Photo by: Justyn Shawn
Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Manigong Bagong Taon!
Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo. Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat. Sana po ay naintindihan ninyo.
Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo. Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat. Sana po ay naintindihan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
“Hello Jane, nand’yan ba si Enzo kanina ko pa kasi s’yang tinatawagan kaya lang he’s not picking up my call.” Ang medyo inis kong tanong dahil hindi nga nasagot ni Enzo ang tawag ko.
“Ano kasi Ron… Si Enzo…” Hindi pa man natatapos ni Jane ang nais sabihin ay agad ko itong pinutol dahil nag-alala ako kung ano ang nangyari kay Enzo.
“Bakit anong nangyari kay Enzo?!” may tono ng pag-aalala. Siguro dahil alam ko ang pinagdaraanan n’ya, brokenhearted katulad ko dati.
“H’wag ka ngang OA d’yan! Si Enzo ayun sa CR kanina pang suka ng suka. Mantakin mo ba namang uminom mag-isa, ayun sobrang lasing.” Pagtataray ni Jane. “Nasaan ka ba kasi nagpunta ha, ni hindi mo man lang nagawang tumawag para magpaalam!?” sa mas mataray na boses.
“Akala ko naman kung ano na ang nangyari… Dito sa Dubai…,” at bago pa man ako magpatuloy ay inudlot na ni Jane ang sasabihin ko. Parang alam na kung bakit ako nandito sa Dubai ngayon.
“Dubai… Para ano? Makipagkita at makipag-ayos kay Christian?” pangunguwestiyon niya sa ginawa kong desisyon.
“Oo, alam mo naman diba…” at muli akong akong nabusalan ng bigla itong magsalita.
“Oo alam ko tanga ka pero hindi ko alam na ganyan na pala kalala ang katangahan mo para sa Christian na yan! Hindi na kita pipigilan nagdesisyon ka na. Sana lang mapangatawanan mo ng maigi yang desisyon mong makipagbalikan kay Christian.” Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na nitong pinatay ang awditibo ng telepono. Iiling-iling na lang ako sa naging usapan namin ni Jane.
“Anong sabi ng kausap mo at iiling-iling ka d’yan?” takang tanong ni Christian sa akin. Dahil ayaw kong masira ang gabi namin nagsinungaling na lang ako sa kanya na walang masyadong importanteng usapan ang naganap at ang tanging katotohanan na nasabi ko sa kanya ay ang pagkalasing ni Enzo.
Matapos makapagbayad ay napagpasiyahan namin na magtungo ng mall upang maglibot-libot muna bago umuwi sa bahay nila Christian.
Sa pagkakataong ito na magkasama kaming muli ni Christian tila parang bagong magkasintahan kaming muli. Lumabas muli ang pagiging sweet namin sa isa’t-isa. ‘Yung tipong wala kaming pakialam sa nakakakita sa amin. Paminsan-minsan ay naglalakad kami ng magkahawak ang mga kamay, minsan bigla na lang s’yang aakbay sa akin. Hindi ko alintana ang pwedeng sabihin ng mga makakakita sa amin kahit nakaakabay s’ya sa akin o magkadaupan ang aming mga palad habang hawak n’ya ang puting teddy bear at ako naman yung tatlong lobong puti. Nagkakatawanan na lang kami kapag nakikita namin ang reaksyon ng mga nakakasalubong namin. Kulang na lang balikan namin isa-isa ang mga tsismosong mata at sabihin sa kanilang, “Inggit kayo?”
Matapos mapagod sa paglilibot ay nag-aya na akong umuwi dahil masakit na ang paa ko kalalakad at isa pa gusto ko ng magpahinga kasama s’ya. Pagdating ng bahay ay agad kaming humiga sandali.
“Buddy…” pagtawag ni Christian habang nakahiga ako sa kanyang bisig at nakapikit ang mata.
“Hmmm… bakit Budz?” tanong ko.
“Buddy… Alam mo bang sobrang saya ko ngayon… Kasi sa hindi nasayang ang ginawa kong surprise at lalong sumaya ako kasi hindi nasayang ang paghihintay ko sa yo. Mahal na mahal kita Ron.” Kahit nakapikit ako dama kong tumagilid s’ya at humarap sa akin kahit pa naka-unan ako sa kanyang bisig. Nanatili akong nakapikit at hindi sumagot sa kanyang sinabi. “Uyyyy… Ang Buddy ko nagtutulug-tulugan…,” Pinilit kong hindi matawa sa kanyang sinabi pinanatili ko ang pagkakapikit ko. “Ayaw mo talagang kumibo d’yan ha…” Inalis n’ya ang kanyang braso na inuunanan ko at naramdaman ko ang mabilis na pagdagan n’ya sa aking ibabaw.
“Umph!” impit na tunog lang ang nagawa ko dahil sa bigat na nakapatong sa akin ngayon.
“Ayaw mo kasi akong pansinin ih… ito ewan ko na lang kung di ka pa rin mamamansin…” bigla niyang sinunggaban ng halik ang aking mga labi. Halik na sadyang kinasabikan kong matikmang muli. Napakabanayad ngunit punung-puno ng pagnanais at pagmamahal. Napakasarap damhin ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Ang banayad na halik ay naging mapusok ngunit mapagkalinga. Dinala ako ng bawat paggalaw ng ng mga ito sa ibang dimensyon, na kung saan kaming dalawa ang bumuo. Dito malaya kaming makagawa ang mga gusto naming mangyari sa amin.
Ang sumunod na nangyari ay ang unti-unting pagtanggal ng aming mga saplot na tuluyang nagpadarang sa apoy ng aming nararamdaman. Nanginig ang bawat hibla ng aking kalamnan sa bawat dampi ng ng aming balat. May kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking mga ugat upang maging sanhi ng lalong tumindi ang pagnanais kong matikmang muli ang sandaling aming pinagsaluhan katulad ng dati, sandaling pinapadama namin kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. Naging mapagparaya ang bawat kilos ko at naging mapagkalinga naman si Christian. Halos sabay naming nilasap ang sarap. Sabay naming kinalimutan ang nangyari at sinariwa ang damdaming natulog.
Matapos pagsaluhan ang init ng damdamin ay yumakap ako kay Christian habang hinahaplos n’ya ang buhok ko.
“Ang tagal kong inasam na mangyari ulit ang bagay na nangyari sa ‘tin kanina. Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang nangyari. Walang araw na hindi ko inasam na magbalik ka at makasama ko muli. Walang araw na hindi kita minahal…” matapos sabihin ni Christian ang mga katagang ito ay hinalikan niya ang noo ko.
Iniangat ko ang aking mukha at tumingin sa kanya habang nanatili sa pagkakayakap sa kanya. “Kung alam mo lang kung gaano kaong nangulila sa ‘yo. Kung gaano kong ninais na magkabalikan na tayo kahit pa hadlang na ang mga kaibigan ko sa relasyon natin. Pero, hindi na nila mapipigilan ang desisyon ko… Mahal kita and I am willing to take the risk again of having you back into my life… Nagkalayo man tayo noon, hindi naman huminto ang pagtibok ng puso ko para sa ‘yo kasi ikaw na ang laman nito at hindi ko yata hahayaang mawala ang taong mahal na mahal ko… Ang taong nagpadama sa akin na mahalaga ako sa buhay nya at higit sa lahat ang taong nagpanumbalik ng dating Ronald…” matapos bitawan ang huling salita ay mahigpit kong niyakap si Christian tanda na sobrang na miss ko s’ya at gusto kong bumawi sa mga panahong hindi kami magkasama. Nanatili kami sa ganoong posisyon, nakaulo ako sa kanyang braso at nakayakap sa kanya. Hanggang sa nakatulog kami ng hindi namin namamalayan.
Ang sarap sa pakiramdam ng wala kang iniintinding mabigat na dinadala. Yung tipong tuluyan ka ng nilisan ng pighati at handa ka ng harapin ang kinabukasan kasama ang taong mahal mo na kahit may mga taong alam mong hahadlang sa relasyon n’yo ay hindi mo iindahin dahil sa pagkakataong ito may magiging kakampi at kasangga ka sa pagharap sa mga trials that will come along the way. For now, all we have to do is to enjoy each moment that we are together and catch up on the days that we are not together. Wala akong sasayanging sandal sa pagkakataong ito. Gagawin ko ang lahat para lalong mas tumatag pa ang samahan naming dalawa.
Nagising na lang ako kinabukasan ng isang halik mula kay Christian.
“Good morning Budz!” sabay bigay ng napakagandang ngiti na halos ikatunaw ko. Lalo pa’t nakita ko na naman ang kanyang mala anghel na mukha.
“Good morning Buddy!” Magiliw kong tugon at idinampi niya ang kanyang mga labi sa aking mga labi.
“Tumayo ka na d’yan at baka matraffic ka pa pabalik ng Abu Dhabi. Maligo ka na at ako naman ay magluluto.” Sabay hatak sa kamay ko dahilan upang ako ay mapilitang tumayo. Sa totoo lang gusto ko pa sanang hindi muna pumasok at mag-stay na lang muna kasama ni Christian kaya lang katatapos lang ng bakasyon ko baka sabihin sa akin ng amo ko masyado na akong nag-ti-take advantage sa kabaitan n’ya sa akin kaya kahit labag pa man sa kalooban ko ang umalis at bumalik sa Abu Dhabi ay wala akong magawa kundi sundin na lang si Christian. Agad kong inilabas ang baon kong damit na pamalit at tumungo na ng CR upang makaligo habang s’ya naman ay naghahanda na ng breakfast naming dalawa.
Matapos makapag-ayos ng sarili at makapag-almusal ay agad akong inihatid ni Christian sa bus station. Buti na lang at ng dumating ako ay sandal lang ang naging paghihintay ko at napuno agad ang bus. Nagawa kong makatulog sa byahe dala na rin siguro ng maaga kong paggising kaya tinamaan ako ng antok.
Naging mabilis ang biyahe namin dahil na rin siguro maaga akong umalis at hindi nakasabay sa rush hour ng Dubai kaya pagdating ko ng Abu Dhabi ay nagawa ko pang makauwi muna. Nang makarating ako ng bahay ay nakita ko si Enzo na tulug-na tulog. Bigla akong nainis sa gulo ng kwarto na nakita ko. Ang daming nagkalat na basyo na lata ng beer mga balot ng chips na sa tingin ko ay ginawang pulutan at higit sa lahat ang dumi ng kama ko. At ang kinagalit ko ng todo ay ang pagsisigarilyo sa loob ng kwarto nagkalat ang upos sa buong kwarto at ang mga filter ay nagkalat sa lapag. Gusto kong gisingin si Enzo at bulyawan sa kanyang ginawa pero pinilit ko pa ring pakalmahin ang aking sarili upang hindi masira ang good mood na binigay ni Christian sa akin. Nag-iwan na lang ako ng note sa gilid ng table para kay Enzo. Inilagay ko ang dala kong bag sa cabinet ko at umalis agad upang pumasok.
Kahit pa medyo inis ako sa dinatnan ko sa bahay naging magaan naman ang buong araw ko dahil kay Christian. Walang minuto na hindi ito nagse-send ng message sa akin o kaya naman ay tatawag sa office. Kaya naman inspired akong magtrabaho at panadalian kong nakalimutan ang magulong kwarto na aking inabutan dahil napawi ng mahal ko ang inis na aking nararamdaman at napalitan ng kilig na nagbigay ng drive sa akin na pagbutin ang trabaho ko sa araw na iyon.
“You look so happy. Are you inspired?” tanong ng tsismoso kong amo isang maaliwalas na ngiti lang ang itinugon ko dito bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. “So it means you really are inspired. I can see now the old Ron, the enthusiastic one,” sabay tapik sa aking balikat.
Maayos kong nagawa ang mga trabaho ko. Katulad ng dati walang gaanong hassle sa naging takbo ng araw ko.
Nagliligpit na ako ng gamit ko dahil tapos na ang duty ko ng tumawag si Jane.
“Hello Ron…” bungad nito.
“O, bakit ka pa napatawag pauwi na ako?” tugon ko dito habang inaayos ang mga papeles na trabahuhin ko kinabukasan.
“Ano ba naman ‘tong kaibigan mo wasalak!?” inis na wika nito. “Hindi pa nahihimasmasan sa ininom kagabi ito na naman at may balak na namang uminom hindi ko mapagsabihan kasi baka sabihing nanghihimasok ako sa buhay n’ya. Bilisan mong umuwi at pagsabihan mo ‘to,” pagrereklamo nito.
“Okay sige uuwi agad ako. Hinihintay ko lang ang tawag ng driver namin.” Nagmamadali kong inilock ang drawer ng table ko. Kinuha ang mga gamit ko at ako na mismo ang tumawag sa driver upang makauwi na. “Ano na naman ba ang pumasok sa utak mo Enzo?” bulong ko sa sarili.
Ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe pauwi ng bahay. Agad akong dumiretso kahit pa may bibilhin pa sana ako sa grocery ay mas inuna ko pa ang makauwi at makausap si Enzo about sa inaasta nya.
Pagpasok ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto naming ni Enzo. Naglinis naman ito at pinalitan na rin ang bed sheets. Ang kaninang iniwan kong parang nabagyo ngayon ay maayos na. agad na hinanap ng aking mata kung nasaan. Tinignan ko sa sala ngunit wala ito. Pinuntahan ko sa kusina ngunit wala rin tanging ang niluto niyang ulam lang ang aking naabutan. Agad akong pumunta sa kwarto ni Jane upang tanungin kung nakita nila si Enzo.
“Jane… Jane… Jane…,” pagtawag ko dito.
“Nandito ako sa loob, pasok ka.”
Agad akong tumuloy sa loob ng kwarto nila Jane. “Alam mo ba kung saan nagpunta si Enzo?” pagtatanong ko.
“Hindi. Kanina nakita ko lang s’ya na may kausap at nadinig ko na mag-iinom sila kaya nga kita tinawagan. Tapos n’un nagluto lang s’ya. Naligo at umalis ng walang paalam. Hindi ba nagtext sa ‘yo?” Pagpapaliwanag nito sabay balik tanong sa akin. Umiling lang ako upang ipahiwatig na hindi ito nagpaalam sa akin at lumabas na rin ako ng kwarto.
Kinuha ko ang telepono ko upang tawagan si Enzo at alamin kung nasaan.
“Hello… Nasaan ka?” bungad kong tanong ng sagutin nito ang tawag ko.
“Dito ako sa bahay ng kaibigan ko, mag-iinom. Nakakahiya kasi ‘pag d’yan pa ako nagkalat sa kwarto…” hindi pa man s’ya tapos sa kanyang sinasabi ay sumabat agad ako.
“So d’yan hindi ka mahihiyang magkalat? At nakidayo ka pa ng inuman para lang sa bisyo mo? Mag-isip-isip ka nga Enzo. Pumunta ka dito para makalimot hindi para maging adik sa alak. Bumalik ka na dito at hindi naman madadaan sa alak ang problema mo. Harapin mo ‘yan at h’wag mong takbuhan!” panenermon ko dito. Sa totoo lang nakukunsensya naman ako sa pinagsasabi ko sa kanya. Alam kong wala akong karapatang panghimasukan ang buhay n’ya pero bilang isang kaibigan ayaw kong matulad sya sa nangyari sa akin dati na nilunod ang sarili sa pag-inom ng alak para lang makalimot ngunit pagdating ng huli ganon pa rin, ramdam ko pa rin ang sakit na dinulot sa akin. “Ayaw kong alak ang maging escape goat mo para lang makalimot. Pwede naman nating pag-usapan dito kung ano man ang problema mo. Hindi kayang burahin ng alak kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Maaaring makalimot ka panandalian pero paggising mo ba wala na ang problema mo? Bumalik ka na dito. Hihintayin kita.” Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon n’ya sa mga pinagsasabi ko over the phone pero narinig ko na lang itong nagpaalam at sinabing next time na lang daw sila uminom dahil may nakalimutan daw s’yang gagawin.
“Sige hintayin mo ko pauwi na ako d’yan. Give me twenty minutes.” Sabay baba ng tawag.
Ilang saglit pa ay nakita ko na itong pumasok ng bahay habang ako ay naninigarilyo sa may sala. Dumiretso ito sa loob ng kwarto. Agad kong tinapos ang paninigarilyo ko at sumunod na dito.
“Hindi mo pa rin ba kayang harapin ang problema mo at kumukuha ka ng lakas ng loob sa alak?” pag-uumpisa ko.
Nanatiling nakayuko si Enzo at walang kibo.
Ilang minuto ng katahimikan.
“I cannot barely forget him…” as he started to talk. Pero sandali tama ba ang narinig ko? HIM?
“A-anong ibig mong sabihin?” litong tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay straight si Enzo. Sa tikas ng katawan nito at lakas ng dating. Walang mag-aakala na kabilang pala s’ya sa mundong ginagalawan ko.
“Isa din akong bisexual.” Lakas loob nitong pagsisiwalat. Napatulala lang ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil kahit pa man bisexual ako hindi ko man lang nabanaagan ng kakaibang kilos ito na isa rin s’yang Adan na may puso ni Eba. “At ang taong sanhi ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay si Allan…” isa pang rebelasyon na aking ikinagulat.
“Pe-ro… pa-anong… ba-kit?” ang mga tanong na halos hindi ko maisatinig dala ng pagkabigla sa aking mga narinig.
Si Allan ang isa sa mga close friends ko sa dati kong pinagtatrabahuhan sa Pilipinas at sa totoo lang walang hindi lilingon sa taong ito. Malakas ang sex appeal nito mapa babae man o lalaki magsasabing talagang iba ang taglay nitong kaguwapuhan.
Tumabi ako kay Enzo at hinawakan ang kanyang kamay. “Ano bang nangyari Enzo? Handa akong makinig sa ‘yo pero kung hindi ka pa handa hindi kita pipilitin.” PInisil ko ang kanyan kanyang kamay upang ipahiwatig na nandito lang ako handang dumamay sa kanya.
Nanatili ang kanyang katahimikan, bigla na lang nagpakawala s’ya ng isang malalim na buntong-hininga. “I never thought that I would fall for Allan… ako ang naging takbuhan n’ya sa lahat ng bagay… we became close simula ng naging trainor ko s’ya lalo pa noong laging nagkakasabay ang duty naming dalawa hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng pagkakataon na magkasama kami sa iisang shift o talagang nagkataon lang ang lahat…” Panandalian s’yang tumigil sa pagkukwento at pinunas ang kanyang mga mata na walang sawa sa pagpapalabas ng mga tubig na bumabasa sa kanyang mga pisngi. “Hindi ko inakalang sa mga simpleng paghingi n’ya ng payo tungkol sa love life n’ya at ang minsanang pagba-bonding naming dalawa… mahuhulog pala ang loob ko sa kanya… ang hirap lang nito pilit kong pinipigilan ang mainlove sa kanya ng todo pero habang pinipigil ko ang sarili ko s’ya naman ang lapit ng lapit… minsan nagsisinungaling na lang ako para lang makaiwas sa pag-aaya n’yang makipag-bonding… pero kilala n’ya ako kung kailan ako nagsisinungaling at kung kailan ako nagsasabi ng totoo…” lalong bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam paano pa syang papatahimikin. Inilagay ko ang kanyang ulo sa aking balikat habang patuloy kong hinahaplos ang kanyang buhok.
Nakakaawa ang kalagayan ni Enzo. Anong tulong ba ang maibibigay ko sa kanya? Paano ko ba s’ya maiaahon sa sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman? Paano?
Itutuloy…
wla pa po bang part 22???bitin po kc eh..pwde po pkidalian lng??hehehe(demanding):))
ReplyDeletepasensya na po mejo busy po kasi. don't worry as soon as matapos ko ang 22 ipopost ko po agad. salamat.
Deletehello po author . meron npo ba itong chapter 22 ? :)
ReplyDeleteSorry, for.the long wait... I will post it in a while...
ReplyDelete