Followers

Sunday, January 6, 2013

STRAIGHT


Ako si Christian o Xian. Isa akong paminta. Baklang nagbibihis lalaki at nagpupumilit umakto at magsalita bilang tunay na lalaki. Lumaki ako sa pamilyang hindi malaking isyu ang pagiging bakla o tomboy. Nabigyan kami ng karapatan kung ano ang gusto naming gawin sa buhay. Malaya kaming magkakapatid ngunit may mga responsibilidad parin kami sa aming mga sarili. Ikinital sa mga isipan namin na gawin namin kung ano ang makapagpapasaya sa amin ngunit dapat harapin namin ang bunga ng aming ginawa, ito man ay mabuti o masama.
                                                -Kilalanin si Xian sa ating nobelang “Straight”

                Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali’t salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak… malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko.
            Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, ang barkada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa.
- kilalanin si James sa susunod nating nobela pagkatapos ng nobela nating “Nang lumuhod si Father”

Abangang ang kuwento nina Christian at James pagkatapos ng ating nobelang “Nang lumuhod si Father.” Mababasa ang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa blog na ito…

1 comment:

  1. GARBE SOBRANG GANDA NITO... NA-HOOK AKO...galing talaga ni Sir Joems...di masasayang ang oras ninyo sa pagbabasa... every chapter sobrang ganda! LAV ETTTTTTT! RATED A+

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails