Strange Love 10
May mga pangyayari talaga sa ating
buhay na ni sa hinuha ay hindi mo man lang maiisip - those too good to be true
moments. Kadalasan pa nga ay sa sobrang saya at sarap sa pakiramdam ng mga ito
ay ayaw natin panghawakan o yakapin. Sapagkat natatakot tayo, na ito ay
mawawala din agad, at higit na masakit kung pananatiliin natin ang ating sarili
sa galak na hindi naman pala kailanman mananatili.
Ngunit iba ako... Pinili kong samyuin
at yakapin ang bawat sandaling nakasama ko siya. At ngayon, nagdurusa ako sa
tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga araw na iyon. Mga araw na sana ay maibalik
kong muli.
"Ang sarap talaga pagmasdan ng langit 'no?"
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa pinong buhangin, at nilingon ang taong
ngayon ay nakangiting inaaabot sa akin ang dala niyang buko. Umupo ito sa aking
tabi at hindi pa rin naalis ang kanyang mga ngiti.
"Sana palagi na lang tayong ganito Mikael, yung masaya, kalmado.
Walang iniisip kundi yung kung ano ang kasalukuyan.", sabay inom nito mula
sa buko na hawak niya at huminga ng malalim.
Sana huwag ka na
rin maging mabait sakin, para mas madali sakin na kalimutan ang nararamdaman ko
para sayo...
Dalawang araw na din ang lumipas simula ng dumating kami sa resort na
ito. Hindi ganoon kadami ang tao kaya naman tamang-tama ito para sa mga taong
gusto makapagpahinga. Sa mga araw na ito ay hindi rin pumalya ang pagiging
maasikaso at malambing ni Jaime sa akin. Pinabayaan ko siyang gawin ng malaya
ang lahat.
Kung noong una ay marami akong tanong para sa kanya, nawala lahat ng
iyon, para kasing walang nang saysay para magtanong pa ako. Mas pinili kong
maniwala na lang sa mga bagay na ipinapakita niya sa akin. At sapat na iyon
para sa akin, sa ngayon.
Words are not
enough for me to fully express what I am feeling for you,Jaime. I hope someday
ay mapalaya ko na ang sarili ko at tanggapin na hanggang magkapatid na lang ang
ating magiging samahan.
Nakatitig lang ako sa dagat at hindi na sumagot pa sa kanyang sinabi
dahil alam naman niya na sumasang-ayon ako. Bukas nandito na sila Jun at ang
mama niya pati na rin ang bestfriend kong si Coleen. And the day after
tomorrow,babalik na kami sa amin at tulad ng plano uuwi na si Jaime sa kanila
para ayusin ang gusot nilang pamilya.
"Mikael?"
"Hmmmm?
"Ah eh..gusto ko sana malaman mo na...",pagtigil niya, marahil
ay iniisip kung itutuloy ang kanyang sasabihin.
"Na ano?", kalmado kong tanong.
"Na... masayang-masaya ako kapag kasama kita... At alam mo ba kung
sakali mang mabubuhay ulit ako, gusto kong makilala kang muli at gagawin ulit
natin itong ganito. You have changed me more than what you can think of,
Mikael.", sabi niya habang ito ay nakatingin sa mga alon ng dagat.
"Kuya Jaime...masaya din ako.", ang tanging nasambit ko at mula
doon ay muli kaming nanahimik. Gusto ko siyang yakapin ngunit ayoko din kumilos
dahil baka konting galaw ko lang ay hindi ko na mapigilan at maiyak na naman
ako sa kanyang sinabi. Ang hirap... Sobrang hirap na palagi akong nasa puntong
bibigay na ako, susuko...
Can you at least
stop it Jaime? Stop making me fall for you even more. Mas lalo lang ako
nababaliw sayo.
-----Jaime
Tanghali na ng nagising ako at wala siya sa tabi ko, marahil
naglalakad-lakad ito palibot sa resort. Lately, napansin kong malalim ang
kanyang iniisip at madalas itong tahimik. Wala na rin tanong ang dumating, na
parang naiintindihan na niya ang lahat o ayaw na lang din magtanong pa.
Mangilang beses ko na rin gustong aminin sa kanya ang nararamdaman ko
para sa kanya, ngunit inuunahan ako ng takot.
Tok!tok!tok!
"Jaime!Pre, nandito na kami! Gising!"
Pinagbuksan ko ang ubod ng kulit kong kaibigan na si Jun. Tulad ng dati,
masigla at happy-go-lucky person pa rin ito.
"Tanga kanina pa ko gising. Kailangan ba talaga sumigaw? Nakakahiya
ka!, sabay batok ko kay Jun.Kahit kailan talaga ang ingay talaga nitong taong
ito.
"Oh, teka wala siya?", tanong niya habang nililibot ang kwarto
namin ni Mikael.
"Oo, di ko alam saan siya nagpunta. Pag-gising ko wala na siya sa
tabi ko."
"May LQ kayo?",nakangisi nitong sabi.
"WALA! Doon ka na nga lang sa labas kung mang-aasar ka lang.",
inis kong balik sa kanya.
"Easy lang pre, ito naman hindi na mabiro. Tara na nga at ng
makapag-tanghalian na tayo."
"Lakas mo kasi mang-asar eh nag-aalala na nga yung tao. Hindi ko nga
alam kung nasaan na siya,tapos nangaasar ka pa. Sinong hindi maiinis nun
Jun?!"
"OK!OK!Hands up na ko. Baka nandyan lang din yun sa tabi-tabi, may
kasama nang iba. Hahahaha!", at itinaas nga nito ang dalawa niyang kamay
na nagpapakita ng pagsuko. Pang-asar talaga!
Nasa hapag-kainan na kami ng maalala ko na tawagan ko na lang siya pero
naiwan ko pala yung phone ko.
"Jun, babalik ako sa kwarto, naiwan ko yung phone. Tatawagan ko lang
si Mikael."
'Wag na, heto at ako na tatawag sa lokong yun.
"Hello Mikael. Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito
kakahintay sayo."
"Jun pasensya na ,naliligaw
kasi ako pero pabalik na ko sa main road. Sorry talaga."
"Ano ba naman yan Mikael! Anlaki laki mo na pre naliligaw ka
pa?Tang..."
"Bunso,saan ka ba banda? Puntahan kita.", pag-agaw ko sa phone
ni Jun.
"Kuya Jaime ok lang po ako,
kaya kong pumunta dyan sa resort, mali lang ako nang nilikuan kanina from the
toll gate."
"Wag ngang matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na kami kaya kung
hinintayin pa namin matunton mo 'tong resort, baka abutin pa ng bukas bago pa
kami makakain.", yamot kong sagot sa kanya.
"Hay naku Jaime! Ikaw lang naman 'tong nagsabi na wag tayo kumain
hanggang wala iyang si Mikael eh. Hahahaha!", sabat pa ni Coleen.
"Ah, basta nasan kana?"
Napagpasyahan namin na maghintay na lang siya sa bayan na malapit sa
resort at hintayin kami sa isang kainan doon.
Agad kaming pumunta ni Jun sa reception para makapagtanong kung may
sasakyan kaming pwedeng gamitin.
Loko talaga yun, hindi man lang sinabi na lalabas siya ng resort. Kainis
di man lang nag-isip na may mag-aalala sa kanya.
Kung hindi lang kita mahal eh, hahayaan kitang maghanap ng way mo pabalik
dito. Kainis!
----Mikael
Kahit kailan talaga, hindi ako maalam sa mga direksyon. Kaya madali akong
maligaw,haaay... Nakakahiya ka Mikael.
Habang naghihintay ay inilabas ko sa aking bulsa ang munting regalo ko
para sa taong mahal ko. Kaninang umaga pagka-gising ko ay agad kong naisipan na
bigyan siya ng isang bagay na magpapa-alala sa kanya sa akin. Simple lang naman
itong nakuha ko at sana magustuhan niya.
Tinignan kong mabuti ito at binusisi ang bawat detalye nito. Isang
handmade bracelet ang kinuha ko para sa
kanya, na may dalawang maliit na palawit sa dulo.
Kahit sana sa ganitong bagay ay maiparating ko kung gaano ako
nagpapasalamat at masaya sa pagdating niya sa buhay ko. Hanggang sa
napagnilaynilayan ko ang unang pagku-krus ng aming landas. Ang bilis ng
panahon, ni hindi ko naisip na ilang buwan lang pala ang lumipas pero parang
taon na kaming magkakilala.
Things seems to be perfect that day.
Lahat kami ay masaya at hindi maalis ang mga ngiti sa aming mga labi. Ngunit
lahat ay nagbago sa isang iglap lang...
The changes are unbearable. Kung dati
ay hindi na ako loner,
NGAYON ...ganoon na ulit ako.
Hindi ko akalain na maiiba ang lahat
sa pag-uwi ni Jaime sa kanilang bahay.
Ang masaklap pa noon ay hindi ko na nagawang ibigay ang bracelet na
pinili ko para sa kanya.
Ngayon heto ako at naghihintay sa kanya. Sa
lugar kung saan kami ay nagsimula magkakilanlan.
Ang huling natatandaan kong sinabi
niya sa akin bago siya umalis ng bahay ay ang mga katagang, mahalaga ka sakin Mikael.
Ngunit para saan na iyon ngayon.
Pagdating sa school ay hindi man lang niya ko pinapansin at madalas ay
iniiwasan niya ako o walang imik kapag kinakausap ko siya. Madalas na rin itong
hindi pumapasok at ang nakakapagtaka pa nito ay parang walang naghahanap sa
kanya maliban sa akin.
Sinubukan kong tanungin si Jun ngunit
ang sabi nito ay wala siyang ideya kung ano nangyayari sa kanyang matalik na
kaibigan, pero ramdam ko na may itinatago siya sa akin. Subalit anumang pilit
ko kay Jun na sabihin sa akin kung ano ang problema ay hindi niya ito
sinasagot.
Napaka-gulo ng lahat. Hindi ko
akalain na maging ang bestfriend ko ay tatalikuran ako sa panahong ito.
"Whaaaat?! Anong ibig mong sabihin na mahal mo si Jaime??"
"Mahal ko siya Bes... Mahal ko si Jaime", nakayuko kong
pag-amin sa aking kaibigan.
Hindi ito nagsalitang muli at
nakatayo lang siyang nakatingin na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Akala ko
maiintindihan niya pero mukhang isa pa ito sa po-problemahin ko.
"Sorry Mikael, I can't do this. I can't believe you are gay.
Nakakadiri.", she walked out on me and did not even bother looking back,
to see how hard I cried that night.
Helpless... Ganyan ang pakiramdam na
naiwan ng mga kaibigan kung kelan kailangan mo sila. Ang meron ka na lang ay
ang sarili mo para kapitan. Parang araw-araw gigising ka na lang for the sake
of kailangan mong tapusin ang pag-aaral mo. Ngunit sa bawat gising na iyon ay
maaalala mo na mag-isa ka, dahil nasanay ka na nasa tabi mo ang taong
pinakama-mahal mo.
"Ano bang nangyari Jaime?", sambit ko habang nasa kama at
kinakausap ang aking sarili. Tumulo ang aking luha sapagkat wala man lang akong
makuhang sagot. Kung sana ay kausapin man lang niya ako ng maayos na kung ayaw
na niya akong maging kaibigan. Na malaman ko man lang ang dahilan ng mga
pagbabago niya ay sisikapin kong doon magsimulang
ayusin ang sarili ko.
Ngunit wala, ang meron lang ako ay mga hula lamang. At hindi sapat ang
lahat ng iyon para masabi ko sa sarili ko na tama na. Higit akong nasasaktan
dahil wala naman akong ginawang masama sa kanya... Sa kanilang lahat, para
ganituhin nila ako.
"Mikael... Anak, narito ako oh. Pakikinggan kita anak... Kahit ano
pa yan... Ramdam ko ang bigat ng dinadala mo anak. Kaya sana hayaan mo akong
kunin ang mga ito para sayo. Nahihirapan akong nakikita kang
ganyan.",lumuluhang sambit ni Inay ng makita niya akong umiiyak pagpasok
niya ng kwarto.
Halos nakalimutan ko na may Ina pa pala akong pwedeng lapitan. Noong
narinig ko ang kanyang tinig ay agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng
mahigpit. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko na kinimkim ko mula
nang makauwi ako.
"Bakit ganoon Inay??Bakit sa isang iglap iniwan na lang nila ako na
wala man lang pasabi kung ano ang dahilan. Naging masama ba ako sa
kanila??",humihikbi kong pagsusumbong sa kanya.
"Wala kang ginawang masama anak. Hindi ko rin alam kung bakit ganito
ang nangyayari dahil nakita ko naman kung gaano ka pahalagahan ni Jaime.Ang
mabuti pa anak ay tawagan mo siya sa kanila at pag-usapan niyo na itong
mabuti."
"Pero Inay, baka hindi niya rin sagutin ang tawag ko."
"Subukan mo muna anak, kung hindi niya sagutin eh tama na rin siguro
iyon. Ginawa mo na ang parte mo para malaman kung bakit naging ganyan, kung
ayaw ka niyang harapin ay kailangan na natin tanggapin yun at magpatuloy nalang
ulit at kalimutan ang mga nangyari.
Pinalaki kitang mabuting tao anak,
kaya alam ko na wala kang ginagawang mali sa kanila to deserve this. Minsan
lang talaga anak, kung sino pa yung totoong tao sila pa yung nakakaranas ng
ganitong pighati. Dahil na rin ang mga totoong tao lang ang may alam kung paano
magpahalaga sa damdamin ng iba. Basta anak, narito ako, hinding hindi kita
tatalikuran. Mahal na mahal kita...", sabay halik nito sa aking noo.
Niyakap ko siya ng mahigpit at tumango sa kanyang mga sinabi. Tama ang
inay, kailangan ko nang tapusin ang mga tanong sa isipan ko. Sana nga lang ay
harapin niya ako.
"Heto ang number nila sa bahay, nakuha ko yan kay Mr.Anthony.
Nag-aalala na kasi talaga ako sayo at kakausapin ko na sana si Jaime. Mahal
kita anak, magiging ok din ang lahat ha."
"Opo Inay. Mahal din kita, maraming salamat po at nariyan kayo sa
panahon na akala ko wala na akong matatakbuhan. Sorry din po kasi halos
nakalimutan kong may magulang pa ako na pwede kong hingahan, na pwede kong
hingan ng tulong.", at mula doon ay bumuhos na naman ang aking mga luha.
Tumango lang si Inay noon at maluluha ding hinaplos ang aking buhok. Alam
kong mas masakit para sa mga ina ang makitang nasasaktan ang kanilang anak.
Dahil minsan na rin nagbigkis ang mga ito sa kanilang sinapupunan. Alam lang
nila kung kailan masaya ang kanilang anak at kailan hindi. Mothers really knows
how to give unconditional love to their children. Nagpapasalamat ako ng malaki
sa Panginoon na ang relasyon namin ng aking ina ay maganda at nagagawa kong magsabi
sa kanya ng kahit ano.
Jaime... Harapin mo sana ako kahit sa huling pagkakataon
pero sana hindi. Sana maayos na natin ang lahat. Hindi ko kaya... Hindi ko
kayang mawalay ka sakin. Akala ko dati kapag sinimulan mo akong layuan ay
makakalimutan ko itong nararamdaman ko para sayo, ngunit hindi ko inasahan na
ganito pa ang mangyayari. Nangungulila ako sayo... Gusto na kitang marinig
tumawa. Gusto na kitang mayakap nang muli...
------Jaime
Mikael ko...
Sana patawarin mo ako sa gagawin kong ito. Patawarin mo ako at kailangan kitang
saktan. Patawarin mo ako mahal ko... Gagawin ko ito para sayo, balang araw
maiintindihan mo din kung bakit ko ito nangyari.
Dahan-dahan akong pumanhik sa Tree
House at tila iyon na ata ang pinaka-mahabang hagdan na aakyatin ko. Gusto kong
tumalikod at kumaripas ng takbo dahil maisip ko pa lang na sasaktan ko ang
taong pinakamamahal ko ay hindi na kinakaya ng aking dibdib at konsensya. Bakit
kailangan ganito ang kahantungan ng lahat?! BAKIT!
Sa inis ko ay padabog kong inakyat
ang mga huling baitang nito.
At naroon siya nakaupo at nakayuko.
Hindi nito inangat ang kanyang ulo kaagad at himbis ay pinunasan niya muna ang
kanyang mukha. Umiiyak siya... Mas lalo ako nanlumo at gustong tumakbo sa
kanyang tabi at tapusin na ang kahibangan ko at yakapin siya at sabihin sa
kanya na mahal na mahal na mahal ko siya.
Ngunit... Iba ang dapat kong gawin.
Naglakad ako papuntang balkonahe para itago ang pighati sa aking mukha. Hindi
ko siya kayang harapin.
Ang ilang sandali na kami ay tahimik
ay parang ilang oras na pahirap para sa aming dalawa. Parehas yata kami
nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Noong mapagpasyahan kong
magsalita ay siya naman itong isinatinig ang mga salitang nagpabagsak ng mga
nangingilid kong luha.
"I miss you so much,
Jaime."
Hindi ako sumagot dahil alam ko na
kapag nagsalita ako ay ibubuko ako ng aking boses. It will crack and I might
not be able to supress my feelings.
"Ano bang nangyari at nagbago
ang lahat? Bakit bigla mo akong iniwasan? May nagawa ba akong masama?",
sunod-sunod niyang tanong.
"Dahil kailangan ko nang itigil
ang pagpapanggap ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nagkaayos na kami ng pamilya
ko. Hindi na kita ... Hindi na kita kailangan." God! I'm so sorry Mikael,
to say these words to you. Sana mapatawad mo ako... You'll be fine without
me...
Katahimikan ulit ang bumalot sa aming
dalawa. Tama na Mikael, don't make me say foul things to you. It's better for
you to leave. Ayoko nang masaktan pa kita lalo. Tanggapin mo na sana na hindi
na tayo magkakasama pang muli. Kung kaya ko lang ay babaguhin ko ang lahat
ngunit wala akong kakayahan para gawin iyon.
"Hindi ako naniniwala sa
sinasabi mo. Sabihin mo ang totoo, pakiusap."
You ask for
it... Wala na ako magagawa.
"Alam mo, kahit bali-baliktarin
mo pa ang mundo, kung ano ang sinabi ko yun ang TOTOO! Leave with it! Do you
really BELIEVE that someone like me will hang out with SOMETHING like you?? Oh
yes! You heard me right. Something. Kasi para sakin isa ka lang bagay na kinailangan
ko lang pero ngayon na ayos na ang lahat, all I need to do is to dispose you.
Oo nga pala, heto pala yung pinahiram mong panyo. I had it washed several times
so you don't have to worry."
Hinagis ko ang puting panyo na galing
sa kanyang ama na hindi man lang lumilingon sa kanya.
"What else do you want to hear?
Siguro naman Mikael hindi mo na hahayaan na mas lalo ko pang pababain ang
pagkatao mo. And please, huwag kang magpaawa pa riyan. Sasayangin mo lang ang
effort mo because I won't give a damn, kahit pa umiyak ka pa ng dugo ay hindi
na nun mababago ang katotohanan sa mga sinabi ko. You are nothing to me.Kung ok
na lahat. I will go then."
"Kung wala lang ako sayo, para
saan lahat ng ginawa mo para sakin? At bakit ka pa nagpunta rito?!",
madiin niyang salita sa akin.
"Lahat yun ay pagpapanggap lang
Mikael. At pumunta ako dito para tigilan mo na ako at nahihiya na ako na panay
sunod mo sa akin. Kaya simula ngayon huwag na huwag ka na lalapit sa
akin." nagtuloy tuloy na ako sa hagdan para umalis.
Hindi ko na kayang marinig ang
kanyang paghikbi. Nasasaktan ako ng doble dahil ako ang dahilan ng hinagpis
niya. Patawarin mo ako mahal ko. Patawarin mo sana ako...
Unti-unti kong nilisan ang Tree
House, ang saksi ng pagkabuo at pagtatapos ng aming pagkakaibigan.
I wish you well
my love. Don't dwell too much in the pain that I had caused you. Strive for
your dreams and be happy... Paalam, Mikael ko.
-----Mikael
"Bakit… ", retorikang kong
tanong sa aking sarili.
Patuloy ang paglalakad sa hindi malaman
patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa paglalakad sa dis oras ng gabi.
Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam lang niya ay ang sakit na dulot
nang hindi mapaniwalaang pangyayari.
Mahigit isang oras na simula nung
iwan ko sa aking paborito lugar ang taong sobra kong pinahalagahan. Pagod.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na alam kung anong lugar itong
aking napuntahan. Naawa ako sa aking sarili kapag naaalala ko ang kanyang mga
sinabi pilitin ko mang iwinawaksi ang mga ito ay patuloy itong umaalingawngaw
sa bawat sulok ng aking isipan. Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig at
wala na akong naisatinig ng mga oras na iyon.
Marahil hanggang dito na lang talaga
ang kwento naming dalawa. Love is really strange. Hindi mo alam kung kailan at
kanino mo ito mararamdaman. Kung nariyan na wala rin makakapagsabi kung
hanggang kailan. At kadalasan, ikaw lang ang nagmamahal at ikaw lang ang
nasasaktan. Tulad ko ngayon, pinili ko ito at kailangan kong harapin ang mga
consequences ng naging desisyon ko. Ang desisyon na papasukin siya sa buhay
ko...
Hinding hindi mo maaalis sa sarili mo
yung pakiramdam kahit pa ilang beses mong kalimutan. Magiging parte mo na iyon,
you may forget the feelings but still you will not forget what happened.
At basta nagmamahal ka, wala ng ibang
dahilan. You can't resist it. You just have to deal with it lalo na kung hindi
ito masusuklian ng napili ng puso mo.
Wakas...
Hi po, sorry super tagal ng updates ng kwento ko. MAraming maraming salamat po sa mga sumubaybay sa aking unang kwento. I hope you like it. Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na palaging nariyan to support me and to push me whenever tinatamad na akong ituloy itong kwentong ito.
There are still a lot of questions to be answered so ibig sabihin po ay....may book 2 po ito.(Sana lang sipagin ako hahahahaha!)
Maraming salamat po ulit sa inyongmga nagbabasa ng aking gawa at salamat din sa mga magagandang feedbacks po ninyo.
Chris Li
natapos sya ng ganun lang? Okay I hope ung book2 eh ung tumulong kay Mikael mkatuluyan nya. Para magsisi si Jaime! I hate him! Such a coward.
ReplyDeletehai nako.,kabitin naman to.inabangan ko pa naman to.sna lng magawa kaagad ung book 2.hnd ko maatim na hanggang d2 lng ang kwento ni jaime tpz ni mikael.hmp.pero goodt job pho sa author.astig:)
ReplyDeletesana may update na kaagad..kay tagal kong hinintay ang update neto..sana naman di umabot ulit ng siyam2x bago magkaroon ulit ng update to..
ReplyDeleteakalain mo tapos na pala tong book 1..
ReplyDeleteHindi ko makuha ung punto ni Jaime at kailangan nyang iwasan si Mikael. Masyadong bitin tong book 1.
Sana sa Book 2 pumasok na ung ibang Characters.
Congrats sa author :D
Thanks and GOB BLESS YOU
like the idea of the author na wag mgbigay ng mga clue kung bakit nangyari kila jaime at jm ung ganun kaso SOBRA nga lang sa cliffhanger pra sa season finale ng book 1 daig p ang series sa america ha.plus the flashback ng story and interwined persona kun san pinakita lahat ng tauhan ang galing.superb kudos sa write UPDATE PLEASE..
ReplyDeleteSobrang nakakabitin..
ReplyDeleteKelan po ang book 2?
kelan po lalabas book 2?
ReplyDeleteexcited na ako para sa next part..
nice work Author :)) keep up the good work
& God Bless ^^
....nice story! Walang libog pero swak na swak! Hope may update na yung book 2.
ReplyDeletenaku ha tigil tigilan mo ko author, magupdate ka na at wag ka ng tamarin, kaya mo yan para happy happy na lahat. Go lng ng go
ReplyDeleteAnyere dto,,,sumakit ata ulo ko s story n to,,hehe,,
ReplyDeleteAnyere dto,,,sumakit ata ulo ko s story n to,,hehe,,
ReplyDelete