Followers

Saturday, January 26, 2013

Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor - 05

Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor

By PrinceSky

Part 5

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hahalikan ko na si Jayson ng bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

“Jayson! Dennis!” sigaw sa likuran ni Jayson.

Tumingin kami at ang lolo pa la ni Jayson. Kaya umupo kami agad-agad at humarap sa lolo ni Jayson

“O lolo andito ka na pala” sambit ni Jayson na medyo nagulat rin.

Tumingin ako kay Jayson at kumindat siya sa akin. Natawa nalang ako sa inasal niya at lumabas nalang kami ng kuwarto.

Naka ready na ang panghapunan namin at nagusap-usap ulit kaming tatlo.

Nasa ganoong sitwasyon kami ng naalala ko na meron pa la akong project sa isang subject ko.

“Jay, meron ka bang bond paper diyan at lapis?” tanong ko kay Jayson

Tumayo si Jayson at tinungo ang isang aparado. Kumuha ng isang pirasong bond paper at lapis. Ibinigay niya naman sa akin.

Kinuha ko ang mga binigay niyang gamit at saka pumasok sa kanyang kuwarto. Hindi ko na rin siya pinansin at sinimulan ko ng gawin ang project ko.

Maya’t-maya ay lumabas na si Jayson. Wala siyang damit pang-itaas at naka Jersey shorts. Kitang-kita ko ang bukol niya kasi halatang hindi siya nagsuot ng underwear.

Everytime na lumalakad si Jayson ay tumatalbog-talbog naman ang kanyang tinatagong kargada sa loob ng jersey shorts niya. Umupo siya sa harapan ko at nakabukaka pa.

Napalunok naman ako sa kanyang posisyon ngunit para hindi niya mahalata ay pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong project.

Tumayo si Jayson at saka lumapit sa akin. Lilingunin ko na sana siya ng tumapat naman ang kanyang bukol sa harapan ko. Napatitig ako sa bandang iyon ng biglang hinampas naman ni Jayson ang aking ulo.

“Tado! Tapusin mo nay an ang ginagawa mo. Saan-saan kasi nakatitig iyang mga mata mo eh” mabilisang sambit ni Jayson

“Arekop! Hoy Jayson parang nahahalata ko na binabanatan mo ako a” inis kong sagot kay Jayson.

Napatigil rin siya at bumalik na rin sa kinauupuan niya. Kumuha rin siya ng bond paper at lapis at may isinusulat.

Hindi ko na siya pinansin at patuloy ulit ako sa aking ginagawa.

Ngunit hindi talaga maialis sa aking mga paningin ang maselang bahagi ni Jayson.

Eh kasi naman nakaharap siya sa akin at nakabukaka ang kanyang legs. Kitang-kita ko ang laylay niyang kargada. Kahit medyo madilim iyon pero kitang-kita ko na malaki ang ulo nito.

Napatitig ulit ako sa kanyang kargada ng biglang itinakip naman ni Jayson ito.

Nagulat ako at ng hinarap ko siya ay hawak-hawak niya ang lapis.

“Dennis! Sorry pero walang exemption! Give me your hand” sambit ni Jayson

Hindi ko alam kong anu ang ibig sabihin niya kaya inangat ko ang aking dalawang kamay ng biglang pinalo nito ng hawak niyang lapis.

Natawa ako sa inasal niya kasi naalala ko kaagad nong bata pa kami na pinalo ng teacher namin an gaming mga kamay dahil sa alaga niyang salamander.

Iyon nga lang parang mas masakit ang pagpalo niya.

Namula naman ang aking mukha at kitang-kita ko sa mukha niya na nagulat rin sa kanyang ginawa.

“Oy sorry Dennis. Hindi ko sinasadya. Sandal lang at gagamutin ko” sa Jayson

Habang busy si Jayson sa kakahanap ng ano-ano diyan ay hinampas-hampas ko naman ang aking kamay sa sahig upang uminit at mamula ang aking kamay.

Maya’t-maya ay humarap na rin sa Jayson sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Nilagyan niya ito ng lotion at hinilot-hilot.

Kinuryente naman ako sa kanyang ginawa at nagreact naman ang aking ari.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganon nalang ang aking naramdaman. Habang hinahawakan niya ang aking kamay ay nakakaramdam ako ng matinding libog.

Parang dinedemonyo ako sa kanyang ginagawa at may pumapasok na mga masamang bagay sa isip ko.

Patuloy pa rin si Jayson sa paghimas ng aking kamay ng biglang lumutang ang kanyang kargada. Itinuro koi to gamit ng bibig ko. Hindi naman naiintindihan ni Jayson ang ginagawa ko pero patuloy lang ako sa pagturo nito gamit ng bibig ko.

Maya’t-maya ay sinundan ng mata niya ang tinuturo ko at ng nakita niya na nakalabas na ang laylay niyang ari ay bigla namang tinakpan ito.

Humalakhak kaming dalawa at sa sobrang lakay ay naisturbo na pala namin ang lolo ni Jayson.

“Mga Hijo. Matulog na kayo diyan. Gabi na at magpahinga na nga kayo” tugon ng lolo ni Jayson.

Tinapos ko na ang aking ginagawang project at humingi ng towel kay Jayson.

Naligo na rin ako at pagkatapos ay humiga sa tabi niya.

Nagkuwentuhan pa kami ni Jayson at ang libog na naramdaman ko ay nawala na parang bula.


“Dens meron pa lang kayong resto sa bayan?” tanong ni Jayson habang hinihimas-himas ang ulo

“Oo jay. Italian foods ang mga siniserve namin” paliwanag ko sa kanya habang naka tingin sa kisame.

“Talaga? Wow paborito ko pa naman ang spaghetti.” Sambit ni Jayson habang patuloy pa rin sa kanyang paghimas sa ulo.

“Talaga? Pareho tayo Jay. Paboritong-paborito ko rin ang spaghetti. Lalo na pag may garlic bread” mahabang paliwanag ko sa kanya.

“Hay naku. Nakakagutom naman iyan. Matulog na lang nga tayo” paputol ni Jayson sa aming topic.

Natulog na rin kami pero sinet ko ang aking relos ng 4AM at pinagmasadan si Jayson.

Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Jayson ng hinalikan ko naman siya sa bibig.

“Good night Jayson” mahinang bulong ko sa kanya at natulog na rin.

Tumunog ang relos ko at 4AM na. tiningnan ko si Jayson at mahimbing pa ring natutulog. Nakita ko na tumatayo ang kanyang ari.

Tumawa ako ng palihim at saka hinalikan si Jayson.

“Good morning Jayson” mahinang bulong ko sa kanya at bumangon na rin.

Lumabas ako ng kuwarto ni Jayson at medyo madilim. Alam kong tulog pa rin ang lolo ni Jayson kaya minabuti kong umalis ng bahay nila.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng bahay nila Jayson at umalis.

Tumatakbo ako palabas hangang nakaratin na rin ako sa primary road. Naghintay ako ng masasakyan ngunit wala pang dumadaan.

Naglakad-lakad ako a ng tiningnan ko ang relos ay 4:30 AM na.

Binilisan ko ang aking paglakad at mabuti na lang at may dumaang tricycle.

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay namin.

“Tiyo! Tiyo! Tiyo!” pasigaw kong tawag kay tiyo Bert.

Maya’t-maya ay nakita kong nakabukas na ang ilaw. Lumabas si tiyo Bert na mukhang na disturbo ko sa pagkatulog niya.

“Hay naku Dennis! Ang aga-aga! Ano ang problema? Ba’t umuwi ka?” maraming tanong ni tiyo Bert.

“Tiyo Bert please puwede ka bang magluto ng spaghetti at garlic bread?” mahinang tanong ko sa aking tiyuhin.

“Huh? Ano? Nakaistrubo ka na nga tapos nagdedemand ka pa?!” malakas na sambit ni tiyo Bert.

“Please tiyo Bert. Please…” mahinahong pagmamakaawa k okay tiyo Bert.

