Bawal
Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By
PrinceSky
email:edterchellesoriano@gmail.com
fb: edterchellesoriano@yahoo.com
(Part
3)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Jayson!
Jayson!” pasigaw kong tawag sa kanya.
Lumingon
din si Jayson at bahagyang tumigil ang sinasakyang tricycle.
Bumaba
si Jayson at tumigil din kami ni tiyo Bert. Mabilis akong tumakbo at
ng magkaharap na kami ay nag fist toss.
“Dennis
mabuti na lang naabutan kita. Hindi na ako nakabalik ng skul kasi
inasikaso pa ang aking gamit.” Paliwanag ni Jayson.
“Kailan
ka ba aalis?” mahinang tanong ko kay Jayson
“ngayon
na eh” mahina ring sagot ni Jayson
“Puwede
ba kitang mahatid?” dagdag na tanong ko
“Oo
ba. Sige sumabay ka na sa amin” sagot ni Jayson
Tumingin
ako kay tiyo Bert at nakita kong tumango siya. Tanda iyon na
pinapahintulutan akong ihatid si Jayson.
Sumakay
na ako ng tricycle at katabi ko si Jayson. Hindi kami nag-usap at
nanatiling tahimik hanggang sa nakarating na rin kami sa terminal.
Hindi
ko maintindihan ang aking sarili kasi habang malapit na ang oras na
maghihiwalay kami ni Jayson ay siya namang sumasakit ang dibdib ko.
Hindi
ko alam kong ano ba ang nangyayari sa akin pero alam ko malungkot na
malungkot ako. Alam ko rin na nagsisimulang mamuo ang mga luha sa
aking mata.
“Dennis.
Paano na yan? Aalis na ako.” Mahinang tugon ni Jayson.
Hindi
na ako nakasagot at namamasa-masa na ang aking mata. Nakita ko ring
mamula-mula ang mga mata ni Jayson. Binasag ko ang malungkot na
sitwasyon namin ng binuksan ko ang aking bag.
“Jayson.
Para sai iyo. Huwag mo munang buksan iyan ha? Sana kahit saan ka man
naroroon maalala mo pa rin ako” mahabang tugon ko sa kanya sabay
bigay ng box.
Kinuha
naman ni Jayson ang box at inilagay sa kanyang bag. May kinuha rin
siya at ibinigay sa akin.
Ibinigay
niya sa akin ang ID niya.
“Salamat
Dennis. Tandaan mo hinding-hindi kita malilimuta. Sa maikling panahon
na pagstay ko dito. Nakita ko ang tunay na kaibigan sa iyong
pagkatao. Tandaan mo rin na magkaibigan tayo kahit malayo sa
isa’t-isa” mahabang tugon ni Jayson at tuluyang umagos an gaming
mga luha.
Hinatid
ko na si Jayson sa bus at nang sasakay na siya ay humarap muna sa
akin.
“Dennis
puwede bang humingi ng hiling?” tugon ni Jayson
“Oo..
na…man… i…ik…ika..ikaw.. pa….” pautal-utal kong sagot.
“huwag
ka nang umiyak. Magkikita rin naman tayo eh.” Mahinang sagot ni
Jayson habang pinupunasan ang mga luha sa mukha
“Oo.
Ba..bas..ta.. ik.. kaw. A..an..no.. ang.. hi..hil…. hilin..hilingin
mo?” mangiyak-ngiyak ko pa ring tugon sa kanya.
“Puwede
bang tumaliko ka nab ago ako umalis?” malungkot pa ring tugon ni
Jayson
“Bakit?”
maikli kong tanong.
“Kasi
ayaw ko lang makita kang umiiyak dahil sa pag-alis ko eh. Please?
Paliwanag ni Jayson na may bahid ng lungkot.
Masakit
para sa akin ngunit hindi ko naman puwedeng balewalain ang hiling ni
Jayson kaya kahit labag sa loob ko ay tumalikod na rin ako sa kanya
at tuluyang umagos ang aking luha sa mga mata. Umiikli ang aking
paghinga at lumalakas na rin ang aking pag-iyak.
Maya’t-maya
ay naramdaman kong niyakap ako ni Jayson sa likod at may binulong
“Dennis.
Pangako. Magkikita ulit tayo. Ingat at paalam”
Naramdaman
ko na lang na nakawala na si Jayson sa pagyakap at nang sadyang
haharapin ko na siya ay pinigilan rin niya ako.
“De….den..dennis…
ppp….pllleaa…please….. hu…huw…..huwag.. ka… nnang…
hu..hu..ma..marap” pautal-utal na utos ni Jayson at narinig ko
nalang ang pagclose ng pintuan ng bus at umalis na ito papalayo.
Nasa
ganoon pa rin akong sitwasyon at sinunod ko ang tugon ni Jayson.
Hindi ako humarap at umalis na rin sa terminal.
Pagkauwi
ko ng bahay ay inilagay ko ang ID ni Jayson sa kisami na harap ng
aking higaan. Sa tulong ni tiyo Bert at maayos na naikabit ito.
Minabuti
ko nang doon ilagay kasi kapag bago ako matulog at sa pagkagising ko
ay makikita ko ang nag-iisang tunay kong kaibigan..
Si
Jayson..
Makalipas
ang sampung taon.
“Tiyo
Bert. Ako na po ang bahala dito sa mga order” tugon ko kay tiyo.
16
years old na ako at sampung taon na rin kaming hindi nagkita o
nagusap ni Jayson. Ngunit kahit ganon. Hindi ko pa rin nakalimutan
ang kaibigan ko.
Gabi-gabi
ay palagi kong kinakausap ang litrato niya sa ID. Binabalitaan ko
siya sa lahat na nangyayari sa akin at ang mga nagyayari sa buhay
naming mag tiyo.
Iyon
ang naging tanging alaala ko sa aking kaibiga. Hindi
makapani-paniwala ngunit sa paraang iyon ay naging masaya ako at
nararamaman kong magkasama lang kami ni Jayson.
“Welcome
po? Ano po ang oorderin niyo?” sambit ko sa matanda na umupo sa
tapat ng bar table.
“Hijo
hindi mo ba ako natatandaan?” mahinang tanong ng matanda.
Tinitigan
ko siya ng mabuti ngunit hindi ko pa rin matandaan kong saan at
kalian kami nagkita.
“Hay
naku kayong mga kabataan ngayon. Kay dali-dali niyong makalimut. Ako
ang lolo ni Jayson Hijo. Siguro natatadaan mo pa si Jayson. Yong
classmate mo noon.” Mahabang paliwanag ng matanda.
Nagulat
naman ako sa kanyang sinabi. Siyempre si Jayson kaya ang laman ng
kanyang pinag-sasabi. May kasiyahan ding naidulot ito.
Kumakabog-kabog
ang aking dibdib na parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Ngunit
napangiti lang ako at tuluyang kinamusta ang lolo ni Jayson.
“ay
oo nga pala lolo. Pasensya na kasi matagal rin tayong hindi nagkita.
Isa pa ang bata-bata pa namin noon. Hindi ko naman po nakalimutan si
Jayson. Parati ko nga siyang iniisip at kinakausap” mahabang tugon
ko sa kanya.
Kitang-kita
ko sa mga ikinilos ng lolo ni Jayson na nalituhan sa sinabi ko.
“Ah,
ang ibig kong sabihin po ay kinakausap ko ang iniwan niyang ID po”
dagdag kong paliwanag.
Natauhan
din naman ang lolo ni Jayson at ngumiti na rin.
“Siya
nga pala lolo. Ano po ang gusto niyong kaining?” parespetong tanong
ko sa kanya.
“Naparito
ako Hijo para balitaan ka na magbabakasyon si Jayson” paliwanag ng
lolo ni Jayson
Nang
narinig ko ang kanyang sinabi ay nabitawan ko naman ang note at
ballpen na hawak ko. Nagulat ako sa aking inasal ngunit sobrang saya
ang aking naramdaman sa mga panahong iyon.
Hindi
ko maikakaila na parang naririnig ko ang mga trumpet ng mga anghel sa
langit. Sobra pa sa nanalo ng lotto ang aking natanggap na balita.
Kasi
sampung taon kaming hindi nagkita ni Jayson at tanging ID niya lang
ang natirang alaala niya sa akin. Bukod doon ay wala na.
“ta..
taa.. talaaga?? Ka.. kai.. kalian.. po…. Si… siy…siya…
da…dat… datin..ting?” putol-putol kong tanong sa lolo ni
Jayson.
Siguro
hindi na ako makapagsalita sa sobrang saya. Nakita kong ngumiti ang
lolo ni Jayson.
“Bukas
Hijo. At sabi niya kung pwede daw ay sunduin mo siya sa terminal”
dagdag na tugon ng lolo ni Jayson.
“Opo!
Susunduin ko si Jayson lolo. Bukas na bukas po. Kahit ngayon na ay
doon na ako maghihintay!” mabilisang sagot ko sa kanya.
Nagulat
naman ang lolo ni Jayson sa mga pinag-sasabi ko at tumawa ngumisi.
“Magkakaibigan
nga talaga kayo. O sige hijo. Ito lang naman ang pakay ko sa iyo.
Aalis na ako at malayo-layo pa ang lalakbayin ko” mahabang
paliwanag ng lolo ni Jayson at umalis na rin sa kinaroroonan.
Masayang-masaya
ako sa balita na dinala ng lolo ni Jayson. Sa wakas magkikita ulit
kami ng bestfriend ko. Pagkauwi ko ay pumasok kaagad ako sa kuwarto.
Humiga at kinausap ulit ang ID ni Jayson.
“Parekoy!
Magkikita na rin ulit tayo. Matagal-tagal rin tayong hindi nagkita.
Ano na kaya ang itsura mo? Siguro naka salamin ka pa rin. Kamusta ka
na?” mahabang sambit ko habang nakaharap sa ID ni Jayson.
Ang
saya-saya ko at parang hindi na ako makatulog kasi excited na ako sa
pagkikita namin ni Jayson bukas.
Pinilit
ko ang aking sarili na makatulog at sa wakas binisita na rin ako ng
antok.
Kinaumagahan
ay bumangon ako at humarap sa salamin.
“tsk..
tsk.. tsk.. ang pogi ko! Malamang pogi rin ang bestpren ko!” sambit
ko sa harap ng salamin. Kumindat pa ako tapos tuluyang naligo at
umayos na.
Mag-aalas
otso na ng akoy nakaalis ng bahay. Pumunta muna ako ng department
store. Gusto ko kasi na meron akong ibibigay sa kaibigan ko. Ngunit
ano naman ang ibibigay ko? Wala na akong maisip pa kundi ay tshirt.
Umalis
na rin ako sa department store at sinimulang tahakin ang daan patungo
sa terminal. Chineck ko ang aking relos at magaalas diyes na pala.
Naghintay
ako sa terminal ngunit walang dumating na Jayson. Nagsisimulang
lumungkot ang aking mukha. Magaalas-dose na ng naisipan kong umalis
na lang sa terminal at umuwi. Dumating na rin ako sa aming bayan at
pinag-isipan ko na lakarin na lang pauwi.
Nabigo
kasi ako. Masakit sa damdamin ang umasang dadating ang isang
importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili
ko kong bakit ganito ang aking nararamdaman.
Pag-ibig
ng aba ito? Lalaki ako at lalaki din si Jayson. Pero bakit ganito ang
feeling? Siguro isang bahagi lang ito ng buhay kung saam nararanasang
magkagusto sa kapwa lalaki.
Patuloy
pa rin ako sa paglakad at meron akong nakasalubong sa daan.
Pinagmasdan ko ng mabuti.
Lalaki
siguro may 16 years old. Matangkag mga nasa 5’11”, maputi,
matangos ang ilong. Manipis ang bibig. Medyo mahaba ang buhok. Naka
white tshirt, washedout pants at slippers.
Habang
nagkasalubong kami ay tumingin din siya sa akin.
Itutuloy…
pakipalitan nman color ng font or background to white plss
ReplyDeletemahirap basahin kasi
thnks author
Sorry bro, I already changed the font color for the convenience of the readers. Thank you po. Peace
Deletethanks bro ang ganda ng kwento
Deleteang ganda..exciting ang next chapter!
ReplyDeleteHi bro,
DeleteThank you for appreciating this short story. peace. :-)
Hahahaha...tulog na ako...basa marathon ako eh..
ReplyDeleteEd, will this really just be a short story?... It seems that the previous chapters were used as build up chapters for the real love story that will precede in the succeed in the following chapters...yet after I've read this chapter, it seemed that I'm starting to get hookes with this story. ;D
ReplyDeleteHi bro,
DeleteYes po, mga 7-8 chapters lang ito. Thank you for reading and appreciating the story po. As a mean of filling out my shortcoming, I already posted the chapter 4 which is supposedly sa susunod pa na mga araw before ko siya maipublish. Thank you again. Peace. :-)