"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 9"
By. Iam Kenth
Sa araw ng kasal ni Ryan at Herminia, parang ayaw ko noong bumangon sa kinahihigaan ko, pero kasi ako ang best man ni Ryan.
"Anak? gumising kana diyan, maligo ka na at pupunta na tayo sa simbahan." Sabi ng Mama. at sa tuwing nadidinig ko ang tungkol sa kasal, parang unti unti akong pinapatay.
Pero, itinindig ko ang sarili ko. Kailangan ko silang harapin.
Naligo ako at nagbihis, inisip ko na sa oras na mabasbasan na si Ryan at Herminia, ako na ang magiging saling pusa.
Pinanghahawakan ko parin kasi ang sinabi sa akin ni Ryan na kahit na maging kasal sila ni Herminia, ako parin ang mahal niya. Alam kong mali, pero inisip ko din, sino ba ang mali?
Ako na alam ni Herminia na minamahal ng asawa niya? o siya na alam niyang hindi siya mahal ni Ryan at patuloy niya kaming pinaghihiwalay?
Kung hindi lang sana nagbunga ang kanilang ginawa, pero kung hindi man nagbunga iyon, malamang maghahabol padin si Herminia sa kaniya.
Hindi ko alam kung dati ng may gusto si Herminia kay Ryan, pero kasi si Ryan naging crush niya iyon. Pero sabi niya sa akin na crush lang daw talaga.
Pagpunta ko sa simbahan, wala pa noon si Ryan.
Hanggang sa dumating itong si Herminia.
Nagkakabulong bulungan na, tapos pinahanap si Ryan dahil naiinis na ang papa ni Herminia. Nakatingin ng masama sa akin si Herminia. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kaniya.
"Oy, Ryan.. bakit wala kapa..." sabi ko sa sarili ko.
Napakarami pa namang tao noon, kasi anak ng Mayor ang ikakasal. At isang malaking kahihiyan na ang nangyayari sa pagkawala ni Ryan.
Ginawa ko. Humiram ako ng bisekleta dahil may ideya ako kong nasaan siya.
mabilis akong nagbike.
at tama nga ako, nasa lambak si Ryan. Nakaupo siya doon. Suot niya ang damit pangkasal niya.
"bakit kapa nandito?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin.
"Hindi ko alam kong kakayanin ko to." Sabi niya.
"Eh diba nakapagusap na tayo? magpapakasal ka pero ipagpapatuloy padin natin ang relasyon natin ng patago" sabi ko.
"Pagnagpakasal ako sa kaniya... hindi mo na ako makikita." sabi niya sa akin. Napalunok ako.
"sinabi na sa akin ni Herminia iyan, pero gagawa tayo ng paraan para makapgkita tayo diba?" sabi ko..nakatayo ako sa likod niya.
"Hindi iyon ganun kadali... sinabi niya sa akin na tutungokami sa states at doon maninirahan." sabi niya.
bigla akong napaluha. hindi ko kinaya iyon.
"Ayaw kong mas mapalayo sa iyo." sabi niya, tumayo siya.. lumapit sa akin, niyakap ako. Mahigpit, pero blanko ang isipan ko. hindi ko lubos maisip na magagawa ni Herminia iyon.
gusto talaga niya kaming paglayuin.
at kung pupunta siya sa ibang bansa. paano na ako? hindi ko natalaga siya makikita pa, wala na akong babalikan sa lugar namin sa tuwing uuwi ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Kung ganun pala... tigilan na natin to." Sabi ko sa kaniya.
Inalis niya ang pagkakayak niya sa akin, hinawakan niya ako sa pisngi.
"Huwag! huwag kang magsalita ng ganyan...mahal na mahal kita." sabi niya, naiyak na din siya.
"Oo, mahal natin ang isa't isa. pero wala tayong lakas ng loob para ipaglaban ang nararamdaman natin!"
"Magpakalayo na tayo! Sumama ka sa akin." sabi niya.
"Paano ang pamilya mo?" Tanong ko.
"mauunawaan nila ako."
"paano ang pamilya ko?" tanong ko. "..alam ni Herminia ang tungkol sa ating dalawa, madadamay sila dito. tandaan mo, nakakatakot makabangga ang pamilya nila. hahanapin ka nila, tayo.. paghindi nila tayo nakita, pamilya natin ang babalingan nila." sabi ko.
Napaatras siya, hinilamos niya ang kamay niya sa kaniyang mukha.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" sumigaw siya ng pagkalakas lakas. nagulat ako. Inis na inis siya. Sinuntok suntok niya ang puno, hanggang sa masugatan at magdugo ang kaniyang kamay.
Niyakap ko siya.
"kailangan na natin tigilan ito Ryan. Nahihirapan na din naman ako eh,,, nasasaktan na ako, sa tuwing gabi na wala ka sa tabi ko.."
"pasensya ka na Myk...kasalanan ko to!" sabi nya, naiyak siya.
"Hindi,,, kasalanan ko to, kung hindi ko sinabing mahal kita, hindi ka magkakaganyan...hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon..." sabi ko.
"mahal na mahal kita myk...at naramdaman ko na mahal na mahal mo din ako, kaya ako nagkakaganito ngayon.."
"Oo, alam ko.. pero wala na tayong magagawa pa. Tumayo ka na diyan at pupunta na tayo sa simbahan, kanina ka pa nila hinihintay..."
"paano ka?" tanong niya.
"Huwag mo akong alalaahanin... magiging okay din ako," pero sa loob loob ko.. gusto ko ng mamatay nalang dahil alam kong mawawala na si Ryan sa akin, para na rin kasi akong papatayin nun.
Inalalayan ko siyang tumayo...
Pinunasan ko ang mukha niya ng panyong dala ko para alisin ang bakas ng kaniyang luha. Humawak siya sa pisngi ko... at hinalikan niya ako, naluha ako noon dahil pakiramdam ko iyon na ang huling halik na matitikman ko mula kay Ryan.
Pagdating namin sa simbahan ay nakita naming naiyak na si Herminia noon, nagalit ang Papa ni Herminia pro tahimik lang ang mga magulang ni Ryan.
At pinagpatuloy na ang kasal. Katabi ko si Ryan habang inaabanagan niya si Herminia na papalapit sa kaniya. Hindi makatingin ng tuwid si Ryan sa babaeng mapapakasalan niya.
"Magiging okay din ang lahat.." Pabulong ko sa kaniyang tenga.
Tumango siya.
At nakarating na nga si Herminia at sinalubong na siya ni Ryan. At humarap na sila sa dambana.
Habang pinapanuod ko sila, tila nabibiyak ang puso ko dahil hinahayaan ko lang na masaksihan ang taong mahal ko na ikinakasal sa iba.
habang nagpapangakuan sila sa isa't isa. ay hindi ko na talaga kinaya.
"Lalabas lang po ako, medyo nahihilo ako eh.." Bulong ko sa magulang ni Ryan. Tumingin pa ako noon kay Ryan, at napatingin siya sa akin noong napansin niyang aalis ako, napayuko ako at lumabas ng simbahan.
sa likod ng simbahan, ibinuhos ko ang lahat ng iyak ko habang nadidinig ko sa loob ang palakpakan at sigawan ng lahat ng. 'maligayang bagong kasal'
Pinunasan ko ang luha ko at sinalubong ko silang dalawa.
"Congratulations.." sabi ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko na nakakausap noon si Ryan, at si Herminia naman, bakas sa kaniyang mga ngiti ang saya na wala ng magpapahiwalay pa sa kanila.
Nagkaroon ng kasiyahan, salo salo, masaya ang lahat para sa dalawa, maliban nalang siguro sa akin.
Noong gabi din iyon.
Nagpaalam na ako kay Ryan.
Pinigilan kong hindi maluha, pero hindi ko kinaya.
sinabi ko sa kaniya na kung magkakalayo man kami, lagi niyang tatandaan na mamahalin ko parin siya.
at ganun din siya sa akin.
kahit wala pang pasukan ay nagdesisyon na akong bumalik ng Maynila
Hindi na ako nakipagkita noon kay Ryan.
Nabalitaan ko nalang na aalis na sila patungong ibang bansa kagaya nga ng sinabi niya sa akin.
patuloy parin akong nasasaktan.
walang katapusan pighati ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Followers
Wednesday, January 30, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
huhuhu i feel you myk, ganyang tlga ang buhay nating nasa 3rd sex palagi na lng tau nasasaktan.
ReplyDelete