Followers

Monday, January 14, 2013

A Dilemma of Love: Chapter 12



“Ayoko!!!” ang sabi niya sa akin habang nakatingin ng matulis at nasa harapan niya ang kanyang mga brasong parang niyayakap ang sarili niya.
“Pumasok ka na nga! Gusto mo talagang dito sa kalsada magpractice ng sayaw?” ang tanong ko sa kanyang natatawa. Para kasi siyang batang ayaw ibigay ‘yung lollipop na nasa bibig niya. At kapag pinilit uli siyang ibigay ‘yung lollipop niya, sisimangutan ka lang niya...
...ANG CUTE NIYA!!!
“Nananadya ka rin ano. Bakit sa lahat ng mga kanta na sasayawan niyo, bakit HABANERA pa? Bakit classical music ‘yung tugtog niyo eh karaniwang Sway o ibang mga modern na kanta ang ginagamit sa International Dances, lalo na kung chacha o tango?” ang tanong niya sa aking nakapamewang.
“...Ganon ba?” Ahhhhhh, oo nga pala. Eh malay ko, eh sa iyon ang trip ng prof ko eh. Maski rin naman ‘yung ibang mga group, hindi modern ‘yung kanta. ‘Yung isa ngang group, ang napuntang kanta eh Bor...Por Una...Bor Ina...Por Ina Cabasa...Ah basta! Kung saang mang kalawakan nanggaling ‘yang kanta na ‘yan, HINDI KO ALAM.
Pero syempre, nagresearch ako kung ano ‘yung Habanera. Mahirap na, mamaya magmukha na namang akong alila sa harap ng taong ito dahil wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi niya. Wahahahaha!!! Syempre hindi ako papatatalo, ngayon pang nalalamangan ko siya...Wahahaha!!! No way...
 “...Chong, ano ba ‘yung Habanera?” ang tanong kong kunwari’y nahihiya.
SYEMPRE!!! Kailangan ko pa ring magmukhang walang alam tungkol sa kantang iyon. Baka mamaya sabihin niya nananadya ako at ako talaga ‘yung pumili nung kantang iyon kahit na wala naman talaga akong naintindihan doon sa kanta. Eh French kaya ‘yung kanta! Oh Spanish yata! Ah basta! Sandali...
...ano naman bang problema kung Habanera ang sasayawan namin???...
Pumikit na lamang siya at umiiling ng nakangising halatang nawawalan na ng pasensiya. Baka mamaya humaba bigla ang braso niya at dumapo sa pisngi ko ang kamay niya.
Parang dapat yata hindi ko na siya tinanong. Parang ginalit ko lang siya, haha. At parang mas lalo akong nagmukhang bobo sa paningin niya. Kunsabagay, dati na rin naman akong ganoon sa paningin niya. Pero, bumabawi na nga ako eh, naiisahan ko na siya. Uulanin na naman ako niyang ng scientific terms at trivias dahil sa ginawa ko...
...Pero okay lang, as long na siya ang gumagawa noon, mananatiling parang sunod-sunod na kill sa DOTA ang pakiramdam ko. Mananatili akong nakatingin sa kanya ng nakangiti habang pinapangaralan niya ako habang kumukurap ng buong pag-iingat at pagtitimpi, habang nakangiti siya ng napakaganda sa akin. Hindi ako magsasawang makinig sa kanya, kahit na puro trivias at katarayan ang maririnig ko sa kanya...
...Teka, kung saan-saan na akong napunta, eh, hinihintay ko nga ‘yung sagot niya...
“...Sigurado ka bang hindi mo alam kung ano ‘yung Habanera? Sigurado ka bang hindi mo alam na isa ‘yung classical music. Sabihin mo nga, ilang araw mo ng ini-stalk ‘yung profile ko sa Facebook at nalaman mong classical music lang ang pinapakinggan kong kanta? Ha, ano?” ang sabi niyang nanggagalaiti. Kunsabagay, what’s new. Lagi naman siyang ganon...
Oh, talaga? Classical music lang ang pinapakinggan niya? Teka ano ba ‘yun? Sabi niya classical music ‘yung Habanera, edi ibig sabihin ba noon kapag hindi mo na maintindihan ‘yung kanta, classical na kaagad? Ganon ba ‘yun? Edi ‘yung “Sorry, Sorry” at “Bingol, Bingol” ng mga K-pop, eh, classical? Parang malabo naman...Tae naman eh...Bakit hindi ko naisipang i-search kung ano ‘yung classical music? Naman eh, mukha na naman akong tanga nito eh.
“...Sandali Chong, ayan ka na naman eh. Hindi ko naman ini-stalk ‘yung profile mo, ni hindi ko nga tinitingnan ‘yun eh. Sa tingin mo talaga titingnan ko ‘yun. Syempre hindi, eh hindi lang naman sa’yo umiikot ang buhay ko...” ang sabi kong maangas sa kanya. Syempre!!! Maangas naman talaga ako. Akala naman ng taong ito, siya lang talaga ang iniikutan ng mundo ko na kahit profile niya bawat segundo kong titingnan. Kapal talaga ng taong...Talagang inaangasan ko, dahil kailangan niyang maniwala sa sinasabi ko, kahit na alam kong...kahit na...kahit...
...alam kong halos matunaw na ang monitor ko sa Facebook profile niya...
“...Eh kung sinusungalngal kaya kita ngayon...” ang sabi niyang nakanguso.
Tae naman eh, sige na nga...
“OO NA!!! OO NA!!! Lagi kong tinitingnan  ‘yung profile mo, lalo na noong hindi tayo magkasama, nung halos dalawang buwan tayong nag-iiwasan...”
“...Tingnan mo. Tapos sasabihin mong hindi lang sa akin umiikot ang buhay mo. Kapal...”
“Teka, hindi pa ako tapos. Eh hindi ko naman makita ‘yung profile mo kase...”
“...Kase ano?”
“...Kase...Kase nakaprivate ‘yung profile mo...” ang sabi kong nahihiya habang iniiwas ang tingin sa kanya.
Takte!!! Pagtatatwanan na naman ako ng taong ito eh!!! Dapat talaga hindi ko na lang sinabi, dapat pinanindigan ko na lang ‘yung angas ko. Mas nagmukha akong tanga dahil tinitingnan ko ‘yung profile niya kahit wala naman ang mapala. Tingnan mo, hahagalpak na naman ‘to sa kakatawa sa akin. Shet!!! Bwisit talaga...
...Pero hindi siya tumawa...
“...Ah...ganon ba...”ang sabi niya habang iniiwas niya ang kanyang tingin na parang nag-iisip. “...Bakit hindi ko alam ‘yun...”
Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi mo talaga alam kung anong gagawin at kung anong magiging reaksiyon ng taong ito.
“Tsaka ’yung prof namin ang pumili ng kanta kada grupo. Eh sa amin niya naibigay ‘yang Habanera eh. Hindi ko naman sinadya ‘yun. Tsaka lahat ng grupo classical music ang tugtog. Teka, classical music yata...kasi hindi ko alam ‘yung mga kanta tsaka kakaiba ‘yung mga title. ‘Yung isang grupo nga, ‘yung napunta sa kanila eh ‘yung...Bor Ina Caba...Caba...”
“...Por Una Cabeza...” ang sagot niya sa aking nakasimangot.
“...Ah, oo...Por Una Cabesa nga...” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko alam, para kasing palagi ko na lang siyang ginagalit. Ganon pa rin ang tindig niya, nakayakap sa kanya ang kanyang mga braso habang hindi nakatingin sa akin. Nakakunot ang kanyang mga kilay at kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Parang dati, lagi lang siyang poker face, pero ngayon, laging nakakunot ang noo niya, at feeling ko, ako ang palaging may gawa noon. Haaayyy, malay ko!! Minsan nga lang kami magkasama, actually ngayon nga lang uli matapos ng halos dalawang buwan, tapos ganito pa.
Pero bakit hindi rin ako magalit? Bakit hindi ko magawang sumuko? Bakit hindi ko magawang bumitaw? Kung sa ibang babae lang siguro ‘to baka naghiwalay na kaming dalawa, pero bakit kay Chong, hindi ko magawa? Bakit parang ayaw ko siyang nasasaktan? At parang mas nasasaktan ako kapag ako ang nakakasakit sa kanya. Oo sige, pwera na lang ‘yung kahapon, lambingan lang naman ‘yun. Oh sige na ulit, paglalambing ko lang sa kanya ‘yun. Pero kapag nagagalit ko siya, kapag napapasigaw ko siya, pakiramdam ko nanliliit ako, pakiramdam ko ang sama ko sa kanya...
“...Chong, hindi ko naman talaga sinasadya eh, hindi ko naman talaga sinadyang mapunta sa amin ‘yung Habanera. Seryoso, ‘yung prof talaga namin ang pumili sa mga kantang ‘yun. Ni hindi ko man nga maintindihan ‘yung kanta eh, kaya paano ko sasadyain ‘yun. Ngayon ko nga lang napakinggan ‘yun eh. Pero kung ayaw mong maniwala at sa tingin mo, eh, sinadya ko talaga ‘tong mga ito, edi sorry. Sorry. Basta ‘wag ka ng magalit. Sorry talaga, hindi ko naman talaga sinasadya eh...”
Tiningnan na lang niya ako ng patagilid habang nakapa-krus pa rin ang mga braso niya. Tiningnan niya akong nakataas ang kanyang kanang kilay na parang nagtatanong, habang kumukurap ng buong ingat na dati niyang ginagawa...
...mukhang gumana ang paghingi ko ng tawad ah...
“...ANG DRAMA MO...” ang sabi niyang nagmamasungit.
Takte, seryoso ‘yung ‘sorry’ na ‘yun ah, seryoso ‘yun eh. Tapos ganon lang isasagot niya!!! Busit!!!
“OO NA! Oo na! Madrama na kung madrama, basta pumasok ka na dito para makapag-umpisa na tayo...”
“...Ayoko nga. Andiyan ‘yung pamilya mo sa loob tapos magsasayaw tayo sa loob ng bahay na iyan? Anong tingin mo sa akin, BALAHURA?” ang sabi niyang nandidilat ang mga mata.
“Wala sila dito. Nakipagdate si Fred. Sila Papa at Mama, umalis para asikasuhin ‘yung business namin. Kaya walang dahilan para maging BALAHURA ka...”
“...Kahit na! Nasa teritoryo mo kaya ako ngayon. Sa tingin mo naman, hindi ko alam kung anong binabalak mo kapag nasa kwarto mo na tayo? Sa tingin mo naman maniniwala ako sa ’yong pagsasayaw  lang ang gagawin natin doon? Eh kung ginigilitan kaya kita ngayon...”
Napahalakhak na lamang ako.
“Hahahahaha!!! Ang paranoid mo Chong!!! Hahaha!!!”
Bigla siyang humarap sa akin ng nakapamewang. “Ano?” sabay pagtaas ng kilay niya.
“Anong ano?” ang tanong ko sa kanyang nagtataka.
“Ano ‘yung itinawag mo sa akin, kani-kanina lang?” saka niya ibinaling sa kaliwa ang kanyang ulo habang nakatingin pa rin sa akin. Para siyang kakain ng tao sa asal niya.
“Anong itinawag ko sa’yo?”
Pero kumurap lang uli siya ng dahan-dahan at tiningnan uli ako ng napakalamig.
“...Ahhhh...’yun ba? ‘Yung paranoid ba?” ang sabi kong natatawa.
Saka niya muling ikrinus ang kanyang mga brasong nakayakap sa kanya.
“...Sus, eh paranoid ka naman talaga. Ngayon ka lang ba nasabihan na ‘paranoid’ kang tao?”  ang pang-aalaska ko sa kanya.
“...Kung paranoid man ako, iyon ay dahil may dahilan ako para maging paranoid, lalo na kung katulad mo lahat ng tao sa  mundo...” ang sabi niyang nandidilat...”
Teka, teka, ano na naman ba ang iniisip ng taong ito?
“Ay naku, Chong...tigilan mo na nga. Hindi naman kita gagahasain doon. Kung gagahasain kita, dapat dinala na kita sa motel at doon tayo nag-praktis, diba. Tsaka may kasunduan tayo diba. Kaya hinding-hindi ko gagawin ‘yun...” ang sabi kong panatag sa kanya. Kung bakit nasabi ko ‘yun sa harap niya ng panatag at tapat, at ng walang halong angas at yabang, hindi ko rin rin alam...
Tiningnan lang niya ako ng pailalim.
Hay naku! Ang tigas talaga ng ulo ng taong ito!
“Oh sige na, ilalabas ko na ‘yung laptop at speaker at dito na tayo magpraktis ng napaka-‘sensual’ na sayaw...” saka ko siya ningisan na parang nang-iinis.
Pero nanatili lang siyang nakatayo ng matatag habang tinitingnan ako ng pailalim.
Edi ibigay ang gusto niya!!! Gusto niyang magpraktis ng tango at chacha sa labas ng bahay namin, edi gawin!!! Arte, para namang hindi ko alam na nagpapakipot lang siya, pero ang totoo, gusto rin niyang pumasok sa loob ng bahay namin...Edi iyan, sa labas kami sumayaw! Bakit ako mahihiya, eh magaling rin naman akong sumayaw.Oo, magaling ako, magaling. Magaling, magaling nga!!!  Wala rin naman masyadong makakakita sa amin, dahil madalas na katulong lang naman ang lumalabas sa mga bahay sa subdivision namin...Akala naman niya uurungan ko siya. Eh hindi naman kami aabot sa ganitong katagal kung uurong ako. Hindi yata pwede ‘yun. Bakit ko siya uurungan, eh akin siya...
...Teka, ano lang ‘yung sinabi ko kanina?...
...At teka,NASAAN SI CHONG!!!...
Dali-dali kong inilapag sa kalsada ‘yung dala kong laptop at speakers. Putik, bakit bigla siyang nawala! Saan nagsulpot ‘yun? Tarantado, ‘wag niya sabihing hindi na siya susunod sa napag-usapan namin. Taydana, righteous ah, nakakainis!!!
Ipinasok ko muna ‘yung mga dala kong gamit sa porch namin at saka ako nag-iikot para hanapin ang taong ‘yun. Tiningnan ko sa paligid.  Wala. Tiningnan ko sa mga bahay. Wala. Tiningnan ko sa guardhouse. Wala. Tining ko sa ilalim ng lupa. Wala rin. Tinanong ko na ‘yung guard kung nakita nilang lumabas ‘yung kasama ko kaninang lalaking naka-light blue na shirt, pero wala daw silang nakitang ganon.
Tae, naman oo. Nag-effort pa akong, pumorma, magpabango tapos ganito lang ang mapapala ko. Bwisit!!!
Nanghihina ko na lang na ipinasok ‘yung laptop at spekers sa loob ng bahay. Para akong patay na sobrang bigat ng mga hakbang. Ang aga ko kayang gumising para lang makapaghanda at makarating ng maaga para mauna ako sa kanya. Naghintay pa ako ng trenta minutos sa harap ng campus, akala ko late siya. ‘Yun pala, tinatawanan na niya ako sa malayuan. Gago. Sadista. Bwisit.
Haaay!!! Pero bakit hindi ako magalit. Bakit imbis na magalit, nanghihina pa ako. Haaayyy, buhay!! Buhay nga naman, parang LIFE!!!
Haaay!!! Ang bigat ng paa ko!!! Kung kasama ko lang sana sa pag-akyat si Chong, hindi ako manghihina ng ganito... Kung nakikita ko lang siyang umaakyat sa handan na ito, hindi magiging malamlam ang mga tingin ko... Haaayyy!!! Chong!!! Tae ka talaga!!! Kailan ba ako magagalit sa mga pinag-gagagawa mo!!!
“Oh, Sir Fonse, andiyan na pala kayo, kanina pa naghihintay sa inyo ‘yung kaibigan niyo...” ang pagbati sa akin ni Manang Elsa matapos niyang lumabas mula sa salas.
Nahinto ang paa ko sa unang step ng hagdan...
“..Ano po, Manang...” ang sabi kong nagtataka. Wala naman akong inimbitang mga kaibigan eh. Kahit na may nag-aaya, iniwasan ko muna kasi alam kong magpapractice kami ni Chong...
Eh sino ‘tong sinasabi ni Manang...
Mula sa salas, lumabas ang isang lalaking naka-light blue na shirt...
Tae, kung saan-saan ko siya hinanap, tapos nanadito lang pala siya. Halos manglagkit na ako, sa kakahanap sa kanya sa tirik na araw, tapos sinusubukan lang pala niya ako. Gusto talaga ng taong ito na nahihirapan ako eh. Tae talaga, oo. Makaganti nga...
“Ah, manang...hi-ndi ko po siya kilala. Bakit po kayo nagpapasaok ng kung sino-sino dito...” ang painosente kong sagot kay Manang.
Biglang napatining si Manang Elsa kay Chong. Biglang napataas ang kilay ni Chong.
“Ah, ganon ba...sorry po, Manang Elsa, mukhang mali po ako ng bahay na pinasukan. Oh sige po mauna na ako...” ang sabi niyang nakangiti. Saka siya naglakad papunta sa pinto...
Wala ‘yan, titigil din ‘yan. Marerealize rin niyang, malaki ang mawawala sa kanya kung hindi niya itutuloy ‘yung pagtuturo sa akin ng sayaw...
...Saka niya pinihit ‘yung knob ng pinto...
Wala nga iyan. ‘Yan pa, eh napapangako na sa akin ‘yan. Syempre, hindi niya ‘yun sisirain. Itututro niya sa akin ‘yung steps ng sayaw...
...Saka niya binuksan ‘yung pinto ng ma-unlock ito...
Pigilan mo ‘yung sarili mo...pigilan mo ‘yung sarili mo...pigilan mo ‘yung sarili mo...
...At saka unti-unting humakbang papalabas sa pinto...
“UY!!! JOKE LANG!!! ‘WAG KANG UMALIS!!!”
Bwisit! ‘Yung pride ko, oo!!! ‘YUNG PRIDE KO!!!
Biglang napangisi si Manang Elsa. “Pagpasensiyahan niyo na po si Sir, mapagbiro lang po talaga iyan...” ang sabi niya kay Chong.
Humakbang papalapit sa hagdan si Chong. “Ah, opo, alam ko naman po ‘yun...” ang sabi niyang nakangiti rito.
ANG CUTE NIYA!!!
Saka niya ibinaling sa akin ang kanyang ulo ng hindi gumagalaw ang katawan at tiningnan ako ng pailalim na parang papatay.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
“Ahhhh, sige po Manang, aakyat na po kami sa kwarto ko, magpapraktis pa po kami...”
“Ah sige, sir...Dadalhan ko na lang po kayo ng miryenda mamaya...”
“Sige po...” ang pagpapa-alam ni Chong.
“Ah iho, ikaw na ang magpasensiya sa alaga ko ah, makulit lang talaga iyan, pero mabait din ‘yan, kaya pagpasensiyahan mo na iyan ha. Mabait talaga ang batang iyan...” ang malambing na bilin ni Manang.
Si Manang na ang nagpalaki sa akin. Actually, sa aming dalawa ni Fred, at simulaiyon ng mga babay pa lang kame. Siya na rin ang naging pangalawa naming magulang, lalo na’y madalas na wala si Mama sa bahay, at mas madalas na wala sa bahay si Papa. Sa kanya ko na rin nasasabi minsan ‘yung mga problema ko...
...pero hindi pa ang problema ko tungkol kay Chong...
“ ‘Ill try po...” ang malumanay nitong sagot. Tae, akala ko aayon siya sa sinabi ni Manang na mabait ako. Kinontra pa niya.
“Oh, sige, umakyat na kayo, at nang maaga kayong matapos sa pagpapraktis...”
Ibinaling ni Chong ang tingin niya sa harapan niya, di bale sa gilid ko. “Hindi halata...” ang bulong niya sa akin, at saka umakyat sa hagdan.
“Hindi talaga halata, dahil nanggagaling sa loob ang kabutihan ko...” ang sabi ko sa kanyang parang anghel habang hinahabol siya paakyat.
“Well, it doesn’t manifet either...” ang sabi niyang malumanay.
Tae niya.
Hindi naman sa pagmamayabang, kahit na talagang nagmamayabang ako, pero malaki talaga ang bahay namin. Nasa loob ito ng malaking subdivision, at karamihan sa mga nakatira dito ay may malalaking kumpanya sa Makati. Wala ka yatang bahay na makikita ditong mas maliit pa sa 250 square meters. At itong bahay namin eh, 400 square meters lang naman. Pinaghalong Greco-Roman at modern ‘yung style ng bahay, kaya maganda talaga. Sa labas pa lang ‘yun ng bahay, at mas mamangha ka sa loob. Pagkapasok na pagkapasok mo sa bahay namin, sasalubong sa’yo ang isang malaking chandelier. Magugulat ka na lang na nasa 10 square meters na foyer ka na namin. Andoon din ang two way stairs namin papuntang second floor. Kung maglalakad ka sa hallway sa ilalim ng hagdan, makakarating ka sa salas na open mula sa second floor. Salas ang tawag ko doon pero great room o di kaya vestibule daw ang tawag doon. Kung titingnan mo parang mansion sa astig ang bahay namin. Kaya siguro nag-desisyon na rin akong mag-civil, kasi manghang-mangha ako sa bahay namin...
...At alam ko ring ‘yung ang nakikita ni Chong....
“Hindi mo man lang ba sasabihing manghang-mangha ka sa bahay namin...” ang sabi ko sa kanyang nagmamayabang. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa kaliwa at kanan, mula sa mga painting, sa gallery hanggang sa mga sculpture, mula chandelier hanggang sa salas. At minsan nahuhuli ko siyang nakanganga, halatang manghang-mangha.
“Kailangan ko pa bang sabihin na mukha kang tao, kahit na halata naman descendant ka ng mga unggoy...” ang sabi niyang iritado.
Natameme ako.
“Sobrang init naman ng ulo mo...” Umuboako  para alisin ang bara sa lalamunan ko dahil magyayabang na naman ako sa kanya. “Oh andito na tayo...” saka ko pinihit ang doorknob papasok sa kwarto ko.
At muli, tumambad sa kanya ang napakagar...
“...Oh tama na, ‘wag mo ng idescribe sa utak mo ang NAPAKAGANDA mong kwarto dahil kitang-kita ko kung gaano kaganda ito...” ang sabi niya sa akin habang nakangiti ng sarkastiko.
Jackpot...bwisit...
“Eto naman, pinag-alala mo na nga ako, tapos ganyan mo pa ako tratratuhin...”
“’Wag ka ng magdrama, iplay mo na ‘yung Habanera at ng makapagsimula na tayo...” ang sabi niyang seryoso.
“Hindi ba muna tayo manonood?” Binuksan ko ang HD TV ko, para makita naman niya, kahit na hindi ako nagyayabang, totoo! “...Hindi mo ba vinideohan ‘yung sayaw, eh paano niyan...”
“’Wag ka ngang pa-inosente. Pasasaan pa’t magpapaturo ka pa sa akin ng sayaw. Lalo lang hahaba ‘yung oras ng pagtagal ko dito. At pwede ba, ‘wag ka ng magyabang at hindi lang naman ikaw ang HD TV sa Pilipinas...” Hinubad niya ang sapatos niya kasabay ng medyas niya. Para talaga siyang sasayaw kasi nagstretching pa siya. “Bilisan mo! Kung mas komportable kang sumayaw ng walang sapin sa paa, hubarin mo na ‘yang sapatos at medyas mo...”
“Opo...” ang sabi kong tila nagdadabog. Matapos kong alisin ang dapat alisin eh lumapit na ako sa kanya.
“Oh, ganito. ‘Yung mga steps lang muna ‘yung ituturo ko, without music. Kabisaduhin mo na, isang beses ko lang ituturo ‘yan...”
“Grabe ka naman! Sa tingin mo talaga makakabisado ko ‘yan sa isang pasada lang?” ang sabi kong nagulat.
“Hindi pa ako tapos. Pagkatapos, susubukan na natin habang may kasabay na kanta, ‘yung Habanera, at isang ulit pa. Sumatutal, tatlong ulit, tatlong ulit lang, walang labis...” Ikinumpas niya ‘yung kamay ng pa cross, pag-eemphasize niya na wala talagang lalabis.
“...Bakit ‘walang kulang’?” ang tanong kong nagtataka.
“Pake mo? Bilisan mo na...” ang sabi niyang nakakunot ang noo.
“Game!”Nakangiti kong sagot sa kanya. Pero inismiran lang niya ako.
“Oh, ako ‘yung lalaki, ikaw ‘yung babae...”
“Teka, teka, ano?” Ano ‘yung pinagsasabi niya? Anong siya ‘yung lalaki, tapos ako ‘yung babae? Eh siya ‘tong bak...bak..ba...ah basta!!!
“’Yung mga steps ng babae ang isasayaw mo sa test niyo. Hindi mo pa ba alam?” ang sagot niyang sarkastiko.
Gumuho ang mundo ko.
“Bakit? Bakit ako ‘yung babae? Nagbibiro ka ba?”
“Hindi ako palabirong tao, CARL...”
“Eh kahit na, hindi ko naman alam kung kailan ka nagbibiro o hindi...”
“Eh di sinasabi ko na sa’yo ngayon, hindi ako nagbibiro, ikaw talaga ang sasayaw sa parte na babae sa test niyo...”
Wala akong nagawa kundi manghina at umastang parang nagdadabog.
“And one thing more, alam mo ba kung sino ang ka-partner mo?” Saka siya ngumiti at itinaas ang kanang kilay na parang napakamalas kong tao. At mukhang napakamalas ko ngang tao dahil hindi siya ngingiti ng ganoon kung hindi.
Lalo na lang umubok ang naumbok ko ng likod sa darating pang kamalasan ng buhay ko. “Sino?”
“...’Yung group leader niyo, ‘yung BAKLANG sinasabi mong lagi kang pinag-iinitan kaya sinasabi mong malamang, eh. May GUSTO sa iyo...” ang sabi niyang habang nakatuon patagilid ang ulo niya sa akin.
“ANO!!!!!” Putik naman oo!!! Bakit siya pa? Eh, tsatsansingan ako ng baklang iyon eh!!! Buti sana kung si Chong, eh alam ko namang hindi niya gagawin ‘yun! Pero si George, na mas malandi pa sa kiti-kiti sa pakikitungo sa iba, habang sa akin eh parang bakal sa tigas akong pinag-iinitan...PUTIK!!! Langit ang araw na iyon sa kanya, habang ako eh nasa impyerno!!!
“At ‘wag ka pang mabibigla ah...kase...may step na bubuhatin ‘yung mga babae ng mga lalaki...at sa crotch hahawakan ‘yung mga babae, at ‘yung mga gaganap na babae...”
“HA!!!!!” Puta!!! BAKIT MAY CROTCH-GRABBING!!! Iyon ang unang pagkakataon na mamomolestiya ako!!! Taydana naman oo!!! Ang swerte ng baklang iyon!!! Puta!!! Halatang plinano lahat ng iyun eh...
...Pero ibig sabihin, may crotch-grabbing din na magaganap ngayon sa pagitan namin ni Chong...
Naughty...
“Pero nagjojoke lang ‘yung sinabi ko....” ang sabi niyang nakasimangot at masama ‘yung ngiti. Nahalata niya yata ‘yung ngiti sa labi ko ng maisip kong maghahawakan kami ni Chong...
...At nawala rin ang ngiti ko...
“Pero malay mo, mas matindi pa sa crotch-grabbing sa pagitan ninyo ni George...” ang sabi niyang halata kong nakangiti dahil sa boses niya habang lumalakad patalikod sa akin.
“Teka, nagseselos ka ba?” ang tanong ko sa kanya kahit na alam ko namang ang sagot eh hindi.
“Ang dami mong satsat, BILISAN MO NA!!!”
Napabilis ang lapit ko sa kanya.
“Gayahin mo lang ‘yung gagawin ko, kung kaliwang paa ang ihahakbang ko, kaliwang paa din ang ihahakbang mo. Para sa intro lang ‘to ah...”
“Oo na po, bilisan na natin...” Lumapit ako sa kanya ng napakalapit at saka ko hinawakan ‘yung kanan niyang kamay at ‘yung likod niya.
“Oh, anong ginagawa mo?” ang tanong niya sa aking nakunot ang noo.
“Bakit, magsisimula na tayo diba?” Tae nito, gusto niyang bilisan pero ang daming arte! Ano ba talaga? (sabay imaginary kamot sa ulo...)
“Intro pa lang tayo, excited lang na magdikit ‘yung mga katawan natin...”
“Ay, ganoon ba...” Napahiya ako.
“Lumayo ka, doon sa dati mong pwesto...” saka niya itinuro ang lugar kung saan dapat ako. “Nakaka-isa ka na ah, alalahanin mo may kasunduan tayo...”
Ha?
“Anong sinasabi mo?” Kunwari hindi ko alam, pero alam ko naman talaga, ‘yun ay ‘yung paghawak ko sa kamay niya kanina.
“Gusto mong i-untog kita sa isa sa pader ng napakaganda mong kwarto para maalala mo ang dapat maalala?” ang sagot niyang kalmante, pero nadidinig mo pa rin ang sarkasmo.
Napangiti na lang ako.
“Ah ‘yun ba?” ang pa-insonte kong sagot. “...Pwede na rin namang magdikit ‘yung balat natin eh. Tsaka hindi naman tayo naghawak kamay dahil naghoholding hands tayo, naghawak kamay tayo dahil nagsasayaw tayo...” saka ako ngumiti ng hindi nakikita ang mga ngipin, ng nakangisi.
“Bangasan kita eh!”
Jackpot!!! Maraming ‘hawakan ng kamay’ ang magaganap ngayon...

“Oh, ito na...” Inihakbang niya ang kanan niyang paa ng buong ingat, ng buong ganda, parang ballerinang sumasayaw. “...Another step, pero kaliwang paa, papuntang kanan...” Pagkatapos ay iglinide niya ang kanan niyang paa. “...Oh, isang palakpak...”
Pak!
(excerpts of the song and its meaning, italized)
Love is a rebellious bird
that nobody can tame,
and you can call him quite in vain,
because it suits him not to come.
“Gayahin mo ako, ‘wag ka lang nakatanga riyan!!!”
Bigla akong nagising. Hindi ko namalayan, nanonood na lang pala ako sa kanya, manghang-mangha at gandang-ganda sa sobrang graceful niyang paggalaw. Ang galing niyang sumayaw, mapapatanga ka na lang kung makikita mo siya. Bawat galaw niya kalkulado, parang ribbon na tinangay ng hangin sa sobrang amo at ganda. Basta hindi ko maipaliwanag sa sobrang ganda...
“Ah, oo...sige...”
 “...oh, ganoon uli, pero papuntang kaliwa, at isang step lang, glide, tapos palakpak...”
Pak!
 “Puro ganito lang ba ‘iyung step?” ang tanong atat-atat, atat-na atat ng magdikit ang katawan natin.
“How I wish... pero hindi...” ang sabi niyang nakakunot ang kilay. “Oh ganoon uli, papuntang kanan,  isang step, glide, palakpak...”
Pak!
Nothing helps, neither threat nor prayer.
One man talks well, the other silent;
But it’s the other that I prefer.
He says nothing, but he pleases me.
“Oh ganun uli, papuntang kaliwa...”
“Ang tagal naman...” ang pagdadabog ko. Kanina pa kami glide ng glide ng glide ng glide, walang katapusang glide...
Saka ko hinakbang ang kaliwa kong paa at iglinide ang kanang kong paa at...
Bigla niyang inistump ‘yung kanan niyang paa pagkaglide ng kaliwa niya. Halos mapatalon ako sa gulat dahil wala akong kalatuy-latoy kumilos. Gusto ko na talagang makarating sa dance proper!!!
Pero andoon na pala kami...
L’amour! L’amour! L’amour! L’amour!
( Oh, love! Love! Love! Love!)
 “Oh eto na ‘yun...” Namalayan ko na lang na hawak na niya ang kamay ko. Habang ang mga dibdib at tiyan namin ay magkadikit, ang mga mukha naman namin ay...ay...ay...magkalayo. Nakatingin kasi siya sa kanan, at nakatuon papalayo sa akin ang mukha niya.
Biglang siyang humarap sa akin ng nanggagalaiti ang mukha. “Gago! Not to close, sayaw ‘tong ginagawa natin, hindi porn!”
“Ikaw kaya ‘tong humila sa akin. Hindi ko naman alam na ito na pala ‘yung dance proper...” ang sabi ko habang nanatiling nakahawak ako ng mahigpit sa mga kamay niya.
“Eh kung ayusin mo kaya ‘yang tindig mo at galaw mo. Para kang hindi kumain ng tatlong araw!!!”
Edi inayos ko ‘yung tindig ko! Stomach in. Chest out.
“Good...” Tae, hindi na nga nagdikit ‘yung mga katawan namin.
“Oh, ihahakbang ko ‘yung kanan kong paa paatras, ikaw ihahakbang mo ‘yung kanan mong paa paabante. Tatlong malalaking hakbang, tapos dalawang maliit. Okay...” ang sabi niyang nakangiti at malambing at nakatingin sa akin.
“Sige, basta sinabi ko...” ang sabi ko sa kanyang nakangiti.
Bigla niyang iniwas ang tingin niya  at tumingin na naman palayo sa akin. Weird.
Love is a gypsy’s child,
It has never known the law;
If you love me not, then I love you;
If I love you, you’d best beware! (You’d best beware!)
Saka ko inihakbang ang kanan kong paa, malaking hakbang. Isa pang malaking hakbang, pero sa kaliwang paa. At isa pa, sa kanan uling paa. Dahan-dahan. Pinong-pinong. Parang mga totoong mananayaw. Parang mga ibong nagliligawan. Isang mabagal at maliit na hakbang sa kaliwa. Hawak ko ang kanan niyang kamay, at hawak niya ang kaliwa ko. Isa uling hakbang sa kanan. Buong pag-iingat. Parang tumigil ang oras. Parang tumigil ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa. Parang huminto ang mundo ng iba, habang ang mundo ko naman ay umiiikot sa taong pinagtuunan ko ng aking mata...
...kay Chong...
But if I love you,
If I love you, you’d best beware!
“TUMINGIN KA SA KANAN MO, PAPALAYO SA AKIN!!!” Bilang siyang sumigaw.
Tae naman eh, nagiging poetic na ako ‘no!!! Bwisit!!!
“Oh, sorry!!!” Humingi na lang ako ng tawad. Pero sa pabirong paraan, ‘yung parang galit pa, dahil parang galit rin naman siya.
Inirapan lang niya ako. “Oh, Pagkatapos nung limang hakbang na iyon, iikot ka habang hawak pa rin kita sa kanang kamay. Isang mabagal at graceful na ikot ‘yun ah. Tapos maghahawak kamay tayo, dalawang kamay...”
Umikot ako habang parang nagtitip-toe na humahakbang. Malay ko, kanina nangunguluntoy ako, pero bigla akong naging energetic. At saka kami naghawak kamay...
“Oh gayahin mo ako...”
Inihakbang niya pagilid sa kaliwa ang kanan niyang paa habang umiikot ang kaliwa. Pagkatapos ay ang kaliwa naman, pakanan. Buong gilas. Graceful. Parang pagsayaw ng mga halaman at mga bulaklak sa saliw ng hanging bumubulong ng pag-ibig. Saka namin inilapat ang kanan naming paa sa sahig, itinikwas ito pataas. Pagkatapos ay  iniunat at inihakbang namin ito paatras, at nagkalayo ang mga halos dikit naming mga katawan, habang ang kanang kamay ay nakataas at ang kaliwa ay naka arkong parang may niyayakap...
...At ginagawa ko ‘yun habang nakatingin sa kanyang mga mata, sa mga maamo, mapungay, at maganda niyang mga mata...
The bird you hoped to catch
Beat its wings and flew away...
“...’YUNG STEPS ANG PAGTUUNAN MO NG PANSIN!!!” Muli siyang sumigaw. Tae, lagi niya akong nahuhuli.
“Bakit, hindi ba kapag mga ganitong sensual ang sayaw, at sensual ang tugtog, dapat laging may eye contact ang magkapartner para talaga feel mo ‘yung sayaw...”
“WOW! At alam mo na ba lahat ng steps para sabihin ‘yan. Eh ang dami mo na kayang mali...”
Nabilaukan naman ako.
“Oh sige na!”
Umikot kami na ang kanang kamay ay nasa harap, paarko, habang ang kaliwa ay nasa likod, paarko rin. Saka ako umikot ng mabilis habang siya ay nasa kanan ko...
...At bigla niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay...
“Oh umikot ka,” ang sabi niyang matigas. “...di bale magiging magkatalikod ang pwesto natin...”
At ‘yun nga ang nangyari. Umikot ako, at ng hawak na niya ang kaliwa kong kamay at magkatalikod na kami...
...hinawakan niya ako sa bewang...
Love stays away, you wait and wait;
When least expected, there it is!
Napangiti ako.
“Uy, tsansing...” ang sabi kong natatawa habang nakatingin sa kanya patagilid.
“Oo, tsansing ‘to, talagang makakatsansing si George sa’yo sa Lunes...” ang sabi niyang nandidilat.
Pinaalala pa niya. Bwisit.
“Uy, Chris, tinitigasan ka ‘no...” saka ko idinikit ‘yung puwet ko sa harapan niya.
“Gago...” saka niya kinurot ang tagiliran ko.
“Aray!!!”
“Ulitin mo pa...”
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa bewang ko.
Naramdaman ko. Tinitingnan niya ako. Tinitingnan niya ako ng may pagtataka.
“Bakit? Hindi ba ganito naman talaga ito...” ang sabi ko sa kanyang nakangiti ng buong aliwalas.
“Sigurado ka bang hindi mo pa alam ‘tong sayaw, ha...”
“Oo nga, syempre, saan ko ilalagay ‘tong kamay ko, alangan namang ihawak ko rin sa kaliwa mo, diba...” ang sabi ko sa kanyang maangas.
Natigilan siya.
All around you, swift, swift,
It comes, goes, then it returns...
 “Oh, step forward mo ‘yung kanan, then dalawang maliit ng hakbang sa forward ‘yung kaliwa.” Saka naman namin ginawa ang step sa kaliwang paa. Pagkatapos ay itinaas namin ang kanan naming paa at iglinide ito pakanan.
Marami sa mga steps na iyan ang hindi naman talaga niya sinabi ng detalyado, pero hindi ko alam kung paano ko nagawa. Parang sumunod na lang ang katawan ko sa galaw ng katawan ni Chong. Parang nagkaintindihan kaming ganito ang dapat naming gawin, kahit na malimit mag-usap, kahit na puro tinginan at iwasan ng tingin, kahit puro siya iwas sa akin...
...Siguro’y mga puso namin ang nag-usap...
“Harap sa akin...”
Humarap ako sa kanya pagkaglide ko...
...At hindi inaasahang talagang nagdikit ang mga katawan namin. Ang aming dibdib, ang aming tiyan, ang aming mga braso, ang aming mga hita, ang mga mukha na lang namin ang hindi nagdidikit. Dahil sa pagod, hinihingal akong tumitig sa kanya, sa kanyang mata, sa kanyang pisngi, sa kanyang ilong, sa kanyang mga labi, sa kabuuan ng kanyang mukha. Bitbit ng malalim kong paghinga ang pagtataka kung bakit ako napatitig sa kanya ng ganoon, kung bakit ko nararanasan ang ganitong kalituhan. Lalong dumiin, dumiin ng may pag-aalaga ang hawak ko sa kanyang likod. Hinagod ko ito pababa hanggang sa kanyang bewang, hanggang sa itaas ng kanyang puwet, habang ang kanyang kamay na rin ay sumama pababa sa akin bewang. Maski sa mukha niya ay nakita ko ang kalituhan, ang kaamuan, habang tinitingnan niya ang aking mga mata, ang aking mga pisngi, ang aking ilong, ang aking mga labi...
“Gusto mong putulin ko ‘yan...” ang sabi niyang matigas at nandidilat.
You think you hold it fast, it flees,
You think you’re free, it holds you fast.
Akala ko ba nalilito siya at puno ng kaamuan ‘yung mukha niya. Badtrip naman oo, nagiging poetic na naman ako eh!!!
Pero teka, ano ‘yung puputulin niya...
“Anong puputulin mo?” ang pagtataka ako. Saka siya tumingin sa ibaba.
Tumigas ‘yung ari ko! At nakadikit pa ang matigas kong ari sa ari! niya!!
Bakit hindi siya tinigasan...Tae naman oo...
Dali-dali kong inalis sa pagkakadiin ang katawan namin. “Sorry,” ang di ko mapakaling sagot sa kanya.
Inirapan lang niya ako.
L’amour! L’amour! L’amour! L’amour!
( Oh, love! Love! Love! Love!)
“Oh, dalawang malalaki at mabagal na steps lang ‘to...” ‘Yun ang ginawa namin. Pagkatapos ay inihakbang namin palikod ‘yung kaliwa naming paa at saka parang ikinaladkad ang kanan naming paa. Tatlong beses. Step. Drag. Step. Drag.
“Tango steps na ‘to, Ikaw lang ang halos gagalaw...” Inunat namin ang kamay namin paharap sa isa’t isa. Step. Close. Step. Palapit sa kanya. Saka ko kinalas ang kaliwa kong kamay at nag-basic steps papunta sa gilid niya ng nakatakilod. Mabagal. Sabay sa bagal ng kanta. Sensual. Damang-dama ko ang pagdikit ng mga balat namin dahil sa bagal ng kanta. Mainit. Damang-dama ko rin ang mainit na hininga ni Chong na kumikiliti sa leeg ko.
Love is a gypsy’s child,
It has never known the law;
If you love me not, then I love you;
If I love you, you’d best beware! (You’d best beware!)
Step. Close. Step. Mabagal. Sensual. Ngayon nama’y sana kaliwa niya ako.
“Tutal naman sabi mo sensual ‘yung kanta, tikwasan mo ‘yung bewang mo kapag gigilid ka...” ang sabi niyang walang tono ang boses.
“Pwede bang sa actual na lang iyon. Gusto mong manood?” ang tanong ko sa kanyang masigla.
“’Wag na. Ayokong masuka kapag crotch grabbing part na. Lalamasin ni George ang yaman mo! Wahaha!” Bigla siyang tumawa na parang baliw. Kanina lang walang sigla, tapos bigla siyang gaganyan para pagtawanan lang ako...
“Oh, sige...basta ‘wag mo ng ipaalala...” Ako naman ang nawalan ng sigla. “Teka, bakit nga pala ang galing mong sumayaw?”
“Member ako ng dance troupe noong high school...”
“Oh, talaga, eh bakit...”
“Nawawala ka na sa steps!!!”
But if I love you,
If I love you, you’d best beware!
“Ihakbang mo ‘yung left mo habang hawak ko pa rin ‘yung kaliwa mong kamay. Tapos ihakbang mo patalikod, papuntang left ‘yung right foot mo, pacross sa left mo...”
Saka ko hinakbang ang kanan ko, hawak pa rin ang kamay niya. Ang kanan ko naman ang icrinoss ko sa kaliwa, pero sa harap dumaan.
“Tapos, umikot ka...” At umikot ako. Pagkatapos ay tumigil kami ng magkatalikod, lumiyad ng kaunti sa kanan, habang nakataas ang magkahawak naming kaliwang kamay...
...At ang kanan niya ay nasa ilalim ng dibdib ko...
“Uy, tsansing again...” ang nangingiti kong sabi.
“Hawakan mo ‘yung kanan kong kamay, TARANTADO!”
Edi hinawakan ko.
“Patapos na ‘to...”
Ganoon uli ang step. Pero papuntang kanan. Step. Cross. Step. Cross. Habang magkahawak ang kamay namin. Habang tumigil ang oras. Habang bumagal ang mundo.
“Pagka-ikot mo, lalayo ka sa akin, pero magkahawak pa rin ang kamay natin...”
Nagkalayo kami. Bumalik sa dating bilis ang oras. Bumalik sa dating kilos ang mundo.
Love is a gypsy’s child,
It has never known the law;
If you love me not, then I love you;
If I love you, you’d best beware! (You’d best beware!)
“Ikot papunta sa akin...” At muli nagdikit ang aming katawan. Sumayaw ang mga halaman sa saliw ng ha...
“Ikot uli...” Saka ako umikot uli papunta sa kaliwa niya, magkahawak pa rin ang kaliwang kamay.
“Tae, puro ganito na naman ba uli...” Puro naman ako ikot eh , nahihilo na ako. Walang katapusang ikot. Tarantadong George ‘yun, ano bang gusto niyang gawin sa akin...
Saka ako umikot uli, at sa pagkakataong ito...
...Talagang magkadikit na ang mga katawan namin, ang aming dibdib, ang aming tiyan, ang kabuuan ng aming mga katawan. Parang dagat at araw na naghahalikan sa papatapos na araw. Parang mga bundok at ulap na nagmamahalan...
Nakayakap sa aking likod ang ang kanyang kanang kamay. Pagpisil na may pagmamahal. Habang ang kaliwa niya at ang kanan ko ay magkahawak...
“Ihawak mo sa kanan kong balikat ‘yang kaliwa mong kamay!”
But if I love you,
If I love you, you’d best beware!
Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan. Ang init ng aming mga katawan. Nagsalo iyon kasabay ng malalim at mabagal naming paghinga, ng mga hiningang nagsasabing alipinin mo ako, ikaw ang ligaya ko. Dama namin ang tibok ng puso ng bawa’t isa, kapwa mabilis, kapwa di mapakali, kapwa di masabi ang damdaming gustong iparating.
“Itikwas mo ‘yung kaliwa mong paa...” Nabigla ako. Biglang kong naitaas ang kaliwa kong paa. At pagkatapos...
...Bigla siyang lumiyad pababa habang unti-unting nagkakalayo ang aming mga katawan...
...Nanatili siyang nakahawak sa bewang ko. Lalong dumiin ang pagkakahawak niya. Maski sa pagkakahawak niya sa aking kanang kamay...
...Nakatuon sa kanan pababa ang ulo ko. Bigla akong nadala sa gulat ng ginawa niya. Habang dama kong ang tagiliran ko ay malapit sa ari niya, unti-unti itong nasasagi ng di sinasadya kapag ako’y humihinga, humihinga ng malalim.  Maski siya’y humihinga ng malalim, dama ko sa hininga niyang dumadampi sa aking leeg...
...At unti-unti kong inangat ang aking ulo, unti-unting nagkatapat ang aming mga mukha. Ang magandang hubog ng kanyang kilay, ang kanyang mga magaganda at malamlam na mga mata, ang kanyang di katangusan ngunit magandang ilong, ang kanyang matatabang pisngi, ang kanyang makapal, mapupula at nakabuka ng kaunting mga labi...
...Lalong humigpit ang kapit ko sa kanyang balikat, maski sa kanyang kamay na umaalalay sa akin...
Maski siya ay tila nalilito. Palipat-lipat ang tingin. Sa aking mga pisngi, sa aking matangos na ilong, sa aking makakapal na kilay, sa aking manipis ang mamula-mulang mga labi, sa aking singkit na mga mata. At palipat-lipat niya ng tingin, lalong lumalalim ang kanyang paghinga, lalong umiinit...
...Lalong humigpit ang kanyang hawak sa aking bewang, humigpit ng may pagmamahal...
If you love me not, then I love you;
If I love you, you’d best beware! (You’d best beware!)
Magkadikit ang aming mga katawan, ang aming mga mata, ang aming kaluluwa, mga labi na lamang ang hindi nagdidikit sa amin...
Unti-unti, may pag-iingat, dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Marahan, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagkalito, pero bakas din ang pagpapa-ubayang angkinin ko ang labi niya...
Sa kanyang mga mata lang ako nakatingin. Unti-unti. Maski mga mata niya’y sa akin lang nakatuon. Dahan-dahan. Ang mga labi nami’y magsasalo na. May pag-iingat. Hindi namin maipaliwanag ang aming nadarama...
At ngayon...nagdikit...
But if I love you,
If I love you, you’d best beware!
“Okay, tapos na ‘yung sayaw...” saka niya binitawan ang pagkakahawak sa aking bewang maski sa akin kamay. Nahulog ako. Nauntog ang ulo ko sa sahig, habang ‘yung mga binti ko ay nakabaluktot na natumba.
“ARAY!!!”
Pero dali-dali niya lang kinuha ang sapatos kasama ng kanyang medyas. Pinihit ng madali ang doorknob, at nagmamadali umalis.
“Ser, ano pong nangyari sa kaibigan niyo...” ang tanong ni Manang Elsa. Magdadala sana siya ng meryenda para sa amin ni Chong.
Pero hindi ko siya sinagot. Nakangiti lang ako. Nakangiting parang baliw habang hinihimas-himas ang ulo kong nauntog. Parang nawala lahat ng sakit ng maalala ko lahat ng nangyari.
...Kaya pala ‘walang lalabis’, pero hindi niya sinabing ‘walang kukulang’...
Pero, sandali...


“TEKA!!! HINDI PA TAYO NAGPAPRAKTIS NG MAY KASAMANG KANTA!!!!!!”

3 comments:

  1. one of my favorite stories here......

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng story!!! Paki update po kagad mr author :) thanks and congrats!!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails