gave an assuring tap on his shoulder when he felt Arran being uneasy. “Trust me, you look better than all of the guys combined.” He said.

Ngumiti lamang si Arran at nagsimula na silang maglakad patungo sa kanilang mesa. Umorder si Robert ng steak at red wine para sa kanilang dalawa. “So, what’s the occasion?” tanong ni Arran matapos nilang mag-toast.

Umiling si Robert. “Wala naman, I just wanted to go out on a date with you.” He said. Agad siyang uminom ng wine. He felt nervous, not just because Arran was with him, but also because of other reasons. Robert thought he could just deal with the repercussions later. He just has to enjoy this date with Arran, because that’s all that matters to him.

Naputol na ang pag-iisip ni Robert nang magsimulang magtanong si Arran tungkol sa construction ng printing press niya sa Maynila. Masaya naman siyang nagkwento tungkol sa progress nito, ngunit hindi pa rin niya tuluyang maialis sa isipan ang isang bagay.

Samantala, masaya namang naghihintay si Biboy sa labas ng Enchanted Kingdom at may dala pa siyang bouquet ng bulaklak para sa kababata. Cheesy man tingnan, ngunit wala na siyang ibang maisip na maibibigay kay Ran-ran. Halos dalawampung minuto na siyang naghihintay sa labas nang magsimula na siyang mag-alala para sa kababata. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit cannot be reached ang kanyang cellphone. Napagpasyahan na lamang niyang i-text ito.

Hey Ran-ran, I’m here in EK na. Please reply once you read this message. Take care J

Nagbuntong-hininga siya matapos i-send ang message. Nasaan na ba si Ran-ran?

Robert and Arran just finished their meal, and continued talking about random stuff that. Arran was really amazed with how well-conversed Robert was. He was knowledgeable with politics, current events, and even conspiracy theories. Arran liked to read and know more about conspiracies, especially if it is about aliens. At mukhang nagkakasundo pa sila ni Robert tungkol dito. Ngunit napapansin ni Arran na bigla-biglang parang nagiging balisa si Robert habang nag-uusap sila, tapos ay nagiging masigla ulit siya. He wondered if something was on Robert’s mind right now.

                Robert excused himself to go to the john, and left Arran on their table. Nagtataka man si Arran sa kakatwang ikinikilos ni Robert ay hinayaan niya lamang ito.

                Nang marating ni Robert ang restroom ay tiningnan niya agad ang cellphone ni Arran, at binura lahat ng messages na dumarating na nanggagaling kay Biboy. Alam niya na isang malaking kasalanan ang ginawa niya. But Robert was threatened that Biboy could finally get the chance to steal Arran once and for all, and there was no way in hell he would let that happen. Even if he had to resort to tricking Biboy.

                Siya ang nagtext kay Biboy upang pumunta sa Santa Rosa, only to ask Arran on a date while his childhood friend is in Laguna. He hopes that Arran would never find out about what he did, but he knows it’s wishing for the impossible. Right now, he just wants to be with the man he loves. Desperate times call for desperate measures, they say.

                Lumabas siya matapos na i-check ang cellphone ni Arran. Ngumiti lamang siya nang makitang nakaupo pa rin ang kanyang date sa kanilang mesa. Sandali pa silang nanatili sa restaurant bago nag-bill out.

                “Are we going home?” tanong ni Arran nang makalabas sila sa restaurant. Patungo sila sa kotse ni Robert. “Why, do you wanna go home?” tanong naman ni Robert.

                “Not exactly. How about coffee?” suhestiyon ni Arran. Tumango lamang si Robert at sumakay sa kotse. Arran was happy because this is the first time they went out on a real date. However, there was something weird with Robert’s actions, he thought. He just couldn’t lay a finger on it.

                Dalawang oras nang naghihintay si Biboy sa labas ng amusement park. Nakapangalumbaba na siya sa isang bench malapit sa entrance. Hindi pa rin sinasagot ni Ran-ran ang tawag niya, at lalo lang siyang nagwoworry dito. Nakalimutan ba niya na aalis kami ngayon? Naisip niya.

                Pero ang kababata niya ang nagyaya na pumunta dito, ngunit si Ran-ran pa ang wala hanggang ngayon. Nagbuntong hininga siya. Napagdesisyunan na lamang niya na maghintay pa ng limang minuto bago siya bumalik ng Maynila. Hindi pa siya nakakapunta sa amusement park na ito ngunit tila nawalan naman siya ng gana lalo kapag naiisip na mag-isa lamang siya rito. Kinuha niya muli ang cellphone at nagtext.

                Ran-ran, is there something wrong? I’ll go to your place in a bit. Please reply ASAP.

                Muling nangalumbaba si Biboy at patuloy na naghintay sa pagdating ng kababata.

                Matagal ding nanatili si Robert at Arran sa isang coffee shop malapit sa restaurant na pinuntahan nila, at patuloy ang kanilang kwentuhan tungkol sa conspiracy theories. May mga pagkakataon na tumititig si Robert sa mga mata nito kaya naman bigla niyang iniiwas ang tingin niya dahil nahihiya siya. Patuloy naman itong ginagawa ni mokong, na tila talagang sinusubukan siya.

                Muling nagpaalam si Robert na magpupunta sa restroom. Tumango lang si Arran, but he felt that something was not quite right with Robert. Although he’s enjoying his company, there was something that Rob isn’t telling him.

                Malapit nang mag-alas dose nang niyaya ni Robert na umalis na sila ni Arran sa coffee shop. Ang akala ni Arran ay ihahatid na siya ni Robert patungo sa kanyang bahay ngunit nagtaka siya nang dumirecho sila sa Legarda papunta sa apartment na tinutuluyan ni mokong.

                “I should go home, may pasok pa ako bukas.” Ang tanging nabanggit ni Arran nang naigarahe na ang kotse ni Robert.

                Umiling si Robert sa sinabi ng binata. “No. Sleep here tonight, I insist.” He said. Wala na namang nagawa si Arran kundi ang sumunod kay mokong. He didn’t want to ruin the evening.

                Pumasok sila sa loob ng apartment. Isang malinis na single-bedroom na unit ito, halatang hindi pinababayaan ni Robert. They removed their shoes and went inside the room. Pinahiram ni Robert si Arran ng mga damit niya, bago lumabas upang maghugas ng mukha at magsipilyo. Inihanda na rin niya ang spare na toothbrush na gagamitin ni Arran.

                Napasimangot si Arran matapos magbihis - isang maluwag na white sando at pink na boxers ang ipinahiram ni Robert. Hindi niya alam kung sinasadya ba ito ni mokong o talagang wala na itong ibang damit na maaaring ipahiram. Lumabas siya at nakita ang hinandang extra na toothbrush. Agad siyang nagtoothbrush habang nasa loob ng banyo si Robert. Habang nasa gitna siya ng pagsisipilyo ay lumabas ang binata mula sa banyo, at yumakap sa likod ni Arran. Na-conscious naman siya sa ginawa ni Robert, ngunit hindi niya magawang alisin ang bisig ng binata.

                “I miss you, Arran.” Ang sambit ni Robert habang isinandal pa ang ulo sa balikat niya. Hindi alam ni Arran ang sasabihin kay Robert kaya naman ipinagpatuloy na lamang niya ang pagsisipilyo. Kumalas din si Robert mula sa pagkakayakap at naglakad patungo sa kwarto. “Pasok ka na lang pagkatapos mo dyan.” Saad ni Robert bago tuluyang isara ang pinto.

                Agad namang tinapos ni Arran ang pagsisipilyo at pumasok sa kwarto ngunit nagulat na lamang siya nang hindi pa naisasara ang pinto ay agad na siyang sinalubong ng labi ni Robert. Niyakap pa siya nito upang mas mapalapit ang katawan nila sa isa’t isa. Arran was carried away by Robert’s passionate kiss as their lips locked for a while.

                Robert smiled after the kiss. “I miss you.”

                “Yeah, you just told me that earlier.” Arran rolled his eyes. Pumunta na siya sa kama. Mas maliit ito kumpara sa kama ni Robert sa probinsya ngunit magkakasya pa rin naman silang dalawa. Tumabi rin sa kanya si Robert matapos patayin ang ilaw at humiga sa kama. Pinilit ni Robert na ipatong ang ulo ni Arran sa kanyang braso at niyakap pagkatapos.

                “Arran, did you enjoy this night?” tanong ni Robert. Tumango lamang si Arran, at ginawaran ulit ni Robert ng isang masuyong halik. Although Arran felt guilty about what this date, he was still happy. However, there was one more thing that bothers him.

                “Rob, meron ka bang hindi sinasabi sa akin?” seryosong tanong ni Arran. He saw Robert’s expression change, as if he started worrying about something.

                “Uhm.. Yeah.. I..” Robert stuttered, which made Arran even more worried.

                “Just spill it out already.”

                Mayroong kinuha si Robert mula sa bulsa ng shorts niya. “You forgot your phone in Laguna.” Sabi niya habang iniaabot ang cellphone kay Arran. Tumawa naman ang huli sa kilos ni Robert. “Yun lang pala. Hindi ko din pala napansin na naiwanan ko sa Laguna.”

                Robert chuckled nervously. Here goes nothing, he thought. He wrapped Arran in his embrace and closed his eyes.

                “Sleep tight.” Mahinang saad ni Robert habang hinihigpitan ang yakap kay Arran. Yumakap din pabalik si Arran. “You too.”

                Ilang minuto pa ay narinig na niya ang payapang paghinga ni Arran. A bitter smile formed on Robert’s lips. “I hope you’d still choose me, even after what I did…” he silently muttered before planting a kiss on Arran’s forehead. He decided to seize this moment with Arran, especially that he’s unsure if this could happen again.

Ilang beses na nag-doorbell si Biboy bago siya pinagbuksan ng pinto ni Ashley. Halatang natutulog na ito, at naistorbo niya ang pagtulog ng dalaga. “Nandyan ba si Ran-ran?” agad na tanong nito, ngunit umiling lamang si Ashley. Pinapasok siya ng dalaga sa loob ng bahay at umupo sa sofa.

“Wala siya rito eh, umalis kasama si kuya Robert.” Sagot naman ni Ashley habang nagkukusot ng mata.

Tila nagulat naman si Biboy sa narinig. “Magkasama sila? But Ran-ran texted me saying that we’ll go to Enchanted Kingdom.”

Tumaas naman ang kilay ni Ashley. “Takot si Kuya sa mga rides sa amusement parks, so nakakapagtaka na gusto niyang magpunta doon. And now that you mentioned it, I never saw him use his phone today.”

May naiisip na si Biboy na maaaring nangyari kaya tila naging dehado siya sa set-up na ito. And Biboy never expected that this guy could cook up a plan utterly evil. He sighed with disappointment. “Malas.” He muttered.

                “Oh, sorry to hear that. But you know what, you might have been a little bit too late to show up.”

                “Exactly my thoughts, Ash.” Napangiti siya sa narinig. Ran-ran’s sister definitely grew up from that little baby when they were still kids. Hindi niya naisip na mabibigyan siya ng advice ng batang dati ay palaging laman ng day care center.

                “My brother can be rude at times, but he is certainly not a jerk. Hindi niya sinasadyang masaktan ka whatsoever. It’s just… geez, I don’t know.” Ashley tried to assure his brother’s friend, but even she could not understand what is happening right now.

Napabuntong-hininga si Biboy, “I guess we just have to know what really happened.”

                Tumango lang si Ashley sa narinig. “You know what, I would have freaked out if I was in your place, probably ripped the bastard’s head off.” She said, and suddenly burst out laughing.

                Tumawa din si Biboy sa tinuran ni Ashley. “Hey, that’s a bit too extreme. I need to talk to Ran-ran, maiinitindihan ko siya sigurado.” Saad nito. Lumapit ang dalaga at tinapik si Biboy sa balikat. “Balita ko may parada daw bukas.”

                Nagtaka naman siya, “Ha? Parada ng ano?”

                “Edi parada ng mga martir! Ang cheesy mo eh!” bulalas naman ni Ashley na ikinatawa lalo ng binata. He was feeling better. Hindi na siya sigurado kung dapat na niyang sukuan ang kababata.

“You are one crazy woman. Do you think Ran-ran and I are better off as friends?” nasabi nalang ni Biboy. Siguro nga mas mabuti nang manatili silang magkaibigan. Memories are definitely good to reminisce. Ngunit madalas din na ang mga pangarap mula sa kabataan ay suntok sa buwan kung matupad. Katulad ng pagiging astronaut niya, katulad ng pagiging reporter ni Ran-ran. Katulad ng ideya na mamahalin din siya ni Ran-ran ng higit pa sa isang kababata at kaibigan.

“I can’t decide for you, but let me tell you that my brother can be pain in the neck sometimes.” Pag-amin ni Ashley. Marami na silang napagdaanan, even at the cost of almost grappling. Wagas na sibling fight, kumbaga. He somehow felt sorry about Biboy, but there was definitely nothing that she could do but to console the guy.
Tumayo na si Biboy mula sa pagkakaupo sa sofa. “I better go, Ash. Thanks for letting me crash here for a while.”

                “That’s fine. Anything for a lovesick puppy like you. Ingat ka ha, last time my brother was heartbroken, his car kissed the wall of the parking lot. Nakakamatay ata ang sobrang pagmamahal lately.” Sagot naman ni Ashley, at tumayo na rin upang pagbuksan ng pinto si Biboy. “Ingat ka, kuya Biboy.” Nakangiti pang dugtong nito.

                Nagsimula namang maglakad si Biboy papunta sa kotse niya mula nang isinara ni Ash ang pinto ng bahay, agad niyang itinapon ang bouquet ng bulaklak sa malapit na trashcan. Ngunit imbes na sumakay  siya rito at magmaneho pauwi ay naupo lamang siya sa gilid ng kalsada. Kumuha siya ng isang beer na binili niya kanina mula sa mini-cooler sa trunk niya at nagsimulang uminom. Nanghihinayang talaga siya sa naudlot na romance nila ni Ran-ran. If only Robert did not show up in the picture, although he could not totally blame the guy.

Hindi lang niya maisip kung bakit kailangan pa ni Robert na linlangin siya upang masolo ang kababata. Unti-unti na niyang iniisip kung dapat na lamang ba niyang tigilan ang panliligaw kay Ran-ran, slowly sinking to the realization that he may not have a chance at him. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakaupo at umiinom nang mapansin siyang kotse na huminto at nagpark malapit sa kotse niya. May lumabas na isang lalaking six-footer, moreno at gym-fit. Gwapo, ngunit naisip niyang mukhang palikero. Douchebag archetype kumbaga. Nakapula itong polo shirt na hapit sa katawan niya, jeans at sneakers.

                Napatawa lang siya ng tahimik nang maglabas ang binata ng isang bouquet ng roses at isang box ng chocolates na nakalagay sa passenger seat. Palinga-linga ito at tila may hinahanap na bahay. Napansin si Biboy ng binata at lumapit dito. Ibinaba naman niya ang hawak niyang lata ng beer.

                “Pare, alam mo ba kung saan ang bahay ng mga Hatagami?” tanong ng binata sa kanya. Malagong ang boses nito, bedroom voice.

                Itinuro niya ang katapat na bahay. Akmang maglalakad na ang lalaki patungo sa bahay nang bigla siyang nagsalita. “Manliligaw ka ba ni Ashley?” tanong nito.

                “None of your business. I asked you a question, but that doesn’t mean you can fire some more like a deranged prosecutor.” The guy hissed at Biboy. Napasimangot naman ang huli sa inasta ng binata.

                “Fine. Kung si Ashley ang pakay mo, she’s there. Pero kung si Arran ang pagbibigyan mo ng bulaklak, huli ka na.” he retorted. Nakita niyang tila naguluhan naman ang kausap niya sa sinabi nito.

                “Yup, umalis siya. Kasama yung bago niyang boyfriend.”

                “Sino ka ba?” maangas na tanong naman ng binata sa kanya. Humarap na ito kay Biboy na nakakunot ang noo.

                “Biboy Hernandez, I’m Arran’s childhood friend. And he kinda dumped me.” Makili niyang pakilala. Dinampot niya ang lata ng beer at uminom. “And you’re too late, kung siya nga ang pakay mo. Ikaw, sino ka ba?” Pag-uulit nito.

                “Uno Rances, Arran’s ex. I will patch things up between us and I know he’ll go back to me.” Confident na sagot naman ng binatang si Uno. Napatawa ng malakas si Biboy sa narinig mula sa lalaki.

                “So you’re that jerk Ashley told me about. Yung nanloko at naging dahilan ng aksidente ni Arran?” tumatawang sagot ni Biboy. “If you weren’t stupid enough to fool around, hindi sana nakawala si Arran sa’yo. Hindi sana siya napunta sa iba.” Dugtong pa nito, at ipinagpatuloy ang pag-inom.

                Lalong nagdilim ang paningin ni Uno at akmang susugurin na si Biboy nang biglang nagsalita ulit ang binata. “I have a black belt in Karate. I could kick your ass anytime.” Warning nito. Agad namang tumigil si Uno sa pag-atake. Malaki man ang katawan niya ay aminado naman siyang dahil ito sa puspusang pagpunta sa gym. Isa pa, ayaw naman niyang mabasag ang mukha niya, lalo na at ito ang puhunan niya sa pagmomodel.

                “Pwede naman sigurong umupo din dyan sa pavement…” ang tanging naisagot ni Uno. Tumango lamang si Biboy habang umiinom ng beer, nakaubos na siya ng dalawang lata. “May beer ka pa ba dyan?” tanong pa nito.

                Kumuha si Biboy mula sa kanyang mini-cooler at nag-abot kay Uno ng isa. “Babayaran mo yan.”

                “I’m a model, I can pay you ten times if you want.” Mayabang na sagot ni Uno, ngunit hindi man lamang siya tiningnan ni Biboy.

                “And I don’t friggin’ care.”

                Nanahimik na lamang si Uno at nagsimulang buksan ang lata ng beer at uminom. Ilang saglit pa ay binuksan na din niya ang box ng Ferrero at kumain ng chocolate. Binuhat niya ang kahon at iniabot kay Biboy. Kumuha na rin ang huli ng isang piraso at kumain na rin.

“So I guess this is the pity party.” tanong ni Biboy matapos lunukin ang tsokolate.

                Tumango lang ng marahan si Uno habang lumalagok ng beer.

                May naisip namang plano si Biboy, at kakailanganin niya ang tulong ng ex ni Ran-ran para maisakatuparan ito.

                Nanatili lang ang dalawa sa gilid ng kalsada sa loob ng isang oras. Nakaubos na rin sila ng walong lata ng beer bago napagdesisyunang umuwi. Namumula na si Biboy nang tumayo, at medyo gumewang. “Oops!” malakas na sabi niya nang hindi niya ma-balance ang sarili. Hindi namalayan ni Biboy na napasobra na ang pag-inom niya, at agad naman siyang inalalayan ni Uno.

                “You know, Ran-ran could be mine.” Ang nasambit ni Biboy habang pasuray-suray sa paglalakad. Tinitingnan lang siya ni Uno. Mataas ang alcohol tolerance niya at alam niyang kaya pa niyang magdrive, ngunit nag-aalala siya sa lasing na kasama niya ngayon. Ayaw naman niyang siya na naman ang maging dahilan ng aksidente.

                Isinakay ni Uno si Biboy sa loob ng kanyang CRV at siniguradong naka-lock ang kotse ng lasing na binata. Kukunin nalang niya siguro ito bukas, kapag hindi na lasing si Biboy. Problema lang niya kung saan dadalhin si Biboy, maliban sa condo niya.

                Sumakay na si Uno sa kotse at pinaandar ito. Tiningnan niya si Biboy, nakapikit na ang mga mata nito at mahimbing na natutulog sa passenger seat. “I wish Arran was still mine too.” Uno silently muttered before starting to drive back to Ortigas. 

10 comments:

  1. patay kang bata ka rob? sinisiguro ko sayo na mawawalan ng gana sayo si arran pag nalamang pinakialaman mo yung cp nya at pinagbubura mopa un message ni biboy, tas niloko pa si biboy. haha. ang saya-saya nito.tas eto biglang dumating si uno por siento.

    nakakapagtaka lang na nagkausap si arran at biboy kagabi, so paanong naiwanan ni arran yung cp nya. tas hindi nmn namalayan ni aran kung naiwanan nga nya. siguro pag nagkausap sila ni biboy, matatauhan sya. ang sakit kaya ng ginawa ni aran ke biboy. pinaghintay sa wala. sa isang banda, kung di nmn nagkaganun, hindi masaya ang istorya (parang telenovela lang). tas nagkakilala pa si biboy at unoporsiento. tas ayan na, magkasama pa silang matutulog dahil sa sobrang kalasingan. haha. ang saya talaga. salamat po sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha lagot talaga si rob
      Naiwanan kasi ni arran yung phone sa laguna kaya pinakialaman ni rob. Lagot talaga...

      Delete
    2. binasa ko ulit ang chapter 14. naintindihan kona kwento. naiwanan nga pala yung cp. at ang nagtext kay biboy e si rob pala. haha. pakialamero ka talaga rob. pagsisisihan mo yan.

      0309

      Delete
  2. hhuuuuu mmaaaayyyy gggooooddd... tsk! tsk! tapos baka pag nalaman ni ran-ran na magkasama sina uno at biboy, naku.. baka mag-isip ng iba..


    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  3. Rob! Wag ganun! Pagnagka-alaman, Patay don!

    ReplyDelete
  4. mas gus2 ko pa dn c biboy kesa ke robert

    ReplyDelete
  5. selfish c rob sa ginawa nya di patas sa panliligaw kay arrAn. tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Randz, hindi mo rin siguro masisisi si Rob, kasi siguro threatened na din sya kay Biboy. Hehe

      Delete
  6. Sana c biboy at uno na na lang ♥ ♥
    Pra mas masaya

    ReplyDelete
    Replies
    1. AAAAAY. Iba na ang gusto. haha ikaw Raffy ha... Salamat sa pagcocomment!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails