Followers

Tuesday, November 19, 2013

A Dilemma of Love: Chapter 26 (Ang Unang Submission Signal)

Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
“Mauunahan ka pa ng mga amag diyan sa pagkain mo…”
Unti-unting napatingin si Alfonse kay Chong, kasabay ng unti-unti ring pagka-alis ng kanyang kamay mula sa pagkakatakip ng kanyang bibig. “…Ha?”
Yumuko ng kaunti si Chong upang kumuha ng pagkain. Buong ingat niyang hiniwa ang chicken ng kutsara. “Ang sabi ko, mahigit trenta minutes na tayong nakaupo, pero hindi ka pa rin kumakain…” Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang muli si Alfonse na nakatulala, nakatakip sa bibig ang kamay habang ang ilang daliri’y naglalaro sa labi.
“HUY!”
Napamulagat si Alfonse. Biglang dumiretso ang kanyang tindig at lumaki ang kanyang mga singkit na mata. “Bakit?”
Tiningnan lang ni Chong si Alfonse nang seryoso. Saka niya inilapag ang kutsara’t tinidor na hawak niya. “Anong iniisip mo?”
Mga kilay naman ni Alfonse ang kumunot, kasabay ng paglikot ng kanyang tingin.
Inilapit ni Chong ang kanyang mga daliri sa kamay ni Alfonse at hinaplos-haplos ito. “…Iniisip mo pa rin ba ‘yung joke ko nung Sabado. Dalawang araw nang nakalipas iyon. Joke lang talaga iyon, hindi ako makikipaghiwalay sa iyo…” Tiningnan lamang niya ng mataman si Fonse.
Tiningnan rin siya ni Alfonse, tiningnan ng blankong tingin. Nagtama ang kanilang mga titig. “...Wala, wala naman, wala akong iniisip…” Kinuha ni Fonse ang kutsara’t tinidor at sumubo ng pagkain. Pagkasubo’y itinukod niya ang kamay sa mesa at itinakip sa bibig ang kanang kamay.
Napangiti si Chong sa nakikitang inaasal ng kaharap.
“Bakit ka natatawa?” ang nasabi ni Fonse matapos mag-angat ng tingin. “Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”
“Wala…” Lalong napangiti si Chong sa tila pagka-aligaga ni Fonse. “Wala naman…”
Tumulis ang tingin ni Alfonse. “Anong wala? Tumatawa ka eh?” Halos mabulunan siya sa kinakain.
“Ikaw nga, ayaw mong sabihin kung anong bumabagabag sa’yo eh!” Tila pagbababog ni Chong na may halong lambing.
Kinamot niya ang kanyang leeg at tila niluwagan ang kwelyo ng kanyang polo. “Wala nga! Walang bumabaga..teka, wala akong iniisip…” Unti-unting ikrinus ni Alfonse ang kanyang mga braso’t yinakap ang sarili.
“Iyan…iyan ang dahilan kung bakit ako natatawa…” Napatingin si Fonse sa kanya. Sinuklian na lamang ng ngiti ni Chong ang tingin ng una. “…Halata naman kasing nagsisinungaling, hindi pa umamin…” Sumubo siya ng pagkaing tila nang-aasar.
Itinuwid ni Fonse ang kanyang pagkaka-upo. “Wala nga, wala akong iniisip. Kumain na lang tayo. Paranoid ka na naman…” Maya’t maya ang tingin niya kay Chong ngunit kaagad rin siyang iiwas. “Bakit parang sumarap ang chicken ng Jollibee? Anong meron?”
Ngumiti na lamang si Chong. “…lumilipad ‘yung isip at nakatulala. Kasabay noon, nakatakip ang kamay sa bibig. Tapos ‘yung ilang daliri, naglalaro sa labi. Nung sinabing nagsisinungaling, kinamot ang leeg,  medyo niluwagan ang kwelyo at biglang inayos pag-kakaupo. Nag-cross arms pa, at ang pinakahalata, ang pag-iwas ng tingin…” Sinabayan niya iyon ng pagmuwestra ng kamay.
Tiningnan na lamang siya ni Alfonse nang nakakunot ang mga kilay.
“Kapag nakatakip ‘yung kamay mo sa bibig mo, parang may pinipigilan kang mga salita na lumabas mula sa bibig mo. Parang noong bata ka, kapag nagsisinungaling ka, itinatakip mo ‘yung mga kamay mo sa bibig mo. Hanggang sa tumanda tayo, dadalhin natin iyon, pero itotone-down natin, dahil ayaw nating mahalata ng iba…”
Nawala ang kunot ng kilay ni Alfonse. Natigil siya sa pagkain at ipinatong sa mesa ang kanyang dalawang braso. Ang kanyang leeg ay tila pumaling sa kanan.
“…’Yung daliri namang naglalaro sa labi, ibig sabihin noon, naghahanap ka ng reassurance. Parang hindi ka sigurado sa kung anong mangyayari sa paligid mo, you’re under pressure, kaya naghahanap ka ng security. At nafufulfill mo iyon sa mapapagitan ng paglalaro ng daliri mo sa kamay mo. It’s just like mimicking the days when you’re still breastfeeding, when you’re still sucking your mother’s breast. Nasusubstitute lang ng iba ‘yung suso. ‘Yung ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga naaadik sa sigarilyo. When they are pressured they smoke, they feel the security it brings…” Sumubo ng fried chicken si Chong.
Nanatiling nakatitig si Alfonse sa kanya.
“…Kapag nag-cross arms ka naman, ibig sabihin threatened ka. Parang prinoprotektahan mo ‘yung puso mo at lungs mo, mga delicate na parts ng katawan mo. At ugali ng mga hayop na protektahan ang parte ng katawan nila na sa palagay nila ay mahina. Defense mechanism kung baga, nature ng mga animals ‘yun, parang pag-atake. Pwede ring ibig sabihin ng crossed-arms ay critical ka, you’re not open for opinions or ideas. Kumbaga, kung may kausap ka, hindi ka nag-aagree sa sinasabi ng kaharap mo, you feel threatened…” Humigop  sandali ng softdrink si Chong. “…And when you feel threatened, either you stand straight or you stand symmetrical, o tuwid at pantay…”
Hinanap ng mga labi ni Alfonse ang straw sa kanyang tabi habang nakatuon kay Chong ang kanyang mga mata.
“…At isa pa kapag nagsisinungaling ka, bumibilis ‘yung daloy ng dugo sa katawan mo at nagpapawis ka. Nangyayari ‘yung kasi threatened ka na baka malaman ng ibang tao na nagsisinungaling ka. Kapag nangyari ‘yun parang nangangati ‘yung leeg mo. At kapag nangangati ang isang bagay, kailangang kamutin. O kung ayaw mo namang kamutin, niluluwagan mo ‘yung kwelyo mo dahil akala mo ‘yun ang dahilan..."
Naglikot ang mga mata ni Alfonse na tila may naisip.
“…’Yung pag-iwas ng tingin, masyado nang given…” Inilapit ni Chong ang kanyang mukha kay Alfonse. Napaurong nang kaunti ang huli. “…Lahat ng sinabi kong aksiyon, ginagawa mo mula kaninang pumasok tayo dito…”
Napayuko na lamang si Alfonse at tiningnan nang pailalim si Chong.
“…Ano? Hindi ka pa rin nagsisinungaling?”
Bumaba ang mga balikat ni Alfonse. “Opo, nagsisinungaling na ako…”
“Oh, ano ngang iniisip mo mula ng magkita tayo sa campus hanggang napadpad tayo diyo sa Jollibee.
Biglang napatingin si Alfonse kay Chong na nakayuko’t humihigop ng inumin. “…Hindi ko pwedeng sabihin…”
“Ano na?” Sumubo uli ng pagkain si Chong.
Tiningnan lamang niya ni Alfonse ng blanko ang kaharap. “Ah…iniisip ko ‘yung tungkol sa Thesis. Hindi ko pa nagagawa ‘yung conclusion, nakakahiya sa’yo…”
Biglang tumaas ang kilay ni Chong. “ ‘Yun lang?”
Ngumising pilit si Alfonse. “Oo, ‘yun lang….”
Unti-unting itinagilid ni Chong kanyang ulo at patagilid na tiningnan si Alfonse. Nanatiling naka-upo ng tuwid si Fonse ng walang reaksiyon sa mukha.
“Tigilan mo nga iyan, para kang ewan…” Hindi mapigilan ni Alfonse na iwasan ang titig ng kaharap.
Ngunit nagpatuloy pa rin si Chong, kasabay nang pag-taas ng kanyang kilay. “…Sige kakagatin mo na rin ‘yung dahilan mo…” Muli siyang sumabo ng fried chicken. “Eh ‘yung Chapter 5, tsaka Cost at Market nung product, nagawa mo na?”
Lumiwanag ang mukha ni Alfonse. “Oo, tapos ko na, ibibigay ko na nga sa’yo eh…” Binuksan niya ang zipper ng kanyang bag at dinukot ang bulsa nito sa loob. Hinanap niya ang kanyang flash drive, ngunit sa patuloy niyang pagkapkap ay iba ang kanyang nahawakan.
Dumantay sa kanyang kamay ang engagement ring nila ni Mylene.
“Oh, nasaan na…” inosenteng pagtatanong ni Chong.
Dali-daling tiningnan ni Alfonse ang kanyang kaharap nang nakakunot ng kaunti ang mga kilay at nakabuka ang mga bibig. Tiningnan lamang siya ni Chong nang mataman at dahan-dahang kumukurap. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa loob ng bag, sa kanyang singsing na kumikinang nang kulay ginto sa tama ng liwanag.
“Ah, Chong, ‘wag kang magagalit ah. Nakalimutan ko ‘yung USB ko…” Muli’y hindi siya makatingin ng diretso sa kaharap.
Napangiti ng marahan si Chong. “Okay lang, isend mo na lang sa Facebook. Oh ‘di kaya bukas na lang…” Saka siya tumingin sa gilid at biglang napahagikgik.
Lumaking bigla ang mga mata ni Alfonse. “Bakit ka na naman tumatawa? Hindi na ako nagsisinungaling ha?”
Lumakas ng bahagya ang halakhak ni Chong. “Wala naman akong sinasabi ah. Defensive mo…”
Tila napalunok si Alfonse sa narinig. “Teka Chong, paano mo nalalaman ‘yung mga kinikilos ko?”
“Simple lang…” Ibinaba ni Chong ang hawak na kutsara’t tinidor. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa lebel ng kanyang ulo. “…I can read your mind…” Inilayo niya ang magkaharap niyang palad mula sa kanyang ulo na parang alien.
Tiningnan na lamang siya ni Alfonse na lalong sumingkit ang mga singkit ng mata.
“Sinasabi ko na kaya sa’yo mula kanina…” Uminom si Chong. “…sa pamamagitan ng gestures, at lahat ng gestures natin, lahat ng kinikilos natin, may ibig sabihin…”
Pinakinggan lamang siya ni Alfonse.
“Lumingon ka sa kanan mo…” Itinuro ni Chong ang isang mesang may nakaupong babae, na nakagilid sa kanila, at isang lalaking nakatalikod. “…Kaya ako natawa kanina, kasi nakita ko sila…”
Kumunot ang mga kilay ni Fonse. “…Anong nakakatawa sa kanila?” Muling niyang nilingon ang mesang itinuro ng kaharap. Hindi kagandahan ang babae ngunit may itsura at maputi. Nakapula siyang bestida’t maigsi ang buhok. Nakakrus ang kanyang braso maski ang kanyang mga hita. Madalas tumingin sa gilid ang babae lalo na kung nakayuko ang lalaki.  Hindi maaninag ni Alfonse ang itsura ng lalaking nakatalikod ngunit nakasuot ito ng kulay pink na polong kontra sa maitim niyang kutis. “Anong nakakatawa?”
“Hindi interesado ‘yung babae sa lalaki…” Napapangiti si Chong.
Muling napalingon si Alfonse sa mesa.
“…Tingnan mo ‘yung babae. Nakakrus ‘yung mga braso, katulad ng sinasabi ko kanina, pwedeng critical sa sinasabi ng lalaki o prinoprotektahan ang sarili. Tingnan mo ‘yung paa ng babae…” Muling sinulyapan ni Fonse ang babae. Nakaturo papunta sa kanan ang paa niya. “…Sabihin na nating normal na magdewatro ng ganyan ‘yung babae, dahil nakamini skirt siya. Ang pangit nga naman kung nakabukaka siya, hindi ba. Pero ‘yung paa niya nakaturo palayo sa lalaki…”
“So, ang ibig sabihin, totoo ‘yung sabi na kung kanino kang interesadong tao, sa kanya nakaturo ‘yung paa mo…”
Uminom muli si Chong. “O..o…oo. Tingnan mo ‘yung mga paa mo…”
Tumingin sa baba ng mesa ni Alfonse. Nakaturo ang kanyang mga paa kay Chong.
“Oh diba, kaya napaghahalata ka eh…” Napangisi si Chong. Sinuklian lamang ito ni Alfonse ng tinging may mababang kilay. “Pero kidding aside, oo. Syempre kung sino ‘yung kausap mo, doon ka nakaharap, doon nakaturo ‘yung paa mo. At nakikipag-usap ka lang sa mga taong interesado ka. Pero minsan hindi rin, pwera na lang sa kaso ng babaeng ‘yun. Dagdag dun sa paa, nakakrus pa ‘yung legs niya. Parang prinoprotektahan niya ‘yung ari niya laban sa lalaki, parang access denied…” Kumain siya ng sundae.
“Grabe ka naman…” Gulat na napatingin si Alfonse kay Chong. “...diretso ba talaga 'yun doon...”
“Grabe ha? Kapal nito…” sarkastikong tugon ni Chong. “Saan ka nagragrabihan? Sa obscenity nung sinabi ko o sa pagpipigil nilang gawin ang dapat nilang gawin na magparami sa Jollibee?”
“…Sa obscenity. Wala na sa akin ‘yan. Nagbago na ako…”
Inirapan lamang siya si Chong. “Talaga lang ah…” Napatigil si Alfonse sa kanyang tinuran. “Syempre, saan pa ba tutungo iyan. ‘Wag mo namang sabihin na mukhang business meeting ‘yan dahil dalawa lang sila at mukhang nagbuhos ng effort ‘yung babae para maihiga sa kama. Kaso mukhang ayaw ng babae sa lalaki, kaya wala rin. Parang blind yata ‘yan…”
Nag-angat ng tingin si Fonse. “Paano mo nalaman?”
“Hmmm, nakalayo kasi ‘yung bag ng babae sa lalaki, nasa upuan at wala sa mesa. Ganoon kasi iyon, kapag nilalandi ka ng babae, inilalapit niya sa iyo ‘yung property niya na parang nang-iinvite. Pero kunsabagay, kung mali akong blind date ‘yan at magkarelasyon talaga sila, hindi na signal ‘yung bag. Tyempuhan mong nakayuko ‘yung lalaki…” Muling lumingon si Alfonse. “…Tingnan mo, hindi maipinta ‘yung mukha ng babae. Umiirap na ewan. Parang may pagka-liberal nga ‘yung babae, ‘yung mga tipong makikipagblind date. Pula pa talaga ‘yung isinuot, maski ‘yung labi ang pula. Ay teka, alam mo ba kung bakit nakaka-akit ang pula?”
Ibinaling ni Alfonse ang kanyang tingin sa kaharap. “ Bakit?”
Napangiti si Chong. “Kasi iyon ang kulay ng ari ng babae kapag sexually aroused…”
Lumaki ang mga mata ni Alfonse. “Ha?”
Tiningnan siyang nagtataka ni Chong. “Kaya nakakaakit ang pula kasi ‘yun ang kulay ng ari ng babae kapag nalilibugan. Nakita mo na ba ‘yung kay Grace?”
Napalihis ng tingin ni Fonse na tila nag-iisip. “Oo, teka… Oo nga ano!”
“Oh diba, kapag nalilibugan kasi tayo, bumibilis ‘yung daloy ng dugo sa katawan natin. Kaya nagbablush tayo. Maski rin naman ‘yung ari ng lalaki hindi ba…” Sandaling uminom si Chong. “…Kaya nag-pula ‘yung babae,hindi lang sa damit kundi sa labi,  para akitin in a subtle way ‘yung lalaki. Kaso sayang, mukhang hindi niya trip. Malalaman natin kung blind date talaga ‘yan kapag nakita natin ‘yung itsura ng lalaki…”
Muling nilingon ni Alfonse ang mesa. “ ‘Pag gwapo, anong gagawin mo?”
“Syempre, iiwan kita dito…”
Kumunot ang kilay ni Alfonse. Tumayo siya’t umupo sa tabi ni Chong.
“…tingin mo naman iiwan talaga kita dito?” Kunwari’y inis siyang tumingin kay Fonse.
Ngumuso na lamang si Alfonse na parang bata. “…Hindi, hindi ka naman ganoon, pero naninigurado lang…”
Tiningnang ni Chong ang kanyang katabi na tila natuwa sa narinig. “Tama, hindi kita iiwan dito, hindi talaga…” Ibinaling niya ang tingin sa lalaking kaharap ng babae. “…Pagsasawaan ko lang ng tingin ‘yung lalaki, pwede ko ring kunin ang number niya. Pero hindi kita iiwan…”
Tiningnan na lamang siyang pailalim ni Alfonse.
“Oh, mukhang tama ako, mukhang blind date nga…” Hinihimas ng daliri ni Chong ang kanyang baba.  Ibinaling ni Fonse ang tingin sa gilid at nakita niya ang itsura ng lalaki. Hindi ito katangkaran at mukhang hindi aabot sa sa limang talampakan. Medyo malaki ang tiyan niya at medyo pango ang ilong. Prominente ang buto niya sa itaas ng ngipin at ang kanyang mga mata’y malalaki. “…Ayokong manghusga’t magkamukha naman kami, pero parang 80 % ngang blind date ‘yan. Kung nag-aaway lang sila kanina, ‘di sana inaalo niya ‘yung babae. Eh parang hindi eh. Parang iritado ‘yung babae. Sa tingin ko rin naman hindi makikipagrelasyon ‘yung ganoong tipo ng babae sa ganoong tipo ng lalaki. Ayokong husgahan ‘yung babae, pero parang grabe naman siya. Maputi lang naman siya…” Tumingin sa kawalan si Chong. “…Nagkakasala ako, nanghuhusga ako ng iba…”
Inilagay ni Alfonse ang kanyang braso sa itaas ng upuan ni Chong. “Eh kung ako naman ang makikipagblind date, at sa Jollibee kami kakain, eh, talagang mababadtrip ako…”
Napalingon si Chong. “Ganon… Kunsabagay. Pero hindi naman siguro mayaman ‘yung pakilala ng lalaki. Pwera na nga lang kung ganoon. Pero ano kasi ‘yung iniisip ng lalaki, bakit siya nagpink eh ang itim niya? Hindi bagay sa kanya. Ang ganda pa naman ng kulay niya. Lalaking-lalaki. Ang hot…”
Pinanlisikan lamang siya ng tingin ni Fonse.
“Eh, ang ibig kong sabihin, ang hot niya, kasi naka-polo siya pero ang init. Kunsabagay, naka-aircon naman dito sa mall…” Itinuro ni Chong ang dalawa pang mesa. Sinundan ni Alfonse ang kanyang daliri. “…Tingnan mo ‘yung lalaking nag-iisa at babaeng nag-iisa…”
Tiningnan ni Fonse ang dalawa. Nakacasual lamang sila, pantalon at shirt. Wala ring kakaiba sa kanilang mga itsura, average kung baga. Nakatakong ng ‘di kaatasan ang babae, at walang masyadong kolorete sa mukha.
“Tingnan mo ‘yung paa…” turo ni Chong. Binabaan ni Alfonse ang kanyang ulo. Naka-krus ang mga hita ng babae, ngunit nakaturo ito sa lalaki sa kabilang mesa, habang ang kanyang takong ay malayang nakasabit nang maluwang sa kaliwa niyang paang umaatras-abante. “Anong ibig sabihin niyan?” tanong ni Alfonse.
“…Kung kanino nakaturo ang paa, sa kanya ka interesado…” Ibinaling ni Chong ang tingin sa katabi. “…Tsaka ‘yung parang pag-sayaw ng sapatos niya, parang nagsisignify na hindi siya threatened sa presence ng lalaki…” Tinitigang mabuti ni Chong ang babae. “…Ayan na, here comes the best part…”
Biglang napalingon si Alfonse sa babae. Nakita niyang sumusulyap-sulyap ang babae sa lalaking nakatuon lang sa pagkain niya. Maya’t maya ay iuunat ng babae ang kanyang likod, na lalong nagpapalitaw sa ‘di kalakihang dibdib niya. Kasabay niyon ay ang paghawi niya sa kanyang buhok papunta sa kaliwang balikat, habang nakataas ng bahagya ang braso. “Anong meron dun?”
“WEH? Hindi mo pa rin mapansin…” hindi makapaniwalang sagot ni Chong. “…Hindi ba pa halata, trip ng babae ‘yung lalake. At anong napapansin mo sa lalaki? Wala siyang ginagawa. ‘Yung babae lang ang kumikilos na nagpapakita na gusto niya ‘yung lalaki…”
“Ah ganoon ba ‘yun…” Naglalaro sa baba ni Alfonse ang kanyang daliri.
“At ganoon palagi ang lagay. ‘Yung babae palagi ang parang gumagawa ng first move sa mga lalaki. Nagmumukha lang na mga lalaki ang unang gumagalaw, kasi sila ‘yung unang lumalapit sa babae. Pero ‘yung mga babae talaga ang gumagawa ng first move sa pamamagitan ng pagbibigay ng signal sa lalaki na gusto nila ‘yung lalaki at available sila. Hindi mo ba napapansin si Grace na ganoon…” Hinarap ni Chong si Alfonse.
“Ah, kaya pala…” Napa-amang si Fonse. “…si Grace nga ‘yung nahuhuli kong tumitingin sa akin ng ilang beses…”
“Oh diba…” Sumandal si Chong sa kanyang upuan, at dumikit ang kanyang likod sa braso ni Alfonse. “Laging ganyan din ‘yan, titingnan at titingnan ka ng babae hanggang magtama ‘yung mga tingin niyo. Kapag nagkatitigan kayo, patatagalin niya ng kaunti tapos saka niya ibababa ang tingin. Tapos hahawiin niya ‘yung buhok niya kasabay nung braso niya, kasi nagrerelease ang kili-kili natin ng hormones na pheromones…”
Nanlaki ang mga mata ni Alfonse. “Phe…romones?”
“Oo, pheromones, ‘yun ‘yung ginagamit ng mga langgam para malaman nila kung saan dumaan ‘yung iba nilang mga kasama. ‘Yun din ‘yung dahilan kung bakit nagkakasabay-sabay ng regla ang mga babaeng magkakasamang nakatira. Parang sex perfume ang epekto nun sa lalaki…” Marahan niyang itinuro ang babae. “O ayan, uli…”
Muling tiningnan ni Alfonse ang babae. Pagkatapos hawan ng babae ang kanyang buhok ay ibinabaling nito ang kanyang ulo sa kanan, dahilan upang makita ang kanyang leeg. Titingnan niyang patagilid ang lalaki, saka itataas ang kilay at ibaba ang tingin. Pagkatapos nun ay itinukod niya ang kanyang ulo sa braso habang ang kanyang palad ay nakalaylay.
“Grabe naman ‘yung lalake. Hindi ba talaga niya masense ‘yung babae…”
“Teke, i-explain mo ‘yung ginagawa ng babae…” Tila excited na sabi ni Alfonse
Ngumiti si Chong. “ ‘Yung pagpapakita ng babae ng parte ng leeg niya, Parang pagpapakita ng mga vulnerable parts niya, ‘yung mga parteng pwedeng masaktan. Kaya niya iyon ipinapakita sa lalaki kasi gusto niyang iparating na mahina siya at gusto niyang protektahan siya ng lalaki. Ganoon din ‘yung signal ng nakalaylay na kamay. Gesture din ‘yan ng mga baklang effem talaga, kung mapapansin mo. Vulnerable kasing tingnan. Base sa nabasa ko, hindi totoong nagkakalat ‘yung amoy ng pabango kapag inilagay sa pulso. Ginagawa lang natin ‘yung kasi akala natin nakaka-attract. Pero ‘yung paglaylay talaga ng kamay ang sanhi…”
Tumango-tango lamang si Alfonse.
“Ganoon talaga sa attraction, kailangan mong ipakita ang gender difference para ma-attract sa’yo ‘yung gusto mo. Kailangan mong ipakita sa lalaki na mahina ka, at ‘yung lalaki ay malakas, kaya kailangan mo siya…”
Nagningning ang mga mata ni Alfonse na tila may naisip na kakaiba. “Eh ‘yung pagtaas ng kilay at pagtingin ng tagilid, anong ibig sabihin nun?”
“Ah…” Tumango-tango rin si Chong. “…’Yung ganoon, kapag nakataas kasi ‘yung kilay mo at medyo mababa ‘yung talukap ng mata mo, parang ginagaya mo ‘yung mukha ng mga bata. At kapag nakakakita ng mag bata ang mga lalaki, may hormone na narerelease sa utak nila na nagdidikta na gusto nilang protektahan ‘yung bata. Ganon din kasi ang facial expression ng mga babae bago sila labasan. Madalas may kasama ‘yung iwas ng tingin, parang sinasabi mong mahina ka, kasi kapag sinalubong mo ‘yung tingin ng kaharap mo, parang naghahanap ka  ng away, lalo na kung hindi ka nakangiti…”
Tumango-tango si Alfonse. “Ah kaya pala… Kaya pala palagi mo akong tinitingnan ng patagilid at nakataas ang kilay… Kaya pala…”
Nabilaukan si Chong sa kanyang narinig. Naprocess ng kanyang utak ang inaasal ni Chong kanina. “…Excuse me, as far as I know, ikaw ang madalas kong nakikitang nakatingin sa akin…” Inirapan niya si Fonse at muling tumingin sa babae. Gayon din ang ginawa ni Alfonse.
“Eh ang weirdo mo kaya, paano kita hindi titingnan…” nanatili silang nakatingin sa babae.
“O, sige sabihin natin ganoon na nga. Pero dapat hindi ka nagpapahuli kung may tinitingnan kang tao…” Pagkasabi ni Chong niyon ay biglang tumingin sa kanila ang babae. Biglang nailihis ni Chong ang kanyang tingin, ngunit nahuli si Alfonse, dahilan upang magtama ang tingin niya sa babae.
Napa-iwas naman ng tingin si Alfonse at yumuko ng kaunti habang napahagikgik ng marahan si Chong.
Tuloy ang hagikgik ni Chong. “Oh, tingnan mo kung tinitingnan ka pa rin, baka nagpaparamdam na.” Inangat ni Fonse ang kanyang tingin sa babae. Nakita niya itong sumusulyap sa kanya at hinahawi ang buhok.
Lalong lumakas ang hagikgik ni Chong.
Tiningnan lamang ng pailalim ni Fonse ang kanyang katabing tumatawa. Nang mabaling ang tingin ni Chong kay Fonse ay natigil siya. “Oh, ba’t ganyan ka makatingin?”
Tiningnan lamang siyang pailalim ni Alfonse.
“Uy… Kapag ikaw nahipan ng hangin ri…” Hindi na naituloy ni Chong ang kanyang sinasabi. Hinarang ang kanyang mga salita ng mga malambot at mapupulang mga labi ng kaharap.
HInalikan ni Alfonse si Chong.
Kinagat ni Fonse ang kanyang labi nabalutan ng mantika mula sa fried chicken na kinakain ni Chong. “Hmmm, lasang mantika… YAMMEEE…”
Napayuko si Chong sa ginawa ng katabi. Ni hindi niya alam kung saan ibabaling ang mukha. Naaligaga siyang hinawakan ang kutsara’t tinidor.
“Oh, anong ibig sabihin kapag hinalikan mo sa labi ang isang tao? Hindi ko alam eh, paki-explain nga…”
Pagkatapos noon ay unti-unting nabakas ang pamumula ng mga pisngi ni Chong, maski ng kanyang buong mukha.
“Nagbablush siya. Ibig sabihin ba niyan nagustuhan ng tao ‘yung halik?” natatawang sambit ni Alfonse.
Dahan-dahang itinuon ni Chong ang kanyang pailalim na tingin kay Fonse. Nananatiling nakangiti ang huli ng buong saya.
Muli’y dumampi nang napakabilis ang palad ni Chong sa tiyan ni Alfonse. Napalakas iyon na halos tumama sa mesa ang ulo ni Alfonse nang siya’y yumuko.”ARAY!” Naagaw ang atensiyon ng karamihan ng kumakain na hindi alam ang puno’t dulo ng pag-aray si Alfonse, maliban sa babaeng kanina nila tinitingnan. “Shet! Ang swerte naman ng juding na itetchiwa! Ako kaya, kelan magkakaroon ng ganyang papa!”
“ ‘Yun ang ibig sabihin ng kiss sa akin…” Pigil na sabi ni Chong sa nangungubang si Alfonse. “…GULPI!...”



 Credits kay Ponse (co-writer in MSOB) para sa ganyang style. Sa kanya ko kasi madalas makita 'yung nakaipon sa isang chapter 'yung links ng ibang chapter. Okay lang bang gayahin? XD


10 comments:

  1. First.to.comment...:)))

    feeling.proud!

    -Kio

    ano.kayang.mangyayar.kapag.malaman.ni.chong.ung.sa.engagement...pero.sa.tingn.ko.alam.na.nya.eh.hahaha.galing.magreaad.ng.mind..:D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan sa susunod na kabanata...XD (hindi mo ba napapansin na 'yan lang ang lagi kong comment sa'yo...)


      Pero ang galing kasi naiisip mo 'yang mga bagay na 'yan...XD

      Delete
    2. naeexcite.lang.kasi.ako.Sir...:D..kasi.ung.mga.pabitin.effect.na.scene.eh.nakakatuwa...i'll.be.waiting.for.the.next.chapter.:))))

      -kio

      Delete
    3. Sir.kailan.po.next.update?...:)))

      thanks.

      -Kio

      Delete
    4. Kio, I'll try to update it on Wednesday. Pinakalate na 'yung Thursday this week. Kapag wala pa nun, sugurin mo na ako...XD

      Delete
    5. Thank.you.so.much.sir!!...:))))))))))))))))

      excited.lang.kasi.tlga.ako...:))))

      Delete
  2. We encourage na ganyan ang gawin talaga since kapag nakaMobile eh mahirap magbacktrack at maghanap ng mga previous chapters. Much recommended kung mas nauuna ang mga links bago ang wholebody ng current story :)) God bless and Take care :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh, okay lang po pala...XD Thank you po! 'Yun na lang gagawin ko sa ibang chapters :-D

      Delete
  3. Nakakatuwa. Ginagamit ni fonse ung mga ntututunan niya kay chong. Hehehe

    -james

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just call me Lipo, 'wagka na mag-James....XD

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails