Pauna: Nagbabalik po mula sa pagkakahimlay. masyado lang po busy sa work kaya heto super late.
pasensya na guys sa sobrang tagal ng pag update ha? pasensya na talaga.
Anyway di ko na po pahahabain pa at enjoy!!!!
This Chapter is dedicated to Jin.
Kiss The Rain
Chapter 15
Erwin
Joseph Fernandez
4:00 na ng hapon at sobrang init
pa din sa labas. Wala kaming nagawa ni Donnie kung di ang mag kulong at manuod
lang ng kung ano ano sa dvd sa kwarto ko maghapon para maka iwas sa matinding
init sa labas.
Kasalukuyang nanunuod kami ng
pangatlong movie namin. Naka sandal si Donnie sa headboard ng kama at ako naman
ay naka unan sa hita niya.
“Mhie, mamaya pag wala ng araw
labas tayo. Maghapon na tayo dito.” Ayan nya sa akin.
“Opo. Mamaya.” Sagot ko habang di
inaalis sa tv screen ang mata ko.
“Mhie, di ka ba natatakot? Di
kaya bakilan ni Angelica si Jhepeth?”
Sa tanong niyang yun ay
napatingin ako dito at binigyan ko ito ng isang nagtatanong na tingin.
“What?!” sagot niya sa reaksyon
ko.
“Dhie, ikinatatakot mo yun? Di mo
ikinatatakot kung gaano ka violent si Jhepeth? Look if Angelica makes a move
against her nakuh! Asahan mo ng uuwi ng kalbo o tapyas ang mukha ng babae na
yun.” Sagot ko habang inaangat pa ang kamay ko na akala mo ay kakalmot na pusa.
“ang confident mo naman ata kay
Jhepeth?” kamot ulong sabi niya.
“Dhie, Years na kami magkasama
niyan. Wala pang 50% yung nakita mo kay Jhepeth.” Mayabang kong sagot.
“Wow! Buti pala nahila namin siya
palayo kay Angelica kung baka kita na utak niyon.”
“In 15. 14. 13. 12.”
Ipinagtaka naman ni Donnie bakit
bigla ako nag countdown. Habang ako naman ay patuloy sa ginagawa ko.
“3. 2. 1. The devil is here.”
Sabay naman sa pagsabi ko niyon ay ang pagkalabog ng pinto ko sa sunod sunod na
katok na nagpatalon kay Donnie.
“Sandali lang!” karipas na takbo
ni Donnie papunta sa pinto ng kwarto ko.
Pag bukas naman dito ay
sumalubong ang di maipintang mukha ni
Jhepeth. Dalian naman tumabi si Donnie pagilid para bigyang daan si Jhepeth. Diredirecho
naman ito pabagsak na naupo sa kama ko.
“Yes what can I do for you
madam?” pabiro kong tanong dito na sinuklian naman nito ng matalim na titig na
dahan dahang napalitan malungkot na ekspresyon.
“Che, umalis si Kenji sabi ni
tita.” Sabi nito na akala mo ay batang nagsusumbong.
“ow? Tapos?”
“Di daw nag bilin kung saan
pupunta.”atungal nito at biglang yumakap sa akin at umiyak.
Nagkatinginan naman kami ni
Donnie at nagbatuhan lang nag nagtatanong na mga tingin.
Inalis ko ang pagkakayakap ni
Jhepeth sa akin at iniharap sa akin.
“Girlfriend ka ba ni Kenji?”
ngiwing tanong ko na sinagot lang niya ng iling.
“Peth, ayun naman pala eh. Wala
kayong malalim na "pagkakaunawaan".
Besides Kenji is one of us.” Sabi ko kay jhepeth habang hinihimas ang ulo nito.
“Peth, may nagpakilala naman sa
iyong gwapong lalaki daw sabi ni Mhie ah?!” singit ni Donnie.
“Ngongo nga lang.” Malungkot na
sagot naman ni Jhepeth na sinabayan ng malalim na buntong hininga.
“Tara nuod muna tayo ng movie.
Mamaya labas tayo para di ka na ma sad.” Pag comfort ko sa sa aking bestfriend.
“Salamat che. The best ka
talaga.” Naka ngiti nitong sabi sa akin habang yakap ako.
“sige dahil sasabay ka manuod.
Punta ka naman sa kusina microwave mo yung popcorn pouch doon sa shelf sa taas
ng sink.” Naka ngisi kong utos dito.
“impakto ka binabawi ko na sinabi
kong the best ka.” Sabi nito sa akin habang padabog na naglakad palabas ng
kwarto ko.
“sa taas ng sink na shelf?!”
sigaw nito habang bumababa sa hagdanan.
“Oo. Thank you!” sagot kong
pasigaw din.
“Impakto!” sigaw din nitong
pabalik na nag patawa sa aming pareho ni Donnie.
Kenji
Oya
Kabado akong naglalakad papunta
sa pagkikitaan namin ng ka text ko ngayon. Medyo may pangamba din halo dahil sa
mabilisang pagkikita namin.
Pero sa di ko malamang dahilan ay
heto pa din ako at hinihila pa din ng mga paa ko na puntahan ang taong iyon.
Napatawa naman ako ng madaanan ko
ang lugar na pinag eskandaluhan ni Jhepeth at Angelica sa parte ng mall na ito.
Binagalan ko na ang lakad ng
palapit na ako sa restaurant na pagkikitahan ng ka text ko.
Actually di pa naman ganoon
katagal na mag ka text. Dalawang araw pa lang ata pero heto siya at inaya ako
na makipag kita at kumain sa labas na naging mahirap naman sa akin para
tangihan. Grasya na tatangihan ko pa ba?
Date? Ayoko mag assume.
Habang papalapit naman ako ay
kitang kita ko na siya mula sa labas ng restaurant. Napaka kisig niyang tignan.
Oo tama kayo makisig dahil sa lalaki ang ka text ko na ito. Tinigilan ko muna
ang paglakad papunta sa kinaroroonan niya at pinagmasdan muna siya sa di
kalayuan at mukhang di naman niya pansin na nandoon na ako.
“Panaginip ba ito? Please naman
wag ninyo na akong gigisingin pa kung di man ito totoo. Comatose na kung
comatose basta andiyan siya.” Malandi
kong sabi sa aking sarili.
Maya maya pa habang ako ay
binubusog ang mata ko sa pagtitig sa kanya ay nagtitili naman ang cellphone ko
sa bulsa ko.
Agad ko naman kinapa ito sa bulsa
ko at sinagot ang tawag.
“Hello?”
“So titignan mo lang ba ako mula
diyan? Samahan mo na ako dito.” Sagot ng kausap ko sa kabilang linya. Grabe just
hearing his voice instantly sends shivers down my spine. Napaka manly and sexy
ng voice niya.
“ah eh! Ok. Wait.” Tangin nasagot
ko. Pakiramdam ko ay ang init init ng mukha ko at mayroong kung anong pumasak
sa lalamunan ko kaya yun lang ang salitang lumabas sa akin.
Lahat naman ng paraan para ma
compose ang sarili ko ay ginawa ko habang naglalakad na ako papasok ng
restaurant at papalapit sa kanya.
Pagkalapit ko naman sa kanya ay
tila naging tuod naman ako sa harap niya. Ang naalala na lang ata gawin ng katawan
ko sa mga oras na iyon ay ang paghinga. Napansin naman niya ito ata kay agad
siyang tumayo at inalalayan akong umupo.
“Have a seat.”
“T-t-hank you.” Sagot ko na tila naman na lumubog paloob ang
dila ko sa lalamunan ko.
Pag kaupo ko naman ay naupo na
din siya at tinignan ako nito ng mata sa mata.
Maganda ang mata niya. Mapungay
tila nangaakit.
“nag order na ako 15mins ago. I
hope you don’t mind.” Pagbasag nito sa katahimikan na namamagitan sa amin.
“Ah. Sige ok lang yun.” Matipid ko sagot.
Katahimikan ulit ang namayani sa
aming dalawa. Tanging pagtingin sa mga kamay ko ang nagawa ko. Ang lakas ng
kabog ng dibdib ko pero kakaiba di takot o kaba na ang nararamdaman ko.
“You look cute. Lalo pag
malapitan.” Sabi niya sa akin na nag paangat naman ng ulo ko para tignan siya.
Pagtingin ko naman sa kanya ay tinititigan ako nito na may matamis na ngiti sa
labi.
“salamat. Are you flirting with
me?”
“If thats what you call it.” Naka
ngiti pa din na sagot niya sa akin.
Again parang nabulunan ako. Di ko
alam kung ano man ang bumara doon pero parang pinipigilan pa din ako nito
makapagsalita. Salamat at dumating din ang pagkain. Ito lang ata ang
makapagsasalba sa akin mula sa pagkatameme ko sa kanya.
Subo.
Nguya.
Tingin sa akin.
Ngiti.
Inom ng juice.
Iyan ang naging routine niya sa
harap ko habang kumakain kami.tuwing makikita ko na lang siya naka tingin sa
akin ay sinusuklian ko na lang din ng ngiti.
Actually kanina pa ako kinikilig
at kanina pa din ako nagtataka kung bakit ganoon na lang siya sa akin.
Panghimagas na ang kinakain namin
at heto ako may tanong na naka bitin sa utak ko. Pinagiisipan mabuti kung
ibibitaw ko ba ito sa kanya o hayaan na lang na kainin ng kalimot.
Pero sadyang ayaw talaga ako
lubyan ng utak ko. Pilit nitong pinatakbo sa isip ko ang tanong ng paulit ulit.
Kaya heto ako nilalaro at tinititigan ang souffle sa harap ko.
“Di ba masarap ang dessert na
napili ko?” pagbasag niya sa ginagawa ko.
“Ah! Masarap!” sabi ko sabay subo
ng kutsaritang hawak ko.
“Huatengna parang timang ako!” pahabol ko sa
isip ko.
“Mabuti naman at nagustuhan mo
din pala.” Naka ngiti nitong sabi sa akin.
“Ano...”
“Yes?”
Kailangan ko na itanong ito. Di
na kaya ng utak ko pa isantabi ito.
“Bakit mo ginawa iyon at ito?”
napayuko na lang ako pagkatanong ko sa kanya.
“Yung ano? Ito?” natatawang pagtanong niya pabalik sa akin.
“Ayun! Ito!” parang timang na sagot ko naman na habang
napakamot sa ulo ko.
“Ahhhh! Ayun at ito! Isa lang
naman ang dahilan eh. Gusto kita.” Straight forward na sagot niya sa akin.
Napaangat naman ang ulo ko pagkarinig
ko sa sinabi niya.
“Ha! Di ba Girlfriend mo yung
Demonyitang babae na iyon? Pasensya ka na sa term ko.” Tanong ko ulit sa kanya.
“Napilitan lang ako doon. To tell
you the truth may utang lang family namin sa kanila para buhayin ang negosyo
namin and to repay that she requested from my parents na ako ang maging
boyfriend niya. I strived hard parapalaguin ang negosyo namin at bayaran ang
utang namin para makalayo sa kanya. Nagawa ko lahat ng iyon and still she kept
on bugging me. Until that day came. Yun yung araw na ang kaibigan mo ay
dumating at sinugod siya at nakita kita. Which made me decide na putulin na ang
kung ano mang meron sa amin. Wala na siyang habol.” Pag kwento niya sa akin.
“Ha! So you mean parang si Argel
ka lang din?” tanging naisagot ko. Halata nanaman siguro sa kanya na nag blush
ako sa huling parte ng kwento niya.
“Sino yun?” tanong niya pabalik
sa akin na naka hilig ang ulo pakanan.
“ah! Nevermind him. Wala yun. Isa
sa ka love triangle ng friend ko. Balik tayo sa iyo. So you mean if hindi mo
siya type. P.L.M. ka!”
“P.L.M. School yun di ba? Hindi
ako doon nag aral.”
“no no no! Hindi yun. People Like
Me.” Medyo natatawa kong sabi.
“Huh? Sorry i’m not following.”
“I mean gay/bi ka din?” tanong
kong naka ngiwi.
“Well obviously yes. Why would I
go on a DATE with you if i’m straight? Sensya na ha medyo di ko na gets nung
una.” Natatawang sabi nito sa akin.
Gosh! Lord ito na ba! This is
really is it! Salamat sa delicious na blessing na ito!
“Date ito? And why did you slip a
calling card sa floor papunta sa akin noong umaawat kami?”
“Yes date ito and thats what I
call trying my luck.”
“Trying your luck?”
“Oo. I was hoping na mag text ka
sa akin.”
“nag text nga ako.” Nahihiyang
sagot ko.
“yun nga ang hinihiling ko
mangyari at nasagot naman.” Sabi naman niya sabay kindat sa akin.
Tila parang nataranta, nagulo,
nabulabog naman ang sarili ko sa ginawa niya na iyon at parang di ako mapakali
na sa kinauupuan ko. In a good way ha!
“Hindi papala tayo nagpapakilala
ng maayos. I’m Jhasper Jocson. 23 ang hunky nurse.” sabi niya habang nag flex
pa ng biceps niya at taas baba pa ang kilay na nakatitig sa akin.
“ah ako. Kenji Oya. 23.” Matipid
ko na sagot.
“Wala man lang ba konting catchy
na idadagdag sa dulo?”
“Kaibigan ni Erwin na Bf ni
Donnie na Hinahabol ni Argel na hinahabol ni Angelica na ipinakilala kang
“Boyfriend”.” Mahabang sabi ko sabay bitiw ng ngiti.
Natawa naman siya at tila musika
sa tenga ko ang tunog na lumalabas sa bibig niya.
“I think magkakasundo tayo at
mahaba pa ang DATE nating araw na ito kaya alis na tayo at sa sunod na lugar
naman.” Sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.
Argel
Joseph Francisco
Kanina pa tunog ng tunog ang
cellphone ko at sa irita ko dito ay inilagay ko silent mode ito.
Pero ganoon pa din patay sindi pa
din ang ilaw nito na siyang nakakabulabog sa pag mumuni muni ko sa kwarto ko na
ni isang sinag mula sa labas ng bintana ang nakapapasok.
Di ko rin natiis pa ito at
dinampot ko na ang cellphone ko at tinignan ito.
30 missed calls at 15 text
messages. Mula sa iisang tao?
Nagtataka kong binuksan angmga
mensahe pero iisa lamang ang laman nito.
“Sorry.”
“Kalokohan nanaman. Wala ng
katapusan na kalokohan na humahantong lang sa paulit ulit na kalungkutan ko na
ito.” Sabi ko sa sarili ko habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone na nasa
kamay ko na unti unting namamatay ang liwanag.
Muli namang umilaw ang cellphone
ko at may message nanaman sa mula sa tao na iyon.
“Sorry. Sorry talaga Argel, sana
mapatawad mo ako. Mali ang nagawa ko. I realized that my actions will go onto
nothing. Why would i force someone to love me? I have dragged other people sa
gulo pa nating dalawa. I’m really sorry. Please sana mapatawad mo ako. Gagawa
ako ng paraan para maayos itong lahat.” Laman ng text.
“Patibong nanaman.” Bulong ko.
Iniwan ko na lang ang cellphone
ko sa side table ng kama ko at lumabas sa kwarto ko.
Erwin
Joseph Fernandez
“Jhepeth! 9pm na di pa tayo
kumakain. Sila mama umalis at nagiwan naman ng pagkaing lulutuin.” Sabi ko
habang niyuyugyog ko ang bruha na nasa kama ko at tulog na tulog.
“Bakit di ka maghanda? Gisingin
mo yung kapre mong asawa para matulungan ka.” Sabi nito sa akin habang
isinisiksik ang mukha nito sa unan na yakap yakap.
“Sira ka! Kanina pa si Dhie sa
baba. Nakapag hain na ikaw na lang ang kulang!”
“Susunod na ako. 5mins lang.
Nagroromansahan na kami ni Baby Kenji. Hehehehe!” mala manyak nitong tawa
habang nasa ganoon pa din posisyon.
“errrrr... sige mauna na kami
sumunod ka. Wag mo dudumihan kama ko please lang.”
Dali dali naman ako bumaba para
saluhan si Donnie sa lamesa.
“oh Mhie nasan na yun?” bungad ni
Donnie sa akin pagkakita sa akin.
“Ah! Eh! Sunod daw. Nananaginip
ng kalahating gising. Mauna na tayo.” Sabi ko habang papaupo sa tabi niya.
“sige kanina pa ako nagugutom
Mhie eh!”
“Lagi ka naman gutom...”
“Oo Mhie. sa pagmamahal mo.” Sabi
niya sa akin habang nagsasandok ng kanin sa tigisang plato namin.
“Sira ka kumain ka na nga at baka
lumala ka pa lalo.” Humahagikgik na sagot ko.
Susubo na sana ako pagkain ng
tumunog ang doorbell.
Kunot noo naman akong tumayo at
pinagbuksan ng pinto ang kung sinong tao na iyon.
Laking gulat ko naman ng mabuksan
ko ang pinto at tanging pag tingala at pagtitig lang ang nagawa ko sa taong
nasa harap ko.
“Friend ok ka lang ba?” basag ni
Kenji na nasa tabi ko pala.
“Ha! Oo! Tao pa ako.” Wala sa
sariling sagot ko.
“bakit nandito iyan?” kasunod
kong tanong.
“papasukin mo muna kami.” Naka
ngisi niyang sagot sa akin.
Wala naman akong magawa kundi
patuluyin ang dalawa sa sala at paupuin doon. Tapos niyon ay dali dali akong
nagpaalam at umalis para hilahin si Donnie papunta sa kanila.
“Bakit andito ka? Bakit kasama mo
kaibigan ko? Bakit magkaholding hands kayo?” sunod sunod kong tanong habang si
Donnie naman ay speachless lang sa tabi ko.
“Friend, siya nga pala si
Jhasper. Nag meet kami kanina. Nag date kami. Harmless siya. Nasa side natin
siya. Gusto niya daw ako.” Mabilis at Sunod sunod ding sagot ni Kenji sa akin.
Pero tila parang wala kami halos
naintindihan ni Donnie kaya tanging pagtitinginan ang nagawa namin at pag aya
sa dalawa sa pag kain ng hapunan.
Doon naman pinaliwanang ng dalawa
sa akin ang mga dapat kong malaman. Madali naman namin nakuha ang ugali ng
kasama ni Kenji kaya todo kwentuhan kami habang kumakain.
“Che! Kakain na ako. Ready na ang
beauty ko sa laps!” sigaw ni Jhepeth habang bumababa sa hagdan na siya namang
nag padilat sa mata ni Kenji.
“nandito nga pala siya di ko
namin nasabi ni Mhie.” Kamot ulong sabi
ni Donnie kay kenjie.
“Baby kenjieeeeeeeeeeeeeee!!!”
tili ni Jhepeth habang patakbong papunta sa kinauupuan namin.
“hamishu! Hamishu hamishu! Saan
ka galing? Kumakin ka na? Hamishu!” tila parang baliw na si Jepeth habang naka
hawak sa kanang kamay ni Kenjie.
“Ehem!” pag tawag ng pansin ni
Jhasper naman.
Nakuha naman nito ang pansin ni
Jhepeth.
“Anong ginagawa mo dito?!”
eksaheradang tanong ni Jhepeth.
“Asan si Angelica? Mangugulo
nanaman ba? Ibabaon ko sa asin yun at gagawin kong key chain. Asan na yun?”
paranoid na tanong ng bruha.
Dali dali naman akong tumayo at
pumunta sa gitna ni Jhasper at Kenji.
“Che, kami lang andito. Saka tignan mo ito.” Sabi ko habang hawak ang
tinataas ang kamay ng dalawa na magkaholding hands pa rin.
“anong ibig sabihin nito Kenji? Nag traydor ka na sa akin? Sa
sagradong pagmamahal ko sa iyo.” Sabi ni Jhepeth habang pinapalo nito ang dib
dib niya.
Tila parang comedy show ang
nangyayari sa harap ko. Tawa lang kami ng tawa ni Donnie habang si Kenjie at
Jhasper naman ay todo explain sa harap ni
Jhepeth na akala mo ay tinakasan ng kaluluwa na niya.
Ng tumunog nanaman ang Doorbell.
Dali dali naman akong pumunta sa
pinto sa pagaakala na kapatid ko at Mama ko na iyon.
Pag bukas ko naman ay isang
pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.
“Bakit?” tanging nasabi ko
pagkakita ko sa kanya.
Itutuloy.
Kay tagal kong hinintay to author..sana may update na agad pleaseeeeeeeeeeee...............
ReplyDeleteupdate agad pls,
ReplyDeleteFinally...
ReplyDeletehaha.. kawawa naman si Peth, mayiba na si Kenji. ok lng yan Peth may ibang balak cguro si Mr. Author sa love life mu. hhehe :)
ReplyDeletemarathon from chapter 1 to 15. ganda ng story. I can't wait for the chapter 16.