“Hay naku! Kung hindi lang kita mahal. Tado!” sambit ni tiyo Bert sabay sapak sa ulo ko.

“Arekop. Salamat po tiyo Bert! Mwah!” pasweet kong sagot kay tiyo Bert at niyakap-yakap pa.

“O sige na. maghahanda na ako” sambit ni tiyo Bert.

Pagkatapos ni tiyo Bert nailuto ang spaghetti at garlic bread ay inilagay na rin namin ito sa isang basket.

“salamt tiyo Bert. I love you.” Sambit ko kay tiyo bert at mabilisang umalis na rin ng bahay.

Tiningnan ko ang aking relos at 5:40 AM na. (May oras pa) sa isip ko.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay nila Jayson

Pagkarating ko sa bahay nila Jayson ay sumilip ako sa pintuan. Madilim pa rin at alam kong natutulog pa ang maglolo.

Kinuha ko ang dinalang tela sa loob ng basket at inilatag sa may hardin nila Jayson.

Kumuha rin ako ng mga bulaklak at inilagay ko sa isang base. Ipinatong ko ang base sa gitna ng tela at inilatag na rin ang mga pagkain.

Kumuha ako ng mga bato sa likod ng bahay nila Jayson

Inisa-isa koi tong inilatag mula sa kinaroroonan ng inilatag kong tela patungo sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay. Kinuha ko rin ang bond paper at sinulatan ito.

Inilagay ko ang mga sinulatang bond paper sa pintuan, maliit na gate ng kanilang terrace, kahot sa tapat ng bahay nila, sa may vase sa bandang kanan ng bahay nila at sa isang kahoy naman sa katabi ng vase.

Naghintay ako sa gilid ng bahay nila.

Tiningnan ko ang relos ko at 6:30 AM na. maya’t-maya ay nakita kong lumabas si Jayson at hawak-hawak ang papel na inilagay ko sa pintuan.

Nakita kong ngumiti ito at sinusundan ang mga inilatag kong bato.

Bumalik na rin ako sa likog ng kahoy kung saan ikinabit ang huling bond paper. Hawak-hawak ko ang tatlong pirasong bulaklak.

Hinintay ko ang pagdating ni Jayson. Naramdaman ko na malapit na siya dahil dinig na dinig ko ang mga yapak ng kanyang hakbang.

Maya’t-maya ay nakita kong nasa tapat na siya ng kahoy ni pinagtataguan ko.

Lumakad si Jayson at hinarap ko rin siya. Hawak-hawak ko ang isang pirasong bond paper na may nakasulat na “Good Morning Bestfriend Jayson.” At ang tatlong bulaklak ay nasa bibig ko naman.

Nakita kong maluha-luha si Jayson at niyakap niya ako.

Ibinigay ko na rin ang tatlong bulaklak sa kanya.

“Jayson may sorpresa ako sa iyo” mahinang bulong ko sa kanya.

Pinuntahan na namin ang hinanda ko at nagulat ako sa kanyang naging reaksyon

Itutuloy….

5 comments:

  1. Ed, kelan ang next update ng Notes on the Wall? Salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Musta po? Pasensya na bro kung hindi napost kaagad ang next chapter ng notes on the wall. nagkaprob kasi sa schedule ng posting ko eh. As my way to fill out my shortcoming, I will post 2 chapters of Notes on the wall. Today and tomorrow. Thank you bro and sorry sa delay. Peace. :-)

      Delete
  2. ang sweet nmn tlga ...hehehhee...ang galing mo tlga PRINCE SKY...tc and god bless u always

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Pare S. Janus. Thanks for the compliment. I really appreciate your recognition. Salamat naman at least naaliw ko kayo sa mga kwento ko. Salamat pare. Peace :-)

      Delete
  3. Ang Bawal na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor ay matatapos na sa Feb 7. I'll be posting the chapters on the following dates:

    Chapter 6: Feb 2
    Chapter 7: Feb 5
    Chapter 8: Feb 6
    Last Chapter: Feb 7

    Thank you for reading the story. Peace. :-)

    Thank you po. Peace. :-)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails