Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
Notice to readers:
By PrinceSky
Notice to readers:
This segment will be updated once a week.
Specifically, the updates of the story will be updated
every Sunday of the week. Thank you so much for
your continuous loyalty to MSOB.
Enjoy reading...
Sincerely,
PrinceSky of Roxas City
edterchellesoriano@gmail.com
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
H. C. Hualde as Dennis Gonzales |
Minsan sa buhay natin. Kailangan nating
magparaya upang makamtan ang tunay na pagmamahal. Kapag tunay mong mahal ang
isang tao at kahit iiwan ka niya ay palaging siya pa rin ang laman ng puso at
isip mo.
Maaring maraming pagkakataon kong kailan puwede
mong ipadama sa kanya ang iyong pagmamahal ngunit dapat handa ka sa maaring
mangyari.
Kahit anong pagsubok ang iyong mararanasan basta
matatag ang iyong pagmamahal sa taong isinisigaw ng puso mo ay makakamit mo rin
ang inaasam-asam na pag-ibig at wagas na kaligayahan.
Hindi man ngayon o hindi rin bukas.
Pero dadating rin ang tamang panahon at
magtatagpo pa rin ang dalawang puso na nagmamahalan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako nga pala si Dennis Gonzales. Isang pulis. 26
years old. Matangakad. Nasa 5”10” ang height. Maputi, matipuno ang katawan
dahil babad sa exercises at training naming. Matangos ang ilong, bilugin at
kulay brown ang mata. Masasabi ko na mukha akog espanyol dahil na rin may lahi
kaming kastila.
Masasabi kong may dating naman ang tindig ko.
Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin ngunit kahit anong gawin nila ay iisa
lang ang natatanging laman ng puso ko.
Ang ama ko ay isa ring pulis ngunit namatay ito
ng bata pa ako. Ang ina ko naman ay nakahanap na rin ng asawa sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, ako ay nakatira sa bahay ng
aking tiyuhin na isang Chef. Siya ang nagmamanage ng isang Italian Resto sa
bayan namin. Walang asawa si Tiyo Bert at napag-kaalaman ko na lang na si tiyo
Bert ay isang bading.
Magsisimula ang aking kuwento noong 20 years
ago.
Sa makatuwid ako ay anim na taong gulang pa
lamang. Namatay ang ama ko at iniwan naman ako ni ina sa aking tiyuhin.
Unang pasok ko sa isang paaralan at wala akong
kilala doon. Si tiyo bert ang humahatid sa akin sa bago kong paaralan.
Hinahatid niya ako gamit ang kanyang bisikleta.
Malapit lang naman kasi ang bahay ni tiyo sa paaralan ko.
“Dennis, may alam ka bang kanta?” tanong ni tiyo
Bert habang pinapadyak ang bisekleta.
“London Bridge Tiyo Bert” ang sagot ko naman sa
kanya habang nakaupo ng patalikod sa kanya.
Nasa ganoon kaming siste at kumakanta ng London
Bridge. Tinahak na naming ang daan patungo sa paaralan ko at patuloy pa rin
kaming kumankanta ng London Bridge.
“London bridge is falling down.. falling down..
falling down.. London bridge is falling down.. my first lady”
Patuloy pa rin kami sa ganoong sitwasyon nang
nakita ko naman ang isang matandang lalaki at may kasamang isang bata na lalaki
rin.
Nakasalamin ang bata at parehung-parehu ang
aming uniporme. Tantsa ko ay magka-edad lang kami. Napatitig ako sa kanya at
nakita kong ngumiti sa akin.
Napahinto naman ako sa pagkanta ng London Bridge
ng.
“Oh Dennis? Bakit tumigil ka?” tanong ni Tiyo
bert habang patuloy pa rin sa pagbaybay ng daan patungo sa paaralan ko.
Hindi na ako sumagot kay tiyo Bert at patuloy pa
rin akong nakatitig sa batang lalaki na nakasalamin.
“Oh andito na tayo Dennis. Mag-ingat ka ha?
Huwag kang gumawa ng gulo. Susunduin nalang kita mamaya” mahabang paalala ni
tiyo Bert.
Pumasok na ako sa aking silid at umupo sa
likuran.
Maya’t-maya ay pumasok na rin an gaming guro at
may kasamang bata.
Tinitigan ko ng mabuti ang bata at nalaman ko na
lang na siya iyong bata na nakita ko kanina.
“Okay Class, say hello to your new classmate
Jason.” Pakilala ng guro namin.
“Hello Jayson” sabay-sabay naming pagbati sa
bagong kaklase.
“Siya nga pala. Aalis muna ako at pupunta lang
ng principal’s office. Kayo na muna ang bahala dito ha? Dennis! Ikaw na ang
bahala kay Jayson” dagdag na instruction ng guro namin.
Pagkaalis ng guro namin ay nagsalita naman ang
isa naming kaklase.
“Hoy Jayson! Magpakilala ka nga” sigaw ng
kaklase naming
Mukhang nangingibago pa si Jayson. Siguro ay
nahihiya or sadyang ayaw lang talaga mag-salita.
“My name is Jayson Martinez. 6 years old. My mom
and dad passed away. I’m living with my Lolo” mahinahong sambit ni Jayson
“Anong nangyari sa mama at papa mo?” tanong ng
isa pa naming kaklase.
“Ang sabi ng Lolo ko, kinuha sila ng monster.
Pagkatapos, iniwan ako sa isang kalesa. Mabuti na lang ay merong knight at
tinulungan akong makatakas. Tapos, ibinigay ako ng knight sa aking Lolo at
umalis din siya para tulungan ang mama at papa ko” mahabang pagsalaysay ni
Jayson
Seryosong nakinig naman ang mga classmate namin.
“Naniniwala k aba na may Knight?” tanong ng isa
pa naming classmate
“Oo naniniwala ako. Eto nga ibinigay sa akin ng
knight bago siya umalis” sambit ni Jayson habang ipinapakit ang isang gold
bracelet.
“Ows? Talaga? Eh naniniwala ka rin na may
monster?” tanong ng isa pa naming kaklase
“Oo naman gusto niyo makakita ng monster?”
sambit ni Jayson habang may kinikuha sa kanyang bag.
Nagtakbuhan ang aking mga classmate sa likurang
bahagi ng silid. Ngunit hindi ako nagpakita ng takot.
“Oh? Bakit? Natatakot kayo?” mahinahong tugon ni
Jayson.
Nakita ko namang takot na takot ang mga
classmates ko nang.
“Ako! Hindi ako natatakot. Gusto kong makita ang
monster na iyan” malakas na sambit ko sa kanya.
Maya’t-maya ay nilapitan niya ako. Nagsitakbuhan
ulit ang mga kaklase ko sa bandang unahan ng silid habang kami ni Jayson ay
nakatayo sa likuran.
Binuksan ni Jayson ang kanyang bag at ipinakita
sa akin ang sinasabing monster. Hindi naman ako nagulat dahil nalaman ko na
lang na isa palang salamander ang sa loob ng bag niya.
Dumating ang aming guro.
“Oh class? Ano ang ginagawa niyo dito?” gulat na
tanong ng guro naming
Magsasalit pa sana ang isa naming classmate ng.
“Wala po ma’am naglalaro lang po kami” tugon ko
sa teacher namin
“Oh Jayson siguro naman kaibigan mo na si Dennis
kaya mas mabuti na siguro na magkatabi nalang kayong dalawa” utos ng guro
namin.
Pagkatapos ng unang klase naming ay lumabas kami
ni Jayson at umupo malapit sa flag pole.
“Totoo ba ang mga sinabi mo kanina?” mahinahong
tanong ko kay Jayson
“Oo naman. Bakit hindi ka ba naniniwalang merong
knight?” pabalik na tanong ni Jayson sa akin.
Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong wala
namang patutunguhan an gaming usapan.
Maya’t-maya ay dumating na rin si tiyo Bert. At
tamang-tama ay nandiyan na rin ang sundo ni Jayson.
“Sige Jayson. Uwi na ako. Kita nalang tayo bukas
ha?” sambit k okay Jayson ngunit bago pa man kami magkahiwala ay itinaas ni
Jayson ang kanyang kamao sa harap ko.
“Dens sunggaban mo ang kamao ko” utos ni Jayson
Itinaas ko rin ang aking kamao at sinunggaban
ang kamao ni Jayson.
“Sa susunod, kapag maghihiwalay tayo dapat
ganito ang gagawin natin ha?” Sambit ni jayson
“Oo naman. Sige Jayson ingat kayo” pasigaw k
okay Jayson.
Naka-uwi na rin kami ni tiyo Bert at inayos ko
ang aking mga gamit pang-eskwela. Pinaghanda ni tiyo Bert ang paborito kong
pagkain. Spaghetti. Pagkatapos naming kumain ay naligo na rin ako at natulog.
Kinabukasan ay hinatid ulit ako ni tiyo Bert sa
skul.
Magsisimula na an gaming klase ng nakita kong
balisang-balisa si Jayson.
“Jay ano ang ginagawa mo? Baka makita ka ni
ma’am?” palihim kong tanong sa kanya.
“Dens, nawawala ang alaga ko” sagot ni Jayson na
may bahid na pag-alala
“Dennis, Jayson. Ano ang ginagawa niyo diyan?”
tanong ng guro namin na may halong galit.
Sasagot na sana si Jayson ng sumigaw si Ma’am at
umakyat sa kanyang upuan.
Itutuloy….
Hala!
ReplyDeleteKilala ko to ang Model ah. Pwede! From Iloilo City siya diba writer?
Hehehe. Cute naman na Pulis!
I love the story in fairness! I think this will be my next fave story. Second sa "Si Utol ang Chatmate ko!".
Sana hindi sad ang ending! By the way, bakit bawal na pag-ibig?
Hehehe. Are you from Iloilo or Roxas City? Yup He is my friend and I asked permission to him for using his pic to play my character in the story.
DeleteThank you po.
:-) PEACE
cool ganda...ako kuya taga iloilo...hehehehehe
DeleteI see. Siguro kilala nyo po ang model ko. Hehehe. Thank you for reading the story bro. If possible, baka maupdate ko ang story na ito twice a week. Kaso short story lng ito. Mga 6 to 7 chapters lng po eh.
DeleteAnyway, thank you for reading again.
Love it :) Can't wait for the next chapter ;D
ReplyDeleteThank you Slushe.love
DeleteI am open for your comments and suggestions.
Once again, thank you very much.
:-) PEACE
pero bkt ang tagal ng update
DeleteSo far, 691 views from the day it was posted. Thanks po :-)
ReplyDelete